• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 19th, 2024

Ads July 19, 2024

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

‘Family Fued’, hindi pa rin mapataob: DINGDONG, hindi basta-basta papatol sa patama ni WILLIE

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KILALANG hindi mapagpatol sa mga intriga ang Kapuso aktor Dingdong Dantes. 

 

 

 

Kung kaya inaasahang hindi sasagot si Dingdong sa mga pasaring ng TV host  Willie Revillame.

 

May mga binitiwan kasing mga patama si Willie kanyang programang ‘Wil to Win’ na obvious naman ay para sa katapat niya na ‘Family Feud’.

 

Kahit hindi niya binanggit ang title nito ay hindi naman maitagong ang programa at si Dingdong mismo ang pinatamaan niya.

 

Kung pagbabasehan ang latest survey ay hindi napataob ni Willie sa rating ang programa ni Dingdong.

 

Binanggit pa ni Willie na hindi binili sa ibang bansa ang kanyang programa. Hindi rin daw importante sa kanya ang rating.

 

May mga loyal fans at tagasubaybay ni Willie ang sumang-ayon siyempre sa kanya pero higit na mas marami raw naman ang nag komento ng positibo para naman kay Dingdong at sa show ng Kapuso.

 

Ayon sa Kapuso Primetime King at Box Office King tuloy-tuloy na uulan ng saya at babaha ng papremyo sa programa niyang dating slot na iniwan ni Willie nung nawala siya sa GMA.

 

***

 

SI Bossing Vic Sotto ang kinuhang endorser ng pinagkaguluhang online gaming ngayon na PlayTime.

 

Ayon pa sa mga namamahala ng nasabing online games ay wala raw silang maisip na pwedeng mag-endorso kundi ang isang Vic Sotto lang.

 

Kaya naman sa anim na buwan pa lang nilang operasyon ay nag-number two agad among sa mga online gaming ang PlayTime.

 

Sa totoo lang inamin din naman ni Bossing Vic Sotto na naglalaro din daw siya!

 

Sa kabila ng kanyang mga kaabalahan sa ‘Eat Bulaga!’ at paghahanda para sa 50th Metro Manila Film Festival entry na ‘The Kingdom’, with Piolo Pascual. ambassador pa siya ng isang online gaming platform.

 

Sa isang photo at video shoot nga kamakailan, sinamahan si Bossing Vic ng mga executive ng PlayTime para sa paghahanda upang ilantad na naglalaro siya ng online game.

 

Ayon pa kay Vic ay hindi raw ito masamang gawin basta ilagay lang sa tama at “share your blessings” pag nanalo.

 

Mas importante pa rin daw na maging responsible sa kahit anumang gawain, huh!

(JIMI C. ESCALA) 

LAUNCHING AND GENERAL ASSEMBLY OF KAIN TAYO, PILIPINAS!

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦: Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian introduces the agency’s different anti-hunger programs to the members of private sector organization, the Philippine Business for Social Progress (PBSP), during the group’s launch of their Kain Tayo Pilipinas (KTP) movement on Wednesday (July 17) in Makati City.

 

 

Secretary Gatchalian cited the agency programs such as the Supplementary Feeding Program (SFP); Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUN) Project; Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP); and the Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP), which all aim to end involuntary hunger and address malnutrition in the community level.

 

 

The KTP movement is a coalition spearheaded by the PBSP. It is composed of non-government organizations that aims to tackle malnutrition and food insecurity in the Philippines through specialized and targeted initiatives tailored to the nutritional needs of specific vulnerable communities.

 

 

Other officials present in the launch were Bacnotan, La Union Mayor Divina Fontanilla; DSWD Asst. Secretary for Partnerships Building and Resource Mobilization Ana Maria Paz Rafael; World Bank Senior Country Officer for Brunei, Malaysia, Philippines and Thailand Dr. Clarissa David; National Nutrition Council (NNC) Executive Director and Asst. Secretary Azucena Dayanghirang.

 

 

KTP Chairperson Manuel V. Pangilinan led the private sector contingent which included KTP Board Member Manolito Tayag; PBSP Executive Director Elvin Ivan Uy; Zuellig Family Foundation President and Executive Director Austere Panadero; Galing Pook Foundation (GPF) Executive Director Georgina Ann Hernandez-Yang and Scaling Up Nutrition (SUN) Business Network Secretariat John Echauz.

 

 

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD ❤️

Pangulong Marcos sinasapinal na SONA

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
ISINASAPINAL na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang laman ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, walang anumang engagement ang Pangulo kahapon.
Sinabi ni Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan.
“The President is on top of finaling his SONA speech. He has no enggament today because he is preparing for the SONA”, ayon pa sa kalihim.
Sinabi pa ng kalihim na kasama sa ginagawa ng pangulo ang pag-edit mismo ng kanyang SONA speech.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutok sa lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, ang pagpagpapabuti sa buhay ng mga Filipino ang laman ng kanyang SONA.
Inaalaala naman ni Pangulong Marcos kung paano pagkakasyahin sa loob ng isang oras ang kanyang SONA.

COLLEEN HOOVER INVITES FILIPINO FANS TO WATCH “IT ENDS WITH US,” THE MOVIE ADAPTATION TO THE #1 NEW YORK TIMES BESTSELLING NOVEL

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

#1 New York Times bestselling author Colleen Hoover is excited to share with her fans in the Philippines the big screen adaptation of her romance novel It Ends With Us. The film follows the journey of Lily Bloom (Blake Lively) as she chases her lifelong dream of opening her own business, while she wrestles with childhood trauma and a former flame, and a chance meeting with a charming neurosurgeon that sets off immediate sparks.

Watch Colleen Hoover’s shout out here: https://youtu.be/SOBDB5hR38s

Hoover’s It Ends With Us, published in 2016, but it experienced a surge in popularity as it became viral on TikTok from the BookTok community. The book sold over a million copies worldwide, and became the best-selling novel of 2023. “It Ends With Us,” has also been translated into over twenty languages.

Describing the writing process for It Ends With Us, Hoover says that it is the hardest book she’s ever written, as it is based on the relationship between her mother and father. Critics have praised the novel for its handling of difficult topics such as domestic abuse, with The Slate writing, “‘It Ends with Us’ has probably left the most impact on me more than any other book I have read. Reading through this book was an emotional rollercoaster. There were times where I felt angry, sad, happy and giddy. Prior to reading it, I never considered how difficult it is to leave a domestic abuse relationship.”

Watch Lily Bloom’s story unfold on the big screen as It Ends With Us opens in Philippine cinemas on August 7.

About It Ends with Us

IT ENDS WITH US, the first Colleen Hoover novel adapted for the big screen, tells the compelling story of Lily Bloom (Blake Lively), a woman who overcomes a traumatic childhood to embark on a new life in Boston and chase a lifelong dream of opening her own business. A chance meeting with charming neurosurgeon Ryle Kincaid (Justin Baldoni) sparks an intense connection, but as the two fall deeply in love, Lily begins to see sides of Ryle that remind her of her parents’ relationship. When Lily’s first love, Atlas Corrigan (Brandon Sklenar), suddenly reenters her life, her relationship with Ryle is upended, and Lily realizes she must learn to rely on her own strength to make an impossible choice for her future.

Directed by Justin Baldoni and produced by Alex Saks, Jamey Heath, Blake Lively and Christy Hall. The film stars Blake Lively, Justin Baldoni, Jenny Slate, Hasan Minhaj, Amy Morton and Brandon Sklenar, from a screenplay by Christy Hall, based on the book by Colleen Hoover.

In cinemas August 7, It Ends with Us is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #ItEndsWithUsMovie @columbiapicph

Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”

(ROHN ROMULO)

Marami pang INFRA PROJECTS para palakasin ang ekonomiya ng MIMAROPA – PBBM

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NAGSASAGAWA ang gobyerno ng mas maraming pangunahing infrastructure projects sa Mindoro Occidental, Mindoro, Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) region para palakasin ang ekonomiya nito.
Sa isinagawang pamamahagi ng financial aid sa Palawan, araw ng Huwebes, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang gobyerno ay hindi lamang masigasig sa pagbibigay ng social services kundi nais din nito na matiyak na maayos na naipatutupad ang infrastructure programs sa rehiyon.
“Higit pa sa mga tulong at serbisyong ito, kami po ay patuloy na kumikilos upang palakasin ang ekonomiya ng rehiyon ng MIMAROPA,” ayon kay Pangulong Marcos.
Kabilang sa mga priority projects ng administrasyon ay Ibato-Iraan Small Reservoir Irrigation Project sa Aborlan (dam component na 95.15% completion rate) at pagpapalapad ng kalsada ng Dr. Damian Reyes Road sa Marinduque na may 45.45% completion rate.
“The Balabac Military Runway is nearing completion at 89.30 percent,” dagdag na wika ng Pangulo.
Ang iba pa aniyang priority infrastructure projects ay iyong magbubukas sa rehiyon sa bagong investments, maginhawang transportasyon at palakasin ang sektor ng turismo.
“Kasama [rin] siyempre sa ating prayoridad ang pagpapalago ng turismo sa inyong lalawigan at pagpapabuti pa [ng] daloy ng transportasyon dito,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Ito’y gagawin natin sa pamamagitan ng Puerto Princesa Airport Development Project  at Pag-asa Island Airport Development Project” aniya pa rin.
Tinuran pa ng Pangulo na may nagpapatuloy na negosasyon sa private proponent ukol sa planong Puerto Princesa Airport Development Project para ayusin ang ‘airport facilities at sebisyo.’
“For the Pag-asa Island Airport Development Project, procurement of land for the runway extension is underway. Once completed, the project is expected to provide an efficient mode of travel to and from the island,” ayon sa Pangulo.
Ang Pag-asa Island ay kinokonsidera bilang Geographically Isolated and Disadvantaged Area.  (Daris Jose)

Traffic management plan sa SONA, plantsado na

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
TINIYAK ng ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa na ang traffic management plan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda sa Lunes, Hulyo 22, sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Sinabi ni MMDA Ac­ting Chairman Don Artes na nasa 1,329 nilang tauhan ang naatasang mamahala sa trapiko ng sasakyan at pedestrian, sa pagtugon sa emergency, paglilinis ng mga kalsada at bangketa, crowd control, at pagsubaybay sa trapiko.
“The MMDA is 100 percent ready for PBBM’s SONA. We are in close coordination with the Task Force SONA 2024, Que­zon City Police District, Presidential Security Command, House of Representatives, and Quezon City government to ensure a safe, peaceful and orderly SONA,” ani Artes.
Dagdag pa ni Artes, magpapatupad ang ahensya ng “no day off, no absent” policy sa mga nakatalagang tauhan upang matiyak ang epektibong delegasyon ng mga tungkulin sa pagsasagawa ng SONA.
Bilang bahagi ng traffic management plan nito, magpapatupad ang MMDA ng zipper lane o counter flow sa southbound portions ng Commonwealth Avenue para bigyang-daan ang mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno at mga bisitang papunta sa Batasang Pambansa Complex.
Ang Batasan-IBP Road ay isasara sa vehicular traffic alas-8:00 ng umaga bilang bahagi ng pinaigting na security measures para sa ika-3 SONA ng Pangulo.
Sa northbound (Que­zon Memorial Circle hanggang Fairview), ang mga sasakyan mula sa Elliptical Road ay dapat dumaan sa North Avenue, kumanan sa Mindanao Avenue, pagkatapos ay kumanan sa Sauyo Road o dumaan sa Quirino Highway upang marating ang destinasyon.
Sa southbound (Fairview hanggang Quezon Memorial Circle), ang mga sasakyan mula sa Commonwealth Avenue ay dapat dumaan sa Sauyo Road o Quirino Highway, kumaliwa sa Mindanao Avenue, pagkatapos ay kumaliwa sa North Ave­nue upang marating ang destinasyon.

Heroic finale week ng Black Rider, ngayong Lunes na: RURU, sinabihan noon ni PHILLIP na magiging na action star at nangyari naman

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA nalalapit na pagtatapos ng Kapuso action series na “Black Rider,” may mga ire-reveal pa na magaganap at mayroong ding mga karakter na magbabalik.

 

 

Katulad na lang character ni “Mariano,” na ginagampanan ng veteran action star na si Phillip Salvador.

 

 

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkoles, sinabing malalaman na kung sino ang tunay na ama ng anak ni Vanessa na ginagampanan ni Yassi Pressman.

 

 

“Sino ba ‘yung tatay…? Actually hindi ko rin alam. Hindi pa nare-reveal sa amin kung sino ‘yung tatay.

 

 

“Pero abangan na lang natin. ‘Yun ang dapat nating abangan kasi may another DNA test na naman,” ayon pa kay Ruru Madrid na gumaganap na si Elias.

 

 

Nagbabalik din sa serye ang karakter nina Romana, na ginagampanan ni Katrina Halili.

 

 

“Yes, I’m back. Romana is back. Nakakatuwa na kasali ako doon sa huling laban ng Black Rider at tutulong ako kay Elias. Happy, sobrang happy. Namiss ko sila,” say ni Katrina.

 

 

Say naman ni Phillip na pinili niya noon si Ruru para maging mentor sa show na ‘Protégé.’

 

 

“Ako happy ako talaga. I’m grateful na nagkasama tayo. Being your mentor sa ‘Protégé.’ Isipin mo 14 years old ito noong kinuha ko at sabi ko sa kaniya, ‘Magiging action star ka,’” pagbalik-tanaw ng veteran actor.

 

 

“Alam kong gagaling ka. Always be humble. Always look back where you came from. Ilapat mo palagi ang mga paa mo sa lupa. Hinding-hinding ka magkakamali sa patutunguhan,” dagdag na payo ni Philip kay Ruru.

 

 

Maghanda na sa intense action, revelations, at plot twists sa finale week ng 2024 New York Festivals Bronze Medalist at 18th Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider simula ngayong Lunes, July 22.

 

 

Sa nalalapit na pagtatapos ng programa, patuloy si Calvin (Jon Lucas) sa pagpapahirap sa buhay ni Elias (Ruru Madrid).

 

 

Gagamitin niya si President William (Roi Vinzon) para pakasalan siya ni Vanessa (Yassi Pressman) habang hindi pa rin namumulat sa katotohanan ang dilag.

 

 

Marami ring kaabang-abang na eksena ngayong alam na ni Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) na si Moises (Jak Roberto) ang nawawala niyang anak. Hindi rin dapat palagpasin ang mga mangyayari kay Nanay Alma (Rio Locsin) na patuloy na pinahihirapan ng kanyang kapatid na si Jojo (William Lorenzo).

 

 

Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin si Elias sa kanyang pakikipaglaban para sa hustisya. Ang tanong, magtatagumpay kaya siya, o dadalhin lamang niya sa kapahamakan ang kanyang mga mahal sa buhay.

 

 

Ang ‘Black Rider’ ay sa ilalim ng direksyon nina master directors Rommel Penesa (“Lolong”) at Richard Arellano

 

 

Patuloy na pinatutunayan ng Black Rider ang malakas nitong presensya hindi lamang sa TV kundi maging online. Sa lahat ng social media platforms, patuloy na nagiging viral ang videos ng Black Rider na pumalo na sa mahigit 1.5 billion views and counting.

 

 

‘Wag palampasin ang action-packed finale week ng Black Rider simula July 22, 8 PM sa GMA Prime, with simulcast sa Pinoy Hits at livestreamed via Kapuso Stream at GMA Public Affairs’ YouTube at Facebook accounts.

 

 

Mayroon din itong delayed telecast sa GTV ng 10:05 PM. Maaari din itong mapanood ng Global Pinoys sa GMA Pinoy TV.

 

(ROHN ROMULO)

BINIGYAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ng Commendation at P10,000 cash na tulong si Ronaldo David

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ng Commendation at P10,000 cash na tulong si Ronaldo David, miyembro ng Valenzuela Traffic Management Office (TMO) dahil sa kanyang ipinakitang katapangan sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang traffic enforcer. Si David ay sinaktan, pinagbantaan at tinutukan umano ng baril ng dalawang tauhan ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District (MPD) matapos niya itong makasabay at matingnan dahil kapwa walang suot na helmet at naka-tsinelas ang dalawang pulis habang magkaangkas sa motorsiklo sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy. Mabolo, noong Linggo ng madaling araw, July 14. (Richard Mesa)

DOTr: Mga proyekto sa sektor ng rail transportasyon may naitalang progreso sa konstruksyon

Posted on: July 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MAY naitalang malaking progreso sa konstruksyon ang ginagawang kauna-unahang underground railway na Metro Manila Subway Project (MMSP) mula Bulacan hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paranaque.
“The Metro Manila Manila Subway, touted as the country’s most ambitious infrastructure project to date, has already attained significant progress in its construction,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary Timothy Batan sa ginawang forum ng Presidential Communications Office.
Noong May 31, 2024, may naitalang 14.48 porsiento sa kanyang target completion ang nasabing proyekto.
Ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension ay may naitalang 73.50 porsiento ng kumpleto sa konstruksyon noong May 31, 2024. Ito ay ang extension ng LRT Line 1 kung saan daragradan ng 11.7 kilometro ang existing na LRT 1 at daragdagan na walong (8) estasyon na siyang magdudugtong sa Pasay papuntang Bacoor sa Cavite.
Inaasahan na mababawasan ang travel time at magiging 25 na minuto na lamang mula sa dating 1 oras at 10 minuto sakay ng dyip o bus. Makapagsasakay naman ito ng karagdagang 300,000 na pasahero sa LRT 1 na may 500,000 ngayon na pasahero kada araw sa unang taon ng full operation nito.
Sa MRT Line 7 naman noong May 31, 2024, ito ay may naitalang 70.98 porsiento sa konstruksyo. Ito ay ang 22 kilometrong long rail transit system na magdudugtong sa mataong lugar sa northeast ng Metro Manila. Magkakaron ito ng 14 na estasyon mula North Avenue sa lungsod ng Quezon hanggang papuntang San Jose Del Monte, Bulacan. Inaasahan na mababawasan rin ang travel time mula 2 hanggang 3 oras sakay ng dyip o bus kung saan magiging 35 minuto na lamang ito. Makapagsasakay ito ng 300 hanggang 800,000 na pasahero kada araw.
Habang ang North-South Commuter Railway Project naman ay may naitalang 42.10 porsiento noong May 31, 2024 sa Tutuban-Malolos na bahagi. Ang Malolos-Clark naman ay 31.25 porsiento at ang Manila-Calamba ay may 5.87 na porsiento ng kumpleto.
Samantalang ang MRT Line 4 at PNR South-Long Haul Project ay nasa pre-construction na bahagi pa lamang sa ngayon habang ang Mindanao Railway Project Phase 1 ay nasa development na bahagi pa lang.
Ang MRT 3 Rehabilitation Project naman ay may naitalang 83.11 porsiento ng kumpleto noong May 31, 2024. Kasama sa proyekto ang restorasyon ng MRT Line 3 sa dati nitong kondisyon. Ang nasabing rehabiltasyon ay inaasahang mababawasan rin ang travel time mula end-to-end kung saan ito ay magiging 45 na minuto lamang mula sa dating 1 oras at 15 minuto na pagsasakay.
Sa ginagawang Unified Central Station, ito ay may naitalang 81.42 porsiento ng kumpleto noong May 31, 2024. Ang estasyon na ito ay magdudugtong sa 4 na railway lines sa Metro Manila tulad ng LRT 1 sa bahaging west, MRT 3 sa bahaging gitna at ang MRT 7 sa bahanging north naman.
Ang nasabing tatlong araw na forum ay isang comprehensive platform upang itaguyod ang “Build Better More” na programa sa infrastructure ng pamahalaan upang mas palawakin pa ang pagkakaintindihan ng pamahalaan at media practitioners tungkol sa mga strategic framework at status kasama ang timeline ng mga proyekto. Kasama rin ang infrastructure development policies at programs ng sa ngayon na pamahalaan sa pamumuno ni President Ferdinand R. Marcos, Jr.  LACSAMAR