• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2024

Watch the Untold Story: The Trailer of “Super/Man: The Christopher Reeve Story”

Posted on: August 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

Get ready to be inspired by the untold story of an extraordinary hero.

 

 

 

“Super/Man: The Christopher Reeve Story” is set to hit cinemas exclusively on October 16. Don’t miss the chance to witness the incredible journey of the man who embodied Superman both on and off the screen. Secure your tickets now!

 

 

 

Christopher Reeve was more than just an actor who defined the role of Superman for a generation—he was a symbol of courage, resilience, and unwavering hope. Following a near-fatal horse-riding accident in 1995 that left him paralyzed, Reeve became an advocate for spinal cord injury research and disability rights. His advocacy, alongside his wife Dana, lives on through the Christopher & Dana Reeve Foundation, dedicated to improving the quality of life for those impacted by paralysis. Be a part of their mission by visiting christopherreeve.org/donate.

 

 

 

The film, directed by the team behind the acclaimed “McQueen,” delves into the profound impact Reeve had on Hollywood and beyond. Featuring interviews with A-list stars who were Reeve’s colleagues and friends, “Super/Man: The Christopher Reeve Story” is more than just a biography—it’s a vivid, heartfelt exploration of a life that inspired millions.

 

 

 

This powerful documentary is produced by Passion Pictures, the creators behind “Searching For Sugar Man,” and Misfits Entertainment, known for “McQueen” and “Rising Phoenix.” It’s also backed by Words + Pictures, the studio responsible for the Emmy-winning “The Last Dance” and the Oscar-winning “O.J.: Made in America.”

 

 

 

The story of Christopher Reeve is an astonishing rise from unknown actor to iconic movie star, and his definitive portrayal of Clark Kent/Superman set the benchmark for the superhero cinematic universes that dominate cinema today. Reeve portrayed the Man of Steel in four “Superman” films and played dozens of other roles that displayed his talent and range as an actor, before being injured in a near-fatal horse-riding accident in 1995 that left him paralyzed from the neck down.

 

 

 

After becoming a quadriplegic, he became a charismatic leader and activist in the quest to find a cure for spinal cord injuries, as well as a passionate advocate for disability rights and care – all while continuing his career in cinema in front of and behind the camera and dedicating himself to his beloved family.

 

 

 

From the directors of “McQueen,” Ian Bonhôte and Peter Ettedgui, this film includes never-before-seen intimate home movies and an extraordinary trove of personal archive material, as well as the first extended interviews ever filmed with Reeve’s three children about their father, and interviews with the A-list Hollywood actors who were Reeve’s colleagues and friends. The film is a moving and vivid cinematic telling of Reeve’s remarkable story.

 

 

 

Mark your calendars for October 16 and prepare to be moved by a story that celebrates the enduring spirit of a true hero. “Super/Man: The Christopher Reeve Story” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company. #ChristopherReeveStory

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Nagulat nang malaman ang nangyari sa kaibigan: CARLO, ipinagdarasal na malampasan ni SANDRO ang pagsubok

Posted on: August 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

KAIBIGAN pala ni Carlo San Juan si Sandro Muhlach na nasasangkot ngayon sa isang malaking kontrobersiya.

 

 

Naging magkaibigan sila dahil sa Sparkle.

 

 

 

Noong nalaman niya ang nangyari, ano naging reaksyon niya?

 

“Siyempre nalungkot po ako kasi kaibigan ko yun e, parang ayun po yung nangyari sa kanya. Ayun po, sana malagpasan niya po ito na may ngiti pa rin kahit papaano, and sana po hindi siya pabayaan ni Lord all throughout sa mga nangyari po sa kanya.

 

“And alam ko naman po sobrang nandun lang yung family niya para naka-support sa kanya. So ayun po.”

 

Hindi pa raw nakakausap ni Carlo si Sandro mula nang pumutok ang balita.

 

Dagdag pa ni Carlo tungkol sa initial reaction niya sa pangyayari…

 

“Nagulat actually kasi parang ano yun e, sobrang grabe siya as kaibigan, kuwela, ganun. Tapos biglang malalaman ko na ganun yung nangyari sa kanya. So ayun po.

 

“Ipagpasa-Diyos na lang po natin, kasi ayun naman po talaga…”

 

Hindi pa raw niya napapadalahan ng mensahe si Sandro.

 

Samantala, makalipas ang dalawang taon bilang Sparkle artist, wala na siya sa nabanggit na artist management arm ng GMA Network, dahil matapos na ang kontrata last April.

 

Umalis siya sa Sparkle o hindi na siya ni-renew?

 

“Hindi na po na-renew.”

 

Ayos lang raw kay Carlo kung hindi man na-renew ang kanyang kontrata.

 

“Okay lang naman po kasi kahit naman po anong mangyari sa buhay natin, kung ano pong dumating o mawala, it’s still a blessing.

 

“Kasi alam ko po na hindi po ako pababayaan ni Lord at may darating na bago na makikita. Siguro kung ano yung meron pa sa akin. Ayun, kaya thankful din ako sa KreativDen, kasi kinuha nila ako.”

 

Si Carlo ngayon ay nasa pangangalaga na ng KreativDen Entertainment ni Kate Valenzuela.

 

Hindi raw sumama ang loob ni Carlo sa Sparkle, bagkus ay labis ang pasasalamat niya.

 

“Hindi po, hindi po sumama loob ko. In fact, sobrang thankful po ako sa kanila kasi sobrang ganda po ng experience ko sa kanila,” bulalas ng guwapong binata.

 

“Madami po akong natutunan. Hindi po ako magiging ganito kung wala yung mga natutunan ko po sa buhay, hindi ko po malalaman kung wala din pong gabay sa kanila.

 

“So thankful po ako sa kanila, sobra,” patungkol pa ni Carlo sa Sparkle at GMA.

 

Nanalong Mr. Pogi sa Eat Bulaga! noong 2019 si Carlo at isinadula sa ‘Magpakailanman’ ang buhay niya na pinamagatang ‘Ang Driver Na Mr. Pogi: The Carlo San Juan Story’, pagbibidahan ito mismo ni Carlo at ipinalabas noong Setyembre 17, 2022.

 

Taga-San Pedro sa Laguna si Carlo at ilan sa mga naging proyekto niya bilang Kapuso ay ang ‘Daddy’s Gurl’ nina Vic Sotto at Maine Mendoza, at ang teleserye na ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters.’

 

Pinag-usapan rin noon si Carlo dahil matapos manalo sa Mr. Pogi ay bumalik sa pamasada ng tricycle sa panahon ng pandemic dahil nahinto ang mga taping sa GMA.

 

Talents rin ng KreativDen sina Richard Yap, Angeline Quinto at ang beauty queen/actress na si Xena Ramos.

 

Kasalukuyang inaayos na ang proseso ng pagpirma ni Carlo sa management ni Kate noong nakausap namin sa Philippine premiere ng ‘Lola Magdalena’ na pinagbibidahan nina Gloria Diaz, Sunshine Cruz, Perla Bautista, Pia Moran at Liza Lorena.

 

Tinanong naman namin si Carlo kung ano ang naging reaksyon niya nang napanood na niya finally ang una niyang pelikula.

 

“Sobrang saya ko po kasi, first time ko pong makita yung sarili ko on the big screen,” lahad niya.

 

“First movie and first po na screening na ako naman po yung nandun sa harap kasi ipe-present po namin yung movie namin.

 

“So, sobrang saya po. Wala po akong masabi kundi sobrang happy ko po ngayon.”

 

Ano ang feeling na mga legends at mga icons ang kasama niya sa pelikula?

 

Kuwento ni Carlo, “Siyempre nakakakaba kasi yun nga, mga beterana, kailangan maayos yung pakikitungo sa kanila, ayun, and ayun naman po yung nangyari.

 

“Naging okay naman po lahat, sa tapings, dito po sobrang natutuwa po at nakikita ko po ulit sila kasi sobrang mabait po sila, para po silang mga lola ko na po talaga.

 

“Pag binabati po nila ako, sobrang very nurturing. Ayun po.”

 

Young lover ng karakter ni Pia ang papel ni Carlo sa ‘Lola Magdalena’ na ang direktor ay si Joel Lamangan at ang sumulat naman ng screenplay at siya ring line producer ng pelikula ay si Dennis Evangelista.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Sa hindi mamatay-matay na gender issue: Sagot ni STELL: ‘if ever man na ganun ako, ano’ng problema?’

Posted on: August 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

 

SINAGOT na ng SB19 member na si Stell Ajero ang hindi mamatay-matay na gender issue sa kanya.

 

 

 

Sa naging interview ni Boy Abunda sa P-pop Kings na SB19 as programang Fast Talk with Boy Abunda, tinanong niya ang mga ito tungkol sa mga kumukuwestiyon sa kanilang sexuality.

 

 

 

“Kaakibat ng pagsikat ay kontrobersiya. Isa na dito ‘yung sexuality. What do you wanna say?” tanong ni Boy sa SB19.

 

 

Si Stell ang unang sumagot, “’Di ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto ‘yung ganung klaseng bagay? Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na kung if ever man isipin nilang ganun.

 

 

“Kasi if ever man ganun ako, what’s the problem?”

 

 

Matapang pang sabi ni Stell, “So, if ever man na ganun ako, ano’ng problema? So, may issue ba tayo kung example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa akin? Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi.”

 

 

Tanggap din ni Stell na mahilig mag-ship ang kanilang fans kahit sa kaniyang kapwa SB19 members.

 

 

“Katulad nga po nung mga ganu’ng issue, na mahilig ‘yung mga fans sa shipping. Hindi namin maiiwasan ‘yun. Kasi kami nga minsan nagkaka-ano rin kami, bakit parang ganun ‘yung tingin ng tao, e, sa ‘min parang normal naman ‘yun bilang magkakaibigan. Sa ibang tao, iba pala ‘yung iniisip nila,” paliwanag pa ni Stell.

 

 

Kaya nakikiusap ni Stell sana raw ay tigilan na ang mga kanegahan. Gusto lang daw nila ay maging masaya ang lahat at ma-enjoy ang mga ginagawa para sa kanilang fans.

 

 

“Wala naman kaming problema sa mga ganoong klaseng issue kasi willing naman po kaming sagutin lahat,” sagot pa niya.

 

 

Mapapanood si Stell sa pinakabagong The Voice Kids sa GMA. Makakasama rito ni Stell sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at kanilang pinuno sa SB19 na si Pablo.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Sa viral ‘kandungan’ video nila ni Kobe: KYLINE, walang dapat i-explain and ‘what you see is what you get’

Posted on: August 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ngang naba-bash ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara, matapos mag-viral ang ‘kandungan’ video nila ng rumored boyfriend na si Kobe Paras.
Makikita nga sa kumalat na video na nakakandong si Kyline kay Kobe habang kumakanta ang huli ng “Hinahanap-Hanap Kita” ng Rivermaya.
Nakapulupot ang mga braso ng cager sa baywang ng dalaga hanggang sa magkatitigan sila. Hinalikan pa ng anak ni Benjie Paras ang balikat ni Kyline, na kinakiligan din naman nang nakapanood, dahil sa sobrang kaswitan.
Marami ding nangnega sa Kapuso actress dahil tila paglalantad nito sa relasyon nila ni Kobe, matapos ang pagdedenay sa kanilang relasyon.
Ilan pa sa mababasang comments sa socmed ay nagsabing mukhang tama raw ang pagkontra ni Carmina Villarroel sa pakikipagrelasyon noon ni Kyline sa anak niyang si Mavy Legaspi.
Hindi nga naging maganda ang breakup nina Mavy at Kyline kung saan nadamay si Carmina, na itinuturong isa sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Samantala, nagbigay ng reaksyon si Kyline sa kilig viral video at sa mga nagtatanong sa real score sa kanila ni Kobe.
“I feel like it’s my right to not answer or to answer questions…to deny nor confirm anything,” say ni Kyline.
Dugtong pa aktres, “I don’t need to explain myself din naman po to other people. Whatever they see is that’s what they’re gonna get.
“As long as alam ng pamilya ko at yung mga close kong mga kaibigan, my loved ones, what’s really happening behind cameras…I feel like I don’t owe the public any explanation naman po.”
Ilan naman naging komento ng netizens sa isang entertainment blog:
“You’re a public figure talagang may say ang public sa’yo. Wag kang mag artista para no comment mga tao sa’yo or no need mo mag explain.
“İni-explain lang nya na nandun ang family, relatives, & close friends nya during na “kandungan” happening. At take note, wala silang malisya dun. Kayo lang na mga INGGITERS at MARITESES ang sobrang naaafek!
“Ang nakita ko ay indecency, shamelessness.
“luh anong masama sa ginagawa nila? kung in a relationship naman sila. OA ka masyado.
“Mag jowa naman sila. Let them be.
“I guess it looked cheap kasi parang nasa inuman sa kanto hahaha. If you change it to a beautiful scenery and just the two of them it’d have been romantic. I guess.
“Pwede namang maging magjowa ng looking respectful pa rin.
“This is not us being conservative, this is us being decent.
“Kumandong lang, indecent na?
“I wonder why they just don’t admit that they are casually dating? People already see the both of them being very physically close with each other.
“Lampungan??? Inggit ka lang, kasi isang KOBE PARRAS ang kumandong kay beybi KY!
“marami pa silang ganyanan kaya relax ka lang. Ingatan mo 🫀mo dahil baka atakihin ka sa sobrang kaSWEETan nila, hihihi!
“Ang sweet. Halatang in-love na in love. Napakasarap mainlove.
“We understand naman that they are young lovers and are free to express affection to each other however they want. Ang isyu lang dito ay ‘yung pagiging appropriate ng public display. Bahagi din kasi ng social norms and propriety ay consideration sa mga tao sa paligid. May mga bagay na mas okay gawin in private.
“Kanya-kanyang language of love yan as a couple. Obviously clingy or physical touch sila at walang pakialaman. Nasa tamang age na sila.Ok Di ka nga inggit pero pakialamera ka naman.
“kung diretso kang umamin na kayo na eh di malinaw na walang masama sa pagkandong. eh kaso dami mong kuda para mapag usapan.. .ksp ka girl
“I’m a tita na pero til now naman kinakandong ako ng partner ko. Pano naging indecent yun huhu
“Yan hirap sa showbiz natin kelangan magtanong ng personal question. Hindi mabubuhay na hindi magtanong ng mga ganyang bagay.
“Di sya makasagot kasi nauna na yung lalake na magsabi na friends lang sila..
“Hindi daw sila inggit, pero makalait wagas! Hahahah.
“Basta ko happy ako for them. Go KoLine! Post pa kayo ng sweet pics pls para lalong mainis tong mga manang dito hahhahah
 
(ROHN ROMULO)

P340K shabu nasamsam sa 2 HVI drug suspects sa Valenzuela

Posted on: August 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong mga suspek na sina alyas Emmon, 27, ng Brgy., Veinte Reales at alyas Banak, 30, ng Caybiga, Caloocan City na kapwa nakapiit ngayon sa custodial facility unit ng Valenzuela police.

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cayaban na dakong alas-6:50 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may stimated value na P340,000, buy bust money na isang P1,000 bill at 16 pirasong P1,000 boodle money, dalawang cellphones, P220 recovered money, coin purse at isang motosiklo.

 

Ayon kay SDEU Chief P/Capt. Joan Dorado, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek kaya agad siyang bumuo ng tean sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

 

Ani PMSg Carlos Erasquin Jr., kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)

QC Government itinanghal na Most Competitive LGU

Posted on: August 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUMANGGAP ng limang parangal ang Quezon City, kabilang ang Overall Most Competitve Local Government Unit sa ilaim ng Highly Urbanized Category.

 

Ang nasabing parangal ay iginawad ng Creative Cities and Municipalities Congress 2024 sa ilalim ng Department of Trade and Industry.

 

Nakopo ng QC LGU ang matataas na pwesto sa mga kategoryang Overall Most Competitive LGU, Most Competitive Infrastructure at tumanggap din ng special award mula sa Intellectual Property Office of the Philippines.

 

Sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang mga pagkilalang ito ay pagpapatibay sa magandang trabaho ng pamahalaang lungsod para sa kapakanan ng lahat ng kanyang mamamayan.

 

Sabi pa ng alkalde, iniaalay nya ang mga award na ito sa ating mga katuwang sa paglilingkod sa pamahalaang lungsod at sa mga mamamayan na walang patid na nagtitiwala sa kakayahan ng siyudad na magsilbi.

 

Nakuha rin ng Quezon City ang ikalawa at ikatlong pwesto para sa Most Competitive Innovation at Most Competitive para naman sa Resiliency award categories.

 

Magsisilbing inspirasyon ang mga nabanggit na award upang mas lalo pang pagbutihin ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang pagseserbisyo sa tao

 

Iginawad ang mga nasabing pagkilala at parangal sa katatapos na Cities and Municipalities Competitiveness Index 2024 na ginanap sa Manila Hotel.

 

Ito ang ika-apat na pagkakataong sunud-sunod na nakamit ng QC LGU ang Most Cletitive Local Government Unit Award mula noong maluklok sa Hall of Fame ang Lungsod. (PAUL JOHN REYES)

DOTr ipinagpaliban sa Oct. 1 ang implementasyon ng bagong regulasyon sa toll

Posted on: August 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGPALIBAN sa October 1 ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng bagong regulasyon tungkol sa mga toll expressways.

 

 

Ang binagong regulasyon ay nakalagay sa Joint Memorandum Circular (JCM) 2024-01 na nilagdaan nina Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Vigor Mendoza II at Toll Regulatory Board (TRB) executive director Alvin Carullo noong August 1.

 

“We hope the concerned agencies and tollway operators would use the 30-day deferment to fine tune expressway operations and further intensify the public information campaign to enable tollway users to comply with the new guidelines. The revised guidelines should significantly improve traffic along expressway through cashless or contactless toll plazas,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

Ngayong August 31 na sana ipapatupad ang nasabing bagong regulasyon tungkol sa toll subalit ipinagpaliban ito.

 

Sa ilalim ng JMC, binibigyan ng multa ang kakulangan ng mga nakalagay na toll collection (ETC) device o di kaya ang hindi sapat na load balance sa mga sasakyan na may radio frequency identification device (RFID). Palalakasain rin ng LTO ang deputization ng mga tollway enforcers ng 2 grupo ng tollway operators.

 

Ating matatandaan na noong 2021 ng ipinag-utos ng TRB ang pagkakaroon ng cashless expressway sa pamamagitan ng paglalagay ng isang exit lane para sa cash transactions sa mga toll plazas upang sundin ang kautusan mula sa DOTr.

 

Tinatawagan naman ni Bautista ang mga motorista na suportahan ang bagong regulasyon sa pamamagitan ng pagsunod sa JMC na kung saan ang mga expressways ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng TRB.

 

Sa ilalim ng bagong regulasyon, ang isang motorista na papasok sa toll roads na walang valid na RFID o ETC device kasama na ang pagkakaroon ng dilapidated na ETC ay mumultahan bilang “No Valid ETC Device” na may kaukulang multa: Unang di pagsunod – P1,000; Ikalawang di pagsunod – P2,000; at mga kasunod na di pagsunod – P5,000 kada offense.

 

Habang ang mga motorista na lalabas ng mga expressways na may insufficient balance ay mumultahan bilang “insufficient load” na may kaukulang multa: Unang di pagsunod -P 500; Ikalawang di pagsunod – P1,000, at mga kasunod na di pagsunod – P2,500 kada offense.

 

Ang gumagamit naman ng fraudulent, tampered o fake na RFID at e-card sa pagpasok at paglabas ng toll expressway bibigyan ng multa bilang “Fraudulent or Falsified ETC” na may kaukulang multa na: Unang pagkahuli – P1,000; Ikalawang pagkahuli – P2,000; at Kasunod na pagkahuli – P 5,000 kada offense.

 

“Erring motorists with RFID-related violations represent 9% of all the motorists using the toll expressways who are unfortunately are the ones causing the unnecessary delays and long queues at the toll plazas,” saad ni Carullo. LASACMAR

Pangako ni PBBM, pangangalagaan ang lumalalim na ugnayan ng Pinas sa Cambodia

Posted on: August 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

NANGAKO ang gobyerno ng Pilipinas na pangangalagaan nito ang lumalalim na bilateral relations sa Cambodia gaya ng ginagawa nitong patuloy na pangangalaga sa mga kaalyadong estado sa buong mundo.

 

 

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa courtesy call ni Cambodia’s Deputy Prime Minister Sok Chenda Sophea, araw ng Martes.

 

 

“I hope we can continue this. We will foster this relationship and continue to improve the relationship that we have had for many, many years,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Si Sok Chenda Sophea ay nasa Pilipinas para tumayong co-chair para sa 4th meeting ng Cambodia-Philippines Joint Commission for Bilateral Cooperation sa Pilipinas bunsod na rin ng imbitasyon ng Department of Foreign Affairs.

 

 

Layon ng pagpupulong na i-assess ang progreso kung saan ginawa ang pagpapatupad ng mga kasunduan na napagtagumpayan ng dalawang bansa sa panahon ng 3rd meeting ng Cambodia-Philippines JCBC noong December 2021.

 

 

Kapwa naman napanatili ng Pilipinas at Cambodia ang masayang ugnayan ng mga ito simula ng magpatuloy ang kanilang diplomatic relations noong 1995. (Daris Jose)

2nd contempt order kay Cassandra Ong binawi na ng Quad Comm

Posted on: August 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

BINAWI na ng Quad committee ng House of Representative ang ikalawang contempt order laban kay Cassandra Ong.

 

 

 

Kasama rin na binawi ang paglagak sa kaniya sa Women’s Correctional sa lungsod ng Mandaluyong.

 

 

Ito ay matapos na pumayag na rin si Ong na pirmahan ang waiver para masilip ng Anti Money Laundering Committee ang mga bank accounts niya.

 

 

Paglilinaw naman ni Laguna Representative Dan Fernandez isa sa mga chairpersons ng panel na mananatili naman ang unang contempt order kay Ong na manatili sa kustodiya ng House of Representatives.

 

 

Tinanggal naman ng panels ang contempt at detention order laban kay Lucky South 99 documented corporate secretary Ronelyn Baterna.

 

 

Ibinunyag ni Baterna na nagbibigay ito ng mga tseke sa mga kliyente ng Lucky South 99 kung saan ang pinakamalaking halaga na naibigay nito ay nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.

 

 

Ang nasabing mga pera para sa tseke umano ay galing kay Ong.

 

 

Napilitan namang ilantad ni Ong na mayroon siyang maraming accounts sa Chinabank na kaniyang ginagamit sa mga transaksyon Lucky South 99.

 

 

Nagtungo umano rin ito sa Singapore at dumiretso ng Malaysia para kitain ang nobyong si Wesley Guo ang kapatid ng pinatalsik na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

 

 

Una ng na-cite in contempt si Guo at inatasan na ilagay sa kustodiya ng correctional facility dahil sa hindi nagbibigay ng kasagutan sa mga tanong na ipinapangalandakan niya ang kaniyang karapatan na manatiling tahimik. (Daris Jose)

P73.28 milyong confidential funds ni VP Sara pinasosoli ng COA

Posted on: August 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ng Commission on Audit (COA) si Vice President Sara Duterte na isoli ang P73.28 milyon na bahagi ng P125 milyong confidential funds na ginasta ng tanggapan nito sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022 dahil ang nasabing item ay itinuturing na ‘disallowed fund” sa ilalim ng regulasyon ng pamahalaan.

 

Ang “COA’s notice of disallowance” na may petsang Agosto 8, 2024 ay nabunyag sa budget hearing ng House Committee on Appropriations sa panukalang P2.037 bilyong pondo ng tanggapan ni Sara para sa 2025.

 

 

Una nang lumutang na ang P125 milyong confidential funds ay ginasta ng OVP sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022. Ang paghimay sa pondo ng OVP ay inabot ng gabi pero walang napigang tugon ang mga mambabatas.

 

 

“The disallowed expenditures, amounting to nearly two-thirds of the total confidential funds, included payments for rewards in the form of goods rather than cash, and the procurement of tables, chairs, desktop compu­ters and printers — expenses that appeared inconsistent with the intended use of confidential funds,” anang COA.

 

 

Ipinaliwanag ni COA Assistant Commissioner Alexander Juliano na ang ibig sabihin ng “notice of disallowed funds” ay sobra-sobrang paggasta, wala sa item na kung sa gamot ay bultu-bulto na labis sa pangangailangan na nasayang matapos na ma-expired.

 

 

Sinabi naman ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na ang P40-M sa confidential funds ng OVP ay ginasta sa medical at food aid na kinuwestiyon ang mabilisang paggasta sa nasabing halaga.

 

 

“So ang ibig sabihin ito, Madam Chair, konting math, pumapatak na ?3.64 million kada araw ang gastos para sa food and medical aid. So hindi natin maintindihan paano ito ginastos in 11 days,” ayon pa kay Castro. (Daris Jose)