Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NAGPALABAS ng paglilinaw ang Department of Budget and Management (DBM) matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng Results-Based Performance Management System (RBPMS) at Performance-Based Incentive (PBI) System.
Upang bigyang-linaw ang concern na ito na nagmula sa pagpapalabas ng Executive Order No. 61, sinabi ng DBM na “release of the 2022 and 2023 performance-based incentives to qualified government workers in the government will proceed.”
Nakasaad kasi sa EO No. 61, suspendido ang implementasyon ng Administrative Order No. 25 (s. 2011) at EO No. 80 (s. 2012).
Itinatag naman ng AO No. 25 ang “unified at integrated” RBPMS sa lahat ng departmento at ahensiya sa loob ng ehekutibong sangay ng gobyerno.
“EO 80 adopted the PBI System —which consisted of a Productivity Enhancement Incentive (PEI) and the Performance-Based Bonus (PBB) aimed at motivating higher performance, greater accountability in the public sector, and ensuring the accomplishment of government commitments and targets,” ayon sa DBM.
Sinabi pa ng DBM na hangad ng EO No. 60 na rebisahing mabuti ang RBPM at PBI systems ng gobyerno “in order to harmonize, streamline and make the process of releasing personnel incentives more efficient and timely.”
Sa kanyang pinakabagong EO, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang masusing pag-aaral sa RPB at PBI systems dahil pinaniniwalaang may “duplicative” at “redundant” sa internal at external performance audit at evaluation systems ng government.”
Ang dalawang sistema ay kulang sa review mechanism “leading to the accumulation of rules, regulations, and issuances from the Inter-Agency Task Force (IATF) on the Harmonization of National Government Performance Monitoring, Information, and Reporting Systems.”
“Under the EO, possible refinements may be made for the more efficient and streamlined release of the 2023 PBB,” ayon sa DBM.
Idinagdag pa ng Budget Department na ang budget allocation para sa 2024 PEI ay naipalabas na sa mga ahensiya at dapat lamang na magpatuloy
“Meanwhile, the Fiscal Year 2025 PEI shall also be included in the National Expenditure Program,” ayon sa DBM.
Sinabi pa ng DBM na hangad ni Pangulong Marcos na ireporma ang government performance evaluation process at incentives system tungo sa mas “responsive, efficient, agile, at competent bureaucracy sa pamamagitan ng pagpapalabas ng EO No. 60. (Daris Jose)
HINIKAYAT ni DFA Sec. Enrique Manalo ang mga mamamayan na panatilihin ang maalab na pagmamahal sa bansa, ngayong nahaharap tayo sa maraming mgaa hamon.
Ang mensahe ay kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa 126th Philippine Independence.
Ayon sa kalihim, mahalagang mapanatili ang ating pagtutok sa kalayaan, kinabukasan at kasaysayan na siyang tema ng ating taunang selebrasyon.
Hangad ng opisyal na magsilbing hamon sa lahat ang mga pagsubok upang magkakatuwang na itaguyod ang mas masigla at maunlad na bagong Pilipinas sa hinaharap na panahon.
Kinilala rin nito ang malaking papel ng mga manggagawang Pilipino mula sa iba’t ibang bansa, na bagama’t magkakalayo ay kaisa pa rin sa makabuluhang mithiin para sa lahat. (Daris Jose)
DUMALO sa tradisyunal na Vin D’Honneur si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa tuwing ipinagdiriwang ng bansa ang araw ng kalayaan, isinasagawa ang pagtitipon kung saan dumadalo dito ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang diplomatic corps community.
Makikitang nagkaroon ng maikling pag-uusap sina Ambassador Huang Xi Lian at Pang. Ferdinand Marcos Jr., ng magka daupang palad ang mga ito.
Sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea kasunod ng mga ginagawang pambu bully ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas, nagpakita pa rin ang Chinese envoy sa Malakanyang.
Una ng binigyang-diin ng Pangulong Marcos na kahit isang pulgada sa teritoryo ng bansa ay hindi nito isusuko.
Ngayong araw ng Kalayaan, pinuri naman ng Pangulo ang Armed Forces of the Philippines sa katatagan nilang protektahan ang teritoryo at soberenya ng bansa.
Sa nasabing aktibidad, nakitang nagka-usap din sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Ambassador Huang Xi LIan. (Daris Jose)
Aabot sa 126 persons deprived of liberty ang pinalaya ng Bureau of Corrections kasabay ng paggunita sa ika – 126th na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.
Ayon sa ahensya, mula ng umupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, umabot sa na sa kabuuang 14,324 PDLs ang nakalaya sa mga piitan sa bansa.
Batay sa datos, 61 PDLs mula sa 126 na pinalaya ngayong araw ay mula sa maximum security camp, medium security camp at reception and diagnostic center sa NBP lungsod ng Muntinlupa.
Nagmula naman ang 22 PDLs sa Davao Prison and Penal Farm in Davao del Norte, 16 sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, 10 PDLs ay pinalaya mula sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City,8 mula sa Leyte Regional Prison sa Abuyog at Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Isang bilanggo naman ang pinalaya mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan ngayong araw.
Sa isang pahayag sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na karamihan sa mga inmate na pinalaya ngayong araw ay matapos na maabot ang kanilang maximum na sintensya, napawalang sala, nabigyan ng parole , nabigyan ng probation at nabigyan ng conditional pardon.
Aniya, bahagi pa rin ito ng hakbang ng gobyerno para ma decongest ang mga piitan sa bansa.
Hinikayat rin nito ang mga pinalayang PDLs na ipagpatuloy ang pagbabagong buhay sa kanilang pagbalik sa komunidad.
Mas mainam rin aniya na huwag sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila upang makalaya at makapiling ang kanilang mga pamilya ta mahal sa buhay. (Daris Jose)
KINILALA at binigyang-pugay ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na ang mga Pilipinong patuloy na lumalaban ng patas sa pang araw-araw na buhay.
Sinabi ng Presidente na ang tunay na diwa ng kalayaan ay makikita sa bawat Pilipinong matapang na lumalaban araw-araw.
Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng pagdiriwang ng ika 1 Daan at 26 na taong anibersaryo ng Independence day.
Sinabi ng Pangulo na mula sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mga karaniwang Pilipino na masipag, matapang at malakas na humaharap sa mga hamon araw- araw ay Dito siya nakakakuha ng inspirasyon.
Kasama rin sa kinilala ng Pangulo sa kanyang inilabas na mensahe ang katatagan ng mga kawal na Pilipino na aniyay patuloy na nagbibigay proteksiyon sa bawat pulgada ng ating teritoryo.
Taglay aniya ng mga ito ang matatag na paniniwalang ang mga Pilipino ay hindi kailanman magpapasakop sa pang-aapi ayon sa Pangulo.
Kasama rin sa binigyang pugay ng Pangulo ang mga magsasaka at mangingisda na siyang nagbibigay ng pagkain sa mga Pilipino gayundin ang dedikasyon ng mga guro na siya aniyang nagpapanday sa isipan ng mga susunod na kabataang pag-asa ng bayan. (Daris Jose)