• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 27th, 2023

Request ng mga netizen, ‘di sana romcom: Reunion movie nina SARAH at JOHN LLOYD, kasado na

Posted on: May 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KASADO na nga ang balik-tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

 

Kinumpirma nga ito ng Viva Artists Agency (VVA) na magkakaroon ng reunion movie ang blockbuster tandem na #AshLloyd

 

 

Sa official Instagram account ng VVA pinost nila ang photos nina Sarah at John Lloyd sa Viva office.

 

 

May caption ito na: “LOOK: Our #AshLloyd hearts (smiling face with heart-eyes and loudly crying face emoji) @justsarahgph and John Lloyd Cruz in a new movie together? YES!!!,” (movie camera and eyes emojis) kasama ang hashtag na: “#SOON.”

 

 

Unang nagkasama sina John Lloyd and Sarah sa “A Very Special Love” (2008), na nasundan ng “You Changed My Life” (2009), at “It Takes a Man and a Woman” (2013), para ipagpatuloy ang kuwento nina Miggy at Laida.

 

 

After 4 years, muli silang nagkasama sa 2017 movie na “Finally Found Someone.”

 

 

Marami naman ang kinilig at natuwa sa grabe pasabog na ito ng VAA, na mukhang mauunahan pa ang reunion movie nina JL at Bea Alonzo.

 

 

May nag-request na sana ay hindi na romcom movie, dahil sawa na sila. Puwede raw heavy drama, horror or suspense.

 

 

Sa rami nang na-excite na reunion project, mukhang na-miss na talaga nang marami ang tambalang John Lloyd at Sarah. Na ngayon pa lang ay inaasahan na magiging blockbuster din tulad nga mga past movies nila.

 

 

***

 

 

NAGING usap-usapan nga ang paglabas ng campaign poster ni Dingdong Dantes sa digital billboard ng famous Times Square sa New York City.

 

 

Ang Kapuso actor-TV host ang first Filipino endorser of Italian eyewear brand Police, na una niyang in-announce sa kanyang IG post. Next month pupunta raw siya ng Japan para sa 40th year ng Police and hopefully ma-meet niya ang other global endorsers.

 

 

Malapit na rin ang pagbabalik niya sa pag-arte via GMA primetime series na ‘Royal Blood’ na ididirek ni Dominic Zapata.

 

 

Excited na nga si Dingdong na muling makasama sina Tirso Cruz III, Benjie Paras, Arthur Solinap, Dion Ignacio, Mikael Daez at Megan Young.

 

 

Kuwento pa niya, “I’ve had the pleasure of working with almost all of the cast, staff and executives over the past 25 years. And now I’m thrilled to collaborate with the incredible talents of Lianne (Valentin) and Rabiya (Mateo) for the first time.

 

 

“It’s a juicy family drama that will have you on the edge of your seat, guessing whodunit until the very end — think Knives Out (or Widow’s Web) — but with a regal twist.”

(ROHN ROMULO)

JOIN THE “BARBIE” PARTY IN COMEDY’S BRAND NEW TRAILER

Posted on: May 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GIANT blowout party? Check. Planned choreography? Check. Watch the new trailer for “Barbie.”

The Greta Gerwig-directed film, starring Margot Robbie and Ryan Gosling, opens in Philippine cinemas July 19.

 

YouTube: https://youtu.be/X5nmPBArz3U

Facebook: https://www.facebook.com/WarnerBrosPH/videos/1298142451100153/

 

 

 

About “BARBIE”

 

 

 

To live in Barbie Land is to be a perfect being in a perfect place.  Unless you have a full-on existential crisis.  Or you’re a Ken.

 

 

 

From Oscar-nominated writer/director Greta Gerwig comes “Barbie,” starring Oscar-nominees Margot Robbie and Ryan Gosling as Barbie and Ken, alongside America Ferrera, Kate McKinnon, Michael Cera, Ariana Greenblatt, Issa Rae, Rhea Perlman and Will Ferrell. The film also stars Ana Cruz Kayne, Emma Mackey, Hari Nef, Alexandra Shipp, Kingsley Ben-Adir, Simu Liu, Ncuti Gatwa, Scott Evans, Jamie Demetriou, Connor Swindells, Sharon Rooney, Nicola Coughlin and Oscar-winner Helen Mirren.

 

 

 

Gerwig directed “Barbie” from a screenplay by Gerwig & Oscar nominee Noah Baumbach, based on Barbie by Mattel. The film’s producers are Oscar nominee David Heyman, Robbie, Tom Ackerley and Robbie Brenner, with Michael Sharp, Josey McNamara, Ynon Kreiz, Courtenay Valenti, Toby Emmerich and Cate Adams serving as executive producers.

 

 

 

In Philippine cinemas starting July 19, “Barbie” is distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Barbie #BarbieTheMovie

(ROHN ROMULO)

Pinas, handa kay Mawar

Posted on: May 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA ang gobyerno sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar sa oras na pumasok na ito sa  Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naghahanda ang pamahalaan para sa posibleng epekto ng bagyo sa hilagang bahagi ng bansa at maging sa iba pang lugar.

 

 

“Pinaghahandaan din natin ang magiging epekto nito hindi lamang sa hilagang bahagi ng bansa, kundi sa lahat ng lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa katunayan, nakipagpulong si Pangulong Marcos kay  Defense officer-in-charge Undersecretary Carlito Galvez kung saan tiniyak nito na may nakahanda ng budget at food packs.

 

 

Nakahanda na rin aniya  response teams at local government units  sakali’t tumama na ang bagyo sa kanilang lugar.

 

 

“Sa pulong kasama si DND [USec.] Carlito Galvez, siniguro natin na naka pre-position ang pondo at food packs, naka-standby ang response teams, at handa na ang mga LGU sa mga lugar na tatamaan ng bagyo,” aniya pa rin.

 

 

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na may posibilidad na may dalang matinding pag-ulan at pagbaha ang bagyong Mawar sa ilang lugar sa bansa kabilang na ang Visayas region.

 

 

“May posibilidad na hilahin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng matinding pag-ulan at magreresulta sa pagbaha sa ilang bahagi ng bansa sa Luzon hanggang Visayas,” ang wika ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Free trade deal, ‘win-win strategy’ para sa Pinas at EU-PBBM

Posted on: May 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa European Union-ASEAN Business Council (EU-ABC) at  European Economic Community (EEC) para sa pagpapatuloy ng negosasyon para sa free trade agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at  EU. 

 

 

Ani Pangulong Marcos, ang pagtatatag ng isang  bilateral FTA ay   “win-win strategy” para sa dalawang partido, sabay sabing  “promises to achieve mutually beneficial economic goals while maintaining consistency with the EU’s core ideals of sustainable development and environment protection as well as with the EU’s Indo-Pacific Strategy”.

 

 

“Hence, I take this opportunity to call upon our friends from the EU ABC and the ECCP to actively advocate for the resumption of negotiations for this purpose as well as to strive for fair treatment and more beneficial reciprocity,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa isinagawang Joint EU-ASEAN Business Council and European Chamber of Commerce of the Philippines gala dinner sa Makati.

 

 

“As credible voices of the European business community in the Philippines and the region, the EU ABC and ECCP can help move this thing forward all the way to a favorable conclusion. And if and when that happens, it could very well be the capstone of all efforts to strengthen PH-EU relations over the course of the next decades,” ang wilka nito.

 

 

Matatandaang, sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na tinitingnan ng Pilipinas na bumalik sa  negotiating table para sa posibleng FTA kasama ang regional bloc.

 

 

Ang exploratory FTA talks sa pagitan ng mga partido ay nagsimula noong 2013, habang ang paglulunsad naman ng negosasyon ay inanunsyo noong Disyembre 2015.

 

 

Ang unang negosasyon ng FTA ay isinagawa sa  Brussels, Belgium noong 2016, sinundan ng second-round negotiations sa Cebu, sa Pilipinas noong  2017.

 

 

Samantala, sinabi naman ng Chief Executive na ang Philippine Development Plan (PDP) 2023 to 2028 ay naka-angkla sa  “creation of an enabling environment that shall facilitate the attainment of tangible socio-economic goals for our people”.

 

 

Tinuran nito na nagpatupad na ang administrasyon ng mga estratehiya na nakahanay  dito kabilang na ang adjustments sa sistema ng corporate taxation, at implementasyon ng green lanes.

 

 

“This solid enabling environment will pave the way for our compliance with vital international obligations as determined by the EU. This condition of compliance will in turn guarantee our continued participation in the generalized system of preferences plus (GSP+) scheme,”  aniya pa rin.

 

 

Nakatakda namang mapaso’ ngayong taon ang partisipasyon ng Pilipinas sa GSP+  subalit kumpiyansang sinabi ni Pascual na magdedesisyon pa rin ang  European Parliament pabor sa pagre-renew ng status ng bansa. (Daris Jose)

Para sa Asian premiere ng upcoming Neflix movie: CHRIS HEMSWORTH, excited na rin sa pagpunta sa bansa next month

Posted on: May 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GAME na mag-collab sa isang film project ang dalawang drama princess ng Philippine Television na sina Maris Racal and Barbie Forteza.

 

 

Dahil na rin sa kanilang mga fans na nag-suggest na magsama sila sa isang pelikula, nagpakita naman ng interes sina Maris at Barbie kahit na homegrown stars sila ng magkaibang TV network.

 

 

“Sobrang game if ever,” tweet ni Maris. Tweet naman ni Barbie ay “Game!”

 

 

Uso na kasi ngayon ang crossover projects ng Kapamilya and Kapuso artists, tulad na lang ng landmark collaboration of ABS-CBN and GMA-7, sa series na “Unbreak My Heart” na bida sina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap and Gabbi Garcia.

 

 

Nakilala si Racal, dahil sa pagsali nito sa  “Pinoy Big Brother: All In” noong 2014. Bukod sa acting, malawak din ang reach ng kanyang music career dahil sa kanyang musically-inclined family.

 

 

Si Barbie naman ay nagsimula bilang child actress sa GMA teleserye na “Stairway To Heaven” at sa teen series na “Reel Love Presents Tween Hearts” hanggang sa maging isa na siyang bonafide leading lady ng Kapuso network.

 

 

***

 

 

MALAPIT na ang ultimate bakbakan ng Final 4 Clashers sa high-rating reality talent competition ng GMA na “The Clash 2023!”

 

 

This Sunday (May 28), magtatagisan ng galing sa pagkanta sina ‘Feisty Diva’ Arabelle dela Cruz, ‘Baby Girl Biritera’ Liana Castillo, ‘Sexy Songstress’ Mariel Reyes, at ‘Simpatikong Bokalista’ Rex Baculfo. Sino kaya sa kanila ang tatanghaling The Clash Grand Champion?

 

 

Abangan ang matinding pasiklaban sa Clash Arena kasama ang Clash Panel na sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas.

 

 

May bonus pang pakilig kasama ang #JulieVer at Clash Masters na sina Total Heartthrob Rayver Cruz at Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

 

 

Tutukan ang grand finals ng “The Clash 2023,” this Sunday at 7:50 p.m. on GMA Network.

 

 

***

 

 

NATUWA ang mga fans ng Marvel actor na si Chris Hemsworth dahil confirmed na darating ito sa Pilipinas next month para sa Asian premiere ng kanyang upcoming Neflix movie na “Extraction 2.”

 

 

“I’m coming to the Philippines soon. I’ll be flying to Manila this June for the premiere of ‘Extraction 2’. I don’t want you to miss out so please come join me. It’ll be fun. Can’t wait to see you all there soon. Take care. Bye for now,” sey pa ng bida ng mga Marvel films series na Thor at Avengers.

 

 

Sa action packed movie na “Extraction 2,” magbabalik ang karakter ni Chris na isang black ops mercenary na si Tyler Rake, na may panibagong misyon at ililigtas.

 

 

Naging kontrobersyal ang 39-year old Australian actor nang ma-diagnose siya with two copies of the APOE4 gene na puwedeng magbigay sa kanya ng Alzheimer’s disease.

 

(RUEL J. MENDOZA)

42 mambabatas, pinaiimbestigahan ang sunog sa MCPO

Posted on: May 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ng nasa 42 mambabatas na imbestigahan ng kamara ang naganap na sunog sa Manila Central Post Office building na nagdulot ng matinding pagkasira sa nasabing istraktura.

 

 

Sa House Resolution 1019, sinabi ng mga mambabatas na miyembro ng Arts, Culture and Creative Industries Bloc (ACCIB) ng kamara, na kailangang ang pagsasagawa ng imbestigasyon dala na rin sa importansiya nang pagiging heritage site nito.

 

 

Ayon kay Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, Chairman ng House Committee on Creative Industry & Performing Arts, may mga ulat na walang anumang uri ng fire suppression system o water sprinklers ang MCPO building.

 

 

“It took about 30 hours to declare fire out. Apparently, this may have been a disaster waiting to happen. We will certainly take a close look to ascertain the real timeline of events during the fire and the building maintenance and security logs,” ani De Venecia.

 

 

Nais din aniya nilang malaman kung ano pang mga lumang gusali ng gobyerno ang walang fire suppression systems, lalo na yaong bahagi na ng kasaysayan ng bansa kabilang na ang National Museum, Cultural Center of the Philippines, National Library, at University of the Philippines. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Drug money sa Barangay, SK elections babantayan ng PNP

Posted on: May 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  lamang mga private armed groups ang babantayan ng Philippine National Police (PNP) sa barangay at Sangguniang Kabataaan elections sa Oktubre kundi maging ang drug money.

 

 

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Redrico Maranan, posibleng kumalat ng drug money o pera galing sa transaksyon ng iligal na droga sa panahon ng eleksiyon.

 

 

Binigyang diin pa ni Maranan na maaaring magamit ng mga tiwaling barangay officials ang mga private armed group at drug money upang mang-harass, vote buying at makapuwesto.

 

 

Nabatid na pinag-aaralan na ngayon ng PNP ang bilang ng mga barangay na kanilang babantayan kasunod ng naunang datos ng PDEA noong 2018 na umabot sa mahigit 200 drug related barangays ang kanilang namonitor bago nasuspinde ang pagsasagawa ng BSKE sa nasabing taon.

 

 

Samantala, pabor ang PNP sa mungkahing drug test para sa lahat ng Brgy. Officials bago ang pagdaraos ng lokal na halalan.

 

 

Ani Maranan, magandang hakbang ito upang maiwasang mailuklok ang mga politiko na sangkot sa iligal na mga gawain partikular na sa isyu ng iligal na droga.

 

 

Dahil dito, mas mahihirapan aniya na sugpuin ng pamahalaan ang problema ng iligal na droga kung ang mismong barangay ay apektado nito.

Drug war victims, walang nakikitang katarungan sa ilalim ng administrasyong Marcos – ICC

Posted on: May 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DUDA ang pamilya ng drug war victims  na magkakaroon ng progreso ang kaso na may kinalaman sa kontrobersiyal na anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Dahil dito, nanawagan ang mga ito sa  International Criminal Court (ICC) na ituloy lamang ang imbestigasyon sa nasabing anti-drug campaign ng nakalipas na administrasyon.

 

 

Sa 20-pahinang report na may petsang Mayo 22, sinabi ng ICC na nakatanggap ito ng representasyon na isinatinig ang pananaw at concerns ng 350 individual victims at 165 pamilya kaugnay sa nagpapatuloy na apela sa proceedings.

 

 

Ang consultation process sa mga pamilya, isinagawa ng Victims Participation and Reparations Section,  natuklasan ng mga ito na “unanimously and strongly urge” ang ICC  na ituloy ang Jan. 26 decision  kung saan pinapayagan ang  prosecutor office ng korte na ipagpatloy ang imbestigasyon sa madugong drug campaign.

 

 

Ang alegasyon pa ng mga biktima ay nagpapatuloy di umano  ang war on drugs  sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Sinabi ng ICC  na “the victims also rejected the grounds of appeal submitted by the government, raising the need for a “genuine investigation” to obtain justice.

 

 

Binigyang diin pa rin ng mga ito na  ipinakita lamang ng ahensiya ng pamahalaan sa PIlipinas ang pagtutol nito laban sa tangkang makuha ang pagkilala na ang drug killings ay hindi  kontrolado ng batas.

 

 

“The lack of a government inquiry into the widespread killings and abuses significantly impacts the rights of victims, and in particular, denying them the opportunity to identify, prosecute, and punish the perpetrators of these grave crimes against humanity,” ayon sa dokumento.

 

 

Hinambalos din ng mga pamilya ang mga awtoridad sa mga nakalipas na pahayag ng mga ito na mga biktima ay  “collateral damage” sa sinasabing police operations.

 

 

Nagpahayag naman ng pag-aalala ang mga pamilya ng  mga biktima para sa kanilang buhay sabay sabing “the police “continue to harass and intimidate victims in their own homes and communities.” (Daris Jose)

Pagpapalabas ng P25.16-B para sa 8.4M indigents’ health insurance, aprubado ng DBM

Posted on: May 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAKATATANGGAP ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng  P25.16 billion para sa  one-year health insurance premiums  ng mahigit sa 8 milyong Filipino indigents.

 

 

Ito’y matapos na magbigay ng “go signal” si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman  na ipalabas ang P25,157,547,000 para sa insurance premiums ng 8,385,849 kuwalipikadong indigents na naka-enroll sa  PhilHealth.

 

 

Nauna rito, inaprubahan ng Kalihim ang  Special Allotment Release Order (SARO).

 

 

Sinabi ng DBM  na ang inaprubahang pondo ay huhugutin mula sa authorized allotments sa  2023 General Appropriations Act.

 

 

Tinuran ni Pangandaman na ang pagpapalabas ng pondo ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Marcos na magbigay ng “affordable health care” para sa lahat ng mga Filipino.

 

 

“President Ferdinand R. Marcos Jr. mandated his Cabinet to ensure that Filipinos are provided with affordable health care,” ayon sa Kalihim.

 

 

“Pinamulat sa atin ng pandemya ang kahalagahan ng mas matatag na health care system, kaya’t pinagsisikapan po natin na ilapit ito sa ating mga kababayan, lalong-lalo na po sa mga higit na nangangailangan ,” dagdag na wika nito.

 

 

May mandato naman ang  state insurer na pangasiwaan ang National Health Insurance Program, naglalayong magbigay ng  health insurance coverage at tiyakin  ang “affordable, acceptable, available, at accessible health care services” para sa lahat ng mga Filipino. (Daris Jose)

Ads May 27, 2023

Posted on: May 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments