• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 12th, 2024

Ads April 12, 2024

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MIND-BLOWING ACTION, KILIG LOVE STORY, SEXY BACON… FIND OUT WHY “THE FALL GUY,” STARRING RYAN GOSLING AND EMILY BLUNT, IS A MOVIE EVENT YOU SHOULDN’T MISS

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Epic. Mysterious. Romantic. Comedic gold. Get excited because “The Fall Guy” has everything. Directed by David Leitch (“Bullet Train,” “Deadpool 2,” “Atomic Blonde,” “Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw”), the Ryan Gosling-Emily Blunt starrer opens only in cinemas May 1.

 

 

Find out what we mean by everything: https://www.facebook.com/watch/?v=329089309754364

 

 

In “The Fall Guy,” Gosling plays Colt Seavers, who, like everyone in the stunt community, gets blown up, shot, crashed, thrown through windows and dropped from the highest of heights, all for people’s entertainment. And now, fresh off an almost career-ending accident, this working-class hero has to track down a missing movie star, solve a conspiracy and try to win back the love of his life (Blunt) while still doing his day job.

 

Watch the trailer: https://youtu.be/B5_TsoRovDo?si=dzzxrWI01RAJLBw1

 

 

Find out why everyone’s falling in love with “The Fall Guy,” when the movie opens in Philippine cinemas May 1. #TheFallGuyMoviePH

 

 

Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on The Fall Guy.

(ROHN ROMULO)

4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng tricycle driver na si alyas “Merlan”, 34, kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, bumuo ng team si Major Rivera sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora saka ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-9:05 ng gabi sa loob mismo ng kanyang bahay sa Bacani St., Brgy. Marulas matapos bintahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Kasama ring dinakip ng mga operatiba sina alyas “Vicente”, 33, alyas “Wet”, 34, at alyas “Kongkong”. 19, tricycle driver, pawang residente ng Brgy. Marulas matapos maaktuhan ng mga pulis sa loob ng naturang bahay na magkakaharap sa isang maliit na mesa habang gumagamit umano ng droga.

 

 

Ayon kay Capt. Pobadora, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P204,000, buy bust money na isang P500 bill, kasama ang pitong P1,000 boodle money, cellphone, weighing scale at ilang drug paraphernalias.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Major Rivera at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

PBBM, pinalakas ang partnership sa World Food Programe para labanan ang malnutrisyon sa Pinas

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAS PINALAKAS pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang partnership ng Pilipinas at World Food Programme (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon at pagkagutom sa Pilipinas.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na palaging bukas ang pamahalaan na magpartisipa sa anumang pagsisikap ng WFP na makatulong na pagaanin ang pagkagutom at malnutrisyon sa bansa.

 

 

“The strategies that you’ve brought to us are really quite – they’re very insightful,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay WFP Executive Director Cindy McCain sa courtesy visit ng huli sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes.

 

 

Ayon sa Chief Executive, ang mga insidente ng pagkagutom at malnutrisyon sa Pilipinas ay bumuti na sa mga nakalipas taon at masasabing ang bansa ay mas mabuti na ngayon.

 

 

Winika pa ng Pangulo na lumipat na ang gobyerno ng Pilipinas mula sa pagbibigay ng food supply sa aktuwal na nutrisyon sa pamamagitan ng “Walang Gutom 2027: FoodStamp Program,” isang flagship program para tugunan ang malnutrisyon at pagkagutom.

 

 

“Food supply is for the most part, I would say sufficient. But what we’ve learned over the years is how to take care of ourselves. And again, especially for the kids,” ayon sa Pangulo.

 

 

Pinuri naman ni McCain si Pangulong Marcos at ang administrasyon nito sa pagbibigay importansiya at iprayoridad ang nutrisyon at kapakanan ng mga kabataang Filipino sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatiba, kabilang na ang feeding programs.

 

 

“I think it’s very important that your foresight in implementing our school, feeding programs and become self-sufficient in the long run,” ang sinabi ni McCain kay Pangulong Marcos, sabay sabing “So we love that program.”

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si McCain para sa naging pagbisita nito at concern o mga alalahanin sa food program ng bansa, at ang pagtiyak ng Pangulo na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Pilipinas na isulong ang nutrisyon ng mga kabataan. (Daris Jose)

2 most wanted persons, huli sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang lalaki na nasa talaan ng mga most wanted person matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Sa ulat ni District Special Operation Unit (DSOU) Chief P/Major Marvin Villanueva kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-2:00 ng hapon nang makorner nila sa ikinasang manhunt operation sa Blk 13, Pamasawata Area, Brgy., 28, Caloocan City ang akusado na si alyas “Bong”.

 

 

Ayon kay Major Villanueva, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rodolfo P. Azucena Jr., Regional Trial Court (RTC) Branch 125, Caloocan City noong May 5, 2022, para sa kasong Robbery.

 

 

Sa Valenzuela, alas-3:00 ng hapon nang masakote naman ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police, kasama ang mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station sa joint manhunt operation sa Ilang-Ilang St., Brgy. Punturin ang akusadong si alyas “MaMa Ru”.

 

 

Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., pinosasan ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Assisting Judge Mateo B. Altarejos ng RTC Branch 172, Valenzuela City noong January 11, 2024, para sa paglabag sa Acts of Lasciviousness in relation to Sec. 5(b) of R.A. 7610 – Child Abuse Law (3 counts).

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police at DSOU sa kanilang masigasig na pagtugis sa mga taong pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang akusado na kapwa pansamantalang nakapiit sa costudial facility unit ng DSOU at ng Valenzuela CPS. (Richard Mesa)

MMDA: LGUs sa MM magpapatupad ng 7:00 hanggang 4:00 working hours

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA ngayong Lunes ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ay magpapatupad ng 7:00 sa umaga hanggang 4:00 ng hapon ang working hours na pinagtibay ng isang Metro Manila Council (MMC) resolusyon na may petsang Feb. 28, 2024.

 

 

 

Ayon sa MMDA mula sa kabuohang 645,000 na empleyado ng pamahalaan sa Metro Manila, may tinatayang 22 porsiento or 145,000 na mga tao ang may mga sasakayan.

 

 

 

Mula sa dating 8:00 ng umaga hangang 5:00 ng hapon, gagawing 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon na lamang ang operasyon ng LGUs bilang sagot sa lumalalang trapiko sa Metro Manila.

 

 

 

“The persistent traffic congestion in Metro Manila demands innovative solutions for the improvement of commuting conditions and the well-being of the citizens of the NCR,” wika ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Don Artes.

 

 

 

Noong nakaraang Miyerkules inihayag ni Artes ang pagbabago sa working hours ng mga empleyado ng LGUs ng magkaron ng town’s hall meeting si President Ferdinand Marcos tungkol sa traffic woes.

 

 

 

Hinihikayat din ang national government na gayahin ang bagong working hours ng mga LGUs.

 

 

 

Ayon sa 2023 TomTom Traffic Index, ang Metro Manila ay isa sa top metro areas na may mabagal na travel time mula sa kabuohag 387 na lungsod sa 55 na bansa sa buong mundo. Dagdag ng report na may 25 minuto hanggang 30 segundo ang maglakbay ng 10 kilometro sa Metro Manila dahil sa trapik.

 

 

 

Samantala, nilatag din ni Artes ang mga polisia ng MMDA na ginawa sa ilalim ng kanyang ahensiya at pamumuno. Isa na rito ay ang pagbabawal sa mga e-trikes at iba pang paraan ng pagsakay sa mga panghunahin lansangan sa NCR.  Itinaas rin ng MMDA ang multa sa illegal na paggamit ng EDSA bus lanes kasama na ang pagtaas ng multa sa illegal parking at ang pagkakaron ng esklusibong daanan ng mga motorcycles sa kahabaan ng Commonwealth sa lungsod ng Quezon.

 

 

 

May plano rin ang MMDA na mas palawakin ang paglalagay ng motorcycle lanes sa buong Metro Manila at ang pagdadagdag ng Mabuhay Lanes.  LASACMAR

Nag-chat sa facebook sa bonggang offers: JOHN VIC, nagkuwento sa natanggap na indecent proposals

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGKUWENTO si John Vic De Guzman na nakatanggap siya ng mga indecent proposals.

 

 

 

Ayon sa team captain ng Philippine men’s national volleyball team, nanggagaling ang ilang indecent proposal sa social media.

 

 

 

“Well, ako kasi, ‘pag may indecent proposal, usually hindi ko talaga pinapansin.

 

 

 

“May isang nangyari. Nag-chat sa akin sa Facebook. Ang sabi niya sa akin, ‘John Vic, kung may free time ka ngayong December, bago ako bumalik ng January, magkita sana tayo. May sasakyan naman ako, susunduin kita, bilhan kita ng iPhone, bigyan kita ng money, punta tayo sa ibang lugar, ipag-shopping kita, kahit anong gusto mo,” kuwento ni John Vic.

 

 

 

Hindi sigurado si John Vic kung babae ba o beki ang nagpadala sa kanya ng mensahe, dahil iba ang profile picture nito at totoong pangalan.

 

 

 

“So, ang ginawa ko, ini-screenshot ko, sinend ko sa group namin ng ‘The Boobay and Tekla Show.’ Ang sabi nila sa akin, ‘Ganito gawin mo, makipagkita ka, sumakay ka ng sasakyan, then sabihin mo, ‘Saglit lang, sasakay kaming lahat.’ Tapos sabay-sabay natin isigaw, ‘Na-TBATS ka!’” sabay tawa pa ng isa sa cast ng top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’

 

 

 

***

 

 

 

SIMPLE lang ang pa-gender reveal ng mag-asawang Maxine Medina at Timmy Llana.

 

 

 

Via Instagram ay na-reveal na boy ang gender ng kanilang first baby at nalaman nila iyon sa pamamagitan ng blue smoke mula sa sinindihan na smoke fountain.

 

 

 

Kahit simple at hindi bongga ang gender reveal nila, ang importante raw ay masaya sila sa paparating na baby boy nila.

 

 

 

“Ready to welcome our little slice of heaven! Excuse my jumping – I just couldn’t help it. Answered prayer; Thank You, Lord!” caption ni Maxine na nagtatalon sa tuwa noong malamang boy ang dinadala niya.

 

 

 

Sa mga friends ng mag-asawa na nakapanood sa video nila on IG, alam na nila ang ireregalo nila para sa magiging baby shower ni Maxine.

 

 

 

Kinasal ang former Miss Universe Philippines 2016 kay Timmy Llana noong October 2023. Dalawang beses silang kinasal. Isa sa beach at pangalawa sa simbahan.

 

 

 

Huling napanood si Maxine sa GMA afternoon prime series na Magandang Dilag.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Mga weightlifters ng bansa todo handa na para sa Paris Olympics

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPAHINGA muna ng bahagya bago sumabak sa ensayo ang mga weightlifter ng bansa na sasabak sa Paris Olympics.

 

 

Matapos ang paglalaro nila sa International Weightlifting Federation World Cup sa Phuket, Thailand nina two-time Olympian Elreen Ando at first time na nag-qualify sa Olympics na sina Vanessa Sarno at John Ceniza ay dumating na sila sa bansa.

 

 

Labis ang kasiyahan ni Ando matapos ang pagpasok niya ng Paris Olympics para sa 59 kgs. weight division ng mabuhat ang kabuuang 228 kgs.

 

 

Tinalo ni Ando sa nasabing kumpetisyon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Ilan sa mga paghahanda ng mga wieightlifter ay ang pangangalaga sa kanilang mental at physical health.

 

 

Ang nasabing mga atleta ay makakasama nina pole vaulter EJ Obiena, boxers na sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas; at gymnasts na si Carlos Yulo at Aleah Finnegan.

PBBM, ipinagbabawal ang paggamit ng wangwang, blinkers sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGBABAWAL na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang paggamit ng wangwang at blinkers na itinuturong mga dahilan ng pagkagambala sa trapiko at hindi ligtas sa lansangan at traffic environment.

 

 

Sa katunayan, nagpalabas ang Pangulo ng Administrative Order No. 18, na nagbabawal sa mga opisyal at tauhan ng pamahalaan mula sa paggamit ng wangwang, blinkers at iba pang kahalintulad na nagbigay signal o flashing devices sa layuning i-promote ang kapakanan at kagalingan ng pangkalahatang publiko.

 

 

Sa paglagda sa AO, sinabi ng Pangulo na ang hindi awtorisado at walang pinipiling paggamit ng wangwang at iba pang kahalintulad ng pagsi-signal at flashing devices ay malaganap, dahilan ng matinding pagkagambala sa trapiko, hindi ligtas na lansangan at traffic environments.

 

 

“All government officials and personnel are hereby prohibited from utilizing sirens, blinkers and other similar gadgets that produce exceptionally loud or startling sound, including dome lights, blinkers, or other similar signaling or flashing devices,” ang nakasaad sa AO 18.

 

 

Tinintahan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang AO noong Marso 25, 2024 at kagyat na magiging epektibo sa oras na mailathala sa Official Gazette, o pahayagan na may general circulation.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na ang mga hindi awtorisado at hindi wasto ang paggamit ng “signaling or flashing devices” ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay marapat lamang na sumunod sa naaangkop na batas, rules and regulations.”

 

 

Exempted naman mula sa AO ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), fire trucks, hospital ambulances at iba pang emergency vehicles.

 

 

“In this light, all government officials and personnel are hereby reminded that use of sirens, dome lights, blinkers and other similar devices shall only be under exigent or emergency circumstances or situations or to ensure the expedient and safe passage of emergency responders,” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, ang Department of Transportation (DOTr), kasama ang iba pang government agencies, ay inatasan na “rebisahin, i-regulate at i-evaluate at i-update ang umiiral na polisiya at patakaran upang matiyak ang epektibong implementasyon ng AO 18, nakabatay sa umiiral na batas at rules and regulations. (Daris Jose)

‘Di threat pag may lumilipat sa GMA: RITA, willing makipag-showdown kay ANGELINE sa kantahan

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SOSOSYO na si Rita Daniela sa chain of restaurants ni Ken Chan, ang Deer Claus Steakhouse and Restaurant.

 

 

Ano ang pakiramdam ni Rita na sa unang pagkakataon ay sasabak na siya sa pagne-negosyo?

 

 

“Ah masarap sa feeling, masarap sa puso,” bulalas ni Rita.

 

 

“Di ba? Tsaka parang… parang I think it’s time na rin to take it to the next level kasi I’ve been a singer and an actress for eighteen years now, so parang maliban sa pagiging nanay what’s next for me?

 

 

“So ibibigay ko ito para sa sarili ko, I think it’s time.”

 

 

Samantala, hindi threat para kay Rita kapag may show o artist na galing sa ibang network na lumilipat sa GMA kung saan homegrown si Rita.

 

 

“Personally ha, I don’t think it’s a threat kasi it’s really actually para sa isang artista mas lalawak pa yung oportunidad mo kasi ano e, para sa akin ha, if you’re confident enough and you know what you’re capable of as an artist, you won’t ever feel that you’re threatened.

 

 

“So, me I’m not threatened kasi I know what I’m capable of as an artist, I know what I can give and alam ko at confident ako na hindi ko mapapahiya ang network ko, hindi ko mapapahiya ang mga bosses ko sa GMA kasi pag sinalang nila ako somewhere magagawa ko ng maayos ‘yung pinapagawa sa akin.”

 

 

So, puwede na silang mag-showdown sa kantahan ni Angeline Quinto na nasa bakuran ng ABS-CBN na tulad ni Rita ay mahusay na singer?

 

 

“Bakit hindi,” ang bulalas ni Rita, “if given the chance, di ba? That would be fun.”

 

 

***

 

 

TINANONG namin si Mikael Daez kung ano ang pinakamaganda o memorable niyang karanasan nang nag-shoot sila ng second season ng ‘Running Man Philippines’ sa South Korea kamakailan.

 

 

“Yung pinakamalamig na araw namin sa Korea was negative twenty-two degrees,” bulalas ni Mikael.

 

 

“Sobrang lamig niya pero matutuwa kayo kasi nahirapan talaga kami pero masaya pa rin siya,” at natawa si Mikael.

 

 

Pagpapatuloy pa ni Mikael.

 

 

“Part iyon ng challenge.

 

 

“But I think dun sa ginagawa namin sa Running Man PH mag-e-enjoy talaga yung mga Kapuso, yung mga nanonood dahil totoong nag-enjoy kami, naging pamilya talaga kaming mga runners.

 

 

“And sa tingin ko, iyon ang naihatid namin dun sa mga pinagagagawa naming mga games, mga mission, and iyon din yung feeling kong magiging parang strength ng Running Man PH, na matutuwa yung mga tao dahil natutuwa talaga kami ng totoo, so iyon.”

(ROMMEL L. GONZALES)