• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 14th, 2023

Magiging abala na rin sa kasal nila ni Rambo: Management ni MAJA, naglabas na ng official statement sa pag-alis sa ‘Eat Bulaga’

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS na ng official statement ang Crown Artist Management Inc. sa pag-alis ni Maja Salvador sa longest running noontime show na ‘Eat Bulaga’.

 

Sa Facebook post…

 

“Crown Artist Management would like to announce that with Maja Salvador’s upcoming wedding, and with all the uncertainties surrounding Eat Bulaga, she will be leaving the noontime show for the time being.

 

“Becoming a Dabarkads in Eat Bulaga was a dream of Maja that came true one and a half years ago, but for now, we have to give a pause.”

 

Sa pagpapatuloy ng statement, “This decision was already communicated to their management, so we’re hoping for your utmost understanding.

 

“Maja wishes Eat Bulaga, its hosts and staff, all the best!

 

“Maraming Salamat Dabarkads!”

 

Pinusuan naman ito ng mga netizens, may nag-like, may nagulat at marami rin ang nalungkot sa desisyon ng kanyang management. Dahil mami-miss nila ni Maja na makitang mag-host sa EB at baka hindi na makabalik.
Marami rin ang nag-congratulate kay Maja sa nalalapit nitong kasal kay Rambo Nunez.

 

***

 

BAGO ang matagumpay na Gabi ng Parangal ng 1st Summer Metro Manila Film Festival noong Martes, April 11 na ginanap sa New Frontier Theater, nakatsikahan namin ang Jury Chair na si Ms. Dolly de Leon.

 

Aminado ang award-winning actress na hindi naging madali ang deliveration nila na ten jurors na umabot ng six hours.

 

“Medyo mahirap,” pag-amin Ms. Dolly na soon ay mapapanood sa ‘Grand Death Lotto’ with John Cena, Awkwafina, and Simu Liu at dinirek ng three-time Oscar nominee na si Paul Feig.

 

“Meron kaming criteria na sinusundan na provided ng Summer MMFF. Pero meron din akong sariling take.”

 

Tatlo nga lang nakapasa sa taste ng board of jurors sa Best Actress at anim naman sa Best Actor, na kung saan nalaglag si Coco Martin at tinalo pa siya ng Korean actor na si Yoo Min-Gon.

 

Paliwanag ng Golden Globe nominee tungkol dito, “unfortunately, you cannot please everybody. Hindi naman sinasabi na discounted siya (Coco), it is just naging mahirap para sa aming lahat ‘yung desisyon. Believe it or not, it is not easy for us, to come out with this results.

 

“But this is all for the best. At the end of the day, this is really for the industry. If they feel bad, that’s normal and natural. And I know how that it feel, so, naiintindihan ko, kung may masama man ang loob.”

 

Dagdag pa ng international actress kung bakit ‘di napabilang si Coco sa list at tatlo sa Best Actress, “kasi ang style of voting naman, each vote got a point.

 

“So that means na, malaki ang agwat. Kung anim po ‘yun, ibig sabihin kakaunti ang agwat nila, so, we included all of them.

 

“Kaya tatlo lang, dahil malaki ang agwat ng pang-apat, kaya hindi na namin isinama.”

 

Anyway, after ng awards night, pinag-uusapan ngayon ang pagkukuwestiyon ng indie director at actor na si Emmanuel dela Cruz, na nalungkot dahil isang producer lang daw ang nag-dominate sa lahat ng nominees at awards.

 

Big winner nga ang “About Us But Not About Us” na nakakuha ng 10 awards at naka-apat na tropeo naman ang “Here Comes the Groom”, na parehong co-produce ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo.

 

Kaya naman sa Facebook account na Atty. Joji, sinagot niya ito ng, “Emmanuel Dela Cruz, May I know if this is your way of questioning the credibility of the esteemed members of the jury of the First Summer MMFF Dolly de Leon, Joey Javier Reyes, Toff de Venecia, Mario Escobar Bautista, Rolando Tolentino, Che-Che Ona, Tim Orbos, Honorable Arenas, Honorable Lim and Victor Neri?”

 

Bahagi pa ng lady producer post…

 

“Are you saying that the winners did not deserve to win???

 

“Or is it simply because, you have a beef with me?

 

“Why fault someone who risks hard earned money to produce films not knowing if the money will ever come back?

 

“Why not use your energy and talent to write and direct films instead?”

(ROHN ROMULO)

MEET THE CHARACTERS OF “BARBIE” IN THEIR OWN POSTERS

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Barbies, Kens, humans – check out the characters of “Barbie,” led by Margot Robbie and Ryan Gosling. Don’t forget to watch “Barbie,” in cinemas July 19.

 

[Watch the trailer here: https://youtu.be/0ys75bumMT4]

 

 

About “BARBIE”

 

To live in Barbie Land is to be a perfect being in a perfect place. Unless you have a full-on existential crisis. Or you’re a Ken.

 

From Oscar-nominated writer/director Greta Gerwig comes “Barbie,” starring Oscar-nominees Margot Robbie and Ryan Gosling as Barbie and Ken, alongside America Ferrera, Kate McKinnon, Michael Cera, Ariana Greenblatt, Issa Rae, Rhea Perlman and Will Ferrell. The film also stars Ana Cruz Kayne, Emma Mackey, Hari Nef, Alexandra Shipp, Kingsley Ben-Adir, Simu Liu, Ncuti Gatwa, Scott Evans, Jamie Demetriou, Connor Swindells, Sharon Rooney, Nicola Coughlin and Oscar-winner Helen Mirren.

 

Gerwig directed “Barbie” from a screenplay by Gerwig & Oscar nominee Noah Baumbach, based on Barbie by Mattel. The film’s producers are Oscar nominee David Heyman, Robbie, Tom Ackerley and Robbie Brenner, with Michael Sharp, Josey McNamara, Ynon Kreiz, Courtenay Valenti, Toby Emmerich and Cate Adams serving as executive producers.

 

In Philippine cinemas starting July 19, “Barbie” is distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

Join the conversation online and use the hashtag #Barbie #BarbieTheMovie

 

(ROHN ROMULO)

Nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Committee on Dangerous Drugs sa insidente na kinasangkutan ni Mayo

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ng isang mambabatas ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., na may malawakang pagtatangka para pagtakpan umano sa pagkakaaresto kay dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

 

 

Ayon kay Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Committee on Dangerous Drugs sa insidente na kinasangkutan ni Mayo at iba pang matataas na opisyal.

 

 

May mga nakalap aniya silang mga ebidensiya, testimonya at dokumento at authentic CCTV footages na nagpapakita sa katotohanan at tunay na istorya sa likod ng mga insidente naipinakakalat ng ilang scalawags.

 

 

“Indeed there is much truth of a massive attempt to exonerate Sgt. Mayo and other personalities involved in the raid and/or connected to him. Soon these pieces of evidence will unravel and reveal the real story,” ani Barbers.

 

 

Sinabi pa ni Barbers na sa kabila na batid naman ng mga mambabatas na hindi sila maaring mag-prosecute ay may kapangyarihan naman ang mga ito na i-endorso sa korte at mga kinauukulang ahensiya ang resulta ng kanilang ikinasang pagdinig.

 

 

Pinuri naman nito ang paninindigan ni Abalos na linisin ang hanay ng pambansang pulisya kasabay ng pagtitiyak na susuportahan ng kamara ang mga hakbangin ng kalihim para masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng mga Pilipino.

 

 

Si Mayo na inaresto dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga, kasunod ito ng ikinasang drug raid ng mga otoridad noong October 2022 sa  tanggapan ng isang lending company sa Maynila na pag-aari ng dating opisyal. (Ara Romero)

Grab rider, 3 pa timbog sa Malabon, Valenzuela buy bust

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.1milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 39-anyos na Grab rider na naaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alas-4:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya na nagresulta sa pagkakaaresto kay Michael Repolido, 39, grab rider at Ryan Romero, 33, vendor, kapwa ng Caloocan City.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) value ng P81,600.00, P500 marked money at coin purse.

 

 

Sa Valenzuela, nabitag naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela CPS sa pangunguna ni PCpt Joel Madregalejo sa buy bust operation sa Felipe Suerte St., Fortune 2, Brgy., Gen T De Leon, alas-4:20 ng madaling araw si Harold James Royo, 25, ng Caloocan City.

 

 

Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, nasamsam kay Royo ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 15-pirasong P500 boodle money at isang motorsiklo.

 

 

Samantala, narekober naman kay Lito Horillo, 55, ng Caloocan City ang nasa P37,400.00 halaga ng hinihinalang shabu, P300 buy bust money, P200 bills at cellphone matapos siyang madakip ng mga operatiba ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Calle Onse, Brgy. Gen T De Leon, alas-8:30 ng umaga.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon at Valenzuela CPS sa kanilang pagsisikap para maaresto ang mga taong nagpapakalat illegal na droga. (Richard Mesa)

BBM ipinag-utos ang pagpapaliban ng LRT fare increase

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 & 1) subalit ipinag-utos naman ni President Marcos na ipagpaliban muna ito.

 

 

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na pinayagan nila ang Light Manila Corp. (LRMC), na siyang namamahala sa operasyon ng LRT1, at ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa dalawang rail systems.

 

 

Ipinag-utos ni Marcos na magkaroon muna ng reassessment sa gagawing pagtataas ng pamasahe upang malaman kung paano maaapektuhan ang mga pasahero dahil na rin sa tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

 

 

Naitalang ang inflation rate sa bansa ay tumalon ng 14-year high na may 8.7 porsiento noong January at naging 8.6 porsiento noong Februay. Naitala naman na may 7.6 porsiento noong nakaraang March.

 

 

Inatasan ang DOTr na makipagusap sa National Economic Development Authority (NEDA) sa gagawing reassessment bago ipatupad ang pagtataas ng pasahe.

 

 

Ayon kay Bautista na hihintayin na lamang nila na matapos ang academic year bago nila ipatupad ito.

 

 

“We will work with the NEDA on this and after that we will report to the LRTA board, so it will take a few months, maybe,” sabi ni Bautista.

 

 

Sa isang pahayag naman ni undersecretary Cesar Chavez sinabi niya na gusto ng DOTr na magbigay na ng desisyon sa loob ng 2 buwan subalit kanyang rin inamin na depende ito sa kung gaano katagal ang magiging paguusap nila sa NEDA.

 

 

Dagdag ni Chavez na ang LRMC at LRTA ay kailangan ng magtaas ng pasahe upang makalikom ng karagdagang pondo para sa mga rehabilitation at upgrade ng rail lines na kanilang pinangagasiwaan.

 

 

Ang Panglinan-led LRMC ay may awtoridad sa ilalim ng concession agreement na magtaas ng pasahe kada ikalawang taon. Dahil dito ang LRMC ay naghain ng arbitration case laban sa pamahalaan dahil sa hindi nito pagpayag na magkaron ng fare adjustments simula noong 2016, 2018 at 2020 kung saan sila ay humingi ng P2.67 billion para sa kanilang compensation.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang LRTA ay may projection na revenue growth na P114 million kada taon mula sa gagawing fare hikes. Gusto nilang gamitin ang 97 porsiento ng nasabing halaga para sa operating expenses upang mabawasan ang inaasahang deficit ng P8.5 billion ngayon taon.

 

 

Sa Metro Manila Transit Line 3 (MRT3), hindi pinayagan ng DOTr ang kanilang inihaing mungkahi na magkaron ng pagtataas sa pasahe dahil sa technical issues sapagkat ang pamunuan ng MRT 3 ay nabigong magkaron ng notice of public hearing sa tamang oras.

 

 

Simula pa noong 2015, ang LRT 1 & 2 ay nanatiling may P11 boarding fare at distance fare na P1 kada kilometro.  LASACMAR

ICC prosecutor, hiniling sa korte na tanggihan ang apela ng Pilipinas

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ni International Criminal Court (ICC) prosecutor Karim Khan sa  ICC Appeals Chamber na tanggihan ang apela ng Pilipinas sa  desisyon na  pahintulutan ang pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay sa  drug war killings sa Pilipinas.

 

 

Sa 59 pahinang dokumento na may petsang Abril 4, sinabi ni Khan na nabigo ang gobyerno na magpakita ng kahit na anumang mali sa desisyon at nabigo na ma- identify  ang kahit na anumang mali na “materially affected” sa desisyon.

 

 

“The Prosecution respectfully requests the Appeals Chamber to reject the Appeal and confirm the Pre-Trial Chamber’s authorization of the resumption of the Prosecution’s investigation,” ayon kay Khan.

 

 

“Instead, the Chamber reasonably and correctly considered the materials submitted by the Philippines and correctly applied the law,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi ni Khan na ang ICC ay may hurisdiksyon sa nasabing sitwasyon na di umano’y krimen na nangyari mula Nobyembre  2011 hanggang Marso  2019  dahil ang bansa ay kumalas lamang mula sa ICC noong Marso 2019.

 

 

Makailang ulit namang sinabi ng mga opisyal ng PIlipinas na walang hurisdiksyon ang ICC sa bansa matapos na kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute, nag-establisa ng ICC, noong Marso 2019.

 

 

“The Philippines, therefore, was a State Party to the Statute during the temporal scope of the authorized investigation. The Philippines’ subsequent withdrawal from the Statute thus has no effect on the previously established jurisdiction of the Court,” ayon kay Khan.

 

 

Sinabi pa nito na ang  state cooperation ay hindi  legal prerequisite para sa  paggamit o pagganap sa hurisdiksyon ng ICC.

 

 

“Although State cooperation is fundamental to the Court’s efficient conduct of its proceedings, it is not a jurisdictional precondition that must be met for the Court to exercise its jurisdiction,” ani Khan.

 

 

Tinuran pa ni Khan na sa kauna-unahang pagkakataon ay binanggit ng pamahalaan sa apela nito ang argumento  na may kinalaman sa  domestic processes.

 

 

“It has never previously articulated a formal mandatory progression from the PNP-IAS to review by the Department of Justice panel to case build-up by the NBI, nor in any event does it now cite any clear basis under the law of the Philippines requiring that this sequence is followed,” ani Khan.

 

 

“Furthermore, the Philippines presents no authority to support its claim that domestic ‘procedural rules demand a lengthier investigation phase while in turn, the commencement of court proceedings following an investigation are usually immediately’,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ani Khan, “the chamber did not err in considering that the country’s investigation did not extend to high-ranking officials” sabay sabing “In particular, by focusing on low-ranking individuals, it was not clear how the Philippines was investigating the question of the potential links between criminal incidents, which may be significant to the contextual element of crimes against humanity.”

 

 

Aniya pa,  ipinahihiwatig sa available information na ang torture, inhuman acts, at ibang krimen ay nagawa dahil sa  drug war.

 

 

“Nothing about these crimes committed in large part by law enforcement personnel entrusted with protecting citizens from violence, suggests that the potential cases before the Court are of marginal gravity,” ayon kay Khan.

 

 

“To the contrary, they are extremely serious, and appear to have been at the very least encouraged and condoned by high-level government officials, up to and including the former President,” dagdag na wika nito.

 

 

Nangako si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na lalo pang pagbubutihin ng kamara ang kanilang pagtatrabaho upang higit na mapagsilbihan ang mga Pilipino.

 

 

Ayon kay Romualdez, labis ang kanyang pasasalamat sa mga Pilipino dahil sa ibinigay na kumpiyansa at tiwala sa kongreso.

 

 

Ginawa ng Speaker ang pahayag matapos lumabas sa resulta ng March.

 

 

2023 Pulse Asia Survey, kung saan nakakuha ng 51% approval rating ang House of Representatives.

 

 

Ikinagagalak nito na malaman na pinahahalagahan ng mas nakararami ang pagsisikap ng kamara na mapagtibay ang mga panukalang lilikha ng maraming trabaho, business opportunities, assistance program para sa mahihirap at magbibigay daan upang magkaroon ng mas maginhawang bukas ang mga Pilipino.

 

 

Ipinangako pa ni Romualdez na gagawin nila ang lahat upang maipasa ang mga nakabinbin na panukalang batas na kabilang sa 8-point socioeconomic agenda ni  Pangulong Bongbong Marcos na may hangaring maiangat ang pamumuhay ng bawat mamamayan ng bansa

 

 

Sa lumabas na “Ulat ng Bayan” nationwide survey na ginawa mula Marso March 15 hanggang 19, 2023, nakakuha ng mataas na ratings sina Pangulong Marcos, Vice President Sara Duterte, Senate President Juan Miguel Zubiri, at Speaker Romualdez .

 

 

Nakapagtala ang pangulo ng 78% approval rating, VP Duterte na may 83%, jabang nakakuha naman pareho sina Zubiri at Romualdez ng 51% approval rating. Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ay nakatanggap naman ng approval rating na 43%.

 

 

Ipinapakita ng survey na mayorya ng mga taga Metro Manilans (57%), Visayas (77%), Mindanao (58%), at maging ng mga nasa class E (66%) ay naniniwala sa naging trabaho ni Romualdez.(Ara  Romero)

PNP chief handang ipaliwanag ang ‘cover up’ sa Senado

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANDA umano si Phi­l­­ippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na humarap at magpaliwanag sa Senado sakaling magkaroon ng imbestigasyon hinggil sa umano’y cover up sa P6.7 bilyong halaga ng shabu na nasabat sa Maynila noong nakaraang taon.

 

 

Ayon kay PNP-PIO chief PCo. Red Maranan, tatalima ang PNP dito matapos na humiling ng legislative inquiry si Sen. Bong Revilla upang bigyang linaw ang sinasabing pagtatangkang i-cover up ng ilang matataas na opisyal ng PNP.

 

 

Ani Maranan, ipaliliwanag ni Azurin sa tamang panahon ang isyu sa nakumpiskang 990 kilos ng shabu. Iginagalang din nila ang kahilingan ni  Revilla.

 

 

Binigyan diin din ni Maranan na si Azurin na ang  magpapaliwanag ng  lahat upang maiwasan ang  kalituhan.

 

 

Tumanggi naman si Maranan na magbigay ng reaksiyon sa naging pahayag at pagbubunyag ni Interior and Local Government Secretary sa umano’y sabwatan at cover up ng mga opisyal at tauhan ng PNP-Philippine Drug  Enforcement Group (PDEG).

 

 

Kabilang sa ‘pinagbabakasyon’ ni Abalos sina PDEG Director PBGen. Narciso Domingo; PLt. Gen. Benjamin Santos, na noo’y PNP deputy chief for operations; PLt. Col. Glenn Gonzales ng Quezon City Police District; PLt. Col. Arnulfo Ibañez, OIC ng PDEG SOU- NCR;PMajor Michael Angelo Salmingo, deputy ng PDEG SOU NCR; PCapt. Jonathan Sosongco, hepe ng  PDEG SOU 4A arrest team; PLt. Ashrap Amerol, intelligence officer ng  PDEG Intelligence and Foreign Liaison Division; PLt. Col. Harry Lorenzo station commander ng Manila Police District in Moriones at PCapt. Randolph Piñon, hepe ng PDEG SOU 4A Intelligence Section.

Jeepney drivers nais ng malinaw na plano patungkol sa subsidiya ng DOTR sa piling PUV routes

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIS  ng ilang jeepney drivers na magkaroon ng malinaw na plano ang Department of Transportation kung paano makakarating sa mga jeepney driver ang nais nilang ibahagi na subsidiya.

 

 

Ang ilan sa mga jeepney drivers raw ay hindi nakakatanggap ng sinasabing subsidiya, dahil anila, ang mga operators ang tumatanggap nito at hindi na nakakababa sa driver.

 

 

Inihalimbawa ni Marlon Jacila, ang ibinigay raw na subsidiya para sa krudo, ayon sa kanya ay hindi naman lahat ng driver nakatanggap nito dahil ang ilan ay na stuck nalang sa operators.

 

 

Kaya ang tanong nila, paano umano ito makakarating sa mga jeep drivers.

 

 

Maayos daw sana itong plano na subsidiya sa mga drivers dahil malaki na rin ang maitutulong sa pang araw araw.

 

 

Dagdag pa ni Marlon, lahat raw ng bigat ay nasa drivers kaya itong subsidiya sana naman raw ay makarating sa jeepney drivers talaga.

PBBM, oks sa paglikha ng single operating system para sa lahat ng gov’t transactions

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO ni  Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglikha ng single operating system para sa lahat ng transaksyon sa gobyerno upang matiyak ang mabilis na pagnenegosyo sa bansa.

 

 

Sa isinagawang sectoral meeting on improving bureaucratic efficiency,  sinabi ni Pangulong  Marcos  na dapat na ikonsidera ng iba’t ibang ahensiya na nagta-trabaho sa code o polisya ang pagkakaiba sa pagitan ng national bureaucracy at iba- ibang  local government units (LGUs).

 

 

“There are technological reasons, as well as political and local considerations to comply with the law and the government has to deal with those issues,” ayon sa Pangulo.

 

 

“I think it may help when you’re writing the code or when you’re putting the system together, you’re going to have to think about the differences between the national bureaucracy and the different LGUs,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

 

“Those are the things that we still work with. The questions we were trying to bring it down to that level, and the local governments are really part of that thing. You’ve seen how it can happen. That’s what we need to address,” giit nito.

 

 

Sinabi naman ng mga opisyal ng pamahalaan na nakipagpulong kay Pangulong Marcos na iyon ang dahilan kung bakit ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at  Anti-Red Tape Authority (ARTA) ay “are now mapping the processes of different agencies so they can be able to collate them in a single system.”

 

 

Kahit maging ang LGUs, ayon sa mga ito, ay saklaw ng “ease of doing business law,” partikular na ang nasa ilalim ng Section 11, “which requires them to set up and traditionalize electronic business one-stop-shop, which will standardize LGU requirements.”

 

 

Sa kabilang dako, inatasan din ng Pangulo ang DICT at ARTA na tulungan ang LGUs sa pag-adopt ng  Business Permits and Licensing Systems in All Cities and Municipalities (BPLS) system.

 

 

Sinabi naman ng mga opisyal na nagsagawa sila ng stakeholder consultations  kasama ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tingnan ang kanilang “processes and requirements” na may layuning hikayatin ang mga ito na gumamit ng unified application form, iugnay ang mga ito sa network na nagtayo ng “one-stop-shop.”

 

 

Ang panukala, ayon sa mga ito ay palawigin ang sakop o saklaw sa ibang uri ng negosyo gaya ng ginawa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa paglikha ng isang one-stop-shop for big-ticket investments.

 

 

Sinabi naman ng mga opisyal mula sa nasabing ahensiya na tinitingan nilang pagsama-samahin ang lahat ng proseso para sa  migrant workers, maritime, at maging sa shipping industries, tinuran din ng mga ito ang “improvement at ang mga proseso sa pamamagitan ng pagsama-samahin ang lahat ng  government processes sa pamamagitan ng data sharing.

 

 

“The best way to reduce requirements and processing time,  is for government agencies to adopt data sharing so that documents submitted in one agency should no longer be required in another agency,” ayon sa mga ito.

 

 

Upang masiguro na mapalakas pa ang implementasyon ng “streamlining and digitalization initiatives”, nag-request ang ARTA  na aprubahan ang panukalang rebisyon ng Executive Order No. 482, serye ng 2005,  upang maging responsive o tumugon ito sa kasalukuyang situwasyon at pagpapalabas ng kinauukulang Administrative Orders and EOs.

 

 

“And to ensure the administration’s efforts in streamlining and improving the efficiency of government services, the government, through the Ease of Doing Business (EODB) program, is carrying out TradeNet, Manual for the Reengineering of Business Permits and Licensing Systems in All Cities and Municipalities (BPLS Manual) and Streamlined Guidelines for the Issuance of Permits, Licenses, and Certificates for the Construction of Shared Passive Telecommunications Tower Infrastructure (PTTIs),” ayon sa Malakanyang.

 

 

Samantala,  kabilang naman sa mga nakipagpulong sa Pangulo ay sina DTI Secretary Alfredo Pascual, Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., Information and Communications Technology Undersecretary David Almirol Jr., ARTA Director General Ernesto Perez at Customs Commissioner Bienvenido Rubio.  (Daris Jose)

Kaya tuloy na tuloy pa rin ang ligaya: TITO, VIC & JOEY, na-retain ang creative control sa ‘Eat Bulaga’

Posted on: April 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na ikatutuwa ng mga fans at followers ng long-running noontime variety show na “Eat Bulaga,” ang post na “Tuloy ang ligaya! TVJ to retain creative control of “Eat Bulaga” as Jalosjos family agrees to stand down. – Eat Bulaga was at risk of a major overhaul due to a feud between its stakeholders.  But it looks like the crisis has been averted, at least for now.”

 

 

Ayon pa sa post, the iconic hosts of EB, Tito, Vic & Joey (TVJ) and the children of former congressman Romy Jalosjos have agreed to maintain the status quo after a make or break meeting on April 11.

 

 

Reportedly the Jalosjos children accepted the terms made by TVJ, they agreed not to replace anyone in EB’s production staff except for some portions in the program.  TVJ and its core group of co-hosts and creative team would have the final say on the program which has been on air since July, 1979.

 

 

Pero hihintayin pa rin natin this Saturday, April 15, na sabi’y ipaaalam ng EB management ang final development at kung mari-retain pa rin lahat ang mga hosts ng show.  Marami kasing kumalat na balita noon kung sinu-sino na lamang ang mari-retain daw na mga hosts ng show, na napapanood Mondays to Fridays, 12NN to 2:30PM at every Saturday, from 11:30AM to 2:30PM.

 

 

                                                            ***

 

 

FIVE days to go at mapapanood na ng mga Kapuso at diehard fans ng inaabangang “Voltes V Legacy: The Cinematic Experience”, sa lahat ng SM Cinemas mula April 19 hanggang April 25.

 

 

Tampok sa #V5LegacyTheCinematicExperience ang special edit ng unang tatlong linggo ng first-ever live-action adaptation ng hit anime series.  Maaari nang bumili ng tickets online via https://bit.ly/VoltesVAtSMCinema o SM Cinema app.  Pwede ring personal nang magtungo sa SM Cinema ticket booths.

 

 

Abangan din ang “Voltes V: Legacy” sa GMA Telebabad this May, 2023.

 

 

                                                            ***

 

 

SINA Asia’s MultiMedia Star Alden Richards at “Hearts on Ice” leading man Xian Lim and magiging hosts for the highly anticipated grand coronation night of Miss Universe Philippines 2023 na magaganap sa May 14, 2023 sa SM Mall of Asia Arena, in Pasay City.

 

 

The event will feaure the presence of Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi and reigning Miss Universe 2022 R’Binney Gabriel.

 

 

Isa rin si Jessica Sanchez sa mga celebrities na magpi-perform.  Ipinakilala na ang Top 40 phenomenal, transformational Filipinas of Miss Universe Philippines 2023.  Isa rito si Kapuso actress Michelle Dee ng “Mga Lihim ni Urduja.”

 

 

                                                            ***

 

 

HAPPY si Megastar Sharon Cuneta na bago siya bumalik ng Pilipinas, pagkatapos ng “Iconic” concert nila ni Regine Velasquez sa Los Angeles, USA, ay nagkaroon na rin siya ng chance na makapag-shopping sa LAX Hermes store.

 

 

Sa IG post ni Sharon: “Finally got my new Hermes belts (my 20+-year-old ones are still too tight! Pero lapit na) – plus a few other things at The LAX Hermes store. (matatandaan na noong nag-show si Sharon sa South Korea, hindi siya pinayagang makapasok sa Hermes store doon).

 

 

“Ang bait nila napabili pa ko tuloy ng iba! I’ve always loved their cashmere throws too so got myself a couple of new ones plus bracelets! Thank you to S.A. Miss Ivy for the great service! #hermeslax @hermes #walanangisyuha!”

 

 

Dagdag pa ni Sharon, “am home in my safe place…my husband’s loving arms.”

(NORA V. CALDERON)