• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 22nd, 2023

COA, pinuna ang Ormoc City dahil sa kabiguan na gamitin ang pondo para sa mga biktima ng Typhoon Odette

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAGAN ng pansin ng Commission on Audit (COA) ang Ormoc City government dahil sa kabiguan na gamitin ang P9 milyong halaga ng  financial assistance mula sa Office of the President (OP) na dapat sana’y para tulungan ang mga biktima ng Typhoon Odette noong December 2021.

 

 

Sa 2022 annual audit report ng  COA ukol sa Ormoc City, nakasaad dito na mayroong  P9 million financial aid para sa typhoon victims ang hindi ginamit bago pa “it was due for return” sa National Treasury noong  December 31, 2022.

 

 

“The P9 million is broken down to P4,702,177 charged against the Contingent Fund in 2021 and another batch worth P4,397,080 which was also charged to the Contingent Fund in the same year,” ayon sa COA.

 

 

“Further verification disclosed that funds under Batches 1 and 2 were not utilized. Neither were these reverted to the National Treasury on December 31, 2022,” ayon pa rin sa komisyon.

 

 

“In a hard copy submitted by the Accounting Office on the composition of the Due to National Government Agencies (NGAs) account under the subsidiary Ledger of the Office of the President, these funds were included thereto with the Remarks stating that the remaining funds are allocated for capital outlay projects per Local Disaster Risk Reduction and Management Fund Annual Investment Program for year 2022,” dagdag na pahayag ng COA.

 

 

Ang mga nasabing capital outlay projects para sa 2022 na ikinarga sa P9 million 2021 Contingent fund ay ang “communications equipment (P 6,200,500), disaster response and rescue equipment (P1,498,757), at technical and scientific equipment (P1.4 million).”

 

 

Sinabi ng COA na ang non-utilization ng  2021 contingent fund na ibinigay ng Office of the President (OP) para tulungan ang  typhoon victims ay salungat sa guidelines na nakasaad sa Sections 3.5 at 3.8 ng  Local Budget Circular No. 140, “hence depriving the constituents of the benefits of the rehabilitation and recovery from the effects of Typhoon Odette.”

 

 

Nakasaad sa Local Budget Circular No. 140 na “the financial assistance to LGUs should be used for disaster risk reduction and management, specifically for disaster response, rehabilitation, and recovery.”

 

 

Nakasaad dito na “the specific programs, projects, and activities (PPAs) that may be implemented should be consistent with the allowable PPAs prescribed under items 5.3, 5.4, and 5.5 of NDRRMC-DBM-Department of the Interior and Local Government Joint Memorandum Circular No. 2013-1 dated March 25, 2013.”

 

 

“The delay in the utilization of the fund transfers from the Office of the President for the qualified PPAs before it was due for return on the prescribed period deprived the intended beneficiaries of the benefits that could have been derived therefrom, specifically on rehabilitation and recovery after the devastation of Typhoon Odette. We recommended that the City Mayor direct the heads of the departments responsible, to submit justifications for non-utilization of the funds within the prescribed period,” ayon sa COA.

 

 

“We recommended that the City Mayor direct the heads of the departments responsible, to submit justifications for non-utilization of the funds within the prescribed period. Also, we recommended that the City Treasurer and City Accountant should prepare the disbursement voucher for the return to the National Treasury pursuant to Section 3.8 of LBC No. 140, the unutilized amount totaling P9,099,257,” dagdag na pahayag ng COA.

 

 

Taong 2021, si Richard Gomez ang Alkalde ng Ormoc City’. Siya ngayon ay Leyte representative.

 

 

Samantala, bilang tugon sa natuklasan ng COA, sinabi ng Ormoc City government na may ilang depekto sa procurement dahilan para maantala o magkaroon ng non-delivery mula sa  awarded supplier ng equipment na bibilhin mula sa pondo mula sa Contingent Fund ng OP.

 

 

“As a result, the Service Chief of the Technical Audit Services Group of COA Region 8 who also attended the exit conference advised the management on the proper procedure to rescind the contract/purchase order on this particular procurement and to blacklist said supplier for failing to deliver on time leading to the expiry of the utilization of the fund from the Office of the President,” ayon sa ulat.

 

 

“In addition, the Supervising Auditor advised the Ormoc City government to make representations with the source agency to possibly retain the fund so they could still use it for the intended purpose,” ayon pa rin sa ulat.

(Daris Jose)

Nurses sa Pinas mauubos na – DOH

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posibilidad na maubos na ang mga nurses na nagtatrabaho sa Pilipinas kung hindi maaampat ang patuloy na pag-alis nila patungo sa ibang bansa dahil sa mas malaking pasuweldo.

 

 

“I saw the figures, mas marami ‘yung umaalis kesa sa napo-produce natin [more nurses are leaving than what we are producing]. In a few more years, I don’t know how many but I think it can be counted by the fingers of one hand. In a few years, if we don’t do anything, maubusan tayo ng nurses,” ayon kay Health Secretary Ted Herbosa.

 

 

Sa record ng DOH, mayroong 44,602 doktor at 178,629 nurses ang nagtatrabaho sa Pilipinas. Malayo ito sa datos ng Professional Regulatory Commission na nagsasaad na mayroong 95,000 lisensyadong doktor at 509,000 lisensyadong nurses ang bansa.

 

 

Inamin naman ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI), na 40-50% ng kanilang mga nurses ang nag-resign sa loob ng nakalipas na dalawang taon para mangibang bansa.

 

 

Ito umano ang dahilan kung bakit bukas siya sa pagbibigay ng pansamantalang lisensya sa mga nurses na hindi pa nakakapasa sa board exams o kaya naman ay hindi pumasa sa unang pagsubok.

 

 

Sinabi ni Herbosa na sa kasalukuyan, nasa 4,500 plantilla position para sa mga nurses sa 70 pampublikong ospital sa buong bansa ang bukas. (Gene Adsuara)

SEA A WHOLE NEW WORLD WITH DREAMWORKS’ NEW YOUNG HERO “RUBY GILLMAN, TEENAGE KRAKEN” TO MAKE WAVES IN LOCAL CINEMAS

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DreamWorks’ latest coming-of-age YA movie “Ruby Gillman, Teenage Kraken” starring Lana Condor (from To All The Boys I’ve Loved Before franchise) in the titular role is about to make a big splash in cinemas nationwide starting June 28. 

 

 

 

“Ruby Gillman, Teenage Kraken” dives into the turbulent waters of high school with a hilarious, heartfelt action comedy about a quirky teenager who discovers that she’s part of a legendary royal lineage of mythical sea krakens and that her destiny, in the depths of the oceans, is bigger than she ever dreamed.  The kraken are sworn to protect the oceans of the world against the vain, power-hungry mermaids who have been battling with the kraken for eons.

 

 

 

Surfing through high school while trying to hide her true identity, Ruby, the eldest child of the Gillman clan and champion mathlete, might not be the coolest girl in school, but she is loved by her mega-selling realtor mom Agatha (played by Oscar® nominee Toni Collette, Knives Out) and laid-back supportive dad Arthur (Colman Domingo); even her little brother Sam (Blue Chapman) thinks she’s ok.

 

 

 

Lana Condor, the rising young star who won the hearts of audiences in the 2018 teenage rom com To All the Boys I’ve Loved Before, also found much to admire in Ruby, and she was thrilled to explore all of Ruby’s wonderful quirkiness playing the film’s title character. “Ruby is wildly earnest, and she has a very big heart,” Condor says. “She really values her friends, her family and her community. She is truly a good person. She’s wildly genuine, optimistic and steadfast. She’s quirky and shy and really wants to just be with her friends.”

 

 

 

Still, Ruby, ever the confrontation-avoider, always obeys her mom—until an embarrassing prom-posal goes awry and Ruby jumps into the ocean to rescue Connor from drowning. To her great astonishment, Ruby transforms beneath the water into a giant kraken. Realizing that her mother hasn’t told her the whole truth about their family, Ruby begins looking for answers about who she really is. Her search leads her to form an ill-advised friendship with Chelsea, who has a secret agenda of her own, and to bond with her larger-than-life Grandmamah, the kraken Queen (Academy Award® winner Jane Fonda) who is only too eager to see Ruby become her successor. But before she can assume the throne, Ruby has a lot to learn. She must find a way to overcome her inner doubt and to come to love and accept herself for who she is, no matter where she is. Only then can she become the authentic hero she was meant to be.

 

 

 

From the makers of unforgettable hit movies worldwide, “Ruby Gillman, Teenage Kraken is directed by Academy Award®-nominated filmmaker Kirk Demicco (Vivo, The Croods) and produced by Kelly Cooney Cilella, p.g.a. (Trolls World Tour, Trolls), with Faryn Pearl (The Croods: A New Age, Trolls World Tour) serving as co-director.

 

 

 

Follow Universal Pictures International (PH) on FB, IG and YouTube for updates.

(ROHN ROMULO)

PBBM, ilalagay sa tamang lugar ang ‘structural changes’ sa DA bago bumaba bilang Kalihim

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na  ilalagay muna niya sa tamang lugar ang “structural changes” sa Department of Agriculture (DA) bago pa bumaba bilang Kalihim ng departamento.

 

 

Ito’y upang matiyak ang food security sa bansa.

 

 

Sa isang panayam matapos ang formal turnover ceremony, idinaos sa Valenzuela City, ng 20,000 metriko tonelada ng urea fertilizers na dinonate ng Chinese government sa Pilipinas, sinabi ng Pangulo na simula nang maupo siya bilang Kalihim ng DA, nakagawa at nakapaglagay na siya ng ilang substantial changes para tugunan ang mga isyu sa sektor ng agrikultura.

 

 

“You know, the truth of the matter is…we have really managed to make some very important structural changes in the Department of Agriculture. So iniisa-isa natin ‘yan. The problem had been during the beginning of this year ay naging crisis lahat ng food supply, food prices, lahat fertilizer prices, et cetera. Kaya napakalaking bagay nitong donation na binigay sa atin ng China,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Ayon sa Chief Executive, iniisip na niya ang agriculture department na magkaroon ng episyente o mabisang sistema para masiguro ang food security bago bumaba sa puwesto bilang Kalihim ng departamento.

 

 

“Kaya’t ang aking hangarin para sa DA ay pag iniwanan ko ang DA by that time, we will have systems in place so that we can guarantee the food supply of the Philippines, number 1; we can guarantee that the prices are affordable; and, number 3, that our farmers make a good living,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Hangga’t matapos natin ‘yun, I suppose you will just have to put up with me as DA Secretary,”dagdag na wika nito.

 

 

Bilang kasalukuyang Kalihim ng DA, inilagay na niya sa tamang lugar ang emergency measures para suportahan at tulungan ang mga magsasaka.

 

 

“Ngayon, more or less, the prices of the agricultural commodities are beginning to stabilize. Now, we are going to make the structural changes that are important to increase production, number 1; to ensure the food supply of the Philippines, not only rice, but also corn, also fisheries, and livestock,” ayon sa Pangulo.

 

 

“So ‘yan ang ating mga ginagawa ngayon para naman hindi na tayo umabot sa krisis na sitwasyon kagaya ng nadatnan natin after the pandemic,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Sinisigurong magiging proud ang mga anak nila: DINGDONG at MARIAN, excited sa balik-tambalan sa family drama na ‘Rewind’

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN na ngang ipinabatid sa buong mundo, sa pamamagitan ng isang Facebook live ang pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang ‘Rewind’ na co-produced ng Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures.

 

 

Ayon sa head ng ABS-CBN Film Productions Inc. na si Kriz Gazmen ang mahalagang milestone na naabot na ng ‘Rewind’, na hindi nila inakalang mangyayari pa.

 

 

“This year, for ABS-CBN in particular, has been a year of collaborations. This is one of the many collaborations that we’re doing. So I’m just very, very proud because this is a film that you never thought would happen. ‘Di ba?

 

 

“A collaboration na parang years in the making kung alam niyo lang ‘yung behind the scenes kung paano siya nangyari,” pahayag ni Kriz.

 

 

Ni-reveal naman ni Box office director Mae Cruz-Alviar na 2020 pa dumating ang project, pero na-postpone dahil sa pandemic.

 

 

Say pa ni Direk Mae, “I think ‘yun ‘yung isa sa mga exciting parts. Na alam mong ang tagal and yet, here we are, we’re launching it now, and it’s the time for it. Kumbaga, in God’s perfect time.”

 

 

Ibinahagi naman ng mag-asawa kung bakit sila nag-go sa project na magbabalik sa kanilang tambalan sa pelikula, kahit na abala sa kani-kanilang schedule.

 

 

“Bawat kwento sa akin, bawat paglipat ko ng pahina doon sa script, parang walang tapon sa script eh. Walang dahilan para hindi ko ito gawin, especially alam ni Dong na every time na magka-partner kami, meron kaming moment na mas tumitibay kami.

 

 

“‘Ah may ganun pala siya’ so may bagong nadi-discover sa kanya na lalo akong nai-in love,” kuwento ng mommy nina Zia at Sixto.

 

 

“Sabi ni Direk (Mike Tuviera) sa ’kin, ‘Yan, may soap ka, may ganito ka, sure ka?’ Sabi ko ‘Hindi, gagawin ko ‘yan kahit mahirapan ako sa schedule.’”

 

 

Ayon naman kay Dingdong, noon pa man ay gusto na nila ni Marian na gumawa ng isang proyekto na pareho nilang ipagmamalaki at dumating na nga ito, ang ‘Rewind’ na sa pagbabahagi ni Direk Mae, isa itong family drama with a touch of magical realism and it’s all about second chances.

 

 

Say ni Dong, “Siyempre bukod sa makakasama ko siya, makaka-collaborate ko ang mga mahuhusay na creators, eh ang gusto na rin namin na pinipili namin ay maging proud kami sa mga anak namin.

 

 

“Ganitong klaseng pelikula at kwento ang gusto naming malaman sa mga manonood. And it is a family movie.”

 

 

Dagdag naman ni Marian, “Sa madaling salita, ito ‘yung klase ng pelikula na alam naming magiging proud ‘yung mga anak namin sa amin.”

 

 

Natanong din si Marian kung ano ang nararamdaman na finally makagagawa na siya ng isang proyekto sa Star Cinema, tulad ni Dingdong na nakailang movies (‘Segunda Mano’, ‘One More Try’, The Unmarried Wife’, ‘She’s The One’ at ‘Seven Sundays’) na at pawang magaganda and memorable ang kanyang na-experience.

 

 

“Sobrang excited. At the same time, kay Direk. Kasi si Dong, ang daming kwento tungkol sa kanya. Sabi ko nga kay Dong ‘Sana balang araw ma-direk din niya ko.’ Kasi punong-puno ng pangarap ‘yung kwento ni Dong sa akin every time na mag-Star Cinema siya. So sabi ko, ‘Sana balang araw,’” masayang pahayag pa ng magandang aktres.

 

 

Inamin naman ni Direk Mae na excited din siyang makatrabaho sina Dingdong at Marian at ang naturang pelikula ay dapat talagang abangan ng mga tao bago magtapos ang 2023.

 

 

“Pero the experience nga working with Dong before, parang gusto mong maulit. That’s why I’m excited and it’s not just with him, but also with his wife Yan.

 

 

“It’s an event film, it’s an event project. So sinong hihindi sa project na ‘to? So ano siya, sobrang something to look forward to,” kuwento pa ng direktor.

 

 

Super happy and excited ang DonYan fans sa ‘Rewind’ na sigurado ngang maipalalabas this year.

 

 

May nagwi-wish na sana raw ay isali at mapili ito bilang isa sa entries ng 2023 Metro Manila Film Festival.

(ROHN ROMULO)

Philhealth, planong subukan ang bagong payment scheme para sa kanilang mga primary care providers

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO  ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) na magsasagawa sila ng pilot testing sa susunod na buwan para sa kanilang ipatutupad na bagong payment scheme sa kanilang mga accredited primary care providers.

 

 

Sa ilalim ng programang ito, makakatanggap na ng pondo ang mga primary care providers mula sa gobyerno kahit hindi pa naa-avail ng pasyente ang kanilang serbisyong pangkalusugan.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa , na layunin ng bagong scheme na ito na maiwasan financial loses dahil sa mga fraudulent claims at “ghost” membership.

 

 

Batay report ng Commission on Audit para sa taong 2020 kung saan na flag ng kanilang ahensya ang interim reimbursement mechanism ng Philhealth dahil sa pagbabayad nito ng P 14.97 bilyon sa 711 healthcare institution bago matapos ang kanilang serbisyo.

 

 

Aminado naman ang kalihim na hindi nila kaagad ito maipatutupad sa buong bansa at sa ngayong ay patuloy parin nila itong pinag-aaralan kung paano nila ito mapapagbuti.

FIGHT FOR LOVE

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PART 6

UMABOT sa general alarm ang sunog. Ibig sabihin lahat ng fire stations sa buong kamaynilaan at mga karatig lugar ay obligadong magresponde. Isang warehouse ng goma na ginagamit sa paggawa ng tsinelas ang nasunog. Nagsimula ang sunog kalagitnaan ng madaling araw.

 

 

Dahil na rin sa uri ng materyales na nakaimbak sa warehouse ay sadyang napakalaki at napakalawak ng naging sunog. Kahit pa lahat ng mga karatig baryo ay rumesponde, inabot pa rin ng 8 oras bago idineklara ang “fire out”.

 

 

Mataas na ang sikat ng araw nang humupa ang apoy na tumupok sa buong warehouse. Laking pasasalamat ng mga katabing kabahayan at tindahan na hindi sila nadamay. Walang casualty na naiulat ngunit mayroong mga sugatan.

 

 

Kabilang sa mga sugatan si Max. Sa ospital na nagkamalay si Max. Nagtamo siya ng laceration sa kanang braso at kanang binti. May bumagsak na yero na ndi niya nagawang iwasan.

 

 

Sa pagkakataong iyon ay walang nakapigil kay Max sa pagsama sa pagresponde. Dahil nang maganap ang sunog ay wala si Dylan. Nasa Davao City ito para sa three day seminar. Huling araw na ng seminar nang maganap ang sunog.

 

 

Nang magising si Max ay nakabandage na ang binti at braso niya. Hinimok siya na mag stay sa ospital ng at least ay three days ngunit tumanggi si Max. Matapos siya pumirma ng waver ay nagpasya siya umuwi na sa boarding house.

 

 

Hatinggabi nang mabulabog ang tulog ni Max ng sunud-sunod na katok. Laking gulat niya nang ang mapagbuksan ng pinto ay si Dylan. May ilang segundong titigan na namagitan sa kanila ni Dylan. At sa dulo ay nakita na lang ni Max ang sarili na mahigpit nang yakap ni Dylan.

 

 

Sa umpisa lang tila naasiwa si Max. Unti-unti waring mabilis na tumugon nang kusa ang kanyang katawan.

 

 

Hinayaan niya si Dylan na yakapin siya nang mahigpit. Hinayaan niya ang sarili na buong ipaubaya kay Dylan ang lahat ng karapatan, na gawin sa kanya ang ano mang naisin nito sa mga sandaling iyon.

 

 

Saglit pa at nakapikit na ang dalawa. Dama ni Max ang napakalakas na kabog ng dibdib ni Dylan. Kasing lakas din ng kabog ng dibdib niya. Ang isang palad ni Dylan ay nadama niyang sumapo at humaplos sa likuran ng ulo niya. Habang ang isa pang kamay nito’y walang tigil sa paghaplos sa likuran niya.

 

 

Maya-maya’y naramdaman niya ang mainit na hininga ni Dylan sa isa niyang tenga.

 

 

“Kung may nangyari sa ‘yo na higit pa dito…paano na ‘ko?”

 

 

Sapat ang ibinulong na iyon ni Dylan upang lubusan niyang maunawaan ang lahat. Ang lahat-lahat from day 1.

 

 

Matagal nang nakaalis si Dylan ngunit ang mga eksena ay nagpaulit-ulit wari sa pagrewind sa utak ni Max. Nakapikit ngunit kay luwang ng ngiti ni Max habang nakahiga sa kanyang kama. Nang idikit ni Dylan ang labi nito sa labi niya, nalimutan niya bigla ang sitwasyon, Nang palalimin ni Dylan ang halik, gustong niyang ibulong kay Dylan na sana huwag na itong tumigil pa. Ngunit sa lalim at diin ng halik nito walang kapiraso mang kataga ang makahuhulagpos pa sa bibig niya. Kaya pinili niyang ipikit na lang ang kanyang mga mata. (ITUTULOY…)

Opisyal at tauhan ng DepEd, makatatanggap ng P3K anniversary bonus

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAKATATANGGAP ang mga kuwalipikadong opisyal at tauhan  ng  Department of Education (DepEd) ng tig- P3,000 kada isa sa pagdiriwang ng ahensiya ng ika-125 taong anibersaryo ng departamento. 

 

 

 

Gaya ng nakasaad sa department order na naka-post sa DepEd website, araw ng Martes, Hunyo 20, inaprubahan ni Vice President at Secretary Sara Z. Duterte ang pagbibigay ng anniversary bonus sa lahat ng opisyal at empleyado ng  DepEd  na nagbigay ng “least one year of service” sa departamento.

 

 

 

Ang DepEd No. 11 s. of 2023 o  Policy on the Grant of the Anniversary Bonus sa DepEd ay nilagdaan ni Duterte noong Hunyo 19.

 

 

 

Tinukoy ang Administrative Order No. 322, ipinalabas ni dating Pangulong Fidel Ramos, ang founding anniversary ng DepEd ay Hunyo 23.

 

 

 

Ito ayon sa ahensiya ay “basis in determining the milestone year of the Department for the purpose of granting the anniversary bonus to its officials and employees.”

 

 

 

Ang paliwanag ng DepEd, ang anniversary bonus ay “granted” sa mga opisyal at empleyado ng ahensiya ng pamahalaan ukol sa Milestone Years ng departamento.

 

 

 

“Milestone years are defined as the 15th anniversary of the government agency and every 5th year thereafter,” ayon sa DepEd.

 

 

 

Samantala,  ang bilang  ng milestone years “shall start from the year the government agency was created regardless of whether it was subsequently renamed or reorganized provided that its original primary functions have not substantially changed.”

 

 

 

Kaugnay nito, sinabi ng DepEd na ang newly-issued order ay magiging epektibo simula Fiscal Year 2023 and succeeding milestone years “unless otherwise repealed, rescinded or modified accordingly.” (Daris Jose)

Nakagugulat ang pagiging daring: JULIA, game na game na nakipag-laplapan kay DIEGO

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KUNG pamilyar ang sino man sa hallway ng ABS-CBN, tila ganito ang ginawa ng TV5, Mediaquest sa bago nilang mga Kapatid na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ang mga legits dabarkads.

 

 

 

Nang magkaroon nang contract signing ang mga ito kasama si M.V.P. (Manny V. Pangilinan) at iba pang executives ng istasyon, naka-hang na ang bawat isang larawan nila sa hallway.

 

 

 

Obviously, para iparamdam talaga sa TVJ at sa mga legit dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Carren Eistrup at Ryzza Mae Dizon kung gaano sila kahalaga sa pagiging bagong mga official Kapatid na nila.

 

 

 

Grabe rin naman ang naging emosyon ni Vic nang hingan na ito ng masasabi na nasa TV5 na sila. Si M.V.P. na very rare na nauupo sa mediacon, pero sa pagkakataon ‘yon ay tinapos nito ang buong mediacon na hindi umalis, kaya siguro nakaragdag pa ito sa pagiging emotional ni Vic na talagang umiyak nang magpasalamat kay M.V.P.

 

 

 

No offense meant with Tito and Joey, pero dahil sa kilala si Vic na mas less talk at tahimik lang kahit may mga isyu, ‘yung hindi niyan napigilang lumuha at todo ang naging pasasalamat na winelcome raw sila at nagkaroon sila ng bagong tahanan.

 

 

 

At sabi naman ni Joey, tingin daw nila, sa TV5 na talaga sila hanggang sa huli.

 

 

 

Sa isang banda, wala pa silang ni-reveal na gagamiting title ng noontime show nila sa TV5, pero inamin nilang inilalaban nila legally na makuha nila ang title na “Eat…Bulaga!”

 

 

 

Sa July 1 pa malalaman ang title ng ng kanilang show, pero may matunog na lumalabas na “This Is Eat!” daw ang title.

 

 

 

Abangan…

 

 

 

***

 

 

 

NAGULAT kami kay Julia Barretto sa bago niyang pelikula, ang “Will You Be My Ex?” ng VIVA Films.

 

 

 

Napaka-game at talagang laplapan kung laplapan. Nakakagulat dahil ngayon lang namin siya napanood na ganito ka-daring.

 

 

 

Pero definitely, hindi bastusin ang mga eksena niya with Diego Loyzaga. Lutang na lutang din ang ganda at ang husay nitong umarte. ‘Yun nga lang, talagang paglabas namin ng sinehan, napa-isip kami kung ganito na nga ba talaga ang mga Gen Z ngayon kung mag-isip? Huh!

 

 

Nakausap namin si Julia ng maikli bago ang premiere night. Inamin nito na ang Mommy niya na si Marjorie Barretto na malaking bagay sa kanya na present ito sa premiere.

 

 

 

“Kailangan ko siya para pampawala ng nerbiyos,” sey niya.

 

At sa Instagram post nga ni Marjorie, sinabi niya na, “Last night was different. Watching their new movie Will You Be My Ex I came not really knowing what to expect. But from the beginning I started to forget I was watching my daughter.

 

 

 

“You were amazing, raw and natural in this movie…”

 

 

Ang movie ay kasalukuyan ng palabas sa mga sinehan.

 

(ROSE GARCIA)

CHR, pinanindigan ang kahalagahan ng due process at rule of law

Posted on: June 22nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG-DIIN ng Commission on Human Rights (CHR) na kailangang manatiling pinakamahalaga sa lahat ang “due process at rule of law” upang matiyak ang pananagutan mula sa national police.

 

 

Ito’y matapos na sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na barilin ang lahat ng mga pulis na mapapatunayang sangkot sa ilegal na droga.

 

 

“The State has the duty to uphold the supreme right to life without exception,” ayon sa kalatas ng CHR.

 

 

“Resortimg to killing only serves to perpetuate the culture of vigilantism and violence, which can further result in the breakdown of the rule of law,” ang nakasaad pa rin sa kalatas.

 

 

Habang nagpahayag naman ng kanyang suporta ang human rights commission para sa reform programs sa loob ng Philippine National Police (PNP), hinikayat naman nito na ang “necessitate lawful methods to maintain the  state’s integrity, credibility, and moral ascendancy.”

 

 

“This includes ensuring genuine and full accountability by filling cases in court against suspected erring police officers and through the imposition of criminal-legal sanctions to those who are proven guilty,” ayon sa CHR.

 

 

“As part of the PNP’s sworn obligation, this will also help demonstrate the institution’s commitment to human rights and rule of law and in alignment with it’s philosophy  of “Servic, Honor, and Justice,” dagdag pa ng CHR.

 

 

Samantala, handa si Mr. Duterte na pangalanan ang sangkot na mga heneral  sa ilegal na droga.

 

 

Sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa”, ipinakita ng dating Pangulo ang kaniyang pagkadismaya at isiniwalat na marami nang tiwali na nakapasok sa pulisya kabilang na ang mga matataas na opisyal nito.

 

 

Ani Duterte, handa niyang pangalanan ang mga heneral at iba pang matataas na ranggo na pinaniniwalaan niyang sangkot sa korapsiyon at droga.

 

 

Naniniwala si dating Pangulong Duterte na mismong mga pulis ay sangkot na sa droga kaya hanggang ngayon ay wala silang maiturong suspek sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu noong Oktubre 2022.

 

 

Binigyang-diin naman muli ni Duterte na ang tanging solusyon dito ay mag-resign na ang mga pulis na sangkot sa nasabing cover-up.

 

 

Aniya, kung siya lang ay hahayaan na muna niya ang militar ang mamahala at magpanatili ng kaayusan sa bansa dahil mas may kumpiyansa siya ngayon sa mga sundalo. (Daris Jose)