Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NAGHAHANDA na ang aktor na si Gardo Versoza sa ikalawang angioplasty procedure na kailangang gawin sa kanya.
Noong nakaraang Marso, dinala sa ospital ang aktor matapos atakihin sa puso.
Sa Instagram, nag-post ng video si Gardo na nagsasayaw at makikita sa likod ang kanyang gym equipment na kanyang ibinebenta.
Sa caption ng post, ipinaliwanag ng aktor na ang dahilan ng pagbebenta niya ng gym equipment ay para makalikom ng pondo para sa kanyang ikalawang angioplasty procedure.
“For sale all-in-one gym equipment compact ideal for condo RFS need to raise funds for 2nd angioplasty procedure… Thank you, LORD. I miss dancing,” saad niya.
Matatandaan na ilang araw makaraang makalabas ng ospital si Gardo, sinabi ni Ivy, asawa ni Gardo, na muling sasailalim sa isa pang angioplasty procedure ang aktor pagkaraan ng dalawang buwan.
Sinabi ni Ivy na hindi ginawa nang sabay ang procedure dahil may heart attack na nangyayari kay Gardo.
Naging maayos naman ang unang procedure kay Gardo na ibinahagi pa niya ang kanyang recovery sa pamamagitan ng pagsayaw.
May nakakaaliw pang komento si Gardo sa sexy photos ni Sue Ramirez na naka-post sa social media na nagpasaya sa netizens.
“Bumilis tibok ng puso ko cupcake,” saad ng aktor sa comment section na may kasamang fire, heart at cupcake emojis.
Magkasama sina Gardo, Sue, Jake Cuenca at Ara Mina at marami pang iba sa ‘Jack and Jill’ sa Diamond Hills na mapapanood sa TV5 simula sa May 14, alas sais ng gabi, sa direksyon ni John “Sweet” Lapus.
***
INIHAYAG ni Martin del Rosario na mas pipiliin niya muna ngayon ang career, dahil nawawala siya sa focus kapag siya ay umiibig.
“Career. Tito Boy ang tagal ko nang single, mga five years na. And isa sa mga reason sa akin… Kasi kapag ako kapag nagmahal, lagi akong, parang nawawala ‘yung focus ko sa life eh.
“Very passionate akong tao so kapag nag-love ako, may time na puro doon na lang ako nakatingin,” sabi ni Martin sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
Ayon kay Martin, may karanasan siya na nawala na siya noon sa focus dahil sa away pag-ibig, kaya nakaapekto ito sa kanyang trabaho.
“Nangyari na in the past, so alam ko baka mangyari ulit. Maraming times nangyayari ‘yung nawawalan ka ng time, or kapag bad mood ako, may away, nadadala ko ‘yung mood sa work and maraming naaapektuhan,” saad ng ‘Voltes V: Legacy’ actor.
Mas pipiliin din ni Martin na magsolo muna kapag nakararanas ng heartbreak.
“Nagka-cry ako pero mag-isa. Ayoko lang nakikita ng iba. ‘Yung parang ang daming sinasabi na… Ako lang kasi, alam kong ako lang magde-decide for myself,” sabi ni Martin.
(ROMMEL L. GONZALES)
HINDI inakala ng Sparkle artist na si Kim Perez na magte-trending siya noong magkaroon na ng love triangle sa GMA primetime teleserye na ‘Hearts On Ice’.
Ginagampanan ni Kim ang role na Bogs, ang best friend ni Enzo (played by Xian Lim) na naging secret admirer ni Ponggay (played by Ashley Ortega).
Natuwa’t nagulat si Kim sa turnout ng istorya ng kanilang teleserye. Unexpected daw na biglang naging bet siya ng netizens para kay Ponggay.
Bigla tuloy nagkaroon ng Team Bogs dahil marami ang kinilig sa kanila ni Ashley. Pero siyempre nandiyan pa rin ang Team Enzo dahil may magandang chemistry sina Xian at Ashley. Nahati tuloy ang netizens kung kanino nila gustong mapunta si Ponggay. Kung sa moreno hunk na si Bogs o sa Tisoy debonaire na si Enzo.
“Maraming salamat sa Team Bogs dahil sa suporta nila sa pagmamahal ko kay Ponggay sa istorya. May the best man win sa amin ni Enzo,” sey ni Kim na malaki ang paghanga kay Xian bilang isang aktor at direktor.
***
KAHIT na sinabihan noon si Eugene Domingo na magretoke siya ng ilong, hindi niya ito ginawa dahil alam niyang mas makikilala siya sa kanyang talent sa pag-arte at hindi dahil sa pagtangos ng ilong niya.
Kinuwento ni Uge na ang nakapansin ng kanyang kakulangan sa ilong ay ang direktor na si Tony Mabesa. Napanood kasi ni Mabesa si Uge sa pelikulang ‘Emma Salazar Case’ in 1991.
“We watched in the movie house. When we saw each other, sabi niya sa akin, ‘Ayaw mo bang magpa-nose lift?’ Napanood kita sa sine. Kailangan may ilong ka nang kaunti,’” pagbalik-tanaw ni Uge.
Hindi naman daw ikinasama ng loob ni Uge ang naging obserbasyon ni Mabesa sa kanyang ilong. Alam niyang maganda ang intensyon nito sa binigay na suggestion.
“Never ko siyang na-consider… He wanted me to be improving in that aspect, baka may iba siyang gusto for me. But later on, he realized this face is the face that showbiz needs,” sey ni Uge na nanalo ng maraming best actress awards na hindi niya kailangan magpa-noselift.
(RUEL J. MENDOZA)
KUNG napanood na muli si Maine Mendoza sa “Eat Bulaga” last Saturday, May 6, nagpaalam naman siya kinagabihan sa finale episode ng comedy show nilang “Daddy’s Gurl” sa GMA-7, na nagtatampok sa kanilang mag-ama, si Itang Barak Otogan (Vic Sotto) at siya naman ang anak na si Visitacion or Stacy Otogan.
Maine penned a short but sweet farewell letter for the show: “The Otogans are signing off. Thank you Bossing, thank you “Daddy”s Gurl” family. Grateful for many things. Maraming salamat sa apat na taon, mga Kapuso.”
Maine ended her post by signing as Stacy O. for the last time.
Nag-promote pa siya ng susunod na show: “Watch out for “Open 24/7” coming real soon.”
Pero may magandang balita para sa mga fans ni Maine.
Posted sa Facebook ng GMA Network: “Extra Challenge (Reloaded)” Atom Araullo and Maine Mendoza tandem will definitely bring so much fun and excitement on this show. Out of all the suggestions in this thread, this will be the most viable since it is a network original.
Kung sa ngayon ay inihahanda na nga ang show ng GMA, hindi kami magtataka kung tatanggapin ito ni Maine, dahil may pagka-adventurous siya, at ang alam namin ang mga ganitong shows, na hindi siya magda-drama, ang gusto niyang gawin.
Tulad ng ginawa niyang three seasons ng #MaineGoals na sa kasalukuyan ay napapanood every Saturday, 8;00 to 9:00 AM sa TV 5, at Mondays to Fridays, 8:00 PM sa Buko Channel via Cignal TV and SatLite Ch.2.
***
NANIBAGO si Kapuso Ultimate Actor Ken Chan sa bagong role na ginagampanan niya ngayon as special guest sa top-rating GMA Afternoon Prime drama series na “Abot-Kamay na Pangarap” nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Gumaganap si Ken bilang si Dr. Lyndon Javier, isang mahusay pero masungit na neuro-surgeon.
“First time kong gaganap sa ganitong role, malayung-malayo sa mga naunang characters kong nagampanan, kaya talagang pinag-aralan kong mabuti ang mga dialogues,” nakangiting kuwento ni Ken.
“It’s good na ang director namin si Direk LA Madridejos, kilala na niya ako dahil two times na siyang naging director ko, una doon sa “Special Tatay” at sumunod sa “Meant To Be.”
“Pero ibang-iba nga ang mga characters ko roon, dito napaka-seryoso ko at kailangan kong pag-aralan ang mga medical terms. Hangang-hanga ako kay Jillian, sa mga dialogues niya”
Natuwa naman ang mga netizens na sumusubaybay sa serye at tanong nila magkaroon na raw kaya ng lovelife si Dra. Analyn Santos sa katauhan ni Dr. Lyndon Javier? Masungit nga ang dating ni Dr, Lyndon, hindi raw kaya isa rin siya sa magpapahirap o magiging mabait kaya siya kay Dr. Analyn?
Marami na ring naiinip sa pagbabalik ni Dr. Roberto Tanyag (Richard Yap), ang tatay ni Analyn, na naka-confine pa sa New York hospital pagkatapos ng aksidenteng muntik niyang ikamatay sa kamay ng asawang si Moira (Pinky Amador).
Ang “Abot-Kamay na Pangarap” ay napapanood Mondays to Saturdays, 2:30 PM after “Eat Bulaga.”
(NORA V. CALDERON)
SPORTS and movie fans are about to score an experience of a big win punch exclusive at Ayala Malls Cinemas with the upcoming sports biopic “Big George Foreman” starting on May 10.
Big George Foreman: The Miraculous Story of the Once and Future Heavyweight Champion of the World, directed by George Tillman Jr. (Men of Honor; The Hate U Give) and starring Khris Davis (Judas and the Black Messiah), charts the legendary fighter’s improbable rise from poverty to win the title, his decision to abandon the ring to preach from the pulpit, and his ultimate return at the age of 45 to become the oldest boxing champion in the sport’s history.
Moving beyond the headlines, it’s also an intimate portrait of the man himself. The titular character is played by Krhis Davis and Academy Award winner Forest Whitaker also stars alongside as Foreman’s coach, mentor and trusted friend, Charles “Doc” Broadus.
Ayala Malls Cinemas presents director Tillman’s work as he brings back the historic athlete’s glory on the big screen that delivers boxing’s ultimate comeback story, charting Foreman’s inspirational rise from poverty to Olympic and World Heavyweight champion.
With Hollywood’s new heavyweight hopeful, Khris Davis in “Big George Foreman” who delivers a must-see performance as the former two-time heavyweight boxing champion George Foreman in his biggest screen role yet and about to be seen in a larger-than-life cinematic experience at Ayala Malls Cinemas.
On making his journey into film and finally seeing it on the big screens, Foreman shares that “I may get hit by a car tomorrow. Anything could happen. But I sure would like to have my story out there. And so that’s why I pushed to really do the movie and have it told. You just never know what tomorrow might bring. But once the movie is there, it’s there. It will be around.”
Further, Foreman looks forward for the film audiences to realize that it’s never too late to be the better version of themselves after seeing the movie, “What I like most about the film is that it’s going to be around and everybody who looks at it will say: “I can do better than that.” Especially those who have to get up, brush their pants off, spit in their palms and try again. I think people will say, “If he can do it, I know I can do what I got to do.”
That kind of thing, whatever it is, even if it’s not more than: “I’m going back to college.” That’s what I hope people get out of this. Get up. Brush your pants off, fight, and do it all over again. It’s never too late.”
Witness one of history’s most momentous times unfold in theaters exclusive at Ayala Malls Cinemas when “Big George Foreman” finally opens on May 10.
Ayala Malls Cinemas, #WhereAmazingReelsAreReal – book your tickets bundled with delectable popcorn at www.SureSeats.com
Book your “Big George Foreman” tickets and witness an exhilarating moment in history unfold on the big screen only at these Ayala Malls Cinemas – Glorietta, Greenbelt, Circuit, Market!Market!, Feliz, Fairview Terraces, Cloverleaf, Marquee, Harbor Point, Manila Bay, Central Bloc, Centrio and Capitol Central.
(ROHN ROMULO)