ANG trailer ng “Family Matters” na produced ng Cineko Productions ay umaani ng milyon-milyong views online sa pinagsama-samang platforms.
Sa ngayon, meron na itong mahigit 35 million views.
Isa sa mga official entry sa 2022 Metro Manila Film Festival. Parang in tradition of “Tanging Yaman,” a family movie na siguradong tatagos sa puso ng bawat manonood, lalo na nga at maraming makaka-relate rito.
At mismong ang beteranong actor na si Noel Trinidad ay nararamdaman daw ang lakas ng trailer pa lamang ng kanilang pelikula.
“We’ve been getting very good response from the trailer to the extend na my personal experiences,” lahad niya.
“People have been approaching me to shake my hands, to have pictures taking with me because of the trailer. Trailer pa lang.”
Hindi raw niya makalilimutan ang isang lalaki na lumapit sa kanya.
Aniya, “Merong lumapit sa akin, big guy, maton. Lumapit sa akin, ‘ang ganda ho ng trailer niyo. Naiyak po ako.’
“Mamang-mama and this has been going on. And there’s two people responsible for it. Not just for the trailer, but for the movie.
“I want to cite of course, si Mel (del Rosario) because of the wonderful story. Noong prinisent sa akin ang script the first time, I told myself, I have to do this. Dahil pagkaganda-ganda ng script.
“The second person I have to cite in this movie is si Direk. Si Direk, very quiet director, but he guides you all the way. Hindi ka mangangapa. Kung gagawa ka ng scene, he will explain to us what it’s like before, what it’s like after. Ano ang relationship namin sa ibang characters.
“I’d also like to thank tukayo. I call him tukayo kasi, almost the same Noel.”
Ang tinutukoy niyang tukayo ay ang director ng “Family Matters” na si Direk Nuel Naval.
Sabi pa niya, “He really guided us in any scene. Kaya I was saying, sana merong category na Best Unsung Acting in a movie, because surely, we will qualify and that’s because of Direk.
“Somehow nabuo ang gusto niya.”
Ang gumaganap na asawa niya sa movie ay si Ms. Liza Lorena habang mga anak nila sina Nonie Buencamino, JC Santos, Mylene Dizon at Nikki Valdez. Parte pa rin ng pamilya sina Ian Pangilinan, James Blanco at Agot Isidro.
Sa panulat ni Mel de Rosario at sa direksiyon nga ni Nuel Naval. Same team who brought us the tear-jerker movie, “Miracle in Cell #7.”
***
MASAYANG-MASAYA ang Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan sa bago niyang serye sa GMA7, ang “Urduja.”
Para itong nanalo na ng award at parang nagbigay na ng speech sa pagpapasalamat sa network. Nagbalik-tanaw rin sa 24 years daw niya bilang isang Kapuso. Simula pa sa panahon ng Sexbomb at Daisy Syete siya.
Sabi ni Rochelle, “24 Years! Yes, 24 years na po ako sa GMA. Sobrang Grateful sa lahat ng mga taong nakasama ko, from utility, PAs, APs, EPs, sa lahat ng fans at kaibigan na sumusupporta sa akin at higit sa lahat sa aking mga boses para sa opportunies at tiwala na patuloy na binibigay ninyo sa akin.
“Ipinagpapasalamat ko ang lahat ng nangyayari sa akin. Sobrang laking parte ng GMA sa kung anuman ako ngayon kasama ang pamilya ko. Sila din ang dahilan kung bakit nakakagawa ako ng ibat ibang proyekto kaya taus puso ang pasasalamat ko. Wala pong ROCHELLE PANGILINAN ngayon kung hindi dahil sa kanila.
“Isa na naman pong project ang pinagkatiwala sa akin ng GMA. Asahan nyo po na mas pagbubutihan ko pa ang pagganap sa proyektong ito. Paghahandaan ko po ito. At sana po ay magustuhan ninyo. Sobrang nagpapasalamat po ako kay God dahil ang saya po ng puso ko ngayon. Marami man pong pagsubok sa buhay. Solido naman po ang aking support system.
“Lalung lalo na sa aking mga boss, Sir FLG, Sir JRD, Sir FSY, Ma’am Lilybeth Gomez-Rasonable, Ms. Annette Gozon Valdes, Ms. LGM, Ms. Cheryl Ching Sy, Ms. Helen Rose S. Sese, Ms Dedicatoria N Ayalexi at sa buong GMA Drama group, sa GMA comedy and musical group GMA NAPA at sa buong GMA FAMILY ko.❤️
“Salamat Ma, Perry. Sa paggabay sa akin.
“URDUJA Jewels!! LEZZ GO!!!”
Makakasama rin ni Rochelle sa “Urduja” ang iba pang Kapuso actresses tulad nina Sanya Lopez at Kylie Padilla.
(ROSE GARCIA)