• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 19th, 2023

Gaya ng ginawa sa ‘Miss Grand Philippines 2023’: HERLENE, gagamit uli ng interpreter sa ‘Miss World Tourism’ sa London

Posted on: July 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Herlene Budol na muli siyang gagamit ng interpreter sa Miss World Tourism sa London, gaya ng ginawa niya sa katatapos lang na Miss Grand Philippines 2023.

 

 

 

Ginulat ng bida ng ‘Magandang Dilag’ ang lahat nang gumamit siya ng interpreter sa Q&A portion.

 

 

 

“Oo. Dito nga po sa Pilipinas na maraming nagta-Tagalog nakapagdala ako sa tabi ko. What more sa iba pang bansa? Pero gusto ko kasi mas maraming mas makaintindi. Kagaya ko hindi ganoon kagaling sa Ingles pero pinipilit,” sey nang nagwaging Miss Philippines Tourism 2023.

 

 

 

Bukod dito, wagi rin si Herlene ng ilang special awards.

 

 

 

Nauna nang ibinahagi ni Herlene ang ilan niyang larawan na proud na suot ang korona habang nagpapahinga sa bahay matapos ang kompetisyon.

 

 

 

Sa isa namang naunang post, ibinahagi rin niya ang kanyang larawan suot ang white two piece bikini.

 

 

 

Ayon sa kaniya, kinabahan siya habang hinihintay na matawag ang kanyang pangalan.

 

 

 

Si Nikki De Moura ng Cagayan de Oro ang itinanghal bilang Miss Grand Philippines.

 

 

 

***

 

 

 

REUNITED ang kapwa Kapuso stars at mabuting magkaibigan na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa upcoming full action series na ‘Black Rider’.

 

 

Ayon kay Ruru, kaabangabang daw ang karakter ni Kylie sa serye.

 

 

“Ibang-ibang Kylie ‘yung mapapanood niyo. Grabe ‘yung drama na maipapakita niya dito,” sey ni Ruru.

 

 

Sang-ayon naman dito si Kylie na nagsimula na rin na mag-tape para sa mga eksena niya sa serye.

 

 

“Noong binasa ko ‘yung script, maganda naman talaga. Maganda ‘yung love story. Parang catalyst ‘yung character ko para sa magandang storyline niya.”

 

 

Maraming intense action scenes na rin daw ang nakuhan sa loob lang ng dalawang araw na taping.

 

 

Dagdag pa ni Ruru na full action series man ang Black Rider, sinigurado pa rin nila na mae-enjoy ito ng mas malawak na audience.

 

 

“Ang aming number one na pambato diyan, action. Hindi siyempre mawawala ang mga drama na eksena kasi siyempre ang dami nating mga dramatic actors na nandirito sa programa po na ito. May comedy rin, ang dami nating komedyante. Parang pinag-isa siya sa isang programa,” paglalarawan niya sa serye.

 

 

Dapat din daw abangan ang teaser ng serye na siguradong pupukaw sa interes ng mga manonood.

 

 

“Magugulat kayo sa aming inihandang teaser. We shot this for how many hours. Pinaghandaan namin ‘yan. We trained for how many months for that specific scene,” bahagi ni Ruru.

 

 

***

 

 

 

MARAMI na ang naghihintay sa highly-anticipated memoir ng dating Teen Pop Queen na si Britney Spears.

 

 

 

Sa October 24 na lalabas ang kanyang libro na ‘The Woman In Me’ naglalaman ng maraming kuwento sa buhay ng singer na hindi pa naisasapubliko simula noong sumikat siya noong 1999 dahil sa hit single na ‘Baby, One More Time’.

 

 

 

Kasama sa kanyang memoir ay ang tunay na dahilan ng kanyang pagkakaroon ng mental breakdown noong 2007 at sabay na nagpakalbo siya.

 

 

 

Hindi rin daw mawawala ang tungkol sa strict conservatorship na pinilit siyang pasukin ng kanyang amang si Jamie Spears noong 2008 para makontrol ang kanyang pera pati na ang personal niyang buhay. Natapos ang conservatorship noong 2021 nang hilingin niya sa korte na kaya na niyang maasikaso ang buhay niya.

 

 

 

Sinama rin ng 41-year old singer ang mga naging romantic involvement niya kina Justin Timberlake, Jason Allen Alexander, Kevin Federline at sa current husband niyang si Sam Asghari.

 

 

 

Ayon sa publisher ng memori: “This is a brave and astonishingly moving story about freedom, fame, motherhood, survival, faith, and hope. Written with remarkable candor and humor, Spears’s groundbreaking book illuminates the enduring power of music and love — and the importance of a woman telling her own story, on her own terms, at last.”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

PBBM, hangad na makapagpatayo ng mas maraming barangay health centers

Posted on: July 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagpatayo pa ng mas maraming health centers sa  mga rural area.

 

 

Inihayag ng Pangulo ang plano niyang ito habang nagsasagawa ng pag-inspeksyon sa disenyo ng pasilidad na tinawag na “Clark Multi-Specialty Medical Center” sa Pampanga.

 

 

Layon ng proyekto na magdala ng specialized healthcare sa mga Filipino sa labas ng Kalakhang Maynila.

 

 

“This is not a single project that stands on its own alone. This part of a larger system of healthcare provision that we are putting together to service our kababayans so that they don’t have to wait to get very, very sick before they go to the big hospitals,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.

 

 

“We are bringing healthcare down to the people,” dagdag na wika nito.

 

 

Batid naman ng Pangulo ang kanyang layunin na bigyan ang mga mahihirap na Filipino ng access sa medical treatments.

 

 

“We will establish rural healthcare units. We will establish barangay centers. We will establish botica de barangay,” aniya pa rin.

 

 

“All of these things we are putting together so that, at least, when it comes to the fundamental healthcare for our countrymen, that, we can say, is readily available to them,” ani Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Ads July 19, 2023

Posted on: July 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

2nd SONA ni PBBM, ipakikita ang ‘significant progress’ ng Pinas

Posted on: July 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na mapagtatanto ng mga filipino na ang bansa ay nakagawa ng “significant progress”  habang pinapakinggan ng mga ito ang kanyang pangalawang  State of the Nation Address (SONA) sa susunod na linggo.

 

 

Ang pangalawang SONA ng Pangulo ay sa Hulyo  24, araw ng Lunes.

 

 

Sinabi ng Panulo na makikita na ngayon ng taumbayan ang pagkakaiba kung paano magtrabaho ang pamahalaan kumpara sa bago pa siya mag- landslide victory noong  2022 elections.

 

 

“That’s what I want to explain to people that we have made significant progress,” ani Pangulong Marcos.

 

 

“We can see the difference now, not only in terms of how the systems work, how the government works, it is also how we are seen or judged in the international community. That’s equally important,” dagdag na wika nito.

 

 

Kasama sa babanggitin ng Pangulo sa kanyang pangalawang SONA ang mga  plano at mga programa na kanyang tinalakay noong nakaraaang taon, ang progreso nito, kung ano pa ang magagawa ng gobyerno  at kanyang mga plano para sa pagsusulong.

 

 

“It’s just a performance report for Filipinos to see na sa dami ng mga pronouncements, sa dami ng mga salita, kung ito ba ay talagang may kabuluhan [o] salita lamang,” anito.

 

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na hindi pa siya nakapagdedesisyon sa kung ano ang kanyang isusuot sa SONA sabay pag-amin na siya’y  “worried about writing the speech.”

 

 

Noong nakaraang buwan,  nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Marcos na mayroon siyang ipi-presenta sa publiko sa  kanyang pangalawang SONA.

 

 

Sa katunayan, naghahanda na aniya sila sa naturang annual event.

 

 

“Sa palagay ko naman, mayroon naman tayo ipapakita, and that’s what the content of the SONA, I think, will probably be,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Winika pa nito na nagsimula na silang mangolekta ng materyales na kakailanganin para sa kanyang magiging talumpati subalit hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ukol dito.

 

 

Bagama’t nabigo ang Pangulo na banggitin ang  illegal drug situation sa bansa sa kanyang unang SONA, tinalakay naman ng Pangulo ang plano ng kanyang administrasyon para tugunan ang  post-pandemic economic recovery ng bansa.

 

 

Nasambit din ng Pangulo ang “food crisis, healthcare, bridging the country’s digital divide, and continuing the previous administration’s infrastructure program.”

 

 

Isiniwalat din ng Pangulo ang kanyang foreign policy,  sabay sabing mananatiling “friendly” ang Pilipinas sa lahat ng bansa, subalit hindi kailanman papayag na isuko ang kahit na isa mang pulgada ng teritoryo nito sa  foreign powers. (Daris Jose)

KEN’S A 10 IN HIS OWN MUSIC VIDEO “JUST KEN” FOR “BARBIE” MOVIE

Posted on: July 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GET in Ken’s head and feel the Ken-rgy ✨ Watch Ryan Gosling get emotional as Ken in the music video “Just Ken.” “Barbie,” directed by Greta Gerwig and featuring a star-studded cast led by Margot Robbie and Gosling, opens in Philippine cinemas July 19. 

 

 

 

“Just Ken” on YouTube: https://youtu.be/t0F0_jYez20

Facebook: https://fb.watch/lLw5tVTMHj/

 

 

 

The highly anticipated movie about the iconic doll has been rated PG without cuts by the Movie & Television Review and Classification Board (MTRCB), which means children below 13 years old and below will be allowed admission if they are accompanied by an adult.

 

 

 

“Barbie” has also been granted permits for exhibition without cuts in other Asian countries such as Taiwan, Indonesia, Malaysia, Singapore and South Korea.

 

 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/X5nmPBArz3U

 

 

About “BARBIE”

 

 

To live in Barbie Land is to be a perfect being in a perfect place. Unless you have a full-on existential crisis.  Or you’re a Ken.

 

 

 

From Oscar-nominated writer/director Greta Gerwig comes “Barbie,” starring Oscar-nominees Margot Robbie and Ryan Gosling as Barbie and Ken, alongside America Ferrera, Kate McKinnon, Michael Cera, Ariana Greenblatt, Issa Rae, Rhea Perlman and Will Ferrell. The film also stars Ana Cruz Kayne, Emma Mackey, Hari Nef, Alexandra Shipp, Kingsley Ben-Adir, Simu Liu, Ncuti Gatwa, Scott Evans, Jamie Demetriou, Connor Swindells, Sharon Rooney, Nicola Coughlin and Oscar-winner Helen Mirren.

 

 

 

Gerwig directed “Barbie” from a screenplay by Gerwig & Oscar nominee Noah Baumbach, based on Barbie by Mattel. The film’s producers are Oscar nominee David Heyman, Robbie, Tom Ackerley and Robbie Brenner, with Michael Sharp, Josey McNamara, Ynon Kreiz, Courtenay Valenti, Toby Emmerich and Cate Adams serving as executive producers.

 

 

 

In Philippine cinemas starting July 19, “Barbie” is distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Barbie #BarbieTheMovie

 

(ROHN ROMULO)

Puwede nang ma-experience ang napanood sa K-drama series: CHAVIT, maghahanap pa ng perfect Pinoy endorser para sa sikat na ‘bb.q Chicken’

Posted on: July 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni former Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson kasama ang kanyang lovely daugther na si Vanessa Singson, ang pagbubukas ng second branch ng sikat na South Korean food chain restaurant na ‘bb.q Chicken’, na matatagpuan sa labas ng third level ng Robinsons Magnolia, na malapit din sa mga sinehan.

 

 

Ang ‘bb.q’, na ang ibig sabihin ay “Best of the Best Quality Chicken” ay ang food chain na itinampok sa iba’t ibang K-drama series gaya ng “Goblin”, “The King: Eternal Monarch”, “One Spring Night”, at “Crash Landing On You”, na pawang popular sa mga Pinoy.

 

 

Dumating at sumuporta si Quezon City Vice-Mayor Gian Sotto bilang representative ni Mayor Joy Belmonte sa ginanap na ribbon-cutting noong Linggo, July 16.

 

 

Nauna namang dumating si Korina Sanchez-Roxas, kasama si David Chua, para mag-shoot sa naturang bonggang resto, hindi na lang niya nahintay ang pagdating ng dating gonernador.

 

 

Inabangan naman ng mga press people ang pagdating ni Coco Martin at iba pang celebrities sa opening ng ikalawang branch ng ‘bb.q Chicken’. Pero sa paliwanag Gov. Chavit, hindi na raw nag-inimbita ng mga kaibigang celebrities dahil hindi raw magkakasya sa newly-opened resto.

 

 

Ayon kay Gov. Chavit, “itong bb.q chicken, galing Korea ‘to na pwede lahat ng investor, pinapa-franchise so everybody is qualified, pwede sa lahat. Sa Korea, may chicken university.

 

 

“So, lahat ng mga chef, franchisee, mag-aaral do’n ng two months. Pero sabi ko, dito na lang mag-training para hindi masyadong malayo.”

 

 

Dagdag pa ng 82-year old politician at businessman, “’Yon lang po ang gusto kong ipaalam sa inyo, it’s open to everybody, maski sino po. Basta makahanap kayo ng lugar, aaprubahan lang nila and of course ‘yung itsura.”

 

 

Ang menu ng food chain ay binubuo ng iba’t ibang flavor ng manok na binuo ng Chicken University ng Genesis BBQ sa South Korea, na kung saan tatlo ang natikman namin, na pawang masasarap ang timpla na patok sa panglasang Pinoy. Na sure kaming babalik-balikan dahil sa kakaiba nilang ino-offer, kaya may ibang option kung type n’yo ang masarap na fried chicken.

 

 

Ang bestseller nila ay ang Golden Fried Chicken at kasama rin ang patok na Hot Crispy Chicken, Golden Fried Chicken Strips, Hot Spicy Secret Chicken, Gangnam-Style Chicken, at Cheesling Chicken.

 

 

Matitikman din ang bb.q Chicken ng tteokbokki, sundubu jigae, bibimbap, pasta, at salad. Mayroon silang iba’t-ibang coffee, na dapat ay sinubukan din namin ang kanilang Dalgona coffee. May fruit-based drinks, at ang na-try namin na Yakult Float Smoothie.

 

 

 

Of course, may beer din at cocktail drinks na bagay na bagay sa delicious fried chicken. Naging famous nga sa South Korea ang chimaek combination (chicken + beer) dahil sa mga K-dramas, at pagkakataon na ninyo itong maranasan sa two branches.

 

 

Meron na palang higit sa 3,500 na branch sa 57 countries ang bb.q chicken. Ayon kay Singson, mas maraming branch pa ang bubuksan sa Pilipinas sa darating na buwan, na kung saan ang first branch nito ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Bonifacio High Street Central, Taguig City, na nag-open last year. Nasa plano rin pala na sa ‘Pinas ang maging main home ng bb.q Chicken sa Southeast Asia.

 

 

Hinihintay naman kung sino kayang Korean superstar ang magiging endorser ng naturang food chain, na papupuntahin niya dito sa bansa. Pero malamang maghanap din sila ng LCS Group of Companies ng local stars na puwede rin maging endorser, lalo na ‘yun K-drama at K-pop fanatic, para naman swak na swak para sa bb.q Chicken.

(ROHN ROMULO)

Halos 50 unutilized Dalian train, isiniwalat ng COA

Posted on: July 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINIWALAT ng Commission on Audit ang Department of Transportation para sa 48 hindi nagamit nitong Dalian train na binili walong taon na ang nakalilipas para sa MRT-3.

 

 

Isinaad ng mga auditor ng gobyerno sa 2022 audit report sa DOTr na ang mga tren na nananatiling hindi operational ay bahagi ng P3.7 billion na kontrata.

 

 

Nabatid na ang idle status ng mga tren ay dahil sa hindi pagkumpleto ng panukalang Way-Forward Plan gayundin sa pagsubok, pag-commissioning at huling pagtanggap ng Light Rail Vehicles o LRVs.

 

 

Inalala sa audit report noong 2014, pinasimulan ng pamunuan ng DOTr-MRT-3 ang mga proyektong pataasin ang linya at kapasidad ng tren sa 800,000 pasahero kada araw para ma-decongest ang sistema.

 

 

Binanggit din sa audit report na kailangan pa ring sumunod ng CRRC Dalian sa mga technical issue tulad ng Tare Weight at Depot Maintenance Equipment Compatibility.

 

 

Inirerekomenda ng audit team na dapat simulan ng DOTr Office of the Secretary ang mga follow-up sa CRRC Dalian at mabilis na subaybayan ang pagkumpleto ng Way Forward Plan. (Daris Jose)

PBBM, sa usapan ukol sa pagtanggap ng Afghans sa Pinas: May progreso pero may balakid

Posted on: July 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon ng progreso sa isinagawang pag-uusap ukol sa kung papayagan ng pamahalaan na pansamantalang manatili sa Pilipinas ang mga  Afghan nationals gaya ng naging kahilingan ng Estados Unidos.

 

 

Sinabi ng Pangulo na walang deadline sa pagdesisyon sa usaping ito.

 

 

Aniya, nagpapatuloy ang konsultasyon sa mga Amerikano.

 

 

“Well, we have not given ourselves a deadline. What we are talking about is that we’re trying to see what are the problems, what are the issues arising and in so doing,  we are trying to find ways to remedy those issues that we feel are something that we have to deal with,” ayon sa Pangulo.

 

 

“We have made some progress but there’s still some major obstacles to us being able to do it. But we continue to consult with our friends in the United States,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Tinuran ng Chief Executive,  na nais niyang ipakita ang “instinct of hospitability” ng mga Filipino, gayunman, ang  “specific request” na ito ng Estados Unidos ay komplikado lalo pa’t mayroong political at security concerns.

 

 

“In a way, I would like to manifest the Filipino instinct of hospitability and as you know, many times have happened that there have been world situations around the world and may nagkakarefugee, hindi tinatatnggap, kahit saan tayo tinatanggap natin, hindi tayo kinakalimutan ng mga tinulungan natin. Ganyan talaga ang ugali ng Pinoy,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Ngunit ito ibang usapan to kasi may halong politika, may halong security, so medyo mas kumplikado ito [But this one has political, security issues … so it is more complicated] so we’ll look at it very very well before making a decision,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Kaya ilang araw ng wala sa ‘Eat Bulaga’… PAOLO, nagsu-shooting sa Australia kasama sina JIMMY, KAYE at PATRICK

Posted on: July 19th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGTATANONG na ang mga netizens na nanonood daily ng “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc, bakit daw ilang araw nang hindi napapanood sa noontime show si Paulo Contis? 

 

 

Salamat sa post ng Sparkle Artist Center na kasama ni Paolo si Jimmy Santos, na dating Dabarkads ng “Eat Bulaga,”

 

 

Caption ng photo ay, “Paolo Contis is with his co-star Jimmy Santos, in Tasmania, Australia.  Catch them on a Mavx movie real soon,”

 

 

Nabalitang nasa Canada si Jimmy, so ngayon ba ay balik-acting muli ang komedyante?

 

 

Ayon din sa Instagram page ni Paolo, nagsu-shooting sila sa Australia. Bukod kay Jimmy Santos, kasama rin sa shooting sina Kaye Abad at Patrick Garcia, at parang may “Tabing Ilog” reunion, dahil magkakasama sila noon sa dating serye  ng ABS-CBN.

 

 

Pero wala nang ibang details tungkol sa shooting ng movie sa Australia, maliban sa IG post ni Patrick na nakatapos na sila ng day 8 of shooting.

 

 

Ang movie ay produced ng Mavx Productions, the same film studio behind “Unravel” na pinagsamahan nina Kylie Padilla at Gerald Anderson noon at napanood noong Summer Metro Manila Film Festival last April, 2023.

 

 

Sila rin ang nag-produce ng “Dollhouse” noon ni Baron Geisler.

 

 

                                                            ***

 

 

SA July 22 na ang GMA Gala 2023, kaya kanya-kanyang nang isip ng gimmick ang mga Kapuso couples na magpapakilig sa pagrampa nila sa red carpet.

 

 

Isa nga sa naghanda na ay ang mag-sweetheart na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo.

 

 

Isang airport proposal ang ginawa ni Jeric na ipinakita na niya sa kanyang Instagram ang kabuuang proposal na may caption na, “She said Yes!!! Thank you sa pagpayag na maging date ko on GMA Gala, I love you Rabiya Mateo!”

 

 

Isa rin si Klea Pineda na ipinakita sa TikTok ang cute video na sinorpresa niya ang girlfriend na si Katrice Kierulf sa kanyang tanong na: “Will you be my date on July 22 for GMA Gala Ball?”  Hindi nabigo si Klea dahil ang nakuha niyang sagot kay Katrice ay “Yes, Baby!”

 

 

Mapapanood ang official red carpet livestream on July 22, 5p.m. on Sparkle’s social media accounts.

 

 

                                                            ***

 

 

NAG-POST si KC Concepcion sa kanyang social media, ng bonding moments niya kasama ang amang si Gabby Concecpion at mga little sisters niyang sina Samantha at Savannah.

 

 

Mga anak ito ni Gabby sa wife na si Genevieve Yatco Gonzales.  Nag-celebrate sila ng birthday ni Savannah sa isang restaurant sa Tagaytay City.

 

 

Nag-comment ang mga netizens na humanga sa pagiging mabuting ate ni KC sa mga little sisters niya.

 

 

“Parang mas happy and at peace si KC sa father’s side niya,”

 

 

“The right thing to do for a blended family, good job KC.”

 

 

“Nice bonding! Si Kristina mabait na Ate sa lahat ng mga kapatid niya.”

 

 

Matatandaan na kailan lamang ay nag-bonding naman sina Gabby at KC sa YouTube noong Father’s Day, na napaiyak pa si KC nang mapagkuwentuhan nilang mag-ama ang muli nilang pag-uusap makalipas ang halos dalawang dekada, na hindi niya narinig ang boses ni Gabby.

 

 

Meanwhile, nagsimula na ring mag-taping si Gabby ng teleserye nila ni Marian Rivera, na nag-assure sa kanya na this time, tuluy-tuloy na ang pagtatambal nilang dalawa.

 

 

Hindi nga sila natuloy noong una, dahil ipinagbuntis niya noon ang second child nila ni Dingdong, ang three-year old son nilang si Sixto.

(NORA V. CALDERON)