• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 21st, 2023

‘Shazam 3’ Could Happen After ‘Shazam! Fury of the Gods’ Sets Up Its Potential Story and Characters

Posted on: March 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HERE is everything known about Shazam 3’s status, release date, story, cast, and more updates.

 

 

The Shazam franchise continued in 2023 with the release of Shazam! Fury of the Gods in March. Directed by David F. Sandberg and written by Henry Gayden and Chris Morgan, the second entry in the franchise stars Zachary Levi as Shazam and Asher Angel as Billy Batson.

 

 

Shazam 2 was made after the original film became a modest hit for Warner Bros. and DC Films, although the sequel was met with more mixed reviews and a more tepid box office launch.

 

The timing of the sequel’s release has put the future of the franchise, including Shazam 3, in an unclear territory. Shazam! Fury of the Gods’ ending leaves room for another movie to happen and continue the adventures of Zachary Levi’s DC hero. However, it is now up to DC Studios co-CEOs Peter Safran and James Gunn to determine if Shazam 3 will happen. Here is what is known about the movie’s chances and what a Shazam! Fury of the Gods sequel could contain.

 

 

Warner Bros. and DC Studios have yet to announce any plans to make Shazam 3 at this stage. Instead of preemptively announcing a sequel, the studios are waiting to see how Shazam! Fury of the Gods performs before determining what to do next. This includes figuring out if the characters and franchise will remain part of the DC Universe canon after The Flash resets the timeline.

 

They have been open about the fact that Shazam! Fury of the Gods does not get in the way of what they are planning. This could allow the franchise’s characters to return in Shazam 3 as part of the new DC Universe.

 

Without any firm updates on Shazam 3, the performance of Shazam! Fury of the Gods will be a good litmus test for its odds of happening. Shazam 2 received more mixed reviews from critics, leaving it in the Rotten category on Rotten Tomatoes. However, audiences have found more enjoyment in the movie, even if box office projections are not all that favorable.

 

Shazam! Fury of the Gods’ worse box office performance compared to the first film is not a great sign that DC Studios should make Shazam 3.

 

If DC Studios does decide to do a sequel, Shazam 3’s release date is likely several years away. The current DC Universe slate only includes Superman: Legacy with a confirmed 2025 release date. Plans for The Authority, Supergirl: Woman of Tomorrow, The Brave and the Bold, and Swamp Thing are already in motion, which would indicate that Shazam 3’s development could fall behind these titles.

 

DC Studios only wants to release two live-action movies per year. This could mean that Shazam 3 will not release until 2028 unless it is fast-tracked or DC increases its output goals.

 

 

The Shazam 3 cast should include many of the franchise veterans returning. Making a sequel to Shazam! Fury of the Gods would mean bringing back Zachary Levi as Shazam, and that would also mean more of Asher Angel as Billy Batson.

 

There is also a way for Shazam 2’s tease from Wonder Woman about gods and humans learning to live together in harmony to help Shazam 3 fit into DC Universe’s Chapter 1: Gods and Monsters. Shazam! Fury of the Gods focuses on the history and current state of DC’s gods. Wonder Woman’s hope could mean that she and Shazam team up in Shazam 3 to fight other gods, like Hades, who attempt to rise to power.

 

Regardless of if Shazam 3 happens or not, Zachary Levi’s Shazam could show up elsewhere in the DC Universe. A surprising potential landing spot for him after Shazam! Fury of the Gods is the upcoming movie, The Authority.
The post-credits scene references the team through Shazam’s joke that the Justice Society should be known as the Authority Society. It is possible that Shazam will be one of the heroes that the anti-heroes encounter if this scene is meant to set up James Gunn’s The Authority.

 

There is also the possibility that Shazam could appear in Peacemaker season 2 or Amanda Waller’s HBO show next. Now that he has met Emilia Harcourt (Jennifer Holland) and John Economos (Steve Agee), the reunion on the HBO shows would make sense. Other options for Shazam’s DC Universe future could include appearances in Superman: Legacy to bring him and the new Superman together, or possibly a comedic team-up with Booster Gold in the Booster Gold show.

 

(source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

PCO, hinikayat ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente

Posted on: March 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat na pag-ibayuhin ang maayos at matipid na paggamit ng kuryente sa harap ng napipintong pagsapit ng panahon ng tag-init.

 

 

Sinabi ng PCO, hindi lamang sa mga kabahayan  dapat sanang ugaliing gawin ang pagtitipid ng kuryente ngayong nararamdaman na ang tag-init kundi maging  sa mga workplace.

 

 

Sa kabilang dako, ibinahagi naman ng PCO ang mga impormasyon ukol sa energy efficiency mula sa Department of Energy (DoE).

 

 

Para sa PCO, makatutulong ang paggamit ng mga ilaw na LED na tiyak  na makababawas sa konsumo ng kuryente habang maka-aambag din umano ang pagtitipid sa kuryente para makatulong sa environmental benefits at paglaban sa climate change.

 

 

Samantala sinabi naman  ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na ikinukunsidera ng gobyerno na magpatupad ng mas maagang pagbubukas sa mga tanggapan ng gobyerno partikular na ang alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon para makatipid sa kuryente at ilagay sa 25 ang temperatura ng mga air condition sa mga government offices. (Daris Jose)

Proyekto ng Duterte admin itutuloy ni PBBM

Posted on: March 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITUTULOY ng administrasyong Marcos ang ilang proyekto na nasimulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sinabi ni Marcos, ito ay dahil nakita niya  ang bunga ng ilan sa mga proyekto ni Duterte na flagship infrastructure program nitong mga unang araw ng Marso.

 

 

Lumalabas na sa 194 infrastructure projects na nagkakahalaga ng P9 trillion, nasa 70 ang mula sa administrasyong Duterte.

 

 

Itutuloy ng administrasyong Marcos ang ilang proyekto na nasimulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

“Mayroon tayo minsang ugali dito sa Pilipinas at sa ibang lugar din na kapag nagbago ang administrasyon, ang pag-iisip ay lahat noong ginawa ng dating administrasyon ay tinitigil dahil sinasabi na walang magandang nangyari,” sabi ng Pangulo.

 

 

“Hindi tama ‘yun… Hindi iyan ang pag-iisip na magdadala sa atin sa isang bagong Pilipinas,” wika niya.

 

 

“Kung masusi naman ang pag-aaral at tala­gang may pakinabang ay talagang dapat ituloy,” dagdag pa ng Pangulo.

 

 

Kabilang umano sa mga proyektong ito ang transportation infrastructure, digital connectivity, flood control, health-related initiatives, power, energy, at iba pa.

 

 

Umaasa rin ang Pangulo na ang public infrastructure projects ay makakatulong sa pagresolba sa pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Metro Manila at pagbuti sa connectivity sa mga lalawigan at mapataas ang food security sa bansa at ang isyu ng impact ng climate change.

 

 

Sa pamamagitan din umano ng mga bagong proyekto at mapapataas ang employment sa bansa.

 

 

Lumalabas sa datos ng Philippine Statistics Authority na mayroong 2.37 million Filipino ang walang trabaho nitong Enero kumpara sa 2.22 million noong December 2022.  (Daris Jose)

After 20 years, kaya masaya ang mga anak: LOTLOT, tinanggap agad dahil blessing na muling makasama si RAMON CHRISTOPHER

Posted on: March 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BAGO pa man sumikat ang mga kilalang loveteams nina Bianca Umali at Ruru Madrid at Mikee Quintos at Paul Salas na mga bida sa ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines ay umalagwa ng husto noon ang tambalan nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

 

 

Na humantong nga sa kasalan ng dalawa at pagkakaroon ng apat na anak na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine Gutierrez.

 

 

Kaya masasabing malaking atraksyon ang pagkakasama nina Lotlot at Monching sa cast ng naturang serye.

 

 

Noon, lahat ng pelikulang gawin nila ay patok sa takilya, maging ang anumang TV show na pinagsamahan ng dalawa.

 

 

Hindi man naging forever ang kanilang relasyon, nananatili naman silang magkaibigan kaya walang nagiging problema kapag may mga proyekto na sila ang magkasama.

 

 

At makalipas ang dalawampung taon, ngayon lamang sila muling magiging magkapareha dahil gaganap silang mag-asawa sa ‘The Write One’.

 

 

Ano ang naging reaksyon ni Lotlot nang malaman niya na kinukuha sila ni Monching para maging mag-asawa?

 

 

“Actually you know it’s always a blessing to have a project but it’s a double blessing if you’re working with the right people.

 

 

“And kung maganda yung outcome ng project. And when it was presented to me and I heard about the story I said why not?

 

 

“And then they said Mon was going to be there and I said why not?

 

 

“And it’s been twenty years this year since we’ve done anything together onscreen.

 

 

“And it’s so nice to be able to work with all these young actors and our production, our director, na sobrang nakalatag lahat yung plano nila, ang ganda!

 

 

“Ang ganda lang lahat, smooth-sailing lahat, everything was smooth and prior to this project naman, we have four children in between us. We never had a problem. This is actually a blessing. Masayang masaya lahat ng anak namin that were together in this project.”

 

 

Masaya rin si Monching sa pagkakataong muling makapareha si Lotlot.

 

 

“Masaya naman talaga ako, very happy to be working with Lot again. “Napakaganda ng project talaga.

 

 

“Noong una siyempre medyo ninenerbiyos ako kasi nga matagal kaming hindi nagwo-work so baka hindi na sanay.

 

 

“E noong araw pa, award-winning talaga ‘yan,” sinabi ni Monching.

 

 

***

 

 

CONCERT artist na si John Arcilla!

 

 

Ito ang kinumpirma ng movie producer na si Edith Fider ng Saranggola Productions na siya ring producer ng pinagbidahang pelikula ni John, ang ‘Suarez, The Healing Priest.’

 

 

Noon pa pala plano ni Edith na ipag-produce ng concert si John, iyon nga lamang ay nagkaroon ng pandemic na dulot ng COVID-!9.

 

 

Sobrang bilib ni Edith sa ganda ng boses ni John kaya naman si John rin ang pinakanta niya ng theme song ng movie, ang “Yakapin Mo Ako”.

 

 

Double victory nga si John sa katatapos lamang na 37th Star Awards For Movies dahil nanalo si John bilang Best Actor para sa ‘Suarez, The Healing Priest’ at pati ang theme song ng pelikula na si John nga ang interpreter ay wagi rin bilang Indie Movie Original Theme Song Of The Year.

 

 

Kaya naman pinaplantsa na ang mga detalye para sa upcoming concert ni John, hinihintay na lamang na matapos ang taping ni John para sa ‘Dirty Linen’ para dire-diretso na ang preparasyon para sa kanyang pinakaunang major concert dito sa Pilipinas.

 

 

Sa tanong kung sino ang nais niyang maging mga special guest sa kanyang concert, si Regine Velasquez ang una niyang binanggit.

 

 

Naging leading lady na raw niya ang Asia’s Songbird noon sa isang musical stageplay kung saan gumanap si John bilang Crisostomo Ibarra at si Regine si Maria Clara.

 

 

So bago pala sumikat sina ‘Maria Clara at Ibarra’ nina Barbie Forteza at Dennis Trillo sa Maria Clara At Ibarra ay nauna na pala sina John at Regine.

 

 

Malamang ay sa September ang concert ni John.

 

 

Samantala, ang Saranggola Productions rin ang producer ng ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’ na isang musical film tungkol sa buhay ni Rey Valera.

 

 

Entry ito sa first Summer Metro Manila Film Festival na tatakbo mula April 8 hanggang April 18.

 

 

Pagbibidahan ito bilang Rey Valera ni RK Bagatsing, sa direksyon ni Joven Tan.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Teves Jr, tanggaling miyembro ng Kamara

Posted on: March 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINATATALSIK ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni da­ting Negros Oriental Governor Roel Degamo, si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves, Jr.

 

 

Ayon sa alkalde, may isinumite na silang apela sa Kongreso upang tanggaling mi­yembro ng Kamara si Teves.

 

 

“Meron pa po ka­ming ibang sinusulong sa Kongreso. Sana suportahan din ng Kongreso ‘yung amin talagang nire-request, ” anang alkalde.

 

 

Sinabi ni Mayor Ja­nice na suportado rin niya ang panawagan ng mga mambabatas sa pagpapauwi sa Pilipinas kay Teves upang harapin ang mga alegasyon laban sa kanya partikular ang pagpatay sa gobernador.

 

 

Si Teves ay itinuro ng dalawang naarestong suspek na sina Joric Labrador at Benjie Rodriguez, kapwa mga dating sundalo na isang nagngangalang Teves ang umano’y nag-utos sa kanila na likidahin si Governor Degamo.

 

 

Napatay si Degamo sa kanyang bahay sa Brgy. San Isidro, Pamplona, Negros Oriental noong Marso 4 habang namamahagi ng 4Ps.  Bukod sa gobernador walong iba pa ang namatay at 17 ang sugatan.

 

 

Mariin namang itinanggi ni Teves ang mga alegasyon.

 

 

Magkatunggali sa pulitika ang mga Degamo at Teves.

 

 

Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police na wala pa ring paramdam sa kanila si Teves para sa pagbibigay nila ng seguridad sa pagbabalik nito sa bansa.

 

 

Tiniyak ng PNP na handa silang ibigay ang nararapat na seguridad kay Teves.

 

 

Pebrero 28 nang umalis sa bansa si Teves at hanggang Marso 9 lamang ang bakasyon nito.

 

 

Hanggang sa nga­yon hindi pa bumabalik ng bansa ang kongresista. (Daris Jose)

Kumpanyang sangkot sa oil spill, dapat magbigay din ng ayuda

Posted on: March 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK  ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay din ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.

 

 

Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang kumpanya ng barko”.

 

 

“Kahit man lang tig-two kilos na lang ng bigas, siguro makakatulong na sa mga biktima ito”, ani Yap.

 

 

Dagdag pa ng mambabatas, “karamihan pa naman sa mga apektado ay pangingisda ang hanap-buhay. I am sure wala silang kita ngayon”.

 

 

Pahabol ni Yap dapat na ring bilisan ang clean-up para hindi na umabot sa iba pang isla. (Daris Jose)

P9.8 milyong droga naharang sa NAIA

Posted on: March 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAHARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang limang papasok na parcel na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga, na misdeclared bilang meryenda, bote, damit, regalo at sleeping bag nitong Biyernes, sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

 

 

Sinabi ni Port of NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, dahil sa mga kahina-hinalang larawang nakita sa x-ray machine, isinagawa ang physical examination ng Customs Examiners at nakita ang may 2,738.5 gramo ng marijuana (Kush), 17 ml liquid marijuana, 2,700 gramo ng marijuana gummies, 665 gramo ng marijuana, at 2,899 piraso ng ecstasy na may tinatayang street value na P9,892,700 na kinumpirma ng PDEA.

 

 

Ayon kay Talusan, ang mga shippers at consignee ay kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ng PDEA kaugnay sa paglabag sa RA 9165 at RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization Act (CMTA).

 

 

Noong Marso 16, 2023, naharang din ng Customs-NAIA ang apat na papalabas at isang papasok na magkahiwalay na parsela na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga sa mga warehouse sa Pasay City.

 

 

Kabilang dito ang 5 gramo ng shabu, iba’t ibang Alprazolam at Zolpidem, 100 tableta ng Mogadon at 1 gramo ng marijuana. (Gene Adsuara)

Hirit ng teacher’s group: Kakulangan sa silid-aralan, tugunan

Posted on: March 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN ang isang grupo ng mga guro sa pamahalaan na tugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairperson Vladimer Quetua, dapat na paglaanan ng pamahalaan ng mas malaking pondo ang sektor ng edukasyon.
Binigyang-diin ni Quetua na malaki naman ang pondo para sa ‘Build Better More infrastructure program’ na aabot sa P1.2 trilyon kada taon habang ang pagpapatayo ng mga silid-aralan ay mangangailangan lamang ng pondong P15.6 bilyon.
Sinabi ni Quetua na sa halip na magtayo ng mas maraming tulay, paliparan at mga daungan, dapat na magpokus ang pamahalaan sa pagpapatayo ng may 165,000 silid-aralan, na kailangang-kailangan ng mga mag-aaral.
Nagbigay din naman siya ng reaksiyon sa pahayag ng Department of Education na naghahanap ito ng foreign at private funding upang resolbahin ang isyu, at sinabing ang pondo ay dapat na magmula sa buwis ng mga mamamayan, na pangunahing inilalaan para sa mga ganitong serbisyo.

Valenzuela LGU nagbigay ng P5M halaga ng bigas sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro

Posted on: March 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng VC Cares Plus Program ng P5 milyon halaga ng bigas sa probinsya ng Oriental Mindoro at ilang mga munisipalidad na lubhang naapektuhan ng kamakailan.
Pinangunahan ang VC Cares Team ni Senator WIN Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at City Social Welfare Operations Chief of Staff, Ms. Dorothy Evangelista, ay nagtungo sa Oriental Mindoro upang pormal na i-turnover ang donasyong mga bigas, at personal na masuri ang kalagayan ng lalawigan kung saan sila ay malugod na tinanggap nina Oriental Mindoro Governor, Humerlito Dolor, Vice Governor Ejay Falcon, at Pola Mayor Jennifer Cruz.
Ang Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela, ay nagpasa ng Resolusyon Blg. 2748, Serye ng 2023 na nagpapahintulot kay City Mayor WES Gatchalian na maglabas ng nasabing halaga bilang tulong sa mga lugar na apektado ng oil spill.
Ito’y matapos ang isang deliberasyon na pulong na ipinatawag ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council noong March 9 na nagtapos sa rekomendasyon na magpasa ng isang resolusyon na makatutulong upang maibsan ang sitwasyon ng mga apektadong lalawigan at mga residente nito.
          Kabilang ang mga apektadong munisipalidad na makakatanggap ng rice donation, ang probinsya ng Oriental Mindoro, mga munisipalidad ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.

Sylvia at buong pamilya, proud na proud sa kanya: GELA, nakipagsabayan talaga sa husay sa paghataw kay AC

Posted on: March 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAKITANG gilas na nga sa husay sa paghataw si Gela Atayde, ang ikatlong anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde at nasaksihan ito sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa ‘ASAP Natin ‘To’ noong Linggo, Marso 19.

 

 

Sa segment na ‘Clash Dance’ nakipagsabayan nga si Gela kay AC Bonifacio, na mahusay din sa kakaibang paghataw sa dance floor at may hashtag na #ACxGela.

 

 

Pinuri nga ang nakababatang kapatid nina Cong. Arjo Atayde at Ria Atayde ng mga celebrities, friends at netizens. Na mukhang namana talaga niya ang husay sa pagsasayaw kay Sylvia, bukod pa sa hilig niya sa pagluluto.

 

 

Sa IG post naman ni Gela, inamin nito na, “If you told me a year ago that I’d be here, I’d tell you you’re crazy. 😭❤️‍🩹”

 

Pero super happy nga siya sa experience niya dancing back-to-back with AC.

 

“So happy to have experienced this with you @acbonifacio ❤️ You’re definitely a star. It is a privilege to have had my first performance with you!! Love you my acbbgirl!! You make me so proud!!”

 

Dagdag pa niya, “Also wouldn’t have wanted to experience this without the best out there, @legitstatusph 💛💙 Always a pleasure dancing with you all, @__judittth @ethangnzlz @warikyla @jiggy_row @_jesserafael @annika.javier @jimloydtambot @aleeyounggg + kuya Dune (shoutout to my bestfriend @judddelosreyes for choreographing my part and for being my hype man forever)

 

“Thank you also, coach @vimirivera for the trust and for constantly supporting me in all that I do. Appreciate you always!!”

 

 

Of course, super proud mommy ang award-winning actress, na super post talaga at nag-invite sa mga friends na ‘wag palampasin ang first time na paghataw ni Gela sa “ASAP Natin ‘To”, kahit na sanay na itong mag-compete kasama ang grupo sa international competition.

 

 

Post nga ni Ibyang isang araw bago sumabak si Gela sa dance floor, “From dance class to the @asapofficial stage. I can’t wait to see these @legitstatusph dancers do what they do best. Go @ataydegela and @acbonifacio!”

 

 

Mukhang tuloy na tuloy na nga ang pagsabak ni Gela sa pag-aartista this year at hindi na talaga mapipigilan.

 

 

Matatandaan na last year ay magkasamang rumampa sa isang fashion event ang mag-ina para sa sikat na local clothing brand.

 

 

Caption nga ni Sylvia sa kanyang IG post, “To my dearest Gelatin—it was my honor to be with you in your first mainstream runway! I cheer you on — all the way!”

 

 

“This is just the beginning. I love you my Gelatin,” pahayag pa ng aktres gamit ang mga hashtag na #benchfashionweek2022, #proudmom ni @ataydegela, #blessing at #thankuLORD.”

 

 

At ngayong nakalabas na nga si Gela sa ‘ASAP Natin ‘To’, tiyak na nakatutok sa kanya ngayon kung ano naman ang magiging next project niya sa Kapamilya Network.

 

 

And infairness, kakaiba rin ang ganda ni Gela, na for sure mamahalin din ng madlang pipol.

 

 

At kapag nagsimula na siyang mag-artista, ma-pressure kaya si Gela sa husay sa pag-arte nina Sylvia, Ria at Arjo?

 

 

Well, ‘yan ang aabangan ng mga netizens…

 

 

Goodluck Gela!

 

(ROHN ROMULO)