• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 28th, 2024

Discover the stellar voice cast and iconic characters in the first-ever fully CG-animated Transformers movie, “Transformers One.”

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

“This was a lot of fun,” says Chris Hemsworth in the newly released “Cast Featurette” for Transformers One. Hemsworth, who lends his voice to Orion Pax, headlines the star-studded cast in the first-ever fully CG-animated Transformers movie.

 

 

As the untold origin story of the legendary Optimus Prime and Megatron, Transformers One is set to take audiences on a breathtaking journey, revealing how these sworn enemies were once as close as brothers.

 

 

Joining Hemsworth is an all-star lineup that includes Brian Tyree Henry as D-16, Scarlett Johansson, Keegan-Michael Key, Steve Buscemi, Laurence Fishburne, and Jon Hamm.

 

 

Ready to meet the characters? Here’s a quick look at the bots you’ll encounter in Transformers One, coming to Philippine cinemas on September 18.

 

 

 

ORION PAX (Chris Hemsworth) Before he became the iconic Optimus Prime, he was Orion Pax – a dreamer and a rebel with a heart of gold. Orion is young, curious, and always ready to challenge the status quo on Cybertron. Though he’s charming and sees the best in everyone, his restless spirit often gets him into trouble, especially with his best friend, D-16. But as the battle for Cybertron’s future looms, Orion may be the one to change everything.

 

 

 

D-16 (Brian Tyree Henry) D-16 is the rule-following, loyal friend who will one day transform into the feared Megatron. For now, he’s content with his lot in life as a miner in Iacon, looking up to Sentinel Prime. Although D-16 is principled and believes in justice, his friendship with the unruly Orion Pax often tests his patience. “If we survive this,” D-16 warns Orion, “I’m going to kill you!”

 

 

 

B-127 (Keegan-Michael Key)Loyal and endlessly optimistic, B-127 is the life of the party among the young Transformers. He’s got a penchant for nicknames, and his current favorite is “Badassatron.” B-127 may seem naïve, but his resilience and positivity make him the glue that holds his friends together, even when times get tough.

 

 

 

ELITA-1 (Scarlett Johansson) Ambitious and supremely capable, Elita-1 is a force to be reckoned with. As a leader in the Energon mines, she manages the rowdy young bots like Orion Pax and D-16 with a mix of ruthless efficiency and dry humor. But beneath her strict exterior lies a bot with a sharp mind and a desire to prove herself.

 

 

 

SENTINEL PRIME (Jon Hamm) The hero of Cybertron, Sentinel Prime, is a charismatic and commanding leader. Known for his showmanship and bravery, Sentinel Prime inspires awe with his intelligence and cool demeanor. As the leader of the Transformers, he’s the bot everyone looks up to in times of crisis.

 

 

 

ALPHA TRION (Laurence Fishburne) As one of the ancient Primes, Alpha Trion is a wise and noble figure in Cybertron’s history. His bravery in defending Cybertron from the Quintessons is legendary, and he remains a revered ancestor among the Transformers.

 

 

 

DARKWING (Isaac C. Singleton Jr.) Darkwing runs the Energon mining operation with an iron fist, showing little mercy to his workers. But when it comes to the Iacon 5000 race, this aggressive bot will stop at nothing to win, even if it means using dirty tricks to outmaneuver his rivals.

 

 

 

AIRACHNID (Vanessa Liguori) Airachnid is a terrifying hunter with the ability to transform into a drone. Her razor-sharp arms and inescapable eyes make her a foe to be feared. Airachnid’s sinister laughter and eerie movements add to her chilling presence on the battlefield.

 

 

 

SHOCKWAVE (Jason Konopisos-Alvarez) Shockwave is a no-nonsense scientist with a passion for experimental weaponry. As a member of The High Guard, he’s a formidable opponent who relishes the chance to test his shock sticks on unsuspecting captives.

 

 

 

SOUNDWAVE (Jon Bailey) Soundwave, the enforcer of The High Guard, keeps enemies in check with his powerful sound waves. His ability to scan electrical impulses makes him a dangerous adversary, both in the air and on the ground.

 

 

 

JAZZ (Evan Michael Lee) Before he became one of Optimus Prime’s closest allies, Jazz was a young miner working alongside Orion Pax. Under Elita-1’s strict management, Jazz, Orion, and D-16 navigate the dangerous work of extracting volatile Energon from the mines.

 

 

 

STARSCREAM (Steve Buscemi) Starscream, the ambitious leader of the High Guard, lives by the mantra, “All that counts is the strength of one bot over another!” His ruthless nature and unmatched aerial combat skills make him a formidable foe, even for the likes of Megatron.

 

 

 

Transformers One rolls out into Philippine cinemas on September 18. Distributed by Paramount Pictures through Columbia Pictures, this is one movie event you won’t want to miss.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Kuwento ng buhay ni RASH, mala-teleserye

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

MALA-TELESERYE pala ang kuwento ng tunay na buhay ng male star na si Rash Flores na isang half-Pakistani, half- Pilipino..

 

 

Pakistani ang ama ni Rash samantalang ang ina niya raw ay half-Filipino, half-American naman.

 

 

Hindi na nakilala ni Rash ang kanyang ama at ang ina naman niya ay nahiwalay kay Rash noong bata pa lamang siya.

 

 

Kuwento ni Rash, “Ipinanganak po kasi ako sa Bicol, then, hindi ko na lang sasabihin kung ano yung naging rason kung bakit ako nahiwalay sa mom ko, private na lang po.

 

 

“So napunta ako doon sa Pampanga, dahil sa yaya ko. “Yaya ko siya nung baby ako.”

 

 

Doon na siya lumaki sa yaya niya.

 

 

Nasa Bicol raw ang tunay niyang ina pero nakikita naman raw ito ni Rash.

 

 

“Oo naman, nag-uusap kami minsan.”

 

 

Mula noong nahiwalay si Rash sa tunay niyang ina ay mga apat na beses na raw niya itong nadalaw.

 

 

“Minsan po siya pumupunta dito. Halimbawa, may gagawin siya sa Manila. Sasabihin niya, ‘Anak, pupunta ako ng Manila’, sabi ko, ‘Sige, okay, daan ka dito sa bahay’.”

 

 

Hindi raw galit si Rash sa biological mom niya.

 

 

“Actually, hindi. Minsan, may galit ako pero, hindi ko na po kailangang isipin yung galit kasi unang-una, kung hindi po dahil sa kanya, wala ako dito.”

 

 

Ilang taon na siya noong muli niyang nakita ang ina niya, “Nasa high school pa lang ako nun e, siguro nasa 15.”

 

 

Paano sila nagkitang muli?

 

“Hindi pa po masyado ano yung Facebook that time e, pero, may Facebook na. Then nakiki-online lang ako nun sa province namin. Tapos, nag-online ako sa laptop.

 

 

“Then, nakita ko, may message na tago, yung may message request. Tapos tsinek ko, parang aksidente ko lang na-check kasi hindi ako masyado marunong sa laptop.

 

 

“Aksidente ko lang siya na-check, tapos binasa ko, pero may idea na ako sa buhay… sa itsura ko, kasi napapaisip na din ako sa ano ko, kasi nga sa aming magkakapatid, ako yung pinaka iba.

 

 

“Pero hindi ko na tinatanong sa mom ko kasi parang may iba.”

 

 

Doon sa kinalakihan niyang ina?

 

 

“Yes. Hindi ko na tinatanong. Then yun nga, nung nabasa ko yung message, hindi naman ako masyadong nagulat, pero nalungkot ako, siyempre.”

 

 

Ano ang nasa message? Nagpakilala siya na siya ang tunay niyang ina?

 

 

“Yes.”

 

 

Naniwala siya agad?

 

 

“Actually hindi po siyempre, parang na-shock pa ako ng konti, pero pag naiisip mo kasi yung ano, na ikaw lang yung naiiba yung itsura sa mga kapatid mo.

 

 

“Then, sinabi ko na sa mom ko.”

 

 

Nang sa wakas ay natuklasan ni Rash ang totoo, hindi naman raw siya nagalit sa adoptive mother niya.

 

 

“Hindi naman po.”

 

 

Kung hindi siya itinakas noong sanggol pa lamang si Rash ay baka napabayaan siya?

 

 

“Yes. Baka wala po ako dito.”

 

 

Sa muli nilang pagkikita ng real mom niya, pinuntahan niya o pinuntahan siya nito?

 

 

“Actually, kami po yung pumunta dito e, yung tatay ko po dun sa Pampanga, sinamahan niya po ako sa Manila nun.”

 

 

Pumunta raw ng Maynila ang real mom ni RashAnong sinabi sa kanya ng ina niya?

 

 

“Sabi niya matagal niya daw akong hinanap, ganun. So, ako naniwala naman ako doon sa hinanap niya ako, kasi siguro kung wala naman siyang balak na makita ako, hindi naman siguro siya magme-message sa akin ng ganun, di ba, papabayaan na lang.

 

 

“So, okay naman.”

 

 

Kinukuha ba siyang muli?

 

 

“Hindi naman.”

 

 

Gusto lang siya nitong makita?

 

 

“Ganun. Sabi niya sa akin kasi, ‘Ikaw, decision mo na yan, kasi matanda ka na, kung saan mo gusto’, ganun. “So, ako siyempre bilang bata na lumaki doon sa Pampanga, nandun na yung buhay ko.

 

 

 

Dun na ako nasanay, so kahit sabihin mong kadugo kita, hindi mo maiaalis sa akin na mas matimbang sa akin yung mga tao dun kesa sa kanya.

 

 

“Pero doon pa rin sa part na nagpapasalamat ako sa kanya dahil… tsaka siyempre sa Itaas, nagpapasalamat ako na isinilang niya ako. At hindi siya gumawa ng pangit nung isinilang niya ako.

 

 

“Doon pa lang masaya na ako, na sinasabi niya nga sa akin na, ‘Alam mo anak, kayong magkakapatid, na yun nga, kahit ganoon ako, hindi ko kayo pinagtangkaang patayin, kahit ganun yung buhay ko, kahit ganoon yung nangyari sa buhay ko.’

 

 

“Sabihin na natin nabaliw, may konting ano, ganoon. “Hindi siya nagtangkang patayin kami nung nasa sinapupunan pa lang kami.

 

 

“Doon pa lang nagpapasalamat ako na talagang mahal niya ako.”

 

 

Sa ngayon ay sa Manila nakatira si Rash kasama ang manager iyang si Jojo Veloso.

 

 

Isa ring Vivamax actor si Rash at nakagawa na ng mga daring na pelikula.

 

 

Nakausap namin si Rash sa dance rehearsal niya para sa pelikulang ‘Wild Boys’ kung saan gaganap siya bilang isang macho dancer.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Desidido nang kasuhan para makamit ang hustisya: GERALD, gumaan ang loob nang pinangalanan ang nang-abuso sa kanya

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

BUMALIK ang singer-actor na si Gerald Santos sa Senado kahapon, July 27, para sa pagpapatuloy ng hearing tungkol sa “Policies of Television Networks and Artist Management Agencies in Relation to Complaints of Abuse and Harassment”.

 

 

 

Pinangungunahan ito nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada.

 

 

 

Muli ngang ikinuwento ni Gerald ang ginawa sa kanya ng musical director na part ng singing competition ng GMA 7 na sinalihan niya.

 

 

Desidido na raw si Gerald na kasuhan ang taong nang-abuso sa kanya noong 15 years old pa lang siya. Pinag-aaralan pa raw ng kanilang legal counsel kung rape, child abuse at sexual harassment ang isasampang kaso.

 

 

 

Pero sa kabila ng nangyari sa kanya, tumatanaw pa rin siya ng utang na loob sa GMA 7 na nagbigay sa kanya ng break para makilala at magkapangalan sa industriya. “Up until now, proud po ako na ako po ay minsang naging Kapuso,” sabi ni Gerald.

 

 

 

“Isa pong kaluwagan sa akin ngayon na malaman officially na mayroong ginawa ang GMA laban sa taong aking inakusahan 19 years ago.”

 

 

 

Dagdag pa niya, “Kung sana lamang po ay napagbigyan ang aming formal na kahilingan noong February 28, 2011 na kami ay maabisuhan man lamang po sa naging resulta ng imbestigasyon ng GMA ay maaaring noon pa po ay nagkalakas sa loob na kami at nakapag-file ng kaso sa tamang hukuman.

 

 

 

“Ganu’n pa man ay maraming ay salamat po sa GMA sa action po na kanilang ginawa sa complaint na idinulog ko, ang tanggalin sa network ng taong aking inakusahan.

 

 

 

“Yung resulta pa rin po ng imbestigasyon na yun, 19 years ago ang aming hihilingin na magkaroon kami ng kopya para magamit namin sa pag-build up ng case.”

 

 

 

Dagdag mensahe pa niya sa GMA Network, “humihingi din ako ng paumanhin sa aking former mother network, kung nag-cause po ito ng negatibong reaksyon sa mga tao. Hindi ko po hangad na sirain at dungisan ng magandang imahe at reputasyon ng GMA. Hindi ko po ito laban against GMA kundi sa mga taong gumagawa ng kahalayan at kasamaan.”

 

 

 

At sa huling bahagi ng kanyang pahayag ay diretsahan na niyang pinangalanan ang taong nagbigay sa kanya ng matinding trauma, na dala-dala niya ng maraming taon.

 

 

 

“Ngayon po ay handa ko nang harapin ang tunay kong kalaban. Ang nanghalay at umabuso sa akin noong ako ay 15 years old pa lamang – Si Mr. Danny Tan. Maraming-maraming salamat po.”

 

 

 

Bukas ang People’s Balita sa magiging pahayag ni Danny Tan sa isyung ito.

 

 

 

Samantala, pagkalipas ng pagdinig sa kanyang kaso są senado, nag-post din si Gerald ng kanyang saloobin…

 

 

“Attended the Senate Hearing for the 2nd time.. Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat ng message of encouragement at support nyo sa akin. Naa-appreciate ko po ang lahat ng messages nyo sadyang hindi ko lang masagot sa dami.

 

 

“Ang luwag sa dibdib ko ngayon na aking pinangalanan na ang umabuso sa akin kanina sa Senado.. Unti unti ay nakakamit ko na ang hustisya at dadalin na namin ito sa hukuman.

 

 

“Ang akin pong paglabas tungkol dito should not be a lost cause.. Ito sana ay magsilbing inspirasyon sa lahat ng mga biktima ng Sexual Abuse na hindi ninyo kailangang matakot dahil now more than ever ay naaalis na ang stigma at pangmamata sa mga biktima ng ganitong karahasan.

 

 

“At sa mga taong gumagawa ng hindi tama at inaabuso ang kanilang posisyon, bilang na ang mga araw ninyo. This is a stern warning sa inyo na walang lihim ang hindi mabubunyag!

 

 

#advocacy #fight #justice #pray #legal #geraldsantos #sandromuhlach #metoomovement #philippines

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ini-enjoy muna ang pagiging single: BEA, ayaw pang makipag-date kaya dedma sa nagpaparamdam

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

INAMIN ni Bea Alonzo na may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon, pero wala pa raw siyang balak na makipag-date.

 

 

“I’m enjoying being single. I mean there are people, siyempre naman may nagpaparamdam, sometimes you reply, sometimes you see people,” sey ng ‘Widows’ War’ star.

 

 

 

Importante raw kay Bea na may balanse sa kanyang personal at work life.

 

 

“Most of the time ‘yung three days a week ko, minsan may trabaho, or my hobbies. Self-care, like I go to the derma, I go to the salon. So, I would say I strive for a work-life balance and that’s what makes me happy right now.”

 

 

Tungkol naman sa co-star niya sa ‘Widows’ War’ na si Carla Abellana, kasalukuyang nagpapagaling na raw ito at makakabalik na sa taping nila very soon.

 

 

“We miss Carla on the set. Lahat kami nagdarasal for her health and recovery. Hope to see her soon sa taping namin.”

 

 

***

 

 

PARANG kelan lang nagsimula ang shooting nila Alden Richards and Kathryn Bernardo ng ‘Hello, Love, Again’ sa Calgary, Canada. Ngayon ay tapos na sila.

 

 

Sa post ni Joross Gamboa on IG: “Eyyy! It’s a wrap, Canada! Ethan, ba’t ka naman umiiyak?”

 

 

Hindi nga raw inaasahan nila Alden at Kathryn na magkakaroon ng sequel ang ‘Hello, Love, Goodbye’. Pero bigla itong dumating.

 

 

“Yung pangarap na ‘yun, nasa puso ko lang in the past five years, finally, ito nga, dreams do come true,” sey ni Alden.

 

 

Sey naman ni Kathryn: “We thought we already said our goodbyes, but here we are, saying our hellos.”

 

 

***

 

 

SINILANG na ni Hailey Bieber ang baby boy nila Justin Bieber.

 

 

Sa IG post ni Justin, ni-reveal niya na ang name ng baby nila ay Jack Blues Bieber at may greeting na “Welcome Home.”

 

 

Ni-repost ito ni Hailey sa Instagram stories with the note, “Jack Blues,” and included bear and blue heart emojis.

 

 

Noong May 2024 in-announce ng dalawa na magkakaroon na sila ng baby habang nag-renew sila ng kanilang vows sa Hawaii.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

DSWP and Organon Philippines Continue to Empower Adolescent Girls through Y.G.A.L.A launch

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

The Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP), in partnership with Organon Philippines’ Her Promise Program, proudly announces the successful launch of the adolescent girls’ organization Y.G.A.L.A (Youth and Girls Advancing Liberty and Awareness). This event marks a significant milestone in the ongoing “Let’s Talk: Normalizing SRHR (Sexual and Reproductive Health and Rights) conversations to empower women and girls” project.

 

 

 

The “Let’s Talk” program has been instrumental in facilitating numerous community-based SRHR conversations and seminars targeted at adolescent girls aged 12 to 18 and adolescent mothers in Quezon and Caloocan cities in Metro Manila, as well as Tanay and San Mateo in Rizal. These efforts have been complemented by a podcast and a YouTube campaign, which have successfully raised awareness and engaged a broader audience on various SRHR-related topics. The project’s primary goal is to normalize SRHR conversations, fostering a deeper understanding of these crucial rights and empowering women and girls to make informed choices.

 

 

 

The Y.G.A.L.A launch, themed “Pagkakaisa at Pagkilos ng Kabataang Kababaihan Tungo sa Kalusugan at KarapatangPangreproduktibo” (Unity and Action of Young Women towards Health and Reproductive Rights) serves the culmination of the Let’s Talk program. The event opened with a speech by Caroline Lopez, Organon’s External Affairs and Communications Lead for Singapore, Hong Kong, Indonesia, and the Philippines, who highlighted the persistent challenges faced by women in accessing quality reproductive healthcare, emphasizing the need to overcome economic, social, and cultural barriers.

 

 

 

“In the Philippines, as in many parts of the world, women face significant challenges in accessing quality reproductive healthcare. Economic, social, and cultural barriers often prevent women from seeking the care they need,” stated Ms. Lopez.

 

 

 

Why a girls organization matters

 

While comprehensive sexuality education (CSE) is supposed to be taught in and out of school as mandated by the Reproductive Health Law, the implementation remains quite weak. Based on the interviews conducted by DSWP among girls in the communities, CSE topics are not adequately discussed and many times, the teachers lack the capacity to effectively handle the topics, or their biases and judgments become evident in teaching CSE.

 

 

 

Thus, adolescents, especially girls, are kept in the dark about their bodies and their rights.

 

Among the most serious consequences of keeping sex and sexuality taboo (owing to the Philippines’ conservative culture) is anotherproblem of adolescent pregnancy in the country. Consider the following data from the 2022 Philippine National Demographic and Health Survey (NDHS):

o 5% of teenage women aged 15 to 19 have been pregnant; 1% had sex before 15 years old;
o The percentage of teenage girls who have ever been pregnant increases with age – 1% at age 15 and 13% at age 19;
o The use of family planning is lowest among girls aged 15 to 19 – 3.4% with .8% using traditional method.

Hence, the organizing of adolescent girls is aimed at recognizing and strengthening their voice when it comes to SRHR issues. By coming together, the girls will have the opportunity to assert their views and perspectives, develop their capacities as feminists and as leaders, and provide them with opportunities to address their needs. It will also give them the opportunity to develop relationships with like-minded organizations.

 

 

 

The path ahead

 

Y.G.A.L.A unanimously decided to become a DSWP chapter organization. From 2024 to 2027, the organization aims to accomplish several key action plans:

 

• Strengthen and expand the organization through leadership, financial, and organizational management programs, and community outreach training programs.
• Create and execute significant educational seminars and training sessions about the organization’s advocacies and how these can be further developed and promoted.
• Pursue networking and partnership opportunities with like-minded organizations and individuals to advance programs that uplift the rights of youth and women.

The launch of Y.G.A.L.A is indeed a step forward in the mission to empower adolescent girls and normalize SRHR conversations across the Philippines. The DSWP and Organon Philippines remain committed to this advocacy, striving to create a society where women and girls can freely exercise their reproductive health rights.

 

 

 

“The Y.G.A.L.A, being our newest chapter organization can pursue programs and projects that they need at their level, while also supporting the national level advocacies of DSWP. And rest assured that we will be committed to these girls, and will continue to look for opportunities to expand this organization, ” Elizabeth Angsioco, National Chairperson of DSWP said. ###

About DSWP:


The Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP) is a feminist non-government organization dedicated to promoting the rights and welfare of women and girls advocating for gender equality and social justice.

 

 

 

About Organon Philippines:


Organon Philippines is a women’s health company with a commitment to delivering impactful medicines and solutions for women’s health, addressing a wide range of healthcare needs.

Creamline ready sa Petro Gazz

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

Maglaro man o hindi sina injured players Tots Carlos at Alyssa Valdez ay handa ang Creamline na sagupain ang nagdedepensang Petro Gazz sa knockout quarterfinals ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

 

 

 

Haharapin ng Cool Smashers ang Gazz Angels ngayong alas-6 ng gabi matapos ang banatan ng PLDT High Speed Hitters at Chery Tiggo Crossovers sa alas-4 ng hapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

 

 

Bukod kina Carlos at Valdez, hindi rin naglalaro sa Creamline si Jema Galanza na kasama ng Alas Pilipinas sa training.

 

 

“Ready naman kami kung hindi sila makabalik, or makabalik sila. Ready naman iyong team, especially iyong mga bench players nagco-contribute naman talaga nang husto,” ani coach Sherwin Me­neses.

 

 

Wagi ang Petro Gazz, 25-23, 25-19, 20-25, 23-25, 15-12, sa una nilang bakbakan noong Agosto 13.

 

 

Ang magwawagi sa Cool Smashers at Gazz Angels ang haharap sa Cignal HD Spikers, sinibak ang Capital1 Solar Spikers, 25-19, 36-34, 16-25, 22-25, 15-12, sa semifinals.

 

 

Aasahan ng Creamline sina American import Erica Staunton, Michele Gumabao, Bernadeth Pons, Bea De Leon, Kyle Negrito at Pangs Panaga.

 

 

Sasandigan naman ng Petro Gazz sina import Wilma Salas, Fil-Am Brooke Van Sickle, Aiza Maizo-Pontillas, Jonah Sabete, Myla Pablo at Remy Palma.

 

 

Sa unang laro, mag-

 

Tinalo ng Crossovers ang High Speed Hitters, 19-25, 25-20, 20-25, 25-21, 10-15, sa una nilang pagtutuos tampok ang 39 points ni American import Khat Bell.

Jackie Chan, magsisilbing torchbearer sa nalalapit na pagbubukas ng Paralympics 2024

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

MAGSISILBING isa sa mga torchbearer si Hong Kong-born martial arts actor Jackie Chan sa nalalapit na opening ceremony ng Paralympics sa Paris, France.

 

 

 

Ang 70 anyos na martial artist ay naatasang magbitbit sa Paralympic torch sa Paris at ipaparada ito ilang oras bago ang nakatakdang opening ceremony.

 

 

Unang sinindihan ang Paralympic flame noong araw ng Sabado sa United Kingdom, ang kinikilalang birthplace ng Paralympic Games.

 

Mula sa UK, ibiniyahe ito papuntang France sa pamamagitan ng Channel Tunnel sa pamamagitan ni wheelchair fencing medalist Emmanuelle Assmann.

 

Batay sa schedule, darating sa Paris ang naturang tanglaw pagsapit ng Miyerkules(oras sa France) para sa nakatakdang pagsisimula ng Paralympics sa araw ding iyon.

 

 

Gaganapin ang opening ceremony ng Paralympics sa Stade de France, kasama ang magarbong athletes parade sa ilang bahagi ng central Paris.

 

 

Nakatakda ang Paralympics mula Aug 28 hanggang Sept. 8, 2024 kung saan mahigit 4,400 atleta ang magpapaligsahan sa 22 sports.

 

 

Sa edisyong ito ng Paralympics, mayroong 549 medal na paglalabanan ng mga atleta.

MVP susuporta sa FIVB World Championship

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

BUHOS ang suporta ni sports patron Manny V. Pangilinan (MVP) upang maging matagumpay ang pagdaraos ng prestihiyosong FIVB Volleyball Men World Championship sa Setyembre 12 hanggang 28 sa susunod na taon.

 

 

 

Inihayag ni Pangilinan ang buong suporta nito sa isang meeting na ginanap sa PLDT office sa Makati City kasama sina Philippine National Volleyball Fe­deration (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara, MVP Sports Foundation president Al. Panlilio at PLDT Business Transformation Group Head Ricky Vargas.

 

 

“Mr. MVP has once again brought the mea­ning of sports patron to a superlative level. With Mr. MVP’s commitment, the Local Organizing Committee [LOC) will be shifting to a higher gear preparations for the world championship which is a little over a year away,” ani Suzara.

 

Mas lalong tumataas ang kumpiyansa ng Alas Pilipinas na maganda ang inilalaro sa international tournaments.

 

 

Kabilang na rito ang da­lawang sunod na bronze-medal finish sa Southeast Asia Men’s V.League na ginanap sa Manila at Indo­nesia.

 

“Those bronze medals are already milestones for Philippine men’s volleyball in Southeast Asia. The program is working and we are confident that Alas Pilipinas will make an impact in the world championship,” dagdag ni Suzara.

 

 

Sa FIVB MWCH 2025, may 32 matitikas na koponan mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang magbabakbakan sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Idaraos ang draw sa Setyembre 14 na susundan ng friendly matches sa pagitan ng dalawang Japanese club teams at Alas Pilipinas Men at Women squads sa Setyembre 7 at 8 na gaganapin sa PhilSports Arena sa Pasig City.

 

 

“We are all excited about this historic hosting because Filipino fans will get the opportunity to witness elite volleyball action from 32 teams,” ani Suzara.

 

Kasama si Pangilinan sa FIVB MWCH LOC Board na co-chaired nina Presidential son William Vincent “Vinny” Araneta Marcos, Senator Alan Peter Cayetano at Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.

 

 

Nasa LOC Board din sina Senator Pia Cayetano, Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at Phi­lippine Sports Commission chairman Richard Bachmann.

 

Naomi Osaka handa ng sumabak sa US Open

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang hindi pagsali sa US Open noong nakaraang taon dahil sa panganganak ay muling nagbabalik ngayong taon si dating world number 1 tennis player na si Naomi Osaka.
Bilang endorser ng isang sports brand ay suot nito ang signature na kaniyang sapatos.
Magsisimula ang laban nito sa Agosto 28 laban kay number 10 seed na sai Jelena Ostapenko.
Inaasahan ng maraming fans na magtatagumpay si Osaka bilang siya ang dating two-time US Open champion.

Secretary Rex kay VP Sara: Mga bata dapat proteksyunan ‘di mga nang-aabuso

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

NANININDIGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat lang na pagkalooban ng proteksiyon ang mga bata laban sa mga pang-aabusong pisikal at sekswual.

 

 

 

Hindi mananahimik ang ahensiya sa gitna ng mga seryosong akusasyon laban kay Apollo Quiboloy na nahaharap ngayon sa mga kaso ng human trafficking, sexual exploitation at pang-aabuso sa mga menor-de-edad lalu na’t hindi kayang proteksiyunan ng mga bata ang kanilang sarili.

 

 

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, palagi ng sinasabi ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr. na labis siyang naaapektuhan sa kinakaharap na pagdurusa ng mga inosente at paulit-ulit ding binabanggit na wala ng iba pang mas masakit kundi makita ang mga batang dumaranas ng pagdurusa, pasakit at walang nakikitang pag-asa sa buhay na kanila ring nadarama upang bigyang pansin ng ahensiya ang mga ganitong uri ng sitwasyon.

 

 

 

Dahil dito, naninindigan ang DSWD sa kapakanan ng mga biktima at nangakong matiyak na maibibigay ang wastong katarungan sa mga naaapi, at marinig ang kanilang tinig.

 

 

 

Nanawagan din ang ahensiya sa bise president at sa iba pang mga lider na makiisa sa pagkakaloob ng proteksiyon sa bawa’t batang Filipino at suportahan ang proseso ng katarungan na kasalukuyang umiiral upang maihatid sa hukuman ang may kagagawan.

 

 

 

Nais din ng DSWD na lahat ng mga namununo at mamamayan ay sumuporta sa legal na proseso sa paghahanap ng hustisya ng mga inosenteng biktima at maparusahan kung sino ang may sala.

 

 

 

Naninindigan ang ahensiya sa pangako ng Pangulong Marcos, Jr. na lumikha ng magandang kinabukasan para sa mga batang mamamayang Filipino at walang maiiwang mag-isa na magdurusa. (Daris Jose)