• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 11th, 2023

Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.

 

Matatandaang kabilang  ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.

 

Sisipa ang FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20.

 

Ayon pa kay Samoura, kapuri-puri ang pagsabak ng mga bagong koponan dahil makakahikayat ang mga ito ng kabataan na pagbutihin ang mga sports na mapipili. (CARD)

Vice Mayor Yul Servo Nieto Meets Working Group for the Manila Film Festival

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MANILA Vice Mayor Yul Servo Nieto met the technical working group of The Manila Film Festival (TMFF) recently, to discuss the preparations for its upcoming launch during the Araw ng Maynila celebration in June this year.

 

 

The February 23, 2023 meeting that was held at the Vice Mayor’s office discussed, among other matters, the timelines for the TMFF including the submission of screenplays. And even if final dates have yet to be established, target dates for the review of the screenplays submitted by the various participating schools, up to its screening in Manila theaters during the Araw ng Maynila celebration this year were discussed.

 

 

According to Nieto, the Festival aims to inspire the Manilenos, especially the young cinematography enthusiasts, to use and engage their talents in developing Filipino films for screening every time the City of Manila commemorates its founding anniversary.

 

 

“Gusto po naming bigyan ng magandang saysay at karagdagang kasiyahan ang nalalapit na pagdiwang ng Araw ng Maynila, sa pamamagitan ng maayos na pag buhay muli ng Manila Film Festival.” (We would like to give more essence and fun to the upcoming Manila Founding Anniversary celebration through the smooth re-launching of the Manila Film Festival), Nieto who is an award winning actor himself said.

 

 

A project of Manila Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo Nieto in cooperation with Artcore Productions, the revitalized Manila Film Festival, a program that was started by then First Lady Imelda Romualdez Marcos during the early 70s but was shelved when the Metro Manila Film Festival was organized, will  be an added feature to this year’s celebration of Araw ng Maynila. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

48% ng Pinoy tiwalang ‘gaganda ekonomiya’ sa sunod na 12 buwan — SWS

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HALOS  kalahati ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang naniniwalang iigi ang ekonomiya sa susunod na taon, ito sa gitna ng lumolobong unemployment rate, record-high na utang at mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

 

 

Napag-alaman ‘yan ng Social Weather Stations sa isang survey na inilabas, Huwebes, pagdating sa mga inaasahang pagbabago ng publiko sa ekonomiya.

 

 

“The Social Weather Survey of December 10-14, 2022… found 48% of adult Filipinos saying the Philippine Economy will improve (termed by SWS as ‘Economic Optimists’), 33% saying it will stay the same (‘Neutral’), and 9% saying it will worsen (‘Economic Pessimists’) in the next 12 months,” wika ng SWS.

 

 

Dahil dito, nakakuha ang sample population ng net economic optimism score na +40, na nangangahulugang “excellent.”

 

 

Mas mababa ito nang isang puntos kumpara sa +41 noong Oktubre. Nakukuha ang net economic optimism score sa pag-awas ng porsyento ng economic optimists sa porsyento ng economic pessimists.”

 

 

“It has been at excellent levels since December 2021, ranging from +40 to +50. It used to be mediocre -9 in July 2020, mediocre -5 in September 2020, and high +24 in November 2020, during the first year of the COVID-19 pandemic,” paliwanag pa ng survey firm.

 

 

Kaiba ito sa “net personal optimism,” na siyang sumusukat naman sa kalidad ng buhay ng mga indibidwal.

 

 

Narito ang lumabas na net economic optimism ng iba’t ibang bahagi ng Pilipinas batay sa December 2022 survey:

 

Metro Manila: +47

Mindanao: +46

Balance Luzon: +40

Visayas: +27

 

 

Sa kabila nito, bumababa ang naturang bilang sa National Capital Region kumpara noong Oktubre 2022, kung kailan +52 (excellent) ito.

 

 

Mula “very high,” naging “excellent” din ito sa Mindanao mula sa dating +32. Bagama’t excellent pa rin, siyam na puntos ang ibinaba ng Balance Luzon mula +49. “Fair” lang ito sa Kabisayaan sa +25.

 

 

Napag-alaman ding mas mataas ito sa mga naggugulong nang mas maraming taon sa pormal na pag-aaral.

 

 

Iniulat ito kahapon kasabay ng paglabas ng pagtaas ng unemployment rate ng Pilipinas sa 4.8% (katumbas ng 2.37 milyong katao) nitong Enero. Maliban pa ito sa pagsipa ng outstanding debt ng Pilipinas sa P13.7 trilyon sa parehong buwan, ang pinakamataas sa kasaysayan.

 

 

Bagama’t bumaba nang konti, halos triple pa rin ang inflation rate ng Pebrero 2023 (8.6%) kumpara sa mga datos noong Pebrero 2022 (3%).

 

 

Ikinasa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 katao edad 18-anyos pataas. May sampling error margins itong ±2.8% para sa  national percentages at tig-±5.7% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. Hindi ito kinomisyon ninuman at ginawa bilang serbisyo publiko.

Ads March 11, 2023

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Maraming niligawan noon pero palaging basted: RURU, inamin na si GABBI lang ang naging girlfriend bago si BIANCA

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALAKING achievement para kay Barbie Forteza ang makapagpatayo ng bagong bahay.

 

 

Sa katunayan, kaunting panahon na lamang ay tapos na ang ipinapagawa niyang bahay para sa kanyang pamilya.

 

 

Ayon pa kay Barbie, isa sa espesyal na bahagi ng kanyang bagong tahahan ay sarili niyang audio/visual studio na magagamit niya para sa kanyang mga online contents at ganap.

 

 

Bukod sa pagiging aktres may YouTube channel si Barbie na may 1.3 million subscribers.

 

 

“This is a very big achievement for all of us, because this is our very first house na kami talaga ‘yung may ari.

 

 

“May dine-dedicate ako na isang room para gawing studio, dahil siyempre nauuso na yung mga vlogs and social media contents.

 

 

“So, naisip namin namin gumawa ng maliit na studio para doon ko i-shoot lahat. So, feeling ko I’ll be spending a lot of time there.”

 

 

Kuwento pa ni Barbie, maging ang ama niya ay excited na dahil pati ang paliligo nito sa malaking banyo sa kuwarto nila ng misis niya at ina ni Barbie na si Mommy Amy Forteza ay pinaparaktis na nito.

 

 

Samantala ngayong Linggo, ay mapapanood na ang pinaka-aabangang reunion nina Barbie at David Licauco, ang ‘Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Lady & Luke’.

 

 

***

 

 

WALANG prenong inihayag ni Ruru Madrid na naging sila noon ng dati niyang ka-loveteam na si Gabbi Garcia.

 

 

“Naging kayo ba ni Gabbi Garcia,” ang diretsahang tanong ni Boy Abunda kay Ruru sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.

 

 

“Yes, Tito Boy,” pagkumpirma ni Ruru.

 

 

Nguni’t nilinaw ni Ruru na hindi si Bianca Umali ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Gabbi.

 

 

Itinanggi rin ni Ruru na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Bianca at Miguel Tanfelix.

 

 

Rebelasyon pa ni Ruru, pakiramdam niya noon ay napakaguwapo niya kaya niligawan niya ang ilang mga kilalang aktres.

 

 

“Aaminin ko, dati talaga pakiramdam ko sobrang pogi ako. Lalo na noong hindi pa ako artista,” sinabi ni Ruru.

 

 

“Pag nakita mo ako Tito Boy, for sure nakikita mo pala ako when I was 14. I was so thin, sobrang payat ko, iba pa hitsura ko, iba pa ang porma ko. The way akong magsalita iba pa.

 

 

“Pero tingin ko sa sarili ko sobrang pogi ko, like yung confidence level ko like out of this world.

 

 

“Lahat ng mga nakasama ko, for example masalubong ko si Barbie (Forteza)… first time ko siyang makasalubong niligawan ko siya. Niligawan ko si Yassi (Pressman), niligawan ko si Lexi Fernandez.

 

 

“Parang sila, ‘Huh, bakit mo kami nililigawan?’

 

 

‘Ang bata ko pa noon, 14 pa lang,” kuwento pa ni Ruru.

 

 

Pero dahil laging basted, binago ni Ruru ang kanyang sarili at isa nga roon ang pagpapaganda ng kanyang katawan.

 

 

Kahit maraming niligawan, sinabi ni Ruru na isa lang ang kinokonsidera niyang naging girlfriend bago si Bianca, si Gabbi.

 

 

“I would consider isa lang naman yung naging girlfriend ko before Bianca, si Gabbi lang talaga.”

 

 

“Siguro malaking factor na somehow magkatrabaho kami, love team kami, kailangan lagi kaming makita na sweet sa isa’t isa. Doon namin na-discover na in love kami, nadala kami sa moment.”

 

 

“Somehow ako rin personally, hindi pa rin ganoon kalawak ‘yung kaalaman ko when it comes to love,” paliwanag ng aktor.

 

 

Very much in love na ngayon si Ruru kay Bianca, habang happy naman si Gabbi sa kaniyang relationship with Khalil Ramos.

 

 

Hindi lamang iyan, sa unang pagkakataon ay magkapareha sina Ruru at Bianca sa isang serye at ito ay sa ‘The Write One’ ng GMA na mapapanood na simula sa March 20 kung saan tampok rin sina Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Mikee Quintos at Paul Salas, among others.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

TBA Studios Brings Singaporean-South Korean Film “Ajoomma” To PH Cinemas

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TBA Studios is bringing the lighthearted family drama Ajoomma to the Philippines and opens in cinemas on March 15.

 

 

Singaporean filmmaker He Shuming’s feature debut film, Ajoomma, tells the story of a middle-aged, Korean-drama-obsessed widow from Singapore who travels out of the country for the first time to Seoul, and ends up getting lost. Her journey becomes an unexpected road of self-discovery, as she comes to terms with the life she truly wants for herself, beyond her roles of daughter, wife, and mother.

 

 

He shared that the story is inspired by his own mother’s fascination with Korean dramas.

 

 

“While the premise seems to be timely given the popularity of Korean pop culture sweeping through all of Asia and beyond, it merely serves as an undertone for the film, which is about a middle-aged Singaporean woman learning to navigate life beyond her duties as a mother, a housewife, and a caretaker,” the director added.

 

 

The film stars veteran Singaporean actress Hong Huifang as the titular ‘ajoomma’ (Korean for middle-aged ‘auntie’) and is supported by a cast of well-known South Korean actors like Kang Hyung Suk (Hometown Cha-Cha-Cha), senior actor Jung Dong Hwan (Uncontrollably Fond, Hotel del Luna), and Yeo Dong Hwan (Moon Embracing the Sun and Hotel del Luna) in a special guest role.

 

 

Ajoomma had its world premiere at the 27th Busan International Film Festival last October 2022. Since then, the film has racked up numerous awards and recognitions, including four nominations at the 59th Golden Horse Awards. It was also selected as Singapore’s entry for the Best International Feature Film at the 95th Academy Awards.

 

 

Ajoomma is produced by Cannes award-winning director Anthony Chen (ILO ILO) and has the distinction of being the first film to be co-produced between Singapore and South Korea. According to Chen, the film “reflects the unique way that Korean pop culture resonates with audiences across Asia and the world.”

 

 

TBA Studios’ President and COO Daphne Chiu share the same sentiment.

 

 

“Filipinos are very passionate about Korean culture and media. We feel that audiences here especially women of all ages would be able to relate to this film. It’s a heartwarming story perfect for families.”

 

 

Watch the official PH trailer below:

 

(ROHN ROMULO)

Tricycle driver isinelda sa P170K shabu sa Valenzuela

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang 45-anyos na tricycle driver na sideline umano ang magbenta ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Allan Santos, 45 ng Santos Compd. Bukid, Brgy. Malinta.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na dakong alas-3:00 ng madaling nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa M H Del Pilar, Brgy. Malanday matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng shabu ang suspek.

 

 

Kaagad pinosasan ng mga operatiba ang suspek matapos bintahan ng P8,500 halaga ng umano’y shabu ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer.

 

 

Ani PSSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang himigi’t kumulang 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang dalawang P1,000 at 12-pirasong P500 boodle money, P200 recovered money, cellphone at isang motorsiklo.

 

 

Pinapurihan naman ni BGen Peñones ang Valenzuela CPS sa kanilang masigasig na kampanya kontra illegal drugs na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Petro Gazz pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference ang Petro Gazz.

 

Ito ay matapos talunin ang Akari sa apat na set 25-15, 25-19, 22-25, 25-16 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.

 

Nanguna sa panalo si Grethcel Soltones na nagtala ng 20 points mula sa kaniyang 16 na atake at four aces.

 

Mayroong 15 points naman ang naitala ni Aiza Maizo-Pontillas at 13 points ang naitala ni middle blocker Remy Palma at 11 points kay Jonah Sabete.

 

Mayroon na silang limang panalo at dalawang talo kung saan makakasama nila ang Creamline sa semifinals. (CARD)

‘Face unlock, fingerprint biometrics’ posibleng gawing requirements sa pagboto

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG  ng kahandaan ang Commission on Elections (Comelec) na posibleng gawing requirements sa mga susunod na eleksyon ang ‘face unlock at fingerprint biometric features’ para makaboto ang isang botante.

 

 

Inihayag ito ni Comelec Commissioner George Garcia makaraang ipanukala ni Vice President Sara Duterte na isama ang naturang mga biometrics na mga security features ngayon sa mga cellular phones, sa eleksyon para makumpirma ang pagkakakilanlan ng isang botante at para maiwasan ang flying voters.

 

 

Sa kaniyang talumpati sa ikalawang araw ng Election Summit ng Comelec, sinabi Duterte na sa limang beses niyang paglahok sa halalan bilang kandidato, ki­numpirma niya na totoo ang ‘flying voters’ sa Min­danao, kung saan nakakaboto ang mga botante ng Davao City sa siyudad sa umaga at sa ibang probinsya naman tuwing hapon.  Kung magkakaroon umano ng mas mahigpit na seguridad sa pagtukoy ng pagkatao, maiiwasan ang naturang uri ng dayaan sa eleksyon.

 

 

“Hindi ito lingid sa kaalaman ng Comelec. Sa pagkuha ng bagong mga teknolohiya, posibleng isama dito ang biometrics technology dahil sayang naman ang database ng komisyon na nakukuha tuwing registration,” ayon kay Garcia.

 

 

Ipinaliwanag niya na tuwing magpaparehistro, kinukunan ng Comelec ng fingerprint at litrato ang isang nagpaparehistro na maaari nilang magamit kung sakaling makakakuha ng teknolohiya ukol dito.

 

 

Kinondena rin ni Duterte ang nangyayaring karahasan ngayon sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan tulad ng pamamaslang kay ­Negros Oriental Governor Roel Degamo at nanawagan sa Comelec na bumuo ng mga polisiya para maiwasang mangyari ang mga ito.

 

 

Sumang-ayon naman si Garcia at sinabi na dapat mas maging maigting ang kanilang paghahanda sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na kilalang mainit ang labanan ng mga lokal na kandidato. (Ara Romero)

Sinagot ang mga isyu sa exclusive interview: LIZA, harap-harapang inamin na nasaktan sa sinabi ni BOY

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SIGURADONG tinutukan ng madlang pipol ang Friday edition ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ dahil sa exclusive interview ni Liza Soberano kay King of Talk Boy Abunda, na kung saan matapang ngang sinagot ng aktres ang mga isyung kinasasangkutan niya.

 

Isa nga tinanong ni Kuya Boy kay Liza kung ano ang naramdaman niya sa pagkadismaya ng TV host tungkol sa nilabas na 14-minute vlog noong February 28.

 

“Na-hurt ako kasi feeling ko of all people ikaw ‘yung makakaintindi [because] I see you as one of the wisest in the industry,” harap-harapang pag-amin ni Liza.

 

“Sa dami ng napagdaanan mo with different personalities parang you always saw things for what they were. And parang ang paniniwala ko your judgment isn’t clouded by the noise of the media, by what the fans say, so I felt misunderstood by you.”

 

Pagpapatuloy pa niya, “but then noong nag-usap naman kayo ni James (Reid) and he talked to me after. In-explain niya sa akin ‘yung taught process mo about everything and I understood your point.

 

“It really did make sense to me and so, that’s why I want to have this conversion with you.”

 

Tinanong din ni Kuya Boy na, “When you became one of the biggest stars in this country, didn’t the dynamics change? Hindi ka ba nakapagdikta, nakapagsabi na ito ang direksyon ko, ito ang gusto kong gawin, ito ang gusto kong puntahan? Didn’t it happen that way?”

 

Sagot ni Liza, “I would say the power dynamics did shift a bit. Naranasan ko naman that I was given some right to kind of approve certain things that were going on in my career. But I was never empowered na mag-isip on creating or sharing ideas of how I could… grow my career or bring it to a different direction,” eksplika pa ni Liza.

 

Nilinaw din ng aktres na kadalasan ay pini-pitch sa kanya ang concept ng mga project na nirerekomenda ng kanyang management.

 

Paliwanag ng aktres, “So yes, I may have made some decisions for myself. I may have agreed to doing certain things but I wouldn’t say that there were completely my own kasi I had fans to cater to, I had family to provide for, I had people in the industry that I wanted to impress or make proud [of].

 

“And so I didn’t grow up learning how to choose things for myself and really, you know, deciding on what I want. It was always dictated by what people think this is what’s right for me.”

 

Kinuwento rin ni Liza na noong mas lumawak na ang kaalaman niya tungkol sa acting, sinubukan niyang maging collaborative at magbigay ng creative inputs tungkol sa script.

 

“When I started like really understanding how acting works, started understanding character development and everything, meron pong mga times that I would talk to the director, I would talk to the PAs, I would talk to the writers and be like, sa tingin ko po hindi sasabihin ng character ko ‘to, hindi gagawin ng character ko ‘to,” paliwanag nito.

 

Maayos daw siyang nakipag-negotiate sa creative team pero nalaman niyang dahil dito ay binansagan siya ng mga staff na “little producer”.

 

“I didn’t know that behind my back, actually a really close director-friend of mine told me na they would talk about behind my back during pre-prod meetings and call me little producer.”

 

Dagdag pa niya, “Ever since after that, I felt like didn’t have the right to bring this up kasi nao-offend ko ‘yung mga tao sa paligid ko, which was not my intention. But I thought as an actor that that was my job also to do – to question, you know, to help improve the story, to help, to be collaborative.”

 

Kinausap daw niya ang kanyang dating manager na si Ogie Diaz pero pinili niyang ‘wag na palakihin ang isyu dahil ayaw niyang pangalanan ang kaibigan na nagsumbong sa kanya.

 

“Naisip ko baka ganon lang talaga ang showbiz. I didn’t know anything else beyond that so maybe, iniisip ko pa nga maybe ako ‘yung rude for questioning the creatives’ decisions,” tugon pa niya.

 

“I just wanted to feel heard or listened to,” dagdag nito.

 

Sagot niya kung bakit hindi ipinaglaban ang gusto niyang gawin, “Takot po akong makaapak ng tao. I don’t like disappointing people. I don’t like creating enemies and… I’m a people pleaser, so hindi ko kaya ‘pag people have bad feelings towards me.”

 

Nilinaw din ng aktres na hindi siya nagrereklamo sa tinakbo ng kanyang career sa ABS-CBN.

 

“I am not complaining. I am very grateful for everything that I experienced because dahil diyang napaaral ko ang sarili ko, nakatapos ako ng high school. Dahil diyan, nakabili ako ng bahay para sa family ko.

 

“Here in the Philippines and for my grandparents that are living in the states. I am so grateful for that. Kasi I was able to do things that – at such a young age – I would have never been able to do if not for this job.

 

“If not for ABS-CBN, for Tito Ogie, if not for Quen.” saad niya.

 

Samantala, marami pang rebelasyon sa part two ng exclusive interview ni Liza sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ na mapapanood sa Lunes, March 13, 2023, 4:45 ng Hapon sa GMA-7.

(ROHN ROMULO)