• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 20th, 2024

ADB, napanatili ang paglago ngayong taon ng 2024; 2025 growth, pagtataya para sa Pinas

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAPANATILI ng Asian Development Bank (ADB) ang ‘economic growth outlook’ para sa Pilipinas ngayong taon at sa susunod na taon sa gitna ng inaasahan na paggaan ng inflation na susuporta sa ‘consumption at investment activities.’

 

 

Sa July edition ng flagship publication nito, Asian Development Outlook (ADO), sinabi ng ADB na ang gross domestic product (GDP) growth forecast ng bansa ay nananatili sa 6.0% para sa 2024 at 6.2% para naman sa 2025.

 

 

Ito’y kaparehong growth rates na tinataya para sa Pilipinas ngayong taon at ang susunod ay sa April edition ng ADO.

 

 

“Moderating inflation and expected monetary easing in the second half of 2024 will support household consumption and investment,” ayon sa multilateral lender.

 

 

“The ADB’s forecasts fall within the lower end of the Marcos administration’s GDP target range of 6% to 7% for the year and 6.5% to 7.5% for next year,” ayon sa ulat.

 

 

Tinukoy ng ADB ang Philippines GDP growth rate na 5.7% sa first quarter ng 2024 sa likod ng “domestic demand, along with a recovery in merchandise exports.”

 

 

“Household consumption growth, while below last year’s level, remained the main contributor supported by low unemployment and remittances from overseas workers,” ang sinabi nito.

 

 

Tinuran pa ng ADB na nagpapatuloy ang public infrastructure spending upang iangat ang paglago sa nasabing panahon, habang “merchandise exports rebounded, particularly electronic products (about 60% of total exports), while services exports remained buoyant, including tourism and business process outsourcing.” (Daris Jose)

POGO ‘one big happy Pharmally’ – Hontiveros

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Sen. Risa Hontiveros na may ugnayan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pharmally.

 

 

 

Sa huling pagdinig ng Senado, napa “oh my, God” si Hontiveros matapos na lumabas na kung sinu-sino ang key players na nasa likod ng kontrobersyal na umano’y POGO ni Guo at konektado ang mga sangkot sa multi-bilyong korapsyon ng Pharmally.

 

 

Nadiskubre rin na pare-pareho aniya ang ilan sa mga incorporators, stockholders at opisyal ng Brickhartz na POGO sub-licensee ng Xionwee Technologies na pagmamay-ari naman ni Michael Ang.

 

 

 

Ayon pa kay Hontiveros, nang mairehistro ang Xionwei Technologies sa Securities and Exchange Commission (SEC0 noong ­Agosto 2016, lumalabas na si Rose Lin ang presidente na asawa naman ni Lin Weixiong alyas Allan Lim na pinaghihinalaan naman na kadikit ni Yang sa mga transaksyon pagdating umano sa pag-aangkat ng shabu sa bansa.

 

 

 

Katulad ni Gerald Cruz at Huang Tzu Yen, tumatayo rin umano bilang opisyal at stockholder ng Pharmally Biological si Rose Lin na pare-parehong sangkot din ang mga ito sa Full Win Corporation kung saan treasurer si Lin at corporate secretary naman si Cruz noong mairehistro sa SEC taong 2017.

 

 

“Pero mukhang Pharmally group ito, same cast of characters. Kaya mahalagang we get to the root of it, dahil mukhang itong grupong ito, itong Pharmally group, ay posibleng nandun nga sa roots ng problema natin sa Pogo,” ayon kay Hontiveros.

 

 

 

Sinabi pa ng senadora na may inilabas ng findings ang Anti-Money Laundering Council o AMLC na may diretsong financial deal ang kapatid ni Michael Yang na si Hongjiang Yang kay Mayor Guo mula pa noong 2021.

 

 

 

Matatandaan na pinatungan din ng three counts of graft ng Ombudsman ang asawa ni Rose Lin na si Lin Weixiong dahil sa pagtatalaga sa kanya ni Yang bilang financial manager ng Pharmally.

P29 Rice Program sa Navotas

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“P29 Rice Program”: Pinasalamatan nina Navotas Rep. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco si Pangulong Bongbong Marcos dahil may 1,500 Navoteño ang nakabili ng hanggang limang kilo ng P29/kilo na bigas. Pinuri rin ng Tiangco brothers ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawakin ang access sa abot-kayang bigas, kasunod ng pag-anunsyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na dadagdagan nila ang bilang ng mga Kadiwa outlet na nag-aalok ng P29 kada kilo ng bigas na makapaghandog para sa mga senior, PWD, 4Ps, at solo parents. (Richard Mesa)

Nagbebenta ng baby-online inaresto ng NBI

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (HTRAD) ang isang indibidwal dahil sa pagbebenta ng bata sa online sa Paranaque City.

 

 

Ayon kay NBI Director Judge Jaime Santiago (Ret.) na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Department of Justice – Inter-Agency Council Against Trafficking – NBI CyberTip Center (DOJ-IACAT-NBI Cybertip) hinggil sa isang Christina Paule na umano’y nagbebenta ng bata sa Facebook.

 

 

Bunsod nito, isinagawa ng entrapment at  rescue operation sa pakikipagtulungan ng DSWD, DOJ-IACAT-NBI CyberTip, at suporta mula sa NGO partner Exodus Road Philippines, at mga operatiba ng HTRAD na nagresulta sa pagkakaaresto kay Maria Christina Paule y Alontave kung saan naaktuhan na nagbebenta ng isang anim na araw na taon na baby sa online na isang paglabag sa Child Trafficking under RA No. 7610, as amended (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act), in relation to RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) at paglabag sa RA No. 9208, as amended (Anti-Trafficking in Persons Act of 1998).

 

 

Ang ni-rescue na baby ay itinurn-over sa DSWD-NCR. GENE ADSUARA

Speech sa SONA, fine-tuning na lang-PBBM

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FINE-TUNING na lang ang ginagawa nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa magiging talumpati niya sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansang Complex sa Quezon City.

 

 

“Tuloy tuloy pero yung kabuuan ng speech ko, tapos na. Fine-tuning na lang ang ginagawa namin. Aayusin namin ‘yan lahat bukas at saka hanggang Linggo para maging handa sa SONA sa Lunes,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

 

 

 

Ang problema lamang aniya kasi ay maraming problema na nais niyang pag-usapan.

 

 

“So, ang problema, napakarami ang gusto kong pag-usapan, baka humaba masyado, kaya hinahanapan namin, pina- prioritize namin lahat, tapos baka pwede makapag-explain ang ating mga secretary doon sa mga detalye ng iba,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

 

 

 

“Kaya andun tayo ngayon, tapos na yan. Sinusubukan lang natin,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan.

 

 

 

Sinabi pa ng kalihim na kasama sa ginagawa ng pangulo ang pag-edit mismo ng kanyang SONA speech.

 

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutok sa lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, ang pagpagpapabuti sa buhay ng mga Filipino ang laman ng kanyang SONA.

 

 

Inaalaala naman ni Pangulong Marcos kung paano pagkakasyahin sa loob ng isang oras ang kanyang SONA.

 

 

Samantala, okay lang kay Pangulong Marcos kung hindi na magsilbi sa kanyang gabinete si Vice-President Sara Duterte.

 

 

“Eh… Okay. That’s her position,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

3 araw na gun ban ipatutupad sa SONA

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG araw iiral ang gun ban sa Metro Manila kaugnay ng gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22,

 

 

Ayon kay PNP-Civil Security Group spokesperson Police Lt. Col. Eudisan Gultiano, suspendido ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) simula alas-12:01 ng madaling araw ng Sabado (July 20) at tatagal hanggang alas-12 ng hatinggabi ng July 22.

 

 

Ang gun ban ay bahagi ng precautionary measure para matiyak ang seguridad sa SONA.

 

 

Una nang sinabi ng Philippine National Police na magpapakalat ng 22,000 pulis sa SONA.

 

 

Tiniyak din ng PNP ang pagpapairal ng maximum tolerance sa mga isasagawang kilos protesta sa araw ng SONA.

 

 

Paglilinaw ni Gultiano na epektibo lamang ang naturang gun ban sa National Capital Region (NCR) taliwas sa mga naunang anunsyo na nationwide ang pagpapatupad nito.

 

 

Dagdag pa ng opisyal, tanging ang mga naka-duty na uniformed personnel ang papayagang magdala ng baril sa mga nabanggit na araw. (Daris Jose)

Detention facility ni Guo, pamilya handa na sa Senado

Posted on: July 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA na ang detention facility ng Senado para sa suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at  mga miyembro ng kanyang pamilya sakaling maaresto na ang mga ito.

 

 

Ipinakita sa media nitong Martes ni Lt. Gen. (ret.) Roberto Ancan ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), ang facility na bagaman nasa loob ng compound ng Senado ay nakahiwalay naman sa Senate building.

 

 

Sakaling mangyari ang pag-aresto kay Guo at kanyang pamilya, ito ang unang pagkakataon na gagamitin ang kwarto mula noong na-refurbished ito noong 2023.

 

 

 

“Dito, I can assure her security 24/7, nagawa ko na ito dati; Ako ay isang kumander noon at tiniyak ko sa aking mga tao sa loob ng aking lugar ng pananagutan na sila ay ligtas,” sinabi ni Ancan.

 

 

Ang silid ay may apat na double bunk bed, naka-air condition, may lababo at banyo.

 

 

Ayon kay Ancan, si Guo at ang kanyang pamilya ay bibigyan ng kama at unan, ngunit kung mas gusto nilang magdala ng sarili nila, hindi ito magiging problema.

 

 

 

Ang mga pagkain ay sasagutin din ng Senado.

 

 

“Hindi ito kulungan. Isa itong detention. Kung kulungan ito, magkakaroon ng rehas,” diin ni Ancan.

 

 

Si Guo ay sinisiyasat para sa umano’y kaugnayan niya sa iligal na POGO firm na Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban, Tarlac.

 

 

Bukod kay Guo, pinaaaresto rin ang mga miyembro ng kanyang pamilya na sina Sheila Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen Guo at ang kanyang pinaghihinalaang ina na si Wen Yi Lin. (Daris Jose)