SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mage-establisa ang Department of Agriculture (DA) ng two-month sugar buffer stock para pababain ang presyo at maiwasan ang kakapusan sa hinaharap.
“Again [for] sugar, to cut down speculation, we are guaranteeing a buffer stock of two months. So hindi magkaka-shortage, hindi dapat tataas ang presyo,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We are beginning to rationalize this buying schedule, the importation schedule, so that we will match the crop here of the local producers of sugar. Para hindi naman tayo nagpapasok habang mababa ang presyo ng asukal, so para mag-normalize naman ‘yung presyo,” aniya pa rin.
Sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, iniulat ng mga opisyal ng DA na ang umiiral na retail price ng asukal mula Oktubre 2022 hanggang Enero 2023 ay mataas kumpara sa presyo mula Oktubre 2021 hanggang Enero 2022.
Iniulat din ng mga ito na “as of January 8,” ang raw sugar production ay nasa 877,028 metric tons (MT), 22.41% na mas mataas kumpara sa crop year’s (CY) 716,485 MT.
Ang raw sugar stock balance ay nasa 362,263 MT, 0.92% na mas mababa sa 365,633 MT ng nakalipas na crop year o taon ng pag-aani.
“During the same period, refined sugar production reached 316,829.15 MT, 34 percent higher than last crop year’s 235,838.45 MT, while domestic use of refined sugar for the same period is at 211,832.90 MT, 17.78 percent lower compared to last CY’s 257,646.75 MT,” ayon sa ulat.
Ang refined sugar stock balance, sa kabilang dako ay 132,384.55 MT, 8.68% na mas mataas kumpara sa nakaraang CY’s 121,813.25 MT.
Para sa Sugar Regulatory Administration (SRA), ang projection nito ay negative sugar-ending inventory sa July 2023.
Kapwa naman hiniling ng Carbonated Soft Drinks (CSD) industry at major sugar industry stakeholders ang implementasyon ng supplemental sugar importation program base sa pgtataya na ang kasalukuyang sugar inventory ay matatagal lamang ng hanggang second quarter ng taon.
Sinabi naman ng CSD industry na “without premium refined domestic sugar to manufacture its products, manufacturers would be forced to impose prolonged shutdowns, which would affect the livelihood of employees.”
Kapwa naman inirekomenda ng DA at SRA ang pag-aangkat ng hanggang 450,000 MT ng asukal, kasunod ng naging kautusan ni Pangulong Marcos na panatilihin ang two-month sugar buffer stock at ibaba ang retail prices.
Idagdag pa rito, para maibaba ang presyo ng asukal, nagbigay naman ng go signal ang DA para sa pagbebenta ng 80,000 bags ng nakumpiskang asukal sa KADIWA stores sa halagang P70 per kilo sa oras na maaprubahan ito ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan gaya ng finance department at SRA.
Isang “sugar council,” binubuo ng sugar planters’ federations, ang binuo para pag-usapan ang policy recommendations sa gobyerno para sa sugar industry. (Daris Jose)