Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Tuluyan ng nagretiro sa paglalaro sa national volleyball team si Aby Marano.
Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo ng 30-anyos na dating De La Salle Lady Spiker ang tuluyan nitong pagreretiro.
Pinasalamatan nito ang kaniyang mga nakasama sa koponan at mga fans na sumubaybay sa kanilang laban.
Taong 2018 ng maging team captains ng national team si Marano.
Kasama siya sa naglaro sa national team noong Southeast Asian Games sa taong 2015, 2017, 2019 at 2022 at kabilang sa noong nagwagi ng bronze medal ang national team sa ASEAN Grand Prix noong 2019.
Pagtitiyak nito na buo pa rin ang suporta niya sa womens volleyball team ng bansa lalo na sa bagong mapipiling team captain. (CARD)
DAYS after its sensational premiere at the SXSW Festival where it captivated fans and critics, Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves will have a two-day special sneak previews in cinemas nationwide this coming Monday & Tuesday, March 20 & 21.
Check out your favorite theaters for the screening schedule and admission prices.
Catch these sneaks and be among the first in the world to see Dungeons & Dragons which will open in the US on March 31st yet. In the Philippines, it opens wide two days earlier on March 29.
[Watch the film’s Final Trailer at https://youtu.be/XyTz-RRzrXg]
A charming thief and a band of unlikely adventurers undertake an epic heist to retrieve a lost relic, but things go dangerously awry when they run afoul of the wrong people. Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves brings the rich world and playful spirit of the legendary roleplaying game to the big screen in a hilarious and action-packed adventure.
Directed by Jonathan Goldstein & John Francis Daley (Game Night), the film stars Chris Pine, Michelle Rodriguez, Regé-Jean Page, Justice Smith, Sophia Lillis, Chloe Coleman, Daisy Head and Hugh Grant.
Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves currently as a 100% Fresh Rating at the review aggregator site, Rotten Tomatoes.
In its review of the film, Variety writes “Chris Pine, Michelle Rodriguez and Regé-Jean Page rule in an adventure that turns pop-fantasy derivativeness into its own form of fun. Dungeons & Dragons should be a major hit, because it knows how to tap into our nostalgia — not just for a game, but for the entire fantasy culture it helped to spawn. It’s the movie itself that’s role-playing.
The Hollywood Reporter, for its part, writes “[T]he highly anticipated Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves exceeded expectations. The [filmmakers] have created an adaptation that will appeal to the nostalgic side of existing fans and entertain those whose eyes glaze over at the mention of Dungeon Masters, bards or druids.
Meanwhile, Mashable raves, “Dungeons & Dragons is the kind of epic fun fans have been waiting for. Throughout the film, there are moments of life-or-death stakes and even jolting jump scares. But this bounce, this sense of play, helps keep things light and fun so that [the film] might be enjoyed by grown-ups and kids alike.
Finally, The Austin Chronicle admires, “[T]his is D&D, where high weirdness, magical beasts, and terrible, world-ending conspiracies are an everyday matter. Yes, there’s an overarching plot, but the path to the end is through a series of encounters, each their own quest. Each plays out as a glorious set piece – some funny, some clever, some action-packed, some thrilling, and never boring – all executed with the frenetic, giddy energy.
Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #DnDMovie and tag @paramountpicsph
(ROHN ROMULO)
PUSPUSAN na ang ginagawang mga hakbang ng Land Transportation Office (LTO) para maresolba ang problema ng mga kumukuha ng kanilang driver’s license partikular ang singil sa mga driving school.
Sa pahayag ni LTO Chief Asec. Jay Art Tugade sa pagdalo nito sa Balitaan sa Tinapayan, nakumpleto na ng binuo niyang komite ang pagrereview sa mga panuntunan ng ahensya kaugnay sa accreditation ng mga driving schools.
Sinabi ni Tugade na magkakaroon na lamang sila ng Consualtstive Meeting para ilatag ng LTO ang mga rekomendasyon sa isyu ng pagsasailalim sa driving schools ng mga indibidwal na nais kumuha ng lisensiya.
Nabatid na una ng inirerekalmo ang mataas na singil sa pagkuha ng lisensiya kung saan umaabot ng hanggang P15,000 hanggang P18,000 ang magagastos.
Dagdag pa ni Tugade, sakaling magkasundo ang LTO at stakeholders magkakaroon na ng standard na fees na sinisingil ng mga driving schools sa bansa.
Matatandaan na isang technical working group (TWG) ang pinabuo ni Tugade nang maupo ito sa tungkulin nuong Nobyembre upang muling mapag-aralan ang mga panuntunan hinggil sa operasyon at sinisingil ng mga driving school kasama na ang medical clinic. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
Nagpapatuloy ang mapait na pagtatapos para sa Baguio-based stable na Team Lakay dahil umalis na sa pugad ang dalawa pa nitong stalwarts na dating ONE world champion na sina Honorio Banario at Joshua Pacio.
Si Banario, isang dating featherweight champion sa Singapore promotion na ONE Championship, ay nag-anunsyo ng kanyang paglisan mula sa Team Lakay noong Sabado pagkatapos lamang ng sariling anunsyo ni Kevin Belingon.
Sinimulan ni Banario ang kanyang mensahe sa isang pangako ng isang “bagong kabanata” ngayong taon matapos ang kanyang karera ay humina sa nakalipas na dalawang taon.
“Sa kasamaang palad, sa pagsisimula ng aking bagong kabanata sa mundo ng combat sports, hindi na ako magiging bahagi ng Team Lakay,” ani Banario.
“I am more than thankful for every member of Team Lakay whom I trained with every day, especially our coach, Mark Sangiao, who took me under his wing as one of his proteges in the early days, when the mixed martial arts community was still in its baby steps. Team Lakay more than gave me my life. It was everything. The trademark red shorts that we all love to compete in, that we all proudly fought for inside the Circle, will always be one of the best experiences I have in this lifetime,” dagdag nito.
Sinagot ni Team Lakay head coach Sangiao ang post ni Banario at tila kinumpirma rin ang sariling pag-alis ni Pacio sa kabila ng kawalan ng opisyal na puwesto ng dating strawweight king para gawing pormal ang kanyang pag-alis.
“In behalf of Team Lakay and I, wish you all well in your next step. The decision has made among us and I’m glad we had that final graceful goodbyes talk. God Bless all of us and all the best,” banat ni Sangiao.
“Regards to your Manong Eduard Landslide Folayang, Kevin ‘The Silencer’ Belingon, and Ading Joshua Felix Pacio.”
Sa kasalukuyan, tanging ang dating flyweight titlist na si Geje Eustaquio ang opisyal na nananatili sa kuwadra ng apat na magkakasabay na kampeon ng Team Lakay noong 2018.
Kasama ni Eustaquio sina Eduard Folayang (lightweight), Belingon (bantamweight), at Pacio (strawweight) sa maluwalhating panahon para sa Baguio-based stable. (CARD)
Nagpasya si Pinoy mixed martial arts Eduard Folayang na umalis na sa TEam Lakay.
Sa kaniyang social media ay kinumpirma ang pag-alis na sa nasabing grupo matapos ang 16 na taon.
Pinasalamatan ng dating two-time ONE lightweight champion ang kaniyang partnership sa Benguet-based MMA gym ganun din sa founder at dating coach nito na na MMA fighter na si Mark Sanglao.
Target nito ngayon na manalo sa mga darating laban niya.
Mayroon siyang 22 panalo at 13 talo na record sa kaniyang professional MMA career. (CARD)
NAGHAHANDA na ang Antipolo Cathedral para sa pormal na paggawad sa kanila bilang unang International Shrine ng bansa.
Isasagawa ito sa darating Marso 25, 2023 matapos na kumpirmahin sa kanila ng Holy See.
Sa nasabing petsa ay kasabay nito ang Solemnity of the Annunciation of the Lord at ang anibersaryo din ng pag-alis ng sacred image ng Our Lady of Peace and Good Voyage mula sa Acapulco, Mexico patungo sa Pilipinas.
Ang nasabing imahe ni Mama Mary ay inilagay na sa cathedral ay mula noon ay yun na ang dinarayo ng mga devotees sa kasaysayan ng Antipolo.
Abot langit ang tuwa ng Memphis Grizzlies matapos nitong talunin ang katunggaling Dallas Mavericks sa score na 112-108 sa pagbubukas ng isang home-and-home series ng NBA.
Sa simula pa lamang ng laro ay nagpakitang gilas kaagad si Desmond Bane at umiskor ito ng 25 points habang si David Roddy naman ay nakapag poste ng season high 24 points.
Nagdagdag ng eight assist at seven rebounds si Bane at si Roddy naman ay nagpakawala ng apat na 3 pointers para sa kanilang koponan.
Nakapag kolekta naman ng puntos para sa Memphis si Jaren Jackson Jr ng 14 points at 7 rebounds habang umalalay rin si Xavier Tillman at nag-ambag ito ng 12 points at 8 rebounds.
Mainit ang naging paghaharap ng dalawang kupunan ngunit isa sa kanila ang nabigong masungkit ang swerte. (CARD)
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng fish ports sa 11 coastal provinces sa bansa para matugunan ang mga hamon na kinahaharap ng mga mangingisdang Filipino.
Binanggit ng Pangulo ang direktiba niyang ito sa isinagawang sectoral meeting, sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Marso 14.
Ipinag-utos ng Pangulo sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na iprayoridad ang pagtatayo ng fish port sa 11 coastal provinces na naglalayong “to capacitate and empower fisherfolks towards resiliency.”
Ipinag-utos din ng Chief Executive ang rehabilitasyon ng 20 identified municipal fish ports na tinawag bilang traditional landing ports sa bansa.
Ang nasabing hakbang ayon sa Pangulo ay naglalayon na bawasan ang post-harvest losses sa pamamagitan ng konstruksyon ng cold storage facilities sa fish ports sa buong bansa.
Ipinag-utos din ng Punong Ehekutibo sa mga ahensiya na magbigay ng small-scale fisherfolks ice-making machines at matinding pagsasanay, at mamahagi ng equipment upang maibaba ang post-harvest losses.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga hamon na kinahaharap ng fisheries sector ay ang mababang huli ng mga isda, mataas na poverty incidence at post-harvest losses, kung saan, sa kasalukuyan ay 25 hanggang 40% ang nawawala o nalulugi kasama na ang value chain.
Samantala, ipinresenta naman ng ahensiya sa Pangulo ang estratehiya para itaas ang fish production sa pamamagitan ng aquaculture ng 10% annually sa loob ng anim na taon para makapag-ambag sa food security habang pinagagaan ang presyur mula sa “capture fisheries at enabling resources to recover.” (Daris Jose)
KAYA pa umanong maisalba ng Philippine Coast Guard (PCG) katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno at internasyunal na organisasyon ang nasa 800,000 litro ng industrial fuel na karga ng lumubog na MT Princess Empress.
Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na base sa National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), “intact” pa ang tangke ng Princess Empress kaya pinaniniwalaan na ang kumalat na langis sa dagat ay ang “operational fuel” pa lamang ng barko.
“Merong image na binigay samin ‘yung NAMRIA at mukhang intact pa po ‘yung tanker at wala pang nakikitang tagas na maramihan na nanggagaling doon sa kanyang mga tanks,” sabi ni Balilo.
Sinabi ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR) na ang NAMRIA ang nakakita sa lumubog na barko na nasa 400 metro lalim sa dagat at may 7.5 nautical miles mula sa Balingawan Point.
Sa obserbasyon ng DENR, tinatayang 591 ektarya ng coral reef, 1,626 ektarya ng bakawan, at 362 ektarya ng seagrass o seaweeds ang posibleng maapektuhan ng epekto ng oil spill. (Daris Jose)