• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 27th, 2024

Watch how comedy adventure “IF,” starring Ryan Reynolds and directed by John Krasinski, creates a world you have to believe to see

Posted on: April 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WRITER and director John Krasinski (A Quiet Place movies) has had IF brewing in his mind for years, and his comedy adventure film dream has now become a reality. “I had the idea for this movie about seven years ago,” says Krasinski. “I wanted to do a movie about imaginary friends called IFs.”

 

 

Check out “The World Of Imaginary Friends” featurette here: https://youtu.be/Pk6WYqGbskI

 

 

Ryan Reynolds, who stars in the film, says that Krasinski has been talking about the concept for IF for a while, and the direction he wants to take with it. “[IF] feels a lot like a live-action Pixar film,” Reynolds says. Actress Fiona Shaw, who stars as the grandmother of the main character, Bea (played by Cailey Fleming, The Walking Dead, Loki), talks about the importance of imagination in the creation of the film. “In the middle of it is an active imagination, and John Krasinski, who not only wrote the film, directs the film, absolutely enacts these creatures for us all the time,” Shaw says.

 

 

The creatively fun and hilarious cast of imaginary friends are also voiced by an all-star roster of actors. “The cast is insane. I know for a fact that I will never get a better cast than this,” Krasinski says. “We have Steve Carell, Matt Damon, Jon Stewart, Phoebe Waller-Bridge, Emily Blunt, Maya Rudolph, Sam Rockwell, Louis Gossett Jr., Sebastian Maniscalco, Chris Meloni, Richard Jenkins, and Awkwafina.”

 

 

Imagination takes over when IF arrives in Philippine cinemas on May 15.

 

 

About IF

 

 

From writer and director John Krasinski, IF is about a girl who discovers that she can see everyone’s imaginary friends – and what she does with that superpower – as she embarks on a magical adventure to reconnect forgotten IFs with their kids. IF stars Ryan Reynolds, John Krasinski, Cailey Fleming, Fiona Shaw, and the voices of Phoebe Waller-Bridge, Louis Gossett Jr. and Steve Carell alongside many more as the wonderfully unique characters that reflect the incredible power of a child’s imagination.

 

 

Written and directed by John Krasinski, IF is produced by Allyson Seeger, Andrew Form, Ryan Reynolds, John Krasinski

 

 

Cast includes Ryan Reynolds, John Krasinski, Cailey Fleming, Fiona Shaw, Phoebe Waller-Bridge, Louis Gossett Jr., Alan Kim, Liza Colón-Zayas and Steve Carell

 

 

In Philippine cinemas starting May 15, IF is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #IFMovie and tag @paramountpicsph

 

 

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”

(ROHN ROMULO)

Ads April 27, 2024

Posted on: April 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Naiyak at natakot sa ilang misyon sa ‘Running Man PH’: KOKOY, hindi inaasahan na malalasing kasama si ANGEL

Posted on: April 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LALO pang pinainit ng mga sexy hunks ng Sparkle ang summer sa pamamagitan ng kanilang short video na Boys of Summer.

 

Pinakanatuwa ay ang mga beki dahil napagsama ng Sparkle ang mga pinapantasya ngayong mga lalake on television. This time ay mga pawisan sila sa paglaro ng basketball.

 

May kanya-kanya nga raw na paraan ang Boys of Summer para mapanatili ang kanilang six-pack abs at mga firm muscled arms and legs.

 

Matatawag na Gym Rats or mga mahilig magbabad sa gym para mag-workout sina Kelvin Miranda, Jeff Moses, Vince Maristela, Yasser Marta, Royce Cabrera at Bruce Roeland.

 

Samantalang sa paglaro ng iba’t ibang sports ang hilig gawin nila Prince Carlos, Raheel Bhyria, Matthew Uy, Radson Flores, Mclaude Guadaña, at Dustin Uy.

 

Mapapanood naman sa kanya-kanyang mga teleserye ang mga boys tulad sa ‘Black Rider’, ‘Abot-Kamay Na Pangarap,’ ‘Makiling’, ‘Asawa Ng Asawa Ko’ at sa upcoming na ‘Sang’gre’.

 

 

***

 

HANDANG-HANDA na ang cast ng ‘Running Man Philippines’ season two na mapanood ng viewers ang kanilang mga nakakaaliw na misyon sa pagbabalik ng most-watched reality game show on Philippine TV noong 2022.

 

Bukod sa pagbabahagi ng kanilang experience sa ‘Running Man Philippines’ season two na kinunan sa South Korea during winter, nagkabukingan din ang runners na sina Mikael Daez, Miguel Tanfelix, Kokoy De Santos, at Angel Guardian.

 

Aminado si Kokoy na naiyak at natakot siya sa ilang misyon dahil takot siya sa heights, tubig, at horror.

 

Hindi rin niya inaasahan na malalasing siya kasama si Angel Guardian sa isang misyon.

 

Paliwanag ni Angel: “Sobrang saya no’ng misyon. Hindi po kasi namin in-expect na at one point, iinom kami sa mission tapos hindi namin natapos itong particular mission na ito. Ang ending nalasing kami.”

 

Kahit riot ang bawat misyon, maganda pa rin daw ang samahan nila, ayon kay Mikael.

 

Aniya, napamahal na siya sa kanyang kapwa runners. Gayundin si Miguel na bagong pasok sa season two.

 

 

Kwento niya, “Sabi sa ‘kin ni Ysabel (Ortega), tuwing kasama ko daw yung runners, sobrang authentic daw ako makitungo sa kanila. Sa iba, kumbaga, careful ako, conscious ako.”

 

 

***

 

FOR the first time in the pageant’s history, gaganapin ng Miss Universe Philippines national costume competition sa Mindanao.

 

Ayon sa post sa social media: “The Miss Universe Philippines organization announced that this year’s national costume competition, one of the pageant’s most popular segments, will be held at the province of Sultan Kudarat. The competition won’t be the only thing happening during the organization’s first visit to Mindanao, there will be tours, a parade, and charity events scheduled.”

 

The national costume competition ang latest challenge ng 2024 Miss Universe Philippines delegates. Nagbukas din ang organization ng online voting for the pageant’s swimsuit challenge. Ang mananalo sa online vote ay mag-advance sa semi-finals.

 

And MUP coronation night ay magaganap on May 22 at the SM Mall of Asia Arena.

 

Ang current titleholder ng Miss Universe Philippines ay si Michelle Marquez Dee na nakapasok sa Top 10 ng Miss Universe 2023 sa El Salvador.

(RUEL J. MENDOZA)

Nakatulong ang tiwala kay Ruru kahit kabado: JILLIAN, na-enjoy nang husto ang ginawang crossover sa ‘Black Rider’

Posted on: April 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BONGGA naman talaga ang crossover sa GMA, kaya napanood si Jillian Ward bilang si Dra. Analyn Santos ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ‘Black Rider’ ni Ruru Madrid as Elias.

 

 

Na-excite si Jillian sa bagong experience niyang ito.

 

“Actually po, nag-action na rin ako noong bata ako sa Captain Barbell. Doon naman, sidekick ako ni kuya Richard (Gutierrez).

 

 

“Nagha-harness din ako dati and everything pero ngayon ko lang na-try na may eksena ako sa motor na may bumabaril sa amin. Intense talaga siya,” kuwento ni Jillian.

 

 

“Na-e-enjoy ko naman siya, in fairness, kasi sina direk (Rommel Penesa), they make sure kumportable ako kahit kinakabahan ako doon sa baril na pumuputok.”

 

Nakatulong rin kay Jillian na may tiwala siya kay Ruru na kasama niya sa halos lahat ng eksena niya sa naturang crossover.

 

 

Lahad ni Jillian, “Ang ating Black Rider, Mr. Ruru Madrid, talagang naging kumportable din ako. Alam kong safe ako sa kanya dahil magaling siyang mag-motor and magaling siya sa mga actions scenes.

 

 

“Na-e-enjoy ko naman siya kahit kabado ako.”

 

***

 

 

STRESS ang dahilan kung kaya natutong mag-paint ang businesswoman na si Myse Salonga.

 

 

Bukod sa katuwang si Myse ng kanyang mister na doktor sa kanilang klinika at pharmacy ay may negosyo si Myse.

 

 

“Nag-put up ako ng business ko, rentals ng property, bumibili kami ng condo, yung mga pre-selling, tapos warehouse, house and lot. Until now, iyon talaga yung negosyo ko.

 

 

“Alam mo bang nai-stress ako doon, kasi may sarili akong business, nai-stress ako! Eto na pumasok na yung painting ko.

 

 

“Parang gusto kong mag-paint. Wala akong formal education sa painting.

 

 

“Actually pinatayo namin itong bahay na ‘to thirteen years ago, ako mismo nag-design nito, ako mismo nag-interior, talagang nangialam ako sa architecture nito, sa engineering nangilam ako ako sa design nito.

 

 

“Tapos sabi ko since na-design ko naman ito try kong mag-paint. Tinry ko lang, isang canvass lang, nag-display ako, ‘Ay ang ganda pala!’

 

 

“Acrylic ang medium ko. Tapos nag-paint ako ng nag-paint.”

 

 

Kapag nai-stress si Myse, painting ang binabalingan niya.

 

 

“Doon ko nadiskbre na meron akong talent.”

 

 

Mahigit one hundred fifty paintings na ang naibenta niya.

 

 

At nitong Abril 1, 2024 sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng exhibit si Myse ng kanyang mga paintings, idinaos ito sa The Manor sa Camp John Hay sa Baguio City.

 

 

Ang opening ng kanyang exhibit ay dinaluhan mismo ng alkalde ng Baguio na si Mayor Benjamin Magalong na kaibigan ni Myse at iba pang mga kaibigang celebrity ni Myse, tulad ng actress/beauty queen na si Patricia Javier at travel show host/businesswoman Cristina Decena.

 

 

Ongoing hanggang June 1 ang exhibit ni Myse sa The Manor na ang beneficiary ay ang FAAB o Fashion of Arts Autism Benefit na nangangalaga ng mga kabataang may Autism.

 

 

Para sa mga karagdagang detalye at upang makita ang mga work of art ni Myse, maaaring bisitahin ang mga website na https://www.myseterpieceart.com/ at https://themanoratcjh.com/myse-art/ at https://www.facebook.com/share/p/RYd7fgWb4ddhFqUR/?mibextid=WC7FNe.r

(ROMMEL L. GONZALES)

Binuko ang kanta ni Liza para sa kanyang ‘ex’: ICE, nagiging emotional ‘pag kinakanta ang ‘Sana’y Wala Nang Wakas’

Posted on: April 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

EXCITING talaga ang upcoming concert ng Acoustic Icon na si Ice Seguerra ngayong May 10 and 11 sa Music Museum, ang ‘Ice Seguerra, Videoke Hits’ na sigurado kaming kakantahin niya ang mga sikat na songs sa videoke.

 

 

Nagpa-survey pa sila sa type nilang marinig na acoustic version ni Ice sa concert at ang lumabas sa Top 4 ay ‘Torete’, ‘Build Me Up, Buttercup’, ‘I Love You Goodbye’ at ‘You’re Still The One’.

 

 

May binuko naman si Ice sa kanyang wifey na si Liza Diño tungkol sa ikaapat kanta.

 

 

Say ni Ice, “Kasi kanta ni Liza ‘yun sa ex niya.”

 

 

Dagdag pa niya, “bukod dun hindi naman mawawala ang ‘Dancing Queen’, ‘I Will Surive’, ’Total Eclipse of the Heart’ at ‘Halik’. At bilang Sharonian ako, titira ako ng ‘Bituing Walang Ningning’ at ’Sana’y Wala Nang Wakas’.

 

 

“Isa sa mga favorite memories ko, birthday ko ‘yun, nagpunta kami sa resort ng barkada namin. Eh, medyo lasing na ako, hindi ko alam kung bakit napaka-emotional ko nang kinanta ko ‘yung ‘Sana’y Wala Nang Waaks’, feel na feel ko talaga.

 

 

“Umiiyak ako habang kumakanta ako, kinakantahan ko ang asawa ko. Di ba ‘yun kanta parang ang daming pinagdaraanan ng tao. Parang feel na feel ko talaga, na ang daming sacrificies for you (Liza). Ganun ako mag-videoke, fun.”

 

 

Kaya naman ipinarinig ni Ice ang acoustic version ng kanta, na tumahimik talaga ang lahat upang namnamin ang mapuso niyang pagkanta, na tiyak kaming maraming tatamaan sa manonood ng concert.

 

 

Natanong naman ni Liza kung anong kanta ni Ice na kinakikikigan niya.

 

 

“Araw Gabi talaga. Kasi si Ice, kapag kinanta niya `yon, sobrang landi. Tapos meron talaga siyang part na kapag kinanta niya, ‘yung ‘nalalasing sa tuwa’ alam mong may iniisip siya sa loob, na it’s a private thing that we have,” kuwento ni Liza at kasunod dito ay nag-sample si Ice ng naturang kanta.

 

 

Samantala, inamin ni Ice na 50 na kanta ang pinaghahandaan niya sa ‘By Request’ segment na may live poll sa magaganap sa 2-day concert, kaya malamang magkaibang top 3 songs, kaya kaabang-abang.

 

 

Wala raw special guest si Ice sa ‘Videoke Hits’.

 

 

“Si Ice may special guest? Ayaw nga niyang pakantahin ang mga guest niya. Adik, parang hindi siya naggi-gig, every week.

 

 

“Ice really loves to sing. Gustong-gusto niyang pini-please ang audience niya. Pag gustong-gusto niya ang audience niya, naa-appreciate siya, tuwang-tuwa siya, nabubuhayan siya, kaya umaabot ng tatlong oras ang mga shows niya,” sabi pa ni Liza.

 

 

Ini-reveal na rin ni Ice na makakasama niya si Moira dela Torre sa bagong album na may 12 original songs na ire-release sa Setyembre 2024 at malamang may birthday concert din siya.

 

 

Samantala, sa intimate birthday party namin last April 24, sobrang nakaka-touch na si Ice ang nagsimula ng videoke, na kung saan kinanta niya ang ‘The Way We Were’ at ‘Evergreen’ ng favorite naming si Barbra Streisand na birthday ng araw na ‘yun.

 

 

May bonus pa, dahil nag-duet pa sila ni Liza sa awiting ‘Superstar’ ng Carpenters na fave singer din namin. Kaya sobrang saya and memorable ang aming post 58th birthday celebration.

 

 

Muli, maraming-maraming salamat, Ice and Liza!

 

(ROHN ROMULO)