BIRTHDAY ni Samantha Lopez kahapon, October 18, pero hindi kasali sa mga birthday wishes niya ang magkaroon ng lovelife.
Kahit single siya ngayon ay happy naman raw siya.
“You know, kung may darating, kung may ibibigay si God, then, yeah, why not? Pero okay na rin, masaya naman, busy.”
Sabagay, halos wala na siyang oras para sa sarili niya lalo pa nga at idinaos niyang muli ang [3rd] SamLo Cup, ang kanyang taunang celebrity golf tournament.
Hands-on si Samantha sa kayang ganap, ultimo pag-aabot ng prizes sa raffle at table assignments sa lunch at awarding ceremony ay siya ang aligaga.
Kahit nangarag siya the night before ng SamLo Cup (October 17 ito ginanap) sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong dahil may mga nag-backout last minute.
“Si Tonton Gutierrez, nagkasakit, si Glydel Mercado, biglaang may taping, si Maricel Morales at husband niya nagkaroon ng emergency sa Pampanga,” kuwento pa ni Samantha.
Sa kabila nito, well-attended ang SamLo Cup; dumating sina Christopher de Leon at misis niya na cast member ng Magandang Dilag na si Sandy Andolong, Glenda Garcia na abala sa bagong GMA series ni Jo Berry, si Maey Bautista, Janelle Jaymer, Randy Santiago at Dingdong Avanzado na parehong nag-mini concert, same with 6Cyclemind vocalist na si Tutti Caringal na ang ganda pala ng katawan at ang hot mag-perform, Geneva Cruz na umawit kasama ang mga bata ng Kids For Jesus Foundation na beneficiary ng SamLo Cup, Cesar Montano at si Derek Ramsay minus Ellen Adarna.
Ngayong nairaos na niya ang SamLo Cup, balik-showbiz si Samantha dahil sabay siyang nagte-taping ‘for Love. Die. Repeat’ with Jennylyn Mercado for GMA at ‘Good Will’ for Net 25, produced by Korina Sanchez.
***
TINANONG namin si Elsa Droga kung paano niya naha-handle ang bashers?
“How do I handle bashers? For me bashers will make you famous, so ako pag may nangba-bash sa akin dine-deadma ko na lang.
“Kasi lahat naman tayo nagkakamali, kung may pagkakamali man tayo, deadmahin lang natin yung mga bashers, kasi hindi yan makakatulong e, parang pag pinatulan mo sila mas lalo ka nilang iba-bash, so para sa akin ang bashers treat them like a ghost, kumbaga binibigyan ka nila ng pagkakataon para mas lumakas pa yung loob mo, tatagan mo yung pagkatao mo, as long as bina-bash ka nila deadmahin mo na lang.”
Grand finalist sa segment na Miss Q and A ng ‘It’s Showtime’ noong 2018 si Elsa Droga kung saan siya sumikat kaya hiningan siya ng comment tungkol sa suspension ng naturang noontime show na nagsimula noong Oct. 14.
“Nakakalungkot po, kasi naging pamilya po namin ang Showtime e so… doon po ako nakilala, parang sa akin isa yun sa mga platforms na nagpapakilala ng iba’t-ibang klase ng tao, sila yung nagpapakilala sa buong mundo ng mga may potential
“So nung nalaman ko na suspended ang Showtime nakakalungkot siya. “Pero may mga platforms po na napapanood pa din ang Showtime, so ang nakakadismaya lang po sa amin is sana mabigyan ng pagkakataon ang Showtime na maipalabas uli sa television, dahil ang Showtime family po is lagi pong nagbibigay ng kasiyahan sa mga taong nalulungkot, sa mga taong depressed.
“Showtime is the best talaga, kaya sana bigyan ng pagkakataon ng MTRCB ulit.”
Latest project ni Elsa ang “Online In Love (Influencers Series)” kung saan introducing sa lead roles sina Gab Rosales at Daniel Bautista, kasama sina Jassy Calupitan, Jewel Gines, Marissa Joelle, Pink Rose, at Oreo Libios.
Ang limited online series na ito ay sinulat ni Eldrin Veloso, at ang executive producer ay si Marissa Joelle (na kandidata rin sa Mrs. Philippines 2023), line produced by Mabuhay PH, at sa direksyon ni Jag Cruz isang indie filmmaker na siya ring director ng “A Journey With Joanna Marie” na isang lifestyle show aired over Light TV.
Mapapanood ang Online In Love ngayong Nobyembre 2023 sa Youtube at iba pang streaming platforms.
(ROMMEL L. GONZALES)