Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
KAHIT na naging busy sa kanilang showbiz careers, naging matiyaga sa kanilang pag-aaral ang mga Kapuso stars na sina Lianne Valentin at Shaira Diaz.
Kaya naman natapos nila ang kanilang kurso sa kolehiyo at certified graduates na sila.
Sa kanyang Instagram, nag-share si Lianne ng ilang clip at mga photos mula sa kanyang graduation ceremony.
“She a degree holder now. After 4 years, I can finally declare myself a student no more!! Thank you for everything parentals. love you both,” caption ni Lianne na nagtapos ng business administration course major in Human Resources Management mula sa ISHRM System School.
Si Shaira naman ay pinost sa Instagram Stories na suot ang formal suit at pants para sa kanyang graduation.
“This is finally happening,” caption ng Morning Sunshine Girl ng ‘Unang Hirit’ na nagtapos ng marketing and management sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.
***
NAGKASAMA ang ex-showbiz couple na sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa moving up ceremony ng kanilang anak na si Amarah.
Pinost ni Cristine sa social media ang ilang photos nila sa naturang ceremony. Natuwa ang netizens na nagawa ng dating mag-asawa na maging civil sa isa’t isa para sa ikaliligaya ng kanilang unica hija
Kinasal sina Cristine at Ali noong January 2016. Naghiwalay sila noong 2019.
Cristine is currently dating Marcos Gumabao. Tahimik naman sa kanyang personal na buhay ngayon si Ali.
***
NAGSANIB-PUWERSA ang SB19 at si Apl.de.Ap para sa isang awitin na pinamagatang “Ready.”
Ang “Ready,” ay produced ni Keith Harris, na matagal nang nakakatrabaho ng Black Eyed Peas, na grupo ni Apl.de.Ap.
Nag-ambag din sa paggawa ng awitin sina Pablo at Josue ng SB19.
“We never got the chance to record together in a single booth, but Apl.de.Ap was such a great guy to work with. It’s an honor to collaborate with a global superstar of his caliber. We’ve learned so much from his generosity and creative feedback,” pahayag ni Justin.
Excited din ang isa pang miyembro ng SB19 na si Stell sa collaboration nila kay Apl.de.Ap.
“It was something new for the group. We appreciate the chance to delve into new genres and production styles that come with unfamiliar territory.
“But with Apl.de.Ap at the helm of the creative process, we’re just blessed to take on this assignment. It’s not every day that you get to work with an artist you look up to.”
(RUEL J. MENDOZA)
Venom: The Last Dance trailer sets up Tom Hardy’s final Marvel chapter, leaving the franchise’s future uncertain after 2024.
Directed by Kelly Marcel, the trilogy finale arrives on October 25, wrapping up Sony’s symbiote trilogy starring Hardy.
Sony Pictures teases upcoming releases in the Spider-Verse with Venom: The Last Dance and Kraven the Hunter scheduled for 2024.
Sony Pictures releases the first Venom: The Last Dance trailer, setting up the final Marvel chapter for Tom Hardy’s anti-hero. While the future of Sony’s Spider-Man Universe is unclear after 2024, the clock is ticking for the character who began this franchise. After getting Sony’s Spider-Man Universe up and running, Hardy’s Venom: The Last Dance has been confirmed to be the final story for the iconic Marvel symbiote.
With only a couple of months left before Venom: The Last Dance’s release, Sony Pictures has finally released the first trailer for the trilogy finale on Twitter/X and YouTube. Directed by Kelly Marcel, who wrote the first two Venom movies, as well as the threequel, Venom: The Last Dance arrives on October 25. Check out the Venom: The Last Dance trailer below.
Sony also unveiled the first official Venom: The Last Dance synopsis, revealing more details on the plot for the film:
In Venom: The Last Dance, Tom Hardy returns as Venom, one of Marvel’s greatest and most complex characters, for the final film in the trilogy. Eddie and Venom are on the run. Hunted by both of their worlds and with the net closing in, the duo are forced into a devastating decision that will bring the curtains down on Venom and Eddie’s last dance.
As Venom: The Last Dance will be the final movie for Hardy, the finale is clearly leaning into Klyntar as the third and final obstacle for the titular character. The trailer introduces numerous symbiote having arrived on Earth, likely because they are trying to get the Venom symbiote back to their planet. However, this is where Chiwetel Ejiofor and Juno Temple – who is revealed to be playing a character named Dr. Payne – get in the way because they want to keep the existence of symbiotes a secret.
While it was clear from the start that Venom: The Last Dance would take place directly after the ending to Spider-Man: No Way Home, the sequel may have just messed with Tom Holland’s Spider-Man 4. The footage shows the piece of the symbiote being left behind on Earth-616 getting captured by Ejiofor’s character, meaning that there is no way for the black suit storyline to get explored in Spider-Man 4. Although it does seemingly confirm that whoever Ejiofor is playing in Venom: The Last Dance has found a way to travel between worlds.
A surprise addition to Venom: The Last Dance is the introduction of Rhys Ifans, who played Dr. Curt Connors, a.k.a. The Lizard, in The Amazing Spider-Man universe, as he can be seen briefly in the trailer. Whether or not he is playing a healed Curt or a completely new character remains to be seen, but this is definitely intriguing, especially after Spider-Man: No Way Home. With the first look for Venom: The Last Dance finally unveiled to the world, time will tell what else Sony Pictures will reveal about the film as it gets closer to its theatrical release this fall. (Source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO)
MORE than 8 million na ang followers ngayon ng kapamilya aktor na si Joshua Garcia sa kanyang TikTok account.
Hindi raw akalain ng aktor na ganun katindi ang magiging reaksiyon ng mga netizens sa kanyang uploaded video.
Matatandaang December 2021 nang unang mag-upload si Joshua ng kanyang dance video.
“Actually, no’ng sobrang fresh pa ng pag-upload ko ng video, sobrang gulat na gulat ako. Tapos tuwang-tuwa ako sa mga tao kapag pinapagawa nila sa mga boyfriend nila.
“Tawang-tawa ako kapag pinagtitripan nila ‘yung video ko,” banggit pa ni Joshua.
Sobrang bisi ngayon si Joshua sa mga ginagawa niyang proyekto Kasalukuyang ipinapapabas ang teaser ng pelikulang Un/Happy For You na kung saan bida sina Joshua at ang dating kasintahan na si Julia Barretto.
Ayon pa kay Joshua ay hindi raw nagdalawang-isip ang binata na tanggapin ang bagong pelikula.
Nang nalaman ko ‘yung project, sabi ko yes agad. Kasi ang tagal na rin kasi ng agwat ng panahon na nag-work kami before.
“Kasi mga teenager kami. Ngayon I can say nag-mature na rin kami. Lumaki na kami, literal. Exciting lang, nagkanya-kanya kaming journey parang ngayon magbabalikan kami sa pelikula,” dagdag pahayag pa rin ng sikat na aktor.
Bukod sa nabanggit na movie ay gagawin din ni Joshua ang “It’s Okay To Not Be Okay” kasama sina Anne Curtis at Carlo Aquino.
Nakatakdang ipalabas sa Netflix ang Philippine adaptation ng naturang Korean drama.
“Sa ngayon nagpo-focus muna ako sa role ko. Sana mabigyan ko ng justice ‘yung role ko.
“Kasi mas maikukwento namin ‘yung kabuuan ng istorya kasi mas mahaba ‘yung atin.
“Nag-prepare ako ngayon, nag-workout ako ngayon pero I think mas malaki ‘yung importansya na emotionally prepared kami.
“Kasi iba rin ‘yung ita-tackle naming istorya. Medyo sensitive kasi siya,” pagkukuwento pa ni Joshua.
***
PINAG-USAPAN kamakailan at nag trending ang kissing scenes nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa ‘What’s Wrong with Secretary Kim?’
Marami ang kinilig sa mga tagahanga ng tambalang Kim-Pau sa balikan ng dalawa sa nabanggit na serye.
“Grabe, gano’n sa Korea, ginagaya lang namin. Siyempre may taste of Pinoy, ‘yon ‘yung taste, charot!” natatawang banggit pa ni Kim sa ABS-CBN News.
İnamin pa rin ng aktres na nahirapan sila ni Paulo na gawin ang maseselang eksena.
“Mahirap siyempre, sobrang hirap. Parang ‘yon na yata ang pinaka-intense kong ginawa for my entire career.
“Pero as artista, one take na lang para isahan na lang,” giit ng dalaga.
Pagkukuwento pa rin ni Kim na talagang inalalayan siya ng aktor habang ginagawa ang halikan nilang eksena. Sabi pa rin ni Kim na ganun na lang ang ginawang pagpapaalam ni Paulo sa kanya ng aktor bago kunan ang kanilang eksena.
“Nagpaalam siya in so many ways. Dito ganito, may rehearsal naman kami. Hindi namin ni-rehearse (‘yung kissing), ‘yung choreography, placing ng kamay, para sa sining, as an artist,” lahad pa rin ng super sikat na si Kim Chiu.
(JIMI C. ESCALA)
UMARANGKADA na ang “Move Manila Car-Free Sunday” kung saan sa kabila ng walang tigil na buhos ng ulan ay dinagsa pa rin ng libu-libong indibidwal ang Roxas Boulevard nitong Linggo, Mayo 26.
Nabatid sa tagapagsalita ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na si Atty. Princess Abante, tinatayang aabot sa mahigit 3,000 ang nakiisa sa nasabing proyekto sa kabila ng walang tigil na pag-ulan na dulot ng bagyong Aghon.
Ang programang Move Manila Car-Free Sunday ay pinagtibay matapos pirmahan ni Mayor Honey ang Ordinance No. 9047 kung saan itatalaga ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula Padre Burgos Circle hanggang Quirino Avenue bilang “car free zone” tuwing araw ng Linggo.
Batay sa Ordinansa, ang mga Manileño at iba pa ay maaaring mag-ehersisyo mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga sa nasabing lugar sa pamamagitan ng paglalakad, jogging, pagtakbo, roller skating, at pagbibisikleta.
“Our car-free Sundays will be different from others like it because our venue is Roxas Boulevard, the most beautiful and historice boulevard in the country. We inspected Roxas Blvd to ensure the road will be safe for all,” ani Mayor Lacuna.
“The Move Manila program is designated to advance the city’s goal of becoming a liveable city where health lifestyles and environmental preservation are ingrained habits,” ayon pa kay Mayor Honey na isa ring medical doctor. (Leslie Alinsunurin)
HALOS P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.
Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhah ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Robes 1, Brgy. 175 dakong alas-10:57 ng gabi nang makita nila ang isang lalaki na may iniabot na isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa kanyang kausap.
Nang lapitan nila, tumakbo ang mga suspek kaya hinabol nila ang mga ito hanggang makorner si alyas ‘Ungas’ at nakuha sa kanya ang isang dalawang medium plastic sachets na naglalaman ng 20 grams ng hinihinalang shabu na may estimated value na P136,000 habang nakatakas ang nag-abot sa kanya ng droga.
Bandang alas-11:50 ng gabi nang maaresto naman ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 13 si alyas ‘Tobats’ sa Phase 7C, Kaagapay Road, Brgy. 176, Bagong Silang matapos makuhanan ng isang medium transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 4.5 grams ng hinihianalang shabu na may katumbas na halagang P30,600.00.
Sa Sawata St., Brgy. 35, natimbog naman ng mga tauhan ng Tuna Police Sub Station-1 na nagsasagawa ng anti-criminality operation ang dalawa pang drug suspects matapos makuhanan ng dalawang plastic sachets na naglalaman ng aabot 4.1 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P27,880.00.
Iisyuhan lang sana sila ng mga pulis ng Ordinance Violation Receipt dahil sa paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod na pagsisigarilyo sa pampublikong lugar subalit, tumakbo ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga arresting officers hanggang sa makorner at maaresto, alas-11:30 ng gabi.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangeorus Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
NAGLABAS ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island.
Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume.
Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake.
Dahil dito, nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan at sa paligid nito.
Pinapayuhan ang publiko na lumayo sa mga lugar na maaaring bagsakan ng abo mula sa pagsabog ng bulkan.
Ang Kanlaon, na kilala rin bilang bundok Kanlaon at bulkang Kanlaon, ay isang aktibong stratovolcano at ang pinakamataas na bundok sa isla ng Negros.
Gayundin ang pinakamataas na tuktok sa Visayas, na may taas na 2,465 metro above sea level.
Ang Mount Kanlaon ay ika-42 sa pinakamataas na peak ng isang isla sa mundo. (Daris Jose)
WALA ng buhay nang matagpuan ang isang palaboy na lalaki matapos umanong magbigti sa ilalim ng isang footbridge sa Caloocan City.
Inilarawan ng pulisya ang biktimang si alyas “Pogi”, ayon sa bansag sa kanya ng kanyang mga kapwa palaboy na nasa edad 40 hanggang 50, nakasuot ng pulang t-shirt, short pants at pulang tsinelas.
Sa ulat nina P/SSg. Nino Nazareno Paguiringan at P/SSg. Rodolfo King Bautista kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, alas-7:20 ng umaga nang makita ang nakabiting bangkay ng biktima sa ilalim ng footbridge sa kanto ng EDSA at A. De Jesust St. na may nakapulupot na kable sa kanyang leeg.
Unang sinisi umano ng ilang mga netizen ang sala-salabat na kable ng telcos sa lugar na posible umanong pumulupot sa leeg ng biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Gayunman, lumutang ang 68-anyos at 41-anyos na kasamahang palaboy ng biktima at nagpahayag sa pulisya na pagpatiwakal umano ang biktima na sanhi ng kamatayan nito kung kaya wala umanong kinalaman ang mga sala-salabat na kable o ang “spaghetti” wire sa kanyang pagkamatay.
Sa pahayag ng mga testigo sa pulisya, napansin na nila ang panginginig ng katawan ng biktima at hindi mapakali bunga ng depresyon bago matuklasan ang kanyang bangkay.
Patuloy namang hinahanap ng pulisya ang pinakamalapit na kaanak ng biktima para sa kanyang pagkakakilanlan. (Richard Mesa)
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Imelda Papin, tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Nanumpa sa kanyang tungkulin si Papin sa harap ni Pangulong Marcos, araw ng Martes, Hunyo 4.
Matatandaang, buwan ng Abril nang umugong ang balita na itatalagang chairperson ng PCSO si Papin.
“Umuugong po ang balita na ako po’y ilalagay sa PCSO. Pero, may nagsabi po kasi sa akin na, ‘Hintay-hintay ka lang!’” natatawa niyang pahayag.
“Kung ako po’y mailalagay sa PCSO, e, di salamat sa Diyos makakatulong ako lalo sa mga nangangailangan. Maghintay lang daw nang konti.”
Samantala, sinasabing malapit si Papin sa pamilya Marcos, kaya’t posible na maitalaga siya sa anumang posisyon sa gobyerno. (Daris Jose)
NAGLABAS ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island.
Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume.
Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake.
Dahil dito, nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan at sa paligid nito.
Pinapayuhan ang publiko na lumayo sa mga lugar na maaaring bagsakan ng abo mula sa pagsabog ng bulkan.
Ang Kanlaon, na kilala rin bilang bundok Kanlaon at bulkang Kanlaon, ay isang aktibong stratovolcano at ang pinakamataas na bundok sa isla ng Negros.
Gayundin ang pinakamataas na tuktok sa Visayas, na may taas na 2,465 metro above sea level.
Ang Mount Kanlaon ay ika-42 sa pinakamataas na peak ng isang isla sa mundo. (Daris Jose)