• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 13th, 2024

Warrant of arrest pa vs Quiboloy, inisyu ng Pasig RTC

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS  na rin ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) ng warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader at founder Pastor Apollo Quiboloy , Huwebes, kaugnay ng kinakaharap nitong kaso ng human trafficking.

 

 

Ito na ang ikalawang arrest warrant laban kay Quiboloy matapos na una na siyang isyuhan ng mandamyento-de-aresto ng Davao City RTC noong nakaraang linggo dahil sa mga kasong child at sexual abuse.

 

 

Nabatid na inisyu ni Pasig RTC Branch 159 Acting Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa ang naturang arrest order kasunod nang pagbasura nito sa mosyon ng kampo ni Quiboloy, na humihiling na suspindihin muna ang proceedings sa kanyang kaso at ipagpaliban ang pagpapalabas ng warrant laban sa kanya.

 

 

Idinahilan ng kampo ni Quiboloy na dapat lamang na masuspinde ang criminal proceedings dahil may nakabinbin pa silang motion for reconsideration sa tanggapan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla hinggil dito.

 

 

Gayunman, sinabi ng prosekusyon na batay sa Rule 116 ng Rules on Criminal Procedure, pinahihintulutan lamang ang suspensiyon ng arraignment base sa paghahain ng isang petition for review sa DOJ at hindi sa motion for reconsideration sa isang resolusyon para sa petition for review.

 

 

“After consideration of the arguments brought forth by the parties, the court finds the Motion to Defer/Suspend Proceedings and Hold in Abeyance Issuance of Warrant of Arrest to be a prohibited motion and should therefore be denied,” nakasaad pa sa kautusan ng korte.

 

 

Bukod kay Quiboloy, kasama rin sa ipinaaaresto ng Pasig RTC sina Jackielyn W. Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid C. ­Canada, at Sylvia Cemañes.

 

 

Nabatid na ang kasong kinakaharap nina Quiboloy ay nasa ilalim ng Republic Act No. 9208 o The “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” na isang non-bailable offense. (Daris Jose)

NCR ‘family living wage’ P1,197/araw, halos doble ng minimum na sahod

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KULANG  ang P610 kada araw na minimum wage sa Metro Manila para mabuhay nang “disente” ang pamilyang may limang miyembro sa rehiyon nitong Marso, ayon sa panibagong pag-aaral ng isang economic think tank.

 

 

Ito ang lumabas matapos ibahagi ng IBON Foundation, Miyerkules, ang kanilang estima sa “family living wage” sa National Capital Region (NCR) para sa buwan ng Marso 2024.

 

 

“A family of five in NCR should receieve a wage of Php 1,197/day or Php 26,033/month in order to live decently,” wika ng IBON sa isang pahayag.

 

 

“The low wages and incomes of many Filipinos aren’t enough to keep up with the rising costs of basic goods and services.”

 

 

Ibinase ng grupo ang kanilang computations mula sa datos ng National Wages and Productivity Commission (NPWPC), Philippine Statistics Authority 2018 Family Income and Expenditures Survey at nakaraang March 2024 Inflation Report.

 

 

Ang P610/araw na minimum wage, na siyang naging epektibo noon pang ika-16 ng Hulyo, 2023, ang pinakamataas na sa buong Pilipinas. Ibig sabihin, mas mababa ito sa nalalabing bahagi ng Pilipinas.

 

 

Kung eestimahin ang layo ng NCR minimum na sahod sa NCR family living wage, lalabas na 49% ang wage gap. Ibig sabihin, P587 ang kulang para maabot ang family living wage sa Metro Manila.

 

 

Gayunpaman, sinasabing pinakamalayo ito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa wage gap na 82%. Sinasabing kinakailangan ng paa ng P1,692 para maabot ang P2,053/araw na family living wage doon.

 

 

Nananatiling nasa P361/araw ang minimum na pasahod sa nasabing rehiyon sa Mindanao.

 

 

Matagal nang nananawagan ang mga progresibong grupo’t Makabayan Bloc na madagdagan ng P720 ang arawang minimum na sahod sa buong bansa para maisara ang naturang wage gap.

 

 

Una nang nakalusot sa pagdinig ng Senado ang Senate Bill 2534 para maipasa ang isang P100 wage hike. Sa kabila nito, patuloy na tinututulan ng economic managers at business groups dahil sa banta ng “wage distortion” at diumano’y epekto nito sa inflation.

 

 

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang maiulat na lumobo sa 3.7% ang inflation rate sa bansa nitong Marso, primarya dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain at gastusin sa transportasyon. (Daris Jose)

Ex-Pres. Duterte itinangging nasa kustodiya niya si Quiboloy

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINABULAANAN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatago sa kaniyang bahay si Pastor Apollo Quiboloy.

 

 

Ito ay matapos ang bigong paghahanap ng mga otoridad sa Pastor noong suyurin ang kinaroroonan nito sa lungsod ng Davao.

 

 

Dagdag pa ng dating pangulo na maraming mga bahay sa Davao si Quiboloy kaya marapat na magtiyaga ang mga otoridad sa paghahanap dito.

 

 

Magugunitang isa ang dating pangulo na itinuturing na kalapit ni Quiboloy lalo na noong kaniyang administrasyon. (Daris Jose)

US, Japan mamumuhunan ng $100B sa Pinas sa susunod na 5-10 taon -Ambassador Romualdez

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na magbubuhos ang Estados Unidos at Japan ng $100 billion na pamumuhunan kabilang na ang enerhiya at semiconductors sa Pilipinas sa susunod na 5 hanggang 10 taon.

 

 

Ang investment package ay inaasahan na ia-anunsyo sa isasagawang trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan sa White House ngayong araw ng Huwebes, Abril 11.

 

 

“We’re talking about $100 billion in investments in the next 5-10 years. Perhaps 5 years will be more appropriate because we have a lot of areas where we are putting ourselves,” ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

 

 

“A lot of these investments are mostly in the semiconductor industry… and also in the area of energy,” aniya pa rin sabay sabing “The energy exploration, which involves the West Philippine Sea, is part and parcel of what we are looking at to bump up our energy requirements, which are increasing every year.”

 

 

Sinabi pa nito na nakikipag-usap na ang gobyerno sa ilang kumpanya ng Estados Unidos at naghahanap ng potential partners para sa isang joint venture para sa pagsasaliksik ng energy source sa lugar.

 

 

“The semiconductor industry, meanwhile, is an $80-billion industry in Southeast Asia alone,” ayon kay Romualdez.

 

 

“The semiconductor industry is going to be the wave of the future in terms of the technology that is going to be required for anything,” aniya pa rin.

 

 

“That is an indication of how much potentially can come to the Philippines,” dagdag na wika nito.

 

 

Nagdesisyon naman ang Washington at Tokyo na maglunsad ng “new initiatives to accelerate and surge high-quality infrastructure investments in the Philippines to enhance energy security, deepen maritime cooperation, to strengthen partnerships on technology and cybersecurity,” ayon kay US National Security Communications Adviser John Kirby sa hiwalay na panayam.

 

 

“Our three countries embark on this new era of trilateral cooperation as trusted, equal partners, guided by shared values and an unwavering commitment to a free, peaceful and prosperous Indo-Pacific,” ayon kay Kirby.

 

 

“The [US] President is very excited for the joint investment and infrastructure opportunities in the Philippines, and for the first time in the Indo-Pacific, in this sort of scale,” aniya pa rin.

 

 

Inilarawan naman ni Romualdez ang trilateral summit bilang “probably one of the most momentous and historical moments in our history.”

 

 

“This meeting is not only important but it is also significant in the sense that the President, who has always believed in the multilateral approaches to any of the issues surrounding — or challenges we are facing in the Indo-Pacific region — is exactly what we are going to be doing here,” aniya pa rin.

 

 

“Aside from the defense strategies that we have put in place… the enhancement of our economic cooperation with Japan and the US is just as important,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, ang Estados Unidos ay itinuturing ng Pilipinas bilang “fourth largest source of foreign direct investments” noong 2023, umabot sa halaga ng $110 million.

 

 

Ang Japan naman ay ang “largest source of official development assistance” na itinuturing ng Pilipinas na may $12.92 billion na tulong o 40% ng kabuuang total portfolio ng bansa.

 

 

“Washington, under US President Joe Biden, has been trying to “revitalize” its treaty alliances,” ayon kay Kirby.

 

 

“The President [Biden] felt like those alliances and those partnerships need to be rejuvenated,” aniya pa rin.

 

 

“He’s also taken extra steps… to forge new ones, improving opportunities for our allies to cooperate together as well,” dagdag na wika nito.

 

 

“If you have more multinational cooperation… you can move the ball forward more than just the security element,” tinuran pa ni Kirby.

 

 

Samantala, matapos ang kanilang trilateral summit, inaasahan naman na magpapalabas sina Pangulong Marcos , Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ng “joint vision statement,” na magbabalangkas sa “concrete areas and projects for cooperation” ng tatlong bansa. (Daris Jose)

KAPUSO STAR YSABEL ORTEGA, ANG REYNA NG SANTACRUZAN 2024 SA BINANGONAN

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Ang Santacruzan ay isang nakagawiang  Filipino tradition, na muling bibida sa mga kalsada ng Libid Binangonan sa Mayo 5, 2024 sa pamumuno ng  Sangguniang Barangay at Sangguniang kabataan ng Libid.Lalahukan ito ng nasa 24 barangays. 
Ang isa sa mga highlights ay ang pagdalo ng talent ng GMA 7, ang young  superstar na si Ysabel Ortega bilang Reyna ng Santacruzan 2024 at gagamitin niya ang gown na likha ni PATRICIA BELLA SISON.
Magdaragdag ng saya at kinang sa okasyon ang mga bongang float at arko ng mga kasaling mga reyna at consorte. Isa rin sa magpapasaya ng gabi ay ang mga Munting Reyna.
Ang Libid Santacruzan 2024 ay isang patunay ng patuloy na pagsalin-salin ng tradisyong nakagisnan na noong panahon pa ng ating mga ninuno. Pagpapakita rin ito ng katatagan ng pananampalataya at pagmamahal ng mga mamsmayan ng barangay Libid sa tradisyon.
Ang Libid Santacruzan 2024 ay pinamumunuan nina KAP. Gil “AGA” Anore at SK Carl Antiporda. Ang coordinator ng nabanggit na Santacruzan ay si Ginoong Gomer O. Celestial.
Sponsored by Switch Fiber.

Makakapag-serve pa rin kahit sa pagiging comedian: JOSE, never ding papasukin ang pulitika tulad ni WALLY

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUMASALANG din ang sikat na komedyante at host ng ‘Eat Bulaga!’ na si Jose Manalo at partner niyang si Wally Bayola sa mga out-of-the country shows para mag-concert.

 

Kaya tinanong namin si Jose kung ano ang nararamdaman niya kapag humaharap siya sa mga Pilipino abroad bilang isang concert artist na kumakanta, sumasayaw at nagpapatawa?

 

“Mas masarap din e, alam mong sabik sila e,” umpisang pagbabahagi ni Jose.

 

Lalo pa nga at halos tatlong taon na huminto ang ikot ng mundo dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19.

 

“Korek, korek,” pagsang-ayon ni Jose.

 

“Medyo nag-lie low ang show, e. Maraming nawala. Yung balik mo ngayon… number one kasi doon e, naaalis yung pagod nila.

 

“Ayan kagaya ng sinasabi ko, gabi-gabi ‘di ba, kahit isang oras sana napalitan namin yung lungkot, yung stress. Yung pakiramdam mo parehong… kung nasa Pilipinas ka nagpe-perform okay din pero mas doble sila, e!

 

“Yung sabik nila e, mas doble. Ilang oras ka nilang makikita… lahat aabangan nila e, ‘Ano ba sasabihin nito?’ ‘Ano ba mangyayari dito?’

 

“So lahat ng bitawan mo kahit walang kuwenta tatawa sila, e.

 

“Kasi alam naman nilang komedyante ka. Tapos yung pakiramdam na gaya niyan bumababa kami, pinagbabawalan nga kami nung isang araw bawal bumaba may security pa.

 

“Kinausap ko yung head sabi ko huwag masyado, hindi kami international artist.”

 

Kuwento pa ni Jose, “Pabayaan mo kami, bababa kami, ngayon kung alam niyong nagkakagulo… hindi naman nagkakagulo, halimbawa siksikan na, o sila na mismo ang medyo nagtutulakan, dun pa lang sila papasok.

 

“Mas gusto namin yung nararamdaman nila kami. Gusto namin, ramdam namin, gusto namin mahahawakan kami, kahit pangit ka gusto ka nilang hawakan di ba,” at tumawa si Jose.

 

“Yung mga ganun. Iba yung pakiramdam kasi naging tagahanga rin kami.”

 

“Mas mahirap sila, pag hindi sila umuuwi sasabihin nakalimot na. Pero hindi nila alam gaano ang hirap ng buhay dito.

 

“Nakita mo naman kahit wala na kaming boses pero yung adrenalin namin, lahat ng iniinom iinumin ko na para mabuhay lang.”

 

Kailan lamang ay nakasama kami mismo nina Jose at Wally sa Canada para sa kanilang The Jose and Wally Show Canada Tour 2024 na produced ng Fireball Productions–Canada nina Loren Ropan at Rhodora Soriano.

 

Tatlong venues ang pinagdausan ng kanilang concert; ang una ay sa South Hall Banquet Place, Vancouver noong March 27, 2024 na sinundan sa Rajveer Banquet Hall sa Calgary noong March 30 at ang pinakahuli ay sa TCU Place sa Saskatoon noong March 31.

 

Nakasama nina Jose at Wally sa kanilang concert tour ang bandang Pedro & The Hallowblocks na binubuo nina Pedro Busita, Jr., Jessie Leandro Pacatang, Ericson de Villa with the special participation of Paul Traqueña na drummer mula mismo sa Calgary.

 

Sa Canada namin nakapanayam si Jose, sa hotel namin sa Saskatoon bago kami tumungo sa Vancouver noong April 2 upang lumipad pauwi ng Pilipinas.

 

May mga nagugulat kapag kumanta na sina Jose at Wally dahil maganda ang singing voice ng comic duo.

 

Reaksyon ni Jose, “Sabi ko nga nung nagre-rehearsal kami kagabi dun sa tech, dahil yung mga local dito, may puti, ano yan e mga seryoso sa trabaho yan e, kaya pagdating ko paos na ako, sabi ko, ‘We’re not singers,’ sabi kong ganun, ‘tulungan niyo kami.’

 

“So nakakakanta pero yung nagugulat sila kasi ang nakikita nila kasi tawa lang ng tawa, e. So parang dagdag na lang sa amin yun e, dun sa package namin na kumakanta kami.

 

“Pero more talaga gusto namin mas magpatawa.

 

“Nawala na yung era dati kasi na merong mga komedyante talaga na magagaling din talagang kumanta. So hindi naman kami puwedeng… nakakakanta, puwede, nakakakanta kami, is add na lang para dun sa pina-package sa amin.

 

“Na may mga kanta, ano bang mga uso? Kailangan pag narinig nila, nakaka-relate sila sa dun kinakanta namin. So yung paghanga sa pagkanta, siguro lahat iyan pasalamat sa Diyos, e!

 

“Kasi binigyan kami ng ganun kasi hindi naman kami puwedeng tumayo lang dito para magpatawa.”

 

“Kailangan may naka-package ka, variety.”

 

At dahil kilalang-kilala si Jose bilang si “Mayor” sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga! ay tinanong namin si Jose kung sa tunay na buhay ba ay may plano siyang pasukin ang pulitika?

 

“Hindi,” simpleng pakli ni Jose.

 

Pero aminado si Jose na may mga nag-alok na sa kanya na tumakbo.

 

“Marami!”

 

Bakit ayaw niya?

 

“Ang sarap ng buhay ng walang kagalit, e! Kasi pag nag-pulitiko ka, lalo na mag-u-umpisa ka dun sa Chairman, papanhik ka, Konsehal, Mayor, blah, blah, blah, hindi mo alam yung kaharap mo,

 

‘Ano ba ‘to, akin ba ‘to?’

 

“Ang sarap nung wala kang kalaban.”

 

Dagdag pa ni Jose…

 

“Gusto kong mag-serve kaya ang ginagawa ko, iyon ang lagi kong pinapanalangin, ‘Lord, gamitin mo ako. Gamitin mo kami.’

 

“Gusto kong mag-serve. Meron naman other way na para makapaglingkod ka sa bayan mo na hindi ka papasok sa pulitika.

 

“Which is eto na yun.

 

“Ang importante lang naman, bakit ka ba tumatakbo? Para bigyan mo ng kaligayahan ang mga tao. Eto yun. Eto yung return na binibigay natin.

 

“Ang pulitika kasi napakahirap, talking about politics and religion mahirap.”

 

Kaya never raw papasok si Jose sa pulitika.

 

“Ayan alam ni Wally yan, kahit pag nagsu-shooting kami sasakay ng sasakyan, ako magda-drive manual, hindi ko kaya. Hindi ko kaya, inaamin ko agad hindi ko kaya.

 

“Si Wally, nakakapag-[manual], siya magda-drive.

 

“Ibig kong sabihin hindi kami sumusubo sa isang bagay na hindi namin kaya. Kagaya sa Manila, pag may kumukuha sa amin, malaking event, hosting. Host kami sa Bulaga alam namin kung paano kami mag-host, kung ano’ng klaseng host.

 

 

“Pero yung seryosong host, corporate hindi namin pinapatulan yun, hindi kami tumatanggap kahit sabihin mong malaking bayad.

 

“Kasi alam naming hindi namin forte. Sa ganung hosting kailangan the way you pronounce, lahat, hindi kami iyon, e.

 

“Comedian kami, iyon ang forte namin.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Higit 25K households tanggal na sa 4Ps

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa 25,904 household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tanggal na sa programa nang makitang kaya na nilang makapamuhay ng maayos para sa pamilya.

 

 

Ayon sa DSWD, ang nasabing bilang ay base na rin sa datos nitong first quarter ng taong kasalukuyan.

 

 

“The 4Ps Pugay-Tagumpay graduation and exit ceremony is a celebration of the be­neficiaries’ milestone and highlights the significant achievement that reflects the dedication and hard work of both the beneficiaries and the program implementers,” sabi ni Asst. Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao.

 

 

Ang mga 4Ps gra­duates ay kinilala sa gina­nap na ‘Pugay Tagumpay’ graduation and exit ceremonies sa ibat ibang DSWD Field Office, katuwang ang local government units (LGUs).

 

 

Ang ‘Pugay Tagumpay’ ay maituturing na komendasyon sa mga benepisyaryo na napabuti ang buhay dahil na rin sa programa ng ahensya sa tulong na rin ng ilang partner stakeholders.

 

 

Ayon kay Dumlao, ang mga household beneficiaries na tinatayang nakamit na ang self-sufficiency status kasama na ang mga nagboluntaryong umalis na mula sa programa ay nai-endorso na rin sa mga local government units (LGUs) na kanilang nasasakupan upang mapanatili na mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay.

 

 

Ang 4Ps ay isang flagship program ng gobyerno na naglalayong maiangat ang buhay ng mga mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa pag-aaral ng mga kabataan, nutrisyon at kalusugan.

PBBM, nais ang regulated issuance ng protocol license plates

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang regulasyon o alituntunin ng pagpapalabas ng protocol license plates sa mga opisyal ng gobyerno dahil sa tumataas na reklamo sa “unauthorized usage.”

 

 

Nauna rito, nagpalabas ang Pangulo ng Executive Order (EO) No. 56, inamiyendahan ang EO No. 400 (s. 2005), na pinahihintulutan ang pagtatalaga at pagpapalabas ng low-numbered protocol license plates sa mga sasakyan na ginagamit ng mga opisyal ng pamahalaan.

 

 

Tinapyasan din ng Pangulo ang bilang o numero sa 14 mula sa dating listahan na 16 na opisyal ang ‘entitled’ na gumamit ng protocol license plates.

 

 

Bahagi ng listahan ay ang Pangulo na may number one designation; Vice President, dalawa; Senate President, tatlo; Speaker of the House of Representatives, apat; Chief Justice of the Supreme Court, lima; Cabinet Secretaries, anim; Senators, pito; at mga miyembro ng Kongreso, walo; at Associate Justices of the Supreme Court, siyam.

 

 

Ang Presiding Justice of the Court of Appeals (CA), Court of Tax Appeals (CTA), Sandiganbayan, at Solicitors General ay Binigyang ng number 10 designation; Chairperson ng Constitutional Commission at Ombudsman, 11; at ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines at Hepe ng Philippine National Police, 14.

 

 

Nakasaad sa EO n ang paggamit ng protocol license plates ng mga awtorisadong opisyal ay bunsod ng rekumendasyon ng Land Transportation Office (LTO), ang approval ng Kalihim ng Department of Transportation (DOTr), at base sa listahan ng lahat ng mga opisyal na may “equivalent rank as the above authorized officials of the Department of Budget and Management (DBM).”

 

 

Sinasabi pa rin na bagama’t ang Associate Justices ng CA, CTA at Sandiganbayan ay pinapayagan na gumamit ng protocol license plates dahil na rin sa rekumendasyon ng LTO at approval naman ng Kalihim ng departamento ng transportasyon, ito ay hindi dapat “construed to authorize all other officials with equivalent rank as the Associate Justices of the CA, CTA and Sandiganbayan and below to use protocol license plates.”

 

 

Sinasabi pa rin sa EO na ang protocol license plates na ipinalabas sa mga awtorisadong opisyal ay balido lamang sa panahon ng kanilang panunungkulan at maaaring gamitin sa motor vehicles na duly registered sa kanilang pangalan o opisyal na nakatalaga sa kanila.

 

 

Idagdag pa rito, ang plates ay dapat na isuko o ibalik sa LTO sa oras na mag-retiro, magbitiw sa puwesto, humiwalay mula sa tanggapan o end of term o tour of duty.

 

 

“All previously-issued protocol license plates issued pursuant to EO No. 400, as amended, except those issued to incumbent authorized officials under Section 1 hereof, are deemed expired. The LTO in coordination with concerned agencies, is hereby directed to revoke and/or confiscate all expired protocol license plates, subject to existing laws, rules and regulations,” ang nakasaad sa EO.

 

 

Ang mga authorized officials naman ay papayagan lamang sa “maximum of two pairs” ng protocol license plates habang ang Pangulo, Bise-Presidente, Senate President, Speaker of the House of Representatives, at Chief Justice ng Supreme Court sa maximum na three pairs.

 

 

Ang assignment o pagtatalaga o paglilipat ng protocol license plates sa mga hindi awtorisadong tao o motor vehicles ay mahigpit na ipinagbabawal.

 

 

“It shall be subjected to revocation of the granted authority, confiscation of issued protocol license plates, imposed with appropriate penalty, including administrative sanction, pursuant to existing laws, rules and regulations,” ayon sa ulat. (Daris Jose)

Guy Ritchie’s Next Movie With Henry Cavill and Jake Gyllenhaal Officially Has a Release Date

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AT the Lionsgate panel at CinemaCon, we finally learned when director Guy Ritchie’s next feature will hit the big screen. Announced last year out of Cannes, the then-untitled In the Grey was announced as the action comedy veteran’s next big project with a handful of regular collaborators reuniting with him for the occasion, including The Covenant star Jake Gyllenhaal and The Ministry of Ungentlemanly Warfare alums Henry Cavill and Eiza González.

 

 

The film is now set to bow in theaters on January 17, 2025, and is currently in post-production as it gears up for release early next year.

 

 

Little was known about In the Grey to this point, but Ritchie and Cavill were both in attendance at the convention to offer a first look at what’s to come in the project. It’s set to follow “a group who operates in the middle of criminality and the law” with Cavill, Gyllenhaal, and González joining forces in the search for billions of dollars in stolen cash. Further plot details are being kept under wraps, but it sounds like prime Ritchie material with a humorous edge and plenty of action as it follows its larger-than-life protagonists on their daring mission

 

 

In addition to reuniting the trio of stars with the director, the film will also feature another powerful presence in recent Saltburn and The Wheel of Time star Rosamund Pike, though it’s unclear at this time what her role will be. Previously, González was announced to play a high-level female negotiator in In the Grey while Cavill and Gyllenhaal would collaborate as a pair of extraction specialists trying to find her a way out. More details are sure to come as the date draws closer, but for now, Cavill expressed how excited he was to work with all three of Ritchie, Gyllenhaal, and González again in a very positive environment. “Guy creates a wonderful environment on set.” he said at the convention. “It’s a creative freedom, certainly… In Guy’s case, it really is like family… there is a shorthand, there is a freedom of friendship.”Although In the Grey and Ritchie’s other big-screen efforts will draw plenty of attention in the coming months, he’s been firing on all cylinders of late on the small screen. His The Gentlemen television series starring Theo James has been among his best-received projects of late, earning high marks from critics and commanding massive viewership numbers on the Netflix charts upon its release back in March. A second season seems likely both because of the success and the ending which leaves the door open for Eddie’s story to continue, but there are undoubtedly steep hurdles ahead considering its cast, which also includes Kaya Scodelario, Joely Richardson, Vinnie Jones, Daniel Ings, Giancarlo Esposito, and Ray Winstone among others, and Ritchie’s full plate. Until that day comes when viewers can return to the shady side of London, In the Grey looks to provide plenty of high-stakes action with Gyllenhaal, Cavill, and González in Europe when it arrives next year. (Source: collider.com)
(ROHN ROMULO)

Baka raw mawala ang ’sumpa’ pag um-atttend: AIKO, inimbita na si ROSANNA sa nalalapit niyang kasal

Posted on: April 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAGUMPAY ang Kapuso aktres at komedyana na si Pokwang sa kagustuhan niyang mapaalis ng bansa ang dating asawang si Lee O’ Brian.

 

Sa bisa ng reklamo ni Pokwang na illegal na pagtatrabaho ng dating asawa sa Pilipinas ay ipina-deport na si Lee ng mga tauhan ng Bureau of Immigrations last Monday April 8.

 

Sa panayam kay Pokwang sa “Fast Talk with Boy Abunda “ nung Huwebes ng hapon, Abril 11, parang magkahalong saya at lungkot ang naramdaman niya.

 

Wala na yung galit sa puso ni Pokwang nang tanungin tungkol sa masaklap na kapalaran ng dating karelasyon.

 

“Para sa ikabubuti naming dalawa and para makapaghanapbuhay na rin siya nang maayos, ako rin ganoon,” seryosong paliwanag pa ni Ms. P.

 

Dagdag pa rin ng magaling na aktres na makapag-provide na raw silang pareho ni Lee nang mas maayos para sa anak nila.

 

“Kasi kapag nandito siya, alam ko, hindi naman siya makakapag-hanapbuhay dito. Puwes, paano siya makakapag-support sa anak niya? Ganoon din naman ako, di ba?

 

“Habang nandito siya, ang daming nakararating sa akin na hindi maganda na may [mga] katibayan naman, lalong hindi ako nakakapagtrabaho,” tuloy tuloy pang paliwanag niya.

 

Dagdag pa rin ni Pokwang tuluyan na raw niyang tinuldukan ang kabanata ng buhay niyang may kinalaman kay Lee, pero nagbitaw ng salita ang komedyana na hindi niya ipagkakait ang anak na si Malia sa ama nito.

 

“Pareho lang kaming apektado. Pero when it comes sa karapatan niya kay Malia, hindi ko naman yon ipagdadamot. Basta ayusin lang niya ang buhay niya.

 

“Ano man ang mangyari, tatay pa rin siya ni Malia. Hindi ko aalisin yon.”

 

Walang problema kay Pokwang kung gustong dalawin ng anak niya ang ama at ganun din daw naman si Lee sa anak nila.

 

Nais ni Pokwang na magkaroon pa rin ng maayos na kinabukasan si Lee.

 

“At least for the peace of mind of both sides, makapagtrabaho siya nang maayos. Kasi nga dito, bawal siya magtrabaho, so paano ang buhay niya rito, di ba?

 

“Sayang kasi may pinag-aralan naman siyang tao. Gamitin niya yung natapos niya. Gamitin niya doon, magtrabaho siya.

 

“Mag-ipon siya, hindi lang para kay Malia, para sa sarili rin niya. Kasi 49 na siya. Ayusin na niya ang buhay niya,” sey pa ng komedyana.

 

***

 

MUKHANG malapit-lapit na ring ikasal ang actress/politician na si Aiko Melendez.

 

Mismong sa aktres nanggaling ang pag-amin dahil isa si Rosanna Roces sa inimbita niya.

 

“Pag kinasal na ako dapat andu’n ka na baka ikaw na lang inaantay maka-attend para mawala ang sumpa, labyu my sister,” mensahe ni Coun. Aiko kay Osang.

 

Magkasama sila sa seryeng “Sagrado Pamilya” na kinukuna sa Baguio City kasama sina Piolo Pascual, Kyle Echarri, Grae Fernandez, Tirso Cruz III, John Arcilla, Shaina Magdayao, Mylene Dizon at marami pang iba.

 

May special participation sina Cristine Reyes at Bela Padilla. Ito ay under Dreamscape Entertainment at ABS-CBN.

 

Dahil din sa naging closeness nila ay natupad ang matagal nang plano ni Aiko na maging guest si Rosanna sa kanyang YouTube channel.

 

Tiyak na maraming mga pasabog si Osang sa naturang guesting niya and knowing her tiyak na may halong kalokohan ang tsikahan nila ng konsehala ng ikalimang distrito ng Quezon City.

 

May post naman agad si Aiko ng larawan nilang dalawa ni Rosanna Roces at mga naalala na pinagsamahan nilang dalawa na kung saan halos magkapitbahay pa silang dalawa sa Quezon City.

(JIMI C. ESCALA)