• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 18th, 2023

PBBM, pinuri ang Philippine Embassy sa Kuwait, DMW para sa walang humpay na paghahabol at makamit ang katarungan para kay Jullebee Ranara

Posted on: September 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  Philippine Embassy sa Kuwait, ang  Department of Migrant Workers (DMW), at ang mga Kuwaiti authorities para sa walang humpay na paghahabol at makamit ang hustisya para sa pinatay na OFW na si Jullebee Ranara matapos hatulan ng guilty ng Kuwaiti juvenile court ang amo na nasa likod ng nasabing krimen. 

 

 

 

“I commend the Philippine Embassy in Kuwait, the Department of Migrant Workers, and the Kuwaiti Authorities for their continued pursuit of justice for our OFW, Jullebee Ranara. We hope that the appeal process will be conducted fairly, and justice will be served accordingly,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang mensahe na naka-post sa social media.

 

 

 

“I take comfort in thinking that Toots (the late DMW Secretary Susan “Toots” Ople) and Jullebee are looking down from heaven with smiles. Their legacy serves as a reminder of our duty to protect and support our fellow countrymen, regardless of where in the world they may be,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

 

 

Sa ulat, sinabi ng DFA na hinatulan ng 15 taong pagkakakulong ang akusado dahil sa kasong pagpatay.

 

 

 

Nakatanggap din siya ng isang taong sentensiya sa pagkakulong dahil sa pagmamaneho nang walang lisensya.

 

 

 

Sinabi ng DFA na ang mas mababang parusa ay dahil sa pagiging menor de edad ng akusado. Mayroon siyang 30 araw para iapela ang hatol sa Court of First Instance.

 

 

 

“The family of the OFW has been informed and is grateful for the assistance provided them by the government,” anang DFA.

 

 

 

“The Philippine Government is similarly appreciative of the efforts undertaken by the Kuwaiti authorities to effect a speedy resolution of the case, in the pursuit of justice for our slain kababayan,” dagdag pa ng ahensya.

 

 

 

Ang nasunog na katawan ng 35-anyos na si Ranara ay natagpuan sa disyerto noong Enero.

 

 

 

Arestado ang 17-anyos na anak kaugnay ng krimen. Siya rin ay napaulat na nanggahasa at nakabuntis kay Ranara.

 

 

 

Nangako ang Kuwaiti Minister of Foreign Affairs Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah noong Enero na mapaparusahan ang pumatay kay Ranara. (Daris Jose)

Dahil sa second chances at balikan nila ni Bea: DENNIS, inihalintulad ang love story nila ni JENNYLYN sa upcoming series

Posted on: September 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING na-excite nang mag-post sa kanyang Instagram si Andrea Torres ng trailer ng upcoming Kapuso teleseryeng “Love Before Sunrise” na pinagtambalan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.  

 

 

Kontrabida ang role ni Andrea sa serye na malapit nang mapanood this September 25 sa GMA-7.

 

 

Nag-react ang mga netizens sa confrontation scenes nina Bea at Andrea sa trailer, na binuhusan ng tubig ng nagmamalditang si Andrea si Bea na gumanti naman ng malakas na sampal sa kanya, kaya naman nag-react agad sila sa makatanggal-pangang sampal ni Bea kay Andrea.

 

 

“Ang “Love Before Sunrise” ay magtatampok din kina Sid Lucero at Rodjun Cruz.

 

 

Last week lamang, dumayo na ang buong cast sa Kapuso Mall Show sa Higalaay Fest sa Ayala Malls Centrio, Cagayan de Oro City.

 

 

Ang much-awaited drama ay mapapanood na sa GMA-7 at stream episodes on VIU on September 25.  Papalitan nila ang “Royal Blood” ni Dingdong Dantes, na finale week na ngayon.

 

 

***

 

 

INIHALINTULAD ni Dennis Trillo ang love story nila ng wife na si Jennylyn Mercado sa story ng upcoming primetime series na “Love Before Sunrise.”

 

 

Nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sa GMA-7 last Friday, September 15, sinabi niya iyon yung nagkaroon sila ng second chances at nagkabalikan ni Bea Alonzo sa story.

 

 

“First time na naging kami ni Jen nang magtambal kami sa “Gumapang Ka sa Lusak” (2010) sa GMA-7,” kuwento ni Dennis.

 

 

“Pero tumagal lamang iyon ng isang taon, nagkahiwalay din po kami.  Then after ilang years, nag-reach out kami sa isa’t isa, tamang-tama naman pareho kaming walang partners, single kami pareho.  Siguro na-miss namin yung isa’t isa, ito yung second chances na sinasabi ko.”

 

 

That time daw alam na ni Dennis na doon na sila papunta ni Jen, kailangan lamang ang perfect timing para mangyari ang lahat. Siniguro rin ni Dennis na magiging tapat siya kay Jen, at hindi niya hahayaang masira ang tiwala sa kanya ng mga tao kaya siya na raw mismo ang lumalayo sa tukso, dahil may respeto siya sa kanyang wife.

 

 

Gusto niyang kahit may mga anak na sila ay maging happy pa rin si Jen.  Inamin din ni Dennis na siya ang seloso noon pero nag-mature na raw siya at mas pinahahalagahan niya ang tiwala.

 

 

Dennis shared kung paano niya pinapakilig si Jennylyn, minamasahe raw niya ang wife niya sa likod: “mahilig siyang magpamasahe sa likod, hindi siya makatulog, pero kapag hinimas ko na ang likod niya… pero hindi ko mapapantayan ang grabeng pag-aalaga sa akin ni Jen, the best siya.”

 

 

***

 

 

AYON kay Cristy Fermin sa kanyang programa, tungkol sa napipintong 12-day suspension ng airing ng “It’s Showtime” sa GTV ng MTRCB, nangako naman si Vice Ganda na huwag daw mag-alaala ang production staff ng show.

 

 

Na kapag natuloy ang suspension, dahil tutulungan niya ang mawawalan ng trabaho.

 

 

Muling pahayag ni Vice Ganda: “Huwag kayong mag-alaala, tutulungan ko kayo!”

 

 

Pero hindi na niya tutulungan ang mga co-hosts niya sa show, dahil tiyak daw namang may mga naipon na sila.

(NORA V. CALDERON)

4 na malalaking kumpanya interesado sa NAIA rehab

Posted on: September 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na may apat (4) na kumpanya ang interesado sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

“So far, there was the Manila International Airport Consortium, that’s number one. There was San Miguel Corporation which also purchased bidding documents, and GMR. The fourth one, I have to confirm which one,” wika ni DOTr assistant secretary Leonel De Velez.

 

 

Kamakailan lamang ay ang Manila International Airport Consortium na binubuo ng anim (6) na conglomerates sa Pilipinas at ang US-based partner nito ay nagsumite ng isang unsolicitated proposal upang sila ang mag rehabilitate ng NAIA sa loob ng 25-year na kontrata.

 

 

Subalit ang pamahalaan ay gustong magkaron ng solicitated deal sa concession na may period na 15 years at may posibleng 10-year extension based sa performance. Binuksan ng Public-Private Partnership Center and bidding noon August 23.

 

 

Ayon kay De Velez na plano nilang i-award ang P170.6 billion na kontrata sa taong ito upang maayos na sa lalong madaling panahon ang NAIA na siyang pangunahing gateway sa bansa.

 

 

Ang proyekto ay binubuo ng rehabilitation ng lahat ng pasilidad sa NAIA kasama ang apat na terminals at ang ibang pasilidad dito. Naglalayon ang rehabilitation na maitaas ang annual na kapasiad ng airport hanggang 62 million na pasahero mula sa ngayon na 35 million kung saan ito ay magkakaron ng traffic movement na 48 per hour mula sa dating 40.

 

 

Kilala ang NAIA na isa sa pinakamasamang airports sa mundo kung saan laging may passenger congestion at kamakailan lamang ay nagkaron ng 3 major power outgaes nitong taon.

 

 

Sinabi ni De Velez na ang rehabilitation ng NAIA at iba pang international airports sa Pilipinas ay mahalaga sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa.

 

 

“One of our key drivers of the economy is tourism. We can’t just develop our tourism sector in a bubble. We have to consider that there are competing countries: Malaysia, Thailand and Vietnam. These countries are investing in their airport infrastructure. We need to as well to remain competitive,” saad ni De Velez. LASACMAR