Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
HANDA na raw magkaroon ng baby ang aktres na si Jenny Miller kahit wala siyang partner sa buhay ngayon.
Mag-turn 43 na si Jenny sa February 5 at naisip na raw niyang magkaroon ng baby niya dahil halos lahat daw ng mga kaibigan niya ay may mga anak na.
“I decided to go through IVF (In Vitro Fertlization). Magpapa-harvest ako ng eggs ko. I pray na sana may makuha pa sila sa edad ko ngayon. I plan to go through that procedure after na my birthday. Bale birthday gift ko iyon para sa sarili ko,” sey ni Jenny.
Sa pagkakaroon ng baby, marami raw paraan kung paano magkaroon ng anak ngayon even without a partner.
“Maraming options dyan ngayon. Kailangan pag-aralan ko ng mabuti lahat ng puwede. Sa panahon ngayon, kahit single ka, puwede kang magkaroon ng baby. And importante ay tanggap mo ito and you have the support of your family and friends.”
Nakaranas ng miscarriage noong 2010 si Jenny. First baby sana nila iyon ng estranged husband niya ngayon na si Cupid Feril. Naghiwalay sila noong 2015 after ng limang taong pagsasama.
“We did not stop trying to have a baby after that. Pero wala talaga. Then something happened sa marriage namin. Maraming nangyaring hindi maganda and it really took a toll on both of us mentally. It was a hard decision for both of us to let go of the marriage. We tried to make it work, pero it was good for both of us to part ways.”
Hindi pa raw officially annulled si Jenny. Pinagdarasal niya na this year matupad ang wish niyang maging single na ulit.
“Sa church pa lang kami annulled. Yung civil namin ang hinihintay ko. Ako lahat nag-aasikaso ng annulment. Gastos ko lahat. Ang hinihingi ko na lang kay Cupid ay ang cooperation niya. So far, okey naman. Maganda sanang birthday gift yung ma-grant na finally ang annulment ko. Para maka-move on na tayo di ba? I just want my freedom.”
***
HINDI raw pressured si Christian Bautista at ang wife niyang si Kat Ramnani na magkaroon na ng anak.
Sey ng The Clash 2023 judge, hinihintay nila ang tamang panahon para mabuo nila ang kanilang pamilya: “When the right time comes. When the Lord gives us that child. We’re, of course, longing for a family of our own,”
Kinasal sina Christian at Kat noong 2019 pa. Nagpapasalamat nga raw si Kat sa medical advancements sa pagtulong sa kanila na matupad ang matagal nilang pinapangarap na pamilya.
“We’ve been praying for it and trying. We’re thankful for all medical advances that are there to assist us. Not maybe our time right now but hopefully in the future. Coz I think Christian will be a phenomenal dad. And I’d be honored to have a kid with him.
“The only opinions that matter to me are my husband’s and my family’s. And they’ve never pressured us. I’m fine with it. And I know it’s in God’s time. So I don’t feel the pressure,” sey ni Kat.
Sa January 28 ang pag-celebrate ni Christian ng kanyang 20th anniversary sa music industry. Sa Samsung Performing Arts Theater in Makati magaganap ang concert niya na ang title ay The Way You Look At Me.
(RUEL J. MENDOZA)
UMABOT na sa 1.1 milyon ang mga bagong botante na nagparehistro, siyam na araw bago ang pagtatapos ng voter’s registration ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naitala ang naturang datos simula Disyembre 12, 2022, kung kailan sinimulan ang voter registration.
Sa naturang bilang, tinatayang nasa 7,000 voter registration applications ang naiproseso sa ilalim ng kanilang Register Anywhere Project (RAP), habang ang iba pa ang nagpatala naman sa ilalim ng regular na rehistruhan.
May inisyal na target ang Comelec na 1.5 milyon na magpaparehistro at madaragdag sa kabuuang bilang ng mga botante.
Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni Garcia ang publiko na samantalahin ang mga natitira pang araw ng voter registration upang makapagparehistro at makaboto sa nalalapit na eleksiyon.
Ang regular na voter registration ay nakatakdang magtapos sa Enero 31 habang ang RAP naman ay sa Enero 25, 2023. (Daris Jose)
OPISYAL na ngang ipinakilala ng country’s leading pharmaceutical brand na RiteMed ang kanilang newest brand ambassador sa pamamagitan ng latest TV commercial (TVC) na kung saan featuring ang well-loved and highly respected actor-director na si Coco Martin.
Si Coco ang hinahanap at napiling ‘The Rite One’ para ipagpatuloy ang legacy and advocacy ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces, na mabigyan ng masa ng pagpili ng quality and affordable healthcare.
May kinalaman si Coco sa opening line ng TVC na, “Ang sabi ng lola ko, ‘wag mahihiyang magtanong…, bilang pagpupugay kay Ms. Susan at nagpapaalala sa mga tao sa kultura ng Pinoy, na nakikinig sa mga payo ng nakatatanda.
Pinasikat naman ng namayapang asawa ni Da King, Fernando Poe Jr. (FPJ), ang mga linya sa TV and radio commercials ns “Bawal ang Mahal” at “Huwag Mahihiyang Magtanong”.
Ayon sa actor-director ang adaptation ng famous tagline ni Ms. Susan ay, “Una, para hindi tayo magkamali. Pangalawa, ang mga ang mga Pilipino po ay likas na mahiyain; tinuturuan tayo dito na may alternatibo.
“Pag naiisip natin na ‘mahal yan’, tinuturo sa atin ng RiteMed na may alternatibo na mas mura.”
Isa itong malaking pamana sa kanya ni Ms. Susan.
Samantala, sa press conference ng RiteMed last January 23, 2023, sa Luxent Hotel, natanong si Coco kung ready na siya sa pagsi-settle down.
“Normal lang akong tao. Actually kahit noong dati pa, naka-ready ako kung ano man yung haharapin ng buhay ko,” sabi niya.
“Kung may dumating mang isang tao na siya makakasama ko sa habang buhay, nakahanda po.”
Dagdag pa niua, “Pero bago mangyari [yun], ang talagang hinanda ko po muna yung pamilya ko, yung mga kapatid ko.
“Kasi ang pangarap ko, ayoko yung ako meron, may maganda akong buhay, maayos yung tinitirhan ko, tapos yung mga kapatid ko hindi.
“Gusto ko pantay-pantay kami.
“Hindi man parehung-pareho, pero alam ko na kung sakaling magbubukod na ako o paghahandaan ko na yung sarili kong buhay, alam ko na kampante ako na naiayos ko na ang lahat ng buhay nila.
“Kasi sabi ko na mahirap nga po kasi na lumaki ka sa broken family. Pero, may advantage din po yun.
“Dahil lumaki ako sa broken family, ayoko mangyari sa buhay ko yun.
“Kaya sabi ko nga, kung naapektuhan man yung mga kapatid ko, hindi ko ginawang ano yun, kahinaan.
“Which is yun po yung nagpalakas po sa akin, para tumayo nng ganito, para lumaban.
“Kasi sa totoo lang po, mahiyain ako, e. Pero natuto ako dahan-dahan, lumakas yung loob ko, kumapal ang mukha.
“Bakit po, sinabi ko, ‘Pag ako naging mahina, paano yung mga kapatid ko?’
“Ginawa ko po, talagang nagsumikap ako – kayod, kayod nang kayod nang kayod.
“Hanggang ngayon po, kagaya ng kinukuwento ko, ngayong maayos na po sila, anytime, anytime po, nakahanda po ako para sa sarili ko.”
Sambit pa niya, “Kung naayos ko yung pamilya ko, handang-handa na rin po ako, magkakaroon po ako ng sarili kong pamilya.”
Inamin din ni Coco na natagpuan na niya ang ‘the rite one’ at nasa puso na niya ito.
(ROHN ROMULO)
AFTER ng first wedding ni Kapuso Drama Royalty na si Glaiza de Castro sa husband niyang si David Rainey, a businessman from Northern Ireland last October 12, 2021, muli silang ikinasal this time dito naman sa Pilipinas.
Iyon kasi ang kasunduan nila, na mauuna silang ikasal sa Ireland, bago ganapin ang wedding naman nila sa Pilipinas, para makadalo ang mga relatives and friends ni Glaiza.
Ang ganda at ang sexy ni Glaiza sa napakagandang white modern Filipiniana wedding gown, na ginanap nila sa isang magandang private beach sa Olongapo, Zambales.
Kung noon ay immediate family lamang ni David ang dadalo, dumalo rin ang mga close friends nito, na ipinagpatahi rin ni Glaiza ng Filipino costumes.
Dumalo naman ang mga close friends ni Glaiza tulad ni Angelica Panganiban, at complete ang mga kasama niya sa GMA Korean adaptation ng “Running Man Philippines” na sina Mikael Daez, Ruru Madrid, with girlfriend Bianca Umali; Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian and Buboy Villar.
***
GUSTO pa rin ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, kung ipagkakaloob ni Lord, na magkaroon pa sila ng third child.
Pero kung hindi na, wala na silang mahihiling pa sa ibinigay na sa kanila, ang 7-year-old daughter nilang si Zia at ang 3-year-old-son na si Sixto or si Ziggy.
Isa ito sa napag-usapan nina Marian, ang first guest ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.”
Una pa ngang tanong kay Marian ni Boy, kung magkakaroon muli sila ng anak ni Dingdong, boy or girl ba ang gusto niya, sagot ni Marian, “both.”
Sa tanong kung hindi na ba siya gagawa ng teleserye sa GMA-7, “meron, and this year, 2023, promise ko, na gagawa ako ng teleserye.” Tiyak na ngayon pa lamang eagerly waiting na ang mga fans ni Marian, dahil since isilang niya si Zia, hindi pa muli siya nakagawa ng serye, maliban sa every Saturday, napapanood siyang host ng documentary on OFW’s, ang “Tadhana.”
Napapanood ang “Fast Talk with Boy Abunda,” daily, 4:05 – 4:25 pm after “Unica Hija.”
***
MGA close friends from showbiz ni Julie Anne San Jose, sina Michelle Dee at Ina Feleo, ang gustong ipasok ang Limitless Star, sa beauty contest.
Taglay daw nito ang beauty, talent at kaseksihan, at pasadong-pasado siya para sumali sa isang beauty contest. Ayon kay Michelle, kayang-kaya raw sumali ni Julie Anne sa Binibining Pilipinas.
Pumayag kaya si Julie? Sa ngayon kasi, Julie will turn 29 na on May 17, 2023.
At mukhang puno ang schedules niya dahil bukod sa on-going na ngayon ang “The Clash 5,” na Panel Hosts sila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz, nagsimula na rin silang mag-shoot ni Rayver ng kanilang first movie together at first movie rin ng GMA Public Affairs na “The Cheating Game,” na plano nilang isama sa coming first Summer Metro Manila Film Festival, this year 2023.
Tamang-tama namang matatapos na ang airing ng historical fantasy portal series ng GMA-7, ang “Maria Clara at Ibarra,” nina Barbie Forteza, Julie at Dennis Trillo, this coming February. Kaya don’t miss ang lalong gumagandang episodes ng “Maria Clara at Ibarra,” na napapanood at 8PM, after ng “24 Oras.”
(NORA V. CALDERON)
SINAMPAHAN na ng patung-patong na kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 opisyal ng isang sabungan sa Quezon City dahil sa paggamit ng digital system sa pagpapataya sa kanilang mga kustomer makaraang salakayin ito noong nakaraang Biyernes.
Kabilang sa mga kasong isinampa ay ang paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling, paglabag sa Executive Order 09 o ang pagbabawal sa e-sabong, at Cybercrime Prevention Act.
Sa ulat, sinalakay ng mga tauhan ng NBI-NCR sa pangunguna ni Special Investigator III Ferdie Manuel ang Sta. Monica Cockpit sa may Novaliches, Quezon City dahil sa sumbong na nag-ooperate sila ng e-sabong na mahigpit na ipinagbawal.
Armado ng search warrant, nadiskubre ng raiding team ang mga naka-set up na television screen, camera, servers at wifi na gamit sa operasyon.
Ayon kay Manuel, ang naturang mga gadgets ay para talaga sa online sabong kaya hinihinala nila na may operasyon talaga ang sabungan ng online sabong. Sa kasalukuyan, ang pinapayagan lamang umano ng batas ay ang mano-mano o tradisyunal na tayaan sa sabungan.
Ikinatwiran naman ni Lowell Haynom, operations manager ng sabungan, na para sa pagpapataya lamang ang mga gadgets na gamit nila para hindi na magsigawan, maghagisan ng pera at maraming galaw ang mga sabungero. Ito ay upang maiwasan umano ang pagkalat ng COVID-19 virus sa mga sabungan at pagsunod sa protocols ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.
Tiniyak niya na sa loob lamang ng sabungan nila ang digital na tayaan at hindi nila nila-livestream.
Sa kabila nito, kinumpiska ng NBI ang mga gadgets para isailalim sa digital forensic examination para matiyak kung nagsasagawa ang sabungan ng live streaming. Irerekomenda rin nila sa lokal na pamahalaan ng Quezon City na kanselahin ang business permit nito. (Daris Jose)
ISINELDA ang limang katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 7 Commander P/Capt. Arnold San Juan ang mga naarestong suspek bilang sina Jr Bungadelyo, 28, construction worker, Gary Jose, 40, helper, Jestoni Ebrada, 36, helper, Johnrod Tolentino, 31, cook at Darwin Rivera, 27, pawang residente ng lungsod.
Sa report ni police investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, unang nakatanggap ang mga tauhan ng SS7 ng impormasyon mula sa isang concerned citizens na may nagaganap umanong pot-session sa bahay ni Bungadelyo sa 72 Doña Elena Street, Brgy., Punturin.
Agad nagtungo sa nasabing lugar ang mga pulis sa pangunguna ni PSMS Cyril Enhaynes para i-validate ang nasabing ulat kung saan pagdating ng mga ito sa lugar bandang alas-11:00 ng umaga ay naaktuhan nila ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng nasabing bahay.
Hindi na nakapalag ang mga suspek nang mabulaga at arestuhin sila nina PSMS Enhaynes, PSSg Rolan Tobello, PSSg Gerry Dayao at PSSg Rogie Conge.
Nakumpiska sa kanila ang dalawang heat sealed transparent plastic sachets, isang unsealed transparent plastic sachet na naglalaman lahat ng humigi’t kumulang 1 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P6,800 at mga drug paraphernalias.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
TEN years after “Magic Mike” surprised audiences, star Channing Tatum and the original filmmaking team have reunited—this time in Miami and London—to catch up with Mike Lane in “Magic Mike’s Last Dance.”
Director Steven Soderbergh is back at the helm, with producer and writer Reid Carolin returning to pen the script, which introduces a steamy new love interest for Mike, played by Salma Hayek Pinault.
[Watch the film’s London Featurette at https://youtu.be/kx1qrv-6jIg]
The story finds Mike in Miami at loose ends and with empty pockets, having closed his furniture business. Taking bartending gigs, however, proves fortuitous when he meets a mysterious woman, Maxandra Mendoza, who, after a night of getting to know each other, presents Mike with an opportunity he can’t refuse—one that could change him, and his life, forever.
Soderbergh comments, “What we’ve done with these films, this one especially, is give audiences all the pure fun of watching these amazingly talented dancers perform, but also used dance as a sort of Trojan horse to sneak in other ideas.”
The director adds that, for this final round, the filmmakers upped the ante by giving Mike the option to really have it all…if only he can reach out and grab it. “What is desire, what does that mean? What do love and commitment really mean in our world? Wrapped up in all the dazzling choreography and exciting dance numbers, the movie tries to explore those real questions about how relationships are defined today.”
Tatum, who also serves as a producer, observes, “The first movie was about Mike realizing, ‘I need to figure out what I’m doing with my life.’ The second one put these guys on a pedestal and let them flesh out their characters, but it was still really about these men. Since then, women in films have become more open, more conversational about what they want, and we’d also created the live show. What we learned doing that made us want to make this third movie and to really redesign what Magic Mike is. We wanted to put the best dancers in the world in the movie, and have a strong female lead who is pivotal to the story and as important as Mike in the plot.”
Of course, no “Magic Mike” sequel would be complete without ramping up the dance factor. Soderbergh says that there was no question that for this “Last Dance,” the filmmakers knew they had to “blow the dancing up in a very big way.”
A Warner Bros. Pictures Presentation, “Magic Mike’s Last Dance” slides into theaters across the Philippines beginning February 8.
Join the conversation online and use the hashtag #MagicMikesLastDance
(ROHN ROMULO)
Planong magpatupad ng “calibrated importation” ng mga sibuyas sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa gitna ito ng mga agam-agam ng ilan sa ating mga kababayan hinggil sa pag-aangkat ng sibuyas ng pamahalaan dahil sa kawalan ng suplay nito sa mga merkado.
Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Kristine Evagelista, layon nito na pangalagaan ang mga magsasaka sa bansa.
Aniya, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang mga reports ukol dito kabilang na ang dami ng mga indibidwal na nag-apply sa ilalim nito.
Paglilinaw ni DA, ito ay bahagi ng itinatag na parameters ng Bureau of Plant Industry (BPI) na mangangalaga sa mga ani ng mga kababayan nating magsasaka at naglilimita na rin sa importasyon ng mga produktong agrikultura sa bansa.
“So a calibrated importation was something they had to look into… As of now, we are waiting for reports kung ilan po ang nag-apply and at the same time I don’t know if you noticed, mayroon pong cutoff iyong ating importation unlike before,” ayon kay Evangelista.
Samantala, bukod dito ay iniulat din ng opisyal na sa ngayon ay bumaba na sa Php 250 kada kilo ang farmgate price ng sibuyas.
Bagay na kasalukuyan pa rin aniya nilang ivalidate upang tiyakin na hindi lamang ito ipinapatupad sa iisang lugar lamang sa Pilipinas.
Ngunit nilinaw niya na batay sa ginagawang monitoring ng ahensya sa 13 merkado sa Metro Manila ay pumapalo pa rin sa Php400 hanggang Php550 ang presyo ng retail prices ng sibuyas.
IPINAABOT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pagbati habang ipinagdiriwang ng buong mundo ang Chinese New Year 2023.
Sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng mga pagdiriwang, nakikilala ang mga ugnayang nagbubuklod sa atin bilang isang pamilya, isang komunidad, at bilang isang bansa.
Aniya, habang ipinagdiriwang ang bagong taon ng mga Chinese, dapat rin umanong bigyang pansin ang yaman ng kultura at kasaysayan na naging dahilan upang maging makulay at masigla ang ating bansa sa kasalukuyan.
Higit pa rito, hinimok ni Pangulong Marcos ang lahat na tumuon sa muling nagpapatibay sa mga buklod ng pagkakamag-anak at pagkakaibigan na nagbigay-daan na makayanan ang lahat ng hamon at malampasan ang mga pagsubok na dumating sa buhay ng mamamayan.
Dagdag dito, todo ang galak ng pangulo para sa mga Filipino-Chinese na kabilang sa komunidad ng bansa dahil panibagong kabanata muli ang kanilang kahaharapin sa buhay.
Una na rito, iginiit pa niya na bilang mga Pilipino, dapat na magtulungan at magkaisa ano pa man ang lahi para sa ikauunlad ng ating bansa.