NAGING emosyonal nga ang bida ng ‘Mallari’ na si Piolo Pascual sa natanggap niyang parangal sa katatapos lang na 36th Aliw Awards.
Ang premyadong actor kasi ang tinanghal na “Best Lead Actor in Musical” para sa kanyang mahusay na pagganap sa musical play na “Ibarra.”
Sa interview ng ABS-CBN entertainment reporter na si Ganiel Krishnan, bigla ngang naiyak si Papa P sa labis na kaligayahan.
Say niya, “‘Di ko alam eh, forever ko iki-keep ‘yung ganitong recognition because, you know, I’m an actor.”
“First and foremost, to be doing something like this, something out of the box, something out of my comfort zone, parang na-push ‘yung sarili ko para ma-challenge ko ‘yung sarili ko.”
Dagdag pa niya, “Hindi natin liga ang teatro, pero I started out in theater. To be named entertainer of the year, it just only means na your hardwork has paid off.”
“Wala ho akong ipagyayabang, pero forever akong magiging humble sa lahat ng natatamasa natin and I’m just really thankful to the Lord for taking us this far,” pahayag pa niya.
Nabanggit din ng aktor na willing siyang magbalik-teatro sakaling maooperan uli siya ng magandang role.
Next year ay magiging busy pa rin si Piolo dahil may gagawin siyang malaking teleserye sa ABS-CBN at may nalinyang dalawang pelikula.
Samantala, malaking pressure nga kay Piolo ang latest movie na ‘Mallari’ na filmfest entry ng Mentorque Productions sa 49th MMFF, na kung saan tatlong roles ang ginampanan niya, na magkakaiba dahil mula ito sa tatlong henerasyon.
Say nga ni Alessandra de Rossi na bida naman ng ‘Firefly’, sa presscon ng inauguration ng MMFF Auditorium na matatagpuan sa 5th floor ng MMDA Head Office sa Pasig City, “tatlo kasi ang roles ni Piolo sa film.
“Nag-text ako kanya, sabi ko, ‘Papa P, nag-i-expect ako tatlo yun nominations mo sa best actor per role, and hopefully, may isa doon na manalo ka.”
Umaasa naman si Piolo na sana’y suportahan at ma-appreciate ng mga Pinoy ang sampung entries sa MMFF 2023.
“Sabi nga all cards on deck para sana lang talagang ay maibigay ng mga tao ang suporta. We always believe na may chance tayo na maipakita ang ganda ng pelikulang Pilipino.
“Sana ma-appreciate po ng lahat, hindi competition ito, magkakaibigan po kaming lahat, magkaka-contemporary tayo sa industriya so sana po talaga,” pahayag ng aktor sa pinatawag na presscon ng MMDA.
Pahayag naman ni MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF Over-all Chairman Don Artes sa MMFF Auditorium, “this is a milestone for the MMFF, a fitting tribute to its almost five-decade success which greatly contributes to Philippine cinema.
“Producing films that have been recognized not just in our country but also internationally.”
Ito rin ang magsisilbing venue for the celebration and promotion ng Filipino artistic talents and creativity.
At bago nga mapanood ang sampung pelikula sa December 25, magkakaroon muna ng ‘Parade of Stars’ sa Saturday, December 16, na babagtas sa four key cities sa CAMANAVA area.
Balita rin na ginastusan ng husto ng producer ng ‘Mallari’ ang kanilang magarang karosa, na kung saan may aircon ito at cr ito sa unang palapag, para maging komportable ang cast na sasama sa parada ng mga bituin.
Ang 49th edition ng MMFF is presented in partnership with PCSO at ang proceeds nito ay mapupunta sa mga beneficaries sa film industry tulad ng Mowelfund, Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy, Optical Media Board at FDCP.
(ROHN ROMULO)