• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 4th, 2023

China, umaasa na papalag ang Pinas kapag inaabuso na, kinakaladkad sa isyu ng ‘trouble waters’

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA ang China na papalag at tututol na ang Pilipinas kapag inaabuso na o may nagsasamantala at kinakaladkad sa isyu ng  “trouble waters.”  

 

 

Ang pahayag na ito ng Chinese embassy sa Maynila ay matapos na sabihin ni  US Defense Secretary Lloyd Austin sa Camp Aguinaldo na muling pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang  commitment  sa 1951 Mutual Defense Treaty.

 

 

Sa joint press conference kasama si  Defense Secretary Carlito Galvez Jr., sinabi ni Austin na ang hakbang na ito ay mahalaga  habang ang  “China continues to advance their illegitimate claims in the West Philippines Sea.”

 

 

Ang buwelta naman ng tagapagsalita ng Chinese embassy na tila dinudungisan ni Austin  ang China sa usapin ng South China Sea “to advance the anti-China political agenda of the US.”

 

 

“Such moves contradict the common aspiration of regional countries to seek peace, cooperation and development, and run counter to the common aspiration of the Filipino people to pursue sound economic recovery and a better life in cooperation with China,” ayon sa embahada.

 

 

“It is hoped that the Philippine side stays v

 

 

Sinabi ng embahada, para sa China ang  “defense and security cooperation” sa pagitan ng mga bansa ay dapat na nakatutulong at kaaya-aya sa “regional peace at stability.”

 

 

Anito, ang defense cooperation ay dapat  na “not target against any third party, even less to harm the interests of a third party.”

 

 

“The United States, out of its self interests and zero-sum game mentality, continues to step up military posture in this region. Its actions escalate regional tension and undermine regional peace and stability,” ang wika ng embahada.

 

 

Inanunsyo naman ng Department of National Defense ang paghirang sa apat na bagong lokasyon para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement sa Estados Unidos sa naging pagbisita ni Austin.

 

 

Si Austin ay dumating sa Pilipinas noong Martes ng gabi.

 

 

Nag-courtesy call siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  kasama ang iba pang opisyal, araw ng Huwebes. (Daris Jose)

Nabakante ni DSWD REX GATCHALIAN, ipag-uugnay ng liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC)

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

CARETAKER sa iiwang distrito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, ipag-uugnay ng liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC).

 

 

Sinabi ni Speaker Martin Romualdez na makikipag-ugnayan sila sa NPC para talakayin ang gagawing pagtatalaga ng caretaker sa congressional post na binakante ng bagong DSWD secretary.

 

 

Paliwanag ni Romualdez, kadalasan na kapag may nababakanteng posisyon sa Kongreso ay agad na nagtatalaga ng caretaker dito upang masiguro na magpapatuloy ang public service ng nabakanteng tanggapan ng isang mambabatas.

 

 

Si Gatchalian ang representante ng unang distrito ng Valenzuela City. Inaasahan namang magpapasa ng resolusyon ukol dito ang Kamara. (Ara Romero)

Melvin Jerusalem kontra Oscar Collazo konti kembot na lang

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Maagang madedepensahan ni World Boxing Organization mini-flyweight champion Melvin Jerusalem ang kanyang titulo kapag naplantsa ang pakikipag-umbagan kay 2019 Pan American Games gold medalist at undefeated Puerto Rican Oscar Collazo.

 

Inatasan ng WBO World Championship Committee ang dalawang boksingero para sa mandatory bout. Binigyan ang dalawang kampo ng hanggang Pebrero 14 upang magkasundo at maiwasan ang purse bid kasunod ng paghirang kay Collazo bilang top contender sa nagdaang weekend.

 

“Please be advised that the WBO World Championship Committee is hereby ordering the commencement of negotiations for the subject matter bout,” bulalas ni WBO WCC chairman Luis Batista-Salas . “The parties herein have 15 days upon issuance of this letter to negotiate and reach an agreement accordingly.”

 

Tinapos ni Jerusalem ang anim na buwang pagkabokya ng ‘Pinas sa men’s world boxing title nang patumbahin si Japanese Masataka Taniguchi sa second round nung Enero sa Osaka upang mahablot ang korona. (CARD)

Maraming netizens ang naka-relate sa nangyari: AIKO, naimbyerna sa isang airline dahil nasira ang mamahaling maleta

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NA-IMBYERNA si Quezon City Councilor Aiko Melendez sa isang airline company after na masira ang expensive luggage nang pumunta sila Taiwan.

 

 

Ipinost ng aktres sa kanyang Facebook account last February 1 ang labis na pagkadismaya niya sa kilalang airline kasama ang photos ng nasirang maleta.

 

 

Caption ni Aiko, “Philippine Airlines what happened with our luggage? Our belongings should be treated with care.

 

 

“It was not a full flight, but I’m wondering what went wrong. Rimowa is known to be a heavy-duty luggage it takes a lot of force for this be damaged “#disappointed”.

 

 

Kuwento pa ni Aiko sa kaibigan na nagtanong sa nangyari, “i just arrived in Taiwan.. and when our luggage got out of the carousel ganyan na bro. Tapos we were looking for a counter na we can report this, walang counter [sad emoji] i recieved a message from IG bro they said i should have filed a complaint? How bro eh wala tao and ung isang kausap namen di marunong mag english.”

 

 

Agad namang nag-reply ang naturang airline sa reklamo ng mahusay at premyadong aktres.

 

 

“Hi, Aiko. We are truly sorry for the inconvenience that this has caused. We understand how important your baggage is. We have noted that you have also reached out to us via Instagram. We assure you that we are looking into this matter and we’ll get back to you with updates via direct message. Thank you.”

 

 

Sa ngayon ay aabangan ng mga marites kung magkakaroon nang agarang solusyon sa naging problema ni Aiko at katulad ng dati, maraming opinyon ang mga netizens sa naturang masaklap na pangyayari na naranasan din nila pagsakay sa PAL:

 

 

“Pag artista agad agad. Pero pag normal na tao goodluck mga te!”

 

 

“Totoo ka dyan, lalo na sa ticket refund Nung 2020 para kailangan lumuha ka ng dugo para lang ma refund yung ticket oh Loko nakatikim sila ng reported as fraud Ehdi refunded agad after non Sabi ko sa sarili ko hinding Hindi na ako sasakay sa Philippine airlines sorry not very sorry,”

 

 

“2 samsonite luggage ko damaged din. Sa NAIA yan.”

 

 

“Nabasagan na din ako ng maleta kaso slapsoil lang ako kaya di na nagreklamo at wala naman mangyayari. Sadly ganon tlg sa airport binabato mga bagahe.”

 

 

“Same may maleta ako nawalan ng gulong pero knowing wala naman paki ang handlers, sorry nalang ako. Pero grateful parin Baks dahil di nawalan ng gamit ok na ung maleta ang masira.”

 

 

“Tinatapon lang naman kasi yung luggages lalo na kung tamad yung nagtatrabaho. At madali din buksan yan gamit ang ballpen.”

 

 

“I will never ride PAL again. Okay na magbayad ng mas mahal (minsan nga cheaper pa) sa ibang airline kesa sakit sa ulo aabutin mo sa PAL.”

 

 

“Si panlasang pinoy vlogger din, nanakawan, binuksan mga maleta. Hayyyss.”

 

 

“Rimowa has a lifetime warranty. Bring it to Rimowa for repair.”

 

 

“Yan ang problema ng sobrang mahal na luggage at talagang wala silang pakialam. Kahit lagyan pa yan ng wrap o cover basta ihahagis nila magkakaroon pa din ng dent or yung wheels ang masira.”

 

 

“Kaya nakakapanghinayang bumili ng mahal ng luggage, binabalahura lang sa airport e.”

 

 

“Nope, Aiko. You are wrong. Airlines never handle the luggages with care, ever. Hagis dito hagis duon sila literal. And that’s why Rimowa made heavy duty luggages bec they know how airlines handle luggages. Rimowa also offers service where they can fix your luggage at your hotel. Just take advantage of that service. And dont fly PAL, one of the worst airlines and customer service. They business class is no class compared to other carriers.”

 

 

“Kung ako yan sugurin ko airport. Magkademandahan na. Ayoko binababoy ang gamit ko

 

 

“Alam ko lifetime warranty ang rimowa. Basta dlhn lng either papalitan or irerepair. Basta may record na ikaw ang bumili

 

 

“Yes! Travel insurance is a must if you are frequent traveler.”

 

 

“You can always ask the airlines to replace the luggage if broken.”

 

 

“Asa ka sa PAL. Worst customer service ever.”

 

 

‘If you have travel insurance you can claim”

 

 

“Wala din siguro sa brand yan, yung luggage ko hindi naman kamahalan Pero nakaka survive from seattle to manila. So far tuwing nagbabakasyon ako wala pa naman nangyayaring ganyan.”

 

 

“Madami pa ba nawawalan sa NAIA? I watched a vlog ng isang Pinoy ang dami nawala sa gamit nila last December. Nakakatakot na tuloy umuwi. Ano kayang safest solution sa luggages para di nakawan?”

 

 

“i remember may news din dati kay Korina Sanchez naman imagine LV luggages niya na-slash!!! PAL din yun.”

 

 

“Incidents like this makes me stick to my belief na expensive luggage pang hand carry lang unless you don’t mind na masira sya.”

 

 

“I used to worked at abu dhabi airport and i remember we had a vip carrying LV luggage as in like 5 pcs. Pag dating sa ramp nakalagay lang sa floor ang mga bagahe katabi pa ng basa na tubig. My point is wala namang paki yang mga handlers kesyo mahal ang luggage mo o hindi. Yung work nila is to ensure na maload yung bagahe mo.”

 

(ROHN ROMULO)

Stephen Curry no match kay Taylor Robertson pag dating sa tres

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nagkita ang National Basketball Association all-time 3-point leader at United States National Collegiate Athletic Association women’s all-time 3-point leader sa Oklahoma City nitong Lunes.

 

Bago hinarap ng Golden State ang Thunder, nakipag-tsikahan muna si Stephen Curry kay Taylor Robertson ng University of Oklahoma Sooners.

 

Noong Sabado, nilista ni Robertson ang career 3-pointer No. 498 sa 86-78 loss ng OU kontra Iowa State Cyclones. Binura ng guard ang dating record ni Kelsey Mitchell ng Ohio State, hawak na niya ang most triples sa men’s at women’s basketball sa kasaysayan ng NCAA Division I.

 

Suot pa ni Robertson ang No. 30 ni Curry sa Warriors habang nakatayo sa sidelines ng Paycom Center, pinapanood ang two-time MVP sa warmup. Maya-maya, nilapitan siya ni Curry.

 

Bago ‘yun, may video message ang Golden State star kay Robertson.

 

“I know you’re going to keep adding to that number, and hopefully make it something that will never be broken,” ani Curry. “To go from making eight 3s in your first college game against Western Kentucky to now 498 … that is amazing, amazing accomplishment. I only made 414 3s in college, so you’ve had me beat.” (CARD)

Kyle Smaine patay sa avalanche sa Japan

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Patay si US skier Kyle Smaine matapos na matabunan sa naganap na avalanche sa Japan.

 

Isa ang 31-anyos na skier sa 13 nasawi sa naganap na avalanche sa Nagano, Japan.

 

Ayon sa mga otoridad na patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang ilang mga biktima na posibleng natabunan na.

 

Kuwento ng kasama nito na si Grant Granderson na isang photographer, na pinigilan na niya si Smaine na mag-ski subalit nagpumilit ito hanggang mangyari ang aksidente.

 

Si Smaine ay naging kampeon ng 2015 Freestyle ski and Snowboarding World Championship. (CARD)

Mental Health Emergency, pinadedeklara

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BUNSOD na rin sa naiulat na pagtaas sa bilang ng mga estudyanteng nagpapakamatay, nanawagan ang Kabataan Party List  kay Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara ng Mental Health Emergency.

 

 

Nag-aalala rin ang partylist sa report ng Department of Education (DepEd) sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na nasa total na 404 youth students sa bansa ang nagpakamatay at 2,147 iba naman ang nagtangkang tapusin ang kanilang buhay sa Academic Year 2021-2022.

 

 

“Crunching the data, there had been more than one student who fell victim to suicide per day while roughly one student attempted to commit suicide every four hours in the past academic year. These are numbers we have never seen before,” ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel.

 

 

Ibinunyag pa ng DepEd na ang kasalukuyang ratio ng Mental Health Professionals to students ay nasa 1:13,400, malayo sa ideal ratio na 1:500.

 

 

Dala nito, nanawagan ang mambabatas na magdeklara ng mental health emergency para magbigay daan sa agarang aksyon mula sa gobyernopara sa badyet at suporta para sa pagkakaroon ng mga mental health professionals at serbisyo.

 

 

Dapat ding ipatupad ng Kamara ang oversight powers nito para masilip ang pagpapatupad ng Mental Health Law upang matugunan ang alinmang kakulangan nito.

 

 

“Higit sa pagtugon sa mental health services, di natin maitatanggi na epekto rin ito ng higit dalawang taong pagsara ng mga paaralan at ang distance o hybrid learning modality na dumoble sa load at gastusin ng mga estudyante. In this regard, we also need a serious review and overhaul of education policies especially the K-12 while we ensure 100% face-to-face classes,” pahayag pa ni Manuel.

 

 

Nakatakdang maghain ang grupo na resolusyon sa kamara para hikayatin ang kasalukuyang administrasyon na magdeklara ng mental health emergency, imbestigahan ang kasalukuyang krisis at bilisan ang pagpapatupad ng mga polisiya upang matugunan ang nasabing krisis.

 

 

Mahigpit  ding magmomonitor ang Kabataan Partylist sa implementasyon ng DepEd MATATAG Education Agenda para sa pagpapatupad ng mental health services sa bawat eskuwela. (ARA ROMERO)

Muling nag-update sa kanyang kalusugan: KRIS, may malaking tsansa sa patuloy na paggaling

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING nag-update si Kris Aquino tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

 

 

Patuloy na nakikipaglaban sa kanyang multiple autoimmune disorderstulad ng mga kundisyon na autoimmune thyroiditis and Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA) or Churg-Strauss Syndrome.

 

 

Nitong lamang February 2, ilang araw bago ang kaarawan niya sa February 14, ibinahagi ni Kris na may bago siyang doktor at panibagong pag-asa sa pagpapatuloy ng kanyang gamutan.

 

 

Sinabi rin ni Kris, base sa kanyang Instagram post,  na may malaking tsansa na siya ay patuloy na gagaling.

 

 

“For all of you, thank you for continuing to pray for me- I failed to ask his permission if I could name him, but my new doctor is considered among the BEST. I waited 3 & a half months to have a face to face consultation- and i know i made the right choice because after months of uncertainty, he gave someone like me, suffering from multiple autoimmune conditions the most important element needed: the renewed confidence to HOPE that although it will be a long process, i do have a strong chance of getting better. #faithful #grateful.

 

 

“To the original M.L. in my life @michaelleyva_ , little did i know, July of 2015- I’d make a lifelong, LOYAL friend and for Kuya Josh & Bimb to have an adopted kuya… Ibang klaseng #lovelovelove yung lumipad ka for just 4 nights, timing your trip so you’ll be here on the day I had my 1st checkup… Thank you for the GENUINE LOVE & EXTREME EFFORT. Super appreciated ko that you never fail to mention that i was one of the people who helped open the door for you- pero dapat malaman ng lahat you won’t be who you are NOW kung hindi ka creative, super sipag, always pleasant, still humble, kusang matulungin, concerned sa welfare ng employees mo and mapagmahal sa pamilya…”

 

 

Natuwa ang mga nagmamahal kay Kris nang makita siya na namamasyal sa Disneyland kamakailan kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.

 

 

Kapansin-pansin rin na nag-gain ng timbang si Kris at hindi na ganoong kapayat tulad dati.

(ROMMEL L. GONZALES)

US, Pinas, tinalakay ang ‘destabilizing activities’ sa pinagtatalunang katubigan

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGDAOS ng pag-uusap ang Maynila at Washington hinggil sa  konkretong aksyon para tugunan ang “destabilizing activities” sa Philippine waters.

 

 

“We discussed concrete actions to address destabilizing activities in the waters surrounding the Philippines including the West Philippine Sea,”  ayon kay US Defense Secretary Lloyd Austin III.

 

 

“And we remain committed to strengthening our mutual capacities to resist armed attack,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya, pinagtibay nila ng kanyang Filipino counterpart  na si Carlito Galvez Jr. ang kanilang  ‘commitment’ sa ilalim ng  decades-old Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

 

 

“We note the Mutual Defense Treaty applies to armed attacks on either of our armed forces, public vessels, or aircraft anywhere in the South China Sea or the West Philippine Sea,” paliwanag ni Austin.

 

 

Ang Estados Unidos ay magkakaroon na ng “wide access” sa  military camps sa Pilipinas matapos na pumayag ang Maynila na magtalaga ng apat pang  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites – karagdagan sa orihinal na lima.

 

 

Nangako rin ang Washington na tutulong para i-modernize ang Philippine military.

 

 

Winika ni Austin na ang pagsisikap na ito ay “especially important” habang ang  China ay “continues to advance its illegitimate claims” sa  West Philippine Sea. (Daris Jose)

Government employees, sang-ayon na babaan ang edad sa pagreretiro

Posted on: February 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BUKAS ang ilang mga empleyado ng gobyerno sa hakbang ng House of Representatives na babaan ang kanilang opsyonal na edad sa pagreretiro mula 60 hanggang 56 na taong gulang.

 

 

Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission, ang isang konsultasyon ng mga tauhan sa buong bansa na isinagawa noong 2019 bago ang pandemya ng COVID-19 ay nagpakita na gusto nilang magretiro sa mas batang edad.

 

 

Aniya, ang Pilipinas ang may pinakamatandang mandatory age at optional retirement age sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN.

 

 

Dapat umano na bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng gobyerno na gamitin ang kanilang natitirang productive years para sa iba pang makabuluhang bagay.

 

 

Sa ngayon, umaapela si Lizada sa Senado na isaalang-alang ang counterpart bill para sa maagang pagreretiro ng mga empleyado ng gobyerno ng ating bansa. (Daris Jose)