• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 7th, 2024

Pinakabagong ‘hacking attempts” sa iba’t ibang gov’t website, “sophisticated”

Posted on: February 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINOKONSIDERA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na “sophisticated” ang pinakabagong hacking attempts sa iba’t ibang government websites na naka-link sa IP addresses ng China-backed telcofirms.

 

 

Inamin ni DICT Undersecretary for Infostructure Management, Cybersecurity and Upskilling Jeffrey Ian Dy na ito’y mas “complicated” kaysa sa nagdaang hacking attempts na napigilan ng cybersecurity experts ng gobyerno.

 

 

“These attack is quite sophisticated, siguro kung bibigyan mo ako ng scale of 1-10…10 being the most complicated…I would rate this as 9, even 9.5,” ayon kay Dy.

 

 

Aniya, ang mga salarin ay nakita sa isang telecom company na naka-base sa China.

 

 

Subalit nilinaw ni Dy na sa ngayon ay wala pa namang konkretong ebidensiya na may kinalaman ang Chinese government sa nasabing insidente.

 

 

“We were able to detect a command sa isang computer na nasa loob ng China Unicom network na nag-o-operate sa China. We will have to cooperate with the Chinese government as we do.Pag-aari ito 100 percent ng Chinese government…Mahirap sabihin diretso na ito ay state-sponsored kasi wala naman tayong ebidensiya sa ngayon,”ayon kay Dy.

 

 

“Right now our investigations wouldn’t say if the Chinese government would know about this attack. As far as we know, the IP addresses, the command and control center including the techniques used ay mukhang nandoon sa area na yun,” ang pahayag ni Dy.

 

 

Aniya pa, nagawa ng departamento na matuklasan ang posibleng “denial of service” o pagtatangka na “to take down the website” ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

 

 

Mayroong din aniyang ulat mula sa Google ng tangkang pag-atake para makakuha ng government administrator credentials sa loob ng “Google workplace” subalit kaagad namang inalis ng ahensiya ang malware mula sa mga hacker.

 

 

Ang ilan aniya sa mga government websites na pinuntirya ng mga hacker ay ang dict.gov.ph; coastguard.gov.ph; cabsec.gov.ph; cpbrd.congress.gov.ph; doj.gov.ph; ncws.gov.ph; at bongbongmarcos.com.

 

 

“Hindi siya ganon eh, kukunin nya yung administrator credentials pero hindi mo malalaman. Kumbaga, pupuwedeng dalawa kayo ng gumagamit pa din. Syempre ‘pag nakuha mo na administrator credentials, maaari ka  na ring makakita ng iba pang mga impormasyon…Kaya mong magbigay halimbawa ng access or kaya mong gumawa din ng sariling drive o email access,” ayon kay Dy.

 

 

Bagama’t ang request para sa confidential funds ng DICT ay tinapyasan sa isinagawang budget deliberation, winika ni Dy na ang budget ng ahensiya para sa Cyber Security Bureau ay P700 million.

 

 

Samantala, hindi pinapayagan ng Chinese government ang anumang uri ng cyberattack, bukod pa sa maging sila ay kaisa sa pagsugpo sa anumang cyberattack gamit ang Chinese infrastructure.

 

 

“The Chinese government all along firmly opposes and cracks down on all forms of cyberattack in accordance with law, allows no country or individual to engage in cyberattack and other illegal activities on Chinese soil or using Chinese infrastructure,” ayon sa tagapagsalita ng Chinese Embassy in the Philippines.

 

 

Para aniya sa gobyerno ng Tsina, “irresponsible” ang ginagawa ng ilang opisyal ng pamahalaan na pilit na iniuugnay ang cyber attacks sa usapin ng West Philippine Sea as “irresponsible”.

 

 

“Some Filipino officials and media maliciously speculated about and groundlessly accused China of engaging incyberattacks against the Philippines, even went as far as connecting these cyberattacks with the South China Sea disputes. Such remarks are highly irresponsible,” ayon sa embahada.

 

 

“Cybersecurity is a global challenge that requires collective response from the international community. China calls on all countries to jointly safeguard cybersecurity through dialogue and cooperation,” dagdag nito. (Daris Jose)

Thankful sila sa season 2 ng sitcom: Sen. BONG, puring-puri pa rin ang leading lady na si BEAUTY

Posted on: February 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LABIS ang pasasalamat ni Senator Ramon “Bong” Revilla. Jr. sa GMA dahil sa season 2 ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’.

 

 

Lahad ni Senator Bong, “I’m very thankful sa GMA dahil sa tiwala na ibinigay nila sa akin. At mas pinalaki pa na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ang ibinigay nila.

 

 

Bukod dito ay pinuri rin ng Senador, na gaganap bilang si Tolome ang akting ng kanyang leading lady na si Beauty Gonzalez na gaganap naman bilang ang asawa niyang si Gloria.

 

 

“Sa performance ni Beauty Gonzalez, wala akong masabi. “Talagang na-surpass niya yung Season 1. Iyun yung pinakamabigat na challenge for us, to surpass the first one.

 

 

“And I think, at sinabi ng mga bosses natin sa GMA, na na-surpass natin yung ating Season 1.”

 

 

Pinapurihan rin ni Senator Bong ang kanyang co-stars sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 sa propesyunalismo at husay sa pag-arte ng mga ito.

 

 

“They’re all professionals, they’re all good actors and actresses,” bulalas ni Senator Bong.

 

 

“Ang gagaling nila. Wala akong reklamo. Pagdating nila sa set, alam nila yung gagawin nila. Yung character nila nandun na agad, pasok na kaagad sa kanila. They are all professionals.

 

 

“Sabi ko nga, iba na yung mga artista talaga ngayon, ang gagaling. I’m very, very happy sa buong cast.”

 

 

***

 

 

EPEKTIBONG kontrabida sa ‘Love. Die. Repeat.’ pero hindi pa naba-bash si Mike Tan.

 

 

Bilang ex-boyfriend ni Angela (Jennylyn Mercado) na si Elton, naipakita ni Mike sa viewers ang kanyang husay dahil marami ang naiinis kay Elton.

 

 

Lahad ni Mike, “Masaya ako kasi naiinis sila doon sa character ko. Ibig sabihin naa-appreciate nila yung trabaho naming lahat, naapektuhan sila.

 

 

“Hindi rin naman magiging effective yung character ko without our director, si direk Jerry Sineneng.

 

 

“Kung wala din doon si Xian [Lim] at si Jen, si Valeen [Montenegro], hindi rin magiging effective yung role ko. Para maging effective yung role ko bilang villain, kailangang mag-react din sila nang maayos kung papano ko ginagawa yung atake ko.

 

 

“I think napapansin nila yun kasi magaling din ‘yung mga kasama kong artista,” saad pa ni Mike na mas lalong gumuwapo ngayon.

 

 

Paano niya binuo ang pagkatao ni Elton?

 

 

“Two years ago, noong ginawa namin siya, nakikipag-usap na ko kay direk Irene (Villamor na direktor rin ng LDR) kung paano namin binubuo yung character.

 

 

“Actually naka dalawang meeting kami, dalawang beses ko siyang pinuntahan doon sa cabin niya kung saan siya nag-i-stay para mabuo ko yung character talaga ni Elton.

 

 

“Medyo malaking part yung ginagawa ni Elton para doon sa mga loops so kailangan kong malaman. Kailangan ko malaman kung saan nanggagaling si Elton, kung anong klaseng pamilya ang meron siya para maintindihan ko kung saan siya nanggagaling as a person.

 

 

“Bakit ganoon yung ugali niya. Bakit siya obsessed kay Angela. “Lahat yun kailangan kong buuin sa isip ko,” lahad pa ni Mike.

 

 

Napapanood ang ‘Love. Die. Repeat.,’ Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa GTV 10:50 p.m.

(ROMMEL L. GONZALES)

Chifuyu, Kazutora, and Baji are stand-out characters in “Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle

Posted on: February 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

A rich cast with exciting performances await fans in the finale of the two-part sequel: Tokyo Revengers: Bloody Halloween- Decisive Battle. Take a peek at some of the notable characters in this epic live-action adaptation.

Mahiro Takasugi plays Chifuyu Matsuno, vice captain of Toman’s first division. He’s the right hand man of Baji, Toman’s division captain, and Chifuyu is fiercely loyal to him. That loyalty was taken for granted as Baji betrays him and beats him half to death to get into the Valhalla gang, Toman’s rival group. Takemichi Hanagaki, the film’s main protagonist, found an ally in him when he travels to the past to fix his present. Together they try to uncover the mystery of the Valhalla gang before war breaks loose.

Mahiro Takasugi appears in a number of live action adaptations. He appeared in the Kamen Rider series and movies, and in the Kakegurui adaptations.He won the 2015 Best Newcomer Award at the Yokohama Film Festival for the movie Bon Lin. He also won the 2017 Mainichi Film Awards Sponichi Grand Prix New Face Award for Before We Vanish.

Kento Nagayama plays the role of Keisuke Baji, the unpredictable captain of the Toman gang’s first division. As one of the founding members of the Tokyo Manji gang, Baji cares for his friends deeply, especially for their leader, Mikey. This leads to a tragedy in the past, and a series of events that led him to turn on the group and successfully side with the Valhalla gang.

Kento Nagayama has appeared in more than 30 films. He won the 34th Japan Academy Prize for Rookie of the Year for his role in “Softboys.”

Nijiro Murakami plays Kazutora Hanemiya, another founding member of the Tokyo Manji gang. Currently the Valhalla gang’s Number 3, an incident in the past led him to leave the Toman group and rise up in the ranks of the enemy gang, hoping to get his revenge on the people he once regarded as his closest friends.

Nijiro Murakami, along with starring in films and series, lends his voice to animated characters as a voice actor. He earned a nomination for Best Supporting Actor in the 45th Japan Academy Film Prize for his role in the movie Last of the Wolves, and had a role in the film Still the Water, which was selected to compete for the Palme d’Or at the 2014 Cannes Film Festival. He’s also known for his role as Shuntaro Chishiya in the Netflix series Alice in Borderland.

Watch an all-out war break between two gangs as Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Decisive Battle opens in cinemas starting February 7, an Encore Films film distributed by Warner Bros.
(ROHN ROMULO)

Kaya napilitang kasuhan ang dating kaibigan: AVEL, hiyang-hiya sa First Family dahil nadadamay sa paninira ng vlogger

Posted on: February 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MARIING itinanggi ng kampo ng sikat na Filipino fashion designer na si Avel Bacudio ang mga paninira umano ng dati niyang matalik na kaibigan at vlogger na si Claire Contreras na kilala rin bilang Maharlika.
Sa katunayan, pareho nilang sinuportahan ang Uniteam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte noong 2022 elections.
Kaya nagtataka rin si Avel kung bakit ginawa ito sa kanya ni Maharlika na kilala na ngayon bilang isang kritiko ng ad1qqministrasyong Marcos.
Kuwento ni Avel, “nagkakilala kami sa campain, dahil pareho kami ng sinusuportahan.
“Nagkaroon kami  ng communication, tapos biglang nagbago, hindi ko alam.
Nagkukuwentuhan kami about buhay-buhay.  So, doon nga lumabas yun, noong bata pa ako, ang hirap ng buhay, nawawalan ng pambayad sa kuryente, parang ganun.
“So, yun ang nilalabas niya ngayon. But that’s my story before, at siyempre iba na ngayon.  Pero hindi ko talaga alam kung siya nanggagaling.”
Kabilang sa mga alegasyon na itinanggi ng kampo ni Bacudio ay ang sinasabing sinuhulan niya ng mamahaling relo si presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos para makakuha ng proyekto ng gobyerno.
Itinanggi rin nila na si First Lady Liza Marcos ang dahilan kung bakit nakakuha ng Schengen at US visa ang kanilang pamilya.
Pinabulaanan din nila ang sinasabing tumanggap daw ng kickback ang fashion designer na taga-Bicol, mula sa Philippine Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa mini presscon na kanilang ipinatawag, itinanggi rin ng kampo ni Bacudio ang mga pasabog na pahayag ni Maharlika sa kanyang YouTube channel, na bumili kaagad si Bacudio ng milyun-milyon ang halaga ng ari-arian matapos manalo si Pangulong Marcos sa halalan.
“We categorically deny all of those allegations. And we will prove in the court of law that those are all false,” ayon kay Atty. Oliver Baclay, Jr., ang Lead Counsel ni Avel Bacudio.
Dahil dito, nagsampa si Bacudio ng $2-M cyberlibel case noong Enero 24 laban kay Maharlika sa US Central District sa Los Angeles at na-serve na ng summons simula noong isinampa ang kaso.
Ayon sa complainant, hindi siya magsasampa ng reklamo dahil ayaw niya ng gulo, ngunit marami ang naapektuhan ng mga batikos ng vlogger.
“Sabi nga niya BFF, siyempre nakakalungkot. So, sabi ng pamilya ko, sabi ng sister ko, ipagdasal na lang natin.
“Kaya lang ngayon, may mga tao na hindi dapat kasama dito, nadadamay na kasi sila. Yung first family nga nadadamay, eh client ko lang sila.  Kaya medyo nakakahiya naman sa kanila,” ayon kay Avel.
Naninindigan siya na ang kanyang relasyon sa unang pamilya ay limitado lamang sa pananamit, at doon nagtatapos ang kanilang koneksyon.
Natanong namin kay Avel kung ano ang nakukuha niyang suporta sa showbiz friends and clients niya.
“That’s good question. Well, yun mga taong matagal ko ng kaibigan sa showbiz, kilala naman nila kung sino ako.
“So, they sending me a prayers. Nakakatuwa kasi, lahat halos sila, 95% sumusuporta sa akin, kasi eversince naman kilala na nila ako at wala akong itinatago.
“May mga negative din ng nagsisend sa akin, pero parang 1% lang sila ng 31 million. “
Ang kampo ni Bacudio ay humihingi ng $2-M bilang counter damages.
Hindi pa sumasagot si Maharlika tungkol sa isinampang kaso. 
(ROHN ROMULO) 

DA, palalakasin ang hybrid rice para labanan ang epekto ng El Niño

Posted on: February 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PALALAKASIN ng Department of Agriculture (DA) ang hybrid rice para pagaanin ang epekto ng El Niño phenomenon sa mga apektadong lupang sakahan.

 

 

“Iyong pakay natin doon sa programa ng ating Masagana Rice Industry Development Program ay iyong pagpapalakas ng hybrid, dahil alam natin na kapag dito sa dry season, maganda iyong performance ng hybrid ,” ayon kay DA spokesperson, Assistant Secretary Arnel De Mesa.

 

 

Sinabi ni De Mesa na hindi kasi sapat ang tubig sa rain-fed areas lalo pa’t inaasahan na bibigwas ang El Niño mula Pebrero hanggang Marso at hihina naman pagdating ng Abril.

 

 

Aniya, kasunod ng kanilang pagbisita noong nakaraang linggo sa mga lugar sa Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Ilocos, at Cagayan Valley, sinabi niya na sapat pa naman ang irigasyon.

 

 

“Sapat pa naman iyong tubig lalo na sa Angat at Pantabangan Dam at inaasahan natin na maganda iyong tayo ng ating mga palayan doon ,” ayon kay De Mesa.

 

 

At upang matulungan ang mga magsasaka sa lugar na labis na maaapektuhan ng El Niño, naghanda naman ang DA para sa cloud seeding operations at distribusyon ng small-scale irrigation projects.

 

 

Hinikayat din ng departamento ang mga magsasaka na magtanim ng mga pananim na hindi na kakailanganin ang sobrang tubig at obserbahan ang “alternate wetting and drying” para mabawasan ang pangangailangan para sa water consumption sa mga lupang sakahan.

 

 

“Naglaan din ang Philippine Crop Insurance Corporation ng PHP1.8 billion, para ma-insure iyong mahigit sa 916,000 na magsasaka mula January hanggang June ngayong taon at naglaan din kami ng halos kalahating bilyong piso (500 million) para sa mahigit 200,000 na mga magsasaka na puwedeng maapektuhan ng El Niño,” ani De Mesa.

 

 

At nang tanungin kung ang Pilipinas ay maaaring maging self-sufficient sa rice supply sa 2028, tinuran ni de Mesa na titiyakin ng DA na ilalatag nito ang lahat ng kanilang proyekto lalo na sa irigasyon upang masiguro na tataas ang lokal na produksyon ng bigas. (Daris Jose)

Imbestigasyon ng PNP sa bomb threat sa Kongreso, nagpapatuloy-Acorda

Posted on: February 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa napaulat na serye ng bomb threat na natatanggap ng mga miyembro at empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakikipagtulungan na sila sa Kongreso at napagkasunduan na paigtingin ang imbestigasyon at mag-deploy ng canine personnel doon.

 

 

Hindi naman direktang sinagot ni Acosta ang tanong kung kasama ang anggulong political sa kanilang iniimbestigahan.

 

 

“Well, as of now, everything is… kumbaga we are following up the… all lines na possible na pag-uumpisahan ng investigation,” aniya pa rin.

 

 

Sa ulat, inamin ni House Secretary General Reginald Velasco na may mga pagbabantang natatanggap ang ilang kasapi at staff ng mababang kapulungan ng Kongreso.

 

 

Tumanggi si Velasco na tukuyin ang pangalan ng House members at staff na nakatangap ng mensahe pero seryoso nila itong tinutugunan para na rin sa kaligtasan ng lahat.

 

 

Halimbawa ng pagbabanta ang diumano’y ‘pagpapasabog sa Batasan’ pero ang pinakaseryoso umano ay ang kahina-hinalang pag-iikot ng motorcycles sa premises ng compound.

 

 

Dahil diyan nagpatupad ng paghihigpit sa pagpasok sa Batasan Complex at lahat ng sasakyan, kahit na may Issued ID mula sa Kamara ay sumasailalim pa rin sa masusing inspeksyon at pinapasadahan ng Bomb-sniffing dog.

 

 

Bawal na ring mag-park ng motorsiklo sa harapan ng alinmang gusali sa loob ng Batasan.

 

 

Maging sa deliveries ay hanggang gate na lamang at duon lamang ito pwedeng tanggapin.

 

 

Hindi rin masabi ni Velasco kung kunektado ito sa mainit na People’s Initiative (PI), maliban sa pagsasabing nitong buwan lamang ng Enero natanggap ang sunod-sunod na pagbabanta. (Daris Jose)

NAVOTAS nakapasa sa DILG GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING

Posted on: February 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakapasa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa Good Financial Housekeeping (GFH) standards ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

“This recognition is a testament to our commitment to transparent and honest utilization of public funds, ensuring that they are spent towards programs and services that contribute to the welfare of Navoteños,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

“We also acknowledge the invaluable contribution of our city government employees who consistently strive to provide exceptional public service, as well as the citizens of Navotas for their constant support,” dagdag niya.

 

 

Upang makapasa sa GFH, dapat sumunod ang isang local government unit (LGU) sa Full Disclosure Policy ng Local Budget and Finances, Bid at Public Offering tulad ng Annual Budget, Statement of Receipts and Expenditures, Annual Procurement Plan o Procurement List, at Bid Results sa Civil Works, Goods and Services at Consulting Services, bukod sa iba pa.

 

 

Nakuha na rin ng Navotas ang Commission on Audit’s Unmodified Opinion, ang pinakamataas na markang ibinigay nito sa isang LGU o ahensya ng gobyerno, sa loob ng walong magkakasunod na taon. Ito ang nag-iisang LGU sa Metro Manila na may ganoong track record.

 

 

Ang GFH na itinatag noong 2010, ay nagsisilbing kasangkapan upang suriin ang pagganap ng local government units sa mga tuntunin ng pagtatatag ng pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamamagitan ng malinaw na pag-uulat ng pampublikong badyet at mga paggasta.

 

 

Isa rin ito sa mga pangunahing bahagi ng Seal of Good Local Governance na gumagamit ng mas komprehensibong pagtatasa sa mga pagsisikap sa administratibo at pagpapaunlad ng mga LGU. (Richard Mesa)

Ads February 7, 2024

Posted on: February 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

May naglalabasang hiwalay na… BEA, dapat siguraduhin ang pre-nup agreement sakaling matuloy pa ang kasal kay DOMINIC

Posted on: February 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NAGLABASAN ngayon ang kung anu-anong dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang kasalang Bea Alonso at Dominic Roque. 
May mga pahaging si Bea tungkol pa rin dito pero wala pa ring pormal na pahayag ang kapuso aktres.
Maging si Dominic ay Hindi pa rin naman itinanggi o inamin ang isyu.
Pero anuman ang dahilan ay mas mainam raw yun o mas nakakabuti kay Bea.
Kumbaga, pagdating sa pera at ari-arian ay hindi hamak namang mas malaki ang mga naipundar ni Bea kumpara sa kung anumang meron si Dominic.
But still may mga nagsabi namang malapit Kay Bea na walang masama raw naman kung matutuloy ang kasalang Bea Alonzo at Dominic Roque.
Pareho raw super in love ang dalawa sa isa’t is lalo na raw marahil ang aktres.
Pero payo pa raw ng  mga close friends ni Bea na siguraduhin na may pre-nuptial agreement sila bago tuluyang ibigay ang kanyang matamis na ‘oo’ sa harapan ng Diyos at sa mga tao.
Kumbaga, kung anuman ang kahihinatnan ng pagsasama nila at kung may mangyayaring hindi maganda sa pagsasama nila ay hindi sila magkaroon ng problema.
***
NAGLABASAN din sa internet ang mga pictures nina Sunshine Cruz at Atong Ang na magkasama sa isang okasyon.
May ilang araw na ring pinag-uusapan sa social media ang tungkol sa dalawa.
Diumano ay si Sunshine daw ngayon ang “apple of the eye” ng businessman.
Sa totoo lang ang mga larawan ay kuha sa isang event organized by Atong Ang, na kung saan isa sa invited performer si Sunshine.
Bago pa pinag-uusapan ang naturang isyu ay may mga binanggit na si Sunshine hinggil dyan.
Isa kami sa malapit kay Sunshine since her “That’s entertainment” days at hanggang tuluyan na niyang pinasok ang mundo ng pelikula.
At sa totoo lang din naman sa pagkakilala namin sa premyadong aktres at ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa love life niya..
“Matanda na ako para pag-usapan pa ang personal na buhay ko” “Nasabi ko sa mga past interviews na hindi ako comfortable na pinaguusapan pa ang lovelife ko,” sambit pa ng premyadong aktres.
After Cesar Montano ay nakarelasyon ni Shine si Coun. Macky Mathay. At ngayon nga ay bising-bisi ang aktres sa kaliwa’t kanang endorsements at projects and shows .
“After Macky nangako ako sa sarili ko na hindi na dapat pa nalalaman ng iba ang personal life ko,” dagdag pa rin ni Ms. Sunshine Cruz.
(JIMI C. ESCALA)