• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 24th, 2023

PBBM, tinitingnan ang ‘self-regenerating’ pension plans para sa AFP, PNP

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANGAD ng pamahalaan na bumuo at magpalabas ng “self-regenerating” pension plans para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

 

 

Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano niyang itong sa sidelines ng inagurasyon ng 160-megawatt wind farm sa Pagudpud, Ilocos Norte.

 

 

“We are still in the midst of putting together the pension plans so that it would be self-regenerating,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Now, we’re working hard on making sure that we have a pension plan both for the AFP and for the police,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinukoy ang posibleng senaryo na mararanasan sa kakapusan ng pondo sa susunod na anim na taon, sinabi ng Pangulo na nais niya na ang  militar at pulis ay mayroong self-sustaining pension plan.

 

 

Aniya, kasalukuyan nang sinusuring muli ang pension system  para sa AFP at PNP para makaiwas sa posibleng fiscal collapse.

 

 

“So, bago pa mangyari ‘yun, inuunahan na natin . We are designing a better system,” aniya pa rin.

 

 

Sa Senate hearing, araw ng Lunes,  sinabi ni Defense officer-in-charge Carlito Galvez Jr. na  “very concerned” si Pangulong Marcos sa potensiyal na epekto ng reporma sa  pension system sa  military and uniformed personnel (MUP).

 

 

Tinuran ni Galvez na isusulong ng Pangulo ang “continuous discussion to have a common ground.”

 

 

Samantala, tinitingnan din ng Pangulo ang housing program hindi lamang para sa AFP at PNP subalit maging sa iba pang uniformed personnel.

 

 

“We are also putting together a program for housing for uniformed services, the police and the AFP… I think we will be able to do it at kasama na rin, maybe we can tie it up with the pension,” anito.

 

 

“There are many measures para hindi masyadong mabigat para dun sa sundalo at sa mga police,” dagdag na wika ni Galvez. (Daris Jose)

NEWS 3

National Post Office itayo muli, P13 bilyong contingent fund gamitin

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“HISTORIAL landmark must rise from the ashes!”

 

 

Ito ang binigyang diin ni House Deputy Speaker at 1st District Batangas Rep. Ralph Recto na ikinalungkot ang pagkaabo ng National Post Office Building matapos itong matupok ng apoy sa sunog sa lungsod ng Maynila nitong Lunes.

 

 

Sinabi ni Recto na kailangang pabilisin at hindi tulad ng mabagal na paghahatid ng sulat ang pagtatayong muli sa gusali ng National Post Office na matatagpuan sa Liwasang Bonifacio.

 

 

Ayon kay Recto, kapag kumatok sa Palasyo ng Malacañang para humingi ng tulong ang mga postmen ay dapat hindi na umabot pa sa dalawang katok at tugunan ito kaagad.

 

 

“Pwede pagkunan ang P13 billion Contingent Fund, which is the national emergency fund, which the President controls. Nandiyan din ang NDRRMC or Calamity Fund, which has a beginning 2023 available balance of P19.03 billion. The fire which hit this national historical landmark is undoubtedly a certifiable disaster,” ani Recto sa mga posibleng pagkunan ng pondo para itayo muli ang NPO.

 

 

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 10066, ang National Cultural Heritage Act of 2009 o ang mga historical landmark, sites o mga monumento sa bansa ay entitled sa prayoridad sa pagpapalabas ng pondo ng gobyerno para sa proteksiyon, konsebasyon at pagpapanatili.

 

 

“Hindi kaya ng pondo ng Philippine Postal Corporation ang pagbangon. In 2020, net surplus nito ay negative P240 million, lugi pa. Noong 2021, nakapagtala ng positive net surplus na P106 million, kulang pa rin,” paliwanag niya.

 

 

Ang nasabing post office ay itinayo noong 1926 na isa sa pinakamatanda at pinaka ‘iconic structures’ sa Pilipinas na malaking parte na ng kasaysayan at nalagpasan na ang maraming kalamidad lalo na ang digmaan sa Maynila noong World War II.

(GENE ADSUARA)

PBBM, naiintindihan ang pagkalas ni Sara sa Lakas-CMD

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIINTINDIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na kumalaas at magbitiw bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.

 

 

Magkagayon man, sinabi ng Pangulo na hindi dapat magambala o magulo si Duterte mula sa mas mahahalagang tungkulin nito.

 

 

Tinuran ni Pangulong Marcos na dapat na ituon ni Duterte ang kanyang pansin na tuparin ang kanyang mga responsibilidad bilang Kalihim ng Department of Education at co-vice chairperson ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at iwasan ang political entanglements.

 

 

“Si Inday Sara is very plain-spoken. Kung ano ang sinabi niya ‘yun ang ibig sabihin niya. She has too much work to do and cannot be involved in any of this. She cannot allow herself to be distracted. That’s the way I read it,”sinabi ng Pangulo.

 

 

“It’s true because kung titignan mo kung ano yung mga hinaharap niya talagang marami talaga at hindi puwede be involved in whatever it is that is going on… I can understand why. Sasabihin niya, ‘Ayusin muna ninyo yan. Gagawin ko muna itong mga importanteng kailangan kong tapusin,” dagdag na wika nito.

 

 

Mismong si Duterte ang nag-anunsyo na bumitiwa na siya  bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party.

 

 

“This is to announce my irrevocable resignation as a Lakas-CMD member effective today. I am grateful to all the party members for the support that also once demonstrated that unity is possible to advance our shared dreams for our fellow Filipinos and our beloved country,” saad niya sa Facebook post.

 

 

Si Duterte ay nagsilbing chairperson ng partido kasama si House Speaker Martin Romualdez bilang Lakas-CMD president.

 

 

Bagama’t hindi tinukoy kung ano ang dahilan ng kanyang pagbibitiw, sinabi nito na ang kanyang serbisyo sa bansa ay ayaw niyang maapektuhan ng laro sa politika.

 

 

“I am here today because of the trust of the Filipino people in me to lead and serve them and the country, and this cannot be poisoned by political toxicity or undermined by execrable political power play,” ani Duterte

 

 

Nananatili rin umanong maglilingkod si Duterte sa mga Filipino.

 

 

“Nothing is more important to me than being able to meaningfully serve our fellow Filipinos and the Philippines, with President Ferdinand Marcos Jr. leading the way. Trust that my word, my commitment will be immutable,” aniya. (Daris Jose)

Busy rin sa movie nila ni Yassi: RURU, excited nang makatrabaho si MATTEO sa aksyon-serye

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Kapuso actress Gabbi Garcia na ang boyfriend na si Khalil Ramos na ang kanyang ’the one’ sa interview ni Boy Abunda sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda.”  

 

 

Sa ngayon ay six years na silang magkarelasyon at napag-usapan na nilang dalawa kung paano mapapanatili ang kanilang relasyon at naniniwala sila na sila na ang magkakasama sa buong buhay nila.  Naniniwala raw si Gabbi sa destiny, at sinusunod niya ang sabi ng mommy niya na ‘kung para sa ‘yo, para sa iyo’ at iyon daw ang destiny.

 

 

“Hindi po nagiging hadlang sa relasyon namin ni Khalil kung sakaling may iba kaming katambal sa proyektong ginagawa namin, naiintindihan naming part lamang ito ng trabaho namin. Kaya walang isyu ang bagay na iyon sa aming dalawa,” wika pa ni Gabbi.

 

 

“At ang masasabi ko, hindi seloso si Khalil, and I’m grateful for it.  Tulad sa “Unbreak My heart,” si Joshua Garcia ang katambal ko, at naiintindihan niya iyon dahil isa rin siyang actor.”

 

 

Malapit nang mapanood ang “Unbreak My Heart,” na first collaboration teleserye ng GMA Network, ABS-CBN at Viu Philippines, tampok din sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at iba pang Kapuso at Kapamilya stars.

 

 

Sila ang papalit sa malapit na ring magwakas na teleserye ng GMA Public Affairs, ang “The Write One” ng real lovers na sina Bianca Umali at Ruru Madrid, 9:35 p.m. Mondays to Thursdays, sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

NGAYONG tapos nang mag-taping si Ruru Madrid ng “The Write One,” at nagsimula na siyang mag-shooting ng first movie niya sa Viva Films, ang “Video City” with Yassi Pressman.

 

 

Nagsimula na rin siyang mag-training ng pagmo-motor bilang paghahanda sa upcoming teleserye nila ng bagong Kapuso na si Matteo Guidelli.

 

 

Ayaw pa sanang sabihin ni Ruru kung ano ang project na gagawin niya pero nalaman niyang na-announce nang “Black Rider” ang pagsasamahan nila ni Matteo.

 

 

Inamin ni Ruru na natuwa siya nang sabihin sa kanyang magkakasama sila ni Matteo sa proyekto.

 

 

“It’s an honor po for me, dahil siyempre, napapanood ko siya noong nasa iba pa siyang network. Now na Kapuso na siya, excited na akong makatrabaho siya.  I know kung gaano rin siya ka-passionate magtrabaho. Kaya hopefully maging kaibigan ko rin siya.”

 

 

Malapit na rin silang magsimulang mag-taping ni Matteo. Para kay Ruru, isa namang malaking challenge ang kanyang gagawin, dahil pagkatapos ng serye nila ni Matteo, gagawin naman niya ang part two ng action-fantaserye niyang “Lolong.”

 

 

Kaya si Ruru, dahil alam na niyang nakalinya siya sa mga action projects, hindi niya inaalis iyong mga training, tulad ng mixed martial arts at kung ano pa iyong mga skills na dapat niyang matutunan.

 

 

Ayaw raw niyang biguin ang tiwala ng mga viewers sa kanya, na deserving siya sa bawat project na ibinibigay sa kanya.

 

 

***

 

 

ANG Congresswomman wife ni Senator Bong Revilla na si Lani Mercado-Revilla pala ang pumili kay Beauty Gonzalez na maging wife niya sa bagong comedy series na gagawin nila, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,”

 

 

Bakit si Beauty na isang Bisaya?

 

 

“Naa-amaze ako pag nakikita ko yung babaeng Bisayang asawa, na kapag nagalit, nagtatalak na,” kuwento ni Lani.

 

“I find it amusing, kaya sabi ko, magandang maging Bisaya ang ka-partner ni Sen.  Iba ang touch pag Bisaya.  Meron kasi kaming mga friends na Bisaya, naa-amuse ako kapag nag-uusap-usap sila.”

 

 

Umayon  naman agad si Sen. Bong sa recommendation ni misis.  “Saka marami kayong mga fans na makaka-relate diyan,” dagdag pa ni Lani.

 

 

Sina Beauty at Max Collins ang gaganap na legal wife at the other woman ni Tolome (Bong).  Kinukumbinse pa ni Sen. Bong na mag-guest si Cong. Lani sa sitcom na mapapanood na simula sa June 4 and every Sunday, 7:45 p.m., sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Naging bahagi ng buhay niya ang historical landmark: REGINE, isa sa nalungkot sa pagkasunog ng Manila Central Post Office

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISA ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa naisip namin habang nasusunog ang Manila Central Post Office noong Lunes.

 

 

 

Bukod sa siyempre, isa na itong historical landmark ng bansa.

 

 

 

Ang movie ni Regine with Richard Gomez ay napakaraming scene na kinunan sa MCPO, though, marami rin Pinoy movies na naging location ito. Pero isa talaga sa tumatak ang movie nila na “Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon.”

 

 

 

At nalungkot nga si Regine sa nangyari at nag-post sa kanyang Instagram ng isang scene niya habang nakaupo sa bench at nasa background ang Manila Central Post Office.

 

 

 

At sabi niya, “Ano na kaya mangyayari kay Katherine at sa iba pang naging bahagi ng Manila Central Post Office? Naging bahagi ng buhay ko ang Post Office. Napasok ko at nakilala rin ang mga kaibigan do’n.

 

 

 

“The Manila Central Post Office was a historical landmark and it’s so sad that this happened.”

 

 

 

***

 

 

 

MAY bago na namang aabangan na promising singer, mula sa bayan ng Cavite and yes, true to her surname, siguradong madali ng makokonek kung ano ang pinagmulan niyang lahi, si Lizzie Aguinaldo.

 

 

 

Teenager pa lang ito, pero makikita na may promise talaga with her looks and voice. Ang maganda, suportado si Lizzie ng mga kababayan niya para sa kanyang very first single under Star Music, ang “Baka, Pwede Na,” mula sa award-winning composer na si Direk Joven Tan.

 

 

 

Ang first single niya ay ilalabas na ngayong end of May kaya malapit na malapit na.

 

 

 

***

 

 

 

HINDI lang may consent kung hindi, mismong si Congresswoman Lani Mercado pala ang nag-recommend kay Beauty Gonzalez na kuhanin ni Senator Bong Revilla para sa sitcom nito sa GMA-7, ang “Walang Matigas na Mister sa Matinik na Misis.”

 

 

 

Movie nila ito na ini-remake ngayon for TV at magpa-pilot na sa June 4. Kaya raw si Beauty ang napili ni Cong. Lani dahil nakikita raw niyang babagay rito ang role at sakto ang pagiging Bisaya pa.

 

 

 

Masaya naman si Senator Bong sa bagong sitcom dahil sa five taping days na raw na nagagawa nila, ang saya raw nila sa set at nakikita rin daw niya kay Beauty na sobrang nag-e-enjoy ito.

 

(ROSE GARCIA)

MANILA CENTRAL POST OFFICE, NASUNOG

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa P300 milyon ang halaga nang nilamon ng ng apoy sa makasaysayang gusali ng Manila Central Post Office  sa Liwasang Bonifacio, Magallanes Drive, Ermita, Maynila, Lunes ng umaga.

 

 

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, na nagsimula ang sunog dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi  sa General Services Section sa basement at tuluyang nilamon ang apat na palapag ng gusali.

 

 

Ayon sa BFP, pito  sa kanilang mga bumbero at volunteer ang sugatan habang inaapula ang mala-impyernong sunog.

 

 

Kinumpirma naman ni BFP-NCR Chief Supt.Nahum Tarroza, na 100% na nilamon ng apoy ang gusali na  isang heritage building.

 

 

Sinabi ni Tarroza na nahirapan ang mga bumbero na ang gusali dahil nagsimula ang sunog sa basement na masyadong delikado.

 

 

Bukod dito, nauubusan din ng tubig ang tangke ng mga fire trucks kaya ang iba ay kumuha pa ng tubig sa Pasig River at maging ang tubig sa fountain ng Liwasang Bonifacio ay ginamit na rin ng mga bumbero.

 

 

Aniya, mabilis na lumaki ang sunog dahil sa mga papel sa loob ng post office bukod pa sa gawa sa kahoy ang sahig ng ikatlong palapag ng gusali.

 

 

Sa ngayon lahat aniya ng anggulo o maaaring sanhi ng sunog ay kanilang tinitignan tulad ng electrical, sinadya o aksidente.

 

 

Hindi pa rin ito tuluyang idineklarang fire out dahil may usok pang lumalabas sa gusali. (GENE ADSUARA)

COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, umakyat na sa 26%

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAKYAT sa 26% ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila, ayon sa pinakahuling monitoring ng OCTA research group.

 

 

Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na ang kasalukuyang pitong araw na positivity rate ay halos pareho sa naitala na rate noong Mayo 16 sa 25.9%

 

 

Aniya, ang nationwide COVID-19 positivity rate naman ay nasa 24.1%, batay ng Department of Health na kung saan mayroong 2,014 na bagong kaso ng nakamamatay na sakit.

 

 

Kung matatandaan, ang nationwide COVID-19 positivity rate noong nakaraang araw ay nasa 23.8 percent lamang.

 

 

Una na rito, ang COVID-19 tracker ng DOH ay nagpahiwatig na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa 4,121,513.

 

 

Kasama sa bilang na ito ang 16,504 na aktibong kaso, 4,038,573 ang nakarekober, at 66,453 na mga nasawi sa naturang virus.

DepEd, pinag-aaralan na suriin ang revised K-10 curriculum rollout para sa SY 2024-2025

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LAYON ng Department of Education (DepEd) na i-roll out ang updated Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum para sa school year (SY) 2024-2025

 

 

Sinabi ni  DepEd spokesperson Michael Poa na ang target rollout date ay  consistent sa commitment ng DepEd na makakuha at makonsidera ang lahat ng  public comments para  ma-fine-tune ang  K-10 curriculum bago pa ito ipatupad.

 

 

“Of course, ang gusto nating makuha talaga, ay lahat ng comments ng public, ma-consider natin para ma-tweak pa natin further ‘yung K-10 curriculum,” ayon kay Poa sabay sabing ang  nakapaskil na curriculum guide ay draft lamang.

 

 

Tinukoy pa nito na  “in reference to the guide,” ang  “mother tongue” ay dapat na manatiling ginagamit bilang  “medium of instruction.”

 

 

“It’s still a working draft, that’s why we want to get the comments. According to our curriculum guide, and we would like to clarify this, we did not remove the mother tongue as a medium of instruction. What we removed was mother tongue as a subject,” ani Poa.

 

 

Sa ngayon ang curriculum strand ng DepEd ay nananatiling nasa proseso na tipunin ang lahat ng mga komento para tulungan na isapinal ang revised curriculum.

 

 

Tiniyak pa ng DepEd, sa oras na maisapinal na, ang draft ng  updated curriculum guide para sa Grades 11 at 12 o Senior High School (SHS) ay dapat na ipalabas din “for transparency.”

 

 

“Consultation muna po tayo again, and then after that, magkakaroon muna tayo ng review proper and then saka na ‘yung revision,”ayon kay Poa. (Daris Jose)

In character pa habang nakaupo sa wheelchair: RICHARD, kitang-kita ang reaksyon nang sorpresahin ng kanyang pamilya

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ALIW ang panonorpresa kay Richard Yap ng kanyang pamilya nitong kaarawan niya.

 

 

In character ang Kapuso actor sa taping ng “Abot Kamay Na Pangarap” nang sorpresahin siya para sa kanyang ika-56 na kaarawan.

 

 

Sa video na ipinost sa Instragram ng Sparkle GMA Artist Center, pinangunahan ng kanyang asawa na si Melody at mga anak na sina Ashley at Dylan ang ginawang sorpresa sa aktor.

 

 

Kasama rin siyempre ang cast at crew ng Kapuso hit afternoon series, kung saan gumaganap si Richard bilang si Dr. Roberto “RJ” Tanyag, naka-recover na mula sa pagkaka-comatose kaya may benda pa siya sa ulo at naka-wheelchair.

 

 

Sa video, maririnig na nagbibigay ng instruction para sa simula ng taping kaya in character na si Richard habang nakaupo sa wheelchair sa loob ng isang kuwarto.

 

 

At nang isigaw na ang “magic word” na action!, hindi ang kaeksena sa serye ang pumasok sa kuwarto kung hindi ang kanyang misis at mga anak na may bitbit na cake at inawitan na si Richard ng birthday song.

 

 

“Richard Yap thought it was another working birthday for him but this one was extra-special because his family paid him a surprise visit on the set of the GMA Afternoon Prime series #AbotKamayNaPangarap! Happy Birthday again, Richard!,” saad sa caption.

 

 

Makikita naman sa reaksyon ni Richard na successful ang ginawa nilang pagsorpresa sa aktor.

 

 

Mapapanood ang “Abot Kamay na Pangarap,” pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

 

 

***

 

 

BAGAMAN handa si Mike Tan na gawin ang lahat para sa kanyang pamilya, kahit itaya pa ang sariling buhay, may bagay din na hindi niya kayang gawin.

 

 

“Lahat talaga gagawin ko for my family. Kung patalunin man ako sa building… ‘di ba,” sabi ni Mike sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

 

 

Gayunman, sinabi ni Mike na hindi siya gagawa ng masama, tulad ng pagpatay o pagnanakaw para sa pamilya.

 

 

“Mas takot na ako sa Diyos pagdating doon. Pero I will do everything na under ni God, by His laws, gagawin ko lahat para sa pamilya ko,” paliwanag ni Mike na may dalawa nang anak.

 

 

“That was what I was gonna say, I’d even die for my family,” pagsang-ayon naman ni Valerie Concepcion na kasama ni Mike sa Kapuso series na “Seed of Love.” At kasabay na nag-guest sa programa ni Tito Boy.

 

 

“Biglang napaisip ako, papatay ba ako, magnanakaw ba ako para sa pamilya? I really think that I’d do anything for my family.

 

 

“I think ‘pag nandoon na sa sitwasyon na ‘yon and if given a choice kung gagawin ko ito or ikamamatay ng someone I really love, I might do it,” paliwanag ni Valerie.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads May 24, 2023

Posted on: May 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments