• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 20th, 2024

PH swak na destinasyon ng dayuhang pamumuhunan dahil sa lakas nito, pagkakaisa ng ASEAN

Posted on: January 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PERPEKTONG destinasyon umano ng dayuhang pamumuhunan ang Pilipinas dahil sa malakas na ekonomiya nito at mga repormang ipinatutupad para mas maging bukas ang ekonomiya kasabay ng magandang pagsasama ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

 

 

Sinabi ni Romualdez na bagamat magkakaiba ang kultura, wika, at pamamaraan ng mga miyembrong bansa ng ASEAN, nag-uugnayan ang mga ito upang matugunan ang mga hamon na kapwa nila kinakaharap.

 

 

“And that’s why it’s not such a big surprise that after the COVID pandemic we the ASEAN emerged as the bright spot in the global economy of course I’d like to put the Philippines up front,” ani Speaker Romualdez, isa sa mga panelist ng “Learning from ASEAN” session sa World Economic Forum Annual Meeting live panel discussion kung saan host ang CNN anchor na si Julia Chatterley noong Miyerkoles ng hapon (oras sa Switzerland).

 

 

Inaasahan na mananatili ang ASEAN bilang rehiyon na may pinakamabilis na pag-unlad ang ekonomiya sa mundo at magsisilbing malaking bahagi ng pag-angat ng Asia-Pacific sa susunod na dekada.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Romualdez sa lider ng iba’t ibang international business groups sa isang breakfast roundtable discussion ang mga hakbang na gagawin ng Pilipinas upang alisin ang limitasyong sa dayuhang pamumuhunan na nakasaad sa Konstitusyon.

 

 

Inanunsyo rin ni Speaker  ang paglulungsad ng kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa—ang Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Gagamitin ang MIF upang agad na magawa ang mga proyekto at programang kinakailangan ng bansa na magpapalakas sa ekonomiya, lilikha ng mapapasukang trabaho at magpapahupa ng kahirapan sa bansa.

 

 

Ang pondo ay estratehikong ilalagay sa mga sektor na magtutulak ng multi-generational growth, partikular sa sektor ng enerhiya, food security, physical connectivity, teknolohiya, at napapanatiling paggamit ng pambansang yaman.

 

 

Sinabi ni Maharlika Investment Corporation CEO Rafael Consing, Jr. na ginawa ang MIF na maging pangmatagalan at epektibo.

 

 

Dagdag pa nito, ang pamamahala sa MIF ay nakaayon sa pinakamahusay na kasanayan sa mundo kung saan tinitiyak na ito ay transparent, may pananagitan at sumusunod sa pinakamataas na pamantayan. (Ara Romero)

P215-B ang ambag ng Petrochemical Industry sa ekonomiya ng bansa next year – PBBM

Posted on: January 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG nasa P215 billion ang magiging ambag ng Petrochemical industry sa ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.

 

 

Ito ang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang tamulpati sa inagurasyon ng Expanded J-G Summit Petrochemicals manufacturing facility sa Batangas City.

 

 

Ayon sa Pangulo nasa kabuuang 6,2000 na direct at indirect employees ang nasabing planta na maituturing na major contributor sa industriya.

 

 

Inilarawan din ni Pangulong Marcos ang vital link sa pag-aangat ng value chain na nagtitiyak sa suplay ng kritikal na materyal sa produksiyon tulad ng plastic packaging ng mga pagkain, mga damit, applicances, mga sasakyan at electronic devices.

 

 

Pinuri rin ng Pang. Marcos ang planta na nagpapamalas ng cutting edge technology, nagpapakita sa kakayanan ng mga Pilipino at nagpapatunay ng business confidence at muling pagsigla ng manufacturing sector. (Daris Jose)

Nagko-consult na sa lawyer sa kanilang gagawin: DINGDONG at JESSA, nilinaw na walang tinatakbuhang utang

Posted on: January 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS na ng official statement sa kanilang Facebook at Instagram ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado bilang sagot sa kontrobersya na kanilang kinasangkutan.

 

 

pinagpiyestahan ng netizens.

 

 

Isang shoutout ang lumabas sa FB noong January 9, mula sa isang Fujiwara Masashi, na nag-viral dahil pinagpiyestahan ng netizens.

 

 

Ayon sa post, “Dingdong jessa !! You guys!! Please feel free to contact me and pay!! Aren’t you embarrassed?”

 

 

Na nasundan pa ng, “You are happy. You only paid 250,000 peso for the condo you sold to me, and I paid you 5 million yen, but I didn’t get it.

 

 

“Shouldn’t you talk to Joel and make amends? Please return 5 million yen. Aren’t you embarrassed? To Dingdong Avanzado to Fujiwara.”

 

 

Base nga sa naging pahayag ng mag-asawa, pinabubulaanan nila ang akusasyon ni Fujiwara Masashi. At pinag-aaralan na ng kanilang abogado kung sila’y magdedemanda sa naturang isyu.

 

 

“It has come to our knowledge that some Facebook posts and tags were made on social media concerning our family,” simula ng statement.

 

 

“It is unfortunate that certain individuals are using the power of social media to spread inaccurate and false information against us.

 

 

“They hide behind the cloak of protection provided under ‘Freedom of Expression’ to cause injury and harm to our family. However, we would like to remind them that this freedom is not absolute and is subject to accountability.

 

 

“We categorically and specifically deny all these false, misleading, malicious, and baseless allegations made against us. We have not committed any offense that would undermine our integrity or tarnish the good reputation of our family name.”

 

 

Paglilinaw pa nina Dingdong at Jess, “Our family does not have any unpaid obligations due to anyone, nor did we commit any act to defraud any person. We have been working hard in the entertainment industry for the past decades to honestly provide for the needs of our family.

 

 

“We have referred this concern to our lawyers, and they are reviewing all the possible legal precautions available to us. We remain resolute and committed to protecting the legal rights of our family.”

 

 

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata ng isyung ito.

 

(ROHN ROMULO)

Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba

Posted on: January 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang bahagi ng Disyembre 2023.

 

 

Sa nasabing survey, 47% umano sa mga respondents ang nagsabi na sila ay mahirap o tinatayang 13.0 milyong self-rated poor families.

 

 

Bahagya naman itong mas mababa kumpara sa 48% o 13.2 milyong pamilya noong Setyembre at pagbaba rin mula sa 51% noong Disyembre 2022.

 

 

Ang pagbaba ay dulot ng decrease sa Mindanao kung saan ang self-rated poverty ay bumaba sa 61% mula sa dating 71% noong Setyembre.

 

 

Samantala sa balance Luzon ay naging 39% mula sa 35%, sa Metro Manila ay 37% mula sa 38%, at sa Visayas region, 58% mula sa 59%.

 

 

Mula naman sa 13-milyong self-rated poor families, nasa 2.2 milyon ang nagsabi na sila ay “newly poor” o hindi dating mahirap sa nakalipas na apat na taon.

 

 

Samantala, nasa 1.6 milyon naman ang “usually poor,” at 9.2 milyon ang “always poor.”.

Tatanggapin daw ang biopic pag may nag-offer: PIOLO, umani ng sari-saring reaksyon dahil type gumanap na Pres. Marcos

Posted on: January 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMANI ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizen ang naging pahayag ni Piolo Pascual, na gusto niyang gumanap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

 

Higit na mas marami ang kumontra at sunod-sunod na negatibong komento ng mga netizen. Pati ang mga loyal fans ng Kapamilya actor ay hindi raw sila pabor na gawin ni Piolo ang biopic ng kontrobersyal na dating pangulo.

 

Pero kahit may mga negatibong reaksiyon ay willing pa rin daw si Piolo na balik-serye sa “Pamilya Sagrado”, na gawin ang project just in case may mag-o-offer sa kanya, hindi raw niya ito tatanggihan.

 

Ilan sa mga negatibong komento ay ang binanggit na malalaos daw si Piolo kung gagawin niya ang isang Marcos biopic.

 

Aware naman daw si Piolo sa mga ginawa ng Marcos administration.

 

***

 

TINALBUGAN ni Rosanna Roces Ang lahat ng co-stars niya sa soon to end na Pira-Pirasong Paraiso.

 

Si Osang kasi ang may mga pasabog sa naturang mediacon ng Dreamscape Entertainment ni Sir Đeo Endrinal. Matapos isa-isang purihin ni Osang ang mga kasama sa serye na sina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Elisse Joson, Ronnie Alonte, KD Estrada, Gardo Versoza, Sunshine Dizon at Snooky Serna, ay super pasabog naman ang binanggit ng aktres kay Joseph Marco.

 

“Siyempre si Joseph Marco, matagal na magkasama kami niyan sa ‘Probinsyano’ as in parang mag kapatid kami niyan pati ano niya nakita ko na,” napatawa pang banggit ni Ms. O.

 

Kamusta ang nakita niya?

 

“Ipinapakita naman niya sa akin. Tiningnan ko naman, siyempre ako pa ba? Pero walang malisya yun.

 

“Anak-anakan ko yun at mahal ko yun,” bawi pa agad ni Osang.

 

“I love working with Miss O, sobrang maasikaso siya lalo na kung maka-close mo siya nang husto.

 

“And especially kung magugustuhan ka talaga niya. Kasi siya black and white yan. Kumbaga kung ayaw ka niya, ayaw ka niya talaga kung gusto ka niya gusto ka niya talaga,” tuloy tuloy pang sambit ni Joseph.

 

Pangalawang serye na ito na magkasama nina Rosanna at Joseph at nagkataon na si Osang din ang pumatay sa character ni aktor.

 

***

 

SA January 27 ay ise-celebrate ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas ang kanilang 20th wedding anniversary at kasabay na rin ng 18th birthday ng panganay nilan anak na si Christophe.

 

Siyempre super happy ang premyadong aktres dahil kahit may mga unos na dumating sa buhay nilang mag asawa still nanatiling matatag ang kanilang pag sasama.

 

Binayayaan sina Gladys at Christopher ng apat na anak na sina Gian Christophe, Gianna Aquisha, Grant Carlin at si Gavin Cale Sommereux.

 

Umiling naman agad si Gladys nang tanungin kung may balak pa silang sundan ang bunsong anak.

 

“Di na kuya Jimi. Okey na kami sa four kids. Mas gusto namin ni Christopher ang mag-travel na lang.

 

“Enjoy ang bonding namin kasama ang mga anak namin,” sey pa ni Gladys.

 

Kamakailan lamang ay nagbakasyon ang mag-asawa sa abroad ng ilang araw. Sana raw ay magkaroon daw ng pagkakataon na makapagbakasyon ulit sa taong Ito.

 

Ano namang hihilingin pa ni Gladys sa itaas para sa kanilang anniversary ni Christopher?

 

“Well, Kuya Jimi, 20 years of wedding anniversary pero 31 years of togetherness meron pa ba dapat akong hihilingin sa kanya?” Balik-tanong pa ng magaling na aktres.

 

“Life is unpredictable. Kaya we’re grateful, hindi kami pumapalya sa panalangin na patuloy bibilang ng marami pang ng taon, makikita naming lumaki ang mga anak namin,” lahad pa niya.

(JIMI C. ESCALA)

Ads January 20, 2024

Posted on: January 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LTFRB: Binigyan ng 27 buwan upang palitan ang lumang PUJ units

Posted on: January 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang consolidation ng mga individual na operators upang maging kooperatiba o korporasyon, ang kasunod naman nito ay ang pagpapalit ng mga lumang public utility jeepneys (PUJs) upang maging modernized units.

 

 

“We have set a schedule so the replacement of units is not immediate, so within that time, old units can still be utilized as long as deemed road-worthy. However, transport cooperatives were required to replace old units with modernized ones in 27 months or two years and three months after the consolidation deadline,” wika ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Riza Marie Paches.

 

 

Inaasahan ng LTFRB na matapos ang binigay na takdang panahon na 27 buwan ang mga traditional jeepneys ay napalitan na ng mga modernized units.

 

 

Taong 2017 nang simulant ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan na naglalayon na mapalitan ang mga traditional jeepneys ng kahit man lamang Euro 4-compliant engines upang mabawasan ang polusyon at upang mapalitan ang mga units na hindi na roadworthy ayon sa standards na binigay ng Land Transportation Office (LTO).

 

 

Sa ilalim ng programa sa consolidation, ang mga individual PUV na prangkisa ay gagawing isang kooperatiba kung saan ang pamahalaan ay naglalayon din na mabawasan ang burden sa pagbili ng modernized units ng mga operators papuntang kooperatiba dahil sa mataas na presyo ng isang unit ng modernized unit ay nagkakahalaga ng P2 milyon.

 

 

Ang pamahalaan ay magbibigay lamang ng P280,000 na subsidy bawat unit ng modernized unit sa Class 2, 3 o 4 at P210,000 naman sa Class 1.

 

 

Nilinaw naman ng LTFRB na ang pamahalaan ay hindi puwedeng mag dictate sa mga kooperatiba o korporasyon kung anong klaseng modelo ng modernized jeepneys ang kanilang kukunin at bibilihin sa ilalim ng PUVMP.

 

 

Ayon naman sa Office of Transportation Cooperatives (OTC) na ang mga drivers at operators ng mga unconsolidated PUV units na hindi agad sila mawawalan ng kabuhayan dahil sila ay maaaring kunin ng itatayong kooperatiba o korporasyon at ng mga consolidated na PUV utilities.

 

 

Samantala, ayon pa rin sa LTFRB, ang mga consolidated units ay bibigyan ng mga stickers sa darating na February upang makita ang kaibahan sa mga PUJs na hindi sumali sa consolidation kung kaya’t hindi na pinapayagan na magkaron ng operasyon sa kanilang ruta.

 

 

Ang LTO at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang magiging partners upang gumawa ng random checks sa mga lansangan.

 

 

“We will have a random check of PUJs. We will look into their registration papers and we will issue stickers on PUJ with consolidation to differentiate with those without consolidation,” saad ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz.

 

 

Pinayuhan naman ang lahat ng mga drivers at operators na laging dalahin nila ang registration at kopya ng kanilang aplikasyon sa consolidation upang ipakita sa mga mga enforcers na gagawa ng random checks.

 

 

Ayon sa LTFRB, may 300 na PUJs na may registro ang hindi sumali sa consolidation sa buong Metro Manila.  LASACMAR

Sen Jinggoy Estrada guilty sa bribery, inabswelto sa ‘plunder’ kaugnay ng PDAF scam

Posted on: January 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INABSWELTO ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada sa kasong pandarambong kaugnay ng pangungurakot ng P183 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel — pero maaari siya makulong ng 12 taon.

 

 

Ito ang inanunsyo ng anti-graft court ngayong Biyernes matapos umabot ng halos 10 taon ang kasong Hunyo 2014 pa inihain.

 

 

“WHEREFORE, in light of the foregoing premises, the Court finds accused Jose ‘Jinggoy’ P. Ejercito Estrada and Janet Lim Napoles NOT GUILTY of Plunder based on reasonable doubt,” wika ng Sandiganbayan.

 

 

“It was imperative for the prosecution to establish its case with that degree of proof which produces conviction in an unprejudiced mind, with evidence which stqands or falls on its merits, and which cannot be allowed to draw strength from the weakness of the evidence of the defense.”

 

 

Aniya, naabswelto sina Estrada at Napoles — ang diumano’y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles — matapos bigong mapatunayan ng prosekusyon na nagkamal ng milyun-milyong nakanaw na yaman ang mga nabanggit.

 

 

Gayunpaman, napatunayang nagkasala si Estrada sa isang count ng “direct bribery” at dalawang counts ng “indirect bribery,” ayon sa Sandiganbayan.

 

 

Dahil diyan, maaari siyang makulong nang hanggang walo hanggang siyam na taon para sa unang conviction at dalawa hanggang tatlong taon sa ikalawa. Pwede pa niya itong iapela.

 

 

“He [Estrada] is also ordered to pay a fine of Php3,000,000.00,” dagdag pa ng korte kaugnay ng direct bribery.

 

 

“He is also sentenced to suffer the penalties of suspension and public censure, with the accessory penalties of suspension from public office, from the right to follow a prifession or calling, and that off perpetual special disqualification from the right of suffrage.”

 

 

Aniya, napatunayan kasi ng prosekusyon na na may P262 milyong halagang Special Allotment Releases Orders (SAROs) mula sa kaban ng bayang nailipat sa ilang non-governmental organizations ni Napoles habang ghost o fictitious ang mga PDAF projects.

 

 

P1 milyon dito ay napunta kay Estrada habang P9.87 milyon naman ang napunta sa dati niyang aide na si Pauline Labayen.

 

 

Isa ang senador sa mga inginuso ng dalawang state witnesses kaugnay ng kaso, kabilang na ang diumano’y utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles. Una nang napatunayang guilty si Napoles dito.

 

 

Napatunayan ding guilty si Napoles ng limang counts ng corruption of public officials at inuutusang magbayad ng P29.62 milyon. Kailangan din niyang i-indemnify ang gobyerno ng Pilipinas ng P262.03 milyon na may 6% interes per annum.

 

 

Nagpasalamat naman si Jinggoy sa naging desisyon ng korte ngunit takang-taka kung bakit raw siya naging guilty para sa bribery at indirect bribery. Wala raw kasing ganitong charges sa information sheet.

 

 

“I did not receive any money. I would like to thank the magistrates of the Sandiganbayan that after a decade, my case has been resolved. It took almost 10 years but still, I am very, very thankful. This is a vindication of my name,” wika niya sa ulat ng ABS-CBN.

 

 

“Kahit matagal, maganda naman ‘yung results. Maganda ‘yung kinalabasan.”

 

 

Dati nang nakulong sa Philippine National Police Custodial Center si Jinggoy bago makapagpiyansa noong 2017.

 

 

Maliban kay Estrada, ilan pa sa mga idinidiin sa kaso sina Sen. Bong Revilla Jr. at dating Sen. Juan Ponce Enrile.

 

 

Ang PDAF scam ay isang multi-million peso scandal kaugnay ng discretionary funds ng mga mambabatas, bagay na idineklarang labag sa 1987 Constitution ng Korte Suprema. (Daris Jose)

WHO IS “ARGYLLE”? GET TO KNOW THE CHARACTERS IN DIRECTOR MATTHEW VAUGHN’S LATEST ACTION-PACKED SPY MOVIE (Part 1)

Posted on: January 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Whether you’re more interested in suave secret agents like Argylle, or superstar but shy best-selling authors like Elly Conway, there’s a character that’s sure to be your favorite in “Argylle,” the new razor-witted, reality-bending spy thriller from the twisted mind of filmmaker Matthew Vaughn (“Kingsman,” “Kick-Ass”). 

In “Agrylle,” Bryce Dallas Howard (“Jurassic World” franchise) is Elly Conway, the reclusive author of a series of best-selling espionage novels, whose idea of bliss is a night at home with her computer and her cat, Alfie. But when the plots of Elly’s fictional books – which center on secret agent Argylle and his mission to unravel a global spy syndicate – begin to mirror the covert actions of a real-life spy organization, quiet evenings at home become a thing of the past. Accompanied by Aidan, a cat-allergic spy played by Oscar® winner Sam Rockwell (“Three Billboards Outside Ebbing, Missouri”), Elly (carrying Alfie in her backpack) races across the world to stay one step ahead of the killers as the line between Elly’s fictional world and her real one begins to blur.

Watch the trailer: https://www.youtube.com/watch?v=FvcVJ4Al1zU

Ahead of the film’s opening on January 31, get to know Elly, Aidan and the rest of the characters of “Argylle.” Take it from John Cena, who plays one of the book characters in the film. “I don’t think audiences are only looking for bigger and brasher,” Cena says. “I think they also need purpose, narrative and characters to invest in, and ‘Argylle’ has this stuff in spades.”

REAL WORLD (IN THE MOVIE)

Elly Conway (Bryce Dallas Howard)

Novelist by day, cat mom by night, Elly Conway lives a quiet life with an unhealthy obsession with her written characters. Elly is a recluse who lives in a world of her own making, until an agent named Aidan approaches her on a train, informs her that she is the target of a nefarious spy organization known as The Division, and Elly is thrust into a dangerous, glamorous, global race against the clock to unlock a mystery trapped inside her own head and save her own life. “As a 40-year-old woman, it’s not every day you get a part like this sent your way,” says Howard. “It feels like a small miracle, so empowering and satisfying and fun. It is the best script I have ever read and the best part I have ever gotten to play.”

Aidan (Sam Rockwell)

In every way that Elly Conway’s imaginary secret agent, Argylle (played by Henry Cavill), is smooth and confident, real-life secret agent Aidan is a bit rough around the edges. “Elly and Aidan meet on a train, where he looks like an unlikely passenger to be holding a first-class ticket,” says Vaughn. “You wouldn’t immediately peg Sam Rockwell as a spy, and that’s precisely the essence of a spy. In films like ‘Kingsman’ or ‘James Bond,’ spies are typically impeccably dressed, but in our movie, Sam’s character deliberately goes against that norm. He is the kind of spy who is meant to blend in seamlessly by not standing out.”

Opening in cinemas January 31, “Argylle,” an Apple Original Films presentation, in association with MARV, a Cloudy production, is distributed by Universal Pictures. #ArgylleMoviePH


(ROHN ROMULO) 

PBBM inatasan ang kaniyang economic team tugunan ang ‘red tape’ sa gobyerno

Posted on: January 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang economic team na tugunan ang red tape sa pamahalaan.

 

 

Sinabi ng Pangulo na imbes na red tape, dapat na bigyan ng red carpet ang mga nais mamuhunan sa bansa maging foreign o local investors ang mga ito.

 

 

Inihayag ng Presidente na magiging trabaho din ng economic team ang palakasin ang incentives para sa mga negosyante partikular ang pagtataguyod sa ease of doing business.

 

 

Ipinunto ng chief executive na hindi tama na pahirapan ang mga negosyante sa paraang patawan ang mga ito ng mabibigat na pagbabayad ng buwis.

 

 

Tinukoy din ng Pangulo ang paglikha ng maraming trabaho,pagpapalago ng ekonomiya, pagpapataas ng kita at mang engganyo ng investors at iba pa.

 

 

Kaninang umaga pinangunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng petrochemical manufacturing sa Batangas. (Daris Jose)