Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Nakalaban ng bida sa upcoming GMA teleserye na Underage at ng kanyang pamilya sa naturang episode ay ang kapwa niya Kapuso star na si Althea Ablan at ang pamilya nito.
Pero ang pamilya ni Elijah ang nagwagi sa elimination round at nanalo ng P100,000. Sila rin ang sumabak sa fast money round, para madagdagan ang kanilang premyo.
Kasama ni Elijah na sumagot at unang sumalang sa fast money round ang pinsan niya na si Erika, na nakakuha ng 87 points.
Dahil dito, kailangan ni Alijah na makakuha ng 113 points para maabot ang kailangang 200 points para sa karagdagang premyo.
Ang isa sa limang tanong, ‘Ngayong Pasko, magkano ang ibibigay mo sa iyong inaanak?” Ang naging sagot ni Elijah, “P20.”
May mga netizen na ginawang meme ang naturang sagot ni Elijah para sa kanilang mga inaanak.
Ang host ng show na si Dingdong Dantes ay binati ang mga inaanak ni Elijah na hinrayin nila ang bente pesos na ibibihay nito bilang aguinaldo sa Pasko. Ang top answer sa tanong ay “P100”.
Hirit pa ni Elijah: Halatang hindi ako nakakakuha ng P100!”
***
BIGO ulit ang Pilipinas na magkaroon ng nomination sa International Feature category ng 95th Academy Awards.
Hindi nga nakasama sa shortlist ng naturang category (na dati ay Foreign Language Film) ang Philippine entry na On The Job: he Missing 8.
Since 1953 ay nagpapadala ng entry ang Pilipinas sa Academy Awards, pero hanggang ngayon wala pa ring suwerte na makasungkit ng nomination.
According to a Variety, ang mga foreign films na nakapasok sa short list ng International Feature category ay ang mga sumusunod: “All Quiet on the Western Front” (Germany), “Argentina, 1985” (Argentina), “Bardo, False Chronicle of a Handful of Truths” (Mexico), “Cairo Conspiracy” (Sweden), “The Blue Caftan” (Morocco), “Close” (Belgium), “Corsage” (Austria), “Decision to Leave” (South Korea), “EO” (Poland), “Holy Spider” (Denmark), “Joyland” (Pakistan), “Last Film Show” (India), “The Quiet Girl” (Ireland), “Return to Seoul” (Cambodia), and “Saint Omer” (France).
Ang naturang crime thriller na dinirek ni Erik Matti ay nag-premiere sa 78th Venice International Film Festival noong September 2021 kunsaan nanalo si John Arcilla ng Volpi Cup for best actor.
BUMABA ng may 13.1 percent ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong Disyembre 20.
Ito ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group ay mula sa 14.5 percent na positivity rate noong December 13 o may 404 bagong kaso mula sa dating 447 bagong kaso ng virus.
Iniulat din ni David na bumaba naman sa 0.91 ang reproduction number sa NCR.
Ipinaliwanag pa nito na kapag wala pa sa 1 ang reproduction number ay nangangahulugan na mabagal ang hawaan ng virus sa lugar.
Sa ulat ng Department of Health, may 823 bagong kaso ng COVID-19 cases o may 4,058,465 active cases sa bansa.
NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng regalo at tulong sa mga bata, pamilya at indigenous peoples sa Rizal Park, Manila bilang maagang pamasko.
“Sa ating mga beneficiary, Merry Christmas! Alam ninyo po, lagi kong sinasabi paulit-ulit, eh kako ‘yung Pasko, parang ‘yung Pilipino akala natin tayo nag-imbento ng Pasko eh, kung magcelebrate tayo eh…” ang mensahe ni Pangulong Marcos.
“Kahit papano, kahit naghihirap tayo ngayon, kahit mayroon pa ring pandemya nang kaunti, ‘yung ekonomiya, dahan-dahan pa lang bumabalik, kahit papano nakakaraos pa rin tayo…” dagdag na wika ni Pangulong Marcos.
Ang Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino ay joint activity ng Office of the President at Department of Social Welfare and Development, na naglalayong ilapit ang gobyerno sa vulnerable sector ng lipunan.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa mga benepisaryo na palaging nandyan ang gobyerno para ibigay ang pangangailangan ng mga ito at tulungan sila sa kanilang kabuhayan.
“Itong aming kaunting tulong sa inyo, hindi lang po ngayong Pasko. Alam ninyo po, asahan po ninyo kayo ay ang laging nasa isip namin. Ito, itong mga DSWD dito, araw-araw ‘yan, 24/7 iniisip nila kung papaano namin kayong tutulungan, kung papaano pa ang aming pwedeng gawin para nga kahit papaano, kahit nakalampas na ‘yung Pasko, ‘yung New Year eh patuloy pa rin ang aming tulong sa inyo,” anito.
Sa kabilang dako sinabi naman ng DSWD na ang financial aid na nagkakahalaga ng P10,000, hygiene kits, at food packs ay ibinahagi sa 574 pamilya na identified ng local government units sa Kalakhang Maynila.
Sinabi pa ng Pangulo na ang event ay para sa mga bata upang sa gayon ay maramdaman ng mga ito ang diwa ng Pasko, tinatayang 400 na nga bata ang nakatanggap ng gift packs kabilang na ang laruan, libro at damit.
Samantala, Inimbitahan naman ni Pangulong Marcos ang mga benepisaryo na bisitahin ang Malacañang Palace, tingnan ang Christmas displays, at dumalo sa Simbang Gabi.
“Welcome kayong lahat. Bukas na ang Palasyo. Hindi ko naman bahay ‘yan eh, bahay niyo ‘yan eh. Kaya binuksan ko na,” ayon wika ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
IIMBESTIGAHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang di umano’y “restrictive” bidding process ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa fire trucks nito.
Nauna na kasing naghain ang Makabayan Bloc ng batas na nananawagan at humihiling ng imbestigasyon sa procurement proces sa BFP, sabay sabing ang “restrictive procurement process practically gives undue advantage since 2018 to only two joint venture entities.”
“Gagawain po namin ngayon, co-conduct kami ng sarili naming investigation para malaman naming kung anong mga nangyari nung nakaraan, and sa ngayon po naman, mayroon pong mga complaints o charges na nai-file sa Ombudsman,” ayon kay DILG Undersecretary for Public Safety Serafin Barretto Jr.
Ani Barretto, inihain ang reklamo laban sa BFP at sa Bids and Awards Committee members nito subalit hindi na pinalawig pa kung sinong mga opisyal ang sinampahan ng kaso at kung anong kaso ang inihain laban sa kanila.
Wala rin siyang ideya kung sino ang naghain ng reklamo kanino.
At dahil ang BFP ay nasa ilalim ng hurisdikayon ng DILG, sinabi ni Barretto na nakikipag-ugnayan na sila sa bureau ukol sa usapin.
“Sinasabi nila na ligal ang kanilang mga process dahil independent procuring entity naman talaga sila,” ang wika ni Barretto.
Nauna rito, hiniling ng Makabayan Bloc sa House Committee on Good Government and Public Accountability na maimbestigahan ang kuwestiyunableng bidding process sa pagbili ng firetruck ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa House Resolution No 10 na inihain ng Makabayan Bloc ipinunto nito na nagpatupad ng limitasyon ang BFP sa kung sino lamang ang maaaring makasali sa bidding kaya ang naging resulta ay dalawang kumpanya lamang ang nakalahok.
“Among the restrictions imposed by BFP is limiting the qualified bidders to those that had been engaged in the manufacture or assembly of fire trucks and/or rescue truck vehicles for at least 15 years in the Philippines prior to the opening of the bids, the restrictive procurement process practically gives undue advantage to only two joint venture entities: JROG MARKETING (JROG) which carries the Isuzu brand of engine, cab and chassis and F. CURA INDUSTRIES (CURA), which carry the Hino brand engine, cab and chassis,” paliwanag ng Makabayan Bloc.
At nang tanungin ukol dito, sinabi ni Barretto na binasura na ang probisyon ngayong taon sa ilalim ng bagong administrasyon.
“Sa ngayon po, natigil na po ‘yan. Sa new term of reference, wala pong ganong requirements na 15 years,” ani Barretto.
Samantala, welcome naman sa DILG ang panukalang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“Welcome naman ‘yan para sa amin. Mas maganda nga ‘yon eh, para mas malinaw sa taumbayan na ayan, may ginagawa ang pamahalaan para labanan kung may anomalya,” ayon kay Barretto. (Daris Jose)
DALAWANG containers ng mga puslit na sibuyas, na idineklarang tinapay at mga pastries, ang na-impound ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao Container Terminal Port sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Nabatid na Disyembre 21, 2022 nang suriin ng mga personnel mula sa BOC, Department of Agriculture (DA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga naturang illegal shipments sa Mindanao port.
Ang naturang joint operation ay isinagawa sa pakikipag-koordinasyon sa BOC Region 10, MCT, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement Security Services (ESS), DA, PDEA at Chamber of Customs Brokers, Inc. (CCBI), matapos makatanggap ng impormasyon na ang naturang shipments na naka-consign sa Asterzenmed Inc. ay naglalaman ng mga sibuyas, sa halip na tinapay at pastries.
Aabot sa 50,000 kilo ang nasabat na mga sibuyas na pawang mula sa China at dumating sa Cagayan de Oro noong Disyembre 6, 2022.
Tiniyak naman ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa publiko na nananatili silang committed sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
NAGBIGAY nang malaking tulong ang renewable energy (RE) sa 11 porsiyentong taunang pagtalon sa mga inaprubahang pamumuhunan ng Board of Investments (BOI) sa ngayong taong 2022 habang nilalayon nila ang P1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa 2023.
Ang datos na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ay nagpakita na ang BOI-approved investments ay tumaas sa humigit-kumulang P729 bilyon piso sa ngayon ngayong taon mula sa P655 bilyon noong 2021.
Ang inaasahang paglago ng trabaho ay humigit-kumulang 454 percent hanggang 260,000 mula noong nakaraang taon sa paligid ng 47,000.
Dagdag dito, sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ang mga antas ng 2022 Board of Investments Approval ay malinaw na nagpapahiwatig na sa kabila ng matagal na epekto ng pandemya, kasama na ang pandaigdigang pagbaba ng mga pamumuhunan dahil sa digmaang Russia at Ukraine, ay patuloy na may malakas na kumpiyansa para sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ipinaliwanag ng Dept of Trade and Industry na ang mga proyektong nakarehistro sa Board of Investments Approval ay tumaas sa usapin ng kapital ngunit ang mga ito ay hindi kinakailangang labor intensive.
BINUKSAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko ang Malacañang na anya’y hindi niya bahay kundi ng mga mamamayan.
Sa talumpati ni Marcos sa isinagawang pamimigay ng regalo sa Rizal Park, Maynila, muling inanyayahan ni Marcos ang publiko na bisitahin ang Malacañang at lahat ay maaaring pumasok.
“Welcome kayong lahat. Bukas na ang Palasyo. Hindi ko naman bahay ‘yan eh, bahay niyo ‘yan eh. Kaya binuksan ko na,” ani Marcos.
Sinabi rin ni Marcos na maaari ng mag-istambay sa Malacañang na binubuksan ng alas-7 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan.
“Aanyayahan ko rin pala kayo binuksan namin ang Palasyo, ang Malacañang para ‘yung mga nag-aantay mag-Simbang Gabi pwede mag-standby muna doon sa amin…So nakabukas mula alas-siyete ng gabi, hanggang mga 4:30 ‘pag Simbang Gabi na. So dalhin ninyo doon, basta’t makita naman ninyo ‘yung Palasyo,” ani Marcos.
Tiniyak din ni Marcos na masisiyahan ang mga bata na magpupunta sa Palasyo dahil sa malaking Christmas tree at sa inihanda nilang pagkain.
Sa huli ay hinikayat ni Marcos ang lahat na maghanap ng panahon para magsaya at ilaan ang Pasko sa pamilya. (Daris Jose)
UPANG mabawasan ang pinsala na dulot ng paputok, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga local government units (LGUs) na maglagay ng common area para sa fireworks display sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa Pangulo, mas makakabuti kung gagawa na lamang ang mga LGUs ng magandang fireworks display na panonoorin ng kanilang mga constituents.
Pero binalaan din niya ang mga Pilipino tungkol sa mga panganib at epekto sa kalusugan nang paggamit ng paputok lalo na ang mga hindi nag-iingat at hindi isinasaalang-alang ang kaligtasan ng iba.
“Huwag muna tayong magpaputok at alam naman natin kung minsan delikado ‘yan. Lalo na ngayon at maglalabas sila ng mga paputok na hindi natin alam kung saan galing, kung maayos ang pagkagawa,” ani Marcos.
Nauna nang napansin ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok sa bansa base sa mga numero sa mga nakaraang taon.
Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, sa isang forum nitong Martes, na 122 kaso ang naitala noong 2020, habang 128 ang naiulat noong nakaraang taon.
Pinalakas naman ng Philippine National Police ang pagsisikap na magsagawa ng cyber patrol, pagkumpiska at pagsira sa mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics upang maprotektahan ang publiko. (Daris Jose)
PARAMOUNT Pictures has released an extended behind-the-scenes look for Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One in which Tom Cruise is attempting the biggest stunt in cinema history.
Check out the featurette below and watch Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One in Philippine theaters July 2023.
YouTube: https://youtu.be/YGrrrdwF9yk
About Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One
Paramount Pictures and Skydance present a Tom Cruise Production a film by Christopher McQuarrie, Tom Cruise in Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One.
Directed by Christopher McQuarrie, based on the television series created by Bruce Geller. Produced by Tom Cruise, Christopher McQuarrie. Executive produced by David Ellison, Dana Goldberg, Don Granger, Tommy Gormley.
Starrring Tom Cruise, Ving Rhames, Simon Pegg, Rebecca Ferguson, Vanessa Kirby, Hayley Atwell, Shea Whigham, Pom Klementieff, Esai Morales, Henry Czerny, Rob Delaney, Cary Elwes, Indira Varma, Mark Gatiss, Charles Parnell, Greg Tarzan Davis, Frederick Schmidt.
Mission: Impossible – Dead Reckoning – Part One is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #MissionImpossible and tag paramountpicsph
(ROHN ROMULO)