• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 17th, 2023

Never naisip na mag-join ng beauty pageant: RHIAN, walang poise, composure at emotional control

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMALIS ang soon-to-be parents na sina Kris (Bernal) at Perry Choi for South Korea for their ‘babymoon’ bago nila officially i-welcome ang kanilang baby girl. IG caption ni Kris: “Babymoon. A last hurrah before baby comes. See you in a bit, Korea!”

 

 

Excited si Kris dahil May 17 ang birthday niya at doon niya i-celebrate, nauna siya nag-celebrate ng first Mother’s Day.

 

 

Nauna ngang nag-gender reveal sina Kris at Perry, at after niya isilang ang kanilang baby girl, saka nila ia-announced ang name nito.

 

 

***

 

 

KASAMA ni Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee sa coronation night ang mga brothers niyang sina Mazen at Adam na parehong na-diagnose ng autism.

 

 

Tungkol sa autism ang advocacy ni Michelle.

 

 

Sa isang video, ipinakilala ni Michelle ang mga kapatid: “These are my brothers, individuals on the spectrum. This is Adam, my younger brother, and this is Mazen, my older brother as well. So, all of us grew up here.

 

 

“When you have brothers in the spectrum, they also need a lot of excercise, kaya lagi akong tumatakbo dito. Dito sila nag-e-exercise just to wind down and relax.”

 

 

(Ang lugar na binanggit ni Michelle ay sa Salcedo Park in Makati)

 

 

“This is why I advocate for autism awareness. because my brothers needed it and every one on the spectrum needs it too.”

 

 

***

 

 

FULL support at naiyak si Kapuso actress Rhian Ramos sa kanyang housemate na si Michelle Dee, our new Miss Universe Philippines 2023, matapos i-announce ang panalo ng kaibigan.

 

 

Marami tuloy ang nagtatanong kay Rhian, bakit hindi siya sumasali sa mga beauty pageants, gayung pasado naman ang kanyang beauty?

 

 

Kasama nga ni Rhian na nanood ang mga friends din nila ni Michelle na si Kapuso actress Max Collins at Janina Manipol.

 

 

Sinagot ni Rhian ang tanong kung bakit ayaw niya mag-join ng beauty pageant: “If you ever wonder why never dumaan sa isip ko ang sumali sa kahit anong pageant, dahil wala akong poise, composure or emotional control. Pang-drama lang talaga ako.”

 

 

Sa ngayon ay busy sa taping ng new teleserye niyang “Stage Wife” si Rhian.

(NORA V. CALDERON)

Ads May 17, 2023

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Philippine Charity Sweepstakes Office, todo pasalamat sa PNP na paiigtingin ang pagsugpo sa illegal gambling

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pangako ng Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kanilang pagsugpo sa illegal gambling sa bansa.

 

 

Makakatulong ito sa ahensya na makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.

 

 

Kung matatandaan, nagbigay ng pangako si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kay Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Melquiades Robles sa isang pulong.

 

 

Tiniyak ni Acorda kay Robles na mahigpit niyang ipatutupad ang one-strike policy laban sa mga police commander na mabibigo na itigil ang mga aktibidad ng illegal gambling sa kani-kanilang mga lugar ng responsibilidad.

 

 

Bilang kapalit, pinasalamatan ni Robles si Acorda sa kanyang suporta at pangako sa kampanya ng gobyerno laban dito.

 

 

Binanggit niya na ang operasyon ng ilegal na pagsusugal ay sumisira sa kakayahan ng ahensya na makabuo ng mas mataas na kita dahil ang mas malaking bahagi ng kanilang mga kita ay napupunta sa mga kamay ng mga illegal operator. (Daris Jose)

‘GOTG 3’ Director James Gunn Reveals About the ‘High Evolutionary’ and His Visit To Earth

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

JAMES Gunn, director of Guardians of the Galaxy Vol. 3, has revealed more information about the High Evolutionary and his visit to Earth.

 

 

For the original Guardians of the Galaxy team’s final MCU adventure, James Gunn introduced Chukwudi Iwuji as the High Evolutionary, a sadistic villain who was revealed to have created Bradley Cooper’s Rocket Raccoon.

 

 

Marvel Studios significantly changed the High Evolutionary’s story from Marvel Comics, so instead of being a human originating from Earth, he is now an alien who visited humanity’s planet.

 

 

To celebrate the release of Guardians of the Galaxy Vol. 3, James Gunn took to Twitter, answering questions from fans about the Phase 5 film. During one exchange, Gunn was questioned about the design of the film’s new location, Counter-Earth, with one fan pondering what decade they were supposed to be in. Gunn responded, noting that they’re in the present day but that Counter-Earth was based on the High Evolutionary’s memories of the 1980s, as this was when the High Evolutionary visited Earth.

 

 

2014’s Guardians of the Galaxy opened with Peter Quill being abducted from Earth by Yondu Udonta’s faction of Ravagers. This event took place in 1988, a time period which informed Guardians of the Galaxy’s soundtrack and human references for both James Gunn’s original film and the 2017 sequel, Guardians of the Galaxy Vol. 2.

 

 

The fact that Gunn revealed the High Evolutionary visited Earth in the 1980s also suggests that he acquired his collection of raccoons during that time period, implying that Rocket was abducted from Earth during the same decade as Peter Quill.

 

 

While the High Evolutionary’s visit to Earth in the 1980s informed his design of Counter-Earth – down to its residents’ clothing, cars, and housing designs – this could also allow for further human connections to be made to the High Evolutionary.

 

 

In Marvel Comics, the High Evolutionary is inspired by the work of Nathaniel Essex, the X-Men villain known as Mister Sinister, so perhaps the pair had dealings in the MCU during the High Evolutionary’s visit in the 1980s.

 

 

James Gunn’s Guardians of the Galaxy Vol. 3 reveals could be paving the way for many exciting stories in the MCU’s future. The blockbuster movie is still showing in PH cinemas nationwide. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga “ex-convict, isinusulong ng mambabatas

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG  ng isang mambabatas na mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga “ex-convict,” at matiyak ang produktibo at “crime-free” na buhay nila sa komunidad.

 

 

Sa House Bill 1681 o “Former Prisoners Employment Act,” sinabi ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas na kadalasan na kapag nakalaya na ang mga bilanggo ay nahaharap sila sa iba’t ibang hamon, gaya na lamang ng “stigma” o kaya’y diskriminasyon.

 

 

Dahil dito, nahihirapan silang makapasok sa trabaho, lalo na kung kulang din sila sa edukasyon.

 

 

Kaya naman giit ng kongresista, mabuting tumulong ang pamahalaan o mga institusyon at bigyan ng ikalawang pagkakataon sa buhay ang mga dating preso.

 

 

Kapag naging ganap na batas, bubuo ng isang Office of Employment Opportunities for Former Prisoners, sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).

 

 

Nakasaad pa rito na ang mga pribadong negosyo na magha-hire o tatanggap sa mga dating bilanggo sa trabaho ay pagkakalooban ng insentibo tulad ng “tax credit.” (Ara Romero)

Biktima ng GCash phishing scheme naibahagi ang OTP sa mga scammers

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIBAHAGI ng ilang GCash users na apektado ng kamakailan lamang  na phishing incident  ang kanilang  one-time password (OTP) sa mga scammers.

 

 

Ang OTP ay kailangan sa bawat transaksyon ng GCash users.

 

 

Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla,  may ilang users ang naibahagi ang kanilang  OTPs sa mga sangkot sa phishing scheme dahilan para maapektuhan ang kanilang accounts noong Mayo 8.

 

 

“They’re not due to hacking, they’re due to phishing, and actually some people were turning over the OTP to the scammer,” ani Medalla sa  mga reporters sa  sidelines ng BSP-IMF International Conference on Financial Stability.

 

 

Tinukoy nito ang  phishing incident noong nakaraang linggo, naapektuhan ang mahigit 1,000 accounts ng GCash.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ng kumpanya na bahagi ng phishing operation ay pangangalap ng impormasyon at gamitin ang  OTP na nagawa o nabuo ng sabay-sabay noong Mayo 8.

 

 

Iniimbestigahan din ng Bangko Sentral ang napaulat na hindi awtorisadong paglilipat ng pondo mula  GCash accounts, sa  accounts  sa ilalim ng  Asia United Bank at East West Banking Corp.

 

 

“Luckily, they haven’t passed enough and recovered maybe 80% of what was stolen,” ani Medalla.

 

 

“The people engaged here are more or less some of the smartest people in the world. As you make your system more difficult to penetrate, they’ll find new ways of getting at you, therefore this is a challenge that will be there forever,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, nag-report naman ang GCash ng temporary downtime ng sistema nito, noong gabi ng Mayo 8, tinuran nito na pinalawig  nito ang iskedyul ng  maintenance para imbestigahan ang  napaulat na  unauthorized fund transfers, muling inulit na walang nangyaring hacking. Kaagad namang naibalik ang sistema ng GCash, umaga ng araw ng Miyerkules.

 

 

Tinuran ng GCash na ang adjustments sa account ng lahat ng apektadong accounts ay nakompleto “as of 3 p.m.” noong Mayo 9, sinabi na hindi nawala ang pondo ng kanilang customers sa kani-kanilang  accounts.

 

 

Sa kasalukuyan, ang  GCash  ay mayroong mahigit na 79 million users — rehistrado bilang  non-bank financial institution electronic money issuer (EMI-NBMF).

 

 

Ang GXchange Inc., ang nago-operate nito, isang wholly-owned subsidiary ng Mynt (Globe Fintech Innovations Inc.), na sa kalaunan ay  partnership sa pagitan ng Globe Telecom Inc.,  Ayala Corp., at Ant Financial.  (Daris Jose)

‘Di lamang ilaw, haligi rin ng pamilya nila: DENNIS, naging emosyonal sa birthday message niya kay JENNYLYN

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pag-o-open-up ni Pokwang sa social media ng mga pangyayari sa pagsasama nila ng ama ng bunsong anak na si Lee O’ Brian, may mga hindi sang-ayon sa ‘TikToClock’ host, may mga namba-bash dito.

 

 

Pero marami pa rin naman ang pumapanig.

 

Sa isang banda, personally, naiintindihan namin siya. Maaaring pangit lang tingnan dahil social media ang ginagawa niyang outlet, pero do’n siya nakakapag-release.

 

 

Tulad na lang na nagpasalamat siya sa mga hindi naman daw kaanak ng anak niya, pero naaalalang padalhan tulad ng mga damit si Malia mula sa America.

 

 

Sabi niya, “Thank you sa mga hindi naman kadugo ni Malia pero lagi siya naaalala kahit sa maliit na bagay. Mga friends and followers sa ibang bansa UK, UAE at sa USA. How ironic may kamag-anak siya doon ni minsan kahit lampin at bigkis bago ako manganak till now, waley hahaha. Iba ‘din ano?”

 

 

Sa comment ay sinabi rin niya na, “Sa pagkakaalala ko talaga wala. Since bago ako manganak at ngayon na malaki na siya hahaha. Kapag nasa US si Malia na madalas, ako pa nagbabayad ng pamasahe, bawas sa TF ko kapag may show sa US. Doon lang, mga ilang piraso, hahaha.”

 

 

Sinabi rin niya na kaya naman nga niyang ibili ng damit ang mga anak niya, pero ‘yung thought na alam mong may kamag-anak daw sa US.”

 

 

Kaya sey rin niya, “Ni wala nga nag-e-effort ni isa na makausap ang apo nila, e. Pagbibigyan ko naman hahaha. Dedma sila pwes, mas dedma ako sa kanila.”

 

 

May nag-comment naman dito na maging masaya na lang daw ito at tigilan na maging negatibo.

 

 

Sinagot niya ito na, “Sabihin mo kay Lee stop being narcissistic at pa victim. Tapos alis na siya sa Pinas para happy na kami ni Malia for life.”

 

 

***

 

 

EMOSYONAL ang birthday message ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa kanyang asawa, ang Ultimate Star na sa Jennylyn Mercado.

 

 

Bihira lang mag-post si Dennis ng ma-emosyonal kaya alam mong tagos basta ginawa nito. Sa birthday message ni Dennis sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, kahit na sinasabi na kung ang nanay ang ilaw ng tahanan, ang haligi raw ay ang ama.

 

 

Pero sa message niya, sinabi niyang hindi lamang ilaw si Jennylyn, haligi rin daw ito ng kanilang pamilya.

 

 

Ayon kay Dennis, “Kulang ang mga salita at mga larawan para ipahayag ang aking pag-ibig at pasasalamat sa ‘yo. Ikaw ay hindi lang ilaw ng tahanan kundi, haligi ng ating pag-ibig at ng ating pamilya. Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, pag-unawa, mga sakrispisyo’t paghihirap mo para sa aming lahat.

 

 

“I am forever grateful for you my love. Happy Mother’s Day and advanced Happy Birthday mahal ko.”

 

 

(ROSE GARCIA)

Buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG  sa Kamara ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng fuel voucher na hindi bababa sa P1,000 kada buwan.

 

 

Sa ilalim ng House Bill 8007 o “Pantawid Pambangka Act of 2023”, ang Department of Agriculture ay may mandating mangasiwa ng buwanang subsidy program.

 

 

Sa kabila na isa ang fishing sector na major contributor sa suplay ng pagkain sa bansa ay kabilang ito sa pinakamahirap.

 

 

Ayon sa Philippine Statistics Authority’s (PSA) Fisheries Situation Report for Major Species, ang total fisheries production ay tumaas ng 4,339.89 libong metric tons o 2.2% noong 2022 kumpara sa nakalipas na taon na 4,248.26 libong metric tons.

 

 

Lumabas din sa ulat ang pagtaas sa produksyon sa marine municipal fisheries and aquaculture, samantalang ang commercial at inland municipal fisheries ay dumanas naman ng setbacks sa nasabi ring taon.

 

 

Ayon naman sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nakapag-contribute naman ang municipal at aquaculture sub-sectors ng 73% sa total production ng fisheries sector mula 2011 hanggang 2020.

 

 

Base sa preliminary estimates ng PSA’s 2021 poverty statistics, ang mga nasa sector ng pangingisda ay nakapagrehistro ng mataas na poverty incidence rate na 30.6%, mas mataas sa 26.2% na naitala naman noong 2018.

 

 

Kapag naipasa bilang batas, ang mga benepisaryo ng programa ay otomatikong maisasama sa sakop ng National Health Insurance program ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

(Ara Romero)

Romualdez, nabahala sa pagsara ng Kuwait ng border sa mga Pinoy

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NABAHALA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa biglaang pagsasara ng bansang Kuwait ng border nila sa mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong nagdaang araw lang.

 

 

Ipatatawag ni Speaker Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang alamin kung ano ang dahilan ng aksyon ng Kuwait.

 

 

“I just want to find out mula sa DFA at DMW ang tunay na dahilan sa aksyon ng Kuwait”,  ayon sa House Speaker.

 

 

Nauna ng sinabi ng Kuwait na hindi tumupad ang Pilipinas sa “bilateral agreement” ng dalawang bansa.

 

 

“We want to be clarified anong parte o portion ng nasabing agreement ang hindi natin tinupad kung meron man”, ani Romualdez.

 

 

Dagdag pa ng lider ng Kongreso, “ hindi lang kasi ilang OFW ang apektado sa utos na ito kundi hundreds of Filipinos”.

 

 

Matatandaan na ipinatupad ang ban sa mga OFW na magtatrabaho sa Kuwait nitong Pebrero matapos ang pagpatay sa OFW na si Juleebee Ranara noong Enero.

 

 

“Pero of course, our priority is the safety ng mga kababayan natin rather than work”, pahabol ni Romualdez. (Daris Jose)

Para sa ‘peace of mind’ ni Sarah: MATTEO, wish pa rin na one day maging okay na sila ng parents-in-law

Posted on: May 17th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA naging interview ni Boy Abunda kay Matteo Guidicelli noong Lunes sa “Fast Talk with Boy Abunda”, isa sa napag-usapan ang relasyon ng TV host-actor sa kanyang mga in-laws na sina Divine at Delfin Geronimo.

 

 

After ng ‘fast talk’ questions, tinanong ni Tito Boy kay Matteo ng, “I even heard wild stories that you and Sarah drove one time to the village of Tatay Delfin and Mommy Divine.

 

“Hindi raw kayo pinapasok sa gate dahil may instructions na hindi kayo puwedeng pumasok doon sa bahay ng inyong in-laws?”

 

“Is that a true story and second the second question is, how is your relationship with your parents-in-law?”

 

“Unang-una Tito Boy, they are my mom and dad, my father-in-law, and my mother-in-law and I want to respect them in the best way possible,” may pabuntong-hiningang sagot ni Matteo.

 

 

“I just wish one day everything will be okay because I know how much they love Sarah and I know how much Sarah loves them, too.”

 

 

Follow-up ni Tito Boy, “Nasaan ngayon ang inyong relasyon? Are you guys talking? Are you doing conversations? Are you civil?”

 

 

“We’re civil I would like to believe Tito Boy,” sagot niya.

 

 

“And I pray every day for strength, wisdom, and humility na hopefully one day maging okay ang lahat for Sarah’s peace of mind.”

 

 

Muling tinanong ni Tito Boy si Matteo tungkol sa kuwentong nagpunta siya sa village pero hindi sila pinapasok ni Sarah.

 

 

“Nakalimutan ko na Tito Boy, e,” nakangiting tugon ni Matteo na tila umiiwas.

 

 

Kaya muling tinanong ito ng King of Talk kung may katotohanan ba ang tsikang lumabas.

 

 

“There’s several instances”, pag-amin ng aktor na soon ay mapapanood sa isang action-serye kasama si Ruru Madrid.

 

 

“But, you know, to speak about it in details, it’s best to keep it private parang respect to them ba? They’re my in-laws and I wish to love them, I wish to love them for Sarah’s sake. For the family’s sake.”

 

 

Sa paniniwala naman ni Matteo na nag-uusap pa rin sina Sarah at mga magulang nito.

 

 

“Yes, they have a connection naman and I think Sarah’s humility would always in love for her parents.

 

 

“Talagang she did a tribute for the dad and mom during the show. It was so touching. It was so beautiful. The whole Araneta was crying kumbaga. It was so nice.

 

 

“At the end of the day, It’s just so important to realize how much we should honor our parents through thick and thin, whatever happens in life, they are our parents, and they brought us to life and we have to honor them,” sabi pa ng aktor at bagong host ng “Unang Hirit.”

 

 

Say naman ni Tito Boy, “I totally agree, it is the only commandment na merong prize na ibibigay ang Diyos, if you honored your parents.”

 

 

Pahabol pa ng tv host, “do you talk to them?”

 

 

“No, Tito Boy,” mabilis na sagot ni Matteo.

 

 

Umaasa naman si Tito Boy at Matteo, na isang araw ay maayos din ang lahat ng gusot sa pagitan nila, at sabi nga, sa tamang panahon.

 

(ROHN ROMULO)