• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 7th, 2023

Isinuko na ang lahat sa Diyos: GARDO, inakalang lilisanin na ang mundo nang ma-stroke

Posted on: June 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Gardo Versoza na inakala niyang lilisanin na niya ang mundo nang atakihin siya sa puso noong Marso.

 

 

Binalikan ng aktor ang naturang karanasan kung saan nalaman ng mga duktor na barado ang kaniyang dalawang ugat na konektado sa puso.

 

 

“Umabot ako dun sa point na parang about to leave this world,” sabi ni Gardo tungkol sa naranasang pagsailalim niya sa angioplasty para alisin ang bara sa mga ugat.

 

 

Ayon kay Gardo, nang mga sandaling iyon, isinuko na raw niya ang lahat sa Diyos.

 

 

“Ganun pala ‘yung feeling na parang akala ko before nakakanerbyos,” saad niya. “Pero come to think of it, parang bibigay mo na lahat kay Lord eh.

 

 

“‘Yung nga ‘yung pinagdasal ko na, ‘If ever man na this is my time, Kayo na pong bahala dun sa mag-ina,” patungkol ng aktor sa asawa niyang si Ivy Vicencio at anak kanilang nag-iisang anak.

 

 

Ayon kay Gardo, hindi niya alam na mayroon siyang problema sa puso dahil active ang kaniyang lifestyle at maingat din sa kaniyang mga kinakain.

 

 

Gayunman, hindi raw siya regular na sumasailalim sa medical checkup na isa sa mga aral na natutunan niya.

 

 

“Feeling ko parang in a way baka rin ginamit akong instrumento ng Panginoon na kumbaga mai-share sa iba na ‘wag n’yong balewalain kasi hindi biro ‘yun,” ayon kay Gardo.

 

 

***

 

 

PINILAHAN ng kanilang fans ang lead cast ng bagong kilig series ng GMA na ‘Love At First Read’ sa ginanap na Philippine Book Festival nitong Sabado, June 3.

 

 

Ang Sparkle sweethearts at lead stars ng nasabing series na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ang nanguna sa pagpapasaya ng kanilang fans at book enthusiasts sa nasabing event.

 

 

Kasama ng MavLine ang kapwa Sparkle stars na sina Therese Malvar, Mariel Pamintuan, Bruce Roeland, Larkin Castor, Josh Ford, at Gueco twins na sina Gabby at Kiel Gueco.

 

 

Ang ‘Love At First Read’ ay ang second installment ng Luv Is series, na TV adaptation ng hit Wattpad novel na may parehong titulo. Ito rin ay ang collaboration project ng GMA Network at ng Wattpad Webtoon Studios.

 

 

Sinagot din ng cast ang ilang katanungan ng kanilang fans tungkol sa kanilang mga karakter sa nasabing series.

 

 

Maraming fans ang pumila upang makakuha ng autograph mula sa kanilang mga iniidolong Sparkle stars.

 

 

Sa nasabing event, ipinalabas ang ilan sa mga teasers ng Love At First Read. Abangan ang world premiere ng Love At First Read ngayong darating na June 12 sa GMA.

 

 

***

 

 

MAGPE-PERFORM sa San Diego Pride Festival si Jake Zyrus kasama ang American Idol season 7 runner-up na si David Archuleta.

 

 

Magaganap ang two-day pride event on July 15 and 16 sa Balboa Park at kasama rin ang mga musical artists na sina Princess Nokia, Saucy Santana, Pussy Riot, Moore Kismet, Whatever Mike, The Illustrious Blacks, Jimbo, Darienne Lake, Naysha Lopez, and many more.

 

 

Nag-out si Jake (formerly Charice Pempengco) noong 2017 at simula noon ay ginamit na niya ang kanyang platform para sa mental health awareness sa LGBTQIA+ community.

 

 

Nag-out naman si David noong 2021 at naging advocacy na niya ang magkaroon ng respect at safe space para LGBTQIA+ community kunsaan puwede nilang i-share ang kanilang mga kuwento na walang maranasan na abuse at injustice.

 

(RUEL J. MENDOZA)

CATCH SNEAK PREVIEWS OF “THE FLASH” NATIONWIDE JUNE 13 BEFORE ITS WIDE RELEASE

Posted on: June 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MANILA, June 5, 2023 – It’s barely a week before “The Flash” opens in cinemas! Want to watch it ahead of everyone else? Catch a sneak preview in select cinemas nationwide on the evening of June 13, one day before the film opens wide across the Philippines. Hurry and book your tickets!

If you need more convincing, here are five top reasons why The Flash movie is a must-see.

Watch the final trailer: https://www.youtube.com/watch?v=kfpai9SpkY4

Electrifying action

There’s plenty of action happening at breakneck speed in “The Flash.” With two speedsters running around to save the world, we can’t expect anything less. Add to that more than one Batman, one very awesome Supergirl, and an alien baddie with lots of evil lackeys intent on annihilating our world – from start to finish, there’s never a dull moment.

Trippy time travel

When Barry uses his superpowers to travel back in time to save his mom, he inadvertently alters the future and turns it into one where the villainous General Zod has returned threatening Earth’s annihilation, and there are practically no superheroes to turn to. Barry must then rely on his younger self (“This is mad trippy…” says college-age Barry after seeing future Barry) and a retired Batman to help him make things right.

Classic Batman

“It’s like bringing back a classic,” says “The Flash” director Andy Muschietti of bringing back Michael Keaton as Batman. Keaton played the first Batman in Warner Bros. Batman film franchise, in the two films directed by Tim Burton, in 1989 and 1992. Fans are very excited to see Keaton as the superhero again, but they’re not the only ones hit with nostalgia. “The first time Michael Keaton came to see the Batcave, he was so shocked that he actually filmed it to send to Tim Burton,” shares producer Barbara Muschietti.

Watch “THE FLASH: Batman Returns, Again! Featurette”: https://youtu.be/ywueGN9UL-w

The humor

Funny lines, comical meet-cutes, easy chemistry between the cast – this movie will make you laugh… and laugh some more.

Heart… lots of it

But despite all the funny moments, “The Flash” has a very deep emotional core. Take it from best-selling author Stephen King, who Tweeted this reaction after an early screening of the film: “As a rule I don’t care a lot for superhero movies, but this one is special. It’s heartfelt, funny, and eye-popping. I loved it.”

The ticketing site for “The Flash” is already live at https://www.theflashmovie.com.ph/. Don’t forget to calendar your “The Flash” movie date!

Warner Bros. Pictures presents a Double Dream/a Disco Factory production of an Andy Muschietti film, “The Flash.” It will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures and is set to open in theaters across the Philippines beginning June 14, 2023. Sneak previews are available on June 13.

Join the conversation online and use the hashtag #TheFlashMovie

(ROHN ROMULO)

Maharlika Fund, magiging fully operational bago magtapos ang 2023

Posted on: June 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na magiging “fully operational” ang Maharlika Investment Fund (MIF), “very first sovereign wealth fund” ng Pilipinas  bago matapos ang taon.

 

 

Kumpiyansang ipinahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Maharlika Fund bill,  matapos na aprubahan ng Kongreso noong nakaraang linggo, in-adopt ang bersyon ng Senado sa  bicameral conference committee meeting, ay nakatakdang tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago niya  ihayag ang kanyang pangalawang  State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo  24.

 

 

Ang panukalang batas na ito ay nakatakdang “i-enroll at i-transmit para sa approval at lagda ng Chief Executive.

 

 

“Once enacted into law, We’re expected to prepare the IRR [implementing rules and regulations]. We’re expected to look for people to man the MIC [Maharlika Investment Corporation],” ayon kay Diokno.

 

 

Ang MIC,  isang government-owned company, ang mangangasiwa ng  sovereign wealth fund, MIF—”a pool of funds sourced from state-run financial institutions that will be invested in high-impact projects, real estate, as well as in financial instruments.”

 

 

“That’s the direction and I see this to be fully operational before the end of the year,” ani Diokno.

 

 

Nakasaad sa MIF bill  na ang Maharlika Fund  ay nilikha gamit ang “P50 billion mula sa  the Land Bank of the Philippines (LBP), P25 billion mula sa  Development Bank of the Philippines (DBP) at P50 billion mula sa  National Government.

 

 

Ang kontribusyon mula sa national government ay manggagaling mula sa “Bangko Sentral ng Pilipinas’ total declared dividends, National government’s share of the income of PAGCOR, Properties, real and personal identified by the DOF-Privatization and Management Office at Other sources such as royalties and/or special assessments.”

 

 

Sinabi pa ni Diokno na ang  MIF ay mayroong initial capitalization na  P75 billion  sa pagtatapos ng taon, manggagaling sa Landbank at DBP.

 

 

Winika pa ni Diokno  na ang  MIF bill ay nagbibigay ng “necessary safeguards” para panatilihin ang “transparency, accountability, fund integrity, at robust risk management.”

 

 

“We believe that the version crafted by our legislators will create a Fund that can accelerate investments in high-impact infrastructure and development projects,” ayon kay Diokno.

 

 

Samantala, kabilang naman sa mga pangunahing amyenda na ipinakilala sa panukalang batas ay “absolute prohibition of the use of funds from the Government Service Insurance System (GSIS), the Social Security System (SSS), the Philippine Health Insurance (PhilHealth) Corporation, Pag-IBIG, the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), and the Philippines Veterans Affairs Office (PVAO) in the capitalization and investments in the Maharlika Fund.” (Daris Jose)

Phivolcs, nagbabala sa patuloy na pagbuga ng gas ng Taal

Posted on: June 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN  ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko hinggil sa patuloy na ‘degassing acti­vity’ o pagbuga ng gas mula sa Bulkang Taal.

 

 

Sa Taal Volcano advisory ng Phivolcs nitong Linggo, nagkaroon nang pagbuga ng gas mula sa Taal, na sinabayan ng pagluwa sa lawa ng Main Crater na lumikha ng makapal na usok na umabot hanggang 3,000 metro mula sa Taal Volcano Island (TVI). Ito anila ay lumikha ng volcanic smog o vog sa kapaligiran ng bulkan.

 

 

“Naiulat ang vog ka­ninang umaga (Linggo) ng mga mamamayan ng Munisipyo ng Balete, Laurel at Agoncillo, Batangas. Nagbuga ang Taal Main Crater ng 5,831 tonelada kada araw na volcanic sulfur dioxide o SO2 gas noong 1 Hunyo 2023, mas mataas sa average na 3,556 tonelada kada araw nitong nakalipas na buwan,” dagdag pa ng Phivolcs.

 

 

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng Phivolcs ang publiko na ang vog ay binubuo ng mga pinong droplet na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic at maaaring magdulot ng pangangati ng mata, lalamunan at respiratory tract na may kalubhaan depende sa mga konsentrasyon ng gas at tagal ng pagkaka­lantad.

 

 

Ang mga komunidad na maaaring maapektuhan ng vog ay pinapayuhang limitahan ang mga aktibidad sa labas at sa halip ay manatili na lamang sa bahay.

 

 

Mas makabubuti ­anila kung puprotektahan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng N95 facemask.

 

 

Payo pa ng Phivolcs, uminom ng maraming tubig upang mabawasan ang anumang pangangati o paninikip ng lalamunan.

 

 

Dagdag pa nito, kung magkaroon ng paglala o matinding pagbabago sa mga monitoring parameters, maaaring itaas muli ang antas ng alerto sa Alert Level 2.

 

 

Babala pa ng Phi­volcs, sa kasalukuyang Alert ­Le­vel 1, maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas sa kapaligiran ng TVI. (Ara Romero)

Matutupad na ang wish ng fans niya: MARIAN, tuloy na tuloy na sa naudlot na project nila ni GABBY

Posted on: June 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FINALLY, ay matutupad na rin ang wish ng mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mapanood na siya sa isang teleserye.  

 

 

Matatandaan na noong bago niya ipagbuntis ang bunso nila ni Dingdong Dantes na si Sixto, dapat ay gagawin nila ni Gabby Concepcion ang “First Yaya,” pero hindi natuloy dahil nang dapat ay magsisimula na silang mag-taping ay nalaman nga ni Marian na she’s on the family way.

 

 

Natuloy din ang “First Yaya” pero si Sanya Lopez na ang gumanap dito at katambal din niya si Gabby.

 

 

Naging very successful ang “First Yaya” at nagkaroon pa ito ng part two, titled “First Lady” na ginampanan pa rin nina Gabby at Sanya.

 

 

Ayon sa lumabas na tsika ang title ng pagtatambalan nina Marian at Gabby ay “Against All Odds”, nagka-casting pa lamang ang GMA ng drama series na gagawin nila.

 

 

Ang bagong serye ang magsisilbing acting comeback ni Marian, after more than four years.

 

 

Napapanood lamang si Marian every Saturday, hosting the OFW documentary drama series na “Tadnana”, sa GMA-7.

 

***

 

NAG-post na si Director Mark Reyes sa kanyang Instagram ng bubuo ng kanyang creative team na naghahanda na para sa pagsisimula ng coming production na “Sang’gre” na spin-off ng “Encantadia.”

 

 

Caption ni Direk Mark:  “Game on #encantadiks! #sanggre production starts soon”

 

 

Last year pa binanggit ni Direk Mark ang update tungkol sa “Encantadia” spin-off project, na ikina-excite na ng mga Enkantadiks.  Nasundan pa ito ng post ni Bianca Umali na nagti-training with a pair of arnis sticks.  Kaya may mga nagsasabing tiyak na magiging part daw si Bianca ng “Sang’gre” na dating ginampanan nina Sanya Lopez at Diana Zubiri as Danaya sa “Encantadia.”

 

 

Ito nga kaya ang sinasabing, after ng “The Write One” na pinagtambalan nina Bianca at Ruru Madrid, Bianca will go solo again sa susunod niyang project sa GMA Network?

(NORA V. CALDERON)

Food stamp beneficiaries ng DSWD, obligadong mag-enroll sa job program ng DOLE at TESDA

Posted on: June 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

OOBLIGAHIN na ang mga food stamp beneficiaries ng Department of Social Welfare and Development na mag-enroll sa job programs ng Department of Labor and Empoloyment at Technical Education and Skills Developnment Authority.

 

 

Ito ay upang hindi masanay ang mga benepisyaryo na umasa lamang lagi sa ayuda na ipapaabot ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay DSWD Asec. Romel Lopez, layunin nito na tulungan ang mga benepisyaryo na makahanap ng kanilang mga trabaho sa tulong ng iba pang mga ahensya ng gobyerno.

 

 

Aniya, bukod sa DOLE at TESDA ay tutulungan din ng kanilang ahensya na makapag-enrol ang mga ito sa mga job-generating programs ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry upang makakuha pa sila ng iba pang mga necessary skills upang matutunan ng mga ito ang livestock farming at gayundin ang pagsasaka.

 

 

Kaugnay nito ay una nang ipinaliwanag ni DSWD Usec. Eduardo Punay ang mga requirements na ito ay layuning tuldukan ang “culture of dependency” ng mga Pilipino sa tulong pinansyal na ipinagkakaloob ng gobyerno.

 

 

Ayon sa DSWD, tinatayang aabot sa PHP40-billion ang budget na requirement para sa food stamps program kabilang na ang PHP3,000 kada buwan na allowance ng target na isang milyong mahihirap na pamilya. (Daris Jose)

Bukod pa sa pagtatambalan nila ni Aga: JULIA, ‘di big deal kung second choice sa movie nila ni ALDEN

Posted on: June 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAHAYAG ng Viva Films na tinanggap na ni Julia Barretto ang bago niyang project, ang “A Special Memory,” na pagtatambalan nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards. 

 

 

Ito iyong movie na dapat ay pagtatambalan nina Alden at Bea Alonzo, pero nag-beg-off si Bea dahil sa busy schedule nito. Maraming humanga kay Julia dahil hindi big deal sa kanya kung second choice lamang siya.

 

 

May isa pa kasing gagawing movie si Julia sa Viva na ang makakatambal naman niya ay si Aga Muhlach, titled “Forgetting.”

 

 

Ito muna ang uunahing gawin ni Julia habang hinihintay niya ang availability ni Alden.

 

 

May dalawang shows pa kasing gagawin si Alden sa GMA Network,  Magsisimula na siyang mag-taping ng bago niyang show sa GMA, iho-host niya ang isang musical competition titled “Battle of the Judges” na magsisimulang ipalabas middle of this month.

 

 

Isusunod dito ni Alden ang pagti-taping naman ng isang drama show sa GMA din.

 

 

***

 

SINA Cristine Reyes at Marco Gumabao, ang napili ng Viva Films na magtambal para sa remake ng dating pelikulang pinagtambalan nina Vilma Santos at Christopher de Leon, ang “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan.”

 

 

Nakasama noon nina Vilma at Boyet si Eddie Garcia.

 

 

Isa ang movie sa ipinahayag ni Vincent del Rosario sa mga upcoming projects ng Viva.  Ayon pa kay boss Vincent, nagawa na nina Cristine at Marco ang naturang project bago pa nila inamin ang tunay nilang relasyon.

 

 

Ang TV series ay mapapanood sa TV5, abangan natin ang announcement kung kailan magsisimula ang airing nito at kung sinu-sino pa ang bubuo sa cast.

(NORA V. CALDERON)

DOE, nanawagan nang mabilis na rollout ng electric vehicles

Posted on: June 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels.

 

 

“The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang kalatas.

 

 

Layon ng DOE ay maglunsad ng  2,454,200 electric vehicles, kabilang na ang mga kotse, tricycles, at motorsiklo, upang makatulong na mailigtas ang kapaligiran at makalikha ng investments para sa bagong industriya  sa  2028.

 

 

Ayon sa  DOE,  ang panawagan para sa mabilis na  pag-rollout sa mga  electric vehicles ay bilang pagsuporta sa inisyatiba ng Electric Vehicle Industry Development Act na lumikha ng  kaaya-ayang kapaligiran para sa development ng  electric vehicles sa bansa.

 

 

Para naman sa Department of Transportation, ginagawa na nito ang roadmap para sa paglipat ng transport sector sa electric vehicles.

 

 

Kinokonsidera naman ng DOTr ang pagbibigay ng tax incentives at soft loans sa mga transport operators upang sa gayon ay matulungan ang mga ito na lumipat sa electric vehicles. (Daris Jose)

BIR inadjust ang floor prices ng sigarilyo, vape products at iba pa

Posted on: June 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS  ang Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR) ng mga bagong tax update na nagre-regulate sa floor price ng Sigarilyo, Heated Tobacco, Vaporized Nicotine, at Non-Nicotine Products sa pamamagitan ng pag-isyu ng Revenue Memorandum Circular No. 49-2023 noong Mayo 5.

 

 

Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang BIR ay may mandato na magbbigay ng floor price ng sigarilyo, heated tobacco, vaporized nicotine, at non-nicotine products. Ang floor price o minimum retail price ng mga nasabing produkto ay ang kabuuan ng Production Cost o ang Total Landed Cost habang pinagsama ang kabuuang Excise Tax at Value-Added Tax (VAT) ng produktong tabako.

 

 

Binabalaan naman ng BIR ang mga matigas ang ulo ng mga nagbebenta ng mga produktong tabako sa mas mababang presyo kaysa sa pinagsamang Excise Taxes at VAT na ipinataw sa ilalim ng batas ay mahigpit na ipinagbabawal.

 

 

Ayon sa BIR, ang sinumang lumabag ay kakasuhan ng kaukulang multa sa ilalim ng mga kaukulang probisyon ng National Internal Revenue Code ng 1997. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Malawakang job fair, isasagawa ng DOLE sa araw ng kalayaan

Posted on: June 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS na ng Department Of Labor and Employment (DOLE) ang listahan ng mga lugar kung saan gaganapin ang job fair kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 araw ng kalayaan sa Hunyo 12, 2023.

 

 

Ayon sa DOLE na kabilang sa job fair dito sa Metro Manila ay sa Rizal gymnasium sa lungsod ng Pasig, Paranaque city hall gymnasium at ilang piling mall.

 

 

Halos lahat ng mga rehiyon sa bansa ay magsasagawa ng job fair.

 

 

Pinayuhan naman ng DOLE ang mga aplikante na magdala ng maraming mga resume at ilang mga kakailanganin para sa kanilang pag-apply ng trabaho.