• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 9th, 2024

DreamWorks Animation’s ‘The Wild Robot’, tops the box office and earns critical praise for its emotional depth and stunning visuals

Posted on: October 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DreamWorks Animation has once again delivered an animated masterpiece! The highly anticipated adaptation of Peter Brown’s award-winning and best-selling novel, The Wild Robot, debuted at the top of the U.S. box office with an impressive $35 million opening weekend.

 

The film has received widespread acclaim from both critics and audiences, earning a stunning 98% audience score on Rotten Tomatoes.

 

DiscussingFilm hailed The Wild Robot as “an instant classic,” noting that DreamWorks Animation is continuing its “hot streak” with this film. Their review praises it as “undoubtedly one of the best animated films of the year,” solidifying its place as a standout cinematic experience for all ages.

 

Vulture’s review singles out the voice acting of Academy Award®-winner Lupita Nyong’o, who brings Roz, the titular robot, to life. “Nyong’o is a star who already has an Oscar (and should probably have a second), but she does some of her best, most challenging work here,” they write. Her performance, coupled with the film’s gorgeous visuals, transforms The Wild Robot into a heartwarming and unforgettable family movie.

 

Parents and families alike are finding an emotional connection with The Wild Robot. Nerdist awarded the film a perfect five stars, with one reviewer sharing a deeply personal reflection: “While I know this is not a reflection of its quality, on a personal level as a dad The Wild Robot leveled me. I was tearing up throughout the film. And when it ended I wanted to go straight home to hug my son. I’ve never seen any film better capture what it’s like to be a parent. This movie understands on an intimate level the challenges and rewards of having a kid,” they write.

 

Film highlighted the movie’s stunning artistry, stating, “The most striking thing about The Wild Robot is how it continues mainstream animation’s ongoing visually inventive streak (the Spider-Verse movies, Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, Puss in Boots: The Last Wish). This CG-animated film has a sumptuous, painterly quality that magics brushstrokes out of pixels. It’s delightful to gawp at, and makes the ideal canvas for the tech-meets-nature story.”

 

The voice cast of The Wild Robot boasts an impressive roster of talent. Lupita Nyong’o leads as Roz, supported by Emmy and Golden Globe nominee Pedro Pascal as the clever fox Fink, Emmy winner Catherine O’Hara as Pinktail the opossum, and Oscar® nominee Bill Nighy as the wise goose Longneck. Rising star Kit Connor plays Brightbill, Roz’s adoptive son, while Stephanie Hsu portrays Vontra, a fellow robot who intersects with Roz’s journey.

 

Other standout voices include pop-culture icon Mark Hamill, Matt Berry, and Ving Rhames, adding further depth and charm to this enchanting tale.

 

Ready to Go Wild?

The Wild Robot is set to take audiences in the Philippines on a thrilling, emotional journey when it opens in cinemas today, October 9. Whether you’re drawn in by its stunning visuals, heartfelt storytelling, or powerhouse voice performances, this film promises to leave a lasting impression.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Para mai-share ang talent sa international stage: CHANTY, happy na nabigyan din ng opportunity tulad ng SB19

Posted on: October 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FLATTERED raw si Wilma Doesnt na maging bahagi ng main cast ng GMA top-rating show na ‘Abot Kamay Na Pangarap’.

 

Lahad niya, “Alam mo nakaka-flatter, kasi bago ako naging ninang ni Analyn, ninang na talaga ako ng marami kong pamangkin.

 

“So ngayon si Analyn ang nagpa-confirm na ako talaga ang tunay na ninang ng bayan!

 

“So proud na proud ako doon kasi konti na lang ang tumatawag sa akin ng Wilma Doesnt.

 

“Minsan magugulat ka paglingon mo, ‘Lola, ang tawag niyo sa akin Ninang Josa?!’

 

“So ako na talaga si Ninang, by the name, Josa,” tawa ng tawang tsika sa amin ni Wilma.

 

And Analyn of course ay ang bida ng serye na si Jillian Ward.

 

Magtatapos na sa October 19, 2024, umere ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa loob ng mahigit dalawang taon.

 

At dahil magtatapos na ang serye, magpapahinga muna si Wilma.

 

Tututukan muna niya ang kanyang negosyong five-star carinderia, ang Chicks Ni Otit sa Tagaytay at sa Cavite.

 

Posible raw na magtayo na sila ng ikatlong branch nitoMay mensahe si Wilma para sa mga tumatangkilik ng Chicks Ni Otit. “Ay maraming, maraming, marami at walang hanggang pasasalamat po sa lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa aking 5-star carinderia.

 

“Alam niyo ho yan, ang puso ko po ay talagang maligaya dahil isa lang po ang lagi kong naiisip; ang lahat ho ng pera niyo ay pupunta sa bulsa ko,” ang humalakhak na wika ni Wilma.

 

***

 

BILANG miyembro ng sikat na K-pop girl group na Lapillus, masaya si Chanty Videla na umaalagwa rin maging sa ibang bansa ang mga Pinoy groups, tulad ng SB19.

 

“Ano po, I feel so proud and siyempre kasi yung mga Filipino naipapakita natin sa international stage na kaya rin natin yung mga ginagawa ng mga K-pop or kahit na sino man yan,” pahayag ni Chanty.

 

“And magagaling naman po kasi talaga ang mga Pilipino lalo na po sa pagkanta and kilala rin po tayo na magagaling na singers.

 

“So I’m happy na isa po ako sa mga Filipino na may opportunity to share our talents po in the international stage, just like SB19.”

 

At dahil maganda at matangkad, natanong namin si Chanty kung may plano siyang sumali ng beauty pageant.

 

Lahad niya, “Isa po yun sa mga dream ko rin po in the future. Hopefully yeah, matagal-tagal po siyang preparation, so yeah.”

 

Nasa GMA teen show na MAKA si Chanty kasama sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, at ang iba pang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, at May Ann Basa na kilala rin bilang si Bangus Girl.

 

Napapanood ito tuwing Sabado, 4:45 ng hapon.

 

 

 

 

(ROMMEL. L. GONZALES)

Tatakbo bilang second nominee ng isang party list: NORA, nanggulat sa pagsipot sa Comelec upang maghain ng COC

Posted on: October 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI ang naglat sa biglaang pagsipot ni Nora Aunor sa Comelec upang maghain ng kanyang COC bilang second nominee ng isang bagong tatag na party list.

 

 

Yes, pangalawang nominee lamang si Nora.

 

Kumbaga, kailangan makakuha ng more than 2 million votes o dapat nangunguna sa mananalong party list sa 2025 elections ang party list ni Nora.

 

Napanood namin ang live coverage sa ginawang paghain ng Superstar.

 

Medyo hinihingal ang premyadong aktres na para bang may iniindang na karamdaman.

 

Sa kanyang talumpati matapos maghain, “Ninenerbiyos ako talaga.

 

Hindi ko po inisip na mapunta ako dito na magsasalita sa harap ninyo. Pero sa kagustuhan ko pong makatulong po sa ating mga kababayan, makatulong po sa mga kasamahan ko sa industriya ng musika, industriya ng puting-tabing, at sa entablado.

 

“Kaya po ako naglakas-loob at talagang gustong makatulong para sa lahat, lalo na sa ating mga kababayan” sey pa ng National Artist.

 

Sa totoo lang, kung ilang beses na ring sinubukan ni Nora na pasukin ang mundo ng pulitika pero laging bigo ang aktres.

 

Hindi nga naman kagaya ng kanyang kumareng Star for All Seasons na unang sabak pa lang sa pulitika ay naging mayor na ng Lipa, naging gobernador at naging congresswoman.

 

Naging kinatawan ng NORAA Party-list o National Organization for Responsive Advocacies for the Arts sa halalan noong Mayo 2022. Pero hindi siya pinalad na manalo.

 

Kumandidatong gobernador ng Camarines Sur noong 2001, pero hindi talaga nakatadhanang magsilbi si Nora as public servant.

 

Sa kanyang muling pagsabak bilang representative ay higit na marami ang nag-aalala para sa kalusugan ni Nora.

 

Kumbaga, higit na mas kailangan ng aktres ang tulong dahil hinihingal siya sa pagsasalita at napansin ito nang husto nang magsadya siya sa Manila Hotel para sa filing ng kanyang kabdidatura.

 

***

 

NAGHAIN na rin ng kanyang Certificate of candidacy si Isko ‘Yorme’ Moreno.

 

Kumpleto ang lahat ng mga tatakbong congressmen at mga kunsehal na nasa tiket ni Yorme.

 

Bukod sa bise alkalde niya na si Che Atienza na dating showbiz personality ay kasama rin pala sa slate ni Yorme si Mocha Uson na tatakbong kunsehal din.

 

Tumindi lalo ang patutsadahan nina Yorme at incumbent Mayor Honey Lacuna…

 

Unang nagpatutsada na pasigaw pa niyang binanggit na, “Huwag ka Nang Bumalik”.

 

Kaya nang ma padaan ang motorcade nina Yorme sa Manila City Hall ay sinagot naman ng mga supporters na, “Babalik na si Yorme, bababa ka na”, huh!

 

Incidentally, sa latest survey ay nangunguna pa rin si Yorme at malayong-malayo si Mayor Lacuna na halos magkasingdikit lang sa isa pang tumatakbong mayor na si Cong. Sam Versoza.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Ayon sa obserbasyon ng mga netizen: Cryptic post ni KYLIE sa pagiging ‘great leader’, patama raw kay ALJUR

Posted on: October 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HULA ng netizens ay pinatatamaan ni Kylie Padilla ang kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica sa kanyang viral cryptic post sa Facebook noong October 7.

 

 

After kasing mag-file ng Certificate of Candidacy (CoC) si Aljur para tumakbo bilang councilor sa Angeles, Pampanga ay naglabas ng kanyang opinyon si Kylie sa mga katangian ng isang magaling na leader.

 

 

“A good indicator of a great leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community.

 

 

“A man who raises his kids with good values, integrity and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles.

 

 

“A man who has a heart close to God. Service is about what you can do for others, not what they can do for you,” pahayag ni Kylie.

 

 

Umulan naman ng katakot-takot na likes and comments ang post na ito ng Kapuso aktres at marami rin ang nag-reshare nito.

 

 

Ilan sa naging komento ng netizens:

 

 

“Very true.. I really salute. Kylie you’re truly a smart woman.”

 

 

“A good father is an example of a good leader.”

 

 

“Ang tunay na lalaki sa pamilya muna mag serbisyo at maging mabuting impluwensya sa mga anak, at may respeto sa asawa… kung dun pa lng failed na. Panu pa kaya sa kinasasakupan.”

 

 

“So true. Since family is the smallest unit of society.”

 

 

“Basta Kylie Padilla if gusto mo makipag-usap sa amin on air sa #TalktoPapa, welcome ka anytime! Pag-usapan natin ang problema mo!”

 

 

“Sa True .. kung PamilYa palang naLigwak na what more sa mamamayan hehe.”

 

 

“Absolutely! How can you lead the community ,when you’re not even a good leader to your family in the first place.”

 

 

“This statement impacts both Aljur and her father. The nerve.”

 

 

“Hugs Kylie, I feel you! Cheers to all single moms.”

 

 

***

 

 

BILANG mandato ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng mga pelikula, palabas sa telebisyon at media items, ibinalita ng Ahensya na nakapag-rebyu ito ng 21,244 materyal nitong Setyembre.

 

 

Kabilang diyan ang 21,003 Television programs, plugs at trailers. Nakapag-rebyu rin ng 57 pelikula, 56 movie trailers, 127 publicity materials at isang optical media ang 31 Board members.

 

 

Para malaman ang mga pinakahuling ratings at klasipikasyon ng bawat pelikula, hinikayat ng Board ang publiko na sundan lamang ang opisyal na social media page ng MTRCB, o bisitahin ang website: mtrcb.gov.ph

 

 

Patuloy namang nagsisikap ang MTRCB na maging kaagapay ng pamilyang Pilipino tungo sa responsableng panonood sa Bagong Pilipinas.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Medical community highly supports reinstatement of school-based immunization program for HPV to combat cervical cancer in the Philippines

Posted on: October 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IN A concerted effort to fight cervical cancer, medical societies and health advocates are in full support of the reinstatement of the School-Based Immunization Program (SBIP) targeting girls aged 9 to 14 for HPV vaccination. This initiative is crucial, as cervical cancer remains a significant public health concern in the Philippines, claiming the lives of 12 women every day. The World Health Organization (WHO) emphasizes that cervical cancer is highly preventable through vaccination against human papillomavirus (HPV), the leading cause of this disease.

 

 

In a recent media forum titled Isang Boses Laban sa Cervical Cancer, Dr. Lulu Bravo Executive Director of the Philippine Foundation for Vaccination said, “The Foundation supports the reinstatement of the School-Based Immunization Program to prevent cervical cancer and meet WHO’s 90% coverage target. We advocate for a coordinated national and local effort to prevent cervical cancer through vaccination, screening, and improved treatment access.”

 

 

The need for comprehensive education about HPV and cervical cancer is paramount. Many parents remain unaware of the critical role vaccination plays in preventing the disease. Dr. Orlaud Tantengco shared insights from the DEFEAT HPV study, “HPV viruses can be categorized into different types, much like a family tree. HPV 16 and 18 are among the more aggressive strains, classified as high-risk types because they are more likely to lead to cervical cancer. However, our study in showed that HPV 52 was the most prevalent genotype.”

 

 

Dr. Ingrid Magnata, Jhpiego Country Program Manager, emphasized “the HPV vaccine has been available since 2006, and it was introduced in the public sector around 2014.” However, experts urged the government to aim for protection against a wider array of genotypes.

 

 

“We support the use of a cost-effective HPV vaccine that targets the most number of prevalent and emerging types, and advocate for catch-up vaccinations for girls who missed previous doses,” Dr. Bravo added.

 

 

Uniting health and education

Collaboration among various sectors is vital for a successful immunization initiative. The Department of Health (DOH) and the Department of Education (DepEd) are working together to ensure that health education and vaccination efforts reach children where they are—at school. Dr. Carmina Vera, Medical Officer IV, Department of Health highlighted the importance of this partnership: “We aim to identify eligible populations to ensure equitable access for the most vulnerable groups in the country. By administering vaccines in schools, we can implement health education and collect parental consent more effectively.”

 

 

Dr. Carmen Nievera, from the Pediatric Infectious Disease of the Philippines (PIDSP), emphasized the significance of the initiative, stating, “Investing in our children’s health today will yield substantial benefits for the future. Vaccination against HPV is not just a personal health choice; it’s a public health imperative that we must embrace collectively.”

In addition to vaccination, enhanced cervical cancer screening is critical. While the HPV vaccine provides essential protection, regular screening can identify precancerous changes early, allowing for timely intervention.

 

Quezon City District 1 Councilor Charm Ferrer, a cervical cancer patient herself and women’s health advocate, highlighted the importance of disease knowledge. “Anyone with a cervix can be at risk for cervical cancer, and unfortunately, we can all be carriers, regardless of gender,” Coun. Ferrer said, “We hope our advocacy leads to a national effort to eliminate cervical cancer in the Philippines.”

 

 

One community, one voice

In a collective effort to combat cervical cancer in the Philippines, various medical societies have come together to emphasize the importance of HPV vaccination. Their commitment statements reflect a shared dedication to increasing vaccination rates, enhancing screening programs, and providing accurate information about HPV and cervical cancer.

 

 

Dr. Mildred Manalac-Mariano from the Philippine Medical Association (PMA) stated, “We support the promotion of the importance of vaccination against the human papillomavirus to prevent cervical cancer and decrease the cases.”

 

 

Dr. Martha Millar-Aquino of the Philippine Infectious Disease Society of Obstetrics and Gynecology (PIDSOG) pledged, “We are dedicated to implementing comprehensive strategies to tackle this disease head on. We pledge to increase the screening rates among women.”

 

 

Dr. Kristine Bajandi, Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) added, “Collaborative efforts among stakeholders are essential to ensuring access to cost-effective vaccines to protect future generations from vaccine-preventable diseases.”

 

 

Dr. Deborah Red from the Society of Adolescent Medicine of the Philippines (SAMPI) and Philippine Society of Adolescent Medicine Specialists (PSAMS) affirmed, “We commit to provide accurate information on HPV vaccination to healthcare providers, adolescents, and parents.”

 

 

Dr. Therese Mallen of the Pediatric and Adolescent Gynecology Society of the Philippines (PAGSPHIL) highlighted the need for empowerment through education, stating, “We advocate for empowerment of adolescents through early comprehensive reproductive health education and awareness about cervical cancer and HPV.”

 

 

Dr. Joan Millonado from the Philippine Ambulatory Pediatric Association (PAPA) expressed optimism about ongoing health literacy initiatives: “Through these initiatives, such as our continuing medical education activities, we are moving a few steps closer towards our goal of achieving cervical cancer elimination and promoting health across all populations.”

 

 

Finally, Dr. Margaret Alfonso also from PAPA reinforced their mission, stating, “We advocate for preventing cervical cancer through vaccination.”

 

 

The united commitment of these medical societies marks a significant step toward enhancing HPV vaccination rates and ultimately reducing cervical cancer incidence in the Philippines. The call to action is clear: community engagement, education, and a united effort to promote preventive healthcare are essential in the fight against cervical cancer. As advocates rally for the reinstatement of the SBIP and the promotion of HPV vaccination, the message remains strong—cervical cancer is preventable, and collective action is needed to safeguard the health of Filipinos.

Elevate team ng bansa kampeon sa 2024 Call of Duty Mobile

Posted on: October 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAMIT ng Pinoy E-sport team na Elevate ang kampeonato ng 2024 Call of Duty Mobile (CODM) World Championship.

 

 

Ito ay matapos na talunin nila ang Qing Jiu Club ng China sa torneo na ginanap sa Atlanta, Georgia, USA.

 

 

Nadomina ng Elevate sa Summit, Firing Range, Raid at Hacienda sa Grand Finals ang Chinese team.

 

 

Binubuo ito nina Peejay, Yopi, kLo, susanoo, KenDy, Olea, at Luffy na ngayon ay mayroong prestiyoso na may pinakadominante sa kasaysayan ng CODM matapos na magwagi sa season 7 at 8 ng Garena Master, CODM 2024 Garena Finals, CODM CDSI 2024.

 

Tila pagganti ang ginawa ng Elevate dahil sa tinallo ng Qing Jiu Club sa playoffs ang Pinoy team na Stalwart.

 

 

Mayroong silang kabuuang panalo na P22.7 milyon na lion’s share na $1-milyon prize pool.

LeBron, Bronny gumawa ng NBA history

Posted on: October 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GUMAWA ng kasaysayan si LeBron James at anak ni­yang si Bronny James, Jr. bilang unang father and son na sabay na naglaro sa isang NBA game.

 

 

Nangyari ito sa 114-118 preseason loss ng Los An­geles Lakers sa Phoenix Suns kahapon sa Arcisure Arena.

 

 

Ginawa nina James at Bronny ang historic moment sa pagsisimula ng second quarter nang pu­­masok sa laro ang 22-anyos na rookie para ma­­kasama ang kanyang 39-anyos na tatay sa court.

 

 

“For a father, it means everything,” sabi ni James. “For someone who didn’t have that growing up, to be able to have that influence on your kids and have i­nfluence on your son. Be able to have moments with your son. And ultimately, to be able to work with your son. I think that’s one of the greatest things that a fa­t­her can ever hope for, or wish for.”

 

 

Nauna nang sinabi ni La­kers coach JJ Redick na sabay na maglalaro sina James at Bronny bilang professionals sa preseason.

 

“Just wanted to get them a chance to play to­­gether in preseason … within the flow of the game,” sabi ni Redick. “I’m thrilled that I get to be a part of this. I really am. It’s cool as a basketball fan.”

 

 

Habang sabay silang naglaro sa loob lamang ng apat na minuto at siyam na segundo ay mayroon na­mang mga hindi makakalimutang sandali.

 

 

Bago pa man kunin ng Lakers si Bronny bilang 55th overasll pick sa NBA Draft noong Hunyo ay nag­pa­ramdam na si James ng kagustuhang makasabay ang anak sa court.

 

 

“I’m prepping for the game like it’s regular game,” ani James na sasalang sa kanyang ika-22 season. “But the moment when we came out of the timeout and he was picking up full court and I went up — because my guy was taking the ball out. We stood next to each other and I kind of looked at him, and it was just like, ‘Is this The Matrix or something?’ It just didn’t feel real.”

 

 

Tumapos si James na may 19 points mula sa 8-of-12 field goal shooting, habang walang naiskor si Bronny sa 13:25 minuto.

 

 

Philippine rugby team ng bansa wagi ng 2 gintong medalya

Posted on: October 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAGI ng dalawang gintong medalya ang national rugby team ng bansa na Philippine Volcanoes.

 

 

Nakuha nila ang gintong medalya ng men’s and women’s events sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy na ginanap sa Nepal.

 

 

Noong Sabado ay tinalo ng men’s team ang Chinese Taipei 27-14 sa finals habang tinalo ng women’s team ang India 7-5.

 

 

Sinabi ni Ada Milby ang pangulo ng Philippine Rugby na labis silang nagagalak sa tagumpay ng rugby team ng bansa.

VP Sara, out na maging isa sa mga caretaker ng Pinas habang nasa Lao PDR si PBBM

Posted on: October 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI kasama si Vice President Sara Duterte sa magiging caretaker ng Pilipinas habang na sa Lao PDR si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para dumalo sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits.
Sa katunayan sinabi ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez na ang mga tatayong caretakers ng bansa ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III at Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Si Bersamin ang tatayong chairman ng committee of caretakers.
”It is an Executive Committee chaired by ES, with Secretaries of Justice and Agrarian Reform as members,” ang sinabi ni Chavez.
Matatandaang, isa si VP Sara sa mga tumatayong caretaker ng bansa kapag wala ang Pangulo at nasa ‘state, official, at working visits’ ito sa ibang bansa.
Sa ulat, naging magkatambal at nanalo sa Eleksyon 2022 sina Marcos at Duterte sa ilalim ng Uniteam bilang presidente at bise presidente.
Itinalaga ni Marcos si Duterte bilang kalihim noong Department of Education (DepEd) noong June 2022.
Pero binitiwan ni Duterte ang naturang posisyon nitong nakaraang June dahil umano sa pakikialam nina Speaker Martin Romualdez at House Committee on Appropriations chair Rep. Elizaldy Co Itinanggi ni Co ang naturang paratang ni VP Sara na tinawag niyang “budol” o panloloko.
Inihayag ni VP Sara na hindi niya talaga kaibigan si Pangulong Marcos at nagkakilala lang sila nang magtambal para sa 2022 presidential elections.
Sinabi pa ni VP Sara na ang talagang kaibigan niya ay ang kapatid ni Marcos na si Senador Imee Marcos. (Daris Jose)

Employment rate sa Pinas, tumaas ng 96% noong Agosto

Posted on: October 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS ng 98% ang employment rate sa Pilipinas noong Agosto ngayong taon.

 

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na nakapagtala ito ng 95.6% sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.

 

Sinabi ni Mapa na ang resulta ng pinakabagong labor force survey ay nagpapakita na ang employment rate noong Agosto ay mas mataas kaysa sa naitalang 95.3% noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

 

Ang bilang ng mga ’employed Filipino’ noong Agosto 2024 ay 49.15 milyon, tumaas ang bilang ng mga employed persons noong Agosto 2023 na may 48.07 milyon at Hulyo 2024 na may 47.70 milyon.

 

Ang ‘top five industries’ na may malaking pagtaas ay ang ‘wholesale and retail trade (+1.13 million), public administration and defense (+678,000), accommodation and food service activities (+537,000), other service activities (+380,000), at transportation and storage (+342,000).’

 

Sinabi ni Mapa na ang Labor Force Participation Rate (LFPR) noong Agosto at 64.8% o 51.22 milyong Filipino na may edad na 15 taon at pataas na may trabaho o walang trabaho, tumaas mula sa 50.29 milyon noong Agosto ng nakaraang taon.

 

“The story basically is we have more female workers joining the labor force,” ang sinabi ni Mapa.

 

“Year-on-year between August 2023 and August 2024, about 1.03 million female workers joined the labor force and about 1.03 million were absorbed in the labor market, meaning they are employed. Most of them worked for more than 40 hours a week,” dagdag na wika nito.

 

Sa kabilang dako, ang unemployment rate ay bumagsak naman sa 4.0% mula sa 4.4% noong Agosto ng nakaraang taon at 4.7% naman ang naitalang noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

 

Ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho ay 2.07 milyon, mas mababa kaysa sa 2.22 milyon noong Agosto 2023 at 2.38 milyon noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

 

Ang bilang naman ng mga underemployed, o iyong mga nagpahayag na magkaroon ng karagdagang oras sa kasalukuyan nilang trabaho o karagdagang trabaho o bagong trabaho na may mababang oras ng trabaho ay nananatili sa 5.48 milyon, lumalabas na ang underemployment rate ay 11.2%, bumaba mula sa 11.7% noong Agosto 2023. (Daris Jose)