• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 16th, 2024

Umaasa ang Kamara na maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang resolusyon na mag-aamyenda sa restrictive economic provisions sa 1987 Constitution

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AYON kay House Deputy Majority Leader Janette Garin, posibleng maipasa ang Resolution of Both Houses No. 7 bago ang magbakasyon para sa Mahal na Araw sa Marso 22 maliban lang kung may magsusulong na ibalik ito sa debate.

 

 

Inaasahan na tatalakayin nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang panukala sa susunod na mga araw.

 

 

Kung maaprubahan ng kamara ang resolusyon sa susunod na linggo, sinabi ni Garin na inaasahan din niya na aaksyunan din ito agad ng senado.

 

 

Una nang inaprubahan ng kamara sa ikawalang pagbasa sa pamamagitan ng viva voce na boto ang RBH 7 o “A Resolution of Both Houses of Congress Proposing Amendments to Certain Economic Provisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, Particularly on Articles Xll, XlV, and XVl.”

 

 

Ang RBH No. 7 ay halos kahalintulad ng RBH No. 6, na isinulong nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Loren Legarda at Juan Edgardo Angara.

 

 

Sa panukala ng dalawang kapulungan, pinababago nito ang pagbibigay ng legislative franchises at ownership ng public utilities sa Article Xll, ownership ng basic educational facilities sa Article XlV, at advertising firms sa Article XVl. (Vina de Guzman)

Mag-live-in partner na ‘tulak’ isinelda sa P170K droga sa Valenzuela

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASAMA hanggang sa kulungan ang isang mag-live-partner matapos makuhanan ng mahigit P170K halaga ng droga nang matiklo ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.

 

 

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina alyas ‘Jericho’, 22 at alyas ‘Mica’, 29, kapwa ng Santos Compound, Bukid St., Brgy. Malinta.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Major Rivera na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng magpartner kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, ikinasa ng DDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Regie Pobadora ang buy bust operation kontra sa mga suspek, katuwang ang Malinta Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni P/Cpt. Doddie Aguirre.

 

 

Matapos tanggapin ni ‘Jericho’ ang P500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama si ‘Mica’ dakong alas-9:00 ng gabi sa labas ng kanilang bahay.

 

 

Ani DDEU investigator PSSg Elouiza Andrea Dizon, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 25 grams ng hinihinalang shabu, 5 grams ng marijuana na umaabot lahat sa halagang P170,600, buy bust money at isang timbangan.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang DDEU sa kanilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Engage in the Ultimate Ghostbusting Adventure with “Ghostbusters: Frozen Empire” AR Experience!

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Experience ghostbusting like never before with “Ghostbusters: Frozen Empire” and the new AR experience. Join the iconic team in theaters April 10.

 

Get ready for a spine-tingling, ghost-hunting experience like never before with the “Ghostbusters: Frozen Empire” Augmented Reality (AR) experience! No need for a ghost trap; your phone is now your most powerful weapon against the supernatural. Dive into the ghostly realm by visiting GhostbustersAR.com and prepare to become a ghostbuster extraordinaire.

 

Or scan the QR code below:

Ghostbusters: Frozen Empire brings back the beloved Spengler family and pairs them with both new and original Ghostbusters for an unprecedented showdown. Starring a stellar cast including McKenna Grace, Paul Rudd, Carrie Coon, Finn Wolfhard, and many more, this thrilling installment returns to the iconic New York City firehouse. Here, a top-secret research lab has been developed to elevate ghostbusting to new heights. The discovery of an ancient artifact, however, threatens to unleash an unspeakable evil, forcing a legendary team-up to save our world from a chilling fate.

About Ghostbusters: Frozen Empire

 

Directed by the visionary Gil Kenan and penned alongside Jason Reitman, “Ghostbusters: Frozen Empire” pays homage to the original 1984 classic. This epic adventure is produced by the legendary trio of Ivan Reitman, Jason Reitman, and Jason Blumenfeld. The film boasts an ensemble cast that includes Paul Rudd, Carrie Coon, Finn Wolfhard, Mckenna Grace, and other luminaries, promising an unforgettable journey filled with laughter, suspense, and ghostly encounters.

Set to haunt theaters from April 10, “Ghostbusters: Frozen Empire” is a must-watch spectacle distributed locally by Columbia Pictures, a branch of Sony Pictures Releasing International. Mark your calendars, grab your proton packs, and join the ultimate battle against the paranormal with #Ghostbusters. (Video & Picture Credit: “Columbia Pictures”)

(ROHN ROMULO)

Paglilinaw ni PBBM: Pakikipagpulong kay Blinken, hindi sinadya para manalo sa labanan sa West Philippine Sea

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin ng kanyang nakatakdang pakikipagpulong kay United States Secretary of State Antony Blinken at panatilihin ang kapayapaan sa West Philippine Sea (WPS) at hindi ang magwagi sa labanan sa rehiyon.
Sinabi ito ng Pangulo bago pa ang nakatakdang pagbisita ni Blinken sa Maynila sa darating na Martes, Marso 19.
Winika ng Pangulo na ang lahat ng nagpapatuloy na pag-uusap ay naglalayon na panatihilin ang kapayapaan sa WPS.
“It is really an ongoing process and that all of these discussions are really, as far as the Philippines is concerned, it is concerned with the maintenance of peace and South China Sea,” ayon sa Pangulo.
“With an eye not to winning any kind of conflict but really just to maintain the peace and to continue to defend sovereignty and sovereign rights of the Philippines when it comes to these international differences,” aniya pa rin.
Muli namang inulit ng Chief Executive na mahalaga ang usapin ukol sa South China Sea lalo pa’t mayorya ng kalakal sa buong mundo ay dumadaan dito.
“A safe navigation and passage of the South China Sea is important to international trade, as goes to 60 percent of international trade goes through that channel and we hope to continue these discussions,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.
Nauna rito, kinumpirma ni Pangulong Marcos na may nakatakda siyang pagpupulong sa darating na Martes, Marso 19 kay US Secretary of State Anthony Blinken sa Manila.
Sa press conference sa Berlin, Germany, sinabi ni Pangulong Marcos na pag-uusapan nila ni Blinken ang security at cooperation matters.
“Well, of course, we hope the intention is to continue to plan, to strengthen the cooperation between the three countries—the United States, Japan, and the Philippines. And we will perhaps formalize it but we, at this point, we are still…that’s part of the discussion that we will be having to exactly what will be put in any agreement,” ayon kay Pangulong Marcos.
“It is probably just formalizing what we are already doing, which will put a bit more structure to what we will do as a interoperability and the actual joint cruises that we are having,” aniya pa rin. (Daris Jose)

‘Tulak’ laglag sa P.1M droga sa Valenzuela

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasabat sa isang drug suspect matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa report ni PSSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ni alyas ‘Alvin’ sa kanilang lugar sa Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez at PEMS Restie Mables ang buy bust operation kontra sa suspek kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanya ng P9,500 halaga ng shabu.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang isang P500 marked money na may kasamang siyam na pirasong P1,000 boodle money kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-2:35 ng madaling araw sa S. Bautista St., Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Nakuha sa suspek ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P102,000, buy bust money, P100 recovered money at coin purse.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Handa na ang detention center na tutuluyan ni Pastor Apollo Quiboloy sa House of Representative

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAKITA sa media ni House Secretary General Reginald Velasco ang detention center sa Kamara kung saan ‘ikinukulong’ ang mga personalidad na na-cite for contempt. Dito aniya, idedetine si Quiboloy sa sandaling maaresto ito.

 

 

Una nang nagbotohan ang House committee on legislative franchises para i-cite for contempt si Quiboloy matapos na hindi dumalo sa pagdini ng komite kaugnay sa panukalang pagbawi sa prangkisa ng Swara Sug Media Corporation, na siyang nago-operate sa Sonshine Media Network International (SMNI).

 

 

May ilang CCTV cameras isa detention center na minomonitor ng Legislative Security Bureau.

 

 

Dalawa ang kuwarto nito kung saan ang isa ay okupado ng isang resource person na na-cite for contempt habang ang isa ay bakante pa. Kawa ito may air-condition, tatlo ang bathrooms: men’s room, women’s room, at restroom for persons with disability.

 

 

Sinabi ni Velasco na isang “pleasant” detention center ang naghihintay sa religious leader kung saan inaasahan na ipalalabas ang warrant of arrest laban dito sa susunod na linggo.

 

 

Ayon pa kay Velasco, maaari naman dalawin ng kaanak ang religious leader sa kanyang detention center. (Vina de Guzman)

1 sa 2 tirador ng vape shop sa Malabon, timbog

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKORNER ng pulisya matapos ang maikling habulan ang isa sa dalawang kawatan na nanloob sa isang vape shop sa Malabon City, Huwebes ng madaling araw.

 

 

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Bingbong”, 25 ng Brgy. Malinta, Valenzuela City, habang nagawa namang makatakbo palayo ang hindi pa kilala niyang kasama matapos iwanan ang gamit na bisikleta.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michael Oben, puwersahang pinasok ng dalawa ang 5R Vape Shop sa 102 M.H. Del Pilar St. Brgy. Tugatog na pag-aari ng negosyanteng si Regina Rigor, 35, dakong alas-1:30 ng madaling araw matapos puwersahang buksan ang rolled-up door, gamit ang dala nilang kagamitan na pangwasak sa padlock.

 

 

Lumikha ng ingay ang ginawang pagwasak ng dalawa sa mga nakakabit na padlock kaya napansin sila ng testigong si Jonathan Estabillo, 27, na kaagad itinawag sa pulisya ang nagaganap na nakawan.

 

 

Patakas na sakay ng kani-kanilang bisikleta ang dalawang kawatan, tangay ang 16 na piraso ng disposable vape na nagkakahalaga ng P7,200.00, nang dumating sina P/Cpl. Federico Penida, Jr. at Pat. Cris Meredores ng Police Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakadakip kay ‘Bingbong’.

 

 

Nakuha sa suspek ang isang patalim, backpack na naglalaman ng tinangay nilang disposable vape, 2 burglar’s tools, plier, steel bar, ATM card at sirang padlock, pati na ang dalawang bisikleta na gamit nila sa pagtakas.

 

 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa nakatakas na suspek habang nanawagan sila sa ilan pang establisimiento na posibleng ninakawan din ng mga kawatan upang kilalanin ang nadakip na nakadetine ngayon sa custodial facility ng Malabon Police Station. (Richard Mesa)

Personal reasons daw ang pag-alis ni Tirso: VILMA, isa sa kinu-consider pumalit sa FDCP bukod kay Direk JOEY

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SI Direk Joey Reyes ang isa sa mga inirekomenda ng nagbitiw na nga bilang FDCP chairperson Tirso Cruz III. 
Pero hanggang wala pang inaanunsiyo na magiging kapalit ni Tirso ay ang pinaka-senior among the department heads ang pansamantalang chairperson ng Film Development Council of the Philippines.
Si Star for All Seasons Vilma Santos Recto ay isa rin sa naging maugong na hahalili sa iniwang posisyon ni Tirso.
Marami ang nalungkot sa biglaang pag-resign ni Tirso na kamakailan lamang ay ipinahayag ng aktor ang mga plano niya para sa FDCP.
Matatandaang nagkaroon pa ng isyu noon bago naupo bilang FDCP head si Tirso.
Binigyan kasi ng extension ni dating Pres. Duterte si Liza Diño-Seguerra kung kaya napanatili ito as FDCP head kahit si Pres. Marcos na ang nakaupo.
Pero dahil sa delicadeza at co-terminus naman talaga ang posisyon niya sa presidente ay bumaba sa posisyon si Liza.
Kung kaya na-appoint si Tirso na talaga namang napakasipag at ginagawa ng aktor ang tungkulin niya.
Pero ang ending after 19 months ay iiwanan din naman pala niya ang posisyon..
May nasagap kaming dahilan kung bakit biglaaang iniwan ni Kuya Pip ang pagiging FDCP head. Personal reasons ang dahilan ng aktor pero ayon sa kausap namin ay may malaking kinalaman daw ay ang isa sa pinaka malapit sa Pangulo.
Maaring may isang isyung hindi raw napagkasunduan ang naturang malapit kay PBBM kung kaya nag-resign ang aktor, huh!
***
NAWALAN na raw ng pag-asa ang action star at senador na si Robin Padilla na maipasa pa ang panukalang batas niya para sa mandatory Reserve Officers Training (ROTC) program.
Sa interbyu kay Senator Binoe ay binanggit niya na mahigit na dalawang taon na raw niyang inihain ang naturang panukala pero hanggang ngayon ay wala pa raw siyang nakikitang liwanag para dito.
Banggit pa ng senador na isa raw ang ROTC bill niya na ipinangako niya nung kasalukuyang nangangampanya pa siya.
Para raw sa kanya ay wala na siyang hihintayin na maipasa pa kaya medyo suko na raw siya.
Lahad pa rin naman ni Sen. Padilla na gagawa na lang daw siya ng sarili niyang paraan para makapag recruit ng mas maraming reservist.
“Siguro sarili ko nalang, makakumbinsi ko yung mga tao kasi para sa akin napakagandang halimbawa nito kapag nalaman ng mga kababayan natin na dito sa amin sa Senado may reservist na, “sey pa ni Sen. Robin Padilla.
(JIMI C. ESCALA) 

2 kelot na nasita sa paninigarilyo, buking sa P170K shabu

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang dalawang drug suspects matapos mabisto ang dala nilang nasa P170K halaga ng ilegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa pagyoyosi sa ipinagbabawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station 2 sa kahabaan ng 1st Avenue Brgy., 120, dakong alas-4:40 ng hapon nang maispatan nila ang dalawang lalaki na nakatambay habang naninigarilyo sa pampublikong lugar na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang lapitan sila ng mga pulis para isyuhan ng ordinace violation receipt (OVR) ay bigla na lamang kumaripas ng takbo ang dalawa sa kabila ng utos sa kanila na huwag tumakbo kaya hinabol sila ng mga arresting officers hanggang sa makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek na sina alyas ‘Dugong’ at ‘Bubong’ ang limang plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 25 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000.00 na naging dahilan upang bitbitin sila ng pulisya sa selda.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek bilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na ‘Aggressive and Honest Law Enforcement Operations’.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Walong guro ang magtatagisan sa pag-awit: Dr. CARL at Direk CATHY, nag-team up sa ‘Gimme a Break: Teachers Edition”

Posted on: March 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SINA Dr. Carl E. Balita at Cathy Garcia-Sampana ay bumuo ng isang partnership na magpapakita ng husay sa pagkanta ng mga guro sa pamamagitan ng “Gimme a Break: Teachers Edition.” 
Ang “Gimme a Break” ay isang talent search competition na naglalayong tumuklas ng mga bagong talento na magniningning sa kani-kanilang kakayahan.
Si Dr. Carl E. Balita ay ang Presidente at CEO ng Dr. Carl E. Balita Review Center o mas kilala bilang CBRC.
Sa halos 200 sangay sa mga pangunahing lungsod sa lokal at internasyonal, ang CBRC ay tahanan ng daan-daang mga topnotcher at isang milyong board passers na kinabibilangan ng iba’t ibang mga propesyonal tulad ng mga guro, nars, midwives, criminologists, agriculturists at iba pa.
Kaya, si Dr. Carl E. Balita ay tinaguriang “Ama ng Pagsusuri sa Pilipinas.”
Pinangunahan ng multi-awarded at blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana ang NICKL Entertainment Corp. bilang Presidente at CEO nito.
Ang NICKL Entertainment ay isang grupo ng mga propesyonal na may mga dekada ng karanasan sa pelikula, pagsasahimpapawid, at entertainment. Nagsisilbi sa mga madla na may diskriminasyong panlasa para sa entertainment, ito ay unang itinatag na may layuning mag-organisa ng mga konsiyerto na nagtatampok ng mga Kpop group sa Pilipinas.
Gayunpaman, nang mangyari ang pandemya, isang mas malaking ideya ang lumitaw—ang pagpapakita ng kamangha-manghang talentong Pilipino.
Inilalarawan ang kanyang sarili bilang isang dreamcatcher, si Dr. Carl ay may mata para sa mga mahuhusay na tao, at gumagawa siya ng pagkakataon para sa kanila na sumikat sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng plataporma upang ipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan man ng musika, pelikula o silid-aralan.
Kaya ang pagtatagpo ng mga malikhaing isipan nina Dr. Carl at Direk Cathy ay nakatadhana na mangyari—kapwa sa pagtuklas ng mga hindi pa nagagamit na potensyal na hulmahin at mahasa.
Ang “Gimme a Break” ay nakatuon sa paglalagay ng spotlight sa mga talentong Pilipino. Sa pamamagitan nito, nilalayon ng NICKL Entertainment na tulungan ang mga lokal na artista sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataong ipakita kung ano ang mayroon sila.
Nagsimula sila noong 2021 sa pagtuklas ng mga bagong songwriter. Tumagal ng isang taon ang patimpalak hanggang sa lumabas ang pinakamahusay sa hanay ng mga mahuhusay na manunulat ng kanta—si Chard Salazar aka Putito Chief na ngayon ay sumulat ng kanta para sa SB19.
Sa pagtutulungan ng CBRC at NICKL Entertainment, ang “Gimme Me a Break” ay mas mataas sa pamamagitan ng Teachers Edition ng kompetisyon.
Walong guro sa pag-awit mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang sasailalim sa sunud-sunod na hamon hanggang sa makarating sila sa finale. Ang kanilang pagkakakilanlan ay itatago sa pamamagitan ng pagsusuot ng magkakaibang maskara sa buong kompetisyon.
Ang apat na babae ay ipinakilala sa alias na Blazing Flame, Ember Sky, Miracle at Twilight, na pawang palaban sa biritan.
Hindi naman nagpakabog ang apat na gurong lalaki na ipinakilala naman The Catçher, Blue Bird, G-Clef at Scarlet Pitch.
Tuturuan at gagabayan sila ng mga eksperto sa industriya tulad nina Frenchie Dy, Beverly Salviejo, Rocky Garcia, Joross Gamboa, at Jeffrey Tam, na kung saan nakapili na sila ng kanilang ime-mentor.
Ang panel of experts na ito ay magsisilbi ring judge sa final round kasama sina Dr. Carl Balita at Direk Cathy Garcia-Sampana.
Ang Top 3 Grand Finalists ng “Gimme a Break: Teachers Edition” ay mananalo ng mga sumusunod na premyo: Ang 2nd runner-up ay makakatanggap ng 20,000 pesos. Ang 1st runner-up ay tatanggap ng 30,000 pesos.
At ang Grand Champion ay tatanggap ng 50,000 pesos at isang exclusive contract sa CLINjK Artist Management Inc., ang anak na kumpanya ng NICKL Entertainment.
Ang Final Reveal ay mangyayari sa Abril 10!
Ang “Gimme a Break: Teachers Edition” ay hatid sa iyo ng Dr. Carl E. Balita Review Center at NICKL Entertainment, na itinataguyod ng Dr. Carl E. Balita Foundation, Tikme Dine, RoyalCare Venue, at CLINjK Artist Management. Espesyal na pasasalamat kay Selah Pods at Sprinto.
(ROHN ROMULO)