• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October, 2023

LTO, target na gawing fully digital ang aplikasyon ng Student Permit at Drivers License

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ng Land Transportation Office na plano nilang gawing fully digital ang aplikasyon sa pagkuha ng mga Student Permit, Driver’s License at renewal.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, doble effort ang ginagawa ng kanilang ahensya upang matugunan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Paliwanag ng opisyal, mababawasan na ang mga fixers sa ahensya dahil kaunti na lamang ang face-to-face transactions sa ahensya.

 

 

Giit ni Mendoza, ang teknolohiya ay talagang epektibo upang mapuksa ang korapsyon sa lahat ng mga transaksyon sa kanilang tanggapan at mga satellite offices nito.

 

 

Pinapagbuti at pinalalakas na rin ngayon ng LTO ang kanilang information dissemination.

 

 

Layunin nitong mahikayat ang mga motorista na tangkilikin ang online transactions sa registration at renewal ng motor vehicle registration.

 

 

Paliwanag pa nito na nasa proseso na ang LTO sa pag-integrate ng bagong IT system sa lumang sistema upang masigurong hindi magkakaaberya o technical glitches.

Utos ni PBBM sa PCG, imbestigahan ang ang nangyaring banggaan sa Ayungin Shoal

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard (PCG)  ang nangyaring pagbangga ng China Coast Guard (CCG) sa  maliit na barkong kinontrata ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa resupply mission sa Ayungin Shoal, ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS)

 

 

Nauna rito, nagpatawag si Pangulong Marcos  ng command conference para talakayin ang  pinakabagong ginawang paglabag ng China sa resource-rich region.

 

 

“He instructed the Philippine Coast Guard to conduct an investigation, as mandated by international maritime laws, into the events that transpired during the RORE mission to Ayungin Shoal by vessels of the China Coast Guard,”  ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

 

 

“The incident, brought about by dangerous, illegal, and reckless maneuvers by vessels of the China Coast Guard, caused damage to a Philippine vessel within our exclusive economic zone and is being taken seriously at the highest level of government,” dagdag na wika ng PCO.

 

 

Samantala, napaulat na sinabi ng NTF-WPS na nangyari ang insidente dakong alas-6:04 nang umaga nang magsagawa ng “dangerous blocking maneuvers” ang CCG vessel 5203 (CCGV 5203) na nagresulta sa pagkakabangga sa indigenous resupply boat Unaiza May 2 (UM2), halos 13.5 nautical miles sa silangan hilagang silangan ng BRP Sierra Madre.

 

 

Ang UM2 ay nagsasagawa ng regular and routine rotation and resupply (RORE) mission sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal sapul noong 1999.

 

 

“The provocative, irresponsible, and illegal action of CCGV 5203 imperiled the safety of the crew of UM2,” ayon sa task force.

 

 

Binangga naman ng Chinese maritime militia vessel 00003 (CMMV 00003) ang port side ng Philippine Coast Guard (PCG) vessel MRRV 4409 habang nasa 6.4NM Hilagang Silangan ng Ayungin Shoal.

 

 

Sa kabila ng pagbangga, nakapagpatuloy pa rin sa RORE mission ang UM2 at ang barko ng PCG, habang ang Unaiza May 1 (UM1) naman ay mata­gumpay na nakarating sa BRP Sierra Madre.

 

 

“The National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) condemns in the strongest degree the latest dangerous, irresponsible, and illegal actions of the CCG and the Chinese Maritime Militia done this morning, in violation of Philippine sove­reignty, sovereign rights and jurisdiction and in utter blatant disregard of the United Nations Charter, the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS) and relevant international maritime conventions, and the 2016 Arbitral Award,” ayon sa  kalatas.

 

 

Nanindigan naman ang CCG na legal ang pagharang nila sa mga bangko ng Pilipinas dahil nagdadala umano tayo ng “illegal construction mate­rials” sa BRP Sierra Madre.

 

 

Samantala, mariing  ni US Ambassador to the Phi­lippines MaryKay Carlson ang China dahil sa “latest disruption of a legal Philippine resupply mission to Ayungin Shoal,” at ang paglalagay sa panganib sa mga sakay ng barko.

 

 

Naglabas din ng pahayag ang Canadian Embassy sa Pilipinas at kinokondena ang insidente ng banggaan dahil sa “unlawful and dangerous conduct” ng CCG.  (Daris Jose)

TIM BURTON’S “BEETLEJUICE” BACK EXCLUSIVELY TO AYALA MALLS CINEMAS’ “THRILL FEST” FOR ITS 35TH ANNIVERSARY

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AYALA Malls Cinemas exclusively brings back Tim Burton’s remastered “Beetlejuice” starting today, October 25, the iconic film that pushed the boundaries of film genres at the time it was released in March 1998.

 

 

Celebrating the film’s 35th anniversary, the remastered version of “Beetlejuice” will span an audience who grew up in the 80s and 90s eager to see the film again in theaters, to an all-new moviegoing audience who are about to experience a beloved classic prepped to match today’s visual and sound technology (Dolby) that can be best experienced at Ayala Malls Cinemas.

 

 

The fantasy dark comedy stars Alec Baldwin and Geena Davis as the Maitlands, a young couple who try to haunt the pretentious humans who have moved into their New England farmhouse by eliciting the help of a demonic wraith (Michael Keaton) they cannot control. This comic fantasy, which mixes the quick and the dead with a laugh and a fright, launched the careers of major household names such as Keaton, Baldwin, Davis, Catherine O’Hara and Winona Ryder.

 

 

The special cinematic treat is part of this year’s AMC Thrill Fest, a month-long Halloween special by Ayala Malls Cinemas. “Beetlejuice,” which grossed nearly $75 million worldwide against a budget of $15 million, was an early success for Burton and the movie’s make-up team (Academy Award) who would go on to work on other beloved films and franchises such as “Batman,” “Edward Scissorhands,” “Big Fish,” “The Nightmare Before Christmas” and many more.

 

 

Thirty-five years after the film’s release, “Beetlejuice” remains popular, with merchandise and decorations in stores every Halloween. There is also a Broadway musical based on the film, and the film’s re-release is ahead of its long-awaited sequel set to open in 2024 starring the original cast, with Tim Burton returning to direct. The sequel also welcomes new additions to the cast such as Jenna Ortega (from Netflix’s “Wednesday”), Willem Dafoe and Monica Belluci.

 

 

With Ayala Malls Cinemas’ exclusive release of “Beetlejuice”, today’s moviegoers can relive and experience the thrill of watching it inside a cinema, just like when it became a dominant part of pop culture back when it was shown in theaters for the first time.

 

 

Besides the remastered “Beetlejuice,” horror enthusiasts can also watch “The Exorcist: 50th Anniversary Director’s Cut” as part of the Thrill Fest. Every year during the Halloween season, Ayala Malls Cinemas exclusively brings back iconic and classic films that redefined the genre and gave audiences an unforgettable and unique experience in theaters and are guaranteed to continue to thrill moviegoers today. After all, these classics are best seen in theaters with a crowd of fellow horror movie fans.

 

 

This year’s Thrill Fest lineup must-see horror-thrillers also included the successful screen return of “The Exorcist”, followed by “The Exorcist: Believer” and “The Forbidden Play”.  Currently playing as part of the Thrill Fest is the Korean film “Target”, and “Five Nights at Freddy’s” will soon haunt audience on November 1.

 

 

These remastered films are back in cinemas for a limited time only. Have a frighteningly good time at Ayala Malls Cinemas this Halloween, be quick and book your tickets at www.sureseats.com

 

 

Ayala Malls Cinemas continues to treat its patrons this Halloween season with a free movie ticket for those who have watched five out of the six movies in the Thrill Fest lineup.  You may fill-up your Thrill Fest card until November 7.  So head your way now to the cinemas to get this movie perk.

 

 

Watch all these Halloween thrillers only at Ayala Malls Cinemas. Follow @ayalamallscinemas IG and FB.

(ROHN ROMULO)

Nagtapos na ang limited guest engagement: VINA, isa nang legit na ‘broadway actor’ dahil sa ‘Here Lies Love’

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS na nga ang limited guest engagement ni Vina Morales bilang Aurora Aquino sa hit Broadway musical na “Here Lies Love” last Sunday, October 22.

 

 

Sa kanyang IG account, nagpaalam si Vina sa musical noong Lunes, October 23, nang mag-upload niya ang isang video kuha sa loob ng kanyang dressing room.

 

 

May caption ito ng, “I am humbled, inspired, grateful, thankful for this amazing blessing! I can finally say that I am a Broadway actor. Been in show business for years and this one is for the books!

 

 

“Not only because It’s a dream come true but I get to work with these amazing talented people! Thank you my @herelieslovebway family for being so kind to me and to everyone!

 

 

“I thanked all the people who’s been a part of this journey! You know who you are! I will definitely miss you all!”

 

 

Bandang dulo ng kanyang post, “VINA MORALES as AURORA AQUINO! Signing off! I love you all!”

 

 

Naka-31 shows din si Vina na kung saan nagsimula siya noong September 22.

 

 

Sa New York City na rin inabutan ng kanyang birthday last October 17 at nag-celebrate siya kasama ng cast ng “Here Lies Love.”

 

 

Bukod nga sa kanyang special day, minarkahan din nila ang ika-100 palabas ng naturang broadway musical.

 

 

Caption ni Vina, “Happy 100th shows to us @herelieslovebway and happy bday to me.
“Thankful to be a part of the 100th shows. It was such a fun night last night with @herelieslovebway family.

 

 

“So much love and positive energy @kalye.nyc and just enjoying our karaoke night and yummy foods!
Special thanks to @gelosaurus for organizing this get together for all the casts. ”

 

 

“We miss you coach @msleasalonga.”

 

 

Si Lea Salonga naman ang original gumanap sa papel ni Aurora Aquino sa “Here Lies Love” na isang disco-pop musical na based sa concept music album ni David Byrne na inspired ng kanyang research sa buhay ni former First Lady Imelda Marcos.

 

 

At ang makasaysayang debut nito sa Broadway ay nagsimula noong July 20 kasama ang isang all-Filipino cast.

 

 

Na-extend hanggang August 19 ang performance ni Lea na originally hanggang August 13 lang kanyang limited guest engagement.

 

 

(ROHN ROMULO)

Sa tanong kung kasal na sila ni Sam: CATRIONA, sinagot ang follower ng ‘not yet but soon’

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBA talaga ang isang Barbie Forteza, kaya niyang gawin anuman ang hinihingi ng role niya sa kanya. Tulad ngayon na nasa last two weeks na lamang ang action-drama series nila ni David Licauco, ang “Maging Sino Ka Man,” ay sumabak pa siya sa isang matinding action scene.  

 

 

Kung noong unang bahagi ng serye ay nakita siyang naka-motor at nahulog sa isang tulay, ngayon naman ay nakipagsuntukan siya kay ER Ejercito, kasama si David, at pinost niya ito sa kanyang Instagram.

 

 

“Pinaghandaan ko po talaga ito dahil first time kong gagawin at hindi ako tumanggi na turuan ako ng mga techniques kung paano gawin ang isang fight scene under the instructions of our fight instructors,” kuwento ni Barbie.

 

 

“Panoorin po ninyo ako kung pasado ang mga eksena kong ginawa. Natuwa rin ako nang isa-isang ituro sa akin ang mga eksenang pinapanood ko lamang dati, at sabi ko nga may natutunan na ako at magagamit ko rin para sa self-defense.”

 

 

Natawa si Barbie sa tanong kung hindi sumakit ang katawan niya pagkatapos nilang kunan ang matinding fight scnes?

 

 

Panoorin na raw lamang ang mga huling eksenang ito, 8 p.m. gabi-gabi after ng “24 Oras.”

 

 

***

 

 

PROUD si Kapuso actress Kylie Padilla sa malaking pagbabago ng kanyang lifestyle, ngayong nagti-taping siya ng bagong action-serye sa GMA Network, ang “Black Rider” with Ruru Madrid, Yassi Pressman and others.

 

 

Sa kanyang Instagram Stories, ikinuwento ni Kylie na dalawang taon na siyang walang bisyo, lalo na pagdating sa paninigarilyo at hindi na rin daw siya umiinom.

 

 

“I used to love my alcohol only in moderation, pero I loved a glass or 4 ng wine especially if things got a little stressful sa buhay ko.

 

 

“But pagkatapos ng strange events sa buhay ko, nag-decide ako na i-give-up ko na lamang ang alcohol.”

 

 

Ang bago raw niyang bisyo ngayon ay may magandang epekto sa katawan niya, ay ang pag-inom ng moon blend tea na inirekomenda sa kanya ng Ate Queenie niya, na umiinom din nito.

 

 

“Nakaka-relax ang Lion’s Maine na para ring isang glass ng wine, pero organically at walang dehydrating side effect ng alcohol, Iyon na lamang ang lagi kong iniinom ngayon.”

 

 

Ang “Black Rider” ang papalit sa “Maging Sino Ka Man” na magpi-premiere na sa November 6.

 

 

***

 

 

MAY nagtanong daw na isang follower ni Catriona Gray kung kasal na sila ni Sam Milby, pero itinanggi niya ito.

 

 

“Not yet but soon,” sagot ng former Miss Universe.

 

 

Tinanong din si Catriona kung paano niya napagsasabay ang trabaho at lovelife, sagot niya ay, “have a good communication with your partner.  Mutual support is critical.

 

 

“It’s been really encouraging for my fiancé and I knowing that even though we’re apart sometimes because of work, it’s cause we’re building towards our future together.

 

 

“We also both believe we should also have thriving lives individually. Find ways to make time count when you have time together.”

(NORA V. CALDERON)

Alert level 3 itinaas ng DFA sa sitwasyon sa Lebanon

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa patuloy na kuguluhan sa pagitan ng Israel at mga katabing bansa, itinaas na sa Alert level 3 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Lebanon.

 

 

Nangangahulugan ito, ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, na maaari na ang voluntary repatriation sa mga Pinoy para maiwasan na maipit sa bakbakan sa pagitan ng Hezbollah militants at tropa ng Israel.

 

 

Nauna nang ipinag-utos ng Philippine Embassy sa Beirut ang evacuation sa may 67 Pinoy na nasa southern Lebanon dahil sa mga aktibidad ng Hezbollah kung saan nagpapaulan sila ng rockets sa direksyon ng Israel habang patuloy rin naman ang pagganti nito.

 

 

Patuloy naman naghihintay sa Gaza ang mga Pinoy na makatawid sa corridor patungong Egypt at mula dito ay ligtas silang babalik sa Pilipinas.

 

 

Sinabi rin ni De Vega na sa 135 Filipino na naitala sa Gaza na pinapatakbo ng Hamas, tanging 78 lang ang nagpaplano na bumalik dito sa Pilipinas.

 

 

Samantala, dumating na rin sa bansa ang 18 OFWs mula sa Israel. (Daris Jose)

Ads October 25, 2023

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pope Francis muling nanawagan ng pagtigil ng giyera sa Israel

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MULING  nanawagan si Pope Francis ng pagtatapos na ng labanan sa pagitan ng Hamas at Israel.

 

 

Sa kanyang traditional Angelus prayer sa St. Peter’s Square, sinabi nito na ang giyera ay laging pagkatalo at pagkasira ng pagiging magkapatid.

 

 

Dagdag pa nito na muli siyang nanawagan ng pagbubukas ng daanan para ng mga tulong sa mga sibliyang naiipit sa kaguluhan at ang pagpapalaya sa mga bihag.

 

 

Magugunitang mula ng magsimula ang labanan noong Oktubre 7 ay mayroong mahigit 4,000 katao na ang nasawi at mayroong mahigit 200 na bihag ang mga Hamas militants.

Oktoberfest sa Valenzuela City

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng 400th Founding Anniversary ng Valenzuela City, opisyal na binuksan sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony at ceremonial toast sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja at mga representative mula sa San Miguel Brewery Inc ang unang Oktoberfest na ginanap sa C.J. Santos St., Brgy. Malinta, Valenzuela City kung saan tatlong araw na pagdiriwang ito ng beer at music festival. (Richard Mesa)

Inaming nagkulang sa paglalambing noon: MATET, ngayon lang na-realize na sana’y mas naging mabuting anak ni NORA

Posted on: October 25th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Matet de Leon na nagkulang siya sa paglambing noon kay Nora Aunor.

 

 

Ngayon lang kasi niya na-realize na sana’y naging mas mabuting anak siya sa kanyang inang Superstar.

 

 

“Siguro po ‘yung ipilit ko ‘yung sarili ko sa kanya. Kasi noong bata po kami, si mommy nga laging busy. So ang dating sa amin pag nasa bahay, gusto niyang magpahinga lang, hindi puwedeng maistorbo.

 

 

“But ang gusto pala ni mommy nilalambing, ang gusto niya kinukulit. So we could have done that more noong bata kami,” pahayag ni Matet. Sana raw ay naglaan sila ng oras na magkakapatid sa kanilang ina. “Siguro mas natanggal namin ang pagod niya kung hinila ko ‘yung mga kapatid ko na ‘Hali ka dali puntahan natin si mommy, i-massage natin.

 

 

“Siguro mas naging buo ‘yung relasyon namin, or mas marami akong naging memories or kami with her when we were younger,” sey ni Matet na napapanood sa GMA teleserye na ‘Love Before Sunrise’.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang dating aktres at TV host na si Jaymee Joaquin sa edad na 44 matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa breast cancer.

 

 

Inanunsyo ito ng kanyang malapit na kaibigan na si Fides VA sa isang Facebook post noong October 18.

 

 

“Our dearest Jaymee Topacio aka Jaymee Joaquin, Jaymee Wins officially became an angel today. You’ve lived the most beautiful life, Jaymee. You will be greatly missed on this planet,” malungkot na balita ni Fides.

 

 

October 2016 nang ma-diagnose na may Stage 2A breast cancer si Jaymee.

 

 

Noong July 2017, masaya nitong ibinalita na cancer-free na siya. Pero noong March 2019, ibinahagi ni Jaymee na muling bumalik ang kanyang cancer.

 

 

Nakilala si Jaymee sa pag-host nito ng ‘Games Update Live’ (2006-2009) at sa mga shows na ‘Bora’, ‘Ligaw Na Bulaklak’, ‘Parekoy’, ‘Super Inggo’ at ‘Habang May Buhay’.

 

 

***

 

 

AFTER 45 years, nakipaghiwalay si Meryl Streep sa mister niyang si Don Gummer.

 

 

Ginulat ng 3-time Oscar winner ang kanyang mga tagahanga sa buong mundo sa pag-amin na six years na silang tahimik na maghiwalay ng kanyang artist-husband.

 

 

Nasa Spain si Meryl noong lumabas ang balita at ang rep nilang mag-asawa ang naglabas ng official statement nila.

 

 

“Don Gummer and Meryl Streep have been separated for more than 6 years, and while they will always care for each other, they have chosen lives apart,” ayon sa statement ng lumabas sa PEOPLE magazine.

 

 

Sa mga nakakita sa 74-year old actress sa 2023 Princesa de Asturias Awards in Spain, suot pa rin daw nito ang kanyang wedding band.

 

 

Last September 30, the now ex-couple celebrated their 45th wedding anniversary.

 

 

Huling nakitang magkasama in public si Meryl at Don ay noong 2018 sa red carpet ng Academy Awards.

 

 

Kinasal noong 1978 sina Meryl at Don at nabiyayaan sila ng apat na anak: Louisa Jacobson, 30; Grace Gummer, 37; Mamie Gummer, 40 and Henry Wolfe, 43. Meron din silang limang apo.

 

 

Huling napanood si Meryl sa season 3 ng comedy-mystery series na ‘Only Murders In The Building.’

 

 

(RUEL J. MENDOZA)