• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 8th, 2024

Exploring Riley’s Teenage Mind: Pixar’s “Inside Out 2” Tackles Anxiety and Joy

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DISNEY and Pixar’s highly anticipated sequel, “Inside Out 2,” is set to hit cinemas nationwide next week, on June 12. Picking up from the last scene of the beloved 2015 film “Inside Out,” the new installment delves into the vibrant and tumultuous world of Riley’s mind as she steps into her teenage years.

 

 

 

 

“Inside Out 2” begins with the ominous red button hinting at Riley turning 13, signaling the onset of the challenging and equally beautiful stage of puberty. The original film introduced viewers to the colorful characters representing Riley’s emotions: Joy, Sadness, Anger, Fear, and Disgust, as she navigated the significant changes that came with moving to a new city. It brought to light the complexity of emotions and the concept of ‘core memories,’ opening up meaningful conversations between kids and parents about feelings.

 

 

 

Now a teenager, Riley’s mind undergoes significant changes. In the Headquarters, a demolition crew arrives, preparing to make room for new Emotions, concepts, and locations. The trailer hints at the excitement and chaos this transformation will bring. What new experiences and lessons await Riley? What fresh concepts will she discover?

 

 

 

Every demolition marks the beginning of new construction, much like Riley’s ‘Belief System.’ This sacred space, interwoven with strings connected to Riley’s memories, plays a crucial role in decision-making and navigating the world. As old beliefs crumble to make way for new ones, Riley’s Emotions will clash, reshaping her ‘Belief System’ and influencing her future choices.

 

 

 

 

Alongside this, Riley’s ‘Sense of Self’ will be introduced, symbolizing the essence of her true inner self. This core aspect of identity is central to understanding the person Riley is becoming.

 

 

 

Capturing the essence of teenage chaos, Riley’s mind features the ‘Back of the Mind,’ a place where non-urgent thoughts are stored for later consideration, and ‘The Vault,’ a secure repository for all her secrets. These elements add depth and realism to the portrayal of Riley’s mental landscape, reflecting the complexities teenagers face.

 

 

 

 

“Inside Out 2” promises to be a chaotically fun and refreshing film that viewers of all ages can enjoy and relate to. As Riley navigates her expanding world and the intricate dynamics of her Emotions, audiences are invited to join her on this exciting journey.

 

 

 

 

So, gather your barkada or family for a cinematic experience filled with laughter and the creation of new core memories. “Inside Out 2” premieres in cinemas nationwide on June 12!

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Hindi lang gawa ng European designers: HEART, binitbit ang local bag sa pagrampa sa Paris

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI lang mga European designer bags ang bitbit ni Global fashion icon Heart Evangelista sa kanyang pagrampa sa Paris, kundi pati na ang gawa ng local bag designers ng Pilipinas.

 

 

 

Sa isang rampa ni Heart, bitbit nito ang isang bag na gawa ng isang student named Reese Collins Latonio, a BS Clothing Technology student from University of the Philippines – Diliman.

 

 

 

Pinost ni Heart sa kanyang Instagram ang cream shoulder bag in the shape of a giant bow.

 

 

 

“A bag full of LOVE,” caption ni Heart kunsaan naka-tag sa Instagram account ni Reese.

 

 

 

May shoutout din si Heart sa clothing technology students ng UP Diliman: “Shout out to all the UPD bs clothing tech students. I brought all your gifts with me to Paris.”

 

 

 

Last March ay nagbigay ng talk si Heart sa UP Diliman tungkol sa retail merchandising, the fashion industry, and clothing design with Filipino designer Michael Leyva.

 

 

 

***

 

 

 

PROUD ang mga Sparkle teen stars na sina Marco Masa at Bryce Eusebio dahil sa pagtatapos nila ng kanilang junior at senior high school sa taong ito.

 

 

 

Nakumpleto na ni Marco ang kanyang junior high school at nakuha pa niya ang Athletic and Amazing Attitude Award. Nagawa niya ito habang naging busy siya sa taping ng ‘Black Rider.’

 

 

 

“After vacation, balik ng school, back to work na ulit, back to balancing work and school,” sey ng former child actor na nasa senior high school na sa pasukan.

 

 

 

Si Bryce naman ay natapos na ang senior high school mula sa kanyang alma mater. Nabigyan din ng Special Citation in the Performing Arts si Bryce.

 

 

 

“That every child finds joy and love for learning. My home for 14 years. Thank you so much, my Inocencio Family. I love you all… @inocencioschoolpasig,” caption pa niya.

 

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, pamangkin si Bryce ng Kapamilya actor-TV host na si Robi Domingo. First cousin ni Robi ang mother ni Bryce na si Gina Eusebio.

 

 

 

***

 

 

 

KINASAL na ang ‘Stranger Things’ star na si Millie Bobby Brown sa kanyang fiance na si Jake Bongiovi.

 

 

 

Part ng kanilang honeymoon ay ang pagpunta sa Universal Studios Orlando kunsaan suot ni MIllie ang denim shorts with the word “wifey” sa backside at white hat with the words “Wife of the Party.”

 

 

 

Kinasal sila Millie at Jake sa isang secret ceremony.

 

 

 

Sey ng ama ni Jake na si rockstar Jon Bon Jovi: “Millie and Jake quietly said their vows in America last weekend. They’re great, they’re absolutely fantastic. It was a very small family wedding and the bride looked gorgeous, and Jake is happy as can be and, yeah, it’s true.”

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Maraming natutunan at nami-miss na ang pamilya: JOAO, ‘di napigilang umiyak nang mapag-usapan ang ‘Father’s Day’

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI napigilang umiyak ni Joao Constancia nang matanong ang cast ng “Padyak Princess” tungkol sa mga life lessons na natutunan sa kanilang tatay, dahil sa selebrasyon ng Father’s Day sa June 16.

 

 

 

Naging emosyonal nga si Joao na isa sa leading man ni Miles Ocampo sa morning series ng TV5 at APT Entertainment.

 

 

 

Hindi pa man turn ni Joao ang sumagot ay napaiyak na agad siya, at tuluy-tuloy na hanggang sa pagsagot niya.

 

 

 

Ayon sa singer-actor, “Ako lang po kasi mag-isa dito. My whole family is in Macau. When it comes to family talaga, it’s something special and close to me.

 

 

 

“Cause right now, being here by myself in the Philippines, na teaches me how important is talaga to be with your family talaga.”

 

 

 

Pagmamalaki pa ni Joao sa kanyang ama…“When it comes to my father, he is the most giving person in my whole life.

 

 

 

“He’s been supportive with all of my dreams and stuff. The most important lesson that I learned from my Dad is to be greatful of the simple things in life.

 

 

 

“Cause you know, we’re not here every day, we don’t know when we will disappear from earth but just be grateful with everything talaga sa buhay mo. It could be just your friends, family, you know,” dagdag pa ni Joao ‘di pa rin tumitigil sa pag-iyak.

 

 

 

Huling mensahe sa mga magulang, “Mom, dad, I miss you guys.”

 

 

 

Anyway, grabe naman ang pasalamat ni Joao sa TV5 at APT Entertainment dahil isa siya sa mga napiling ka-partner ni Miles bukod kay Jameson Blake sa “Padyak Princess”, na huli siyang napanood sa “Can’t Buy Me Love”.

 

 

 

“Super-blessed because again, I’m one of the leading men dito sa show namin, and coming from all my other past projects, this is…honestly, hindi pa nagsi-sink-in sa akin masyado na ‘wow, Joao, kasama ka na dito sa ‘Padyak Princess,’ bida ka na dito,’” pahayag pa ni Joao.

 

 

 

Magsisimula na ang “Padyak Princess” ngayong Lunes, June 10, 11:15 a.m. bago mag-“Eat Bulaga” sa TV5. Kasama rin dito sina Ara Mina, Ces Quesada, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jem Manicad, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo at Miel Espinoza.

 

 

 

Mayroon ding same day catch-up episodes ang TV series sa BuKo channel at 7:30 p.m.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Nangako ang mga ‘anak’ na susuportahan: AI AI, ipo-produce ang next installment ng ‘Ang Tanging Ina’

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG ABS-CBN insider ang nakapagsabi sa amin na nakatakdang i-produce ni Ai Ai delas Alas ang pagbabalik ng pelikulang “Ang Tanging Ina”.

 

 

 

Kumbaga ang comedy concert queen daw mamuhunan para sa bagong installment ng pelikula na pumatok nang husto sa mga sinehan noon.

 

 

 

Kasalukuyang makikipag-usap daw si Ai Ai sa mga bosing ng Star Cinema.

 

 

 

Sa report naman ng ABS-CBN news last Thursday ay inamin na raw ni Ai Ai na siya ang magsisilbing co-producer.

 

 

 

“Ako ‘yong magpo-produce. Kumbaga, partnership with Star Cinema. Nagtanong din ako sa Star Cinema kung magkano magagastos sa ganito, sa ganyan,” lahad naman ni Ai Ai.

 

 

 

Ayon pa rin daw sa aktres na hindi lang daw siya ang interesado pati raw ang mga naging anak niya sa movie.

 

 

 

“Actually, kinakausap ko na ang ‘yong mga anak ko, go naman sila. ‘Yong mga ‘Tanging Ina’ na anak ko kasi may chat group kami,” pagmamalaki pa ni Ai Ai. Pagbabalita pa ng Ms. A na tuwang-tuwa raw ang mga anak niya nang ibalita sa mga Ito ang nakatakdang pagpo-produce ng “Ang Tanging Ina”.

 

 

 

“Sinabi ko sa kanila, ‘kapag ba ginawa natin ito, go kayo?’ Sabi nila: ‘Oo Mama, go kami diyan.’ Sabi ko, ‘O sige, try natin, hahanap ako ng producer tapos gawin natin.’”kuwento pa rin ni Ai Ai.

 

 

 

Ang tinutukoy niyang mga “anak” ay sina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio at Yuuki Kadooka.

 

 

 

Sana lang matutuloy ang planong ito ni Ms. Ai Ai delas Alas.

 

 

 

***

 

 

 

SPEAKING of paggawa ng movie, may mga suhestiyon ngayon na dapat pangunahan ng mga sikat nating mga artista ang paggawa ng pelikula.

 

 

 

Kumbaga, kung nais daw na bumalik ang sığla ng pelikulang Pilipino ay dapat ‘yung mga sikat na may box office appeal ang mangunguna sa pag-produce ng movie.

 

 

 

May Balita rin na bukod kay Ai Ai ay may balak ding gumawa ng pelikula ang Star for All Seasons bago tuluyang pumalaot muli sa mundo ng pulitika..

 

 

 

Mukhang decided na raw kasi si Ate Vi na tatakbong gobernador ng Batangas this coming 2025.

 

 

 

May suhestiyon pa rin ang netizens sa grupong tatag na AktorPH na sana raw unahing gawan ng paraan na bumalik sa panonood sa mga sinehan ang tao.

 

 

 

Ang nangyayari ay tuwing Metro Manila Film Festival lang kasi nanonood ang tao, paano naman ang mga pelikulang pinalalabas bago mag-Pasko?

 

 

 

Kumbaga, kahit may kalidad ay nangamote pa rin sa takilya, huh!

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Ads June 8, 2024

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit 100 kanseladong POGO, nananatiling nag-o-operate -PAOCC

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nananatiling nago-operate ang mahigit sa 100 kanseladong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

 

 

Sa Bagong Pilipinas Ngayon forum, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio na sinusubaybayan ng ahensiya ang 402 kanseladong POGO hubs.

 

 

“Sa listahan na binigay ni [Philippine Amusement and Gaming Corporation] noong nakaraang taon, meron silang 402 na di umano’y mga kanseladong mga POGOs,”ayon kay Casio.

 

 

“Sa aming pagmamanman doon sa 402 na iyon, marami pa ho halos 100 ang mga operational sa mga iyon,” aniya pa rin.

 

 

Ani Casio, sa ngayon, apat na POGO hubs ang naipasara ng PAOCC, sa tulong ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation.

 

 

Tinuran pa ni Casio na umabot pa ng limang linggo ang PAOCC para sa case buildup at dalawang buwan naman para sa operasyon laban lamang sa isang POGO hub.

 

 

“To be honest, at the rate we are going, hindi ho yata natin kayang tapusin ang problemang ito hangga’t hindi magkakaroon ng polisiya na mas malalim at mas malakas laban dito sa mga scam farms ng mga ito,” aniya pa rin.

 

 

At nang tanungin kung irerekomenda ng PAOCC kay Pangulong FerdinandMarcos Jr. ang “total ban” sa mga POGOs, sinabi ni Casio na bahala na si PAOCC chair, Executive Secretary Lucas Bersamin sa bagay na ito.

 

 

Winika ni Casio na palaging sumasangguni si Bersamin sa ibang Cabinet secretaries at law enforcement agencies. (Daris Jose)

Bodega na nag-display ng Chinese Flag; ipinasara ng Valenzuela LGU

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa pamamagitan ng pagrekomenda ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang agarang pagpapasara at pag-iimbestiga sa bodega sa Barangay Bignay na nag-display ng banyagang bandila dahil sa ilang mga paglabag ng kumpanya.

 

 

 

Sa kanilang inspeksyon at pagsisiyasat, natuklasan ng BPLO na ang STR Power Equipment Corporation – isa sa tatlong kumpanyang umuupa ng ari-arian sa compound ng bodega – ay tumatakbo nang walang necessary Mayor’s/Business Permit na kinakailangan upang gumana bilang isang bodega. Dahil sa mga paglabag na ito, naglabas ng agarang closure order sa STR Power Equipment Corporation, sa pamamagitan ng Executive Order 2024-073, Series of 2024.

 

 

 

Nagsimula ang inspeksyon ng BPLO sa naturang bodega dahil sa pag-display nito ng isang banyagang bandila sa paligid, na isang paglabag sa Seksyon 34 (h) ng Republic Act No. 8491, na kilala rin bilang Flag and Heraldic Code of the Pilipinas. Inaalam pa ng BPLO kung sino sa mga kumpanya sa compound ng bodega ang responsable sa pagtataas ng bandera ng ibang bansa.

 

 

 

Lumabas din sa imbestigasyon ang presensya ng mga dayuhang empleyado sa dalawa pang kumpanyang nag-ooperate sa lugar at inaalam pa ng BPLO kung ang mga empleyadong ito ay nagtataglay ng mga kinakailangang working visa.

 

 

 

Binibigyang-diin ng pamahalaang lungsod ang pangako nitong itaguyod ang pagkamakabayan ng mga Pilipino at pagsunod sa mga pambansang batas, at pinapaalalahanan ang lahat ng mga negosyo at residente hinggil sa pagbabawal sa pagpapakita ng mga banyagang watawat sa mga pampublikong espasyo, maliban kung sa loob ng mga embahada, mga diplomatikong establisyimento, at mga tanggapan ng mga internasyonal na organisasyon, ayon sa ipinag-uutos. sa pamamagitan ng Republic Act No. 8491.

 

 

 

Dahil kasabay nito ang pagdiriwang ng National Flag Day, muling pinagtibay ng Lungsod ng Valenzuela ang kanyang dedikasyon na mapanatili ang katanyagan at paggalang sa Pambansang Watawat ng Pilipinas, gayundin ang pangako nitong tiyakin na ang lahat ng aksyon sa loob ng ating nasasakupan ay sumasalamin sa mga halaga ng pambansang pagkakaisa at paggalang sa mga simbolo ng ating bansa. (Richard Mesa)

PBBM, personal na iniabot ang mahigit sa P30-M financial aid sa mga magsasaka

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P30 million na financial assistance sa libo-libong pamilya ng mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental.

 

 

Sa katunayan, personal na iniabot ni Pangulong Marcos ang P10 million, bawat isa, kina Davao del Norte Acting Governor De Carlo Uy, Davao de Oro Gov. Dorothy Gonzaga, at Davao Oriental Gov. Niño Sotero Uy Jr.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Tagum City, tiniyak ng Chief Executive sa mga magsasaka at mangingisda na determinado ang administrasyon na ipagpatuloy ang nasimulan nito.

 

 

Siniguro ng Pangulo sa mga ito na makikinabang sila sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.

 

 

“Tunay nga pong malaki na ang pinagbago ng Tagum mula noong huli kong pagbisita dito noong panahon ng kampanya. Naging memorable po sa akin ang Unity Caravan na iyon sapagka’t napakainit po ang binigay ninyong salubong para sa akin,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Kasing-init at kasing-sigasig ng ating kasalukuyang administrasyon sa pagsisikap na ipagpatuloy ang nasimulan at tiyaking makikinabang ang mga mamamayan sa ating mga programa at proyekto,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Base aniya sa pinakahuling datos na kanilang nakita na mahigit isang libong pamilya sa labing anim na barangay sa Davao Region ang lubhang naapektuhan ng El Niño at ang tagtuyot na dala ng El Nino.

 

 

” Limampung milyong pisong halaga ng pagkalugi ang naranasan ng ating mga magsasaka at mangingisda,” aniya pa rin.

 

 

“Kaya po ay hindi po namin kayo pababayaan. Kayo po ang sandigan ng ating bayan sa pag-unlad kung kaya’t hindi kami titigil sa pag-agapay sa inyong lahat,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Samantala, kabilang sa mga ipinamahaging tulong ay ang P10 million financial aid; mga makinarya kabilang dito ang units ng “rice combine harvesters, floating tillers, walk behind transplanters, at 4-wheel tractors; at bigas mula kay Speaker Martin Romualdez.

 

 

Binisita ni Pangulong Marcos ang rehiyon ng Davao para pangunahan ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng El Niño at muling pagtibayin ang commitment ng national government , makipag-tulungan sa LGUs bilang paghahanda sa nagbabadya namang La Niña phenomenon.  (Daris Jose)

2.04 milyong Pinoy, tambay noong Abril — PSA

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Abril ngayong taon.

 

 

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 2.04 milyon ang mga Pinoy na 15-anyos pataas ang walang trabaho na mas mataas kumpara sa 2 milyon na naitala noong Marso.

 

 

Sabi ni Mapa, ang pagdami ng jobless Pinoy ay epekto ng El Niño phenomenon kung saan tinamaan ng husto ang sektor ng Agrikultura.

 

 

Mas mababa naman ang year-on-year unemployed noong Abril kumpara sa 2.26 milyong jobless na naitala noong Abril 2023.

 

 

Bumaba rin ang bilang ng employed individuals noong Abril nang makapagtala ng 48.36 milyong employed kumpara sa 49.15 milyong employed noong Marso.

 

 

Tumaas naman ang underemployed o ang mga naghahanap ng dagdag na trabaho. Mula 5.39 milyon noong Marso, tumaas ito sa 7.04 milyon noong Abril.

 

 

Sinabi naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng middle-skilled occupations na umabot sa 1.3 milyon at full-time employment na nasa 6.1 milyon.

PBBM, pinag-aaralan ang paglikha ng internal PNP legal office

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS na ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang pag-aaral para sa posibleng paglikha ng legal department sa loob ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbi bilang ”defense council” ng kahit na anumang at sinumang police officer.

 

 

Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga pulis laban sa harassment at “flimsy accusations.”

 

 

“We’ll create an office, the legal office within the PNP who will be the defense council of any policeman who is charged with whatever complaint, crime. Mayroon at mayroon silang tatakbuhan kaagad na abogado just to give them advice and it will be internal,” ayon kay Marcos sa isinagawang second command conference ng PNP sa Camp Crame.

 

 

Winika pa ng Pangulo na ang mga pulis ay hindi na hihingan pa ng bayad para sa serbisyo ng nasabing legal office.

 

 

“Pag-aralan natin nang mabuti because ginagawang weapon, wine-weaponize ‘yung kaso. So, kapag nahuli ‘yung kriminal, huling-huli na, pero magaling abogado tapos walang kalaban-laban naman ‘yung ating pulis,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na ang paglikha sa legal department ay magbibigay proteksyon sa PNP mula sa impluwensiya ng grupo na nang ha-harass sa police force.

 

 

“They can afford a lawyer so for one week tapos, tapos na. So we have to provide that kind of protection para naman ‘yung mga pulis natin, malakas ang loob na gawin ‘yung trabaho nila. Kahit tama ‘yung ginagawa nila, hinaharass sila,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

“Kakasuhan sila ng kung ano-ano, some of them are powerful figures. So, siyempre, marami silang capability, maraming resources, maraming pera. Marami silang access sa mga sikat na abogado, kailangan mayroon din tayong pang depensa. Yes, we have to protect our people,” ayon sa Chief Executive. (Daris Jose)