INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang kauna-unahang grand champion ng ‘Pilipinas Got Talent’ na si Jovit Baldovino sa kanyang bayan sa Batangas, City.
Nasa huling gabi nito ang tumatayong manager niya na si Jerry Telan at gayundin si Elena dela Vega hanggang sa libing ng mahusay na singer.
Kaya na-witness nila ang mga parangal na ipinagkaloob dito mula pa sa last night ng wake. Sa estimate ni Jerry, libong tao raw ang nagsidating para masilayan si Jovit sa huling sandali.
Bukod pa rito, ang mismong bayan ng Rosario, Batangas ay nagbigay ng parangal sa kanya. Malaking karangalan nga naman ang dinala ni Jovit sa kanilang bayan mula pa nang magwagi siya sa PGT.
Nagmistulang concert o concert na nga ang naganap sa huling gabi ng lamay niya. May mahigit sampung local bands daw ang nag-perform na nag-alay ng mga awitin para kay Jovit. Kabilang na sa mga kinanta nila ang mga popular songs niya.
Hanggang sa libing ay napakarami raw ng mga taong naghatid dito. At 29, masasabinng marami pa sana itong maaaring maiambag sa mundo ng musika.
Pero sa pagpapahalaga at pagmamahal na bumubuhos sa kanya ngayon, siguradong masaya ito saan man naroroon.
***
NAPAKA-INSPIRING naman pala ng kuwento ng C.E.O. at President ng Rosmar Skin Essentials na si Rosmar Tan.
February of this year lang niya itinayo ang kanyang skin care business na base sa kuwento niya, ‘yung 1 million na niregalo sa kanilang mag-asawa ng mga magulang ang ginawa niyang puhunan, pero ngayon, maituturing na si Rosmar bilang isa sa pinaka-successful businesswoman in skin care lines.
Bestseller niya raw ang Kagayaku soap na sabi ni Rosmar, talagang proven daw ang effect lalo na as skin whitening. Although, halos lahat na ng mga products for skin care ay meron siya.
Sa loob din ng kulang isang taon, meron na siyang ilang libong distributors and resellers. At hindi raw niya na-imagine na makakapag-event siya sa SMEX na ang capacity ay nasa 2,000. Dito ay namahagi siya ng mga sasakyan, motor at milyon of pesos.
From 1 million, hundred million worth na ang nasa twenties pa lang na businesswoman.
Tingin ni Rosmar, malaking bagay ang sipag niya sa Tiktok kunsaan, kulang 13 million lang naman ang mga followers niya kaya naging mabilis din ang pag-usad ng kanyang negosyo.
Sa ngayon, hindi pa masyadong naniniwala si Rosmar sa pagkuha ng mga celebrity endorsers, as well as mga naglalakihang billboards.
Pero kung dumating man ang time raw na maisipan niyang kumuha, may kilig pa rin ito na ang gusto raw niya, ang since childhood ay crush na niya na si Dingdong Dantes ang gusto niyang kuhanin.
And yes, si Rosmar rin ang social media influencer at C.E.O. na idinemanda ng isang young businesswoman na may-ari rin ng skin care.
Pero nag-counter demanda na rin si Rosmar rito at itinanggi ang ipinaparatang sa kanya.
(ROSE GARCIA)