• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 2nd, 2023

Ads March 2, 2023

Posted on: March 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Bukod pa kanyang pagiging Navy reservist: KYLE, very vocal sa pagsasabing papasukin ang pulitika balang-araw

Posted on: March 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG nasa Viva na si Kyle Velino, biglang naiba ang kanyang landas, matapos niyang magpaka-daring noon sa Boy’s Love series na ‘Gameboys’.

 

 

Sa ‘Martyr Or Murderer’ kasi, ginagampanan niya ang papel ni Greggy Araneta. Bukod dito, very vocal si Kyle sa pagsasabing nais niyang pasukin ang pulitika balang-araw.

 

“Medyo sineseryoso ko po talaga kung ano man po yung puwede kong maitulong sa ating gobyerno.

 

“Kung anuman po ang posisyon, kahit any in the government po, talagang I’ll do my best. Kaya po nag-reservist ako sa Navy. Parte po yan.

 

“Nag-aaral po ako ngayon ng mga extra courses. Pero siyempre, alam ko naman pong kaya ko. And siyempre, Panginoon ang makakapagsabi kung ano ang para sa iyo pero iyon po ang ginagawa ko ngayon,” pahayag ni Kyle na unang gumanap bilang Greggy sa ‘Maid In Malacañang’.

 

Tungkol naman sa kanyang pagiging Navy reservist…

 

“Yung sa Navy, very unexpected po. Nayaya lang din po ako ng ibang celebrities tulad nina Kuya Jason Abalos, sila po ang mga kasabay ko, e.

 

“So very productive, hindi ko akalain na ganun yung training ng pagiging reservist. Hindi ko talaga siya naiintindihan nung pumasok ako about three months ago po yata.

 

“Yung training po namin, two months. First month po nun, puro zoom. Kasi, yung reservists daw, puro civilian yan, e.
“May abogado, may doktor. Iba-iba po talaga, may celebrity, may pulitiko. So ngayon po, ang Navy, pinapalawak po nila ang campaign nila to invite yung mga civilian para maging reservist.

 

“Siyempre mas gusto natin na tulad ng ibang bansa, kapag civilian ka, alam mo rin kung ano ang dapat gawin, prepared ka rin sa kahit anong disaster.”

 

Dagdag pa niya, “Yung training po namin, first month, puro zoom every weekend. Tapos yung second month, every weekend din po, face-to-face training sa camp sa Taguig.

 

“Dun po ginawa yung military formations, pagkalas ng baril, firing, lahat po. And then ang pinaka-finale po ay four-day training sa Ternate, Cavite. It’s inside the camp.

 

“Four days straight po kayong nandun. Nandun lahat ng training, lahat ng ituturo sa inyo. It’s not easy.

 

“Akala ko nga, madali. ‘O, ambassador ka naman diyan, tapos reservist.’ Akala namin, medyo may special treatment.
“Pero wala. Wala po. Nung pumasok kami dun, kung ano ang training ng reservist, kung ano ang training ng sundalo, halos ganun po yung ginawa namin.

 

“Disiplina po talaga. Imagine, 4:00 am, gising ka, ito lang ang pagkain ninyo, training buong araw. Matatapos kayo, 10:00 pm.

 

“Hirap kang matulog. Kasi, nasa tent kayo. Hindi kayo makaligo. It was hard actually. To be honest, it was really hard, but it was fulfilling talaga.

 

“Very fulfilling kasi brotherhood, marami kang na-meet, marami kang nakilala na different people from different walks of life.

 

“Bilang isang bata naman po, nagta-try ako ng mga bagong things and itong pagiging Navy reservist, I’m very proud po talaga.”

 

Bukod sa showing ngayon ang ‘Martyr or Murderer’, ay naka-schedule na rin ang showing ng Viva Films movie sa Middle East (Marso 9), USA (Marso 10), Singapore (Marso 10), Taiwan (Marso 11 at 12), at Australia (Marso 11), Tokyo (Marso 19, Abril 2, Abril 9), Osaka (Marso 26), Nagoya (Abril 2), Saitama Urawa (Abril 2), Hachioji (Abril 9), at Saitama Kawaguchi (Abril 9).

 

Ia-announce soon ang release dates sa Hong Kong, Austria, Italy, Greece, at Israel.

(ROMMEL L. GONZALES)

PBBM, ipinag-utos ang Whole-Of-Gov’t Approach para palakasin ang bagong maritime program

Posted on: March 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang whole-of-government approach para palakasin ang bagong maritime industry program, nakikitang makapagdadala ng mahalaga at matibay na  economic growth  sa bansa.

 

 

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa idinaos na  Philippine Maritime Industry Summit 2023,  sinabi ng Pangulo na sakop ng  bagong programa, tinawag na Maritime Industry Development Plan (MIDP) 2028, ang  eight-point economic agenda ng kanyang administrasyon.

 

 

“Through this development plan—which was formulated by the MARINA (Maritime Industry Authority) and the DOTr (Department of Transportation),  in coordination with relevant government agencies and key stakeholders—we will achieve our two core objectives: First, to ensure the development and expansion of the Philippine merchant fleet and Second, to ensure the advancement of a future- ready maritime human capital,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Specifically, this plan covers eight priority programs ranging from enhancing maritime transport safety and security; promoting environmental sustainability; implementing digitalization; modernizing, upgrading and expanding domestic and overseas shipping industries— including the local shipbuilding and ship repair industry; promoting a highly skilled and competitive maritime workforce; and adopting an effective and efficient maritime administration governance system,” litaniya ng Pangulo.

 

 

Tinukoy pa ng Chief Executive na layon ng MIDP na magtatag ng  sistema na  “lessen the detrimental impacts of both natural and man-made calamities and prepare for future contingencies that may affect the sector.”

 

 

Tinukoy ng Pangulo ang taong 2022 kung saan ang Pilipinas ang  primary source ng maritime manpower ng buong mundo— bumubuo sa 25% ng global seafarers at nakapagdadala ng may kabuuang USD6.71 billion na remittances.

 

 

“With that being said, I laud the commitment of our Filipino seafarers to bring honor and pride once again to the country. They do this by providing quality service across the globe and contributing to our nation-building efforts,” ayon sa Pangulo kasabay ng pasasalamat nito sa mga opisyal at miyembro ng domestic at overseas shipping, shipbuilding  at ship repair sectors sa bansa.

 

 

Inanunsyo rin ng Pangulo na  “as of Dec. 31, 2022”, mayroong 16,000 registered domestic sea vessels ang naglalayag sa 1,300 inter- island shipping routes  sa buong Pilipinas.

 

 

“There are almost 100 Philippine- registered overseas ships that yielded Php30.75 million in tax collections in 2022,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“With regard to the local shipbuilding and ship repair sector, as of 2021, there are 116 MARINA registered shipyards across the country,” aniya pa rin.

 

 

Naniniwala naman ang Pangulo na ang Pilipinas bilang isang  maritime nation,  dapat na gawing top priority ang maritime industry.

 

 

“While we already hold a dominant position in the world of global shipping, I certainly believe that we can do more, especially here at home,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“We already hold the most vital ingredient to success— which is our seafarers.  All we need to do now is to ensure that we harness their knowledge, make use of their experience, and mobilize our local industries to build an even stronger domestic maritime industry for the benefit of our people,”  aniya pa rin.

 

 

Dahil dito, hinikayat ng Pangulo ang lahat ng  government institutions at key stakeholders na magsama-sama at magtulungan para tiyakin ang patuloy na paglago at pag-unlad ng  maritime sector.

 

 

“I also urge all concerned agencies to pursue a whole-of-government approach to effectively implement the MIDP 2028 as well as to continue communicating with member-states of the International Maritime Organization and the European Union-Committee on Safe Seas,”  ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

PBBM, target palakasin ang food security at fishery sector ng bansa

Posted on: March 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sectoral meeting kasama ang Department of Agriculture – Philippines at National Irrigation Administration upang talakayin ang suplay ng bigas sa bansa ngayong taon.

 

 

Ibinahagi ng DA ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan para sa sapat na suplay ng mga produkto tulad ng bigas, mais, asukal, isda, at karne ng manok at baboy.

 

 

Ipinag-utos din ng Pangulo sa NIA ang pagsisiguro sa implementasyon ng mga plano at masinop na paggamit ng pondo upang maiayos ang sistema ng irigasyon sa halos tatlong milyon na ektarya ng lupang sakahan sa bansa.

 

 

Sa nasabing pulong ipinunto ng Pangulo na nais nito ang detalyadong iskedyul ng pagtatanim ng mga panamin para maiwasan na mag import ng mga produkto sa panahon ng harvest season.

 

 

Sinabi ng Pangulo dapat lamang ikunsidera ng gobyerno ang sensitivities ng local cropping partikular na ang kanilang cyclical nature kapag nag-sourcing ng mga produkto sa ibang bansa.

 

 

Bilang tugon sa climate change, kailangan ng mga magsasaka na ilipat ang kanilang planting schedule sa ilang lugar sa bansa.

 

 

Noong nakaraang taon mababa ang performance ng agriculture, forestry at fisheries sectos na nasa 0.5 percent.

 

 

Ang katamtamang paglago ay naiugnay sa positibong Gross Value Added (GVA) ang paglago ng 2.3 porsiyento sa mga baka at 6.7 porsiyento sa manok.

 

 

Sa ilalim ng Philippine Development Plan ng administrasyong Marcos, target ng DA ang growth rate na 1.8 porsiyento hanggang 3.3 porsiyento sa sektor ng agrikultura mula 2023 hanggang 2028.

 

 

Samantala, sinimulan na ng pamahalaan na bumalangkas ng mga plano para mapabuti ang sektor ng pangisdaan sa bansa.

 

 

Ito’y matapos inatasan ng Pangulo ang iba’t ibang ahensya na bumuo ng mga kinakailangang imprastraktura at pasilidad para palakasin pa ang fishery sector ng bansa.

 

 

Bukod sa pagtatanim, tinalakay din sa pulong ang mga hakbang na gagawin para tugunan ang krisis sa produksyon ng palaisdaan matapos harapin ang suplay ng bigas at hayop.

 

 

Kabilang sa mga interbensyon ng DA na naglalayong pahusayin ang produksyon ng mga pangunahing bilihin sa agrikultura ay ang rehabilitasyon at modernisasyon ng mga fish port complex, gayundin ang pagpapatupad ng agricultural at fishery machinery and equipment service center.

 

 

Batay sa 2023 Demand and Supply Outlook para sa Basic Commodities, ang 3.55 milyong metrikong toneladang demand ng isda sa bansa ay lumampas sa suplay sa 2.97 milyong metriko tonelada.

 

 

Mayroon itong 2.88 million metric tons na inaasahang para sa local production na may imports na 0.04 million metric tons. (Daris Jose)

Tulak isinelda sa P500K shabu sa Caloocan

Posted on: March 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.5 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng ilegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) matapos matimbog sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Tyrone Dimaano alyas “Bubu”, 27 ng No. 46 G, Barangay Balon Bato, Dimaano Compound, Quezon City.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, dakong alas-3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo ng buy bust operation na may coordination sa PDEA-RONCR sa Calle Kwatro, Brgy. 81, Caloocan City.

 

 

Isang undecover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P8,500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P544,000.00; at buy bust money na isang P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Penones Jr ang Caloocan CPS sa kanilang matagumampay na drug operation habang mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

DOTr kampanteng di matutuloy ang transport strike vs jeepney phaseout

Posted on: March 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANANALIG ang Department of Transportation (DOTr) na hindi matutuloy ang pinaplanong transport strike ng mga tsuper at operator ng public utility vehicles sa susunod na linggo, ito habang naghahanda ng mga alternatibong masasakyan ng publiko kung sakaling tuloy ang welga.

 

 

Nagbabalak kasi ng tigil-pasada ang ilang operator at driver ng jeep at UV Express simula ika-6 hanggang ika-12 ng Marso upang mapigilan ang utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ipatigil ang kanilang operasyon matapos ang ika-30 ng Hunyo.

 

 

Saklaw nito ang mga indibidwal at tradisyunal na operator na hindi pa rin makapapasok sa mga korporasyon o kooperatibang bibili ng 15 minibuses na nagkakahalaga ng hanggang P2.8 milyon kada ruta, bagay na napakamahal daw sabi ng transport group na PISTON.

 

 

“Tingin ko naman, unang-una, palagay ko kapag nagkausap kami nang maayos, hindi matutuloy ang strike na ‘yan,” sabi ni Transport Secretary Jaime Bautista, Martes, sa panayam sa media.

 

 

“Alam mo ang contingency natin dito, marami na rin dito sa Metro Manila, marami na rin namang mga modernized jeepneys, ano? Marami na ring cooperatives na nag-comply doon sa requirement natin.”

 

 

“They assured us that they will continue operations.”

 

 

Una nang sinabi ni Manibela national president Mar Valbuena na aabot sa 40,000 jeepney at UV Express units ang lalahok sa kanilang pagkilos sa Metro Manila pa lang, ito habang hinihikayat ang mga komyuter na suportahan ang kanilang laban.

 

 

Labas sa Metro Manila, sinasabing matatamaan din ng strike ang mga ruta sa Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Bacolod, Davao, Cagayan de Oro at Bicol. Suportado ng PISTON at Laban TNVS ang pagkilos ng Manibela.

 

 

Maliban sa mga jeep na nagtransisyon na sa modernong electric minibuses, sinabi rin ni Bautista na gagawan din ng paraan ng gobyerno kung paano makasasakay ang mga komyuter gamit ang mga sasakyan ng gobyerno.

 

 

“Meron din kaming arrangement with the other sectors, for example ang Coast Guard,” banggit pa ng DOTr official.

 

 

“Meron kaming mga available na mga sasakyan, other government agencies, [Metropolitan Manila Development Authority]. Marami namang magsu-support sa amin.”

 

 

Kanina lang nang sabihin ng MMDA na nakausap na nila si Interior Secretary Behur Abalos na maglalabas ang Department of the Interior Government ng memorandum para sa mga local government units kaugnay ng transport strikes.

 

 

Dagdag pa rito, “libreng sakay” din daw ang kanilang ilalang augmentation sa transportasyon sa araw na iyon.

 

 

Una nang sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III na nasa 60% pa lang ng target number ng sasakyan para sa modernisasyon ang tuluyang nakasunod sa kanilang direktiba. (Daris Jose)

MEET THE CREATURES OF “DUNGEONS & DRAGONS: HONOR AMONG THIEVES”

Posted on: March 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DRAGONS, a mimic… intellect devourers? Creature Week is in full swing! 

 

 

Watch the “Meet the Creatures” featurette below for Paramount Pictures’ Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves and see the film only in Philippine cinemas starting March 29.

 

 

YouTube: https://youtu.be/thVrht-7SEA

 

 

About Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves 

 

 

A charming thief and a band of unlikely adventurers undertake an epic heist to retrieve a lost relic, but things go dangerously awry when they run afoul of the wrong people.  Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves brings the rich world and playful spirit of the legendary roleplaying game to the big screen in a hilarious and action-packed adventure.

 

 

Paramount Pictures Presents In Association with eOne A Jonathan Goldstein & John Francis Daley Film

 

 

Directed by Jonathan Goldstein & John Francis Daley, screenplay by Jonathan Goldstein & John Francis Daley and Michael Gilio. Story by Chris McKay & Michael Gilio, based on HASBRO’S DUNGEONS & DRAGONS

 

 

The film stars Chris Pine, Michelle Rodriguez, Regé-Jean Page, Justice Smith, Sophia Lillis, Chloe Coleman, Daisy Head and Hugh Grant.

 

 

Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Connect with #DnDMovie and tag @paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

Pinaghahandaan na ang bonggang wedding: ROBI, emosyonal nang alalahanin ang tulong ng mga magulang sa pagtupad ng mga pangarap

Posted on: March 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHAHANDAAN na raw ni Robi Domingo ang magiging bonggang wedding nila ng kanyang fiancee na si Maiqui Pineda.

 

 

Ibinahagi ni Robi na maliban sa kasal ay naghahanda na rin sila ni Maiqui sa buhay na pagsasamahan nila bilang mag-asawa.

 

 

“Right now, safe to say na may mga hakbang na ginagawa na kami para maayos ‘yung lugar, ‘yung reception. Hindi lang ‘yung kasal ang iniisip namin pero ‘yung what happens after, kung saan na kami titira.

 

 

“Masaya ‘yung feeling na oh makakasama mo, ‘yung ang sarap na kasama every single day habambuhay. Sobra akong in love,” sey ni Robi,

 

 

Naging emosyonal naman si Robi nang alalahanin ang tulong ng kanyang mga magulang sa pagtupad ng kanyang mga pangarap.

 

 

“Ang sarap ng pakiramdam na inalagaan akong mabuti ng mga magulang ko, tapos sila ‘yung nag-push sa akin sa ‘PBB.’ Tapos nalaman ko na lang ‘yung kuwento na ayaw pala ni Papa pumasok sa ‘PBB’. Kasi nung audition namin kailangan kasama ‘yung magulang, ayaw niya pumasok.

 

 

“Kasi hindi ba ‘yung practice niya magsa-suffer, ‘yung mga residente niya pagtatawanan daw siya na ‘ano ba yan si Doc Boy showbiz..’ Tapos tinanong niya ang boss niya. Ano ba ang importante sa iyo trabaho o pamilya? Sabi niya ‘pamilya, yung anak ko, kaya papasok ako.’ Kaya na-touch ako roon sa tatay ko.

 

 

“And si Mama naman always nandiyan. Hanggang ngayon siya ‘yung sumasama sa amin sa occular sa kasal, siya ‘yung nag-aasikaso ng kasal, ‘yung singsing siya ang bumili. So malaking bahagi sila ng buhay ko talaga na kung paano ko ipinaparinig ang boses ko ay dahil sa binigyan nila ako ng boses.”

 

 

***

 

 

NGAYONG Marso na mapapanood sa online platforms ng GMA ang digital series ng ‘Zero Kilometers Away’ na pagbibidahan ng Sparkle Sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

 

 

Nitong Martes nga ay ipinakilala ang iba pang Kapuso personalities na makakasama ng MavLine sa digital series ng GMA Public Affairs tungkol sa online dating.

 

 

Curious na ang publiko sa role na gagampanan nina Kara David, Kim Atienza, Drew Arellano, Iya Arellano, Sparkada artists Caitlyn Stave, Raheel Bhyria, at Kaloy Tingcungco, TikTok sensation na si Rosmar Tan, Jerome Pamulaklakin, at Gigi Locsin.

 

 

Sa BTS photos ng MavLine ay talaga namang kinilig na ang kanilang fans.

 

 

Ano pa kaya kapag napanood na nila ang bagong proyekto ng kanilang paboritong love team?

 

 

Abangan ang ‘Zero Kilometers Away’ ngayong Marso!

 

(RUEL J. MENDOZA)

Book Fair ng Komisyon sa Wikang Filipino, Bukás Na!

Posted on: March 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BUKAS na ang Book Fair ng Komisyon sa Wikang Filipino tuwing Miyerkoles ng bawat linggo mula 22 Pebrero hanggang 26 Abril 2023, 9:00 nu hanggang3:00 nh sa Bulwagang Romualdez ng Komisyon sa Wikang Filipino, MalacañangComplex, Lungsod Maynila.

 

 

Tampok ang mga aklat na inilalathala ng KWF na naglalayong maabot ang mga Pilipino   sa   layunin   na   maibahagi   ang   mga   napapanahon   at   mahahalagangkarunungan at kulturang Pilipino.

 

 

Naniniwala ang KWF na mahalaga na mailathala ang mga katangi-tanging aklat hinggil   sa   usaping   pangwika,   araling   kultural,   salin,   gramatika,   at   iba   pangdisiplina gamit ang wikang Filipino bilang wika ng karunungan. Para   sa   karagdagang   detalye   at   impormasyon,   maaaring   makipag-ugnay   sa Sangay   ng   Edukasyon   at   Networking   sa   telepono   blg.   0928-844-1349   o magpadala ng e-mail sa jeduclay@kwf.gov.ph para sa mga tanong at paglilinaw. (PAPI) (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

PNR, LIMANG TAON TIGIL OPERASYON

Posted on: March 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LIMANG taon na tigil operasyon ang Philippine National Railways (PNR) na magsisimula sa Mayo, ayon kay  PNR general manager Jeremy Regino .

 

 

Ayon kay Regino, unang hihinto ang operasyon ang biyaheng Alabang papuntang Calamba.

 

 

Pagsapit ng Oktubre ay hihinto Naman ang Tutuban patungong Bicutan o Tutuban hanggang Alabang at Governor Pascual mula Malabon hanggang Tutuban.

 

 

Samantala, sinabi ni Regino na maaari pa ring ilipat ang mga petsa para sa paghinto ng operasyon.

 

 

Ang operasyon ng PNR ay pansamantalang ititigil upang bigyang daan ang konstruksyon ng  North-South Commuter Railway (NSCR) project.

 

 

Inaasahan namang maapektuhan ang 30,000 commuters sa pansamantalang pagsasara ng PNR.

 

 

Sinabi ni Regino na gumagawa sila ng mga alternatibong paraan ng transportasyon sa tulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority, at mga lokal na pamahalaan.

 

 

Nauna nang sinabi ni LTFRB Tech Division head Joel Bolano na ang mga jeepney at bus ay gagamitin para dagdagan ang pangangailangan sa transportasyon ng mga apektadong commuters. GENE ADSUARA