Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
SINABIHAN ng Tsina ang Pilipinas na “face the consequences of its own actions” matapos humirit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbayarin ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17.
Para kay Mao Ning, spokesperson para sa China’s Foreign Ministry na ang aksyon ng Tsina laban sa Pilipinas ay makatuwiran dahil ipinagtatanggol lamang nito ang sinasabing kanilang soberanya sa katubigan.
“The Philippine vessels were carrying out an illegal resupply mission which violated China’s territorial waters and staging a provocation when stopped by China Coast Guard, who acted lawfully and rightfully to defend China’s sovereignty,” ayon kay Mao.
Sa ulat, noong Hunyo 17 ay nagkaroon ng banggaan ang Philippine Navy at CCG matapos harangin ng huli ang resupply mission ng puwersa ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sinira ng CCG ang dalawang motorboats gayundin ang mga personal na gamit ng ilang Navy officers bukod pa sa pagkuha ng baril ng mga ito.
Pinapasoli rin ng AFP ang pitong baril na kinumpiska ng CCG.
Ayon kay Brawner, dapat lang pagbayarin ang China sa danyos at abala na kanilang ginawa sa mga Navy officers.
Subalit, muling sinabi ni Mao na ang Philippine troops na nagsasagawa ng resupply mission sa grounded BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal ang nagpilit na pumasok sa katubigan ng Tsina, ang claim nito na matagal nang pinawawalang-bisa ng international law at 2016 Arbitral Award.
“China Coast Guard responded with law enforcement measures that are fully legitimate, justified and lawful,” ayon kay Mao.
“We urge the Philippines to stop the infringement activities and provocations, and return to the right track of properly handling differences through dialogue and consultation,” diing pahayag nito. (Daris Jose)
SINABI ni incoming Education Secretary Juan Edgardo Angara na kabilang sa kanyang prayoridad ay ang ayusin ang benepisyo ng mga guro at nangakong itutulak na bigyan ng umento ng sahod ng mga ito.
Tututukan din ni Angara na gawing simple ang curriculum at ayusin ang kalidad ng teaching at working conditions ng mga guro.
“I’m confident that under the Marcos administration, there will be an increase in our teachers’ salaries … I’m just not sure if [it will be] this year or next year, but there will be an increase,” ang sinabi ni Angara.
Matatandaang, noong buwan ng Pebrero, pormal nang inihain ng mga kinatawan ng progresibong Makabayan bloc ang panukalang itaas ang minimum na sweldo ng mga pampublikong guro patungo sa P50,000.
Ito ang ibinalita ng ACT Teachers party-list ngayong Martes sa paghahain ng House Bill 9920, o “Increasing the Minimum Salaries of Public School Teachers to P50,000 and Appropriating Funds Therefor.”
“Layunin ng panukalang batas na ito na taasan ang minimum wage ng mga guro, na matagal nang napag-iwanan at hindi na nakasasapat,” wika ng ACT Teachers party-list sa isang paskil sa X (dating Twitter).
Maliban sa ACT Teachers party-list, kabilang sa mga naghain ng panukala ang mga kinatawan ng Kabataan party-list at Gabriela Women’s Party.
Samantala, sinabi ni Angara na masusi niyang pag-aaralan ang panukala sa pakikipag-ugnayan sa ibang ahensiya gaya ng Department of Finance at Department of Budget and Management.
“We are one hundred percent in support of all these increases for teachers because we know that the quality of education is affected when the teachers are really inspired. And we also get to attract the best and the brightest,” ayon pa rin kay Angara.
Winika ni Angara na itinutulak niya ang umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno lalo na “when I was part of the Senate committee on finance.” (Daris Jose)
Whether it’s a catchy upbeat tune like “Happy” or a positively mellow song like “Just A Cloud Away,” the “Despicable Me” franchise has produced some of the most beloved music for animated films.
The musical themes for the different characters are just as memorable because, in the world of “Despicable Me 4,” the music plays a vital role in interweaving the narrative with equal parts mischief and heart.
Grammy Award-winning composer Heitor Pereira, the creative force behind the “Despicable Me” films’ iconic musical scores, adopts a character-centric approach to his compositions. “Believe it or not, I wait until every new character sings their melodies to me,” Pereira says. “I hear their music through the tones of their voices, the rhythm of their dialogue, their extreme personalities, and how they interact with all the other characters in the story. When you write for one character, you have to think about all the others – it is how this melody can coexist and interact with the melodies of everybody else. Animation can be very intricate. My job is still to make it sound like the music was born along with it!”
Pereira’s collaboration with Grammy Award-winner and Oscar® nominee Pharrell Williams has been instrumental in shaping the musical identity of the franchise. Williams’s original songs, including “Despicable Me,” “Happy,” and “Just A Cloud Away,” among many others, have become emblematic of the “Despicable Me” brand.
“In the first movie, we worked very closely together,” Pereira recalls. “Hans Zimmer introduced me to him and asked me if I would do an arrangement of the girls’ theme. I put my heart into it, showed it to them the next morning, and I got a gig and a new musical friend! He came to my studio many, many times, and we had a lot of fun. Since then, he writes his great songs, and I write the score. Even though I write the new themes for the new characters, Pharrell’s original themes are still there – as I pointed out, the girls’ theme, or Gru’s theme, which we ended up collaborating on, and I wrote the Minions’ theme. But, like him, I come from pop music, so my love for songs never goes away. I just see the score as a massive song! In doing that, Pharrell is ever-present.”
“Despicable Me 4” will feature a new original song from Williams, which reflects the double life that Gru leads in the film. “Gru is trying to live in peace in American suburbia, yet has to uproot his family to go on the run from his new enemies,” Williams says. “His family starts to catch on despite his efforts to hide the danger. The song is about struggling with keeping his identity as a secret agent despite wanting to be honest with his family.”
Williams’s partnership with Illumination and Pereira has enriched the “Despicable Me” franchise’s musical landscape. “Our goal is to connect with humans, building on themes and situations that resonate with most people,” Williams says. “We try to do it vividly and harmoniously. I remain a student and learn so much from Heitor every time we collaborate. He is a genius composer, a creatively articulate guitar player, a shining Brazilian talent.”
In “Despicable Me 4,” Gru’s (Steve Carell) life is turned upside down with the arrival of his and Lucy’s (Kristen Wiig) new baby, expanding his role to a father of four and a dedicated AVL agent. While on a mission with the fan-favorite minions, Gru comes face to face with the villain Maxime Le Mal (Will Ferrell) and his femme fatale girlfriend Valentina (Sofia Vergara), and the family is forced to go on the run.
Packed with non-stop action and filled with Illumination’s signature subversive humor, “Despicable Me 4” is now showing in cinemas nationwide. #DespicableMe4PH
(ROHN ROMULO)
ISANG babae na nakatala bilang top 10 most wanted person ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas Ali, 24, at residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng akusado kaya agad siyang bumuo ng team para sa isilbi ang warrant of arrest laban kay ‘Ali’.
Kasama ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section, agad ikinasa nina Col. Cortes ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-4:30 ng hapon sa Leongson Street Corner Cabrera Street Barangay San Roque.
Ani Col. Cortes, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ronald Q. Torrijos ng Regional Trial Court Branch 288, Navotas City na may petsang June 27, 2024, para sa paglabag sa Section 11, Article of R.A. 9165. (Richard Mesa)
SINGLE si Jean Garcia at kuntento na raw siya na wala siyang inaalagaan at walang problema pagdating sa topic ng pag-ibig.
Mas importante raw sa aktres ang kanyang pagmamahal sa mga anak, sa dalawang apo at sa kanyang sarili.
“Hindi ko alam kung nakasanayan na lang or siguro mas tinanggap ko na lang. Kasi ayoko na ulit masaktan. Saka hindi na ako ‘yung sa hindi ako ready or I’ll find the right person.“Kung darating, darating. Pero kung hindi, it’s okay. I’m a better person, mas strong, mas mahal ang sarili,” sey ni Jean na tumatanggap ng maraming papuri sa role niya as Aurora Palacios sa ‘Widows’ War’ ng GMA Prime.
***
KABILANG ang mga komedyanteng sina Petite at Divine Tetay sa nagpapasalamat kay Vice Ganda dahil binalik nito muli ang saya ng comedy bar.
Noong magkaroon ng pandemic, nagsara ang mga comedy bars at nawalan ng kabuhayan ang maraming beki.
“Nagpapasalamat kami kasi parang bumabalik na siya ulit. Kasi nawalan po kami ng tahanan, Punchline and Laffline closed so until ‘yun nga pandemic happened. Now nagkakaroon na kami ng napupuwestuhan namin sa bagong bahay ng komedya ang Vice Comedy Club,” sey ni Tetay
Ang Vice Comedy Club na pagma-may-ari ni Vice Ganda ay magbibigay ng trabaho sa maraming beki na nahasa sa pag-host at pag-perform sa comedy bars gaya ni MC, isa sa tatlong Beks Battalion member at isa sa “It’s Showtime” co-host.
Sey ni Petite: “Kapag kasama ka niya, hindi puwedeng hindi ka mag-moment. Okay lang si MC na hindi mag-moment, basta ‘yong kasama niya mag-moment.”
Kasama rin sa listahan nina Tetay at Petite sa kanilang mga idolo ay sina Negi at Donita Nose.
***
TULOY na ang reunion movie nila Lindsay Lohan at Jamie Lee Curtis. Ito ay ang sequel sa kanilang 2003 comedy na ‘Freaky Friday.’
Pinost ng Walt Disney Studios via IG ang photo ni Logan at Curtis sa labas ng trailer na may caption na: “The Colemans are back and coming to theaters in 2025! The sequel to Freaky Friday is now in production!”
Nag-gross ng $160 million ang Freaky Friday 21 years ago. Babalik din sa sequel ang original cast na sina Mark Harmon, Chad Michael Murray, Christina Vidal Mitchell, Haley Hudson, Lucille Soong, Stephen Tobolowsky and Rosalind Chao.
Nagkaroon ng successful comeback si Lohan via Netflix’s romantic comedies Falling For Christmas and Irish Wish. Nagwagi naman ng Oscar award si Jamie for Everything, Everywhere All At Once in 2023.
(RUEL J. MENDOZA)
TULUYAN nang naghain ng reklamong plunder si dating Senator Antonio Trillanes IV sa DOJ laban kay dating President Rodrigo Duterte at Senator Bong Go kaninang hapon.
Ang reklamong ito ay may kinalaman sa mga proyekto ng nakalipas na administrasyon.
“All the elements of plunder are clearly present in this case. Mr. Bong Go, in conspiracy with Mr. Duterte, used his position, authority and influence to corner billions worth of government projects in favor of his father and brother, thus unduly enriching himself and the members of his immediate family. The evidence presented in the complaint is compelling and warrants a plunder charge.” –Ex-Sen. Antonio Trillanes IV
Kung maaalala, aabot sa P6.6 billion pesos na halaga ng government projects ang ini-award sa tatay at kapatid ni Bong Go sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Punto nang senador, lahat ng elemento ng plunder ay makikita sa kasong ito.
Sa ngayon, wala pang komento ang kampo ng dating pangulo at kampo ni Sen. Bong Go.
NGAYON Linggo, July 7 na ang Gabi ng Parangal ng ’The 7th EDDYS’ ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Gaganapin ito sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City, na muling ididirek ng aktor at award-winning filmmaker na si Eric Quizon.
Mapapanood naman ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 p.m..
Ang magsisilbing host ay ang Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang ‘Bakit Di Mo Sabihin?’) kasama sina Kapuso Millennial It Girl Gabbi Garcia at ang movie at TV actor na si Jake Ejercito.
Si Mr. Fu naman ang magiging host sa Red Carpet ng awards night.
Kasama sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa anim na Box-Office Heroes ng 2023, na kinabibilangan din ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, Julia Montes at Piolo Pascual.
Nominado rin Kathryn sa Best Actress category para sa ‘A Very Good Girl’ at makakalaban niya sina Charlie Dizon (Third World Romance); Julia Montes (Five Breakups And A Romance); Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).
Lalaban din si Alden sa pagka-Best Actor, nominado siya naman sa Five Breakups And A Romance at makakatunggali niya sina Elijah Canlas (Keys to the Heart); Dingdong Dantes (Rewind); Cedrick Juan (GomBurZa); Piolo Pascual (Mallari); Alden Richards ); Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us).
Matindi rin ang labanan limang de-kalibreng pelikula sa kategoryang Best Film, ito ay ang “About Us But Not About Us” (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films); “Firefly” (GMA Pictures, GMA Public Affairs); “GomBurZa” (Jesuit Communications, MQuest Ventures, CMB Film Services); “Iti Mapukpukaw” (Project 8, GMA News and Public Affairs, Terminal Six Post) at Mallari” (Mentorque Productions, Clever Minds Inc.).
Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Derick Cabrido (Mallari); Pepe Diokno (GomBurZa); Zig Dulay (Firefly); Jun Robles Lana (About Us But Not About Us); Carl Joseph Papa (Iti Mapukpukaw).
Para sa kategoryang Best Supporting Actress nominado sina Dolly de Leon (Keys to the Heart); Alessandra de Rossi (Firefly); Gloria Diaz (Mallari); Gladys Reyes (Apag); at Ruby Ruiz (Langitngit).
Sa Best Supporting Actor category maglalaban-laban sina Enchong Dee (GomBurZa); Keempee de Leon (Here Comes The Groom); Nanding Josef (Oras de Peligro); Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes); at JC Santos (Mallari).
Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night sa July 7, 2024. Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary bilang major sponsor.
Katuwang din ng grupo ngayong taon si DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Sen. Nancy Binay, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.
(ROHN ROMULO)
NATANONG nga si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa sinasabing namumuong relasyon sa pagitan ng kanyang anak-anakan na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Nakasama ni Sharon si Kathryn bilang anak niya sa 2018 movie na “Three Words to Forever,” at si Alden naman ay gumanap na anak niya sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Family of Two.”
Matagal na ngang usap-usapan na nagkakamabutihan na raw ang dalawang award-winning at Box-Office stars, na magbabalik-tambalan sa ‘Hello, Love, Again’.
Kaya ang sagot ni Mega sa tanong ni MJ Felipe sa ‘On Cue’ kung boto siya sa dalawa, “Ako, oo naman!”
“Kung saan sila maligaya, lalo kung sa isa’t isa, talaga namang…alam mo naman si mama, kung kailangan, magpagawa ako ng tarpaulin!”
Pero nahihiya naman daw siyang magtanong kay Alden kung sila na ba Kathryn?
“Ayokong magsabing oo, pero tawagan ko si Alden mamaya. Nahihiya kong magsabi ng ‘Anak, kayo na ba?’ Pero nag-message ako sa kaniya, sabi ko ‘Anak, kung totoo ‘yan napakasaya ko!” say pa ni Sharon.
Pahayag naman niya tungkol sa dalawa na pareho na nga niyang nakatrabaho at tinuring na anak-anakan, “She’s so deserving of everything she has received. Her stardom, her status, because she’s one of the best people I’ve ever met.
“And then Alden, the same. The very same words.
“So, I cannot contain my excitement! Pero nahihiya akong magtanong.”
Busy na ngayon sina Alden at Kathryn sa shooting ng reunion movie nila, na sequel ng blockbuster hit nilang “Hello, Love, Goodbye” mula pa rin sa direksyon ni Cathy Garcia, na ipalalabas sa November 13, 2024.
Sa pagbabalik-Kapamilya ni Sharon, muli siyang mapapanood sa bagong project ng Dreamscape Entertainment. Huli nga siyang napanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin, na almost two years ago.
Excited na si Sharon sa bago niyang serye dahil, “‘yung mga makakasama ko, ‘yung isa mahal na mahal ko, ‘di na kayo magugulat kapag nalaman ninyo.
“‘Yung iba mga first time ko makakasama, yung mga alam ko pa lang.
“Talagang patong-patong at sumasabog ang heart ko sa excitement at sa saya.”
(ROHN ROMULO)
ITINUTULAK ng gobyerno ang agarang implementasyon ng P100-million Jolo Airport Development Project sa Sulu.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang lahat ng aspeto ng
‘major infrastructure’ na ginagawa ay nakaayos na upang sa gayon ay makapagsimula na sa lalong madaling panahon.
“Kasabay ng pagbibigay namin ng ayuda ay ang magandang balita tungkol sa ating pagsusulong para sa Jolo Airport Development Project,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang distribusyon ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan.
“Kasalukuyan na po nating binabalangkas ang lahat ng kinakailangan para masimulan na ang proyektong ito at may nakahanda po tayong isandaang milyong piso na para pagsimulan nitong project na ito,” dagdag na wika nito.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa naturang okasyon, iniulat din ng Chief Executive na pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang maritime patrols sa pamamagitan ng Sulu Maritime Police Station para tugunan ang illegal fishing.
Tinawagan din nito ang Sulu local government na suportahan ang kampanya ng pamahalaan para sa kaligtasan ng mga mangingisda.
“Mga kababayan, maka-aasa kayong tutuparin namin ang aming pangakong matulungan kayong lahat, lalung-lalo na ang mga magsasaka, ang mga mangingisda, at ang [inyong mga] pamilya upang masabi naman natin na may pag-asang makamit ninyo ang mas maginhawang pamumuhay,” ayon sa Pangulo.
“Siguraduhin din ninyong [napangangalagaan nang] wasto ang ating kalikasan at huwag abusuhin ang paggamit ng ating mga [pinagkukunang-yaman],” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, kabilang naman sa Jolo airport project ang konstruksyon ng Passenger Terminal Building ng airport, perimeter fence, administration building, relocation/construction ng fire station building, ‘site acquisition’ para sa runway extension nito at pagwawasto sa runway strip width.
Nagpapatuloy naman ang pagpo-proseso sa Memorandum of Agreement kasama ang provincial government para sa project implementation ay nagpapatuloy.
“This developed as reports of illegal fishing activities such as the use of dynamite and cyanide are still rampant in Sulu waters. Many fishing vessels are also operating without necessary permits, ” ayon sa ulat.