• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 3rd, 2023

OIL SPILL, PINAGHAHANDAAN NA NG PCG

Posted on: May 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa contingency measures matapos makakita ang Coast Guard Sub-Station Tubbataha ng oil sheen malapit sa baybayin kung saan lumubog ang  dive yacht noong Linggo ng umaga, Abril 30.

 

 

Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na patuloy ang monitoring sa sitwasyon sa lugar kung saan lumubog ang M/Y Dream Keeper upang agad na matugunan.

 

 

Aniya nasa lugar na ang oil spill response team at nagsimula nang maghanda sakaling magkaroon ng pagtagas ng langis upang agad itong mapigilan.

 

 

Angpil sheen ay naisapatab umano apat na milyaula sa Tubbataha Reefs na kilala sa malinis na coral reef na may perpendicular wall, malawak na lagoon at dalawang coral islands.

 

 

April 27 nang umalis ang yate sa San Remigio ,Cebu City at dumating sa Tubbataha Reef alas 10 ng gabi noong April 29.

 

 

Sakay nito ang 32 katao , at 28 sa mga ito ang narescue habang apat pang iba pa ang nanatiling missing at pinaghahanap.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Balilo na tinitignan dahilan ng paglubog ng yate ang na-encounter nito na tinatawag na localized thunderstorm .

 

 

 

Sa ngayon may mga divers mula sa 10 yate ang tumutulong sa search and rescue .

 

 

Samantala, sinabi ni Balilo na itinigil na nila ang search and rescue sa dalawang nawawalang crew ng isang dredger at isang oil tanker na nagbanggaan sa karagatan ng Corregidor Island.

 

 

Hindi bababa sa tatlong tao ang kumpirmadong namatay sa nangyaring Maritime incident .

 

 

Itinigil na aniya ang search and rescue matapos na hindi mahanap ng kanilang mga diver ang dalawang nawawalang crew sa kabila ng masinsinang paghahanap.  GENE ADSUARA

Pinuri ang ginawang vlog kasama si Maricel: NADINE, may na-realize at grateful sa mga pinagdaanan sa buhay

Posted on: May 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
IBANG-IBA ang excitement ng Kapuso star na si Beauty Gonzalez na ngayon ay nagsisimula ng mag-taping para sa GMA sitcom nila ni Senator Bong Revilla, ang “Walang Matigas na Mister sa Matinik na Misis.”
Halatang enjoy si Beuaty sa role niya bilang Misis ni Sen. Bong na isang Bisaya. Happy rin siya sa cast, not to mention na talagang big deal para kay Beauty na mapiling leading lady ni Senator Bong.
Sabi nga ni Beauty, “Feeling the vibe at our first group activity for our new sit com Walang Matigas na Mister sa Matinik na Misis. And this cast is everything, fun, Beauty & Brains, And extreme coolness. Can’t wait to get on set.”
Makakasama rin nina Beauty at Sen. Bong sina Max Collins, Nino Muhlach, Kelvin Miranda, Kate Valdez, Raphael Landicho at iba pa. Sa direksiyon nina Enzo Williams at Frasco Mortiz.
***
MARAMI ang pumuri sa ginawang vlog content ni Nadine Lustre kunsaan, naging guest niya ang kanyang “Inay” na si Maricel Soriano.
Habang pareho silang gumagawa ng flower arrangement, tipong nagkukuwentuhan lang ang dalawa. Kaya ilang comment ng netizen, “Napaka-unique, walang intros, super raw, no editing, sarap panoorin.”
Sa chikahan nilang dalawa, nabanggit ni Nadine nang sabihin ni Marya na, “you have to make the most out of it, baka magsisi ka, e.”
Dito shinare ni Nadine na, “Ako rin, na-realize ko ‘yan lately, especially sa brother ko nang mawala siya na sana, I spent more time with him at saka sana, nagsabi pa ako ng I love you.”
Sa kabila nito, grateful naman daw si Nadine sa mga challenges na pinagdaanan niya.
Katwiran niya, “Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa mga hirap na naranasan ko.”
At dahil sa mga ganitong collab nina Nadine at Maricel, may mga clamor ang mga fan na sana raw, magkasama sila sa movie.
(ROSE GARCIA)

First movie ng BarDa, hitik sa ‘kilig moments’: DAVID, happy na kasama muli si BARBIE at ‘di na mami-miss

Posted on: May 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HITIK daw sa kilig moments ang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na ‘That Kind Of Love’.

 

 

 

Kasunod ng success ng kanilang FiLay loveteam sa hit historical portal fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’, inaabangan na ng BarDa (Barbie and David ) fans ang unang pelikula nilang dalawa.

 

 

 

Ayon sa dalawang Sparkle stars, a very different Barbie and David daw ang mapapanood sa ‘That Kind Of Love’. Kaya asahan daw ng BarDa fans ang pag-level up ng kanilang unang screen tandem nila.

 

 

 

Sey ni Barbie, “it’s a rom-com, pero ibang David and Barbie ‘yung makikita niyo. Totally different from our previous projects tulad noong ‘Heartful Cafe’, ‘yung ‘Mano Po’, and definitely, different from Fidel and Klay. I think the goal of this film is really to make the audience feel in love. Promise ramdam ang love sa movie namin.”

 

 

 

Bukod sa ito ang first movie nila together, ipapalabas din ang ‘That Kind Of Love’ sa ibang bansa na ikinatuwa ng mga BarDa fans, lalo ‘yung mga OFWs na sumubaybay sa FiLay loveteam nila.

 

 

 

Sey ni David, “I’m just really happy that we get to do this film and makita siya globally. It’s time for the Philippines to actually make a movie and be shown all over the world, For me to be part of this, na it’s gonna be shown globally, I’m very, very excited.”

 

 

 

Bukod sa Pilipinas, kukunan din ang ilang eksena ng pelikula sa ibang bansa, ngunit hindi muna sinasabi nina Barbie at David kung saan sila magsu-shoot abroad.

 

 

 

“Paborito ko ‘yung pagkain dun e, so I really am looking forward to it,” ngiti pa ni Barbie.

 

 

 

Hindi naman napigilan si David na sabihin na na-miss niyang kasama si Barbie. Huli silang napanood together ay sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ bago sila nagkanya-kanyang bakasyon noong nakaraang Holy Week.

 

 

 

“Of course I missed her. Kasi medyo madalas kami magsama before. This time I’m with her again and I think the following days we’re gonna be together so ‘di ko na siya mami-miss,” pakilig na pahayag ni David.

 

 

 

***

 

 

 

DARATING sa bansa ang may-ari ng Miss Universe na si Anne Jakrajutatip dahil magiging bahagi siya ng Miss Universe Philippines 2023 pageant na magaganap on May 13.

 

 

 

Sa kanyang pinost sa Instagram, excited itong si Anne na bumisita sa Pilipinas dahil gusto na niyang makita ang mga isusuot niya na gawa ng mga Filipino designers.

 

 

 

Dadalhin daw niya ang kanyang Louis Vuitton mini trunk para doon niya ilalagay ang mga Philippine-made outfits.

 

 

 

Caption pa niya, “Finally, I made up my mind to bring just this mini trunk with me to the Philippines without having any luggage! There are lots of well-known designers up there offering me the outfits, formal dresses, and evening gowns to wear. I trust them.”

 

 

 

Nagbiro pa si Anne na kung wala raw siyang mapili na masuot, baka mag-bikini na lang siya sa entablado at i-deliver ang kanyang signature na “Hello, Universe!”

 

 

 

Na-acquire ni Anne ang ownership rights ng Miss Universe noong October 2022. Kasabay niyang darating sa Pilipinas ang reigning Miss Universe na si R’Bonney Gabriel na uupo bilang isa sa panel of judges ng Miss Universe PH.

 

 

 

***

 

 

 

NABIGYAN ng temporary order of protection ang ex-girlfriend ng Marvel film actor na si Jonathan Majors.

 

 

 

Inaresto si Majors noong nakaraang buwan dahil sa kasong sinampa ng ex-gf nito na domestic violence.

 

 

 

Ayon sa Manhattan District Attorney’s Office: “Today a judge granted a Full Temporary Order of Protection for the victim, per the People’s request and with the consent of defense counsel. (At the time of arraignment, a Limited Temporary Order of Protection was granted.).”

 

 

 

Sinagot naman ito ng lawyer ni Majors na si Priya Chaudhry: “This is standard in cases such as this, and we consented because Mr. Majors wants nothing to do with the woman who assaulted him.”

 

 

 

Haharap sa korte si Majors sa May 8. May witness diumano ang aktor na hindi niya sinaktan ang kanyang ex-gf. Yung babae raw mismo ang naging bayolente sa aktor.

 

 

 

Pero nag-file ng medical report ang ex-gf ni Majors at nagtamo ito ng broken finger dahil dinepensahan nito ang sarili sa mga tama ng aktor sa kanya.

 

 

 

Naniniwala pa rin ang kampo ni Majors na hindi totoo ang injury nito at gusto lang nitong siraan ang aktor na sumisikat na dahil sa mga proyekto nito sa Marvel Cinematic Universe or MCU. Si Majors daw kasi ang nagtapos ng kanilang relasyon.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Workers tablado sa dagdag sahod ngayong Labor Day

Posted on: May 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALANG naganap na anunsyo ng dagdag-sweldo sa mga manggagawa ngayong Mayo 1, Labor Day habang pinag-aaralan pa ang mga petisyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

“Sa May 1, walang lalabas na adjustment [sa sahod] agad kasi dumaraan pa sa proseso,” ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

 

 

Mayroong walong nakabinbin na petisyon para sa dagdag-sahod na isinasailalim pa rin sa review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards sa mga lugar na nagkaroon ng apela.

 

 

Kabilang sa mga lugar na may petisyon para dagdagan ang sahod ng mga obrero ang National Capital Region, Calabarzon, Western Visayas, at Central Visayas.

 

 

Ngunit ayon kay La­guesma, kailangang sundan ng RTWPB ang ‘time frame’ para sa pagbababa ng desisyon sa dagdag-sahod at hindi kailangan na itapat ito sa Mayo 1.

 

 

Sa ngayon, magkakasya na lamang ang mga manggagawa sa inihandang mga aktibidad ng DOLE tulad ng “Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa”, pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa ilalim ng iba’t ibang programa ng DOLE, mga job fairs, at livelihood at business fairs sa buong bansa.

 

 

Ayon sa DOLE, aabot sa P1.8 bilyong halaga ng suweldo ng sumailalim sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program at iba pang tulong pinansyal ang ipamamahagi sa 313,943 manggagawa ngayong Labor Day.

 

 

Bahagi rin ng natu­rang halaga ang livelihood assistance sa mga mahihirap na nasa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program.

 

 

Maging ang bayad sa mga intern ng gobyerno sa ilalim ng DOLE-Go­vernment Internship Program, at sahod ng mga batang manggagawa sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).

Nag-enjoy at nakapag-bike sa Golden Gate Bridge: ZOREN, sumama sa trip nina CASSY at DARREN para magbantay

Posted on: May 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKA-SCHEDULE na palang umalis, any day now, sina Alden Richards at Julia Montes para mag-shoot ng first team-up movie nila na “Five Break-Ups and A Romance.” 

 

 

Collaboration project ito ng GMA Pictures, Cornerstone Studios at Myriad Corporations ni Alden, na written and directed by Irene Emma Villamor.

 

 

Marami nang nagtatanong kung ano raw ang role na gagampanan nina Alden at Julia.

 

 

Sa isang interview, may nagtanong kay Alden kung nanibago  ba siya sa character niya, na sabi’y ibang-iba sa mga dati na niyang ginagawang role?

 

 

Dito raw ay daring ang mga eksena nila ni Julia, magpapakita sila ng skin na sabi nga ay hindi ito ang comfort zone ni Alden.

 

 

“In terms of scenes, it is more open, madumi po ako rito at malala ang mga dialogues ko,” sagot ni Alden.

 

 

“Ito yung other side ng isang lalaki na hindi ko pa nagagawa.  I’m not your typical leading man dito.”

 

 

Sabi nga ni Direk Irene: “Tiyak na manggugulat dito sina Alden at Julia.  We are hoping very soon ay maipapalabas na namin ang “Five Break-Ups and A Romance.”

 

 

Unang nakasama ni Alden si Direk Irene noong assistant director pa lamang siya sa teleserye na “Destined To Be Yours.”

 

 

***

 

NANANATILI pa ring Concert King si Martin Nievera sa concert scenes here and abroad.

 

 

Like his coming concert with Morisette, sa June 2 pa ang concert nila sa Grayton Casino in San Francisco, pero ngayon pa lamang ay sold out na ang tickets.

 

 

May second show pa sila on June 3, sa Fantasy Spring Resort Casino, pero ilang tickets na lamang ang hindi pa nabibili.

 

 

Pinuri ni Martin si Morisette na one of the best today, who has a beautiful voice and a beautiful personality.  In turn naman Morisette is so grateful to Martin and considers him as one of her mentors.

 

 

Ang isa pang maipupuri mo kay Martin, since hindi niya ikinakaila na he is a father of a special child with autism, his 16-year old son Santino, he is very active din sa foundationa that aims to foster awareness about autism, ang Sing Out For Autism or SOFA. Nagko-concert sila roon ng isang non-profit organization that aims to help families and children affected by autism.

 

 

***

 

FINALE week na ngayon ng “Mga Lihim ni Urduja” nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Jeric Gonzales and Sanya Lopez, with Vin Abrenica and Zoren Legaspi, kaya tapos na silang mag-taping.

 

 

Nagkaroon na chance si Zoren na magbakasyon sa San Francisco, California, pero ang totoo ay nag-chaperone siya sa anak na si Cassy, na kasama ang rumored boyfriend na si Darren Espanto.

 

 

At 22, hindi pa mahayaan ni Zoren na hindi bantayan ang anak na si Cassy, hindi dahil wala siyang tiwala kay Darren dahil close naman siya at ang family nito sa kanilang mag-anak, pero iba pa rin daw iyong nasasamahan pa niya ang anak sa mga lakad nito.

 

 

Nag-enjoy din naman daw siya dahil nagkaroon siya ng chance na makapag-bike sa Golden Gate Bridge, na pinost niya sa kanyang Instagram.

(NORA V. CALDERON)

Pagbalik sa mandatory face mask policy, kasunod ng pagtaas ng Covid cases, ipinauubaya na sa IATF,DOH – PBBM

Posted on: May 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang nakikitang pangangailangan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask, sa kabila ng pagtaas muli ng Covid-19 cases sa bansa.

 

 

Sa isang panayam sinabi ng Chief Executive na kailangan pag-aralan nito muli.

 

 

Ayon sa Pangulo dapat maging masigasig muli sa paghihikayat na magpa bakuna laban sa Covid-19 partikular ang mga kabataan.

 

 

Dagdag pa ng Pangulo ang maiinit na panahon sa bansa ang nagiging dahilan sa pagiging vulnerable ng mga ito sa Covid-19.

 

 

Naka-antabay din ang Pangulo sa magiging guidance ng Inter-Agency Task Force (IATF) at maging ng Department of Health (DOH). (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

PRIYANKA CHOPRA JONAS PLAYS HER FIRST GLOBAL ROM-COM LEAD IN “LOVE AGAIN”

Posted on: May 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IN the heartwarming romantic comedy Love Again, Priyanka Chopra Jonas plays Mira Ray, a character that is more vulnerable than the Hollywood roles she’s known for.  

 

 

 

Watch the film’s trailer here: https://youtu.be/t-z4j5cxAcw

 

 

 

“Mira is a very gentle character,” says Chopra Jonas. “I’ve played some very tough characters, so I was looking forward to tapping into my vulnerable side, reaching into the deep places in the heart. I’m a Cancer and a massive romantic – I really do believe in love and goodness. As cheesy as it might sound, it makes the world go around.”

 

 

 

Love Again tells the story of Mira Ray, a talented children’s book author and illustrator who deals with the loss of her fiancé by sending a series of romantic texts to his old cell phone number – without knowing that the number is currently being used by a different guy. Love Again, which also stars Sam Heughan and Celine Dion, opens exclusively in SM Cinemas on May 10.

 

 

 

Watch the lyric video for the rom-com’s theme song here: https://youtu.be/ADsUJwJ6VWI

 

 

 

“Priyanka has such a powerful presence,” says Jim Strouse, writer and director of the movie. “She’s the beating heart and soul of this film. You really feel what she feels.”

 

 

 

“Priyanka was one of the first people to read the script about two years ago,” says producer Esther Hornstein. “She’s such a strong person, and she made sure that her character wasn’t passive – that she’s in charge of her own life, figuring things out and doing it her own way. Priyanka also put such care to actually making sure that her character doesn’t feel like a stereotype, which is doubly important because I’m told that Love Again is the first global feature with an Indian woman in the lead role.”

 

 

 

Before meeting her magical match in Rob (played by Heughan), Chopra Jonas’s Mira Ray goes on a couple of dates that don’t pan out. And thanks to a fun casting choice, movie audiences get to see Chopra Jonas go on an epic fail movie date with her real-life husband, Nick Jonas, who plays a cameo role in the film. “We’ve done a few things before here and there, but never a full scene,” shares Jonas about his brief role. “It was a great, new experience for us.”

 

 

 

Love Again is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #LoveAgainMovie

(ROHN ROMULO)

Biden, magpapadala ng ‘first-of-its-kind’ presidential trade mission sa Pinas

Posted on: May 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAGPAPADALA si  United States President Joe Biden ng  trade at investment mission sa Pilipinas. 
Inanunsyo ito ni Biden  matapos makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Oval Office o formal working space ng una  sa Estados Unidos.
“We’re gonna announce today that I’m sending a first-of-its-kind presidential trade and investment mission to the Philippines,” ayon kay Biden.
Base sa kanilang joint statement, magpapadala si Biden ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas sa ngalan niya  “to enhance U.S. companies’ investment in the Philippines’ innovation economy, its clean energy transition and critical minerals sector, and the food security of its people.”
Kapuwa inanunsyo rin ng dalawang lider na ang Estados Unidos at Pilipinas ay tatayong  co-host ng 2024 Indo-Pacific Business Forum – United States’ marquee commercial event sa rehiyon, sa Maynila.
“[This] will further establish the Philippines as a key hub for regional supply chains and high-quality investment,” ang nakasaad sa joint statement.
“Additionally, the two countries will pursue engagements with stakeholders, including in the business and social sectors, regarding opportunities to enhance bilateral economic engagement in a manner that is worker-centered, sustainability-driven, fair, and transparent, focusing on sectors in which it is critical to develop resilient supply chains and in which significant and meaningful economic value-added and employment can be generated in the United States and the Philippines,” dagdag pa nito.
Nauna rito, nabanggit ng Punong Ehekutibo na ang kanyang official visit sa Estados Unidos ay nangangahulugan ng panliligaw sa mga posibleng  investors sa Pilipinas.
Sinabi naman ni  Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang nakaraang  high-level meeting sa pagitan ng mga opisyal ng  Pilipinas at Estados Unidos ay magbubukas ng bagong channels para sa malakas na kalakalan at investment relations. (Daris Jose)

Ads May 3, 2023

Posted on: May 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments