Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
MAHIGIT P.7 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Linggo ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Boboy, 31, HVI ng Brgy. Gen. T De Leon, Valenzuela City at alyas Christian, 25 ng PNR Compound, Caloocan City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay ‘Boboy’ matapos ang nakatanggap nilang impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nito ng droga.
Nang tanggapin ni ‘Boboy’ ang P6,500 buy bust money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong 4:44 ng hapon sa Riverside Libis Baesa, Brgy., 160, kasama ang kanya umanong parukyano na si ‘Christian’.
Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 107.2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P728,960.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim na pirasong P1,000 boodle money.
Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
“He understood the character straight away,” was what director George Miller said as he watched Chris Hemsworth read the screenplay for Furiosa: A Mad Max Saga. In the highly anticipated expansion to the Mad Max universe, Chris Hemsworth plays Dementus, the tyrannical warlord that kidnaps a child that would later become the legendary Furiosa.
Watch the trailer here: https://youtu.be/1Qt4Z25kdiE
Hemsworth has such an understanding of the character that director Miller thought was ideal for the role. “He understood his character such that I began to rely on him whenever he would say, ‘I think Dementus would do this…’ And suddenly, it became more than serving his performance or the characters, but serving the deeper narrative of the story.”
Hemsworth’s physicality and skill with stunts also proved useful as he took on the harsh Wasteland. “He understands how everything work,” shares Miller. “And, of course, he’s very physically gifted, doing all his own stunts and constantly riding motorbikes in his real life, surfing, doing all that sort of stuff. And so he was ideal for this character. Once I met Chris, saw his response and understood what he was thinking and the way that dovetailed, I thought, ‘Okay, he’s the one who should take on Dementus.”
Furiosa: A Mad Max Saga producer Doug Mitchell was fascinated by the initial conversation Miller had with Hemsworth about Dementus. “When they got to talking about villains, he said that they weren’t just table thumpers and screamers, people running around chopping people’s heads off—yes, some are. But, many of them have one characteristic. They’re often charismatic, very likable. And I think what started, which was an echo between George and Chris, was this idea that you play against kind. You know, if you’re an evil man, you hide that, as we see. And Chris was in 100%, like even before George was offering it,” Mitchell recalls.
Chris Hemsworth, as Dementus, plays the role with an understanding of the character’s background and how it shaped the warlord. “Dementus is a complicated individual,” says Hemsworth. “He’s a product of this world—the violent, harsh reality that is the Wasteland. He’s been manipulated and sculpted through his experience, and I think that experience was one of immense tragedy, fear, pain and loss. This is what this place is, and everything is so desperate and raw. It’s day-to-day survival.”
Dementus’ relationship with Furiosa is a complicated one, and Hemsworth explains how he approached it. “He begins on some level to see an innocence and a purity to this individual that is a representation of what he’s lost. There is something he thinks otherworldly about her, because she is from the Green Place, and I think deep down inside him a little bit of humanity is awakened,” he says. “Maybe he thinks that she reminds him of some other time in his life, his childhood, his younger years, before he was brutalized himself. He becomes very intrigued who this individual is, fascinated, infatuated, and then it becomes an almost paternal relationship in his eyes. I can’t speak to how Furiosa feels about him, but I think he sees it as his duty as a father figure to take care of her and prepare her for what’s to come.”
In a way, Hemsworth feels like Dementus has been one of his most impactful roles while playing a villain. “It was a real joy. To be able to track a villain from beginning to end—the history, his backstory, the amount of detail allowed in this film—is unlike anything I’ve done before. And I don’t know if I was actively seeking to play a character like this, but you’re always on the lookout for something that will get the fire going,” he says. “Certainly the first time I read it, it ignited something in me that I hadn’t felt for a long, long time… something from the moment I read it to the moment we finished shooting that has been spinning around my brain, and I’m sure it will continue to do so for a few more years. Good and bad.”
Catch Furiosa: A Mad Max Saga as it crashes into Philippine cinemas on May 22. Join the conversation using #Furiosa (photo & video credit: Warner Bros. Pictures)
(ROHN ROMULO)
MULING inulit ng Department of Agriculture (DA) na ang hakbang na muling payagan ang National Food Authority (NFA) na bumili at magbenta ng mas murang bigas ay pinaniniwalaang magiging dahilan ng pagtatag ng presyo kapag ang retail price ay “masyadong mataas .”
Sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa na ang panukalang amiyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL) ay “much-needed intervention” kung ang Pilipinas ay hindi babaling sa marahas na hakbang gaya ng price caps.
“We don’t want iyong mga ganitong measures kasi iyong price cap, maganda iyon sa simula pero in the long term, mayroon iyong negative economic impacts sa ating bansa,” anito.
“So, kung magkakaroon ng opportunity ang NFA to intervene, mabilis iyong epekto,” dagdag na pahayag ni de Mesa.
Winika pa ni De Mesa na ang NFA rice na ibebenta ay may magandang klase at “relatively priced lower” kumpara sa dating umiiral na market price para sa well-milled, kung saan sa pagitan ng P48 hanggang P53.
“Kasi noong una kasi, nakakapag-provide siya ng PHP27. But we are not expecting naman iyong ganoong presyuhan but we are expecting na relatively lower iyong presyo ng NFA prevailing market price,” aniya pa rin.
“Kapag naipasa itong amyenda sa RTL, puwede nang mag-intervene at magdala mismo sa retail outlets ang NFA,” ayon kay de Mesa.
Sa ilalim ng batas, limitado ang mandato ng NFA at iyon ay ang tiyakin na ang buffer stocks para sa mga sakuna o kalamidad at pinapayagan lamang na bumili ng dalawang uri ng ani mula sa lokal na magsasaka, fresh palay mula P19 hanggang P23; at malinis at tuyo sa pagitan ng P23 at P30.
“So, kung makakapamili iyong NFA ng bigas mismo, mababawasan iyong gastusin ni NFA sa pag-dry, sa pag-mill at kapag bigas na iyan, mas madaling i-maintain at mas madaling i-dispose,” ang winika ni De Mesa.
Samantala, tiniyak naman ni de Mesa sa mga magsasaka na ia-apply lamang ito sa mga kaso kapag ang bansa ay mayroong isyu sa suplay o presyo.
“Ang normal function pa rin ng NFA is to buy palay from our farmers,” aniya pa rin. (Daris Jose)
MALUGOD na tinanggap ng Valenzuela City ang bagong upong hepe ng pulisya ng lungsod na si P/Col. Allan B Umipig sa isinagawang turnover ceremony na ginanap sa Valenzuela City Police Station (VCPS) Headquarters noong May 9, 2024.
Si Col. Umipig ay itinalaga bilang bagong officer-in-charge ng Valenzuela City Police, kapalit ni out-going Chief P/Col. Salvador S Destura Jr. na nagsilbi sa lungsod ng halos dalawang taon.
Pinangunahan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito G Gapas ang isinagawang turn-over ceremony.
Nagpasalamat naman si Col. Destura kay Mayor WES Gatchalian sa lahat ng suporta nito sa lokal na puwersa ng pulisya.
“Ang buong suporta na ipinakita ng lokal na pamahalaan, ano pa ang magagawa natin bilang kapalit, kundi ang magbigay ng pantay na serbisyo sa mga mamamayan ng Valenzuela City,” pahayag niya.
Samantala, pinaalalahanan naman ng bagong acting chief of police na si Col. Umipig ang kanyang bagong team ng local police na kailangan niya ang kanilang suporta.
Aniya, priority niya ang kapakanan ng kanyang mga tauhan, “pero hindi ko kukunsintihin ang mga seryosong maling gawain ng aking mga tauhan, siyempre.”
“Susuportahan ko ang internal disciplinary mechanism gayundin ang internal cleansing effort ng Philippine National Police. Paiigtingin ko ang pagsasagawa ng intelligence operation,” sabi ni Col. Umipig.
Present sa seremonya sina Atty. Jaime De Veyra, Valenzuela City Government Administrator, P/Col. Benliner L Capili, DDDO, P/Col. Edelberto B Pitallano, CDDS, P/Col. Renato B Ocampo, Chief, DPRMD, P/Col. Ruben Lacuesta, hepe ng Caloocan City Police Station, P/Col. Jay Baybayan, hepe ng Malabon City Police Station, P/Col. Mario C Cortes, hepe ng Navotas City Police Station at ang mga tauhan ng Valenzuela police. (Richard Mesa)
NALAMBAT ng mga tauhan ng Maritime police ang apat na wildlife traders sa magkakahiwalay na entrapment operation sa loob at labas ng National Capital Region (NCR), kaugnay ng ‘All Hands Full Ahead’ campaign.
Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) Chief P/Major John Stephanie Gammad, dakong alas-10:02 ng gabi noong May 9 nang maaresto si alyas “Joseph” ng kanyang mga tauhan sa ikinasang entrapment operation sa Masaya Street, Barangay Old Capitol Side, Quezon City at nakumpiska sa kanya ang apat Indian Ring Neck Parrots.
Bandang alas-4:46 ng hapon, noong May 7 nang matimbog naman ng kabilang team ng Maritime police sa naganap na entrapment operation sa Barangay Salvacion, Quezon City, si alyas “John” at nakuha sa kanya ang isang Sun Conure.
Sa Calumpit Bulacan, nalambat naman ng isa pang team ng Maritime police sa isinagawang entrapment operation sa MacArthur Highway, Purok 1, Brgy., Gatbuca, alas-8:33 ng gabi noong May 6, si alyas “Jacob” at nasamsam sa kanya ang dalawang Green Cheek Conures.
Habang nakumpiska naman kay alyas “Jonathan” ang isang Bearded Dragon matapos siyang madakip ng mga tauhan ni Major Gammad sa entrapment operation noong May 6, sa kahabaan ng MacArthur Highway, Brgy., Santa Cruz, Guiguinto, Bulacan, dakong alas-10:37 ng gabi.
Mahahrap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sec. 27 “Trading of Wildlife” at “Possession of Wildlife Species” of R.A. 9147 (Wildlife Resources Conservation Protection Act) in relation to Sec. 6 of R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012). (Richard Mesa)
SIX years old na ngayon si Malia, ang anak ng komedyana si Pokwang at ni Brian O Lee.
Sey pa ni Pokwang na hindi pa raw niya naipaliliwanag sa bunsong anak kung ano ang mga pinagdaanan nila ng Samang si Lee.
“Wala muna, pinalaki kong matatalino ‘yung mga anak ko, alam nila iyan. At siguro kung mayroong dapat mag-explain dito, hindi siguro ako, kundi si Lee.
“I did my part as a mom, and as a dad,” paliwanag pa ni Ms. P.
Matandaang naging kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Pokwang at Lee more than one year na ang nakalilipas.
Lahad pa ng aktres na sobrang nasaktan daw sa paghihiwalay nila ang panganay na anak na si Mae.
“Tahimik lang kasi ‘yung anak ko. Pero alam ko deep inside nasaktan ‘yan for me, 17 years kaming dalawa lang eh. Then biglang dumating (si Lee) then tinanggap niya naman nang bukas sa puso niya because nakita niya na masaya ako then nangyari ito. Kung may pinaka-nasaktan dito, siya iyon,” seryoso pang paliwanag ng Kapuso aktres.
Pinagkatiwalaan umano ni Mae si Lee noon at umasang magtatagal ang relasyon ng aktor at ng ina.
“Sabi niya nga sa akin, ‘You did your best para mabigyan ako ng magandang buhay and then this person biglang dumating na sinaktan ka lang nang gano’n. Sinabi niya ‘yon, ‘Pinagkatiwala kita sa kanya kasi nakita ko na masaya ka naman noong una. Tapos ngayon kung may pinakanasaktan dito, Ma, ako iyon,” pagtatapos pa ng anak ng komedyana.
***
SA pagdiriwang ng Mother’s Day last Sunday, ay isang malaking karangalan para sa King of Talk Boy Abunda na naging panauhin sa kanyang programang “Fast Talk with Boy Abunda“ si Dina Bonnevie.
Matatandaang anim na taon lamang tumagal ang pagsasama ng aktres at Vic Sotto noon.
Ayon pa sa kuwento ni Dina sa naturang programa ni Kuya Boy ay sobrang naka ramdam daw siya ng lungkot sa tuwing naaalala.
Dagdag pa ng premyadong aktres na ang sakit na dulot ng kanilang hiwalayan dahil sa dalawang anak ay hindi pa raw basta niya nakakalimutan.
Hindi naman itinatago ni Dina at aminado ang magaling na aktres na nakaramdam daw siya ng galit noon kay Coney Reyes dahil nakarelasyon din ni Vic.
Pero deretsahang sinabi ni Dina na dumating ang tamang panahon na napatawad ni Dina sina Coney at Vic.
Tuwang-tuwa nga raw si Dina dahil humantong daw sa mabuting pagkakataon ang nararamdaman nilang dalawa ni Coney.
“It took a lot of time until the point na, Danica was telling me, ‘Alam mo Mommy, you’re so bitter. I wish you would really let go, because you’re so bitter.’
“Kasi every waking moment, kapag I felt sad and alone, having a hard time with the kids, transferring houses and all these things,” makahulugang banggit pa ni Ms. D.
Samantala, tuloy tuloy pa rin naman ang pagsuporta ni Dina.
Kaya nga raw siya nagsusumikap nang husto ngayon para sa mga anak niyang sina Oyo Boy at Danica.
Para sa aktres ay nagsisilbing inspirasyon ang dalawang anak upang pagbutihin pa ang kanyang mga ginagawa.
(JIMI C. ESCALA)
NAKATAKDANG mag-deploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga validators para sa rehistrasyon at balidasyon ng 300,000 target na pamilya bilang paghahanda sa ‘full-scale implementation’ ng ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” sa darating na Hulyo.
Sinabi ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay na ang programa ay mayroong three- to four-year run kung saan ang gobyerno ay magbibigay ng karagdagang pagkain para sa mga tinukoy na isang milyong food-poor families, o limang milyong indibiduwal.
“We already hired the needed staff in our areas of implementation, 10 regions po ‘yun and 21 provinces na 300,000 ‘yung families ang ating target,” anito.
Sinabi pa ni Punay na ang ahensiya ay mag ha-hire ng mas mababa sa 1,000 validators sa mga pangunahing lugar.
Aniya pa, ang pilot implementation, kabilang ang 3,000 na pamilya ay nagsimula noong nakaraang Disyembre at nakatakdang tapusin ngayong buwan.
Ang pondo sa pamamagitan ng $3-million grant ay mula sa Asian Development Bank (ADB), ang programa na magbibigay ng electronic benefit transfer (EBT) cards na may kargang food credits na nagkakahalaga ng P3,000 kada buwan para pambili ng piling nakalista na food commodities mula DSWD-registered o accredited retailers.
Ang bulto ng food credits ay nakalaan sa carbohydrate-rich foods ghaya ng bigas na P1,500, 30% para sa protina gaya ng kartne na P900, at 20% para sa prutas at gulay, oil, asin, at magingcondiments na P600.
Sa kabilang dako, tatakbo ang programa ng hanggang 2027 at nangangailangan ng P40 billion, target kasi nito ang isang milyon na food-poor families o iyong mga kuimikita na mas mababa sa P8,000 kada buwan.
Samantala, unti-unti namang itataas ng DSWD ang bilang ng mga benepisaryo mula 300,000 sa unang taon hanggang 300,000 sa pangalawang taon at 400,000 sa pangatlong pagkakataon, may kabuuang isang milyon na food-poor household beneficiaries. (Daris Jose)