• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 21st, 2023

Ads November 21, 2023

Posted on: November 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PBBM, hinikayat ang mga APEC members na palakasin ang ugnayan para maging accessible ang green technology

Posted on: November 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
HINIKAYAT  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang mga  APEC member economies na tiyakin ang malakas na  “economic at technical cooperation” upang magarantiya na “accessible” ang  green energy solutions.
Sa isinagawang interbensyon sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Informal Dialogue and Working Lunch sa Moscone Center, sinabi ni Pangulong Marcos na makatutulong ang  bloc sa mga itinuturing na “vulnerable nations” na bawasan ang emisyon.
“APEC can contribute to a trade and investment environment that assists economies in cutting emissions, facilitating climate financing, and supporting technology transfer, especially for the most vulnerable economies. Technology diffusion ensures that green energy solutions are accessible and affordable to all,” ayon kay Pangulong  Marcos.
“In this regard, I call for stronger economic and technical cooperation,” dagdag na wika nito.
Tinuran pa ni Pangulong Marcos na ang  “regional cooperation, structural reforms, at capacity building” ay magiging  “even more critical as we advance toward our sustainability and inclusivity goals.”
Aniya pa, ang susi para tugunan ang mataas na halaga ng green technology ay sa pamamagitan ng kooperasyon sa “development, liberalisasyon ng sektor, at i-facilitate ang  green trade at investment” nito.
Tinukoy din ng Pangulo ang paggamit ng agham, teknolohiya/ innovation at kooperasyon. sa pagsasaliksik na mapababa ang halaga ng  development para mapabilis ang  climate mitigation solutions.
Winika pa ng Chief Executive na ang economic reform tungo sa “greening the economy” ay may mahalagang  foundational role.
” Good regulatory practices and integrating innovation into regulatory policy development would ensure that economies have an enabling environment to encourage and adopt a green economy,” aniya pa rin
“As regulators and decision-makers, ours is the responsibility to balance stimulating economic growth with protecting the public during this transition,” ayon pa sa Pangulo.
“Capacity building in the development of new models, scenarios, and risk assessment tools, sharing of data, and building of new reporting standards compatible with the evolving context would prove critical in both magnifying the collective impact of our individual actions and appropriately monitoring and evaluating our progress in the implementation of our objectives,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang Estados Unidos nang pangunahan ang “critical discussions” na gumagarantiya sa  commitment at  excellent chairmanship nito sa   APEC ngayong taon. (Daris Jose)

Internet sa Pinas bibilis na

Posted on: November 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SA SANDALING ilarga na ang paggamit ng satellite para sa internet service ay asahan na ang mabilis na internet sa bansa.
Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa Los Angeles, California.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Pangulo at delegasyon nito na malibot ang SpaceX facility sa Hawthorne, California at nakita nito ang potensiyal ng bansa sa satellite broadband connecti­vity para mapahusay ang koneksiyon ng internet sa Pilipinas.
Kadalasan aniya ay naririnig na mahina ang internet sa bansa suba­lit sa mga darating na araw ay gaganda na dahil sa magandang resulta ng kanyang biyahe sa Amerika partikular sa Asia Pacific Economic (APEC) summit sa San Francisco.
Sinabi ng Pangulo sa mga Pilipino sa Los Angeles na kasama sa adhikain ng kanyang gobyerno ang digitalisasyon at paggamit ng mga bagong teknolohiya para maging mas epektibo, produktibo at episyente ang serbisyo ng gobyerno sa publiko.

NAGSAGAWA ng kilos-protesta

Posted on: November 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang mga miyembro ng drivers at operators ng Public Utility Vehicle (PUV) sa Monumento Circle, Caloocan City bilang bahagi ng isasagawang malawakang transport strike sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila para tutulan ang PUV phaseout. (Richard Mesa)

VP Sara, hindi deserve na ma-impeached-PBBM

Posted on: November 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na hindi deserve ni  Vice President Sara Duterte  na  ma-i impeached sa kabila ng naging pahayag ng isang mambabatas na pinag-uusapan na ito ng  ilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

“Binabantayan namin nang mabuti because we don’t want her to be impeached, we don’t want her to… she does not deserved to be impeached so we will make sure that this is something we will pay very close attention to,” ayon kay Pangulong  Marcos sa isang panayam.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na  ang “impeachment talks” ay hindi karaniwan mula ng  “there will always be an element that would want to change the result of an election.”

 

 

“Well, lahat naman kami mayroong ganyan eh (we all have detractors). So, I don’t think it’s particularly unusual, I don’t think it’s particularly worrisome,” anito.

 

 

At  nang tanungin kung mayroong anumang bitak sa  UniTeam, sinabi ng Pangulo na  “I don’t think so. Mas tumitibay nga eh.”

 

 

Inilarawan din ng Pangulo ang kanyang relasyon kay  Duterte ay  “excellent.”

 

 

“On a professional level, nothing but good things to say about the work she has done in the Department of Education,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Pagdating naman sa  personal level, sinabi ng Pangulo na magkasundo naman  sila ni VP Sara. (Daris Jose)

Dating Unang Ginang Imelda Marcos, gustong sumama sa kanyang anak na si PBBM sa Hawaii trip nito

Posted on: November 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na nais ng kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos na sumama sa kanyang working visit sa Hawaii.

 

 

“Oh yes, oh yes she would. She would love to have come just to see all of the people. If she cannot travel, sabi ko nga kay Manong Joe, ikaw na lang pumunta doon pasusundo ka namin,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Si Joe Lazo ay kaibigan ng mga Marcoses.

 

 

Winika ng Pangulo na malapit si Joe  sa kanyang mga magulang lalo na noong panahon ng kanilang exile.

 

 

Sinabihan aniya siya ng kanyang una na makipagpulong at pasalamatan ang lahat ng mga  Filipino na tinulungan sila para maka-survive noong kanilang exile noong 1986.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na nang dumating ang kanyang pamilya sa Hawaii noong 986,  walang-wala aniya sila at tanging ang  Filipino community  ang nagbigay ng kanilang mga pangangailangan.

 

 

Inamin ng Pangulo na kung hindi dahil sa tulong ng Filipino community ay malamang na wala na sila ngayon. (Daris Jose)

Myanmar, mahirap at mabigat na problema para sa Asean-PBBM

Posted on: November 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING ng  Southeast Asian bloc ASEAN na ang labanan sa military-ruled Myanmar ang pinakamabigat at mahirap na isyu para tugunan.

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcs Jr., na may maliit na progreso tungo sa resolusyon at tumitinding labanan.

 

 

Sa pagsasalita ng Pangulo sa isang forum sa Hawaii streamed live sa Pilipinas, winika nito na mayroong commitment mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), subalit ang usapin ay kumplikado kabilang na ang humanitarian impact.

 

 

Sinabi ng United Nations na mahigit sa milyong katao ang na-displaved  mula nang ilunsad ng military ang kudeta sa Myanmar noong 2021.

 

 

“There is a great deal of impetus for ASEAN to solve this problem. But it is a very, very difficult problem, ayon sa Chief Executive.

 

 

Samantala, ang PIlipinas naman ang uupong chairman ng ASEAN sa 2026 matapos  palitan nito ang Myanmar para sa nasabing taon. (Daris Jose)

Pondo sa rehabilitasyon, kabuhayan ng quake victims tiniyak ni Romualdez

Posted on: November 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na hahanapan ng administrasyong Marcos ang ilang daang milyong pisong kakailanganin para sa rehabilitasyon ng mga kalsada, tulay, fish port, at ibang imprastrakturang nasira ng 6.8 magnitude na lindol sa Southern Mindanao nitong nakalipas na Biyernes.

 

 

Ito ang paniniyak ni House Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo matapos personal na magtungo sa General Santos City at Sarangani kahapon alinsunod sa direktiba ni Speaker Romualdez na alamin ang kalagayan ng mga residenteng naapektuhan ng lindol.

 

 

“Ang instruction sa atin ni Speaker Romualdez tiyakin na mahahanapan ng pondo ang rehabilitasyon ng mga nasirang lugar at pagkakaloob ng kabuhayan sa mga naapektuhan,” ayon kay Tulfo na agarang nagbigay ng updates kay Speaker Romualdez, nakasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa katatapos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Estados Unidos para kumuha ng bagong mamumuhunan sa bansa, kaugnay sa nangyaring lindol.

 

 

“Marami talaga ang nasira. Hindi lang mga tulay at kalsada, lumubog din ang malaking bahagi ng Glan Fish Port. Sa Sarangani pa lang ang initial estimate P200 milyon ang kakailanganin. Hinihintay pa natin ang ibang assessment pati sa General Santos City at Davao Occidental. Ilang daang milyong piso ang kakailanganin natin para sa ating mga kababayan,” ani Tulfo.

 

 

Sinabi ni Tulfo na patuloy rin ang ginawang pamamahagi ng Tingog Party-list ng relief goods sa naapektuhang mga residente ng lindol sa General Santos City at Sarangani. (ARA ROMERO)