Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
AMINADO ang bagong talagang Kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi pa posibleng ngayon na maibaba ang presyo ng bigas sa ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong kampanya na P20 kada kilo.
Subalit hangad pa rin aniya ng ahensiya na maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo. Ang problema aniya sa ngayon ay nasa 15 year high ang presyuhan ng bigas sa pandaigdigang merkado kayat hindi pa ito posible sa ngayon.
Sa kabila nito, sa direktiba ni Pangulong Marcos, naghahanda na aniya sila na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para gawing abot-kaya ang bigas sa bansa.
Sinabi din ng kalihim na bukas itong makipagtulungan sa kasalukuyang mga opisyal ng DA sa gitna ng mga ulat na nagdemand ito ng courtesy resignation ng kasalukuyang mga undersecretary. (Daris Jose)
SA tulong ng kanyang Facebook at social media account, naaresto ang isang suspek at natunton ang kanyang tinangay na motorsiklo sa Bacoor City, Cavite Linggo ng hapon.
Kasong paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law) ang kinakaharap ng suspek na si alias ‘Jack’ nasa wastong edad dahil sa reklamo ni Rodrigo Navarette Jr y Luna, nasa wastong edad.
Sa ulat, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo na Honda TMX 155 na may side car sa harapan ng Maliksi Elementary School sa Brgy Bayanan, Bacoor City Cavite subalit nang balikan nito at nawawala na.
At sa pamamagitan ng footage sa Closed Circuit Television (CCTV) sa lugar, nalaman nito na tinangay ng suspek.
Dahil dito, in-post ng biktima sa kanyang Facebook account, gayundin sa Messenger account sa group ng kanyang kapwa motorcycle driver. Hinggil sa pagkawala nito.
Ilang sandali lang nang nakatanggap siya ng tawag mula sa lanyang kapwa driver na nakita ang side car nito sa Brgy talon 5, las Pinas City,
Isa pang tawag ang kanyang natanggap na nakita ang kanyang motorsiklo sa bahay ng suspek sa Brgy Bayanan, Bacoor City, Cavite at pinamamadali ito dahil sinisimulan ng katayin.
Agad na ipinagbigay alam sa pulisya kung saan nagtungo sa lugar dakong alas-2:00 kamakalawa ng hapon na nagresulta sa pagkaka-aresto sa suspek.
Narekober sa bahay ng suspek ang ilang piraso ng kanyang motorsiklo na kinatay kabilang ang kanyang side car at mug wheels. GENE ADSUARA
WELCOME kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas pinalaking “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” (BPSF) sa Santa Cruz, Laguna kung saan naghahandog ng serbisyo ang gobyerno.
Sinabi ni Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr., tumayong kinatawan ni Pangulong Marcos, layon ng BPSF na makapagbigay ng mabilis at maayos na serbisyo mula sa pamahalaan.
“Ito po ay alinsunod sa adhikain ng ating Pangulo na maisulong ang isang Bagong Pilipinas kung saan naipa-aabot ang paglilingkod ng gobyerno sa paraang mabilis, maayos, at abot-kamay ng bawat Pilipino,” ayon kay Lagdameo sa kanyang naging talumpati.
“Tandaan po ninyo na ang gobyerno ay palaging buong-puso at handang umagapay sa inyo sa lahat ng oras, lalong-lalo na sa mga kababayan nating pinakanangangailangan,” aniya pa rin.
Ang government services gaya ng aplikasyon para sa “renewal of application” at iba pang kahilingan para sa tulong ay ibinibigay sa panahon ng BPSF, nilahukan ng national at local government offices.
Kasabay ng BPSF ay ang paglulunsad ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program, isinagawa sa pakikipagtulungan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Department of Social Welfare and Development.
Sa ulat, sabay-sabay na ikinasa ang CARD Program sa 33 legislative district ng Kalakhang Maynila na may 10,000 “poor and vulnerable beneficiaries” bawat isa para sa kabuuang bilang na 330,000 recipients. ang distribusyon ay hinati sa apat na payouts.
Mayroon din namang 3,000 benepisaryo sa City of Biñan at 2,000 sa City of Santa Rosa sa lalawigan ng Laguna.
Matatandaang, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang BPSF national launch sa Nabua, Camarines Sur noong Setyembre 23, kasabay sa idinaos na paglulunsad sa Monkayo, Davao de Oro; Tolosa, Leyte; at Laoag, Ilocos Norte.
“Ang programang ito ay isa lamang sa mga unang hakbangin ng pamahalaan upang magkaroon ng bagong pag-asa at bagong simula ang mga Pilipino. Magkakahiwalay man ang ating mga isla, pinagbubuklod-buklod naman tayo ng isang diwa at isang pangarap – isang bagong Pilipinas para sa bagong Pilipino,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati sa Camarines Sur Polytechnic College gymnasium.
Samantala, pinasalamatan naman ni Lagdameo ang mga lokal na opisyal na nag-isip at isinakatuparan ang proyekto at hiniling sa mga ito na patuloy na makipag-ugnayan para suportahan ang lahat ng mga inisyatiba ng national government.
Pinaalalahanan din nito ang mga opisyal na buksan ang puso sa pagsisilbi sa mga kapwa-tao.
“Makasisiguro po kayo na hindi titigil ang ating administrasyon, sa pangunguna ng ating mahal na Pangulo, sa pagsisilbi sa bayan at sa pagtiyak na lahat ng mga mamayan ay kasama natin sa kaunlaran,” ayon kay Lagdameo. (Daris Jose)
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bibigyan ng katarungan ang radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala sa pangalang DJ Johnny Walker, 57-anyos na namatay matapos pagbabarilin habang naka-on-board sa loob mismo ng kaniyang radio station sa Misamis Occidental.
Sa katunayan, inatasan na ni Pangulong Marcos ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahang mabuti ang krimen at hulihin ang mga may kagagawan sa krimen.
Sa kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO), mariing kinondena nito ang nangyari kay Jumalon.
“Ang ganitong walang kabihasnang pag-atake sa ating mamamahayag ay walang lugar sa isang demokratikong bansa,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Makakaasa kayo ng aming masusing pagtutok upang mabigyan ng hustisya ang kanyang pagpaslang,” dagdag na wika nito.
Sa ulat, idineklarang dead-on-arrival sa Calamba District Hospital ang biktimang si Juan Jumalon, 57, mas kilala sa tawag na “DJ Johny Walker”.
Batay sa imbestigasyon, nangyari ang krimen dakong alas-5:30 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng biktima kung saan may sariling booth sa Purok-6, Barangay Don Bernardo A. Neri, Calamba, Misamis Occidental. May programa sa radyo ang biktima na “Pa-hapyod sa Kabuntagon”.
Bigla na lamang pumasok sa bahay ng biktima ang suspek at agad itong binaril sa bibig na tumagos sa ulo. Ang pamamaril ay nakuhanan pa ng video.
Agad namang inutos ni PRO 10 Regional Director PBGen. Ricardo Layug, Jr,. ang paglalatag ng checkpoints sa bayan ng Calamba para sa agarang pagdakip sa suspek.
Lumilitaw na kinuha rin ng suspek ang kuwintas ng biktima.
Nabatid kay Layug na bumuo na rin sila ng Special Investigation task Group (SITG) na tututok sa pamamaslang kay Jumalon. (Daris Jose)
KASWAL lamang magkuwento si Kapuso Action star Ruru Madrid tungkol sa relasyon nila ng girlfriend na si Bianca Umali.
Limang taon na rin sila as boyfriend and girlfriend kaya marami na rin silang pinagdaanan at nalampasan sa kanilang relasyon.
Ayon kay Ruru, noong nagsisimula pa lamang sila ni Bianca, may pagka-introvert daw ang girlfriend, ang mga problema raw nito kinikimkim na mag-isa, kaya may tendency na lumaki ang kanilang problema, pero later on sila na rin dalawa ang natutong pag-usapan ang mga bagay-bagay.
Like pag may problema sila ngayon hindi na nila pinatatagal, pinag-uusapan na nila at bago matapos ang gabi, naayos na nila ang problema. Inamin din ni Ruru na siya talaga ang madaldal sa kanila ni Bianca:
“So, ako yung madalas mag-open up, later on, nag-open up na rin siya. Ako kasi walang preno, walang stop, so si Bianca ang nagpapakalma sa akin. Si Bianca kasi sobrang tahimik. Ako naman ang nagpapadaldal sa kanya.
“Ngayon, naging palangiti na rin siya, mas bumabati sa mga tao. Kaya mas nagtutulungan kaming dalawa. Kahit hindi kami magkatrabaho, alam ko, may naitutulong kaming maganda sa isa’t isa.”
Bida si Ruru sa bagong nagsisimulang action serye sa GMA Network, ang “Black Rider,” 8 pm, after “24 Oras.”
***
NAPAIYAK si Kylie Padilla nang mapag-usapan nila ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang tungkol sa failed marriage niya kay Aljur Abrenica.
“I hate it when people say, ‘Artista yan, papalit-palit lang. That’s their life. Ganoon talaga ang style ng mga artista when it comes to relationship.’ But people don’t know how much it hurt me. It’s very unfair and I wanted more for my kids talaga.”
Tanong nga ni Kylie, “bakit nagbabago? Bakit nagbabago ang love, so many promises sa simula, then biglang?,” at napaluha na siya sa interview.
“Medyo cliche, pero sana nagtira ako para sa sarili ko, kasi I gave my all talaga pero nagwakas pa rin ang aming relasyon. Pero dahil nag-promise ako sa sarili ko, ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko. Oh, my God!” at doon na hindi nakapagpigil ng emosyon niya si Kylie.
Inamin ni Kylie na nasasaktan siya kapag napag-uusapan ang dalawang anak nila ni Aljur.
“Inubos ko and nauwi rin sa hiwalayan. Galing ako sa broken family kaya ayaw kong matulad sila sa akin.”
Si Kylie, ang unang katambal ni Ruru Madrid sa “Black Rider”.
***
BALITANG-BALITA na ang actress/singer na si Vina Morales ay may bagong boyfriend.
Sa kanyang Instagram, Vina posted ang isang reel mula Washington, D.C. na nagpapakita ng changing colors of three leaves… and a new man na kanyang kayakap habang nasa lawn sila of autumn leaves, walking down an esplanade during sunset, may mga photos din sila na nagpapakitang they are enjoying themselves in a restaurant.
“Autumn leaves and beautiful sunset at Washington, D.C.” caption ni Vina, complete with a smiley emoji and a heart.
Naka-tag sa Instagram handle ang @abkovalcin,, which happens to be a private profile with the name of Andrew Kovalcin.
Sa comment section, maraming followers ni Vina ang nag-iwan ng red heart emoji at pagbati nila kay Vina. Kahit ang show business personality na si Noel Ferrer ay hindi nakapigil ng pagbati kay Vina na: “Yehey! Luma-love life! So happy for you, Vina” na sinagot nito ng “thank you, Noel.”
Katatapos lang ni Vina ng debut niya on Broadway for “Here Lies Love” replacing Lea Salonga in the role of Aurora Aquino. Ayon kay Vina, isang “dream come true” to finally be able to say she is a “Broadway actor.”
Comment naman ng mga netizens, “whether or not the man in her Instagram reel is a boyfriend, we are just truly happy things are in full swing in Vina’s life. Cheers to that!”
(NORA V. CALDERON)
ANG sweet ng birthday message ni KC Concepcion para kanyang ama na si Gabby Concepcion na nagdiwang ng ika-59 na kaarawan noong Linggo, November 5.
Sa Instagram ni KC, ibinahagi niya ang isang throwback photo na kung saan she is kissing her dad on the cheek.
May caption ito ng, “To my sweet and handsome father, happy happy birthday to you! Thank you for putting a smile on my face, and I hope my sisters and I do the same for you, all the days of your life.”
Dagdag pa ni KC, “I love you 3x a day… and more! To a fulfilling, fun and fruitful year ahead, Papa!
“Happy birthday to you! @concepciongabby.”
Samantala, may bagong vlog si KC sa kanyang YouTube chennel at caption niya sa kanyang IG post, “Alam niyo ba kung sino ang nagturo sakin magsulat ng letters? Walang iba kundi si Mama @reallysharoncuneta!
“Naging tradition namin ‘to when I was a kid 💞 So let’s take a trip down memory lane together, as I REACT TO THE LETTERS na sinulat ng sweet but sassy na si Little KC! Haha!
Letters collected and compiled by Mama.
Ang saya nito!!! 😍 Link in bio 💌
#KCConcepcion #KristinaConcepcion #TheKCDiaries #Thanksgiving.”
(ROHN ROMULO)
FOR director Eli Roth, his journey for the Thanksgiving movie started in 2006, when his friends Quentin Tarantino and Robert Rodriguez were working on their double feature Grindhouse.
To add to the double-feature experience, Tarantino asked his friends – including Roth – to create fake trailers that would appeal to the Grindhouse crowd. And Roth knew exactly what he wanted to do.
Watch the red band trailer: https://youtu.be/4_qBoUJz8D0
In his youth and teenage years, Roth and his friend Jeff Rendell, who would co-write Thanksgiving, took in a steady diet of horror films, consuming VHS after VHS of carnage, chaos, and gore. And one special subgenre kept them busy. “We came of age in the early ’80s, the golden era of the holiday slasher movie,” he recalls. “Black Christmas, Halloween, My Bloody Valentine, April Fool’s Day, New Year’s Evil… When we saw Silent Night, Deadly Night, we cheered the mayhem while the Santa Claus killer yelled, ‘PUNISH!’ This, to us, was cinema at its peak.”
For the fake trailer requested by Tarantino, Roth saw the perfect opportunity to create a trailer for an American holiday that Hollywood horror movies had yet to celebrate: Thanksgiving. Rendell and Roth wrote it, and as Roth was completing filming on Hostel Part II, he had access to locations, actors, even fake heads from that film to immortalize it. When Grindhouse promised Thanksgiving as a preview of coming attractions, audiences loved it.
For 17 years, Roth would hear from fans wondering if he would ever make the movie for real. Roth was game, but there was just one problem: “We didn’t have a plot,” he says, noting that the fake trailer is simply a stringing together of stabbings, beheadings, and mayhem, themed to the holiday. But a trailer does not a movie make, and Roth and Rendell kept looking for ways to make it real.
“We were so thrilled with how the trailer turned out, we continually found ourselves reverse engineering the story to fit in the gags. How would we decapitate a turkey at the parade? How can we roast a human turkey?” he notes. “We knew we had to make Thanksgiving a real slasher film, one that could exist whether you had seen the trailer or not.”
With that in mind, they focused on the gestalt of the fake trailer, rather than the individual sequences themselves. “We began with the working premise that Thanksgiving 1980 was the film the Grindhouse trailer was made from, and it was so shocking that every print was destroyed, and the only element that survived was the one trailer,” he says.
“The new film we were making would be the reboot of that movie, starting again from scratch, but cherry picking elements we knew would work in the story we were telling today.”
During the many years of writing, rewriting, and getting it right, Roth says it is the fan sites who kept the Thanksgiving dream alive.
“Each year the horror sites would trot it out and lament that we never made it,” says Roth. “I must thank them for this – it kept us going when we were burned out on the idea or couldn’t figure out how to make it great. Finally, after a few story breakthroughs, the idea really began to click, and we worked it out.”
About Thanksgiving
After a Black Friday riot ends in tragedy, a mysterious Thanksgiving-inspired killer terrorizes Plymouth, Massachusetts – the birthplace of the infamous holiday. Picking off residents one by one, what begins as random revenge killings are soon revealed to be part of a larger, sinister holiday plan. Will the town uncover the killer and survive the holidays…or become guests at his twisted holiday dinner table?
Directed by Eli Roth, and written by Roth and Jeff Rendell. Produced by Roth, Roger Birnbaum and Rendell.
Starring Patrick Dempsey, Addison Rae, Milo Manheim, Jalen Thomas Brooks, Nell Verlaque, Rick Hoffman and Gina Gershon.
In Philippine cinemas November 22, Thanksgiving is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #ThanksgivingMovie (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)
(ROHN ROMULO)
BINISITA at binigyan ni Mayor John Rey Tiangco ng tulong pinansyal ang mga pamilyang Navoteño na biktima ng naganap na sunog sa Brgy. North Bay Blvd. South Dagat-dagatan. Nabigyan din sila ng hot meals, hygiene kit, banig kumot, at pansamantalang matutulugan sa tulong ng CSWDO. Nagpasalamat naman ang alkalde sa lahat ng rumesponde sa sunog at mabilis na tumulong sa mga apektadong Navoteño. (Richard Mesa)