• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 29th, 2023

Ads May 29, 2023

Posted on: May 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Sa category na Outstanding Asian Star: DENNIS, BARBIE at JULIE ANNE, nominated sa ‘Seoul International Drama Awards 2023’

Posted on: May 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MABILIS ang sagot ni Beauty Gonzalez, nang tanungin siya sa mediacon ng bago niyang project sa GMA Network, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,” kung ano ang naramdaman niya nang i-offer sa kanyang makatambal si Senator Bong Revilla, sa action-comedy series?

 

 

“Kilig at excitement,” nakangiting sagot ni Beauty.

 

 

“It’s an honor to paly opposite Senator Bong, he’s an icon, a star, a senator, iniisip ko agad, kung paano ako makipag-interact sa kanya, dahil first time naming magkakatrabaho, first time din akong gagawa muli ng comedy, dahil matagal na iyong nakagawa ako ng comedy.

 

 

“This time ipapakita ko naman ang comedy side ko. But he’s mabait, very open to suggestions, lahat tinatanong niya, kung okey kami sa pagtatrabaho.

 

 

And may daughter, Olivia is excited na akong mapanood na nagpapatawa.”

 

 

Si Beauty ang sumisigaw ng “Tolome” sa mga eksena na kapag narinig nito na sumisigaw ang asawang si Gloria ay nanginginig na.  Ilan sa mga kasama sa action-comedy series ay sina Carmi Martin, Max Collins, Nino Muhlach, Jeric Raval, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Nikki Co at ang batang si Raphael Landicho na napapanood din sa “Voltes V: Legacy.

 

 

Mapapanood na ang action-comedy series every Sunday, simula sa June 4, 2023, 8:50 PM.

 

 

                                                            ***

 

 

PATULOY pa ring namamayagpag ang historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra, na hanggang sa ngayon ay sinusubaybayan pa rin sa Netflix, PH.

 

 

This time, after winning the bronze award sa New York Festivals TV & Film Awards, ay kasali sa nominations ang mga lead stars na sina Dennis Trillo, Barbie Forteza at Julie Anne San Jose sa Outstanding Asian Star category at the Seoul International Drama Awards 2023.

 

 

Pwedeng sumali sa botohan ng mga nominated stars, i-download lamang ang IdolChamp app.  Voting will run from June 15 to July 14!

 

 

Tamang-tama na nasa South Korea ngayon sina Barbie at co-star niya sa #MCI na si David Licauco, na nagsu-shooting ng first movie nila together, ang “That Kind Of Love,” at pwedeng makatulong iyon para sa mga Koreans na makilala si Barbie na iboto siya at sina Julie Anne at Dennis.

 

 

Wala pa silang binanggit kung kailan magaganap ang awards night.

 

 

                                                            ***

 

 

PARA raw siyang nanganganay muli, natatawang sabi ni Jennylyn Mercado sa “Chika Minute,” ngayong ready na siya muling-magbalik trabaho sa taping ng GMA Primetime series na “Love.Die.Repeat.” na pinagtatambalan nila ni Xian Lim.

 

 

“After two years na napahinga ako dahil sa pagbubuntis at pagsisilang ko sa baby girl namin ni Dennis na si Dylan Jhade, naging abala naman akong maging housewife kay Dennis at Nanay sa tatlo naming anak,” dagdag pa ni Jen.

 

 

“Kaya ngayong balik-taping na ako, para bang nagsisimula ulit ako tulad noong manalo ako sa “StarStruck.”

 

 

Nakipag-usap na rin pala si Jennylyn sa kanyang talent management at may pinag-usapan na silang gagawing bagong project.

 

 

Very soon ay mapapanood na rin ang “Love. Die. Repeat.” dahil matatapos na rin ang top-rating GMA Primetime series ni Xian na “Hearts On Ice,” with Ashley Ortega.

 

 

***

 

 

GRATEFUL and blessed ang feeling ni Sunshine Cruz na dire-diretso ang mga work niya,

 

 

Katatapos lamang mapanood si Sunshine sa “Underage” sa GMA Afternoon Prime, at nakasama na siyang mag-taping ng “Unbreak My Heart,” ang first collaboration series ng GMA Network, ABS-CBN Entertainment at Viu, na mag-shoot sa Milan.

 

 

“Guest scene lang ang unang offer sa akin ng teleserye, sabi ko sige na kahit guest lang,” kuwento ni Sunshine.

 

 

“Pero thank God na I got a good news, pag-uwi ko rito from Milan,  makakasama na raw ako sa cast, regular cast.  So another blessing for me.

 

 

“It’s a dream come true to be able to work with, Jodi (Sta. Maria), Papa Chen (Richard Yap), Gabbi (Garcia) and Joshua (Garcia).  Kailangan ko talaga ang work dahil sa tatlong anak ko.”

 

 

But happy ang actress na okey na sila ng dating asawang si Cesar Montano.  Nakikita raw niya ang saya ng mga anak everytime na magkakasama sila with Cesar at girlfriend nitong si Kath, in important occasions.

(NORA V. CALDERON)

Pinag-uusapan ang kissing scenes sa ‘Unbreak My Heart’: JOSHUA, malaki ang pasasalamat sa pagtitiwala nina GABBI at JODI

Posted on: May 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA guesting ni Joshua Garcia sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, ikinuwento ng Kapamilya actor kung papaano nila pinaghandaan ni Jodi Sta. Maria ang kanilang torrid kissing scenes sa inaabangang drama series na “Unbreak My Heart” na first-ever collaboration ng GMA Network, ABS-CBN Entertainment at Viu.

 

 

Hindi naman first time na gawin ni Joshua ang kissing scene pero first time niyang maka-love scene si Jodi.

 

 

“Akala ko kasi challenging siya, mabuti na lang dumaan kami sa sensuality workshop with an international sensuality workshop,” kuwento niya kay Tito Boy, na kung saan tinawag siyang ‘one of the most brilliant actors of his generation’.

 

 

“Natulungan kami, naging detalyado kami Tito Boy the way we kiss, kung gaano katagal,”

 

 

Dagdag pa niya, “Doon kasi sa sensuality workshop, doon mo malalaman ‘yung kung hanggang saan lang ang limit mo, kung hanggang saan ang puwede mong hawakan, puwede mong halikan, gaano katagal, sobrang detailed. Kung may tongue ba ‘yan, without tongue, lahat.”

 

 

Tanong ni Tito Boy, “may tongue ba?” Na agad na sinagot ni Joshua na, “wala.”

 

 

Tinanong din si Joshua, kung pareho lang din ang estilo niya ng paghalik sa tunay na buhay at sa pelikula o serye.

 

 

“Oo, Tito Boy. Ang difference lang siguro is, dito kasi walang tongue. Sa totoong buhay, you can use your tongue,” sabi pa ni Joshua.

 

 

Dugtong pa ng aktor, “grabe, sobra ang pasasalamat ko kina Gabbi at Jodi sa pagtitiwala sa akin. Kasi importante yun na may tiwala ka sa partner mo. At yun pagkatiwalaan nila sa ako sa eksena na halikan sila.”

 

 

Makakasama nga nina Joshua at Jodi sina Gabbi Garcia at Richard Yap sa “Unbreak My Heart.” Ipalalabas ang romantic-drama series ngayong gabi, Mayo 29 sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies sa 9:35 PM mula Lunes hanggang Huwebes, 11:25 PM sa GTV, at available din ito sa GMA Pinoy TV at TFC.

 

 

Samantala, nagsimula na ang streaming nito noong Sabado, Mayo 27 sa GMANetwork.com, iWantTFC, at sa 16 territories sa labas ng Pilipinas sa Viu.

 

 

Ang “Unbreak My Heart,” na kinunan sa mga magagandang lokasyon ng Switzerland, Italy, at Pilipinas, ay sa direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Dolly Dulu at ginawa ng Dreamscape Entertainment.

 

 

Kasama rin sa star-studded cast ng serye ang mga beterano sa industriya na sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, at Victor Neri, kasama sina Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap, at Mark Rivera, at upcoming young actors na sina Will Ashley, Jeremiah Lisbo, at Bianca de Vera.

 

 

Ang opisyal na soundtrack ng “Unbreak My Heart” ay magtatampok ng mga kanta nina Christian Bautista, Bey, at Moira dela Torre.

 

 

Huwag palampasin ang pilot episode ng “Unbreak My Heart” sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, and I Heart Movies ngayong 9:35 PM, 11:25 PM sa GTV, at puwede ring mag-stream ng advance episode sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu. Mapapanood din ang serye sa GMA Pinoy TV at TFC.

(ROHN ROMULO)

1 milyong relief items kasado na – DSWD

Posted on: May 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY isang milyong relief items ang inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na posibleng tamaan ng papasok na bagyong Mawar.

 

 

Ito ang iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatcha­lian sa isinagawang inter-agency meeting ng NDRRMC na bahagi ng preparedness measures ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay Gatcha­lian, bukod sa family food packs (FFPs) ay mayroon na ring 307,664 non-food items (NFIs) ang naka-posisyon sa strategic locations at warehouses sa iba’t ibang rehiyon pati na sa DSWD National Resource O­perations Center (NROC) at Visayas Disaster Resource Center (VDRC).

 

 

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na masigurong nakahanda na ang augmentation support ng DSWD sa mga LGU na maapektuhan ng super typhoon.

 

 

Nagpasalamat naman ang kalihim sa Department of National Defense (DND) sa tulong nito para maihatid ang relief packs sa Batanes na isa sa mga lalawigang tinututukan ng pamahalaan.

 

 

Sa ngayon, tuluy-tuloy na ang pakikipag-ugna­yan ng DSWD sa mga concerned LGUs upang masiguro ang sapat na tulong na ipagkakaloob sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo. (Ara Romero)

Supplies allowance para sa mga public school teachers dapat tiyakin – Senador

Posted on: May 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS  aprubahan sa huli at ikatlong pagbasa ang Kabalikat sa Pagtuturo Act (Senate Bill No. 1964), binigyang diin ni Senador Win Gatchalian na napapanahon na ang batas para gawin nang pamantayan ang pamimigay ng teaching allowance para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.

 

 

Nakasaad sa panukalang batas ang pagkakaloob ng teaching allowance na maaaring gastusin para sa kagamitan na kailangan sa pagtuturo, kabilang ang bayad sa iba pang mga incidental expenses, at ang pagpapatupad ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo na kinikilala ng Department of Education (DepEd.)

 

 

Para sa School Year 2023-2024, isinusulong ang teaching supplies allowance sa halagang P7,500 kada guro. Tataas sa halagang P10,000 ang naturang allowance simula SY 2024-2025.

 

 

Paliwanag ni Gatchalian, pumasa na sa Senado ang kaparehong mga panukala noong 17th and 18th Congress.

 

 

Kaya naman dapat maging prayoridad ngayong 19th Congress ang pagsasabatas ng naturang panukala.

 

 

Ayon pa kay Gatchalian, bagama’t napopondohan naman ng Kongreso ang pagkakaloob ng teaching supplies allowance sa ilalim ng national budget, matitiyak ng batas na matatanggap ng mga guro taon-taon ang naturang allowance. (Daris Jose)

RACECAR DRIVER JANN MARDENBOROUGH TALKS ABOUT HIS TRUE STORY IN “GRAN TURISMO” VIGNETTE

Posted on: May 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HE dreamed the impossible to become an elite racer – experience the inspiring true story in Gran Turismo, exclusively in cinemas August 2023. Watch “The True Story” vignette: 

 

YouTube: https://youtu.be/CuZjzfLo5Mc

About Gran Turismo

 

 

 

Based on the true story of Jann Mardenborough, the film is the ultimate wish fulfillment tale of a teenage Gran Turismo player whose gaming skills won a series of Nissan competitions to become an actual professional racecar driver.

Directed by Neill Blomkamp, screenplay by Jason Hall and Zach Baylin, based on the PLAYSTATION STUDIOS video game.

Produced by Doug Belgrad, Asad Qizilbash, Carter Swan, Dana Brunetti. The executive producers are Kazunori Yamauchi, Herman Hulst, Jason Hall, Matthew Hirsch.

The cast is led by David Harbour, Orlando Bloom, Archie Madekwe, Darren Barnet, Geri Halliwell Horner and Djimon Hounsou.

In Philippine cinemas August 2023, Gran Turismo is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #GranTurismoMovie

(ROHN ROMULO)

LGUs maghanda sa super typhoon – Marcos Jr.

Posted on: May 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na paghandaan ang mga posibleng pag-ulan at pagbaha na maaaring idulot ng super typhoon Mawar.

 

 

Muling tiniyak ng Pangulo sa publiko na naka-standby ang disaster council sa pagpasok ng super typhoon.

 

 

Ayon kay Marcos, inilagay na ng gobyerno ang mga relief goods sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng Mawar, karamihan sa hilagang Luzon.

 

 

Binanggit ni Marcos na inaasahan ng state ­weather forecaster na palakasin ni Mawar ang habagat at magdadala ng mga pag-ulan sa ibang mga lugar, kahit na hindi ito inaasahang tatama sa lupa.

 

 

“Dito sa bagyong ito…although daraan lang north of the Philippines, apparently hihilahin niya ‘yung habagat para — and there is a chance na magkakaroon ng malakas na ulan pati hanggang — hindi lang southern Luzon, Visayas, pati baka Mindanao. Kaya’t we have already warned the LGUs to prepare in case of heavy rains and flooding.”

 

 

Ipinauubaya ni Marcos sa mga LGUs kung ano ang nararapat na gawin kasabay ang pagtiyak na nakaalalay sa kanila ang national government.

 

 

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na parehong handa ang manpower at relief assistance para sa mga posibleng paglikas dahil sa Bagyong Mawar. (Daris Jose)

Pagbili ng submarine, nananatili pa ring bahagi ng plano ng Pinas- PBBM

Posted on: May 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILI pa ring bahagi ng plano ng Pilipinas ang pagbili ng submarine matapos ang  development  ng  anti-submarine capabilitie nito.

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbili ng submarine ay ” still part of our plan,” sa isang ambush interview sa isinagawang pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng Philippine Navy (PN).

 

 

“But right now, we are in the middle of developing mostly our anti-submarine capabilities,” ayon  sa Pangulo.

 

 

“So ‘yun ang uunahin natin and then maybe, hopefully, when the time comes and the conditions are agreeable then we might be able to acquire those submarines,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang paliwanag ng Chief Executive,  ang pag-operate ng  submarine ay “very large commitment” na may kasamang makabuluhang operational requirements gaya ng pagsasanay at  iba pang equipment.

 

 

Isiniwalat din ng Pangulo ang alok mula sa ibang bansa na hindi lamang submarine acquisition kundi maging ang pagtatayo ng vessels sa Pilipinas.

 

 

“Malaking bagay ‘yun if they are built here and we can actually build submarines here and provide those submarines to other countries and then that’s another source of jobs and of income and increase capability for our Navy,” aniya pa rin.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa anibersaryo ng PN, binigyang diin nito ang pangangailangan na igarantiya ang suporta para sa modernisasyon ng  Armed Forces of the Philippines habang ang military ay tinatrabaho na ilipat ang kanilang atensyon sa  external defense.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na umaasa siya na makukumpleto ang  Horizon 3 ong  AFP Modernization, na nakatuon sa  naval aspect  ng military operations, kasunod ng pag-komisyon ng dalawang  fast attack interdiction craft-missile platforms. ito ay ang BRP Gener Tinangag at BRP Domingo Deluana. (Daris Jose)

May announcement pa na dapat abangan: DINGDONG, isa sa dream project ang MMFF movie kasama si MARIAN

Posted on: May 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAY announcement daw ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na dapat abangan.

 

 

 

Hindi pa niya sinabi kung ano ito, although may ideya kami, hindi na namin ipi-pre-empt pa.

 

 

 

Grabe lang si Dingdong ngayon na bukod sa kinailangan na mag-break muna ang “Family Feud”, dahil sabay-sabay talaga ang mga projects niya, may mga unannounced pa siya na gagawin this year at sunod-sunod din ang mga endorsements niya.

 

 

 

Sinigurado naman ni Dingdong na magbabalik ang highest rating game show sa bansa, at break lang talaga. Most likely raw, ang hindi nito makakasabay ay ang bago niyang primetime series na airing na ngayong June, ang “Royal Blood.”

 

 

 

As for “The Voice Generation”, baka ito raw ang makasabay muli ng “Family Feud” for the last quarter. Sinagot ito ni Dingdong kung iniisip man na kaya magbi-break ang Family Feud dahil sa bagong hosting show niya.

 

 

 

Eh, bukod dito, meron pa rin siyang “Amazing Earth”. At ginagawang movie under GMA News and Public Affairs, ang “Firefly.” As for the movie na pagsasamahan nila ni Marian Rivera for MMFF, wala pa raw siyang masasabi rito, pero ayon kay Dingdong, isa ito sa dream project niya.

 

 

 

At ito nga, ang bonggang endorsement niya na Italian brand na POLICE eyewear and watch. Si Dingdong lang naman ang first and only Filipino Global brand ambassador ng brand.

 

 

 

At 40th years na ang POLICE at may event ito sa Japan na dadaluhan ni Dingdong at posibleng makakasama niya ang iba pang brand ambassador tulad ni Liam Hemsworth.

 

 

***

 

 

NAKAUSAP namin si Max Collins sa mediacon ng bagong sitcom ng GMA-7, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” kunsaan, tila may “triangle” sila nina Senator Bong Revilla at Beauty Gonzalez.

 

 

 

Nilinaw naman ni Max na hindi naman kontrabida ang role niya sa sitcom. Sabi namin dito, e, bida siya sa halos lahat ng ginagawa niyang teleserye sa network.

 

 

 

“Dito sa ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’, I play the role of entrepreneur, isa siyang fashionista na medyo may pagka-down-to-earth at sa isang event, makikilala niya si Tolome (Bong) and do’n siya magkakaroon ng feelings para sa kanya kasi, sinave siya ni Tolome.

 

 

 

“Pero, hindi siya kontrabida, parang isa siya sa mga obstacles na pagdadaanan ng couple. You will see,” sey naman niya.

 

 

 

Sa teleserye naman, may naka-line-up na raw siya, pero ayaw muna raw niyang magpa-una na mag-announce.

 

 

 

Natatawang sabi naman ni Max, kahit daw sa social media niya tulad ng Instagram account niya na parang palagi siyang nasa iba’t-ibang lugar, ang totoo raw, madalas na taong bahay lang din naman siya.

 

 

 

“I go everywhere, but really, I’m just at home. But for me, social media is very much like a branding tools. I like to show people that I have a colorful world, but really, I’m just in Manila with my son.

 

 

 

“Pero gano’n po ang labanan ngayon, updated. But yes, I’m really in Boracay most of the time.”

 

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, Max is really from Boracay kaya may family at business din daw siya ro’n. Sa isang banda, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay ngayong June 4 na ang pilot airing.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

P70M sa COVID-19 funds napunta sa ‘ineligible’ beneficiaries-COA

Posted on: May 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG P70 milyong piso ng  COVID-19 response funds ng gobyerno ang hindi napunta sa mga eligible beneficiary.

 

 

Ito ang nakasaad sa ilalim ng Performance Audit Report sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Commission on Audit (COA), isang government program na nagbibigay ng financial support sa mga apektadong manggagawa sa panahon ng pandemya.

 

 

Sinabi ng COA na P70.26 million CAMP fund ay ibinigay sa 14,052 benepisaryo  kung saan  6,214 ang  “ineligible” habang  7,838 naman ay “probably ineligible beneficiaries” dahil nakatanggap na ang mga ito ng financial assistance mula sa ibang financial support programs ng gobyerno gaya ng Small Business Wage Subsidy Program ng Social Security System (SSS) at Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang kanilang monthly gross salary  ay “above the P40,000 threshold.”

 

 

“Based on the interview, DOLE (Department of Labor and Employment) only relied on applicants’ self-declaration since there was no available and complete centralized database that would serve as a basis for determining whether an applicant already received financial assistance from other programs,” ayon sa COA.

 

 

“In addition, only the DOLE, Department of Finance (DOF), and SSS were able to have a data sharing agreement on their beneficiaries,” dagdag na pahayag ng COA.

 

 

Tinukoy naman ng COA na sa ilalim ng ipinatutupad na Guidelines ng Bayanihan 2 Law, “the subsidies or benefits received from existing financial assistance programs  will be taken into consideration in the computation of the subsidy or benefit to be received to prevent double dipping or unauthorized receipt of multiple subsidies.”

 

 

Idagdag pa rito, ang CAMP-Bayanihan 2 guidelines na ipinalabas ng DOLE  ay mayroong  listahan na nage-enumerate ng “exclusions” para maging kuwalipikado  mula sa para pigilan ang pamamahagi ng financial assistance sa ineligible beneficiaries na inilarawan sa Bayanihan 2 law.

 

 

Sinabi ng COA na  “comparison of CAMP-Bayanihan 2 (beneficiaries information including SAP self-declaration) and SBWS data revealed that  a total of 33 beneficiaries received financial assistance from three government programs, and that these 33 beneficiaries had received a total of P566,000 from CAMP-Bayanihan 2 and SBWS program.”

 

 

Ginagamit din ng COA  ang self-declaration ng aplikante mula sa CAMP-Bayanihan 2 data para ma- identify  kung ang isang benepisaryo ay nakatanggap ng SAP.

 

 

Gayunman, hindi naman madetermina ng COA kung ang 33 benepisaryo  ay nakatanggap ng SAP dahil sa kakulangan ng dokumento.

 

 

“The comparison of CAMP Bayanihan 2 and SBWS data also showed that  6,181 received CAMP Bayanihan 2 financial assistance amounting to P104.61 million, and that 52 of the 6,181 beneficiaries received both CAMP-Bayanihan 2 and SBWS aid,” ayon sa COA.

 

 

Ibinalik naman ng 52 benepisaryo ang kanilang subsidies/financial assistance sa Social Security System na mula P5,000 hanggang P17,117 na may kabuuang P472,153.

 

 

“In our analysis and the result of interview, we noted that approval of the ineligible beneficiaries (also recipients of SBWS Program) was due to : a) manual cross matching of FO evaluators on the list of SBWS beneficiaries; b) delayed provision of the list; c) lack of awareness of some DOLE regional and field office evaluators on the list of SBWS Program beneficiaries provided by SSS; and d) voluminous applications received and evaluated,” ayon sa COA. (Daris Jose)