• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 29th, 2024

Opening ceremony ng Paris Olympics naging makasaysayan kahit umulan

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments


HINDI natinag ang ilang milyong mga katao na nanood ng pormal na pagbubukas ng 2024 Paris Olympics.

 

 

 

Nagdala ng mga payong at kapote ang karamihan para masaksihan ang makasaysayan at kakaibang pagbubukas ng Olympics na ginaganap sa River Seine.

 

 

Hindi gaya sa mga nakagawian na sa mga stadium ito ginaganap ngayon ay sa River Seine kung saan nakasakay sa mga bangka ang mga kalahok habang pumaparada.

 

 

Magkatabi naman sina French President Emmanuel Macron at International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach para panoorin ang parada.

 

 

Gaya ng tradisyon ay mauuna sa parada ang pagparada ng Olympic Torch na sinundan ng barko ng Greece dahil doon nagsimula ang makasaysayang Olympics.

 

 

Aabot sa 10,500 ang atleta ng Greece na pinangunahan nina NBA superstar Giannis Antetokounmpo at two-time Olympian race walk Antigoni Ntrismpioti.

 

 

Pinatunog din ang kampana sa kauna-unahang pagkakataon ng Norte-Dame de Paris Cathedral.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na tumunog ang kampana mula ng matupok ng apoy noong Abril 2019.

 

 

Nanguna naman ang singer na si Lady Gaga sa pagkanta sa Opening ceremony.

 

 

Kinanta niya ang “Mon truc en plumes” ng iconic French artist Zizi Jeanmaire.

 

 

Sumunod naman nagtanghal ay ang 28-anyos na singer na si Aya Nakamura.

 

 

Namangha rin ang lahat sa magandang awitin ni Celine Dion habang nasa stage sa ilalim ng Eiffel Tower, maituturing itong makasaysayan.

Olympics medalists may cash incentives HINDI mababalewala ang lahat ng hirap at sakripisyo ng 22 miyembro ng Team Philippines na tatarget ng gold medal sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Sa ilalim kasi ng Republic Act 10699 o ang The National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang isang Olympic gold medalist ay tatanggap ng P10 milyon bilang cash incentive.

 

 

 

 

Hindi rin mawawalan ang mananalo ng silver at bronze medal dahil bibigyan sila ng P5 milyon at P2 milyong bonus, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Sa pagbuhat ni lady weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng Pinas sa 2021 Tok­yo Games ay tumanggap siya ng P10 milyon bukod sa P5 milyon mula sa Phi­lippine Sports Commission (PSC) base sa RA 10699.

 

 

 

Halos umabot sa P57 milyon ang nakuhang insentibo ng tubong Zam­boanga City galing sa mga sports patrons kagaya nina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation.

 

 

Tumanggap din ng cash incentives sina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medal winner Eumir Felix Marcial ng boxing.

Asian Athlete of the Century si ‘Pacman’ KINILALA si Manny Pacquiao bilang numero unong atleta sa buong Asya nga­yong 21st century, ayon sa prestihiyosong Top 25 Asian Athletes ng ESPN.

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Pinunto ng ESPN ang walang kaparis na achievements ni Pacquiao sa bo­xing, kung saan isa siya sa maituturing na pina­kamaga­ling sa buong mundo kaya nararapat lang na maging No. 1 sa Asya.
Hanggang sa ngayon, ang tinaguriang Pambansang Kamao na si Pacquiao pa lang ang natatanging fighter sa kasaysayan na naghari sa 8 magkakaibang weight divisions.
Sa tatlong dekadang karera, kinilala si Pacquiao bilang Fighter of the Year ng Ring Magazine at ESPY nang limang beses habang pinarangalan din bilang BWAA Fighter of the Decade noong 2000s.
Retirado na ang 45-an­yos na si Pacquiao matapos ang tatlong dekadang karera tampok ang makasaysayang kartada na 68 wins, 8 losses at 2 draws.
Sinamahan naman nina weightlifter Hidilyn Diaz at PBA legend June Mar Fajardo si Pacquiao bilang kinatawan ng Pilipinas sa pagkilala.
Swak sa ika-19 puwesto si Diaz, na siyang nag-uwi ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics matapos ang 97 na taon, habang nasa ika-25 puwesto, naman si Fajardo.
Dahil dito sa walang katumbas na achievements ni Fajardo sa Philippine basketball tampok ang 10 PBA championships, 4 na Finals MVP awards, 7 MVP plums at 10 BPC.

Clark International Airport bubuhusan ng P46 billion na pondo

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUBUHUSAN ng P46 billion ang Clark International Airport (CIA) upang gamitin sa isang development plan mula sa mga pangunahing kumpanya ng mga airlines kasama ang pamahalaan bilang isang paliparan na may lumalaking ekonomiya sa Central Luzon upang maging isang preferred gateway sa Luzon.

 

 

 

 

Ayon pamahalaan at mga executives ng mga airlines na sila ay desidido na pagandahan at palawakin ang operasyon ng CIA upang maging viable ito at maging tuloy-tuloy na isang multi-airport sa darating na panahon sa Mega Manila.

 

 

 

“The Clark International Airport Corp. (CIAC), developer of the Clark Civil Aviation Complex, is spending at least P45.5 billion for a pipeline of seven projects aimed at increasing passenger and cargo volumes in the airport,” ayon sa Department of Transportation (DOTr)

 

 

 

Isa na sa proyekto ay ang pagtatayo ng P21 billion Clark World Convention and Events Hub na siyang magiging lugar para sa mga large-scale concerts. Sa pamamagitan nito umaasa ang CIAC na maaakit ang mga pasahero na magpunta sa Clark kaya tataas rin ang arrivals sa airport.

 

 

 

Magdadagdag din ang CIAC ng ikalawang runway na nagkakahalaga ng P12 billion upang masiguro na ang gateway ay operational kahit na ang main strip ay sarado. Magtatayo rin ng P8.5 billion food hub na itatayo malapit sa airport na makapagtataguyod ng cargo flights.

 

 

 

Natapos na rin gawin ang concept design ng P1.5 billion na Clark Direct Access Link, ang 2.7 kilometers road na magdudugtong sa airport palabas at papunta sa North Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway.

 

 

 

Magkakaroon din ng mga buses at e-jeepneys mula sa kalapit na rehiyon na siyang makakatulong upang matugunan ang kakulangan sa transportasyon para sa mga pasahero.

 

 

 

“The goal is to add commute options from areas like CAMANAVA supporting the existing point-to-point services from Ninoy Aquino International Airport, Trinoma, Dau, Pampanga, Baguio, Dagupan City at Olongapo City,” wika ni CIAC president at CEO Arrey Perez.

 

 

 

Dahil dito ang Cebu Pacific na siyang pangunahing airlines sa CIA ay nangako na pag-aaralan ang expansion opportunities sa Clark. Naniniwala si Cebu Pacific president at chief commercial officer Alexander Lao na ang Clark ay mananatiling isang importanteng gateway sa mga travelers mula sa North.

 

 

 

Habang ang Flag carrier Philippine Airlines (PAL) naman ay nilipat ang flights mula Basco sa Clark na siyang magiging main door entry papuntang Batanes. Sinabi naman ni PAL president at COO Stanley Ng na palalawakin din sa Clark ang current connections sa Busuanga, Coron at Caticlan.

 

 

 

Hindi naman nababahala ang mga investors at Clark developers na magtatagumpay ang operasyon sa Clark kahit na ang karibal na airport tulad ng Ninoy Aquino International Airport ay sasailalim sa P170.6 billion na rehabilitasyon na makakapag- handle ng 60 million na pasahero sa isang taon.

 

 

 

“We also don’t expect the completion of the P735.63 billion New Manila International Airport (NMIA) in Bulacan, which would be the largest gateway in the Philippines, to take away Clark’s viability as an airport,” dagdag ni Perez. LASACMAR

738 iskul ipinagpaliban pagbubukas ng klase

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAAANTALA ang pagbubukas ng klase ng 738 public schools sa apat na rehiyon sa bansa na itinakda sa Hulyo 29 (Lunes) bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina, ayon sa Department of Education (DepEd).
Inihayag na rin ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi niya pipilitin na magbukas ng klase ang mga nasalantang paaralan.
Sa kanyang post sa X nitong Biyernes, binanggit niya ang datos mula sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay na-miss ang tinatayang 53 araw ng pagtuturo mula sa 180-araw na school year noong nakaraang school year, dahil na rin sa weather-related events.
Sa datos mula sa disaster risk reduction and management service ng DepEd na ibinahagi noong Biyernes, nasa 246 paaralan ang binaha sa pananalasa ng bagyo at ng habagat, habang hindi bababa sa 64 na paaralan ang kasalukuyang ginagamit bilang mga evacuation center.
Nauna nang inihayag ni Angara na habang ang ilang mga paaralan ay kailangang ipagpaliban ang kanilang pagsisimula ng klase upang matapos ang paglilinis, hindi siya magdedeklara ng postponement ng mga klase upang payagan ang mga paaralan na may minimal hanggang zero na pinsala na magpatuloy gaya ng nakatakda.

PBBM, ipinag-utos ang QUICK RELIEF ASSISTANCE para sa ‘isolated’ na pamilya sa TANAY, RIZAL

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magbigay ng agarang tulong sa pamilya na hindi maabot ng relief assistance sa Sta. Ines, Tanay bunsod ng hindi madaanang lansangan.

 

 

 

 

Sa situation briefing sa San Mateo, Rizal ukol sa epekto ng bagyong Carina at Habagat sa lalawigan, sinabi ni Tanay Mayor Lito Tanjuatco na may 3,000 pamilya sa Sta. Ines ang ‘isolated’ at hanggang sa ngayon ay hindi pa nakatatangap ng tulong.

 

 

Ani Tanjuatco, ang lansangan patungo sa Sta. Ines ay hindi madaanan dahil sa landslides, dahilan para maging problema ang ‘relief operations’ para sa mga lokal na opisyal at kapakanan ng ahensiya.

 

 

“All of the things that we always bring. Medicines, tubig… malinis na tubig. Basta all of those things and then medicines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

“There’s no way to do it except to find a way to para maging passable kahit na alam mo na hindi naman umuulan pa, kahit na ano muna. Parang — kahit hindi na muna sementuhin, ‘di ba.

 

 

Madaanan lang. Pero huwag nating iiwanan ganun. Kailangan at some point mabalikan namin para ayusin talaga,” ang sinabi ng Pangulo kasabay ng pagbibigay atas kina Public Works and Highways Secretary Manny Bonoan at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr.

 

 

Ang suhestiyon naman ng mga lokal na opisyal ng Rizal ay magsagawa ng relief airdrop operations bilang pansamantalang solusyon hanggang sa madaanan na ang lansangan. Sinabi pa ng mga ito na habang tumatagal para madaanan ang lansangan, mas malaking bilang ng goods ang dapat na dalhin.

 

 

Sinabi ng Pangulo na dapat na magtulungan sina Bonoan at Abalos kasama ang Office of Civil Defense para dalhin ang relief goods, medisina at iba pang kailangan para sa mga pamilya sa Sta. Ines sa lalong madaling panahon.

 

 

Winika naman ni Rizal Gov. Nina Ynares na mula sa 14 na bayan, tatlo sa lalawigan ang matinding hinagupit ng weather disturbances, ito’y ang San Mateo na may 3,031 pamilyang bakwit, Montalban, 3,170; at Cainta, 2,213.

 

 

Ang San Mateo at Montalban, malapit sa Marikina River, ay dumanas din ng pagbaha.

 

 

Nakapagtala naman ang lalawigan ng dalawang kataong nasawi, 8 sugatan at isang nawawala sa panahon ng pananalasa ng bagyo. (Daris Jose)

Navotas isinailalim sa State of Calamity dahil kay super typhoon ‘Carina’

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINAILALIM ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang lungsod sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina.

 

 

Ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyong Panglungsod Blg. 2024-67, na binabanggit na sa ilalim ng state of calamity, magagamit ng pamahalaang lungsod ang kanilang calamity fund at mapabilis ang relief at recovery efforts para sa mga apektado.

 

 

Muling iginiit ni Mayor John Rey Tiangco ang dedikasyon ng lungsod sa pagsuporta sa lahat ng apektadong pamilya.

 

 

“The safety and well-being of our residents are our top priorities. We are fully committed to providing immediate relief and supporting our fellow Navoteños in their swift return to normalcy,” aniya.

 

 

May 299 na pamilya ang sumilong sa mga evacuation center sa buong lungsod dahil sa patuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig na nagdulot ng pagbaha sa kanilang mga barangay.

 

 

Ang Bagyong Carina, internasyonal na pangalang Gaemi, ay nagdala ng malakas na pag-ulan, malakas na hangin, at malawakang pagbaha, na nagresulta sa malalaking epekto sa imprastraktura, serbisyo, at ari-arian.

 

 

Ang masamang pangyayari sa panahon ay nag-iwan ng maraming bahay na nasira, mga kalsadang hindi madaanan, at mga kapitbahayan na lumubog, na nakaapekto sa libu-libo sa Metro Manila.

 

 

 

(Richard Mesa)

Utos ni PBBM: LET’S PREPARE FOR THE NEXT FLOOD

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NGAYON pa lamang ay ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa national at local governments na paghandaan na ang susunod na pagbaha habang ang bansa ay nahaharap sa La Niña phenomenon.

 

 

 

“Let’s prepare for the next flood. This is the first typhoon sa La Niña. Mahaba pa ‘to. So, we have to prepare for that. Let’s think about preparing for that,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa situation briefing sa Mauban, Quezon, araw ng Biyernes.

 

 

Makikita sa report ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang munisipalidad ng Agdangan sa Quezon ay matinding tinamaan ng mga bagyong Aghon, Carina at ng southwest monsoon (habagat).

 

 

Sa kabilang dako, tinatayang 986 pamilya o 4,324 indibiduwal ang apektado ng Carina. May kabuuang 968 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak o kaibigan. Ang bagyo rin ang dahilan ng paghinto ng operasyon sa seaports sa Real, Infanta, Polilio, Patnanungan, Jomalig, at Burdeos.

 

 

Nais din ng Pangulo na i-assess ang mga mahahalagang pagbabago sa flooding patterns sa lalawigan.

 

 

“We’re trying to assess what are the significant changes because all our flood control projects are projects that are in response to the – ‘yung mga flooding noon,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, matapos bisitahin ang Quezon province, binisita naman ng Pangulo ang mga residenteng apektado ng bagyong Carina sa Rizal.

 

 

(Daris Jose)

Bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina… 738 eskuwelahan ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase ngayon

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hangga’t maaari tuloy ang pagbubukas ng klase ngayong Lunes, July 29,2024 sa mga lugar na kaya naman.

 

 

 

Ayon sa Presidente kanya ring ipinauubaya sa pamunuan ng mga eskwelahan ang desisyon kung ituloy ang pagbubukas ng klase o hindi lalo at may mga school buildings ang binaha at nasira ang mga kagamitan.

 

 

Pero doon aniya sa mga hindi naapektuhan ng baha ay dapat tuloy ang pagbubukas ng klase.

 

 

Direktiba ni Pangulong Marcos kay Department of Education Secretary Sonny Angara na gawin ang lahat para tuloy ang pagbubukas ng klase.

 

 

Aminado naman ang Presidente na may mga lugar din na talaga hindi pwede dahil apektado ang mga paaralan.

 

 

” As much as possible. Hangga’t maari. If the school buildings are in a condition to take classes, they will do it. Pero meron pa talaga na kakaunti na lang yung may tubig pero marami naiwan na putik, hindi magamit. Tapos may nasira na gamit, We’d have to replace them. So yes, as much as possible, it will be up to the school to decide what they.. Kung kaya o hindi. Siguro yung iba mapipilitan, they will conduct classes outside of the school building, makapag klase lang. Tingnan natin. They will… Ganyan naman. Nasanay na tayo sa pandemic, hahanapan natin ng paraan para magkaroon pa rin ng klase,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Samantala, maaantala ang pagbubukas ng klase ng 738 public schools sa apat na rehiyon sa bansa na itinakda sa Hulyo 29 (Lunes) bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina, ayon sa Department of Education (DepEd).

 

 

Inihayag na rin ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi niya pipilitin na magbukas ng klase ang mga nasalantang paaralan.

 

 

Sa kanyang post sa X nitong Biyernes, binanggit niya ang datos mula sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay na-miss ang tinatayang 53 araw ng pagtuturo mula sa 180-araw na school year noong nakaraang school year, dahil na rin sa weather-related events.

 

 

Sa datos mula sa disaster risk reduction and management service ng DepEd na ibinahagi noong Biyernes, nasa 246 paaralan ang binaha sa pananalasa ng bagyo at ng habagat, habang hindi bababa sa 64 na paaralan ang kasalukuyang ginagamit bilang mga evacuation center.

 

 

 

(Daris Jose)

A DREAM HOLIDAY TURNS INTO AN INESCAPABLE NIGHTMARE IN “SPEAK NO EVIL,” STARRING JAMES MCAVOY

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

When an American family is invited by a charming British family they befriended on vacation to a weekend in their idyllic country estate, a dream holiday is planned.

 

 

Soon it warps into a psychological nightmare as not everything is what it seems. An intense suspense thriller from Blumhouse, “Speak No Evil” stars James McAvoy, Mackenzie Davis, and Scoot McNairy.

 

 

Watch the trailer here: https://youtu.be/InvnbXX0VV8?si=jByoNRTk_JF_x0se

 

 

Watch the trailer on Facebook: https://t.ly/tdt5t

 

 

Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on “Speak No Evil.”

 

 

Connect with the hashtag #SpeakNoEvilPH.

 

 

Speak No Evil haunts Philippine cinemas on September 11, from Universal Pictures International.

 

 

 

(ROHN ROMULO)