• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 27th, 2023

PBBM, itutulak ang mas maraming buwis, military pension reform

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang mga priority legislations kabilang na ang tax measures at ang reporma sa military pension.

 

 

Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, nanawagan ang Pangulo sa mga mambabatas na isulong ang  tax measures sa ilalim ng  Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) kabilang na rito ang  excise tax sa single-use plastics, ar value-added tax (VAT) at digital services.

 

 

Kasama sa MTFF ang rasyonalisasyon ng mining fiscal regime at motor vehicle user’s charge o road user’s tax, kung saan inaasahan ng  Development Budget Coordination Committee (DBCC) na makabubuo ng karagdagang P12.4 bilyong piso  at P15.8 bilyong piso, ayon sa pagkakabanggit, sa unang taon ng implementasyon.

 

 

Nanawagan din ang Pangulo ng reporma sa military and uniformed personnel (MUP) pension, na kabilang sa unang marching orders kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr.

 

 

Nitong Mayo, itinulak ng Pangulo ang “self-regenerating” pension plans para sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagsisikap ng mga ito na iwasan ang senaryo kung saan ang pondo ay naubos na o nasaid na.

 

 

Ang economic team, pinamunuan ni  Finance Sec. Benjamin Diokno, ay nagbabala ng consequences ng pension payments, na may kabuuang yearly payouts inaasahan na tatama sa P1-trillion mark sa  2035 mula  P213 billion sa 2023.

 

 

Ang iba pang key legislations na tinukoy ng Pangulo ay kinabibilangan ng pag-amiyenda sa Fisheries Code,  Anti-Agricultural Smuggling Act, at Cooperative Code, kasama ang  New Government Procurement Law at  New Government Auditing Code.

 

 

Ipinanawagan din ng Pangulo ang Anti-financial accounts scamming,  Tatak-Pinoy (Proudly Filipino) law, Blue Economy law,  Ease of Paying Taxes, LGU Income Classification, at Philippine Immigration Act.

 

 

“Hinihiling ko ang inyong tiwala at pakikiisa. Sa ganitong paraan, makakamtan natin ang ating tanging hangarin: ang maginhawa, matatag, at panatag na buhay para sa lahat ng Pilipino,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Alinsunod ito sa AmBisyon Natin 2040 na  aniya “unveiled by the National Economic and Development Authority (NEDA) in 2015, covering goals for the next 25 years.”

 

 

Nanawagan din ang Pangulo para sa pagpapasa ng Department of Water Resource Management, habang ang bansa ay nahaharap sa dry El Niño phenomenon.

 

 

“Ang tubig ay kasing-halaga rin ng pagkain. Kailangan nating tiyakin na may sapat at malinis na tubig para sa lahat at sa mga susunod na salinlahi. Kasama na rito ang tubig na ginagamit natin para sa sakahan,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Considering its fundamental importance, water security deserves a special focus. Our efforts must not be scattershot, but rather, cohesive, centralized, and systematic,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Habang ang Kongreso ay hindi pa inaaprubahan ang paglikha ng departamento, si Pangulong Marcos noong Abril ay nag-utos ng paglikha ng Water Resources Management Office, na naitala sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

 

 

Naglaan ang pamahalaan ng P14.6 bilyong piso para sa water supply projects ngayong taon at nagtayo ng 6,000 rainwater collection systems sa iba’t ibang bansa, sa layuning palakasin ang suplay bago pa ang dry spell. (Daris Jose)

DREAM ROLE COME TRUE: WATCH EXO’S DOH KYUNG-SOO PLAY AN ASTRONAUT STRANDED IN SPACE IN THE MOON

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BEING a fan of space movies, Doh Kyung-soo had a dream of “someday being able to work on a film set in space,” shares the actor, who stars in the upcoming film The Moon. 

 

 

 

Doh, who debuted as a member of the K-pop group EXO, is also known for his acting work, such as in the films My Annoying Brother and Along with the Gods, and the popular TV series 100 Days My Prince.

 

 

 

In The Moon, a gripping, epic action adventure and one of the most highly anticipated films in Korea this year, Doh expands his acting spectrum by playing a lone Korean astronaut stranded on the moon. His character, Sun-woo, is a former SEAL member and molecular physics major who joins the Narae-ho space program in Korea. He boards the spacecraft in pursuit of his father’s unrealized dream but unexpectedly becomes the sole survivor of the expedition due to an unforeseen accident.

 

 

Watch the trailer here: https://youtu.be/DeZzyKuSvz8

 

 

The young actor shares that he joined The Moon because he found “the script to be excellent and wanted to challenge myself in expressing weightlessness with my body.” He adds that he hopes to vividly convey the various emotions that Sun-woo experiences, from the awe of setting foot on the moon for the first time to the fear of being left alone in the vastness of space and the unwavering determination to survive.

 

 

It looks like Doh has nothing to worry about, because he’s already impressed his director. Director Kim Yong Hwa, reuniting with Doh after their successful collaboration in the Along with the Gods movie series, states, “Doh Kyung-soo possesses a gentle persona while also having a very intense face. I thought that through the character of Hwang Sun-woo, we could showcase his hidden passion and determination, providing a fresh impression.”

 

 

In The Moon, Korea’s first manned mission to the moon ends in a tragic disaster when an explosion occurs on board. Seven years later, a second human spaceflight is launched successfully but a strong solar wind causes it to malfunction. One astronaut Sun-woo (Doh) is left stranded in space. Facing another fatal catastrophe, the Naro Space Center turns to its former managing director Dr. Kim (award-winning actor Sul Kyung-gu, known for Silmido, Peppermint Candy, Public Enemy and most recently, Kill Boksoon) to help bring Sun-woo back home safely. The film also stars Kim Hee-ae, most recently known for The World of the Married and Queenmaker.

 

 

Opening in Philippine cinemas August 16, The Moon is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #TheMoonMoviePH

(ROHN ROMULO)

PBBM naglabas ng P173-M standby funds para sa apektado ng Super Typhoon Egay

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINATITIYAK ni Pang. Ferdinand Marcos na nakahanda na ang P173 million standby-fund na gagamitin para sa halos 40,000 pamilyang apektado ng Super Typhoon Egay.

 

 

Ipinag-utos na rin ng Pang. Marcos ang deployment ng mga search and rescue teams sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng super typhoon.

 

 

Nananatiling nakatutok ang Pangulo sa sitwasyon ng super typhoon kahit nasa bansang Malaysia ito para sa tatlong araw na state visit.

 

 

Sinabi ng Pangulo na kaniyang pinatitiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang apektado ng Super Typhoon Egay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, at Soccsksargen.

PBBM, nangakong palalawigin ang medical at nursing education programs

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalawigin nito ang medical at nursing education programs para tumulong na tugunan ang kakapusan ng  healthcare workers sa bansa dahil sa migration o pandarayuhan.

 

 

“To address the current shortage of healthcare professionals in our country, and to help us achieve our goal of universal healthcare, we are greatly expanding our medical and nursing education programs,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon.

 

 

“We will push the envelope even further. We are helping nursing graduates hurdle their board exams, so that they will obtain their licenses and join our pool of healthcare professionals,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, ikinalungkot naman ng Pangulo ang pangingibang-bansa ng mga healthcare professionals sabay sabing ang Pilipinas ay naging biktima ng sarili nitong tagumpay dahil maraming bansa ang nagnanais na mag-hire ng mga Filipino nurses dahil sa kanilang propesyonalismo, maawain at dedikasyon sa trabaho.

 

 

Sa ulat, ayon sa Department of Health (DOH), kapos ang bansa ng 194,000 health professionals, tinukoy ang mababang sahod na isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto ng mga nurse na magtrabaho sa ibang bansa.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na itutuon ng administrasyon ang pansin nito sa pagtatayo ng  mas malusog na komunidad para sa mga Filipino lalo na matapos ang hamon na dala ng pandemiya sa sektor ng kalusugan.

 

 

“Ang kalusugan ang ikalawang armas: para sa lakas ng pangangatawan ng bawat Pilipino. Isinusulong nating muli ang kalusugan ng Pilipino,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

“We are now refocusing our health priorities, applying the lessons learned from the pandemic and addressing the weaknesses that it has exposed. Healthier communities and lifestyles are our advocacy,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

AFP, tiniyak na nakamonitor sa kalagayan ng mga naapektuhan ng typhoon Egay

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK naman ng Armed Forces of the Philippines ang kahandaan nito upang tumugon sa pangangailangan ng mga apektado ng typhoon Egay.

 

 

Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., nauna nang inalerto ang kanilang mga batalyon na nasa lugar na apektado ng lakas ng nasabing typhoon.

 

 

Pangunahin dito ay ang mga kagamitan ng mga nasabing unit na kinabibilangan ng 525th Engineer Combat Battalion (525ECBn) ng 51st Engineer Brigade (51EBde) na nakabase sa Camp Atienza, Libis, Quezon City.

 

 

Maliban sa Engineer Batallion, kumpleto aniya ang bawat unit ng AFP para tumugon sa anumang pangangailangan ng mga apektadong residente na nais mailikas.

 

 

Bawat unit ng AFP aniya ay mayroong Disaster Response Operations TEAs (Tools, Equipment, Accessories).

 

 

Ang mga ito ay magagamit sa mga isasagawang rescue operation, relief, at maging sa mga clearing operation sa mga lugar na apektado ng typhoon Egay.

 

 

Samantala, ang  mga nasa baybaying lugar sa extreme Northern Luzon ay may banta ng storm surge dahil sa typhoon Egay

 

 

Nagbabala ang state weather bureau sa mga komunidad partikular na ang mga nasa mabababa at baybaying lugar sa mga probinsiya sa Cagayan, Isabela, Ilocos Norte at Ilocos Sur dahil sa storm surges dahil sa super typhoon Egay.

 

 

Inaabisuhan ang mga residente sa mga lugar na ito na lumikas at kanselahin muna ang lahat ng maritime activities.

 

 

Ayon sa kay weather specialist Lorenzo Moron, mataas ang panganib ng super typhoon at maaaring ikumpara ito sa bagyong Ompong noong 2018 pagdating sa epekto at posibleng mahigitan pa dahil nasa super typhoon category ito.

 

 

Una rito, ilang mga lugar na sa Cagayan at Isabela ang inilagay sa red storm surge warning kung saan ang storm surge na mahigit 3 metro ay maaaring magdulot ng pinsala sa coastal at marine infrastructure.

 

 

Samantala ang mga coastal area naman sa Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur at iba pang bahagi ng Cagayan ay inilagay na sa orange storm surge warning, ibig sabihin ang storm surge ay maaaring umabot pa sa taas na 1.2 hanggang 3 metro. (Daris Jose)

Kamara tutulong sa giyera ni PBBM laban sa smuggling, hoarding ng agri products

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TUTULONG ang Kamara sa giyera ni Pangulong Marcos laban sa smuggling at hoarding ng bigas at iba pang produktong agrikultural.

 

 

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez isang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos.

 

 

“We share the President’s anger and frustration with smuggling, hoarding and price manipulation. We will redouble our efforts to stop the smuggling and hoarding of rice, sugar, onions, garlic, and vegetables, which harms our farmers’ competitiveness and disrupts the agricultural value chain,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong 312 miyembro.

 

 

“Kami sa Kongreso ay tutulong sa Pangulo para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Lahat ng kaya naming gawin ay ibubuhos namin sa misyong ito,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

 

 

Inulit din ng lider ng Kamara ang sinabi ng Pangulo na bilang na ang araw ng mga smuggler, hoarder, at price manipulator.

 

 

Binanggit rin ni Romualdez ang pahayag ng Pangulo na umuunlad na ang sektor ng agrikultura.

 

 

Nangako rin ang Speaker na babantayan nito ang presyo ng mga produkto.

 

 

“We will continually check on prices, especially of staples like rice, vegetables, meat, onions, and garlic, to protect our people from hoarding, price manipulation, unreasonable price increases, and other practices in restraint of trade that hamper competition,” sabi ni  Romualdez.

 

 

Nanawagan naman si Speaker sa mga departamento at ahensiya ng gobyerno na tulungan ang mga magsasaka upang makakuha ng mga bagong teknolohiya at kagamitan ang mga magsasaka

 

 

Nauna rito ay nagsagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Agriculture and Food kaugnay ng biglaang pagtaas ng presyo ng sibuyas na umabot sa P600 kada kilo sa huling bahagi ng 2022.

 

 

Nakakuha ang komite ng mga ebidensya na mayroong kartel na nasa likod ng pagtaas ng presyo.

 

 

Sa kanyang SONA, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang kanyang galit sa mga smuggler at hoarder.  (Ara Romero)

TIANGCO BROTHERS NANGUNA SA WORK PERFORMANCE POLL

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASUNGKIT nina Navotas Representative Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang una at ikalawang puwesto sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa unang taon na pagganap ng mga mayor at mga kinatawan ng Metro Manila.

 

 

Si Cong. Tiangco ay nangunguna sa Boses ng Bayan poll para sa Top Performing Metro Manila legislators na may 93.8% approval rating at 95.1 trust rating na ibinase sa District Representation, Legislative Performance at Constituent Service.

 

 

“I am grateful and inspired by the steadfast support and trust given to me by our people.  Navoteños can rest assured that we will continue to push for projects, bills, and other social services – such as medical assistance, TUPAD, and guarantee letters at government hospitals – that would serve their best interests and promote their well-being,” ani Cong. Toby.

 

 

Habang si Mayor Tiangco naman ay nakakuha ng 92.1% approval at 93.5% trust ratings.

 

 

“We thank Navoteños for their high regard for our brand of governance, and for their faith and trust in the work we do.  They deserve no less than an effective, transparent, and accountable government that addresses their needs and helps them achieve their aspirations of a better life,” pahayag ni Mayor Tiangco.

 

 

Ang Boses ng Bayan poll ay ginanap noong Hunyo 28-Hulyo 8, 2023 na nilahukan ng may 10,000 random na napiling mga rehistradong botante.

 

 

Samantala, inihayag kamakailan ng Pamahalaang Lungsod na malapit na itong magtayo ng isang super health center kung saan ang mga Navoteño ay maaaring gumamit ng laboratoryo, dental, birthing, at iba pang serbisyong pangkalusugan.

 

 

Kasama ring itatayo ang Bahay Kalinga na magsisilbi namang pansamantalang tahanan ng mga inabandonang matatanda at kababaihan o mga bata na nakaligtas sa pang-aabuso.

 

 

Ani Mayor John Rey, nag-donate ang National Housing Authority (NHA) ng 728 sq.m. lote sa Ayungin St., Brgy. NBBS Kaunlaran na gagamiting site para sa nasabing mga pasilidad kung saan nilagadaan niya, kasama si NHA General Manager Joeben Tai ang kasulatan ng donasyon at pagtanggap noong 10 Hulyo 2023. (Richard Mesa)

Na-promote bilang 2nd Lieutenant ng Reserve Force: ROCCO, layong maka-inspire ng mga kabataan na mag-enlist din sa AFP

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PROUD si Rocco Nacino sa bago niyang responsibilidad matapos ma-promote bilang Second Lieutenant ng Reserve Force ng Armed Forces of the Philippines.

 

 

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Rocco na magsisilbi siyang Second Lieutenant ng Nurse Corps, Civil Military Affair Brigade ng AFP Reserve Command.

 

 

“Today I accepted the challenge of wearing a new hat, having new responsibilities, embarking on a new journey. This time with the AFP Reserve Command,” caption ni Rocco.

 

 

“Grateful for the many opportunities to serve our nation by using our influence for good, for hope, and to motivate,” pagpapatuloy pa ng Kapuso actor.
Present sa seremonya nitong Martes ang asawa niyang si Melissa Gohing, at kaniyang mga magulang.

Ayon kay Rocco (na bibida sa The Missing Husband kasama si Yasmien Kurdi), layon niyang maka-inspire ng mga kabataan na mag-enlist din sa military dahil malaki ang naitutulong nito lalo sa pagdidisiplina.

 

 

***

 

 

HINDI totoong may relasyon sina Pambansang Kolokoy na si Joel Mondina at komedyanang si Gladys Guevarra!

 

 

Iyan ang paglilinaw sa amin ng aming source na malapit sa Pambansang Kolokoy o PK.

 

 

Isa sa mga maling akusasyon laban sa kanya na nilinaw ni PK ay ang tungkol sa pangangaliwa diumano ni PK at pagkakaroon ng relasyon sa komedyanang si Gladys na naka-based na rin ngayon sa Amerika.

 

 

Taliwas sa akala ng marami, hindi si Gladys ang tunay na karelasyon ni PK.

 

 

“May istorya po diyan, hindi talaga sila. Kasi yung bestfriend ni PK iyon po yung talagang karelasyon ni Gladys.”

 

 

Bakit ang napabalita ay sina PK at Gladys ang magkarelasyon?

 

 

“Alam niyo naman po sa Amerika, di ba super-close ang mga Pinoy doon, so parang sinakyan na lang nila, nag-vlog-vlog sila kunwari, parang ganun, at tsaka tulong na rin kay Gladys kasi, you know para pag-usapan.”

 

 

Collaboration lamang sa vlog ang namagitan kina PK at Gladys at hindi totoong may relasyon.

 

 

“Hindi po totoo.”

 

 

“Yung asawa ngayon ni PK which is hindi na natin me-mention kasi private person, non-showbiz, kawawa naman, tsaka may baby sila, may anak sila.”

 

 

Samantala, sa pamamagitan ng vlog ni Ogie Diaz kamakailan ay binasag mismo ni PK ang kanyang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ng dati niyang misis na si Grace na dating ka-tandem ni PK sa kanyang sikat na Youtube channel.

 

 

“Unang-una, hindi ko nakita yung magulang ko. Yung tatay ko, hindi ko nakita nang ten years at hindi ko nakausap. Yung nanay ko, hindi ko nakausap nang eight years, magkatabi lang ‘yung bahay namin.”

 

 

Hindi raw kasi pinapayagan ni Grace si PK na makipagkita sa mga magulang ng sikat na vlogger pati na ang kanilang tatlong anak na lalaki.

 

 

Feeling ni PK, malaki ang hinanakit ni Grace sa magulang niya dahil tutol ang mga ito kay Grace dahil may asawa na at anak nang naging sila.

 

 

Hanggang dumating ang panahon na kailangan nang makipagkita ni PK sa kanyang mga magulang. Magre-retire na raw ang mga ito at gumawa siya ng vlog tungkol dito.

 

 

Sinabi niya ito kay Grace pero binantaan daw siya na kapag tumuloy sa pakikipagkita sa mga magulang niya, ilalabas ng misis ang mga gamit ni PK sa bahay nila.

 

 

Ngnuni’t nakipagkita pa rin si PK sa kanyang mga magulang at laking-gulat niya na pag-uwi niya ay nakakalat na ang mga gamit niya sa kanilang garahe.

 

 

Dumating si Grace sa bahay nila at humingi raw ng sorry sa kanya at hinihikayat siyang huwag nang umalis.

 

 

Nang mga sandalling iyon ay may truck na raw na nasa labas ng bahay nila na maghahakot ng mga gamit ni PK. Naisip rin niya, kapag pinagbigyan niya si Grace, paulit-ulit lamang mangyayari ang ganoong senaryo.

 

 

Kaya kahit wala siyang pera at labag sa kalooban na iwan ang kanyang dalawang anak ay sinikap niyang mabuhay nang solo.

 

 

Sobrang close kasi ni PK sa dalawa niyang anak na siya halos ang tumatayong ama’t ina. That time raw kasi ay hinayaan niya na mag-concentrate si Grace sa pag-aaral ng Nursing sa US.

 

 

Pero hindi raw porke siya ang nag-aalaga sa mga bata ay wala siyang trabaho.

 

 

“Meron akong trabaho, mas flexible lang ang oras ko, bago pa ako naging PK noon, which is ang ikinaganda ng aking trabaho ay flexible. So kung may kailangan ang mga bata sa school, puwede akong lumabas sa trabaho ko anytime, puwede ko silang ihatid at sunduin sa school. ‘Yan ang routine ko for so many years,” sinabi pa ni PK.

 

 

Unang nagpainterbyu si Grace kay Luis Manzano sa socmed accounts ng TV host at sinabi nito na naghiwalay sila dahil wala na raw oras sa kanya si PK at nangakong hindi siya lolokohin.

 

 

Sabi pa ni Grace kay Luis, Parang napi-feel ko na there’s something going on, pero hindi ko ma—I don’t have the evidence. Parang wala na—wala na ‘yung relationship namin. Parang we’re just friends with kids. Parang ganu’n, there’s no more spark.”

 

 

Sa interbyu pa ni Luis kay Grace ay ikinuwento nito ang pagtawag ng current partner ni PK sa kanya.

 

 

Kuwento ni Grace kay Luis, “Tumawag ‘yung babae sa akin. She said, explaining that she never…

 

 

“The night before, someone kept calling me—unknown—so, I kept ignoring it. The next day, it’s still an unknown call, so hindi ko sinagot. Then, there’s a text—I need to talk to you about you know—his name.

 

 

“At the same time, dumating si PK, and the girl called. At the same time, nand’yan si Joel sa tabi ko, and ‘yun, sinabi niya na they’ve been together for a long time. And this is March, 2022. Sabi niya, ‘We’ve been together for a long time and we’re gonna have a baby in July 2022,’” Grace narrated.”

 

 

Pinabulaanan naman ito ng source namin na karelasyon na ni PK ang current wife niya noong sila pa ni Grace.

 

 

According to our source, bago pa man nakilala ni PK ang kanyang second wife, divorced na sila ni Grace.

 

 

Paliwanag naman ni PK kay Ogie Diaz, “Kaya ‘yung sinabi ni Grace kay Luis sa interview niya na nandoon ako sa bahay nu’ng tumawag ang present wife ko, narinig ko naman lahat.

 

 

“Sabi niya (present wife), I’m sorry we love the same man, pero hindi ko kayang makita siyang ganyan (na malungkot para sa mga anak na ‘di niya kapiling) kaya pinapabalik ko na siya d’yan sa bahay ninyo. Sana, ayusin ninyo ang hindi ninyo napagkasunduan.”

 

 

Nakipagbalikan si PK kay Grace para subukan nila ulit magsama.

 

 

“Pagbalik ko, sinubukan kong i-workout talaga. Tapos one time, naiwan niyang bukas ‘yung phone niya, meron kasi siyang kaibigan na lagi niyang kinakausap and nabasa ko ‘yung conversation nila.

 

 

“Ang nakalagay du’n, ang sabi ni Grace, ‘Look at this asshole, he came back. I told you he can’t stand by himself, he still needs me.’ So, doon ko talaga napatunayang wala na talaga.”

 

 

Pero nu’ng sinabi ito ni PK kay Grace, nangatwiran daw ang ex-wife niya ng ganito, ‘Oh, that’s just girl’s talk.’

 

“So doon ko na talaga napatunayan na talagang wala na.”

 

 

Umalis pa rin si PK sa kanilang bahay.

 

 

Sa ngayon ay masaya na si PK sa piling ng bago niyang asawa at bunsong anak; nakakasama na rin niya ang mga magulang niya kapag nasa Pilipinas siya at nangakong hindi naman niya pababayaan ang mga anak niya hanggang paglaki. Kaya naman nagsalita si PK ay para ipagtanggol ang sarili nya laban sa mga netizen na nag-judge sa kanya at dahil sa mga maling akusasyon laban sa kanya.

(ROMMEL L. GONZALES)

VP Sara, ipinagmalaki ang liderato ni PBBM

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng kanyang pasasalamat si Vice President Sara Duterte-Carpio kay Pangulong  Ferdinand Marcos Jr, kung saan ang liderato ay  “marked with decisiveness, strength, fortitude, and political will.”

 

 

Ipinagmalaki ng Bise-Presidente si Pangulong Marcos at ang “kind of leadership that inspires us to be more aggressive in delivering what we have promised to the Filipino people.”

 

 

Pinuri rin ni Duterte-Carpio, kasalukuyang Kalihim ng Department of Education (DepEd) si Pangulong Marcos dahil sa pagsuporta sa kanyang polisiya sa departamento na aniya’y ” will benefit not only our learners but also the teaching and non-teaching staff of the department.”

 

 

Ipinahayag pa rin ng Kalihim ang kanyang  satisfaction o kasiyahan sa development agenda ni Pangulong Marcos para sa Mindanao, na kanyang home island.

 

 

“It offers us hope and a deep sense of optimism that the efforts to stamp out terrorism and the peace-building initiatives of the past administrations are strengthened to bring about meaningful development for the region and its people,” ayon sa Bise-Presidente.

 

 

“The same hope and optimism resound across the country with the implementation of his administration’s socio-economic agenda, providing security to vulnerable sectors such as farmers and fisherfolk,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Ads July 27, 2023

Posted on: July 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments