• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 13th, 2022

VARIETY SELECTS “I WANNA DANCE WITH SOMEBODY” AS ONE OF TOP 10 BEST FILMS OF 2022

Posted on: December 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

COLUMBIA Pictures’ I Wanna Dance with Somebody is shaping up to be a must-see, big-screen experience as it has been hailed by the prestigious Variety Magazine as one of the Ten Best Films of 2022.  

 

 

[Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/HzpCdwm8KkU]

 

 

In Variety’s year-ender story, “The Best Films of 2022,” resident film critic Owen Gleiberman described I Wanna Dance with Somebody as “the kind of lavish impassioned all-stops-out pop-music biopic you either give in to or you don’t — and if you do, you may find yourself getting so emotional, baby.”

 

 

Gleiberman continues, “As Whitney Houston, Naomi Ackie is far from the singer’s physical double, yet she nails the hard part: channeling her incandescence. She shows you the freedom that made Houston tick and the self-doubt that ate away at her, until she fell from the mountaintop she’d scaled.”

 

 

The film’s director, Kasi Lemmons, is also cited for creating “a portrait of Houston’s dilemmas and demons that’s bracingly authentic, from the drugs to the family backstabbing to the love relationship with Robin Crawford (Nafessa Williams) that a homophobic society made her feel compelled to repress, from the attacks she weathered for her music being “not Black enough” to the self-destructive refuge she sought in her relationship with the sexy scurrilous lightweight Bobby Brown (Ashton Sanders).  As Clive Davis, Stanley Tucci captures the Arista mogul’s bone-dry dictator-mensch savoir faire.”

 

 

The citation concludes with the ravishing acclaim — “Whitney gets dragged down by forces both in and outside her. Yet through it all, her voice, her songs, her artistry of faith shines like a rapturous light.”

 

 

I Wanna Dance with Somebody opens exclusively in cinemas across the Philippines on Sunday, January 08, 2023.

 

 

About I Wanna Dance With Somebody

 

 

I Wanna Dance with Somebody is a powerful and triumphant celebration of the incomparable Whitney Houston. Directed by Kasi Lemmons, written by Academy Award® nominee Anthony McCarten, produced by legendary music executive Clive Davis and starring BAFTA Award® winner Naomi Ackie, the film is a no-holds-barred portrait of the complex and multifaceted woman behind The Voice. From New Jersey choir girl to one of the best-selling and most awarded recording artists of all time, audiences are taken on an inspirational, poignant—and so emotional—journey through Houston’s trailblazing life and career, with show-stopping performances and a soundtrack of the icon’s most beloved hits as you’ve never heard them before. Don’t you wanna dance?

 

 

Directed by Kasi Lemmons, written by Anthony McCarten,  produced by Anthony McCarten, Pat Houston, Clive Davis, Larry Mestel, Denis O’Sullivan, Jeff Kalligheri, Matt Jackson, Molly Smith, Trent Luckinbill, Thad Luckinbill, Matt Salloway, Christina Papagjika.

 

 

The film stars Naomi Ackie, Stanley Tucci, Ashton Sanders, Tamara Tunie, Nafessa Williams and Clark Peters.

 

 

I Wanna Dance With Somebody is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #IWannaDanceMovie

(ROHN ROMULO)

Nasita sa city ordinance, binata buking sa shabu

Posted on: December 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang binata matapos makuhanan ng shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa city ordinace sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police Sub-Station 2 Commander P/Major Randy Llanderal ang suspek bilang si Christian Santiago, 30, construction worker ng 6111 Lower Tibagan St, Gen. T. De Leon.

 

 

Sa isinumiteng report ni PSSG Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-12:45 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng SS2 sa kahabaan ng FJ.E Fama Street, Brgy. Gen. T. De Leon nang makita nila ang suspek na walang suot na damit na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang lapitan ng mga pulis para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay kumaripas ng takbo ang suspek na naging dahilan upang habulin siya ni PCpl Roland Gicar at Pat Allan Caballero hanggang sa makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang dalawang small heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 0.2 grams ng hinihinalang shabu na nasa P1,360 ang halaga at isang lighter.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agent of Such Person) at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Maharlika wealth funds ‘advantageous’ sa Pilipinas ayon kay PBBM

Posted on: December 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DINEPENSAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatayo ng Maharlika Wealth Fund na siyang magbibigay daw ng dagdag na investments sa bansa.

 

 

Sa kanyang unang public statement sa kontrobersyal na bill, sinabi ng president na naniniwala siyang magiging “advantageous” ito sa bansa. “ For sure, I wouldn’t have brought it up otherwise.”

 

 

“It’s very clear we need added investment. This is another way to get that,” dagdag pa niya.

 

 

Ito ang nagging tugon ng pangulo nang tanungin siya ng reporters habang sila ay patungong Belgium para sa ASEAN-EU Commemorative Summit.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na dapat daw muna itigil ang mga pagdedebate hangga’t hindi pa nakikita ang “final form” ng proposed bill at mas mabuting hintayin kung ano ang gagawin ng mga mambabatas ukol dito.

 

 

“Because we could be debating about provisions that will no longer exist,” ani Marcos.

 

 

Sa ngayon, inamyendahan na ng mga mambabatas sa House of Representatives ang Maharlika fund bill matapos umani ng kritisismo ang proposal.

 

 

Kasama sa mga binago ang pagtatanggal sa Government Service Insurance System at Social Security System bilang pondo para sa sinasabing sovereign fund bill. Sa ngayon, kita mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang magiging source ng seed money para sa Maharlika fund. (Daris Jose)

Benilde rumesbak!

Posted on: December 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUHAY  pa ang College of Saint Benilde nang kubrahin nito ang 76-71 panalo kontra sa defending champion Colegio de San Juan de Letran para makahirit ng do-or-die Game 3 sa NCAA Season 98 men’s basketball finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Walang iba kundi si season Most Valuable Player (MVP) Will Gozum ang nasandalan ng Bla­zers matapos kumana ng 21 points, 10 rebounds at tatlong blocks.

 

 

Nagpasiklab din si Migs Corteza na nagsumite ng sariling double-double na 21 points, 10 boards, apat na assists at isang block.

 

 

Naitabla ng Blazers ang best-of-three championship series sa 1-1 kung saan lalaruin ang deciding Game 3 sa susunod na Linggo (Disyembre 18) sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

 

 

Nag-ambag naman si Miguel Oczon ng 15 markers, pitong boards, dalawang assists at isang block habang may 10 puntos, apat na assists at dalawang boards si Rob Nayve.

 

 

Nanguna sa panig ng Letran si Brent Paraiso na naglista ng 16 markers samantalang may tig-11 sina Louie Sangalang at Kurt Reyson.

 

 

Nabangasan pa ang Knights sa pagka-eject ni Fran Yu matapos patawan ng disqualifying foul nang sikuhin nito si Benilde player Mark Sangco sa second quarter.

 

 

Dahil dito, awtomatikong mapapatawan si Yu ng suspensiyon kaya’t hindi ito makalalaro sa do-or-die game ng Letran at Benilde sa susunod na linggo.

 

 

Samantala, napasakamay ni Gozum ang MVP award matapos magtala ng averages na 16.9 points at 9.8 rebounds kada laro sa eliminasyon.

 

 

Si Gozum ang unang MVP mula sa Benilde sapul nang magwagi si Jay Sagad noong 2005 edisyon ng torneo.

 

 

Kasama ni Gozum sa Mythical Selection sina JB Bahio at James Kwekuteye ng San Beda University, King Caralipio ng Letran at Cade Flores ng Arellano University.

 

 

Nakuha rin ni Flores ang Defensive Player at Rookie of the Year awards.

 

 

Pasok sa defensive team sina Gozum, Bahio, Mark Omega ng Perpetual Help at Romel Calahat ng San Sebastian College-Recoletos habang Most Improved Player si Shawn Umali ng Lyceum.

 

 

Ibinigay sa San Beda ang sportsmanship award. (CARD)

DepED, ipinag-utos sa mga eskuwelahan na magsagawa ng mandatory unannounced earthquake, fire drills

Posted on: December 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng Department of Education (DepED) sa lahat ng  public schools na magsagawa ng “unannounced earthquake at fire drills” para makatulong na pataasin ang kamalayan ng mga mag-aral at personnel ukol sa kung ano ang dapat gawin kapag may nangyaring natural calamities.

 

 

Nilagdaan ni  Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte, ang DepEd Order No. 53 series of 2022 na nagsasaad na nire-  require ang lahat ng mga paaralan na magsagawa ng “unannounced earthquake at fire drills” sa mga paaralan.

 

 

Matatagpuan sa loob ng seismically active Pacific “Ring of Fire,” sinabi ng DepED na ang Pilipinas ay  prone sa natural disasters at lindol.

 

 

“These natural hazards, coupled with vulnerabilities, increase the risk of disasters in schools and communities,” ayon sa departamento.

 

 

Ang paliwanag pa ng DepED,  maliban sa  natural disasters, ang man-made catastrophes ay “pose serious risks and threats to the safety and security” sa mga estudyante, guro at iba pang school personnel.

 

 

“Emergencies and calamities may strike anywhere and anytime,” DepED said. “Thus, having an effective preparedness plan is the key in preventing disasters and saving lives,” ayon sa DepEd.

 

 

Winika pa ng DepED na ang local drills at simulation exercises ay “preventive measures that familiarize escape routes and reinforce proper actions in the occurrence of a calamity.”

 

 

“Frequent practice of these drills and exercises would eventually turn these actions into automatic reflexes that would manifest during an actual calamity,” ayon pa sa departamento.

 

 

Alinsunod sa pangako ng DepEd na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aral at school personnel, sinabi ng DepED na  “all public schools are hereby required to conduct unannounced earthquake and fire drills every first and third week of every month.”

 

 

Ang nasabing direktiba, paliwanag  ng DepEd ay nasa ilalim ng  Republic Act (RA) No. 10121 o The Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 na naglalayong i- promote ang  development sa kapasidad sa disaster management sa mga indibiduwal,  organizational, at institutional levels.

 

 

Inatasan din ng DepED ang School Heads, sa tulong ng School Disaster and Risk Reduction Management Coordinators, na bilisan ang “planning, implementation, at regular monitoring” ng mga drills sa kani-kanilang eskuwelahan.

 

 

“These drills are to ensure that all learners are properly guided on what should be done during and after an earthquake or occurrences of fire in schools,”ayon sa  DepEd..

 

 

Ipinag-utos din ng DepED sa lahat ng mga eskuwelahan sa  National Capital Region (NCR), Rizal, Cavite, Laguna, at Bulacan, na lumikha ng “separate and specific disaster plan” para sa “magnitude 7 o higher earthquake.”

 

 

“The plan shall specifically lay down the response should there be a scenario involving mass casualties of learners and personnel,” ang pahayag ng DepED.

 

 

Inatasan naman ang mga paaralan na tukuyin at tingnan ang DepEd Order (DO) No. 27, s. 2015 o Promoting Family Earthquake Preparedness para sa mga materyales na maaaring gamitin ng mga mag-aral at pamilya ng mga ito bilang gabay sa paghahanda   “before, during, and after the occurrence of an earthquake.”

 

 

Samantala, sinabi ng DepEd na ang mga  private schools, community learning centers, at maging state/local universities and colleges (SUCs/LUCs) ay maaaring  “choose to adopt the provisions” ng naturang DO bilang basehan sa pagsasagawa ng kanilang  earthquake at fire drills para sa disaster preparedness ng kanilang mga estudyante.

 

 

Kaagad namang ipinag-utos ni Duterte ang  “immediate dissemination of and strict compliance” gamit ang bagong ipinalabas na direktiba. (Daris Jose)

Ads December 13, 2022

Posted on: December 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FIFA inanunsiyo ang bagong bola na gagamitin sa semis at finals matches

Posted on: December 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASABAY  din ng pagsisimula ng semifinals ay inanunsiyo ng FIFA ang bagong bola na gagamitin para sa semifinals at finals matchs.

 

 

Ang bola na na tinawag na “Al Hilm” ay siyang official match ball na gagamitin.

 

 

Ang salitang “Al Hilm” o ang ibig sabihin ay “The Dream” ay siyang papalit sa bola na tinawag na “Al Rihla” o The Journey na ginamit ng hanggang quarterfinals.

 

 

Gawa sa water-based inks at glues na siyang unang bola na ginamitan ng nasabing materyales.

 

 

Ang disenyo nito ay mula sa disyerto ng rehiyon na may kulay mula sa trophy ng World cup at kulay pula na mula sa watawat ng Qatar.

 

 

Kinabitan ito ng “Connected Ball” na isang uri ng sensor para hindi mahirapan ang mg officials sa pagtawag ng mga violations.

Ibinahagi ang mga gustong i-delete sa past niya: NADINE, nag-react sa naging komento nang nagpakilalang ‘motivational speaker’

Posted on: December 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nga pinalampas ni Nadine Lustre ang mga komento ni Rendon Labador na nagpakilalang motivational speaker, matapos ungkatin ng ilang netizens ang lumang interview sa kanya ni Edward Barber.

 

Isang simpleng ‘grimace emoji’ ang tugon ni Nadine nang i-retweet niya ang screenshots ng comment ni Rendon.

 

 

Isang Twitter user ang nagbahagi rin ng screenshot,

 

“Ganito na pala mga motivational speakers ngayon no? Nangti-threaten manakit ng babae, pati yung mga followers inuurge pa niya na manakit. yikes
@RendonLabador
“APOLOGIZE TO NADINE @hello_nadine.”

 

Say naman ni Renton, Nadine Lustre Huwag kang masaktan sa #SampalNgKatotohanan sinabi ko lang yung napansin ko sayo, gusto ko lang mag improve ka #StayMotivated.”
 
Sa lumang interview, sinabi nga ni Nadine ang saloobin tungkol sa kung paano siya makitungo sa publiko. Nilinaw din niya na walang kinalaman ang video niya sa isyung kinakasangkutan ng mga volleyball players kamakailan na diumano’y hindi namansin ng fan.
Say pa ng award-winning actress, dapat ay panoorin muna ang kabuuan ng video bago pa magbigay ng opinyon.
Samantala, inamin ni Nadine sa presscon ng ‘Deleter’ na entry ng Viva Films sa MMFF 2022, na kung may gusto man siyang i-delete sa past niya ang pagiging gastadora niya noong bata pa siya.
Lalo na pag naiisip na ngayon kung bakit kailangan niyang mag-spend ng malaki pag gumigimik sila kasama ang barkada, parang sayang talaga ang pera na kanyang pinaghirapan.
Pero may isa pang ni-reveal ni Nadine na gusto rin niyang i-delete na pinagsisisihan din na ginawa niya noong bata-bata pa siya.
“‘Yung hindi ko pag-alaga sa sarili ko.  ‘Yun hindi po ako natutulog, tapos puro junk foods ang kinakain ko. Marami kasing times na, especially recently, na sana pala mas inalagaan ko ang sarili ko.
“Sana mas natulog pa ako.  Kasi nakaapekto sa body ako, nagkakasakit na ako, pero hindi naman serious.
“Pero napi-feel na kasi ngayon, na sana pala tinake advantage ko noong malakas pa ang katawan ko at mas inalagaan ko pa siya.”
Kasama rin sa ‘Deleter’ sina Jeffrey Hidalgo, McCoy de Leon at Louise delos Reyes, ang nag-iisang horror movie sa December 25, kaya maraming nagsasabi na magiging blockbuster ito.
Malaking pressure din kay Nadine na expectation ng manonood na pam-Best Actress ang performance niya sa ‘Deleter’ na mula sa mahusay na direksyon ni Mikhail Red.

(ROHN ROMULO)

Yayain sina Alden, sa movie nila ni Jeric: BEA at YASMIEN, baka mabatukan si ROYCE ‘pag napanood ang mapangahas na eksena

Posted on: December 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TAWA nang tawa si Royce Cabrera bago sumagot nang tanungin namin kung ipapapanood ba niya kina kina Alden Richards, Yasmien Kurdi at Bea Alonzo na mga co-stars niya sa Start-Up PH ang BJ scene niya sa ‘Broken Blooms’?

 

“Wala naman pong problema, kasi kumbaga ibang takbo ng istorya naman ‘to e, tsaka mga aktor din sila so mage-gets nila kung bakit may mga ganung eksena, so oo naman, oo naman!

 

“Naging mga kaibigan ko naman sila e, so why not?”

 

 

Alam niya raw na busy ang tatlo kaya hindi pa niya nayayaya na manood ng pelikula nila ni Jeric Gonzales na co-star rin nila sa ‘Start-Up PH.’

 

 

“Pero pag if ever makausap ko sila, siyempre yayayain ko sila, ‘Tara nood kayo’.”

 

 

Showing sa mga sinehan ang ‘Broken Blooms’ sa December 14.

 

 

Sa tanong namin kay Royce kung sa tingin niya ay ano ang magiging reaksyon ng tatlo kapag napanood ang kanyang kontrobersyal na eksena, lalo na ang dalawang girls ay baka raw batukan siya nina Bea at Yasmien.

 

 

Alam raw kasi ng dalawa ang kakulitan ni Royce sa set ng GMA series nila kaya malamang raw na sa gulat nila sa mapangahas na eksena niya sa pelikula ay baka mabatukan siya.

 

 

***

 

 

MASAY ang personal life ni Thea Tolentino, going strong ang relasyon nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Martin San Miguel na isang piloto ng PAL Express.

 

 

First anniversary nila nitong October 14.

 

 

Si Juancho Trivino na common friend nila ang nagpakilala kina Thea at Martin.

 

 

“Sila yung magka-schoolmates, same silang taga-Sta. Rosa,” kuwento pa ni Thea, na pare-parehong taga-Laguna.

 

 

Mayroon na bang yayaaan ng pagpapakasal?

 

 

“Ay, wala pa po!”

 

 

Ayaw pa niya?

 

 

“Hindi naman sa ayaw pa pero importante kasi na ready ka sa lahat ng aspects at ramdam mo yun, na ready ka na.”

 

 

Kung biglaang mag-propose si Martin sa kanya?

 

 

“Naku, baka mabasa niya ito, baka ma-pressure,” at tumawa si Thea.

 

 

Napapanood si Thea bilang si Dahlia Chua sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ sa GMA.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Pacquiao nagpahayag ng pagbabalik sa ring matapos ang panalo kay DK Yoo

Posted on: December 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng tuluyang pagbabalik sa boxing ring si Filipino boxing icon Manny Pacquiao.

 

 

Kasunod ito sa panalo niya sa exhibition fight laban kay martial artist DK Yoo sa Goyang, South Korea.

 

 

Nakita nito kaya niyang patumbahin ng maaga ang malaking kalaban sa kanilang six-round charity boxing match subalit mas minabuti pa ng dating senador na manalo sa pamamagitan ng unanimous decision.

 

 

Mas higit pa ito aniya sa panalo dahil sa nakikita niya ang kaniyang pagbabalik sa boxing ring.

 

 

Sa nasabing laban kasi ay dalawang beses nitong pinabagsak si Yoo sa ikalimang round.

 

 

Ayon sa 43-anyos na Filipino boxing champion na labis na hinahanap ng kaniyang katawan ang boxing kaya hindi nito lubos maisip kung walang boxing.

 

 

Hindi naman nito kinumpirma kung babalik siya sa boxing ring sa susunod na taon.

 

 

Huling lumaban si Pacquiao ay noong 2021 ng talunin siya ni Urdonis Ugas ng Cuba at nag-anunsiyo na siya ng kaniyang pagreretiro sa record na 62 panalo, walong talo at dalawang draw na mayroong 36 knockout. (CARD)