• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 16th, 2024

Libreng birth certificate, clearance ng PWDs, solo parents isinulong

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PARA mabawasan ang mga gastusin ng mga persons with disability (PWD) at mga solo parents sa paghahanap  ng trabaho, maghahain ngayong Lunes ang ACT-CIS Partylist ng batas para gawing libre na ang mga dokumento bilang job requirements para sa sektor na ito.

 

 

 

Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader  Erwin Tulfo, ang mga dokumento tulad ng birth certificate, NBI, Police, at Barangay Clearance, maging ang Health Certificate ay magiging libre na para sa mga PWD at Solo Parents sa nasabing panukalang batas.

 

 

 

Dagdag pa ng mambabatas, “karamihan sa PWDs ay may mga maintenance o therapy na binabayaran habang ang mga solo parents, mag-isa nilang pinapalaki ang anak nila”.

 

 

 

“Any savings para sa kanila ay malaking tulong habang naghahanap sila ng employment,” wika niya.

 

 

 

Sa kasalukuyan ay may batas na libre ang pagkuha ng mga requirements pero para sa mga first time job seekers.

 

 

 

Pahayag pa ni Cong. Tulfo, ang batas na ihahain niya ay everytime na mag-apply ng trabaho ang mga PWD at Solo Parent ay libre ang pagkuha nila ng mga requirements.

Psalm 5:3

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

O Lord, in the morning you hear my voice; in the morning I prepare a sacrifice for you and watch

PBBM pumalag: Anti wang-wang policy, iba kay PNoy

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkukumpara sa pagitan ng kanyang anti-wang-wang policy at kay dating Pangulong Benigno Aquino III, nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong panahon ng kanyang termino.

 

 

Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng paggamit ng wang-wang.

 

 

“It’s about really the number of [low-numbered o protocol license] plates na binawasan namin ,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Inaasahan ng EO 56 na mapipigilan ang pag-aabuso at mapapahusay naman ang transparency sa pamamagitan ng pinahigpit na regulasyonn sa pagpapalabas ng special plates na ibinigay sa mga opisyal ng pamahalaan.

 

 

Ipinalabas ang EO sa gitna ng tumataas na public concern sa paglaganap ng protocol plates, nagkakaloob ng special privileges sa mga sasakyan sa lansangan kabilang na ang exemption mula sa number coding scheme.

 

 

“This executive order aims to promote a more transparent and accountable system for the issuance of protocol license plates,” ang nakasaad sa kautusan sabay sabing “It ensures these privileges are used appropriately by a designated group of officials for legitimate purposes.”

 

 

“So that’s what really, that’s what it is about. So this is not about the wangwang, that’s a very small part of it. What it really is, is to impose discipline,” ang pahayag ng Pangulo.

 

 

Ipinalabas din ng Pangulo ang Administrative Order No. 18, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Marso 25.

 

 

“All government officials and personnel are prohibited from utilizing sirens, blinkers and other similar gadgets that produce exceptionally loud or startling sound, including dome lights, blinkers, or other similar signaling or flashing devices,” ang mababasa sa kautusan.

 

 

Dahil sa kautusan, exempted ang opisyal na sasakyan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) at maging ang mga track ng bumbero, hospital ambulances at iba pang emergency vehicles.

 

 

Matatandaang, inanunsyo ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang presidential inaugural address noong 2010 ang polisiya laban sa paggamit ng wang-wang, sinasabing pagpapakita kasi ito ng “entitlement at the expense of ordinary Filipinos.”

 

 

Nagpatupad din noon ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ng kahalintulad na pagbabawal noong martial law years. (Daris Jose)

Welga ng PISTON at MANIBELA tuloy

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NATULOY kahapon, Lunes April 15 ang  welga ng grupo sa trans-portasyon na Piston at Manibela upang iprotesta ang nalalapit na deadline ngayon April 30 ng consolidation ng prangkisa ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

 

 

Ayon ay President Ferdinand Marcos, Jr. at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz na hindi na papayagan na magkaroon pa nang muling extension ng deadline.

 

 

 

Ang consolidation ng prangkisa ay siyang magbibigay daan upang palitan ang mga traditional jeepneys ng mga modern mini buses.

 

 

 

“We cannot afford consolidation. We cannot afford these modern minibuses,” wika ni Manibela president Mar Valbuena.

 

 

 

Ang ibang grupo sa transportasyon ay tutol din sa pagpapatupad ng nasabing programa dahil sa presyo ng unit ay masyadong mahal at ganoon din ang madaming requirements sa pagtatayo at pagrerehistro ng isang kooperatiba at korporasyon.

 

 

 

Ayon sa grupo na ang mga pasahero ay sa mga traditional jeepneys pa rin sasakay kung papapiliin dahil ito ay kumbiniente at hindi mahal ang pamasahe. Paliwanag ng grupo na ang mga nanawagan na palitan na ang traditional jeepneys ay ‘yung mga taong hindi naman sumasakay sa pampublikong transportasyon.

 

 

 

“Those calling to modernize the traditional jeepneys that are well-made, run well and are locally made and who are complaining about jeepneys are not the ones who commute,” saad ni Valbuena.

 

 

 

Sinabi naman ng grupong Piston na dapat ang deadline ay palawigin pa dahil ang petisyon laban sa PUVMP ay pending pa rin sa Supreme Court (SC).

 

 

 

Ayon kay Piston deputy secretary-general Ruben Baylon na hindi pa natatapos ang mga serye ng hearings ng PUVMP sa Kamara at nakabinbin pa rin ang petisyon nila sa SC laban dito subalit minamadali na ng pamahalaan ang pang-aagaw ng hanapbuhay ng mga tsuper at maliliit na operator.

 

 

 

Samantala, sa isang pahayag naman ay tinatanong ni Senator Grace Poe, chair ng Senate Committee on Public Services na kung ano na ang ginawa ng pamahalaan sa nakalipas na tatlong (3) buwan habang ang deadline ay pinalawig pa hanggang April 30.

 

 

 

“Have there been fruitful dialogues between the LTFRB and transport groups? Were there substantial efforts to reach out to the drivers and operators to help get them into the program?” wika ni Poe.

 

 

 

Ayon sa kanya ay dapat maglabas ang LTFRB ng listahan ng mga ruta na seserbisyuhan ng jeepneys na may consolidated na prangkisa at yon mga ruta kung saan ang mga jeepneys ay walang operasyon.

 

 

 

“I am looking forward to a Supreme Court ruling on the petition filed by transport groups to enlighten concerned agencies on the path to take on the so-called modernization of our PUV fleets,” dagdag ni Poe.  LASACMAR

BI, magsasagawa ng servive caravan sa Iloilo

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANUNSIYO  ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsasagawa nila ng second leg ng kanilang nationwide caravan sa Iloilo.

 

 

Ang Bagong Immigration Service Caravan ay isasagawa sa Seda Hotel sa  Iloilo ngayong Abril 17.

 

 

Ayon sa BI, layon nito na mabigyan ng maluwag na pribilehiyo sa mag serbisyo sa mga dayuhan sa piling lugar sa Pilipinas.

 

 

“We wish to bring our services closer to the people,” sabi ni  BI Commissioner Norman Tansingco   “Apart from our online services, we are also visiting key cities to facilitate immigration compliance,”  dagdag pa nito.

 

 

Ang nasabing service caravan ay iikot sa pangunahing rehiyon sa buong bansa at mag-aalok ng mabilis na pagpo-proseso para sa iba’t ibang transaksyon  kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang mga clearances.

 

 

Dahil  sa pagbibigay ng direktang serbisyo sa tao ay mababawasan ang mahabang pagpoproseso gayundin ang pagbiyahe.

 

 

Dagdag pa dito, ay maaari nang makapagsampa ng reklamo sa isang illegal na dayuhan a  mga pang-aabuso sa pamamagitan ng caravan.

 

 

“As part of our #ShieldKids Campaign, we have intelligence personnel joining our caravan to receive information from community members regarding foreign sexual predators and sex tourists that might be plaguing their area,”  dagdag pa ng BI Chief.

 

 

“This represents a significant milestone in our ongoing efforts to improve our services by making these more accessible, both online and offline,” ayon pa kay Tansingco.

 

 

“By bringing our services directly to the communities we serve, we aim to enhance accessibility, efficiency, and transparency in our operations, ultimately contributing to a safer and more secure Philippines,” dugtong pa ng BI Chief.

 

 

Ang caravan ay nagsimula sa Zamboanga City noong March 6 habang at ang Iloilo leg ay bukas mula alas-7 ng umaga hanggang l 5:30 ng hapon.

 

 

Hinikayat ng BI na samantalahin ang serbisyo nito na inaalok

 

 

Para sa karagdagang kaalaman o updates sa serbisyo ang mga aplikante ay maaring  bumisita sa  official website ng  Bureau of Immigration sa  www.immigration.gov.ph. GENE ADSUARA

Usap-usapan ang pagdalo sa house blessing: ALDEN, seryoso at kumpirmadong nanliligaw na kay KATHRYN

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

USAP-USAPAN na nga ngayon sa social media ang mga viral photos at videos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kilala rin bilang KathDen, na kuha sa naganap na house blessing ng Kapamilya actress. 

Sa isang video ay makikitang masayang nagsasayaw si Kathryn habang nakatitig lang sa kanya si Alden.

Naging abala rin si Alden sa pagse-serve ng drinks sa mga bisita ni Kathryn.

Maririnig din na nagsigawan ang mga bisita na nanunukso sa kanila.

At base sa mga komento mula sa netizens, kakaibang kilig at ramdam na ramdam nila na hindi nga lang sila basta magkaibigan lang.

At mukhang seryoso na talaga si Alden sa panliligaw niya kay Kath.

Kinumpirma nga ito ng source ng showbiz insider na si Ogie Diaz.

Botong-boto raw ang pamilya ni Kathryn kay Alden.

 

 

“According to my source, sa kampo ni Kathryn, nanliligaw na nga itong si Alden kay Kathryn,” say ni Ogie sa kanyang “Showbiz Update” vlog.

 

 

“Makikita naman daw ‘yan sa kanilang body language… at gustong-gusto raw ng pamilya ni Kathryn si Alden… kasi daw… lalo daw kay Mommy Min… si Alden ay isang negosyante, si Alden ay financial stable, responsable, kaya raw natutuwa at naaaliw kay Alden ‘yung pamilya ni Kathryn,” dagdag pa ni Ogie.

 

 

“Dahil daw ‘yung mga gusto nila para sa isang lalaki parang pino-possess ni Alden. ”

 

 

Bukod kay Alden, pinopormahan din daw ni Jericho Rosales si Kath, kaya ang bonggacious ang magiging labanan if ever.

 

 

Narito naman ang ilang comment ng netizens.

 

 

“My god mababaliw na ko sa kilig sa 2 to.” “Ang #KathDen heart ko ay di mapakali hahaha kilig, excited hahaha nu beeee my parents .”

 

 

“Tinutukso na sila ng mga friends ni kath. Boto sila kay Alden para kay kath!“

‘Ang saya nila tingnan..parang komportable sa isat isa..ung naipapakita nila ung totoong sila.”

“Iba ang saya ni Kath nowadaysm yeee! inspired yern?!”

“Jusmio KathDen walang mapagsidlan ang saya at kilig ko sa inyong dalawa… Ung saya ni kath ang xiang ngiting walang patid ng saya ni Alden.”

Last week lang, pinag-usapan at hot topic ang pagdalo ni Alden sa 28th birthday celebration ni Kath na ginanap sa El Nido, Palawan, pati na rin sa post-birthday party sa Manila, na kung super effort talaga ang aktor.

***

 

RUMAMPA sa red carpet si Liza Soberano sa first Ho Chi Minh City International Film Festival (HIFF) sa Vietnam.

 

Isa si Liza sa mga napili maging hurado kasama ng film producer na si John Badalu, New York Asian Film Festival Executive Director Samuel Jamier, Vietnamese-American film editor Tom Cross, at direktor na si Nguyen Thanh Van.

 

Nagsilbi ring award presenter si Liza sa awarding ceremony ng film fest kung saan iginawad niya ang “Best Actress” award.

 

Sa IG pinost niya ang ilang bonggang pictures sa event na kung saan suot niya ang sleek black long gown, pati na rin ang ilang moments habang nasa stage upang magbigay ng parangal.

 

Ayon pa sa aktres, labis niyang ipinagmamalaki ang naging experience sa film festival.

 

“So thrilled and honored to have served as a jury member for the first ever Ho Chi Minh International Film Festival. Was such an amazing showcase of talented filmmakers from all over the world!!” caption niya sa post.

 

Dagdag pa niya, “Truly so inspired to continue working in an industry that encourages freedom of expression and challenges the way we think. Congratulations to all winners! [white heart emoji]”

(ROHN ROMULO) 

2 most wanted persons, nadakma ng Caloocan police

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG most wanted persons, kabilang ang isang bebot ang bagsak sa kulungan matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan City.

 

 

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-11:30 ng umaga nang madakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ang akusadong si alyas “Dodong” sa ikinasang manhunt operation sa Samson Road, Barangay 80.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, ang akusado ay pinosasan ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Glenda Cabello Marin ng Regional Trail Court (RTC) Branch 124, Caloocan City noong May 22, 2023, para sa kasong Rape (55 counts) at Sexual Assault in relation to R.A. 7610 (2 counts).

 

 

Alas-3:00 ng hapon nang maaresto naman ng mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station (SS4) sa isinagawang manhunt operation sa Gen. San Miguel Street Brgy. 4 ang isa pang akusadong si alyas “Mayang”.

 

 

Ang akusado ay dinakip ng mga tauhan ng SS4 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Manuel I.R.A Barrios ng RTC Branch 126, Caloocan City noong April 2, 2024, para sa kasong Illegal Recruitment under RA 8042 as amended by RA 10022.

 

 

Nagpaabot naman ng papuri si Gen. Gapas sa Caloocan police sa kanilang walang humpay na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang akusado. (Richard Mesa)

Big advantage na anak ng sikat na singer: RACHEL, ‘di ma-describe ang feeling at saya ‘pag nakakasama si HAJJI

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FOR sure ay isa ka sa mga kinilig noong 90’s sa dance group na Streetboys, my dear editor Rohn Romulo.

 

Kaya tiyak na isa ka sa happy na may dance concert sila na mistulang reunion na rin nila, ang The Sign 90’s Supershow: A Benefit Concert.

 

Nag-throwback nga ang isa sa mga members nila, si Chris Cruz sa mga pinagdaanan nila noong nagsisimula pa lamang silang sumayaw at wala pang mga datung.

 

Kuwento niya, “Talagang wala din talaga, e.

 

“Actually pamasahe talagang pinapangutang pa namin, At natawa si Christo o Chris. “Tapos that time magkano lang ang talent fee namin?

 

“Unang-unang sayaw ko sa TV ano, natatandaan kong talent fee ko is one hundred eighty pesos! Parang ganun, tandang-tanda ko yun.”

 

Maha-happy rin ang mga batang 90’s dahil umuwi mula UK si Spencer Reyes para jumoin sa dance concert kung saan mapapanood rin sina bukod kina Spencer at Christo ang Streetboys members na sina Maynard Marcellano, Danilo Barrios, Nicko Manalo, Joey Andres, at Michael Sesmundo kasama ang Streetboys Juniors na sina Fritz, Gian, Paulo, at Neil.

 

Nasa show rin ang Manoeuvres nina Joshua Zamora, Rene Sagaran, Jonjon Supan, Red at Jhon Cruz.

 

Hindi naman mabibigo ang mga tagahanga ng Universal Motion Dancers dahil mapapanood nilang muli sina Marco Mckinley at Norman Santos.

 

Mapapanood rin ang iconic Kids At Work sa pangunguna ni Jayjay Del Rosario, ang Power X People sa pangunguna naman ni Isaac Generoso.

 

May performances sa concert ang Bigmen, Abztract, Dyna Turbo, Teensquad, Katz22, Black & White, Mastermind, Blain, Wildcat Queens, at marami pang iba.

 

Mula sa WildCat Queens Productions and Management Inc., ang The Sign 90’s Supershow ay sa direksyon ni Kiko Cabarloc at over-all director na si Arnel Caranto.

 

Mangyayari ito sa Abril 19, 2024 (Biyernes), 6:00 pm, sa Aliw Theater sa CCP Complex, Pasay City.

 

 ***

 

TINANONG namin si Rachel Alejandro kung ano ang advantages at disadvantages na madalas makatrabaho ang ama niyang si Hajji Alejandro?

 

“Gosh, wala naman akong maisip na disadvantage, kasi it has been an advantage that I used… talagang sinamantala ko na mula nung umpisa pa lang talaga.

 

“When I was only twelve years old na kinuha ako ni Kuya Germs sa palabas na ‘That’s Entertainment’, and of course that was because nga of him, siyempre nalaman niya… parang nabalitaan niya na kumakanta din yung anak ni Haji.”

 

Popular na teen-oriented show ang ‘That’s Entertainment’ ni German Moreno noong dekada otsenta.

 

Pagpapatuloy ni Rachel, “So, since then of course, I had to you know, find my own way din di ba, to also find my own voice, my own style.

 

“And siguro iyon na lang yung medyo hard, kasi siyempre you will always be compared to someone who’s such a big star and to this day, siyempre kahit saan ako pumunta, kahit sa America where I’m based right now, I’m still known as his daughter.

 

“Karamihan ng mga Pilipino na tumitira dun na matagal na matagal, siyempre hanggang ngayon ganun pa rin, di ba?

 

“So, in that sense, iyun siguro yung medyo mahirap pero siyempre mas nakakalamang yung advantage because nga nagkaroon ako ng magandang umpisa and the fact na talagang hindi ko madi-describe sa inyo yung feeling at saya na makasama ang tatay mo onstage, makasayaw at maka-duet, iba yun, e!

 

“It’s something that I will always, always be grateful for,” ang nakangiting sinabi pa ni Rachel.

 

Mapapanood ang mag-amang Rachel at Hajji sa ‘Awit Ng Panahon: Noon At Ngayon’ musical concert.

 

Gagaganapin ito sa April 21, Sunday, 8pm sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.

 

Ang iba pang kasama sa concert bukod kina Rachel at Hajji ay sina Gino Padilla, Kris Lawrence, Nitoy Mallilin (formerly of The Boyfriends), Edwin Cando (seven-time defending champion ng Tawag ng Kampeon), at John Raymundo (eight-time defending champion of Tawag Ng Tanghalan).

 

Mula sa Pro-Entertainment Production, ang organizer at producer ng concert ay si Spike Bermudez, sa direksyon ni Ferdi Aguas.

 

Ang iba pang artists sa concert ay sina Male Rigor (of VST and Company), Pete Gatela and Carlos Parsons (of Hagibis), Arabelle Dela Cruz (of TNT of It’s Showtime and The Clash), Rachel Gabreza and Luzviminda Piedad (of TNT of It’s Showtime), at si Geoff Taylor ng Pinoy Dream Academy).

(ROMMEL L. GONZALES) 

PVL: Alyssa Valdez, player of the game sa laban kontra Nxled

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGHAL na player of the game si Creamline Cool Smashers team captain Alyssa Valdez sa laban nito kontra Nxled Chameleons matapos itong makakuha ng 11 points mula sa 11 attacks.

 

 

Ayon kay Valdez, masaya sila sa kanilang pagkapanalo at unti-unti na nilang nababalik ang kanilang confidence at identity.

 

 

Nasungkit na ng Creamline ang kanilang ika-pitong panalo matapos nitong patumbahin ang Nxled sa tatlong sets na may score na 25-22, 25-12, at 25-20 ngayong gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

 

 

Dahil dito, mayroon ng 7-2 standing ang Creamline na nagpalakas ng standing nito para makapasok sa semi-finals ng 2024 All-Filipino Conference ng Premier Volleyball League.

 

 

Matatandaan na pinataob ang Creamline ng Petro Gazz sa huling laban nito noong April 6 sa Sta. Rosa Laguna.

 

 

Dalawang laban na lang ang haharapin ng Creamline. Sa April 18 kontra Choco Mucho Flying Titans at April 25 kontra PLDT High Speed Hitters.

150 propagules ng mangrove itinanim ng PNP Maritime Group sa Navotas

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SABAY-SABAY na nagsagawa ng tree planting activity ang PNP Maritime Group noong April 12, 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang nito ng ika-33rd Founding Anniversary na may temang “Sa Serbisyong May Pagkakaisa, Hatid ng Kapulisan Para sa Bayan, Kapayapaan ay Makakamtan, Sa Lupa Man o Karagatan”.

 

 

Ang sabay-sabay na pagtatanim ng mga puno ay nilahukan ng lahat ng Regional Maritime Units at Special Operations Units ng Maritime Group.

 

 

Isa sa mga nakiisa sa naturang aktibidad ay ang Regional Maritime Unit NCR sa pangunguna ni PCPT Michael Martinez, kaagapay ang mga tauhan ng Headquarters Maritime Group sa pangunguna ni PCPT Maria Melanie Anigalan, mga tauhan ng Navotas City Police Station, at kinatawan mula sa Department of Environment and Natural Resources.

 

 

Ang nasabing aktibidad ay naganap sa pakikapagtulungan sa Bakawan Warriors, Shipyard Members, Metro Shipbuilders and Ship Repairers Association Inc., at Batasan Masonic Lodge No. 381.

 

 

Ang mga propagules ng bakawan ay itinanim sa swampy at mayaman sa sustansiyang bahagi ng lupa ng Isla Pulo, Barangay Tanza Uno, Navotas City, kung saan ang mga kalahok ay nagtanim ng kabuuang 150 propagules ng bakawan.

 

 

Ang pinakamahusay na kasanayan na ito ng PNP Maritime Group sa pagtatanim ng mga bakawan ay mahalaga sa pagpapanumbalik ng konserbasyon ng biodiversity, na maaaring tahanan ng maraming species, at maaari ring makatulong sa pagpapayaman ng marine ecosystem at aquatic biomes sa paligid ng Navotas City. (Richard Mesa)