NAKU my dear editor Rohn Romulo, nakahihinayang na hindi tayo naging bahagi sa solo event ni Justin de Dios ng paborito kong boy group na SB19!
Magso-solo muna yata si Justin with his first solo single na ‘Surreal’ na nagkaroon ng grand launch kamakailan somewhere.
Ipinapanood raw ang music video ng ‘Surreal’, bukod sa kinanta ito ng live ni Justin at siyempre nagkaroon ng interview portion with Justion.
Pahayag ni Justin, “After po ng release pupunta po ako sa mga events and guestings po, and hopefully po yung gusto ko po sanang mangyari na ma-venture ko rin po yung iba’t ibang parts ng entertainment industry other than music.”
Kasi nga, nais rin ni Justin na i-explore ang pagiging aktor.
“Ngayon, siyempre promote tayo ng songs. Pero afterwards sana po ma-experience ko more yung acting and directing, so sana po makapasok po sa film industry.
“Kasi nu’ng na-experience ko po siya [acting], it’s a new world. Ibang-iba po siya sa environment ng music na part. So gusto ko pang i-try, gusto ko pang tingnan ‘yung bigger picture kasi cameo lang po ako nu’ng time na ‘yun. Gusto kong ma-experience more.”
January of this year, may cameo si Justin sa isang Kapamilya series at ito ang kanyang acting debut.
“Super na-overwhelm ako and thankful. Sana po magkaroon pa ako ng projects.”
Open raw siya kahit sino ang makapareha niya onscreen.
“Honestly kahit sino po, [open naman ako]. Basta siguro po… what I can say about it is something na deserve ko.
“Not just because na gustung-gusto ko lang siya or tinry kong kunin but then at least deserve ko yung magiging role ko. Kung may ka-partner man ako or ka-work it’s something din na parang deserve ko siyang makatrabaho.”
Bet rin ni Justin na maka-arte sa isang coming-of-age na drama at ang nakakaliw na hirit pa niya ay, “Basta ang importante po mamamatay ako sa ending.”
***
MATAPOS ang kanyang pakikipagrelasyon sa isang non-showbiz guy noong 2021, isang taon at kalahati na ang relasyon ni Phoebe Walker kay Rico Robles na isang actor/DJ at former housemate sa ‘Pinoy Big Brother Celebrity Edition’ (2006).
Sa kuwento ni Phoebe, nagkakilala sila ni Rico sa gym.
“Nagkakilala kami sa gym and you know, parehas kaming in a relationship at that time, and then sabay kaming naging single and you know mabait naman siya.
“And iyon rin yung gusto ko, pareho kaming nasa industry so naiintindihan niya yung requirements ng trabaho ko kaya mas ano ngayon, mas harmonious, happy relationship,” ang nakangiting wika pa ni Phoebe.
In-acknowledge pa ni Phoebe si Rico na dumalo sa premiere ng pelikula ng aktres, ang ‘Buy Bust Queen’ kung saan hindi nagpaseksi si Phoebe bagkus ay nagpaka-action queen siya dito bilang isang agent ng PDEA at tumutulong sugpuin ang paggamit at pagbebenta ng iligal na droga.
Base ang role niya sa tunay na ‘Buy Bust Queen’ na si Director III Charlene Magdurulang na mula sa pagigigng isang PDEA female agent ay isa na nagyong Regional Director ng PDEA Region 13 CARAGA.
Hatid ito ng Pinoyflix Films and Entertainment Production sa kooperasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa direksyon ni JR Olinares na siya ring line at supervising producer ng pelikula na ang executive producer ay si Zaldy Lumacang.
May special participation sa movie si former PDEA Director General Wilkins Villanueva (as himself). Kasama rin sa pelikula sina Ervic Vijandre, Ritz Azul, Maxine Medina, Ellaine Ochoa, Cheng Alessa, Ameera Johara, Ayeesha Cervantes, Alex Medina at Jeffrey Santos, at sina Christian Vazquez, Jeric Raval Jeffrey Santos, Dindo Arroyo, Ping Medina, at Ricardo Cepeda.
Palabas na ang ‘Buy Bust Queen’ sa mga sinehan.
(ROMMEL L. GONZALES)