• January 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 19th, 2023

Teves kinasuhan na ng multiple murder

Posted on: May 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SINAMPAHAN na kahapon ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ) si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. kaugnay ng pagiging utak umano sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa.
Bago mag-alas-11 ng umaga nang dumating sa DOJ ang mga opisyal at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pangunguna ni Director Medardo de Lemos bitbit ang mga kahon ng dokumento base sa nakalap nilang mga impormasyon at ebidensya sa ikinasang imbestigasyon sa kaso.
“It’s ongoing. The [National Bureau of Investigation is here already. I was told by Director de Lemos that they are coming over to file the complaint,” ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Sinabi ni Remulla na nahaharap si Teves sa 10 bilang ng kasong murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder.
Sa pormal na ­pagsampa ng reklamo, bibigyan naman umano ng oportunidad si Teves na maghain ng kaniyang counter-affidavit. Ito ay kung makababalik na sa bansa si Teves na kasalukuyang nagpapa­lipat-lipat umano ng kinaroroonan sa ibang bansa sa Asya.
“He has to come home or they will file the case in court and the warrant will be issued in absentia,” paliwanag ni Remulla.
Una nang sinampahan si Teves ng multiple murder kaugnay ng insidente ng pagpaslang noong 2019 at kasong illegal possession of firearms and explosives. Inumpisahan na rin ang proseso ng pagtukoy sa kaniya bilang isang terorista.
Unang nakatakda na ihain ang kaso laban kay Teves nitong nakaraang Lunes ngunit naantala ito makaraang manahimik umano ang mga nadakip na suspect-witness nang bigla silang bigyan ng pribadong mga abogado. (Daris Jose)

PSA at PhilPost pinapabilisan ang pagdeliver ng mga national ID

Posted on: May 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PABIBILISAN  na ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang paghahatid ng PhilIDs sa mga indibidwal na nakarehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys).

 

 

Nagkasundo si PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General; at ang bagong Post Master General at CEO Luis Carlos, na patindihin pa ang kanilang koordinasyon sa paghahatid ng Phil IDs sa buong bansa.

 

 

Kanila na ring tinutugunan ang mga hamon sa paghahatid tulad ng unclaimed return-to-sender (RTS) PhilIDs kabilang ang mga PhilID holder na lumipat ng ibang address o lugar.

 

 

Mula sa 37,021,698 PhilIDs na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa delivery; 30,160,674 dito ang naihatid na ng PHLPost sa buong bansa.

 

 

Samantala, patuloy namang nag-iisyu ng ePhilIDs ang PSA Field Offices sa mga nakarehistrong indibidwal sa pamamagitan ng plaza-type at house-to-house distribution.

 

 

Hanggang Mayo 5, aabot na sa 32,142,314 ePhilIDs ang na-claim at na-download na ng mga rehistradong indibidwal.

Ugnayan ng Pinas-US, “stands on its own”- Amb. Carlson

Posted on: May 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na walang kinalaman ang anumang bansa lalo na ang China sa commitment ng Estados Unidos na suportahan ang Pilipinas.
Ani Carlson, ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at US ay  “stands on its own.”
Sa isang panayam sa telebisyon, tinanong si Carlson ukol sa kung ano ang kanyang saloobin hinggil sa nakalipas na pahayag ng China na ang dumadaming presensiya ng Estados Unidos  sa Pilipinas sa pamamagtan ng  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ay makaaapekto sa regional stability.
“The Mutual Defense Treaty dates back to 1951. Our commitment to the Philippines stands on its own. Our relationship stands on its own, it’s not about in a third country, it’s not about a single challenge. But we certainly have global challenges when it comes to climate change, when it comes to cybersecurity, when it comes to environmental degradation of our surrounding seas and climate,” ayon kay Carlson.
“There’s so much that we’re working together. It’s not about China. It certainly is not about China alone, it’s about what we do together… It dates back decades. I understand that that argument is out there but that’s not why we’re committed to the Philippines,” dagdag na wika nito.
Tinuran pa ni Carlson na ang “EDCA sites can be used for whatever the Philippine government invites the United States to do.”
“These are not our sites. We do not have any rights to these sites. It’s not as if somehow somebody snaps a finger and all of a sudden everything is open to the United States,” lahad pa ni Carlson.
Inamin din niya na ang Indo-Pacific region ay isang critical regional trade sa buong mundo dahil  90% ng kalakalan ay napupunta sa “across the high seas.”
“A large percentage of that passes through the West Philippine Sea, the South China Sea, to these key straits in this region. So economic security is national security. So making sure that we guarantee prosperity for our people, means we have to have open sea lines of communication,” ani Carlson.
Nauna rito,  binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang karagdagang sites sa ilalim ng EDCA ng bansa kasama ang US ay hindi gagamitin para sa offensive actions.
Ang mga bagong EDCA sites ay matatagpuan sa  Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.
Samantala, tiniyak ng Pangulo na hindi gagamitin ang Pilipinas bilang “staging post” para sa kahit na anumang uri ng military action. (Daris Jose)

Ads May 19, 2023

Posted on: May 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Panukala ni Senador Tulfo na imbestigahan ang NGCP, aprubado ni PBBM

Posted on: May 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ni Senador Raffy Tulfo na imbestigahan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Pinaalalahanan ni Tulfo nitong Martes, Mayo 16, si Pangulong Marcos sa posibilidad ng seryosong banta sa seguridad ng bansa ang maliit na porsyon na pagmamay-ari ng China ang NGCP.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagpahayag ng kanyang intensyon si Tulfo kay Pangulong Marcos na i-assess ang performance ng NGCP.
Pumayag naman ang Pangulo hinggil dito at nagpahayag na ang gobyerno ang magko-kontrol sa ahensiya kung kinakailangan.
“The President agreed with the senator’s proposal to conduct a comprehensive study or hold hearings to determine the actual situation. If necessary, the government will take back control of the entity,” ayon sa PCO sa isang kalatas.
Winika pa ng PCO na hangad ni Tulfo na suriin ang  security aspect, partikular na sa kung sino ang nagko-kontrol sa  NGCP.
Nauna rito, binanggit ni Tulfo sa Pangulo ang sinasabing pag-kontrol ng China sa  NGCP,  sabay sabing may hatid itong seryosong security threat sa bansa.
Ibinahagi naman ni Tulfo sa Pangulo ang di umano’y mga paglabag ng NGCP sa kanilang prangkisa, “specifically the failure to follow timely development and connectivity in the main grid of energy power in various provinces amid recent power disruptions.”
Sinabi pa rin niya na ang malaking bahagi ng kinikita ng  NGCP ay napupunta sa  shareholders at hindi sa “system development” nito. (Daris Jose)

PBBM, hinikayat ang local execs na palakasin ang partnership sa pagitan ng nat’l gov’t, LGUs

Posted on: May 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang  mga lokal na opisyal na palakasin ang partnerships sa pagitan ng  national at local governments para palakasin ang  development agenda ng administrasyon.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni Pangulong Marcos na ang  national government at LGUs ay dapat na magtulungan na i-develop ang iba’t ibang  programa para ingat ang buhay ng mga Filipino.
“We need your help in the national government. We have to work together. We have to know what the local conditions are. We have to know what… Hanggang sa political rivalries kailangan malaman natin ,”  All of these things are important,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang  oath-taking ceremony para sa bagong halal na opisyal ng Provincial Board Members League of the Philippines (PBMLP) sa Palasyo ng Malakanyang.
“So, let’s continue this. Let’s strengthen this partnership that we have, the locals, local and national government because that’s the only way that we can maximize the resources and the time and the energy that we are spending for,” dagdag na wika nito.
Sinabi ng Pangulo na tinatangka ng kanyang administrasyon na i-balanse ang preserbasyon o pangangalaga sa  local economy kaalinsabay ng  para magawa ng  LGUs na makatrabaho ang  national government.
Nangako rin ito na tulungan ang local municipalities para  paghusayin ang kakayahan habang ginagawa ng national government ang tungkulin nito sa  bilang resulta ng  Mandanas ruling ng Korte Suprema. (Daris Jose)

Nagtapos na summa cum laude sa Psychology course: SHERYL, emosyonal na ipinagmalaki ang anak na si ASHLEY

Posted on: May 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMALAKI ni Kapuso actress Sheryl Cruz sa kanyang Instagram post, ang pagtatapos ng anak niyang si Ashley Bustos. 

 

 

Nagtapos ito na summa cum laude sa Psychology course nito sa San Francisco State University this May. IG caption ni Sheryl: #BestMother’sDayGiftI’veEverHad #LearningthatAshleyisgraduatingSummaCumLaudethisMay2023,#SoProud&BlessedtohaveYouAnak.”

 

 

Naging emosyonal si Sheryl na hindi makapaniwalang napagtapos ang anak  at with top honors pa.  Nag-sorry pa si Sheryl sa anak dahil magkahiwalay silang mag-ina since narito naman sa bansa ang trabaho niya.

 

 

Kaya para makabawi sa anak, ilang araw pa before Ashley’s graduation, pumunta na siya ng Amerika, dahil nagkataong birthday din ng anak sa mismong graduation nito.

 

 

“I’m very excited for her and I’m very proud of her because efforts niya lahat ito,” dagdag pa ni Sheryl. “Kalahati lamang ako na nagbigay ng shares kung anuman ang meron siya ngayon at kalahati naman ay mula sa family ng tatay niya.  Kaya I’m very grateful kasi kahit na malayo kami sa isa’t isa, hindi nasayang yung effort.”

 

 

Hindi rin magtatagal sa San Francisco si Sheryl dahil kasalukuyan siyang nagti-taping ng bagong afternoon GMA Afternoon Prime series na “Lilet Matias: Attorney-at-Law” na pinangungunahan ni Jo Berry.

 

***

 

 

TOTOHANAN na at wala nang paglilihim si Rayver Cruz sa totoong relasyon nila ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, nang mag-celebrate ito ng kanyang 29th birthday.

 

 

Instagram post ni Rayver: “On this day, the love of my life was born.  Thank you for the infinite magic we share every single day.  Know that I’ll always be by your side every step of the way,through everything.

 

 

“May you continue to be a blessing not just to me, but to everyone.  Happy Happy Birthday my love.  Super proud of you always! I love you!!!

 

 

Sumagot din naman agad si Julie ng “Aww you’re the best! Thank you my love, I love you.”

 

 

Sunud-sunod din namang bumati kay Julie ang mga Kapuso stars na sina Sanya Lopez, EA Guzman, Jak Roberto, Carla Abellana, Shaira Diaz, Gardo Versoza, at siyempre pa ang future bayaw na si Rodjun Cruz: Awww! Wohoo!!! Happy birthday Julie.  We love you @myjaps. God bless you always.

 

 

Very soon ay mapapanood na ang bagong teleserye na first time pagtatambalan nina Julie Anne at Rayver, ang “The Cheating Game” for GMA Public Affairs.  Visit www.gmanews.tv for more updates on #JulieVer and The Cheating Game!

 

 

***

 

AYAW munang tumanggap ng mga heavy acting projects si Maja Salvador ngayong naghahanda siya para sa coming July wedding nila ng non-showbiz fiancé niyang si Rambo Nunez.

 

 

Topmost priority at the moment ni Maja at part ng kanyang preparation was to look her best on her special day.

 

 

Kaya light shows lamang ang ginagawa ngayon ni Maja tulad ng game show na “Emojination” para sa TV5 at nagsimula na rin siyang mag-taping with the cast of “Open 24/7” headed by Bossing Vic Sotto.

 

 

Ang laughter-filled brand new sitcom will begin on Saturday, May 27 sa GMA-7.  Papalitan nila ang “Daddy’s Gurl” nina Bossing Vic at Maine Mendoza na finale episode na this Saturday, May 20, pagkatapos ng “Magpakailanman” ni Mel Tiangco.

(NORA V. CALDERON)

Iniuugnay sa estafa case: SUNSHINE, tahimik at wala pang inilalabas na official statement

Posted on: May 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG comment ni Pia Wurtzbach ang obviously,  nakaka-boost pa ng fighting spirit ni Michelle Dee, ang bagong kinoronahan na Miss Universe-Philippines.

 

Obviously, aware si Pia sa mga pinagdaanan ni Michelle na pambabash at pagne-nega ng ilan.

 

Ang haba ng comment ni Pia at pagbibigay ng lakas ng loob pa kay Michelle.  At tila sinasabi nito na ‘wag magpapa-apekto sa sinasabi ng iba.

 

Sabi ni Pia, “Yes!! Beautiful I love how you stayed true to who you are and did not let pageant trends or chiefs dictate how you should be. It stood out perfectly! Please maintain that till  Miss Universe! 

 

“We want to see you.  Michelle Dee. Don’t let other “chiefs” dictate how you should represent yourself.

 

“As Esther advised me before, too many chiefs ruin the fun. And at this point everyone will act like an expert, even strangers. It’s you Michelle who’s gonna be on that stage.  

 

“And that’s once in a lifetime experience. Bring the Philippines with you yes, but still be you.”

 

Nag-reply naman si Michelle sa mahabang comment na ito ni Pia sa kanyang Instagram post at sinabi nga nito na sa bawat payo raw ni Pia siya nakakahugot ng lakas.

 

“Amen Queen!!! I Always find strength from your advice and you couldn’t have said it any better. I’ll take this to heart.”

 

***

 

 

TAHIMIK at wala pa rin inilalabas na ano mang official statement ang actress na si Sunshine Dizon tungkol sa  estafa case na iniuugnay rito.

 

Sinubukan din namin na i-message si Sunshine para hingan ng reaksiyon, pero hindi pa ito nagsi-seen o reply. Nirerespeto naman namin at hindi na siya kinulit pa sa minsan pagpapadala ng message sa kanya.

 

Iba-iba na ang naglalabasan tungkol dito. Meron sa BGC at meron din sa Daet, Camarines daw na isyu.

 

Base lang sa nalaman namin, may legal counsel naman si Sunshine na siyang pwedeng mag-ayos ng bagay na ito. And knowing Sunshine, wala naman itong inuurungang ano mang isyu sa kanya. Siguradong may sagot si Sunshine whether involve nga ba siya or may cheque ba siya na na-isyu.

 

Kaya hintayin na lang natin kung kailan man siya maglalabas ng official statement, most likely, mula sa kanyang lawyer na rin.

 

(ROSE GARCIA)

Feeling legit rock star ang ‘Bagong Oppa Ng Bayan’: DAVID, dream come true na mag-perform sa big crowd

Posted on: May 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
FEELING legit rock star ang chinito hunk at ‘GoodWill’ bida na si David Chua habang hinaharana ang kanyang rumored jowa at co-star na si Devon Seron sa NET25 Summer Blast music festival, na tinanghal sa Philippine Arena last weekend, May 13.
Mahigit 150,000 ang nagpunta sa summer shebang sa Philippine Arena na nilahukan ng ilan sa mga bigating OPM bands gaya ng SpongeCola, Rocksteddy, Gloc-9, Silent Sanctuary, Sunkissed Lola, Lunar Lights, Soapdish, Bandang Lapis, Dilaw, Noah Alejandre, at Calista.
Dream come true daw para kay David na mag-perform sa ganung kalaking crowd.
Aniya, “Sobrang saya! Doon ko lang na-realize na marami palang nagmamahal sa aming show, at ganun ding karami ang sumusuporta sa loveteam naming ni Devon.”
Tuwang-tuwa raw ang binansagang “Bagong Oppa Ng Bayan” noong bumaba siya ng stage at nakipaghalubilo sa mga fans.
“Feeling rock star talaga ‘ko nun! Nakaka-touch lang talaga na ganun ka-responsive yung crowd, lalo na nung pumunta ako sa moshpit,” sabi ni David.
“Game na game naman yung mga fans na nakikipag-finger hearts at todo selfie mode,” dagdag niya.
Bukod sa mainit na pagtanggapng fans, todo pasalamat din si David sa walang sawang suporta ng NET25, na itinuturing na niyang second family.
Lahad niya, “Sa NET25 ramdam ko yung pagkakaroon ng pamilya.
That’s why I never think twice about showing up for any of their promotional events or activities. I’d gladly do it for them, and I say that galing sa puso.”
Pero teka, ano na nga ba ang latest sa ChuRon loveteam nila ni Devon? Di ba’t kelan lang may naglabasang chismax na break na raw sila? At kesyo spotted daw si David na may kasamang girlaloo?
Eto rin naman kasing ating rockstar oppa, parang lagi na lang yatang aligaga sa pakikipag-date kung kani-kanino.
Elusive bachelor daw?
Abangan na lang natin ang season two ng GoodWill at baka naroon lang ang sagot sa mga haka-haka. Balita na level-up raw ang production ng show, dahil kumuha sila ng bagong team of writers, kabilang na ang uber-talented stand-up comic na si Alex Calleja.
At hindi lang yan! Marami pang kaabang-abang na celebrity guests tulad nina Meg Imperial, ang longtime Eat Bulaga showdown gurl na si Samantha “Grasya” Lopez, ang biglang pagsulpot ni Miss Korina Sanchez-Roxas sa pilot episode (huwat??!!) at marami pang iba.
Kasama pa rin sa series ang award-winning na si Raymond Bagatsing, Kat Galang, Smokey Manoloto, Ryan Rems, at James Caraan sa pagbabalik ng barakadang minahal niyo na!
Kaya save the date at abangan ang GoodWill season 2 premiere sa NET25 sa darating na May 27, 4:00-5:00pm, bago umere ang Korina Interviews!
(ROHN ROMULO)

“MISSION: IMPOSSIBLE – DEAD RECKONING – PART ONE” GOES FULL THROTTLE WITH NEW TRAILER

Posted on: May 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TIME for a new mission. Mission: Impossible – Dead Reckoning – Part One, starring Tom Cruise, opens across Philippine cinemas July 12. Watch the trailer: 

YouTube: https://youtu.be/iIMqgt3dSCE

Facebook: https://fb.watch/kAyQYt6i2Z/

About Mission: Impossible – Dead Reckoning – Part One

Paramount Pictures and Skydance present a Tom Cruise Production a film by Christopher McQuarrie, Tom Cruise in “MISSION: IMPOSSIBLE – DEAD RECKONING – PART ONE”

Directed by Christopher McQuarrie, based on the television series created by Bruce Geller.  Produced by Tom Cruise, Christopher McQuarrie.  Executive produced by David Ellison, Dana Goldberg, Don Granger, Tommy Gormley.

Starrring Tom Cruise, Ving Rhames, Simon Pegg, Rebecca Ferguson, Vanessa Kirby, Hayley Atwell, Shea Whigham, Pom Klementieff, Esai Morales, Henry Czerny, Rob Delaney, Cary Elwes, Indira Varma, Mark Gatiss, Charles Parnell, Greg Tarzan Davis, Frederick Schmidt.

Mission: Impossible – Dead Reckoning – Part One is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.

Connect with #MissionImpossible and tag paramountpicsph

(ROHN ROMULO)