• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 29th, 2024

Meet the cast of the thrilling zombie apocalypse movie “Love You as the World Ends”

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Kamen Rider stars Takeuchi Ryoma and Takahashi Fumiya are Hibiki and Yamato in the dystopian zombie film Love You as the World Ends. Based on the hit horror-television series co-produced by Nippon TV and Hulu Japan, Love You As The World Ends ties in all the intertwining stories of a group of survivors trying to stay alive during a zombie outbreak.

 

 

 

 

Takeuchi Ryoma plays the lead role as Hibiki, a mechanic before the world was plunged into chaos. Hibiki was about to propose to his partner, Kurumi, when the deadly Golem outbreak began.

 

 

 

Fighting for survival, Kurumi tragically succumbs to the Golem virus, but miraculously gives birth to their child, Mirai. Mirai’s unusual childbirth piques the interest of researchers who are looking for the cure to the Golem virus, and kidnaps, hoping to further their cause. Hibiki must now climb up Utopia, a refuge from the Golems, to get to the researchers and save his child.

 

 

 

 

Most notable for playing main character Shinnosuke Tomari of the Kamen Rider series, Kamen Rider Drive, Takeuchi Ryoma has been Hibiki for the Love You as the World Ends series for 4 seasons. He’s also cast as Miyabe Arata in Roppongi Class, a remake of the hit K-drama series Itaewon Class.

 

 

 

 

Takahashi Fumiya plays the second protagonist, Yamato, who came across Hibiki by chance when his car broke down while on a date with the girl he wants to be in a relationship with, Aoi. The pair will meet again as fate brings them together on a quest to find and rescue their loved ones. Aoi is up in the top level of Utopia, where the researchers are secluded, her fate unknown to Yamato. As they face unknown dangers higher up in Utopia, Yamato and Hibiki form a tenuous alliance to increase their chances of successfully getting to the top.

 

 

 

 

In 2019, Takahashi Fumiya was the first Kamen Rider actor to be cast who was born in the 21st century, playing the protagonist role in Kamen Rider Zero-One. Consistently getting roles in TV drama series, he bagged the lead role for the prime time drama for the first time as Kitada Gaku in Fermat no Ryōri.

 

 

 

 

Watch them take the ultimate journey as Love You As The World Ends opens in PH cinemas on June 12, an Encore Films film distributed by Warner Bros.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Posible kayang mag-join sa Miss Universe PH?: GABBI, kinagiliwan ng netizens ang pag-a-ala-beauty queen

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINANGAAN ng marami ang pagiging supportive father ni Jestoni Alarcon sa anak na si Angela Alarcon dahil tinulungan niya itong makahanap ng tamang match sa EXpecially For You segment ng ‘It’s Showtime.’

 

 

 

Inamin ni Angela na very strict daw ang kanyang daddy pagdating sa mga manliligaw niya.

 

 

 

Mensahe ni Jestoni sa anak: “Lagi mong tandaan, kung nagiging makulit man kami sa ‘yo, eh ‘yun ay para naman sa kabutihan mo.”

 

 

 

Sagot naman ni Angela: “Dad, maraming salamat sa walang pagsuporta mo sa akin sa lahat ng bagay ever since bata pa ako, you’re there, you’re always present sa mga family days ko, sa mga competitions ko, sa career ko sa showbiz nandyan ka. Pasensya na minsan kung laging may mga pasaway moments ako, pero gusto ko lang i-assure sa ‘yo na love na love ko kayo ni mommy.”

 

 

 

 

***

 

 

 

KINAGILIWAN ng netizens ang video ni Gabbi Garcia na nag-ala-beauty queen ang aktres, at nagkunwaring pasok sa Top 15 ng Miss Universe Philippines.

 

 

 

Sa kanyang Instagram reel, makikita si Gabbi na tila “in her beauty pageant era” suot ang isang red swimsuit na may kasamang sarong, isang national costume, at isa sparkling na emerald green na evening gown.

 

 

 

Dahil dito, maraming netizens ang napahanga sa kaniyang IG reels. Ngunit paglilinaw ni Gabbi, “CHAROT! Next time na yan. Host lang ako. See you Miss Universe Philippines!” diin pa ng Sparkle actress.

 

 

 

***

 

 

 

AFTER 148 episodes and two seasons, nag-wrap up na ang primetime series na ‘Can’t Buy Me Love’ ng DonBelle loveteam nila Donny Pangilinan and Belle Mariano.

 

 

 

Naghahanda na ang DonBelle para sa “ASAP Natin ‘To” in California on Aug. 3.

 

 

 

“I’m very excited. The previous ASAPs we went to were very fun and memorable. To be part of something that’s been going on for so long, to be part of the roster with Tito Gary (Valenciano) and Tito Martin (Nievera) who have been in the industry for a long time, [it’s] always a fun time,” sey ni Donny.

 

 

 

Huling nag-perform ang DonBelle sa California ay para sa Star Magic: 30 Beyond the Stars concert noong August 2022.

 

 

 

Sey ni Belle: “I’m very excited to see all of our ‘Kapamilyas’ there. It’s been a while since I saw you, almost two years ago. I just can’t wait, of course, to tour around LA.”

 

 

 

Tickets are available on mytfc.com/asapincalifornia.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Big factor ang communication sa relationship: MIGUEL, gabi-gabing tinatawagan si YSABEL noong nasa South Korea

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GABI-GABING kausap ni Miguel Tanfelix si Ysabel Ortega kahit nasa South Korea siya ng forty three days para sa shoot ng ‘Running Man Philippines Season 2.

 

 

 

Lahad ni Miguel, “Iyon naman po yung compromise naming dalawa since forty three days ako sa Korea. “Parang every night, tinatawagan ko siya, talked about our day. O kaya, ‘Good night,’ ganyan.

 

 

 

“Tapos kunyari may episode kami, ikukuwento ko talaga sa kanya from start to finish kung papano itinakbo ng buong episode.

 

 

 

 

Inamin ni Miguel na nalungkot siya sa mga unang araw niya sa South Korea.

 

 

 

 

Pero nakatulong naman at nagdulot ng maganda na naranasan nila ni Ysabel na mahiwalay sa bawat isa nang mahigit isang buwan.

 

 

 

 

“Nalungkot po. Pero sabi ko naman po kay Ysabel na challenge din yun sa relationship namin kung kaya namin mag-LDR [long distance relationship].

 

 

 

 

“Kasi, may mga relationships na strong lang sila pag nakikita nila ang isa’t isa. Pero pag matagal na nahiwalay, parang mahina.

 

 

 

 

“So, ako excited akong i-take yung challenge na iyon.”

 

 

 

Ano na ba ang estado ng relasyon nila?

 

 

 

 

“Ngayon, kami ni Ysabel, we’re doing really good. Yung relationship namin, sobrang strong. Siguro dahil na rin dito sa forty three days na nasa Korea ako.

 

 

 

 

“Dito namin nalaman na kaya naming mabuhay na malayo sa isa’t isa, as long as open ang communication namin, and trust sa isa’t isa. Malaking factor yun sa relationship namin, e.”

 

 

 

 

Napapanood tuwing Sabado, 7:15 pm at Linggo , 7:50 pm, ang iba pang runners ng Running Man Philippines Season 2 ay sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy De Santos at Angel Guardian.

 

 

 

***

 

 

 

MY dear editor Rohn Romulo, ikatutuwa mo ang balitang ito.

 

 

 

Bukod sa Nailandia ay binuksan na rin nina Noreen Divina at Juncynth Divina ang SKINLANDIA!

 

 

 

 

Dito ay hindi paa, kamay at kuko lamang ang aasikasuhin ng kanilang mahuhusay na staff kundi buong pagkatao, este katawan mo, pati buhok!

 

 

 

 

Yes, halos lahat ng klase ng treatment at wellness ng balat at buhok ay maaaring i-avail.

 

 

 

 

Halimbawang manipis ang buhok, merong expert solutions ang Skinlandia, ang Exosomes for the hair. Very affordable ang exosome therapy para sa “healthier, fuller hair”!

 

 

 

 

Ang SKINLANDIA ay isang “cutting-edge dermatology and plastic surgery clinic that offers a sanctuary for relaxation and rejuvenation”.

 

 

 

 

Susyal, di ba?

 

 

 

 

Mahuhusay ang mga doktor at espesyalista sa naturang clinic ni Noreen na “dedicated to enhancing your natural beauty, utilizing the most modern and state-of-the-art machines available”.

 

 

 

 

Kung anuman ang pangangailangan niyo, rejuvenating facial, o simpleng enhancement, o isang bonggang transformative procedure, handa ang team ng SKINLANDIA na ialay sa publiko ang the best nilang serbisyo.

 

 

 

 

At higit sa lahat ay open for franchise ang SKINLANDIA sa murang halaga!

 

 

 

 

Kaya tumawag, mag-text o mag-Viber na sa 0995 577 0628, 0915 106 0888, (02) 8282 4306 at mag-Viber sa +63.917.868.8550 para sa mga detalye. May branches na ang SKINLANDIA sa SM City Fairview at SM Jazz Residences.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

May rekomendasyon ang anak para ‘di na maulit: Pamilya ni EVA DARREN, tinanggap na ang apology ng FAMAS after ng ’snubbing’ incident

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGAP na ng pamilya ng veteran actress na si Eva Darren ang apology na pinadala ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences’ (FAMAS).

 

 

 

 

Nag-viral nga ang sinasabing hindi raw sinasadyang pang-i-snub sa awarding ceremony nitong Linggo na ginanap sa The Manila Hotel, na kung saan pinalitan ng baguhang singer si Ms. Eva para mag-present kasama si Tirso Cruz III, dahil hindi raw makita sa venue.

 

 

 

 

Na inalmahan ng netizens at showbiz insiders, dahil isa itong maliwanag na pambabastos sa beteranang aktres, na inimbita, nag-ayos, nag-memorize ng lines at higit sa lahat ay gumastos ng malaki.

 

 

 

 

Sa Facebook post ni Dr. Fernando de la Pena, ana ni Eva, nagpasalamat siya sa lahat ng nagpakita ng suporta at pagmamahal sa ina at sinagot ang apology na pamunuan ng FAMAS…

 

 

 

 

“My Dear Facebook Family… we truly appreciate the overwhelming display of love and support. Once again the people have spoken and proved that the keyboard is mightier than the sword.

 

 

 

 

“Salamat my kinakapatid Reb Belleza and Miss Maila Gumila for spreading the word. My mom is one tough cookie, she is a battle-tested survivor of life’s arena. Ms. Eva Darren has found some comfort in the midst of a loving family which includes you all.”

 

 

 

 

Pagpapatuloy niya, “Growing up in a middle-class neighborhood in Manila, we didn’t have much. My mom turned night into day to provide for us including an education that instilled fundamental virtues and principles of Filipino culture that necessitates respect for the elderly. It is far from our intention to ruffle feathers and in fact, our upbringing inclined towards avoiding trouble at all cost often at our emotional expense.

 

 

 

“I remember one of my designated house chores as a child was to make sure mom’s FAMAS trophy from 1969 stays constantly dust-less and polished. One of the very few treasured possessions we have. We revered FAMAS and everything it stands for. This is why what happened to my mother, in the eyes of our family, was incomprehensible, unexpected, unimaginable.

 

 

 

“I firmly believe that what hurt my mother the most is disappointing her apos who tagged along in the hopes of seeing grandma on stage.”

 

 

 

 

Paglilinaw pa ni Fernando, “We also know that Mr. Tirso Cruz III (Veteran actor loved by all, donor of many camping tents when I was a Boy Scout in grade school) and the PR Officer of FAMAS Mr. Renz Spangler (An incredible author and lover of classic cinema), have nothing to do with what happened and just the same, were casualties of someone’s questionable backstage judgment.

 

 

 

“My mom was seated in a table front and center adjacent to the stage, rubbing elbows with my second mom, Ninang Divina Valencia and my awesome Tita Marissa Delgado. For the reasons I stated above and on behalf of my mother, Ms. Eva Darren, our family accepts the olive branch that FAMAS has extended and only hope that future events.

 

 

 

 

Panghuli ay ang kanyang payo at rekomendasyon sa next award night ng FAMAS, “I understand that we are but a small voice in the back row of a rowdy crowd, but if I humbly, personally, recommend two things for the 73rd FAMAS Awards Night:

 

 

 

 

“Please stick to the script… and maybe a nice pair of eyeglasses for all in charge.”

 

 

 

 

At dahil nga sa pinagdaanan ni Ms. Eva Darren sa FAMAS Awards, maging malaki sana itong leksyon sa nararapat na pag-estima sa mga veterans actors sa industry sa taping, shooting, presscon at award night.

 

 

 

 

For sure, maraming magbubukas na pinto at bintana para kay beteranang aktres at mabigyan na rin ng tamang pagkilala mula sa award giving bodies sa bansa.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

MIC, prayoridad ang energy transmission investments

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PRAYORIDAD ng Maharlika Investment Corp. (MIC), ahensiya na mangangasiwa sa sovereignty wealth fund, ang pamumuhunan sa energy transmission lines sa iba’t ibang rehiyon.

 

 

Sinabi ni MIC President and Chief Executive Officer Rafael D. Consing Jr., na marami ng investments sa ‘generation at distribution side’ sa sektor ng enerhiya.

 

 

“So Maharlika will be focused on lines, just the transmission lines. We do not see ourselves investing in the generation side or the distribution side,” ang sinabi ni Consing.

 

 

“Also if you look at where investments in the energy sector is most required, it is in the lines,” aniya pa rin sabay sabing “So therefore we want to be able to make a difference by focusing only on the grid, on building island grids.”

 

 

Aniya pa, magiging bahagi ito ng P35 billion na investments sa energy projects ngayong taon.

 

 

Nauna rito, nilagdaan ni Consing kasama ang mga opisyal mula sa National Electrification Administration, at Palawan Electric Cooperative (PALECO), ang isang memorandum of agreement na magpapahusay sa electrical infrastructure ng PALECO.

 

 

Layon ng kolaborasyon o pagtutulungan na gawing matatag ang suplay ng kuryente sa Palawan upang mapanatili na makapaghikayat ng mga negosyante at industriya sa lalawigan para sa paglago ng ekonomiya nito.

 

 

Nakamandato sa kasunduan na ang mga partido ay ‘mutually provide technical assistance and share relevant data to achieve this goal and direct MIC to conduct studies to assess the present electrical system of Palawan and determine ways to improve it.”

 

 

Mayroon namang diskresyon ang MIC na tustusan o gastusan ang pag-upgrade rito, subject sa availability ng pagpopondo at dapat ay consistent sa Investment strategy at risk management frameworks nito.

 

 

Samantala, nakatakda namang palawigin ng PALECO ang lahat ng tulong na may kaugnayan sa implementasyon ng memorandum at makapagbigay ng ‘technical at operational expertis” kabilang na ang access sa kaugnay na data at information, sa mga collaborators o katuwang.

 

 

“This project will directly enhance the quality and reliability of electricity services across Palawan, from its bustling urban centers to its remotest corners,” ayon kay Consing.

 

 

“With the province aiming to double its tourism visits to 5 million, this investment is not just an option; it is an imperative,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

House nais ipasagot na rin dialysis meds sa PhilHealth

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth na pag-aralan kung maaari nilang sagutin na rin ang gamot na ginagamit sa pagpapa-dialysis  ng mga diabetic patients.

 

 

Ayon kay House ­Deputy Majority Floor leader Erwin Tulfo, ito ang nais ng mga mambabatas sa Kongreso para mabawasan o tuluyan ng malibre ang gamot ng mga may acute diabetes sa bansa.

 

 

“4.5 milyong Pilipino ang may diabetes at halos kalahati nito ang nagpapa-dialysis ng isa hanggang tatlong beses isang linggo,” ani Cong. Tulfo.

 

 

Dagdag pa ng ACT-CIS Representative, “umaabot kasi ng P900 hanggang P1,500 ang injection pagkatapos ng  dialysis session ng isang pasyente”.

 

 

Ayon kay Tulfo, “may instruction si Speaker Romualdez na pag-aralan agad ng PhilHealth kung papaano malibre o sagutin na lang nila ang gamot, totally”.

 

 

Maraming mga dialysis patients daw kasi ang lumapit na kay Romualdez para hilingin na gawin na lang libre ang gamot o makakuha sila ng discount man lang.

 

 

“Sabi ni Speaker sa kanila naiintindihan nya ang bigat ng gastusin sa halos araw-araw ng pagpapa-dialysis”, ayon kay Tulfo.

 

 

“The house leadership want to unload o bawasan itong pasanin sa pagpapa-dialysis”, ayon sa mambabatas.

 

 

Sa ngayon sinasagot na ng PhilHealth ang pagpapadialysis ng mga miyembro nito pero ‘di pa kasama ang gamot.

DICT, pabor na I-regulate ang paggamit ng TikTok sa Pilipinas

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Pabor ang Department of Information and Communications Technology na I-regulate ang paggamit ng Social media platform na TikTok sa Pilipinas.

 

 

 

Ito ang inihayag ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy kasunod ng paghahain ng bill sa Kamara de Representantes na naglalayong ipagbawal sa bansa ang mga Foreign adversary-controlled applications tulad ng TikTok.

 

 

 

Paliwanag ng opisyal, ang ganitong uri ng mga social media applications kasi aniya ay posibleng magamit sa espionage o pag-iisp ng dahilan kung bakit dapat aniya na magpatupad ng regulation sa paggamit nito.

 

 

 

Bukod dito ay isiniwalat din ni Dy na kasalukuyan na rin nilang mahigpit na binabantayan ang messaging app na Telegram matapos ang ilang mga ulat na ginagamit umano ito para sa pag-leak ng database information mula sa mga website ng pamahalaan na nabiktima ng hacking.

 

 

Habang ang Facebook naman ay ginagamit ngayon ng mga kawatan para sa online selling ng mga sanggol.

 

 

 

Ito aniya ang dahilan kung bakit bukas ang kanilang kagawaran sa pagre-regulate sa ganitong uri ng mga social media application, o kahit na I-takedown pa aniya ang mga sites na mapag-alaman ginagamit sa mga ilegal na aktibidad.

 

 

 

Samantala, dahil dito ay umaapela ngayon ang DICT sa naturang mga social media platforms na tiyakin na hindi magagamit at nagagamit ang mga ito sa mga ilegal na gawain.  (Daris Jose)

Gunman sa pamamaslang sa registration chief ng LTO, arestado

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO na ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa madugong pamamaslang sa isang opisyal ng Land Transportation Office sa Quezon City.

 

 

 

Sa ngayon ay tumanggi munang magbigay ng dagdag pang mga impormasyon si Department of the Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr. ngunit kasalukuyan na aniyang hinihintay na maisailalim ang suspek sa kaukulang inquest proceedings.

 

 

 

Kaugnay nito ay mayroon na rin aniyang tinitignang anggulo o motibo ang kapulisan sa likod ng nangyaring krimen at mayroon na rin aniyang possible identification ang mga otoridad hinggil sa nasabing kaso.

 

 

 

Kung maaalala, una nang kinumpirma ng Land Transportation Office ang pagkakakilanlan ng biktima na si Mercedita Gutierrez na nagsisilbing pinuno ng Registration Section ng LTO Central Office.

 

 

Matatandaan din na batay sa ulat ng Quezon City Police District isang hindi pa nakikilalang Gunman na sakay ng motorsiklo ang pinagbabaril ang sasakyan ni Gutierrez sa bahagi ng K-H Street sa may Kamias Road, Brgy. Pinayahan, Quezon City.

 

 

Agad na dinala ang biktima sa pagamutan ngunit kalauna’y hindi na nakaligtas pa nang dahil sa tindi ng kaniyang mga tinamong pinsala.

 

 

Ang insidente na ito ay mariing kinondena ni LTO chief Assistant Sec. Atty. Vigor Mendoza II kasabay ng pagtiyak na mahigpit silang makikipag-ugnayan sa Philippine National Police para sa pagkamit ng hustisya para sa mga naulilang pamilya at mga mahal sa buhay ng biktima.

PBBM, muling itinalaga si Cacdac bilang DMW ad interim Secretary

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers (DMW).

 

 

Ang reappointment ni Cacdac, makikita sa listahan ng presidential appointees na ipinalabas ng Malakanyang ay patunay na patuloy na ‘nagtitiwala at kumpiyansa’ ang Pangulo kay Cacdac.

 

 

Ipinagpaliban naman ng CA ang kumpirmasyon ni Cacdac dahil ang Second Regular Session ng 19th Congress ay nag- adjourn na.

 

 

Bago pa ito, itinalaga na ng Pangulo si Cacdac bilang ad interim Secretary ng DMW nito lamang Abril ng taong kasalukuyan, 7 buwan matapos na italaga siya bilang officer-in-charge ng departmento noong Setyembre 2023. Itinalaga siya bilang DMW officer-in-charge makaraang pumanaw si dating Secretary Susan “Toots” Ople noong Agosto ng nakaraang taon.

 

 

Samantala, si Cacdac ay nagsilbi bilang Undersecretary ng DMW; Executive Director V ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA); Executive Director V ng Philippine Employment Administration (POEA); at Undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

Nagsilbi rin siya bilang Deputy Executive Director V ng POEA; Executive Director IV ng National Conciliation Mediation Board-DOLE; Director IV ng Bureau of Labor Relations-DOLE; at Associate Lawyer and Urban Poor Unit Coordinator ng Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (SALIGAN) sa pribadong sektor. (Daris Jose)

2 kelot na wanted sa kaso ng pagpatay, timbog sa Caloocan

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG lalaki na kapwa wanted sa kaso ng pagpatay ang nakalawit ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan City.

 

 

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Marvin Villanueva na naispatan sa Brgy. 8 ang presensya ng akusadong si alyas “Boy Tigbak” na kabilang sa mga most wanted person ng lungsod.

 

 

Katuwang ang mga tauhan ng NPD-DID, MDIT-RIU-NCR, 34th SAC, at 3rd SAB SAF, agad nagsagawa ng joint manhunt operation ang DSOU na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas- 3:00 ng Lunes ng hapon sa Dagat-Dagatan Ave. Brgy. 8.

 

 

Ani Major Villanueva, ang akusado ay pinosasan ng kanyang mga tauhan sa bisa warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng Regional Trial Court Branch 129, Caloocan City noong April 18, 2024, para sa kasong Murder.

 

 

Nauna rito, alas-10:15 ng Sabado ng gabi nang masakote naman ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang 44-anyos na lalaki na kabilang din sa mga most wanted person ng lungsod sa manhunt operation sa Villa Campo Gemini St., Barangay 165.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, inaresto ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 8 ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu din ni Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng RTC, Branch 129, Caloocan City na may petsa ring April 18, 2024, para din sa kasong Murder.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Caloocan police at DSOU sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang akusado. (Richard Mesa)