• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 23rd, 2023

Prophecy of an Apocalypse Forces Family to Give Up a Life in M. Night Shyamalan’s “Knock at the Cabin

Posted on: January 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ACCLAIMED filmmaker M. Night Shyamalan’s latest and most anticipated horror film “Knock at the Cabin” to open in local theaters on February 1 features an impressive cast of actors led by Dave Bautista along with Jonathan Groff, Ben Aldridge, Rupert Grint, newcomer Kristin Cui, Abby Quinn and Nikki Amuka-Bird.

“Knock at the Cabin” centers on a gay couple, Eric (Groff) and Andrew (Aldridge) and their adopted daughter Wen (Cui), who are vacationing at a remote cabin in the woods, when their house is surrounded by four armed strangers: Leonard (Bautista), Sabrina (Bird), Adrianne (Quinn) and Redmond (Grint.) Taken hostage, the family is informed that these four strangers—who also do not know each other—have all been haunted and tormented by a shared prophecy: that the world will end unless the family in this cabin chooses one member of the family to die.

 

Fil-Am actor and former wrestling champion, Bautista, also known for his roles in successive blockbuster films “Guardians of the Galaxy”, “Army of the Dead” and “Suicide Squad” takes on the role of Leonard in “Knock at the Cabin.” As Leonard and the designated leader of the group of four mysterious strangers, Bautista thinks that the role is an opportunity of a lifetime.  “This is what I’ve been waiting for because roles like this don’t get offered to me. Typically, everybody wants me for action stuff, and I understand why they want to put me in that box. But I’ve been fighting to get out of that box. I wanted deeper roles because I want to prove myself as an actor,” enthuses Bautista.  One of the main messages behind Knock at the Cabin is sacrifice and not putting a definition on what love looks like. “Love takes all kinds of shapes and forms and comes from places you wouldn’t expect,” Bautista further says. “I hate to be cliché, but it can save the world.”

 

The role of Leonard is complex and layered, according to director Shyamalan. “Leonard is like a giant who’s physically intimidating and has to do these horrific things, but is actually incredibly gentle, like a teacher,” Shyamalan says. “And Dave is this character. He is this childlike giant. He’s very smart and is incredibly analytical about human nature—almost like a child. He can panic in a way, like a child, in the most beautiful way. And I wanted all of that on screen.”

 

Harry Potter’s Rupert Grint continues to solidify his filmography in his latest role in the movie as Redmond. “There’s something quite seductive about apocalypse movies,” Grint says. “Rarely has been it explored in such a confined, remote, intimate setting, which. And my role as Redmond is a character who’s also kind of in reform. He’s got a shady past, and suddenly, he’s hit with this huge burden and decision to make. He’s very aggressive, and still has a lot of anger he’s struggling with .” Grint was also fascinated with the story because it taps into a lot of the topical fears that surround us right now. “We’re just coming out of a global pandemic,” Grint says. “There’s an environmental crisis in the world that has never felt more fragile. So that kind of impending fear of the demise of the planet is something that’s in a lot of people’s minds at the moment.”

 

Shyamalan is eager for audiences to see the depth and nuance of Grint’s performance. “Rupert is the rare actor that reinvented himself as an adult,” Shyamalan says. “He took all those child-actor experiences—didn’t eat himself up—and turned it into wonderful techniques and opportunities for his adult acting journey. I’m really excited for everybody to see what he’s capable of and to continue finding stories for him.

 

 

A Universal Pictures International presentation, “Knock at the Cabin” opens February 1 in cinemas nationwide.

(ROHN ROMULO)

Sen. De Lima tinanggap ang pag-sorry ni Sandra Cam

Posted on: January 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng nakakulong na dating senador na si Leila de Lima na tinatanggap niya ang paghingi ng tawad ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam.

 

 

Ayon kay dating Senator de Lima, masaya siya dahil nagsisi na umano si Cam sa kanyang mga nagawa at malugod niyang tinatanggap ang paghingi ng paumanhin nito.

 

 

Aniya, bilang kanyang dating co-PDL (person deprived of liberty) sa loob ng Philippine National Police Custodial Center, naging saksi siya sa mga paghihirap ni Cam dahil sa kanyang kondisyong medikal noong siya ay nakakulong.

 

 

Sa isang pagpupulong, inihayag ni Sandra Cam na kamakailan na napawalang-sala sa kasong murder — na ginamit siya bilang isang “tool” para sa pagkulong kay De Lima.

 

 

Ayon kay Cam, tumulong siya sa pagkuha ng diumano’y ebidensya laban sa dating senador.

 

 

Kaugnay niyan, si De Lima ay nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa loob ng Camp Crame mula noong Pebrero 2017 dahil sa mga alegasyon na siya ay nakinabang sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison noong siya ay Justice secretary.

 

 

Una na rito, hindi bababa sa dalawang testigo, ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos, ang nagbawi ng kanilang mga testimonya laban kay De Lima. (Gene Adsuara)

Metro Manila mayors OK single ticketing system

Posted on: January 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Binigyan na ng go-signal ang final draft ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR) ng Metro Manila Council (MMC) kung saan ang mga Metro Manila mayors ay pumayag ng ipatupad ang programa.

 

 

 

“The Metro Manila mayors gave their go-signal for the implementation of the unified ticketing system. There was a motion for approval. It was duly seconded and there was no objection,” wika ni MMC chairman at Sa Juan mayor Francis Zamora.

 

 

 

Ang MMC ay siyang policy-making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ito ay binubuo ng mga mayors sa kalakhang Maynila.

 

 

 

Nagkaroon ng pagpupulong ang technical working group ng MMDA, Land Transportation Office (LTO) at MMC noong nakaraang linggo upang ayusin ang mga detalye ng single-ticketing system.

 

 

 

Ayon kay Zamora, ang single-ticketing system ay ipapatupad ngayon taon posibleng sa darating na unang quarter ng taon.

 

 

 

“Under the single ticketing system, traffic violators will pay a standard amount regardless of the location where the traffic violations were committed,” dagdag ni Zamora.

 

 

 

Matapos ang mahabang konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan at sektor ng transportasyon, ang MMA ay mayroon ng final na standards sa mga multa na ipapataw sa mga motoristang mahuhuli.

 

 

 

Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagbabayad ng iba’t ibang halaga ng multa na ipinapataw ng mga iba’t ibang LGUs sa kalakhang Maynila at ng MMDA.

 

 

 

Kasama sa mga violations na ilalagay sa single ticketing system ay ang disregarding traffic signs, illegal parking, reckless driving, driving ng walang license, driving ng unregistered vehicle, overspeeding, illegal counterflow, number coding violations at obstruction. Ang hindi pagsusuot ng authorized helmets para sa mga motorcycle riders ay kasama rin sa mga violations.

 

 

 

“The STS will establish uniform and clear guidelines for violations like disregarding traffic signs, illegal parking (attended and unattended), reckless driving, driving without a license, driving an unregistered vehicle, overspeeding, illegal counterflow, number coding violations at obstruction,” saad ni Zamora.

 

 

 

Ang mga drivers’ licenses ay hindi na kailangan pa na konpiskahin dahil ang mga licenses ng mga violators ay lalagyan ng tagging ng LTO at MMDA upang hindi na makapag-renew ng kanilang driver’s license hanggang hindi nila nababayaran ang multang ipinataw. Maaaring bayaran ang mga multa sa pamamagitan ng digital wallets o magbayad sa mga rehistradong center ng LTO’s Land Transportation Management System.

 

 

 

Sa pagpapatupad ng STS, mareresolba rin ang mga issues at problems na tinalakay sa petisyon tungkol sa pagpapatupad ng polisiya sa no-contact apprehension. LASACMAR

3M pamilyang Pilipino nagutom sa huling quarter ng 2022, sabi ng SWS

Posted on: January 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUMOBO sa 11.8% ng pamilyang Pilipino (3 milyon) ang “nagutom at walang makain” sa huling tatlong buwan ng 2022, ito kasabay ng pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa 14 taon.

 

 

Ito ang napag-alaman ng Social Weather Stations (SWS) matapos isapubliko, Huwebes, ang kanilang “hunger rate” survey na ikinasa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre.

 

 

“The December 2022 Hunger figure is slightly above the 11.3% (estimated 2.89 million families) in October 2022 and 11.6% (estimated 2.95 million families) in June 2022,” wika nila.

 

 

“The 0.5-point increase in Overall Hunger between October 2022 and December 2022 was due to increases in the Visayas and Balance Luzon, combined with decreases in Metro Manila and Mindanao.”

 

 

Mindanao: 12.7%

Visayas: 12%

Metro Manila: 11.7%

Balance Luzon: 11.3%

 

 

Sa 100 surveys na ginawa ng SWS simula pa noong 1998, Mindanao ang pinakamadalas na mataas ang kagutuman. Nag-top ito sa 38 na surveys.

 

 

Mula sa 1.1 milyong pamilya sa Balance Luzon noong Oktubre, umakyat ang numero ng pamilyang nagugutom sa 1.3 milyon noong Disyembre. Umakyat din ito sa Visayas mula 336,000 patungong 576,000.

 

 

Sa kabila nito bumaba ito sa Metro Manila mula 558,000 pamilya patungong 399,000. Mula sa 893,000, nabawasan naman ito sa Mindanao sa 738,000.

 

 

Saan galing ang 11.8%?

 

 

Ang 11.8% hunger rate noong Disyembre 2022 ay resulta ng sumusunod:

 

moderate hunger: 9.5% o 2.4 milyong pamilya

severe hunger: 2.3% o 599,000 pamilya

 

 

Tumutukoy ang “moderate hunger” sa mga isa o ilang beses lang nagutom nitong nakaraang tatlong buwan. “Severe hunger” naman kung ituring ang mga “madalas” o “palaging” gutom sa parehong panahon.

 

 

Noong Oktubre 2022, mas konti ang nakaranas ng moderate hunger sa 9.1% (2.3 milyong pamilya). Ganoon din sa severe hunger na nasa 2.2% (573,000 pamilya)

 

 

Dumami sa self-rated non-poor

 

 

Nitong Disyembre 2022 lang nang lumabas na 51% ng mga pamilyang Pilipino ang tumitingin sa sarili nila bilang mahirap, habang 31% naman ang nasa hangganan nito.

 

 

Tanging 19% lang ang nagsabing hindi sila mahirap.

 

 

“The rate of Overall Hunger (i.e., Moderate plus Severe) rose among the Non-Poor (Not Poor plus Borderline Poor) from 6.7% in October 2022 to 7.8% in December 2022,” dagdag pa ng SWS.

 

 

“However, it fell slightly among the Self-Rated Poor, from 16.0% to 15.7%.”

 

 

Isinagawa ang Fourth Quarter 2022 SWS survey gamit ang harapang panayam sa 1,200 katao 18-anyos pataas: 300 mula sa Metro Manila, balance Luzon, Visayas at Mindanao.

 

 

Meron itong sampling error margins na ±2.5% para sa national percentages at ±5.7% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. Inisyatibo ito ng SWS bilang serbisyo publiko at hindi kinomisyon ninuman.

Ads January 23, 2023

Posted on: January 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Kinaaliwan ng fans at wish na magsama sa movie: NADINE, dinogshow ang sarili nang maalala ang buhok ni MARICEL

Posted on: January 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINAALIWAN nga ng maraming netizens ang tweet ng multi award winning actress na si Nadine Lustre na kung saan naalala niya ang buhok ni Maricel Soriano sa isang pelikula sa isa niyang iconic nang brand photo.

 

 

“I was browsing for Filipino movies tapos nakita ko to… Parang may naalala ako sa hair ni Ms. Maricel,” tweet ng bida ng award-winning na ‘Deleter’ na top-grosser sa MMFF 2022.

 

 

Mabilis namang nahalungkat ng mga fans ang isang endorsement photo ni Nadine para sa isang phone brand. Maraming nakapansin sa buhok ni Diamond Star na pelikulang “The Heiress” na tila inspirasyon ng team ni Nadine sa brand photoshoot.

 

 

Sagot naman ni Marya, “parang nakita ko na din yun, nak. Dun sa may tindahan ng cellphone.”

 

 

Na nasundan pa ng palitan tweets, dahil may ire-reco daw si Maricel na parlor at doon na sila magpagawa ng buhok.

 

 

Dahil nakatutuwang tweet ni Nadine na umani ng sari-saring commens mula sa maraming netizens, tulad nang pagdo-dogshow sa sarili.

 

 

“Bakit naman dinogshow ang sarili?”

 

 

“Pag napapadaan na jeep ko dun sa standee napapapikit na lang ako.”

 

 

“Dinogshow nanaman ang sarili HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHHAHAHA ma anuba!”

 

 

“Ang ganda sana ng smile at shot pero yung hair talaga!”

 

 

“Si Ms. Maricel talaga ata peg ng team mo dat time Ms Nadine!”

 

 

“I was thinking about Michael V. when I 1st saw that pic. When I zoomed it, si Maricel pala! As I started reading the comments, I realized that you have that reference pala to your Oppo pic! I couldn’t process what I saw! Hahahaha. Char lang Nadine!”

 

 

“When you can make fun of yourself .. it means you are really secure and unbothered of what others may say. Definitely cool!”

 

taray ni maria, pumapatol na rin sa mga ganitong pareply reply.”

 

 

Kaya marami ang advance mag-isip na magkakasama ang dalawang premyadong aktres, pwede sa drama at horror movie.

 

 

“Feeling ko magkaka work sila soon.”

 

 

“Hahaha dinogshow ang isat isa. Sana makapag work sila together!”

 

 

“i am now super convinced that they are making a movie together. simpleng teaser lang ito. I will bet my hair on it.”

 

 

“Na excite naman ako bigla. I love watching Nadine na! may tiwala ako sa sinabi nya na di sya kukuha ng waang sense na project.”

 

 

“Sana magkasama sila sa movie suspense thriller, drama or comedy. I love Maricel’s movie yung Dahas. Movie soon na.”

(ROHN ROMULO)

 

PBBM, naniniwalang walang dahilan para magtayo ang Pinas ng armory nito

Posted on: January 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALANG nakikitang dahilan si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. para magtayo ang Pilipinas ng  armory nito.

 

 

Para sa Chief Executive hindi palaging sagot ang “military solution” sa mga usapin.

 

 

Sa isinagawang dayalogo kasama si  World Economic Forum (WEF) President Borge Brende sa  Davos, tinanong si Pangulong Marcos kung kinokonsidera nito na doblehin  ang defense budget gaya ng ginagawa ng Japan.

 

 

Itinaas kasi ng Japan ang defense spending nito ng 2% sa kanilang gross domestic product (GDP) sa loob ng limang taon.

 

 

Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Marcos na  “I think to an extent but not – because the belief is that first of all, there is no point in the Philippines building up its armory.”

 

 

Ang paliwanag pa nito, wala naman sa  “economic situation” ang Pilipinas para magtayo ng armory nito.

 

 

“More importantly, perhaps is our abiding belief that the solutions are not going to be military,” ayon sa Pangulo.

 

 

Ani Pangulong Marcos, “resorting to militaristic solutions will “end badly for everyone involved and even those who are not involved.”

 

 

Tinukoy nito ang  Russia-Ukraine war, labis na nakaapekto sa ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.

 

 

“I think all of us were quite surprised, especially us in the Philippines, to think that a war in Eastern Europe would affect agriculture in the Philippines and I guess it just goes to show how well connected that is,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“If a similar situation would arise in the region, then I would say it would be disastrous for the rest of the world as well, not only for the region but for the rest of the world,” wika pa ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Kasama sa bagong teleserye ni Coco: Vice Gov. EJAY, mabilis na naka-adapt bilang isang public servant

Posted on: January 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng ‘Underage’ star na si Elijah Alejo na crush niya ang Kapuso hunk na si Nikki Co kaya nakaramdam niya ng kaba noong kinunan ang rape scene niya.

 

 

Sey ni Elijah na naging crush daw niya si Nikki noong sumali ito sa StarStruck season 6. Cute na cute daw ang Kapuso teen actress kay Nikki noon dahil sa pagiging chinito nito. Hindi raw niya inakala na balang-araw ay makakasama niya ito sa isang eksena.

 

 

“Super-crush ko po si Nikki noon at ngayon ko lang sinasabi ito. Kaya noong makasama siya sa cast ng Underage at may mga eksena kami, nandoon yung kaba pero parang kinikilkig pa rin ako,” tawa pa ni Elijah.

 

 

Natuwa naman si Nikki sa revelation na ito ni Elijah dahil all throughout daw sa lock-in taping nila ay walang itong binabanggit na nagkaroon ito ng crush sa kanya noon.

 

 

Sa kinunan nga raw na rape scene, naging maingat naman daw si Nikki kay Elijah. Sinigurado niya na hindi masasaktan ito at magagawa nila ng maayos yung eksena.

 

 

“Kung ano yung binigay na instructions ni Direk Rechie (del Carmen) sa amin ni Elijah, sinunod namin kasi gusto rin niya na one take lang sa bawa’t anggulo para hindi pauulit-ulit.

 

 

“Kami naman ni Elijah, maganda ang rapport namin kaya we did the scene na maayos at tama,” sey ni Nikki na mukhang bini-build up na bagong lalakeng kontrabida ng GMA.

 

 

***

 

 

KAHIT na hinalal na Vice Governor ng Mindoro ang aktor na si Ejay Falcon, puwede pa rin naman daw siyang tumanggap ng acting assignments.

 

 

Sa katunayan ay kasama siya sa cast ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ na pinagbibidahan ni Coco Martin.

 

 

Pero kahit may teleserye siya, prioridad pa rin daw ni Ejay ang kanyang constituents sa Mindoro.

 

 

“Depende pa rin po sa projects dahil sa ngayon prayoridad ko na maglingkod sa mga taga-Mindoro. Ibinigay nila sa akin ang kanilang tiwala at gusto ko siyempreng magampanan ang aking tungkulin.

 

 

“Bukas pa rin tayo na gumawa ng projects mapa-teleserye o pelikula man ‘yan. Pero definitely hindi ko mabibigay ang lahat ng oras ko para dun. Kung kaya ng schedule ko, bakit po hindi?” sey pa ni Ejay.

 

 

Mabilis nga raw naka-adapt si Ejay sa kanyang trabaho ngayon bilang isang politiko at isinasapuso niya ang maging isang public servant.

 

 

“Mabilis naman po akong naka-adapt at ngayon nga ay gamay naman na po. ‘Di lang sa trabaho kung hindi sa buhay probinsya na rin dahil sa Mindoro na po talaga ako nakatira at lumuluwas na lang kapag kailangan.”

 

 

***

 

 

NASA bansa pala noong nakaraang buwan pa ang Filipino Broadway/West End star na si Rachelle Ann Go kasama ang mister na si Martin Spies.

 

 

Hindi tumanggap ng guestings sa TV si Rachelle dahil pure vacation ito para sa kanyang pamilya.

 

 

Sa Instagram ng singer, nagbakasyon sila sa Bohol at ilang activities ang ginawa ng mister ni Rachelle dahil mahilig ito sa adventure trips.

 

 

At kahit na kita na ang baby bump ng singer, sinamahan niya ang kanyang mister sa pag-explore ng ilang magagandang lugar sa Bohol.

 

 

Caption pa niya: “Our Philippine trip is coming to an end. Last month @spiesmj and I went to explore Bohol without Lukas. Thanks to our parents who looked after Lukas. Martin wanted to do all the activities kaya napilitan na din ako.

 

 

“We went to see the Chocolate Hills, drove ATVs (swipe left to see the aftermath!), visited the man made forest and took the scooter and discovered a beach hut. We met the owner of Iya Tinay and they gave me a painting that I can take back to London (so sweet!). We also met the beautiful ladies of Loboc River Resort (thank you for sharing your testimony after the typhoon hit your city), and the kuya + his kalabaw stopping for a photo.”

 

 

Bakasyon din pala ito ni Rachelle pagkatapos niyang mag-tour for 6 months kasama ang cast ng Les Miserables sa United Kingdom.

 

 

“Sending my love to the cast of @lesmizofficial UK tour! I am so thankful to be part of this incredible company for 6 months last year! Lukas loves you too. Enjoy today, I’m sure it will be an emotional one,” caption pa ni Rachelle.

(RUEL J. MENDOZA)

Contribution hike, sinimulan na ng SSS

Posted on: January 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN nang ipatupad ng Social Security System (SSS) ang probisyon ng RA 11199 o ang Social Security Act of 2018 na nagtataas ng kontribusyon ng mga mi­yembro upang matiyak ang financial viability ng ahensiya para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

 

 

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, na ang naturang batas na sumasaklaw sa mandated contribution increase ay agad na magkakaloob ng benepisyo sa may 13 milyong manggagawa at matitiyak ang viability ng SSS fund para magkaloob sa kanila ng social security protection.

 

 

Sa ilalim ng naturang batas, ang SSS ay magtataas ng contribution rate ng 1 percent point kada dalawang taon hanggang sa maabot ang 15 percent sa taong 2025.

 

 

Sa ilalim ng bagong contribution rate, ang employers ang aako ng one percent increase, o nangangahulugan na ang kanilang contribution sa ngayon ay 9.5 percent at ang nalalabing 4.5 percent ay ibabawas sa mga empleyado.

 

 

“It is the right thing to do for the institution and its members. The contribution hike will benefit the workers with the SSS being able to provide a financially viable social protection system to Filipino workers and their families.It will not be a burden on workers but will be shouldered by employers. Workers earning less than P25,000 per month, who comprise 78 percent of SSS-paying employee members, will not be affected,” pahayag ni Macasaet.

 

 

Si Macasaet ay dating President at General Ma­nager ng Government Service Insurance System (GSIS) noong Duterte administration at itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos sa SSS noong January 5.

 

 

 “The contribution hike will not be paid by the lowly worker but by financially-stable employers who can afford such adjustments. I am appealing to the PCCI, the ECOP, and the PECI, who we consider our valuable partners in our mission to provide social protection to our workers, to treat the contribution hike not as another operational expense but as a noble investment to ensure the viability of the workers’ pension fund,” dagdag ni Macasaet. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Gobyerno, naglaan ng P3B para sa rehabilitasyon, modernisasyon ng 8 airports sa bansa

Posted on: January 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 8 paliparan sa buong bansa ang makatatanggap ng pondo sa ilalim ng  2023 national budget para isailalim sa rehabilitasyon at pagsasaayos.

 

 

Sa kalatas na ipinalabas ng Department of Budget and Management (DBM), sinabi nito na ang  paglalaan ng pondo ay nakaayon sa implementasyon ng  8 airport projects na nakapaloob sa ilalim ng  2023 General Appropriations Act (GAA).

 

 

Ang Tacloban City Airport ang makatatanggap ng pinakamataas na budget na nagkakahalaga ng P1.42 bilyong piso para sa modernisasyon nito.

 

 

Kasunod ng  Tacloban Airport ay ang  Laoag International Airport na may P785 milyong piso at Antique Airport na P500 milyong piso.

 

 

Naglaan din ang gobyerno ng P200 milyong piso para sa  New Zamboanga International Airport; P80 milyong piso para sa  Bukidnon Airport; P50 milyong piso para sa Vigan Airport; P43 milyong piso para sa  Ninoy Aquino International Airport at P15 milyong piso para sa  M’lang Airport.

 

 

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang pagpopondo sa mga proyekto para sa “construction at repairs” ng 8 paliparan sa bansa ay bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i- improve ang “mobility at connectivity” ng bansa.

 

 

“This budgetary allocation seeks to support the construction, rehabilitation, and improvement of the country’s transportation infrastructure, particularly in the aviation sector. This is in line with the mandate of President Bongbong Marcos to put prime importance in enhancing our country’s transportation system,” ayon sa Kalihim.

 

 

Tiniyak ni Pangandaman na ipagpapatuloy ng gobyerno na itulak ang  infrastructure development para makamit ang nilalayon ng pamahalaan na economic transformation.

 

 

“When we say transport infrastructure development, this does not only mean building or improving railways or road transport. It also means the improvement and rehabilitation of airports,” ang wika ni Pangandaman

 

 

“That is why, for 2023, we made sure that various airports in different regions across the country would be getting their needed funds, as their development will propel growth in different sectors, such as trade, employment, and tourism,” dagdag na pahayag ni Pangandaman. (Daris Jose)